When I Was A Slave
Ameiry Savar
Blurb:
People say monsters only exist in nightmares.
Lyra discovered they wear expensive suits and rule empires built on blood.
Forced into the life she never wanted, she becomes tied to a man feared by everyone—a Mafia boss who takes what he wants and never asks twice.
She should hate him.
She should escape.
But the deeper she falls into his dangerous world, the more she realizes that surviving him may be harder than resisting him.
In a place where loyalty is bought, love is twisted, and freedom is an illusion—
What happens when the slave starts craving her chains?
Disclaimer!
Chapter 1
Lyra's POV
“Diyan na muna kayo, mga anak, ha? May bibilhin lang ako diyan sa labas,” paalam ko sa aking mga anak. Nagkulang kasi ang mga sangkap na kailangan ko para sa niluluto kong ulam.
Tiningnan ko si Rex, ang panganay na lalaki ko. Walong taong gulang na siya. Nakaupo siya sa sofa na nakatapat sa TV. Palipat-lipat ang tingin niya roon at sa bunso niyang kapatid, si Rhea, kakaisang taon pa lamang. Nasa loob siya ng isang playpen at naglalaro mag-isa.
Napangiti ako. Kahit bata pa lang si Rex ay talagang marunong na siyang tumayo bilang kuya sa kaniyang nakababatang kapatid.
“Opo, Mommy,” tugon ni Rex.
Kinuha ko na ang bag na paglalagyan ko ng mga pamimilhin ko. Maliit lamang ang aming baranggay. Nasa dulo lang niyon ang nagsisilbing palengke dito sa amin.
“Ang kapatid mo, Rex. Bantayan mong maigi. Baka naghanap ng gatas. Nandiyan sa lamesa. Isasalin mo na lang sa bote ang gatas,” paalala ko pa ulit.
“Yes, Mommy.”
Muli ko silang tiningnan na para bang ang matagal akong mawawalay sa kanila. Ang mga anak ko ang buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit nagpapatuloy akong mamuhay.
Tuluyan na akong lumabas ng bahay.
“I-lock mo muna rito. H'wag kang magpapapasok kapag hindi ako.”
Muling tumugon sa magalang na salita ang anak ko. Hinintay ko muna marinig ang pag-lock ni Rex sa pinto bago ako umalis ng bahay. Hindi naman ako nag-aalala na iwanan ang mga anak ko. Maliit lang ang barangay namin. Kaya halos lahat ng kapit-bahay ko ay mga kamag-anak ko lang din. Isang sigaw ng mga anak ko ay may lalapit agad upang tulungan sila.
Ang asawa ko, si Lemuel, ay nasa bukid. Iyon ang nag-iisang pangkabuhayan dito sa amin. Marami itong hinahawakang lupa. Kinokopra nito ang mga niyog doon. Kapag wala sa bukid ay kung ano-ano naman ang ginagawa nitong trabaho dito sa nayon para kumita lang.
Mahirap ang buhay, pero kinakaya namin dahil magkasama kami. Kaya heto ako, pinipilit na tumulong sa gastusin kahit na ayaw niya.
Araw-araw ay nagluluto ako ng mga ulam at meryenda na tinitinda ko. Madalas naman iyon maubos dahil sabi nila ay masarap akong magluto. Iyon din kasi talaga ang hilig ko, ang magluto.
Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa talipapa. Binili ko agad ang mga sangkap na kailangan ko pata sa lulutuin kong ginataang kalabasa. Bumili na rin ako ng sangkap para sa turon para mamayang hapon. Kompleto pa naman ang mga sangkap ko para sa iba kong paninda sa bahay kaya iyon lang ang binili ko.
Pagkatapos ko ay nagmamadali na akong naglakad ulit pabalik sa amin. Kahit na may tiwala ako sa mga kapit-bahay ko ay hindi pa rin ako nagtatagal na umaalis sa amin. Hindi ko kaya na iwanan sila ng matagal. Masyado akong paranoid para gawin iyon.
Tahimik ang paligid noong araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa hangin. Madalas kasi ay maingay sa kalsada kahit na tanghaling tapat. Pero ngayon? Parang lahat ng tao ay nasa loob ng kanilang bahay. Halos wala nga akong makitang tao sa labas.
Paliko na ako sa kanto papunta sa bahay namin. Natanaw ko na nga iyon. Ang maliit pero maayos naming bahay. Gawa iyon sa kahoy. Ang bubong ay gawa sa mahahabang dahon ng niyog. Maliit. Simple. Pero masaya.
Doon ko napansin ang tatlong kalalakihan na makakasalubong ko sa aking paglalakad. Napakunot pa ng kaunti ang noo ko dahil hindi sila pamilyar sa akin. Mula sa pustura ng mga ito at sa mga kilos. Ibang-iba iyon sa mga kagaya namin.
Napatitig ako sa lalaking nasa gitna na bahagyang nauuna. Siya kasi ang may pinakamalakas ang dating sa kanila. Nakasuot lang ito ng manipis na sweatshirt. Long sleeve iyon na hinila niya hanggang siko ang dulo. Ang kwelyo niyon ay nakabuka kaya kapansin-pansin ang tattoo nito sa loob. Kahit sa kaliwang braso nito ay may tattoo na hindi ko makita kung ano.
Habang papalapit kami sa isa't isa ay mas lumilinaw ang mukha nito sa akin.
Ang mga mata nitong may katamtamang laki ay napakagandang tingnan. Lalo na dahil sa makakapal nitong pilikmata. Higit sa lahat ang nga kulay niyon. Ngayon lamang ako nakakita ng tao na may kulay berdeng nga mata. Para itong hinugot palabas mula sa mga movie na napapanood ko sa internet. Ang ilong nito ay napakatangos, may maliit na tuldok sa kaliwa niyon, na saka ko lang napagtanto na isa pa lang hikaw. Ang kaniyang panga ay perpekto ang pagkakahulma na mas nakadadagdag ng kakaiba nitong presensya. Kwadrado, na sa tuwing umiikom ang bibig ay halata ang pagtatangis ng nga bagang niyon.
Matipuno rin ang pangangatawan nito. Ang mga braso niya ay tila ba naghihimutok sa suot nitong damit. Na para bang kaya ako nitong buhatin gamit ang isang braso lamang.
Hindi ko siya kalahi, iyon lang ang naisip ko. Mula sa berde nitong mga mata. Sa buhok nito na medyo brown na maayos na naka-wax. Sa panabamit. Sa paglalakad. Hindi sila tagarito. Mukha siyang Hollywood actor.
Hindi ko mapigilanh makaramdam nang panginginig ng tuhod kahit makakasalubong ko lang naman sila. Kaya gumilid ako sa kabilang kalsada upang hindi talaga sila makaharap. Lalo na iyong misteryosong lalaking iyon.
“If we developed this city well. We can earn so much, Mr. Moreau. This place could open up things for us,” ani ng lalaki na nasa kanan nito.
Muli kong tinapunan ng tingin ang tinawag nitong Mr. Moreau. Hindi nga ito Pilipino. Napaiwas ako bigla ng tingin noong mapansin ko na nakatitig din pala siya sa skin. Bigla akong kinabahan kaya mas umiwas pa ako. May kung ano sa kaniya na tila ba sy nagsusumigaw na dapat ko siyang iwasan.
Pinilit kong hindi sila pansinin. Pero napatigil ako bigla sa paglalakad noong may humawak sa braso ko at marahan akong hinila pabalik. Dahil sa gulat ay bahagya akong tumumba, pero imbes na sa kalsada, sa isang matigas na dibdib ako tumama.
Nanlaki ang mga mata ko at napatigil agad sa gumawa no'n sa akin. Nakahanda na ang galit kong mukha noong napagtanto ko na ang lalaki kanina ang may hawak sa akin. Hawak-hawak niya ako sa palapulsuhan ko. Habang ang isa niyang kamay ay nasa likod ko. Bigla akong nailang sa pwesto namin. Sobrang dikit kasi namin sa isa't isa. At noong sinubukan kong lumayo ay mas humigpit lang ang hawak niya sa akin.
“T-Teka! Bitawa—”
Napasinghap ako noong bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. Nakaramdam ako bigla ng kakaibang init na nagpatayo ng mga buhok ko sa batok.
Diyos ko! Ano ang ginagawa niya?!
Bumaba ang mukha niya sa may leeg ko. Marahan akong sininghot. Napakislot pa ako noong maramdaman ko ang labi niya na dumikit doon. Maging sa tainga ko. Ni hindi niya pinansin kahit na mamasa-masa iyon sa pawis.
“Your name,” ani niya.
Lalong nanginig ang tuhod ko dahil sa lalim ng kaniyang boses. Ngunit hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumiliti sa puson ko dahil ang sexy pa rin niyon pakinggan.
Mali ito. Bakit ako nakararamdam ng ganito?
Hindi ako nakaimik. Naiintindihan ko naman siya. Hindi ko lang maunawaan kung nagtatanong ba siya ng pangalan ko o ano. Para kasing inuutusan niya ako.
“L-Let me go—”
“Tell me your name.”
Napalunok ako. Nasa gitna kami ng kalsada. Mabuti na lang at wala akong nakikitang mga tao dahil kung hindi ay baka isipin nila na may milagro akong ginagawa sa katirikan ng araw. May asawa na ako!
“L-Lyra,” tugon ko na lamang. Tapos pilit ko siyang tinulak. Binitawan na naman niya ako noong masabi ko ang pangalan ko.
“Lyra...” bulong niya.
Salubong ang kilay na tiningnan ko siya. Nakangisi pa siya sa akin na para bang nang-uuyam siya. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang may gumawa no'n sa akin. Dahil sa inis ko ay hindi ako nagdalawang-isip na sampalin siya.
“You—”
Napaatras ako bigla noong biglang kumilos ang dalawa. Humawak pa ito sa likuran nila na para bang may huhugutin. Ngunit nagtaas lang bigla ng kamay ang lalaki at agad na umatras ang mga ito.
“Bastos!” ani ko.
Kinuha ko na ang bag at payong na dala ko. Nabitawan ko kasi iyon kanina. Tinapunan ko pa siya ulit ng masamang tingin. Ngunit tiningnan lang niya ako na para bang namamangha pa siya sa nangyari.
Hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng tao sa katirikan ng araw!
Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad na ulit. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang noong muli kong maramdaman ang maugat at matigas niyang braso na pumulupot sa baywang ko. Dumukit ang likod ko sa kaniyang dibdib, at naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa may tainga ko.
“We'll see each other again, Lyra.”
Chapter 2
Magmula noong makaharap ko ang lalaking 'yon ay naging balisa na ako. Pakiramdam ko palagi ay may mga matang nakatingin sa akin.
Malaki ang hinala ko na isa iyong baliw. Sino ba naman ang taong nasa matinong isipan ang biglang mangyayakap sa taong hindi naman nito kilala? Tapos hindi ko pa malimutan ang huli niyang sinabi.
'We'll see each other again, Lyra.'
Para iyong pagbabanta sa akin.
Hindi ko naman masabi rin kay Lemuel. Natatakot ako na baka iba ang maging dating niyon sa kaniya. Mabuti nga at mukhang wala talagang nakakita noong pangyayaring iyon. Wala pa akong naririnig na usap-usapan mula sa mga kapitbahay ko.
Hinihiling ko na lang talaga na hindi ko na ulit makita pa ang lalaking iyon.
Mr. Moreau.
Ang gwapo sana. Malakas ang dating. Kaso may sira sa ulo.
"Pabili nga ako ng turon mo, Lyra," ani Bebang. Isa sa mga kapitbahay ko.
Sa purok namin ay si Bebang ang pinakatsismosa. Kaya sa lahat ay siya talaga ang inaabangan ko na magsalita. Mabuti na lang at wala pa rin itong nababanggit.
"Oh."
Inabot ko sa kaniya ang apat na pirasong turon. Binigay niya naman agad ang bayad niya sa dalawampu.
"Nabalitaan mo na ba, Lyra?"
Bigla akong binundol ng kaba noong mag-umpisa siya ng tanong. Pero hindi ko pinahalata at pilit pa rin na kinalma ang sarili.
"Ano na naman 'yang tsismis mo, Bebang?" pabiro ko pang tanong. Pero sa loob-loob ko ay para nang may naghahabulang daga sa dibdib ko.
Napanguso si Bebang. Kumuha siya ng isang turon at kumagat doon.
"Diyan sa pantalan. Gagawan na raw ng pier."
Nangunot ang noo ko. Bahagya akong napanatag dahil hindi pala tungkol sa akin ang tsismis niya.
"T-Talaga? Paano? E maraming bahay doon."
"Iyon na nga e. Bali-balita na bibigyan daw ng malaking halaga ang mga nakatira doon sa pantalan para lang umalis. Pati lupa!" nanlalaki pa ang mga mata na sabi ni Bebang.
Napangisi ako.
"Edi maganda. Mukhang papaldo sila roon."
Tumawa si Bebang. "Sana nga. Kaso sayang naman. Dapat doon na lang nila lagyan ng pier sa may sea wall para hindi maapektuhan ang mga bahay dito."
"Ano ka ba? Mas okay na iyon. Tsaka maaabala sila kapag magkaroon na nga ng pier doon. Maingay na 'yon. Kahit nga dito sa atin iingay na rin dahil malapit tayo sa dagat."
Napalabi si Bebang.
"Sabagay. Tama ka rin. Pero nakita mo na ba 'yong pogi na magpapatayo ng pier diyan? Panay ikot daw dito sa atin. Ang pogi raw e. Green eyes!" kinikilig na sabi ni Bebang.
Doon na ako ulit kinabahan. Isa lang ang kilala ko na may berdeng mga mata.
Ang lalaking bastos na iyon. Si Mr. Monreau.
Napalunok ako. Marahan akong umiling.
"E-Ewan ko. Wala pa akong nakita."
"Naku! Kung makikita mo 'yon, baka ipagpalit mo na ang asawa mo! Ang tangkad!"
Napangiwi ako. Kung kagaya lang din naman ng lalaking iyon ang ipagpapalit ko sa asawa ko ay hindi na. Mas mahal ko pa rin ang tatay ng mga anak ko.
"Ewan sa 'yo! Diyan ka na nga muna at hapon na. Ilalabas ko na ang ihaw-ihaw ko."
"Ay sige go! Dito lang ako."
Tumalikod na ako sa kaniya. Pero hindi pa man ako nakakaalis sa pwesto ko para pumasok sa bahay namin ay narinig ko bigla ang tunog ng isang sasakyan. Pagtingin ko nga sa may kaliwa ay may nakita akong papalikong sasakyan. Hindi ko na lang iyon pinansin at tuluyan nang pumasok sa bahay namin.
Wala ang mga anak ko sa bahay dahil iniwan ko muna sila sa nanay ko. Kapag hapon ay iniiwan ko sila roon para makapag-focus ako sa pagtitinda.
Kinuha ko na ang ni-marinate kong mga karne sa loob ng ref. Nakahanda na kanina pa ang lamesa at pag-iihawan ko kaya hindi na ako mahirapan. Maging ang mga sauce ko.
Paglabas ko ng kusina ay halos mabitawan ko ang mga dala ko noong may makita akong lalaki na nakatayo sa loob ng sala namin at nakatitig sa picture frame na nakakabit sa pader. Family picture namin iyon na kinuha namin dito rin sa loob ng bahay namin noong mag-isang taon si Rhea. Nakapasok ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya. Pagtingin ko sa pinto ay nakasara na iyon kaya lalo akong kinabahan.
"S-Sino ka?" tanong ko.
Unti-unting lumingon ang lalaki sa akin. Nanlaki ang mga mata ko noong mapagsino ko ito.
"Hi, Lyra," nakangiting bati niya sa akin. Na para bang walang kakaibang nangyari sa amin noong isang araw. "Come on. Let's talk."
Napalunok ako. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Naging malikot na ang mga mata ko dahil naghahanap ako ng gagamitin kong panlaban sa kaniya.
Ngumiti siya lalo, ngunit ngayon ay hindi na iyon umabot sa kaniyang mga mata. Mga ngiti na tila ba ay nagbabadya ng hindi maganda.
"P-Paano ka nakapasok? Ano ang kailangan mo?"
Bahagyang nangunot ang makinis nitong noo.
"What? Sorry. I'm still learning your language. Were you asking how I entered your house?"
Marahan akong tumango. Ngumisi siya.
"Your door is open. I let myself in."
Napahinga ako nang malalim. Mukhang walang pakialam ang taong ito. Nataranta ako noong mag-umpisa siyang humakbang palapit sa akin. Umatras ako pabalik ng kusina. Ngunit dahil lubhang malaki siyang tao ay parang inilang hakbang lang niya ang pagitan namin. Mabilis niyang naabot ang dala ko at inagaw iyon. Pagkatapos ay hinawakan ako sa braso.
"B-Bitawan mo ako!"
Pilit kong inagaw ang kamay ko. Ngunit mahigpit na niya iyong hawak.
Inilapag niya sa cabinet na malapit sa amin ang dala kong tupper. Pagkatapos ay pilit niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa sofa. Pilit niya akong pinaupo roon. Tapos kinuha niya ang plastic na upuan at naupo sa tapat ko.
"I just want to talk with you," mariin niyang sabi.
Napasiksik ako sa likuran ko. Ang aking mga kamay ay nasa kandungan ko. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng shorts ko para itago ang panginginig ng mga kamay ko.
"S-Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko. Kahit ang boses ko ay nanginginig na sa takot.
Sinapo niya bigla ang baba ko at pilit na pinatingin sa kaniya.
Napakaganda sana ng kaniyang mga mata. Para iyong nangungusap. Ngunit alam ko na sa ilalim niyon ay ang isang mapanganib na pagkatao.
"I know you're confused now, Lyra. But you know... I'm just here to propose a deal with you."
Napalunok ako.
"D-Deal?"
Halos mapigil ko ang aking paghinga noong inilapit naman niya ang mukha sa akin. Naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Kahit ang matapang na alak na ininom nito.
"I want you... Lyra."
Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko. May kung ano na tila ba ay kumiliti sa aking tiyan. Natatakot ako. Pero hindi ko alam kung bakit nasasabik din ako. At ayaw ko man iyon tanggapin ay dahil iyon sa kaniya.
"Be my woman, Lyra."
Napalunok ako. Pinilit kong patapangin ang ekspresyon ko.
"Hindi ako isang bayaran. May asawa na ako!"
Bahagyang nangunot ang noo niya.
"Say it in English."
Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa baba ko. Pero hindi siya natinag. Hinawakan ko na ang kamay niya ngunit ginawa niya rin iyon sa akin. Nagulat pa ako dahil mas inilapit niya ang mukha sa akin kaya gahibla na lang ang layo ng labi ko sa kaniya. Nag-uuntugan na nga ang aming mga ilong dahil sa tangos ng kaniya.
"Talk to me in English, Lyra. Utter another Tagalog word in front of me, and I'll ravish you right here, right now."
Napaawang ang bibig ko. Gusto ko siyang murahin dahil sa kaniyang mga sinabi. Nang dahil lang sa magsasalita ako sa sarili kong lengguwahe ay pakikialaman niya ako?! Baliw talaga siya!
"O-Okay," tugon ko. Sa huli ay iyon ang nasabi ko. May asawa akong tao. Hindi ako pwedeng magpadala sa kaniya.
Ngumiti siya. Nakahinga ako nang maluwag noong inilayo na niya ang mukha sa akin.
"So, be my woman. And you'll have everything, Lyra. Your life will change."
Napalunok ako ulit.
"Y-Your woman? Sorry. But I already have a husband—"
Tumawa siya.
"Husband? You're not even married yet."
Namilog ang mga mata ko.
"What? I already have a family! Can't you see that picture?"
Nag-angat siya ng ulo.
"Well, I see that. But you're not married. Technically... You are single. I don't care if you have children anymore. I still want you to be mine."
Napaawang ang bibig ko.
"Are you crazy? Do you understand what you were saying?"
"I do."
"And you still insist that I should be your woman?"
"Of course. Maybe it's you who cannot understand me—"
"Baliw!" inis na sabi ko.
Naningkit ang mga mata niya. Sa isang iglap ay napigil ko ang paghinga ko. Bigla niya kasing hinawakan ang leeg ko at marahas akong isinandig sa sandalan ng inuupuan ko. Napadaing pa ako dahil nauntog ang ulo ko sa pader.
"Ahh!"
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at pilit na inalis ang kaniyang kamay. Ngunit mas humigpit lang iyon. Nataranta pa ako lalo noong inilapit niya ang mukha sa akin.
"I warned you, Lyra," ani niya sa mahinang boses.
Pagtingin ko sa mga mata mata niya ay bahagyang nagdilim ang kaniyang berdeng mga mata. Na malamig na nakatitig sa akin. Bigla ring naging blangko ang kaniyang ekspresyon na nakapagdagdag ng takot sa akin.
"B-Bitawan mo ako—"
Napasinghap na lang ako noong bigla niyang sinakop ang mga labi ko.
Chapter 3
Alam ko na hindi ko dapat ito maramdaman. May asawa na ako. Dapat ay hindi ko na abalahin pa ang sarili ko sa mga pakiramdam na hindi dapat para sa kagaya ko na may pamilya na.
Ngunit hindi ko alam kung bakit magmula noong maramdaman ko ang mapupula at malambot niyang labi ay parang may nagbago sa akin. Ang kaniyang malaki at malambot na kamay sa aking leeg. Na imbes na matakot ay tila ba parang nagpapabuhay pa ng aking dugo.
Mali ito. Hindi tama ito. Siguro ay nahahawaan na ako ng pagkabaliw dahil sa kaniya.
"Mahal, may bumisita daw sa 'yo. Ano 'yon?" tanong ni Lemuel.
Gabi na niyon. Tapos na ako magtinda. Nakauwi na si Lemuel. Wala na si Marius, si Mr. Monreau. Ang estranghero na baliw na nagkakagusto sa akin.
"Ahm, wala. Nagbebenta ng mga paninda," pagsisinungaling ko.
Sa unang pagkakataon ay nasinungaling ako sa asawa ko.
"Paninda? Ano naman?"
"Mga kung ano-ano lang. Kaso tinanggihan ko. Ang mahal kasi. Isa pa, wala naman akong puhunan pang sari-sari store."
Napatango-tango si Lemuel.
"Sige. Ikaw ang bahala."
Napatayo ako bigla noong maalala ko ang mga sinabi ni Marius. Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin ang mag-aama ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni Lemuel.
Napakurap-kurap ako. "Ahm. Ano... Ah. Sige. Kumain lang kayo."
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa banyo. Doon ay huminga ako nang malalim at naghilamos.
"You don't have a choice but to agree to what I want, Lyra. I don't accept no for an answer. I want you."
"I already have a family!"
"Well, I can fix that for you if that was the reason you were hesitating to agree to me."
"You, monster!"
Nasapo ko ang aking dibdib at unti-unting nangilid ang mga luha. Kung bakit sa dinami-raming mga tao sa mundo ay sa akin pa ito nangyari? Bakit ako pa? Sa pamilya ko pa?
Hindi ko kilala si Marius. Ngunit presensya pa lang nito ay alam ko, isa na itong mapanganib na tao. At alam ko na kung hindi ko tanggapin ang inaalok niya ay maaring manganib ang pamilya ko. Pero mali iyon. Hindi ko kaya.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Ang asawa ko. Sa ilang taon na pagsasama namin ay hindi niya ako pinakitaan ng masama. Ni hindi niya ako pinagtataasan ng boses kahit na alam ko na nauubusan na rin siya ng pasensya sa akin.
Si Lemuel na ata ang pinakamapagmahal at pasensyosong tao na nakilala ko.
Kaya mali. Hindi dapat ako magpadala sa takot ko. Dapat mas piliin ko ang pamilya ko.
Noong gabi na nakahiga na kami ay muli kong tiningnan ang inabot sa akin ni Marius. Tulog na si Lemuel na nakahiga sa tabi ko. Maging ang bunso namin na nasa kabila ko. Si Rex ay may sarili ng silid.
Ang kapal ng tig-iisang libo na nakalagay sa isang brown na sobre. Mayroon pa roong black card na maari ko raw gamitin.
Hindi ko maiwasang kilabutan dahil parang binibili na niya ako. Kung iisipin ay tapos na lahat ng problema ko kung sakali na tanggapin ko ang kagustuhan niya. Pero ayaw ko. Hindi ako papayag na babuyin niya ang pagkatao ko.
Muli akong tumabi sa tabi ni Lemuel. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko kakayanin na lokohin siya. Na saktan siya. Masyadong mabuti ang kaniyang puso para gawin ko iyon sa kaniya. Kaya kinausap ko rin siya na umalis na lang muna kami at magpunta sa ibang lugar.
Iyon ang naisip kong solusyon para sa aming problema.
Kinabukasan ay naging normal ulit ang buhay ko. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko dahil sa banta ni Marius. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay susulpot na naman siya upang takutin ako.
"Lyra! Lyra! Diyo ko! Nasaan ka na ba?!"
Napatingin ako sa sala namin noong marinig ko ang nagpa-panic na boses na papasok sa bahay namin. Pagtingin ko ay si Bebang iyon na humahangos.
"Bebang? Bakit? May problema ba?"
"Diyos ko! Ang asawa mo! Nakita sa bukid! Naghihingalo!"
Napamaang ako. Mabilis kong binitawan ang hawak kong karne at tumakbo palabas ng bahay.
"Nasaan siya?!" tanong ko.
"Naroon na at binubuhat mula sa bukid. Dalian mo! Dadaanan ka nila sa kalsada! Ako na muna ang bahala sa mga bata!"
Tumango ako. Hindi ko na inintindi pa kung ano ang hitsura ko. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kalsada. Hindi na nga ako naghintay roon. Lumakad na ako sa direksyon papunta sa bukid kung nasaan ang asawa ko.
Ilang sandali pa ay may natanaw na akong minivan na papalapit sa direksyon ko. Kinaway ko agad ang kamay ko. Tumigil sila agad sa harapan ko. Nakita ko roon ang ilang mga ka-barangay namin na tumulong kay Lemuel. Pagpasok ko sa loob ay halos manlumo ako noong makita ko ang hitsura ni Lemuel.
Putok ang kaliwang mata nito na nangingitim na ang palibot. Ang gilid ng labi niya ay putok at may tumutulo pang dugo. Bakas ang sugat sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
"A-Ano ang nangyari, Paeng?" nanginginig ang boses na tanong ko. Si Paeng ang kasama ni Lemuel sa pagkokopra.
Napailing si Paeng.
"Hindi ko alam, Lyra. Naghahakot na ako ng mga niyog noong marinig ko na lang ang sigaw niya. Pinuntahan ko naman siya agad. Nakita ko na may ilang mga lalaki na papatakbo palayo sa kaniya. Nakita ko na si Pare na nakahandusay sa lupa at bugbog sarado na."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Muling nangibabaw ang boses ni Marius sa aking isipan.
"I'll kill them. Especially your precious boyfriend, just for you to agree to me. I won't hesitate to remove any obstacles to you being mine. Because I want you, Lyra."
Chapter 4
Titig na titig ako kay Lemuel habang nahihimbing pa rin siya sa hospital bed. Lalo akong nakaramdam ng awa dahil sa sinapit niya dito.
Binugbog ito ng mga hindi kilalang tao. Mga tao na malaki ang hinala ko na padala ni Marius.
Naikuyom ko ang aking mga palad at nakagat ko ang labi. Nasa isang ward kami, kaya pinigil ko nang maigi ang sarili kong umiyak. Itong nangyari kay Lemuel ay isang babala mula sa kaniya.
Diyos ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw kong magkasala sa asawa ko, pero mas ayaw ko namang mawala ang asawa ko. Ang tatay ng mga anak ko. Hindi ko na alam. Para akong mababaliw dahil sa matinding pagkalito sa dapat kong gawin.
Noong hindi pa rin nagkakamalay si Lemuel ay minabuti ko na manghingi ng tulong sa kapatid niya upang magbantay sa kaniya. Umuwi naman muna ako upang asikasuhin ang mga bata. Hinanda ko ang mga gamit nila. Ang gatas ni Bunso. Ang kanilang panggastos. Pagkatapos ay dinala ko sila sa bahay ng aking ina upang manatili muna sila roon habang nasa ospital kami.
Matapos kong masiguro na maayos lamang sila ay bumalik na rin ako agad sa ospital. Gising na si Lemuel noong makabalik ako. Mas lalo akong naawa sa kaniya dahil halos hindi siya makapagsalita sa pamamaga ng kaniyang mukha. Hindi na nga muna siya pinakain ng solid foods dahil hindi rin siya makanguya.
Bakit sa asawa ko pa ito nangyari? Kung ako ang gusto ni Marius, bakit hindi na lang ako ang sinaktan niya?
Inabot ng ilang araw si Lemuel sa ospital. Kahit noong nasa bahay na kami ay kinailangan ko pa rin siya alalayan dahil sa tama na kaniyang tinamo.
"Pasensya ka na, Mahal. Hindi ko pa kayang magtrabaho," malungkot na sabi ni Lemuel.
Tiningnan ko siya. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Tulog na ang mga bata dahil pinauna ko sila. Kailangan ko pa rin kasing alalayan si Lemuel sa pagkain.
"Ayos lang iyon, Mahal. H'wag kang mag-alala. Makakaraos din tayo."
"Pero nahihirapan ka na. Naawa na ako sa 'yo, Mahal."
Napabuga ako ng hangin. Magmula kasi noong hindi nakapagtrabaho si Lemuel ay ako na ang kumayod para sa amin. Kung noon ay nagtitinda lang ako ng mga paninda. Ngayon ay naglalaba na rin ako. Natuto na rin ako na pumunta sa bukid para kumuha ng mga inoorder sa aking mga halamang-ugat.
Sa isang iglap lang ay hindi ko na nga nakilala ang sarili ko. Iyong dati na makinis kong balat kahit na morena ay lalong nangitim. Hindi na rin ako nakakapag-lotion. Kahit nga suklay ay hindi na kilala ng buhok ko. Pero lahat ng iyon ay bukal sa puso na ginagaw ako. Noong malakas naman si Lemuel ay halos hindi rin siya makapagpahinga para lang maibigay ang mga pangangailangan namin.
Matipid akong ngumiti.
"Ayos lang ako, Mahal. H'waag kang mag-alala."
Natahimik ako saglit.
"Pero... May gusto sana akong ipaalam, Mahal. Balak ko kasing magtrabaho bilang kasambahay."
Nangunot ang noo ni Lemuel.
"Ha? Bakit naman?"
"Mahal, kasi. Malapit na ang pasukan. Wala pa tayong gamit ni Rex. Si Bunso, lumalaki na rin. Naisip ko na mas maigi siguro na mag-apply na lang muna ako bilang katulong."
Nag-iwas ng tingin si Lemuel. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Ayaw kasi nito na magtrabaho ako. Mas gusto lamang nito na manatili lang ako sa bahay para matutukan daw ang mga anak namin.
"Paano ba 'yon? Doon ka titira?"
Malungkot akong tumango.
"Oo. Pero may day off naman. Tuwing linggo ay pwede akong umuwi."
Napabuga ng hangin si Lemuel.
"Ayaw ko sana, Mahal."
"Pero, Mahal. Kailangan natin ito. Nahihirapan na rin ako maghanap ng pera para sa gamot mo. Ang gastusin pa sa bahay. Ito na lang talaga ang nakikita kong paraan para makayanan natin ito," giit ko.
Matagal bago sumagot ang asawa ko. Nagpatuloy lamang siya kumain kaya ganoon din ang ginawa ko.
Kung tutuosin ay ayaw ko rin naman na gawin ito. Ngunit wala akong ibang pagpipilian. Talagang kahit triplihin ko na ang sipag ko ay kulang pa rin ang kinikita ko para lang makayanan namin ang pang araw-araw na gastusin.
"Sige," tugon ni Lemuel makalipas ang ilang sandali. "Papayag ako. Pero hanggang sa magawa ko na ulit makakilos at makapagtrabaho."
Hindi ko alam kung mas malulungkot ako dahil sa pagsang-ayon ni Lemuel. Pero marahan akong tumango at pinilit na ngumiti.
"Salamat, Mahal."
—
Hinanda ko na agad ang mga dadalhin kong gamit para sa pagpunta ko sa malaking bahay na aking pagtatrabahuan bilang isang katulong.
Pinatira ko muna sa bahay namin ang nanay ni Lemuel para may magbantay sa mga bata. At para may makatulong na rin si Lemuel.
Noong masiguro ko na maayos na ang lahat sa bahay ay nagbyahe na ako papunta sa bahay na aking pagtatrabahuan. Hindi naman iyon kalayuan. Nasa kabilang barangay lang ang mansyon. Kung tutuosin ay malapit lang sana. Pwede akong mag-uwian kung gugustohin ko. Ngunit mas pinili ko ang ganito.
Sa kabilang baranggay. Sa dulo niyon kung saan wala na masyadong mga bahay dahil halos sinakop na iyon ng may-ari ng lupa. Nakatayo ang isang napakalaking mansyon. Marami ang nagsasabi na ang swerte raw ng makakapasok doon dahil lahat ng naroon ay elegante. Ngunit para sa akin, isa itong madilim na hantungan.
Tinitigan ko ang mataas na bakal na gate. Sa entrance palang niyon ay nakita ko na ang mga lalaking mga banyaga na may nakasukbit na mga baril. May lumabas agad upang harangin ako.
"Who are you? You came to a wrong place," ani ng lalaki.
Marahan akong umiling. Humigpit ang hawak ko sa dala kong bag, at huminga nang malalim.
"I'm Lyra Montero. Mr. Marius Monreau is expecting me," tugon ko.
Nagkatinginan ang mga ito. May isa na pumasok sa loob ng isang maliit na silid. Muli itong lumabas at tumango sa lalaking nasa harapan ko. Ilang sandali pa ay bumukas na ang malaking pinto.
"A car will fetch you. You can wait here," ani nito.
Tumango ako. Hindi na ako sumagot dahil ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko. Parang nagdalawang-isip ako bigla na tumapak sa loob ng teritoryo niya. Dahil alam ko. Sa oras na gawin ko iyon ay hindi na ako makababalik pa sa datin kong buhay.
Ngunit kailangan ko ito. Wala akong ibang nagawa kundi ang pikitmata na humakbang at pumasok na sa loob ng gate.
Chapter 5
"I'm glad you came," ani Marius.
Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng suot bestida. Nakaupo na ako sa isang malambot na upuan at nakaharap kay Marius na panay ang lagok sa hawak niyang shot glass.
Huminga ako nang malalim.
"Wala naman akong pagpipilian," malungkot na sabi ko. "Ikaw ba ang may gawa no'n sa asawa ko?"
Napaarko ang isang kilay niya.
"Were you asking if I did that to your... Boyfriend?"
Naningkit ang mga mata ko.
"Asawa ko siya."
"I don't see a ring in your finger, My Lyra. If he really wants you, bakit hindi ka niya pinakasalan?" tugon niya. Nahirapan pa siyang sabihin ang salitang Tagalog, pero naunawaan ko naman iyon.
Para akong sinampal dahil sa kaniyang tanong. Sampung taon na kaming nagsasama ni Lemuel. Napag-uusapan namin ang tungkol sa kasal. Ngunit sadyang mahirap ang buhay sa probinsya kaya ipinagliban muna namin iyon.
May plano naman kami. Inuuna lang namin ang mga pangangailangan ng pamilya namin.
"Mahal ako ng asawa ko," mariin kong sabi.
Unti-unting naging delikado ang mga ngiti nito. Bahagya ring naningkit ang mga mata nito.
"I don't care. But this will be the last time that you will talk about him inside this house. You will not like what will happen next if you did."
Napalunok ako dahil sa banta niya. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko rin kasi matagalan ang kaniya dahil para akong natutunaw sa mga titig niya.
Napaatras ako sa kinauupuan ko noong bigla siyang tumayo. Lumapit siya sa akin at tumigil sa harapan ko. Inabot niya ang baba ko at marahang inangat ang ulo ko.
Nakatitig na naman sa akin ang berde niyang mga mata. Punong-puno iyon nang matinding pagnanasa na halos mag-apoy na dahil sa pagkasabik. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil mga titig pa lang niya ay parang gusto na niya akong hubaran.
"Tell me, Lyra. Does he satisfy you in bed?"
Napakurap-kurap ako. Hindi ko inaasahan ang tanong niya.
"H-Ha?"
"Answer me. Does your he satisfy you in bed?"
Muli akong napalunok. Nauunawaan ko naman ang ibig niyang sabihin. Ngunit hindi ko lang alam paano siya sasagutin.
Kung tungkol naman sa pakikipagniig sa aking asawa ay masasabi ko naman na nakokontento ako. Kaya nga nakabuo kami ng dalawang anak. Hindi pa ba sapat iyong sagot?
Napasinghap ako noong bigla niyang inilagay ang palad niya sa leeg ko. Lalo tuloy akong napatingala sa kaniya. Sa lapad ng kaniyang palad ay saktong-sakto lang iyon sa leeg ko. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya. Ngunit hindi ko alam kung bakit imbes na matakot ay nagbigay iyon nang kakaibang sensasyon sa akin.
Naramdaman ko agad na parang may kung anong namuo sa aking puson.
"Does he make you moan when he fuck you? Make you cry for more?"
Para nang may nakabara sa aking lalamunan. Unti-unti na ring bumibigat ang paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang sexy niya bigla sa aking paningin. Para akong nahahalina sa delikado at gwapo nitong mukha.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko noong maramdaman ko na lang ang hinlalaki niya na humahaplos sa labi ko. Nakasapo pa rin ang kamay niya sa leeg ko, ang natitirang daliri niya sa may batok ko. Habang marahan niyang hinahaplos ang labi ko.
Hindi ako nakaangal noong bigla niyang ipinasok sa bibig ko ang hinlalaki niya. Bahagya pa akong napaungol dahil sa gulat. Para namang may kung anong nabuhay sa kaniya dahil sa mahinang tunog na kumawala sa akin.
Tuluyan niyang ipinasok ang hinlalaki sa bibig ko. Hindi niya inalintana kahit na nabalot na iyon ng laway ko. Bagkus ay pinaglaro niya pa iyon sa aking dila.
"A-Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko. Hirap na hirap akong banggitin iyon dahil sa nasa loob pa ng bibig ko ang daliri niya.
Hindi niya ako pinansin. Patuloy lamang niyang pinaglaro ang hinlalaki niya sa dila ko. Hanggang sa napalitan na iyon ng hintuturo niya. Hindi pa siya nakontento dahil pati ang gitnang daliri niya ay pinasok din sa bibig ko.
Napasandal na ako sa upuan at mahigpit na kumapit sa arm rest.
Gusto ko siyang itulak at patigilin. Pero parang may sariling isipan ang katawan ko na nanatili lamang na nakaupo at nalilitong tiningnan siya. Hindi ko rin alam kung bakit parang may kung anong nabubuhay sa loob ko. Unti-unting nag-iinit ang pakiramdam ko kahit na centralized naman ang aircon sa loob ng mansyon na ito. Lalo ring bumigat ang paghinga ko na para bang may dumadagan na sa dibdib ko.
"Does he just fuck you and stop? Tell me, Lyra. Do you want more?"
Napakurap-kurap ako. Hindi ko pa rin alam ang isasagot sa tanong niya. Para na akong nadadarang dahil sa kakaibang pakiramdam.
Dalawa na ang anak namin ni Lemuel. Mainit naman ang mga gabi namin. Pero hindi ko alam kung bakit parang naninibago ako. At nakakatakot mang aminin... Nagugustuhan ko ang ginagawa sa akin ni Marius.
Napaungol ulit ako noong maramdaman ko ang palad niya sa hita ko. Tinigil na niya ang paglalaro sa dila ko. Nakaluhod na siya sa akin at marahang ibinubuka ang mga hita ko. Ang mga mata niya na nag-aapoy sa pagkasabik ay hindi inaalis sa akin. Ang mga haplos niya na parang may dumadaloy na kuryente sa katawan ko. Lahat ng iyon ay nananalaytay papunta sa puson ko.
"Ahm..."
Napakislot ako noong dinampian niya ng halik ang hita ko. Hindi ko na namalayan na nakataas na pala ang bestida ko. May suot naman akong maiksing short, pero sobrang iksi niyon na hindi manlang umabot sa kalahati ng hita ko.
Lalong bumibigat ang paghinga ko habang patuloy niyang hinahalikan ang hita ko. Mga mumunti at saglit na mga halik na unti-unting nagpapabaliw sa akin.
Napatingala na ako noong maramdaman ko na ang kamay niya na pumasok sa short ko. Napaungol ako ulit noong maramdaman ko na ang daliri niya sa bukana ko.
"S-Sandali—"
Muling kumawala ang malakas na ungol sa aking bibig noong bigla niyang ipinasok ang isa niyang daliri sa aking bukana.
"You're so wet, Lyra," marahang sabi ni Marius.
Nakagat ko ang aking labi at bahagyang tumirik ang aking mga mata noong dinagdagan niya pa iyon ng isa pa.
"Ohh..."
"There. Moan, Lyra..."
Parang lalo akong nabaliw noong binanggit niya ang pangalan ko. Nagmistula iyong musika sa aking pandinig na mas lalong nagpadagdag ng aking pagkasabik. Bumilis din ang galaw ng kaniyang mga daliri.
Labas. Masok. Dinagdagan niya pa iyon ng isa pa kaya mas nakaramdam pa ako nang kakaibang sarap.
Ang sarap. Wala akong ibang maisip. Para na akong nadadarang dahil sa matinding init na aking nararamdaman.
Tinitigan ko si Marius. Nakatingin lang siya sa akin na bahagyang nakangisi. Ang mga mata niya ay puno ng pagnanasa at pagkamangha. Sa tuwing napapaungol ako ay parang may kung anong kumikislap sa mga mata niya.
Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako na para akong maiihi. Muli kong isinandig ang ulo ko sa sandalan habang bahagyang nakaawang ang bibig. Ang mga mata ko ay muling napatirik.
Napakaradap. Sa ilang taon na may asawa ako ay parang ngayon lang ako nakaramdam nang ganito. Ngayon lang ako nakaramdam na para akong mababaliw dahil sa sarap. Ngayon lang ako napaungol nang malakas.
Pero habang unti-unti na akong nahuhulog dahil sa masarap na sensasyong naramramdaman ko ay biglang tumigil sa paggalaw si Marius. Naimulat ko bigla ang mga mata ko at nalilitong tiningnan siya. Mas lalo lamang napangiti si Marius.
"Do you like it?" tanong niya.
Hingal na hingal ako habang nakatitig sa kaniya. Gusto ko siyang sagutin ng oo, pero mas nangingibabaw ang pagkabitin na nararamdaman ko.
Napalunok ako noong inilapit ni Marius ang daliri na ipinasok niya sa akin sa kaniyang bibig. Bigla niya iyong sinubo at dinilaan na parang ice cream.
Napakurap-kurap ako. Lalong sumakit ang puson ko dahil sa kaniyang ginagawa.
"You tasted sweet, Lyra."
Noong tumayo siya ay mas lalo akong nagtaka. Ngumisi siya ulit.
"Why? Bitin ka ba?"
Umawang ang bibig ko. Gusto ko siyang sagutin ng oo. Pero may kung ano na pumipigil sa akin na sagutin siya.
Napasandig ako ulit noong bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. Nararamdaman ko na ang mainit niyang paghinga na tumatama sa aking balat.
"No, Lyra. I can't let you release it now. That's your punishment for thinking about your worthless boyfriend."
Napamaang ako. Doon ako biglang natauhan.
Paano ko nagawa ito? Bakit... Bakit parang nagustuhan ko iyon? May asawa na ako. Mali ito. Hindi ko siya dapat hinayaang bastusin ako!

