Why I started writing at Blogger?
Since I learned that I could write online, I've been dreaming of having my own website where I can put all the stories written by me. Then I learned about Wattpad, aminin na natin na maganda naman magsulat sa Wattpad. Maraming mga nakilala roon at umaasa na magiging kilala rin. But there is something more na gusto ko pang makuha. Oo na, mahirap ako ma-satisfied. xD At mahirap kapag hindi 'patok' ang story na sinusulat mo.
Pandemic era no'ng nalaman ko ang mga tungkol sa 'online writing platforms' na nagbabayad sa mga aspiring writers kagaya. Sabi ko sa sarili ko, eto ang gusto. Ito ang hinahanap ko. Kaso nagkaroon din ng problema.
Around Nov. 2022 noong maisipan kong buksan ulit ang blogger account ko. Kakaalis ko lang nito sa isang platform na naging exclusive writer ako.
Now, ano nga ba ang Pros and Cons sa pagsusulat sa blogger?
Pros.
1. Hawak mo ang copyright ng stories mo.
Ito na ata ang pinaka problema ng lahat ng writer na nakilala ko. Ang 'copyright' ng story nila. Having it in one 'site' na nakapangalan sa 'yo ay pag-aari mo iyon. Pwede mong i-post kahit saan ang story mo. Sa Youtube, sa Facebook, ipakontrata ng non-ex sa mga writing platforms. Name it. Basta sa 'yo ang story mo.
2. Wala kang kahati sa benta mo.
Kagaya sa mga publishing house, ang pagsusulat online writing platforms ay may revenue share. May certain percentage ka lang na makukuha sa mga ibinayad ng readers mo sa story mo. May iba na hati, mayroong mas malaki ang nakukuha ng mga writers, at mayroon naman na halos kapiranggot na lang ang sa writers.
Unlike sa sarili mong site, ang benta o kita mo sa story mo ay ikaw lang ang kukuha. Ang sarap sa pakiramdam kahit kaunti lang.
3. Mas madali kang mahanap ng mga magiging readers mo.
Dahil sarili mong blog ito, lahat ng story mo ang narito. Hindi na mahihirapan ang readers mo na hanapin kung saan-saan ang stories mo.
4. Pwedeng ma-monetized ang blog mo.
Isa sa mga nagustuhan ko sa blogger ay free na nga ito, pwede pang ma-monetized ang site ko. Pwedeng lagyan ni Google ng ads ang blogsite ko at sa bawat views na makukuha ko ay may kikitain ako. 'Di ba ang galing? xD
Medyo matagal nga lang, at ako mismo ay hindi pa na a-approve. haha
Cons.
Now, kung may Pros, meron ding Cons.
1. Plagiarist.
Yes, number 1 natin ito. Kung mahina ang security ng blogsite mo or site mo. Madaling makukuha ng mga magnanakaw ang stories mo. Madaling mako-kopya at maipapasa sa iba. Worst, mabibenta nila.
Sa blogging, marami na talaga ang mga magnanakaw ng content. Lalo na kung sa kagaya natin na mga fiction writers. Ang daming pwedeng gawin sa stories natin.
2. Time-consuming.
Sobrang nakakapagod ang pag-uumpisa ng blog. Kasi lahat ay ikaw ang gagawa. Tapos mahihirapan ka pang kumuha ng mga recources para mas mapaganda ang blog mo. Dahil halos lahat ay hindi nagana. Believe me, wala pa sa 5% ang mga resources nakita ko na talagang nagana. Haha!
Tapos kailangan mo pang magsulat ng updates para may mabasa ang mga readers mo.
3. Walang readers
Dahil nga sarili mo itong site unlike sa mga writing platforms, wala ka talagang readers. Kailangan mo pang i-share ang site mo sa social media accounts mo para mahanap mo ang readers mo. Kailangan mong i-workout ang lahat para lang magkaroon ka ng readers mo. And hopefully, mag-stay sila sa 'yo.
Nakakapagod talaga sa umpisa lalo na kung wala kang resources. Wala kang pera para magbayad sa gagawa ng site mo or mag-aayos. Poor tayo kaya free lang lahat. Haha!
Pero in the end? Sobrang worth it. Lalo na kapag nakikita mong unti-unti nang nagkakaroon ng result ang mga pinaghirapan mo.
;
Informative blog.
ReplyDeleteKeep on promoting lang. Dadami rin kami.😁
Salamat te ❤️
DeleteTama! Lahat naman nagsisimula talaga sa umpisa. Kapag lumaki na talaga ang fan base, doon na ang simula. Wala ka pang kahati.
ReplyDeleteSa true langs haha
DeleteAng bongga nitong info me be. Keep going lang tayo!
ReplyDeleteTrue te! Laban! Haha
Deletelavarn lang!
ReplyDelete