⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 2
When I Was A Slave
Magmula noong makaharap ko ang lalaking 'yon ay naging balisa na ako. Pakiramdam ko palagi ay may mga matang nakatingin sa akin.
Malaki ang hinala ko na isa iyong baliw. Sino ba naman ang taong nasa matinong isipan ang biglang mangyayakap sa taong hindi naman nito kilala? Tapos hindi ko pa malimutan ang huli niyang sinabi.
'We'll see each other again, Lyra.'
Para iyong pagbabanta sa akin.
Hindi ko naman masabi rin kay Lemuel. Natatakot ako na baka iba ang maging dating niyon sa kaniya. Mabuti nga at mukhang wala talagang nakakita noong pangyayaring iyon. Wala pa akong naririnig na usap-usapan mula sa mga kapitbahay ko.
Hinihiling ko na lang talaga na hindi ko na ulit makita pa ang lalaking iyon.
Mr. Moreau.
Ang gwapo sana. Malakas ang dating. Kaso may sira sa ulo.
"Pabili nga ako ng turon mo, Lyra," ani Bebang. Isa sa mga kapitbahay ko.
Sa purok namin ay si Bebang ang pinakatsismosa. Kaya sa lahat ay siya talaga ang inaabangan ko na magsalita. Mabuti na lang at wala pa rin itong nababanggit.
"Oh."
Inabot ko sa kaniya ang apat na pirasong turon. Binigay niya naman agad ang bayad niya sa dalawampu.
"Nabalitaan mo na ba, Lyra?"
Bigla akong binundol ng kaba noong mag-umpisa siya ng tanong. Pero hindi ko pinahalata at pilit pa rin na kinalma ang sarili.
"Ano na naman 'yang tsismis mo, Bebang?" pabiro ko pang tanong. Pero sa loob-loob ko ay para nang may naghahabulang daga sa dibdib ko.
Napanguso si Bebang. Kumuha siya ng isang turon at kumagat doon.
"Diyan sa pantalan. Gagawan na raw ng pier."
Nangunot ang noo ko. Bahagya akong napanatag dahil hindi pala tungkol sa akin ang tsismis niya.
"T-Talaga? Paano? E maraming bahay doon."
"Iyon na nga e. Bali-balita na bibigyan daw ng malaking halaga ang mga nakatira doon sa pantalan para lang umalis. Pati lupa!" nanlalaki pa ang mga mata na sabi ni Bebang.
Napangisi ako.
"Edi maganda. Mukhang papaldo sila roon."
Tumawa si Bebang. "Sana nga. Kaso sayang naman. Dapat doon na lang nila lagyan ng pier sa may sea wall para hindi maapektuhan ang mga bahay dito."
"Ano ka ba? Mas okay na iyon. Tsaka maaabala sila kapag magkaroon na nga ng pier doon. Maingay na 'yon. Kahit nga dito sa atin iingay na rin dahil malapit tayo sa dagat."
Napalabi si Bebang.
"Sabagay. Tama ka rin. Pero nakita mo na ba 'yong pogi na magpapatayo ng pier diyan? Panay ikot daw dito sa atin. Ang pogi raw e. Green eyes!" kinikilig na sabi ni Bebang.
Doon na ako ulit kinabahan. Isa lang ang kilala ko na may berdeng mga mata.
Ang lalaking bastos na iyon. Si Mr. Monreau.
Napalunok ako. Marahan akong umiling.
"E-Ewan ko. Wala pa akong nakita."
"Naku! Kung makikita mo 'yon, baka ipagpalit mo na ang asawa mo! Ang tangkad!"
Napangiwi ako. Kung kagaya lang din naman ng lalaking iyon ang ipagpapalit ko sa asawa ko ay hindi na. Mas mahal ko pa rin ang tatay ng mga anak ko.
"Ewan sa 'yo! Diyan ka na nga muna at hapon na. Ilalabas ko na ang ihaw-ihaw ko."
"Ay sige go! Dito lang ako."
Tumalikod na ako sa kaniya. Pero hindi pa man ako nakakaalis sa pwesto ko para pumasok sa bahay namin ay narinig ko bigla ang tunog ng isang sasakyan. Pagtingin ko nga sa may kaliwa ay may nakita akong papalikong sasakyan. Hindi ko na lang iyon pinansin at tuluyan nang pumasok sa bahay namin.
Wala ang mga anak ko sa bahay dahil iniwan ko muna sila sa nanay ko. Kapag hapon ay iniiwan ko sila roon para makapag-focus ako sa pagtitinda.
Kinuha ko na ang ni-marinate kong mga karne sa loob ng ref. Nakahanda na kanina pa ang lamesa at pag-iihawan ko kaya hindi na ako mahirapan. Maging ang mga sauce ko.
Paglabas ko ng kusina ay halos mabitawan ko ang mga dala ko noong may makita akong lalaki na nakatayo sa loob ng sala namin at nakatitig sa picture frame na nakakabit sa pader. Family picture namin iyon na kinuha namin dito rin sa loob ng bahay namin noong mag-isang taon si Rhea. Nakapasok ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya. Pagtingin ko sa pinto ay nakasara na iyon kaya lalo akong kinabahan.
"S-Sino ka?" tanong ko.
Unti-unting lumingon ang lalaki sa akin. Nanlaki ang mga mata ko noong mapagsino ko ito.
"Hi, Lyra," nakangiting bati niya sa akin. Na para bang walang kakaibang nangyari sa amin noong isang araw. "Come on. Let's talk."
Napalunok ako. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Naging malikot na ang mga mata ko dahil naghahanap ako ng gagamitin kong panlaban sa kaniya.
Ngumiti siya lalo, ngunit ngayon ay hindi na iyon umabot sa kaniyang mga mata. Mga ngiti na tila ba ay nagbabadya ng hindi maganda.
"P-Paano ka nakapasok? Ano ang kailangan mo?"
Bahagyang nangunot ang makinis nitong noo.
"What? Sorry. I'm still learning your language. Were you asking how I entered your house?"
Marahan akong tumango. Ngumisi siya.
"Your door is open. I let myself in."
Napahinga ako nang malalim. Mukhang walang pakialam ang taong ito. Nataranta ako noong mag-umpisa siyang humakbang palapit sa akin. Umatras ako pabalik ng kusina. Ngunit dahil lubhang malaki siyang tao ay parang inilang hakbang lang niya ang pagitan namin. Mabilis niyang naabot ang dala ko at inagaw iyon. Pagkatapos ay hinawakan ako sa braso.
"B-Bitawan mo ako!"
Pilit kong inagaw ang kamay ko. Ngunit mahigpit na niya iyong hawak.
Inilapag niya sa cabinet na malapit sa amin ang dala kong tupper. Pagkatapos ay pilit niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa sofa. Pilit niya akong pinaupo roon. Tapos kinuha niya ang plastic na upuan at naupo sa tapat ko.
"I just want to talk with you," mariin niyang sabi.
Napasiksik ako sa likuran ko. Ang aking mga kamay ay nasa kandungan ko. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng shorts ko para itago ang panginginig ng mga kamay ko.
"S-Sino ka ba? Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko. Kahit ang boses ko ay nanginginig na sa takot.
Sinapo niya bigla ang baba ko at pilit na pinatingin sa kaniya.
Napakaganda sana ng kaniyang mga mata. Para iyong nangungusap. Ngunit alam ko na sa ilalim niyon ay ang isang mapanganib na pagkatao.
"I know you're confused now, Lyra. But you know... I'm just here to propose a deal with you."
Napalunok ako.
"D-Deal?"
Halos mapigil ko ang aking paghinga noong inilapit naman niya ang mukha sa akin. Naamoy ko na ang mabango niyang hininga. Kahit ang matapang na alak na ininom nito.
"I want you... Lyra."
Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko. May kung ano na tila ba ay kumiliti sa aking tiyan. Natatakot ako. Pero hindi ko alam kung bakit nasasabik din ako. At ayaw ko man iyon tanggapin ay dahil iyon sa kaniya.
"Be my woman, Lyra."
Napalunok ako. Pinilit kong patapangin ang ekspresyon ko.
"Hindi ako isang bayaran. May asawa na ako!"
Bahagyang nangunot ang noo niya.
"Say it in English."
Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa baba ko. Pero hindi siya natinag. Hinawakan ko na ang kamay niya ngunit ginawa niya rin iyon sa akin. Nagulat pa ako dahil mas inilapit niya ang mukha sa akin kaya gahibla na lang ang layo ng labi ko sa kaniya. Nag-uuntugan na nga ang aming mga ilong dahil sa tangos ng kaniya.
"Talk to me in English, Lyra. Utter another Tagalog word in front of me, and I'll ravish you right here, right now."
Napaawang ang bibig ko. Gusto ko siyang murahin dahil sa kaniyang mga sinabi. Nang dahil lang sa magsasalita ako sa sarili kong lengguwahe ay pakikialaman niya ako?! Baliw talaga siya!
"O-Okay," tugon ko. Sa huli ay iyon ang nasabi ko. May asawa akong tao. Hindi ako pwedeng magpadala sa kaniya.
Ngumiti siya. Nakahinga ako nang maluwag noong inilayo na niya ang mukha sa akin.
"So, be my woman. And you'll have everything, Lyra. Your life will change."
Napalunok ako ulit.
"Y-Your woman? Sorry. But I already have a husband—"
Tumawa siya.
"Husband? You're not even married yet."
Namilog ang mga mata ko.
"What? I already have a family! Can't you see that picture?"
Nag-angat siya ng ulo.
"Well, I see that. But you're not married. Technically... You are single. I don't care if you have children anymore. I still want you to be mine."
Napaawang ang bibig ko.
"Are you crazy? Do you understand what you were saying?"
"I do."
"And you still insist that I should be your woman?"
"Of course. Maybe it's you who cannot understand me—"
"Baliw!" inis na sabi ko.
Naningkit ang mga mata niya. Sa isang iglap ay napigil ko ang paghinga ko. Bigla niya kasing hinawakan ang leeg ko at marahas akong isinandig sa sandalan ng inuupuan ko. Napadaing pa ako dahil nauntog ang ulo ko sa pader.
"Ahh!"
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at pilit na inalis ang kaniyang kamay. Ngunit mas humigpit lang iyon. Nataranta pa ako lalo noong inilapit niya ang mukha sa akin.
"I warned you, Lyra," ani niya sa mahinang boses.
Pagtingin ko sa mga mata mata niya ay bahagyang nagdilim ang kaniyang berdeng mga mata. Na malamig na nakatitig sa akin. Bigla ring naging blangko ang kaniyang ekspresyon na nakapagdagdag ng takot sa akin.
"B-Bitawan mo ako—"
Napasinghap na lang ako noong bigla niyang sinakop ang mga labi ko.
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

