Views

Understanding your HTML Blogger Template

Ameiry Savar
2

 


So, hi. xD 

Feeling ko magiging series na 'tong tutorial na parang hindi natin. Haha!

Kung nabasa mo ang blog ko tungkol sa Starting Your Blogger Writing Site, dito ay mababasa niyo po kung saan ko nakuha ang template ng blogger site ko. 

Again, kung alam niyo na po ito ay pwede niyong basahin na lang ang dulo about sa dowpdown menu.

Ganito ang isa sa mga example ng template.


Masaya ako na kahit papaano ay may natututunan ang iba sa akin. 

Explain ko lang nang kaunti ang tungkol sa templates na ito. Dahil free lang natin ito makukuha, kung mapapansin niyo ay tadtad ng mga links tungkol sa developer ang theme. At kung paano niyo mailalagay ito sa inyong blogsite. 

1. Download your desired template on templateiki.

Click niyo lang po ang link na ito: https://www.templateiki.com/ 

Marami pong FREE template dito na pwede niyong piliin at gamitin sa blogger site niyo. Yes, marami pang ibang site na nago-offer ng free templates. Pero itong site po ang recommended ko sa ngayon dahil ito ang nakita kong madaling gamitin at talagang nagana. 



Pili lang po kayo sa mga template, and then download your desired theme.


H'wag po kayong mag-alala kung makita niyo na may bayad. Mayroon pong free download lahat ng template. May instruction din po kung paano niyo magagamit ang template nang maayos. 

2. Extracting the file.

Next, kapag na download niyo na ang template ay punta kayo sa download folder niyo. Doon makikita niyo ang isang file na may zipper. Click niyo lang po iyon at makikita niyo sa may taas na may salitang 'Extract file.' 



Yes, kailangan niyo pong i-extract ang zip file. I-save niyo lang kung saan niyo gusto i-save sa laptop or computer niyo. Kapag successful niyong ma-extract ang file, mawawala po ang zipper sa file kagaya nung nasa itaas. 

Ito po ang laman ng file:


Lahat ng blogger template mo ay ganito dapat ang hitsura ng icon. Pare-parehas 'yan. 


3. Uploading to your blogger site.

Open your blogger> Go to the theme section> Click the dropdown arrow beside 'CUSTOMIZE.'



Next, click 'Restore.' Then 'UPLOAD'


Now go to the extracted file and choose the blue oceanic icon. Haha! I don't know what's it called. Sorry. Just check back the number 2 instruction. xD

Wait for your theme to be successfully uploaded, and then you are set. 


4. Layout of your blogger site.

Now, because our template is only free. There are some sections that are not available on our site. We only have 1 blog post body, and our new theme has a lot of links to the developer. 

You can modify this, yes. But the developer is asking not to remove the copyright in the footer. 

Now, the Layout. This is what the HTML template website looked like. 


Hindi ko na po ito masyadong idi-disccuss dahil madali naman po itong ma-modify. I-copy mo lang ang links mo rito at upload ang pictures or logo mo. H'wag niyo lang pong gagalawin ang ADMIN PANEL. Hindi niyo po dapat galawin 'yon, pero pwede niyong i-modify. Like kung ilang post ang ipapakita sa related post. Pero kung hindi po kayo maalam, mas okay na hayaan niyo na lang dahil gano'n din naman 'yon.


 

5. Layout > Main Menu> Dropdown Menu.

Dito sa Main Menu, pwede niyo po itong ayusin kagaya nito. 


Kapag in-click niyo 'yan or inilapit cursor mo ay lalabas ang iba pang menus. Ang tawag po rito ay 'dropdown menu.' Every HTML template na ini-upload mo ay kayang gawin ito. 

You can modify it here:


Go to 'Main Menu'> Click the pen/edit icon. 

Kagaya po sa itaas ang dapat na lalabas sa menu mo. Itong sa akin ay modified na po kaya ganito na ang mga titles. Pero kapag bago pa lang ang templates mo ay puro naka-connect iyon sa gawa ng developers. PWEDE MO PO IYON ALISIN. 

Paano nga ba ayusin ang dropdown menu?

Kung mapapansin niyo po sa picture, may mga dash sa unang part ng titles. Pero sa website ko ay hindi iyon kita. Iyon po ang sekreto. 

For example:

May title akong 'Forms.' Sa 'Forms' gusto ko meron pang nasa ibaba niyon na ibang mga titles. Yun ay ang 'Subscribe to Read', 'Register for Free Reading,' at 'Promo Discount.' 

Ganito po ang magiging hitsura:

1. Sa Site name, una kong ilalagay ay ang 'Forms' at link ay '#' dahil wala namang pupuntahan ang forms. Title lang ito. 

2. Sa IBABA ng 'Forms' ilalagay ko ang 'Subscribe to Read'. Ganito po ang format:

Site name: _Subscribe to Read

Site link: (Link ng post or page for site name)



Now, paano kung gusto ko rin lagyan ng iba pang menu sa ibaba ng 'Subscribe to Read? Dalawang 'underscore' po ang ilalagay niyo sa unahan ng title niyo. Ganito po ang format. 

Note! Kailangan po nasa ibaba ng title ng menu kung saan niyo po ito ilalagay. Paki-double check po ang Configure links sample picture sa itaas. 

Under  _Subscribe to Read

Site name: __For Gcash Payments

Link: Site ng link

Kung gusto niyo pa po dagdagan ay gano'n din po. 

Keep in mind na dapat magkakasunod-sunod ang mga title na gusto niyong magkakasunod. Make sure din natama ang mga underscore na gamit niyo. Kapag walang underscore ay title menu lang iyon mapupunta. Kaya maging sigurado po. 

Title Menu

_Next title

__Third title

Ganiyan po ang pagkakasunod-sunod. 

Lastly, h'wag niyo pong kalilimutang i-SAVE ang mga binago niyo sa website niyo. Minsan kahit akala natin na save na ay hindi pa rin pala. 

So, ayon lang po. Sana may natutunan kayo ulit sa akin. xD Ang iba naman ay madali niyo na lang po makukuha. Pero kung hindi pa rin po at may mga tanong kayo, comment lang po kayo at susubukan kong sagutin. 

Nakagawa ka na ba ng site mo? Patingin naman! Comment niyo lang po ang link niyo!

Good luck!


If you have more questions, just comment below!

Your 'follows' and 'subscribe' to my Youtube channel would be a great help to me! Thank you!



Post a Comment

2Comments

  1. Salamat po rito, ate Amei! Ito po talaga 'yong 'di ko maintindihan kanina pa 🤣🤣

    ReplyDelete
Post a Comment

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !