⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 12
When I Was A Slave
Napakabilis nang pangyayari.
Noong una ay naroon lamang ako sa amin. Sa isang iglap lang ay nakabalik na ako sa mansyon ni Marius. Nalilito at hindi makapaniwala sa nangyari.
Pumayag si Lemuel sa gusto ni Marius. Binenta ako ng lalaking minahal ko sa loob ng ilang taon. Ang tatay ng mga anak ko. Ang taong akala ko ay makakasama ko na sa habang buhay.
Binenta niya ako. Hinayaan niya ako na mapunta sa kamay ng lalaking kinamumuhian ko.
"H-Hindi... Uuwi ako. Uuwi ako!" sigaw ko.
Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Marius. Tinulak ko siya. Pinalo. Ngunit para siyang matigas na pader na hindi manlang natitinag. Nagpatuloy lamang siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa silid niya.
Itinulak niya ako sa kama. Ngunit muli akong tumayo galit na hinarap siya.
"Masaya ka na, ha?! Masaya ka na?! Sinira mo na ang pamilya ko! Nakuha mo na ang gusto mo! Hayop ka!"
Pinagpapalo ko ang dibdib niya habang patuloy na humahagulhol. Wala na. Tapos na. Sira na.
Sa isang iglap lang ay nasira ang pamilyang iningatan ko ng ilang taon. Nang dahil lang sa walang kwentang lalake. Dahil lang sa kaniya.
Napasinghap ako noong biglang hinawakan ni Marius ang mga kamay ko. Ang isa niyang kamay ay pumulupot sa baywang ko. Hinila niya pa ako palapit sa kaniya kaya natigilan ako lalo dahil halos gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin. Idagdag pang halos mapaangat na ako sa sahig dahil halos karga na niya ako.
"B-Bitawan mo ako!" sigaw ko pa rin.
Tinitigan ako nang mariin ni Marius. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko habang nakatitig ako sa malamig niyang mga mata. Ang berdeng mga matang iyon na sumira ng buhay ko.
"You're mine now, Lyra. Wala ka nang magagawa roon. Your boyfriend doesn't really love you. Because if he do, why would he agree to my deal?"
Muling nangilid ang mga luha ko. Iyon ang hindi ko matanggap. Bakit? Bakit parang ang bilis lang para kay Lemuel na ibenta ako? Bakit hindi manlang niya muna hiningi ang paliwanag ko? Bakit mas pinaniwalaan niya si Marius?
"If you have someone to blame, it should be him. Blame that bastard for being petty that he couldn't even give the life you deserve. For not loving you well that he easily gave up on you. You don't deserve him, Lyra. You deserve someone who could treat you well."
Para akong sinampal ng katotohanan dahil sa mga sinabi niya. Pero kahit naman ganoon ay minahal ko siya. Naging masaya naman ako sa pilin ni Lemeul. At wala na akong mahihiling pang iba.
Hindi naman kasi ako mahilig sa mgamateryal na bagay. Sapat na sa akin iyong itrato ako ng tama, at bigyan ako ng buhay na kahit simple lang ay hindi naman kami nagugutom.
Iyon lang naman sana ang gusto ko.
Pinanlisikan ko siya ng mga mata.
" At ano? Sa tingin mo ba ay kaya mong ibigay sa akin 'yon, Marius? Ao bang alam mo sa pagmamahal, ha?" Ngumisi ako. "Wala! Wala kang alam dahil isa kang masamang tao! Buhay kapa pero sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!" sigaw ko.
Naningkit ang mga mata niya. Bigla akong kinabahan dahil nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Bigla ring naging mapanganib ang aura nito, na lalong nagpabilis ng pagtibok ng puso ko.
Hindi siya nagsalita. Bigla niya lang akong binitawan at itinulak sa kama. Tumihaya ako bigla upang tumingin sa kaniya. Napalunok ako noong makita kong nagtatanggal na siya ng sinturon.
Ito na lang ba talaga ang magiging buhay ko? Dapat ko na lang ba ito tanggapin?
Tuluyang nahubad ni Marius ang kaniyang kasuotan habang mataman pa ring nakatitig sa akin. Ako naman ay tulala lang nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung susunod ba ako sa kaniya o pipigilan siya. Para akong naubusan na ng lakas at gusto na lamang na hayaan ang tadhana sa kung ano ang mangyayari sa akin.
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

