⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 1
When I Was A Slave
Lyra's POV
“Diyan na muna kayo, mga anak, ha? May bibilhin lang ako diyan sa labas,” paalam ko sa aking mga anak. Nagkulang kasi ang mga sangkap na kailangan ko para sa niluluto kong ulam.
Tiningnan ko si Rex, ang panganay na lalaki ko. Walong taong gulang na siya. Nakaupo siya sa sofa na nakatapat sa TV. Palipat-lipat ang tingin niya roon at sa bunso niyang kapatid, si Rhea, kakaisang taon pa lamang. Nasa loob siya ng isang playpen at naglalaro mag-isa.
Napangiti ako. Kahit bata pa lang si Rex ay talagang marunong na siyang tumayo bilang kuya sa kaniyang nakababatang kapatid.
“Opo, Mommy,” tugon ni Rex.
Kinuha ko na ang bag na paglalagyan ko ng mga pamimilhin ko. Maliit lamang ang aming baranggay. Nasa dulo lang niyon ang nagsisilbing palengke dito sa amin.
“Ang kapatid mo, Rex. Bantayan mong maigi. Baka naghanap ng gatas. Nandiyan sa lamesa. Isasalin mo na lang sa bote ang gatas,” paalala ko pa ulit.
“Yes, Mommy.”
Muli ko silang tiningnan na para bang ang matagal akong mawawalay sa kanila. Ang mga anak ko ang buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit nagpapatuloy akong mamuhay.
Tuluyan na akong lumabas ng bahay.
“I-lock mo muna rito. H'wag kang magpapapasok kapag hindi ako.”
Muling tumugon sa magalang na salita ang anak ko. Hinintay ko muna marinig ang pag-lock ni Rex sa pinto bago ako umalis ng bahay. Hindi naman ako nag-aalala na iwanan ang mga anak ko. Maliit lang ang barangay namin. Kaya halos lahat ng kapit-bahay ko ay mga kamag-anak ko lang din. Isang sigaw ng mga anak ko ay may lalapit agad upang tulungan sila.
Ang asawa ko, si Lemuel, ay nasa bukid. Iyon ang nag-iisang pangkabuhayan dito sa amin. Marami itong hinahawakang lupa. Kinokopra nito ang mga niyog doon. Kapag wala sa bukid ay kung ano-ano naman ang ginagawa nitong trabaho dito sa nayon para kumita lang.
Mahirap ang buhay, pero kinakaya namin dahil magkasama kami. Kaya heto ako, pinipilit na tumulong sa gastusin kahit na ayaw niya.
Araw-araw ay nagluluto ako ng mga ulam at meryenda na tinitinda ko. Madalas naman iyon maubos dahil sabi nila ay masarap akong magluto. Iyon din kasi talaga ang hilig ko, ang magluto.
Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa talipapa. Binili ko agad ang mga sangkap na kailangan ko pata sa lulutuin kong ginataang kalabasa. Bumili na rin ako ng sangkap para sa turon para mamayang hapon. Kompleto pa naman ang mga sangkap ko para sa iba kong paninda sa bahay kaya iyon lang ang binili ko.
Pagkatapos ko ay nagmamadali na akong naglakad ulit pabalik sa amin. Kahit na may tiwala ako sa mga kapit-bahay ko ay hindi pa rin ako nagtatagal na umaalis sa amin. Hindi ko kaya na iwanan sila ng matagal. Masyado akong paranoid para gawin iyon.
Tahimik ang paligid noong araw na iyon. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa hangin. Madalas kasi ay maingay sa kalsada kahit na tanghaling tapat. Pero ngayon? Parang lahat ng tao ay nasa loob ng kanilang bahay. Halos wala nga akong makitang tao sa labas.
Paliko na ako sa kanto papunta sa bahay namin. Natanaw ko na nga iyon. Ang maliit pero maayos naming bahay. Gawa iyon sa kahoy. Ang bubong ay gawa sa mahahabang dahon ng niyog. Maliit. Simple. Pero masaya.
Doon ko napansin ang tatlong kalalakihan na makakasalubong ko sa aking paglalakad. Napakunot pa ng kaunti ang noo ko dahil hindi sila pamilyar sa akin. Mula sa pustura ng mga ito at sa mga kilos. Ibang-iba iyon sa mga kagaya namin.
Napatitig ako sa lalaking nasa gitna na bahagyang nauuna. Siya kasi ang may pinakamalakas ang dating sa kanila. Nakasuot lang ito ng manipis na sweatshirt. Long sleeve iyon na hinila niya hanggang siko ang dulo. Ang kwelyo niyon ay nakabuka kaya kapansin-pansin ang tattoo nito sa loob. Kahit sa kaliwang braso nito ay may tattoo na hindi ko makita kung ano.
Habang papalapit kami sa isa't isa ay mas lumilinaw ang mukha nito sa akin.
Ang mga mata nitong may katamtamang laki ay napakagandang tingnan. Lalo na dahil sa makakapal nitong pilikmata. Higit sa lahat ang nga kulay niyon. Ngayon lamang ako nakakita ng tao na may kulay berdeng nga mata. Para itong hinugot palabas mula sa mga movie na napapanood ko sa internet. Ang ilong nito ay napakatangos, may maliit na tuldok sa kaliwa niyon, na saka ko lang napagtanto na isa pa lang hikaw. Ang kaniyang panga ay perpekto ang pagkakahulma na mas nakadadagdag ng kakaiba nitong presensya. Kwadrado, na sa tuwing umiikom ang bibig ay halata ang pagtatangis ng nga bagang niyon.
Matipuno rin ang pangangatawan nito. Ang mga braso niya ay tila ba naghihimutok sa suot nitong damit. Na para bang kaya ako nitong buhatin gamit ang isang braso lamang.
Hindi ko siya kalahi, iyon lang ang naisip ko. Mula sa berde nitong mga mata. Sa buhok nito na medyo brown na maayos na naka-wax. Sa panabamit. Sa paglalakad. Hindi sila tagarito. Mukha siyang Hollywood actor.
Hindi ko mapigilanh makaramdam nang panginginig ng tuhod kahit makakasalubong ko lang naman sila. Kaya gumilid ako sa kabilang kalsada upang hindi talaga sila makaharap. Lalo na iyong misteryosong lalaking iyon.
“If we developed this city well. We can earn so much, Mr. Moreau. This place could open up things for us,” ani ng lalaki na nasa kanan nito.
Muli kong tinapunan ng tingin ang tinawag nitong Mr. Moreau. Hindi nga ito Pilipino. Napaiwas ako bigla ng tingin noong mapansin ko na nakatitig din pala siya sa skin. Bigla akong kinabahan kaya mas umiwas pa ako. May kung ano sa kaniya na tila ba sy nagsusumigaw na dapat ko siyang iwasan.
Pinilit kong hindi sila pansinin. Pero napatigil ako bigla sa paglalakad noong may humawak sa braso ko at marahan akong hinila pabalik. Dahil sa gulat ay bahagya akong tumumba, pero imbes na sa kalsada, sa isang matigas na dibdib ako tumama.
Nanlaki ang mga mata ko at napatigil agad sa gumawa no'n sa akin. Nakahanda na ang galit kong mukha noong napagtanto ko na ang lalaki kanina ang may hawak sa akin. Hawak-hawak niya ako sa palapulsuhan ko. Habang ang isa niyang kamay ay nasa likod ko. Bigla akong nailang sa pwesto namin. Sobrang dikit kasi namin sa isa't isa. At noong sinubukan kong lumayo ay mas humigpit lang ang hawak niya sa akin.
“T-Teka! Bitawa—”
Napasinghap ako noong bigla niyang inilapit ang mukha sa akin. Nakaramdam ako bigla ng kakaibang init na nagpatayo ng mga buhok ko sa batok.
Diyos ko! Ano ang ginagawa niya?!
Bumaba ang mukha niya sa may leeg ko. Marahan akong sininghot. Napakislot pa ako noong maramdaman ko ang labi niya na dumikit doon. Maging sa tainga ko. Ni hindi niya pinansin kahit na mamasa-masa iyon sa pawis.
“Your name,” ani niya.
Lalong nanginig ang tuhod ko dahil sa lalim ng kaniyang boses. Ngunit hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumiliti sa puson ko dahil ang sexy pa rin niyon pakinggan.
Mali ito. Bakit ako nakararamdam ng ganito?
Hindi ako nakaimik. Naiintindihan ko naman siya. Hindi ko lang maunawaan kung nagtatanong ba siya ng pangalan ko o ano. Para kasing inuutusan niya ako.
“L-Let me go—”
“Tell me your name.”
Napalunok ako. Nasa gitna kami ng kalsada. Mabuti na lang at wala akong nakikitang mga tao dahil kung hindi ay baka isipin nila na may milagro akong ginagawa sa katirikan ng araw. May asawa na ako!
“L-Lyra,” tugon ko na lamang. Tapos pilit ko siyang tinulak. Binitawan na naman niya ako noong masabi ko ang pangalan ko.
“Lyra...” bulong niya.
Salubong ang kilay na tiningnan ko siya. Nakangisi pa siya sa akin na para bang nang-uuyam siya. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang may gumawa no'n sa akin. Dahil sa inis ko ay hindi ako nagdalawang-isip na sampalin siya.
“You—”
Napaatras ako bigla noong biglang kumilos ang dalawa. Humawak pa ito sa likuran nila na para bang may huhugutin. Ngunit nagtaas lang bigla ng kamay ang lalaki at agad na umatras ang mga ito.
“Bastos!” ani ko.
Kinuha ko na ang bag at payong na dala ko. Nabitawan ko kasi iyon kanina. Tinapunan ko pa siya ulit ng masamang tingin. Ngunit tiningnan lang niya ako na para bang namamangha pa siya sa nangyari.
Hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng tao sa katirikan ng araw!
Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad na ulit. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang noong muli kong maramdaman ang maugat at matigas niyang braso na pumulupot sa baywang ko. Dumukit ang likod ko sa kaniyang dibdib, at naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa may tainga ko.
“We'll see each other again, Lyra.”
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

