Chapter 26
Baby's POV
Hindi ko inaalis ang mga titig ko kay Daniel na mahimbing na ang tulog sa tabi ko. Nasa silid na niya kami. Nakayakap siya sa akin habang nakasubsob sa may dibdib ko.
Ang amo ng mukha niya kapag natutulog siya. Para itong walang matinding problema na dinadala.
Muling kumirot ang dibdib ko noong maalala ko ang mga sinabi ni Sir Richard sa akin. Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit ganoon si Daniel sa una naming pagkikita. Kung bakit mailap siya. At kung bakit niya ako hiniwalayan kahit na ayaw naman talaga nito.
Mahal niya ako. Iyon ang totoo. Pero mas pinangungunahan siya ng takot dahil sa nangyari sa una niyang pamilya.
Malaki ang paniniwala ni Daniel na ang dahilan ng pagkamatay ng dati niyang asawa't anak ay ang sarili nitong pamilya. Mariin kasing inaayawan ng mga ito ang kaniyang dating asawa dahil mula ito sa mahirap na pamilya—kagaya ko.
Noong gabi na nawala ang mag-ina ni Daniel ay ang nanay nito ang huling kausap ng dating asawa. Tatakas daw ang mga ito dahil pinagbabantaan ng nanay niya.
Hindi ako makapaniwala. Nang dahil lang sa pag-ibig ay umabot pa sila sa ganoong punto. Bakit hindi na lang nila pinagbigyan sila Daniel?
Natahimik ako sa aking iniisip. Kung hindi nagyari ang nangyari sa kanila ay siguradong hindi ko rin makikilala si Daniel. Siguro ngayon ay...
Napabuga ako ng hangin. Pero nauunawaan ko na siya. Natatakot siya na baka mangyari sa akin ang sinapit ng mag-ina niya. Kaya kahit mahal niya ako ay pinagtulakan niya ako palayo. Pero hindi ako natatakot. Kung ano man ang pagsubok na dumating sa aming dalawa ngayon ay hindi na ako susuko. Lalo na ngayon na alam ko na mahal talaga ako ni Daniel.
Doon ako natulog noong gabing iyon. Hindi na rin naman nagising si Daniel kaya hinayaan ko siya na mahimbing sa tabi ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising para maglinis ng bahay niya. Kaya pala hindi ko siya makita-kita dahil may isa pa pala siyang unit. Ito raw ang dating tinitirahan ng pamilya niya.
Totoo nga. Tadtad ng picture ng mag-ina niya ang buong bahay. Hindi ko maiwasang mainggit habang pinagmamasdan ko ang mga ngiti ni Daniel sa larawan. Halata ang labis na pagmamahal nila sa isa't isa.
Pero mabilis ko ring iwinaksi iyon sa isipan ko. Hindi ako dapat makaramdam nang ganito. Sila ang nakaraan ni Daniel. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko makikilala si Daniel ngayon. Ang importante ay kung ano ang mayroon kami ngayon.
Nagluto ako ng almusal namin. Mabuti na lang at may laman ang ref. Punong-puno iyon na para bang hindi pa nabawasa. Bago lang naman ang mga pagkain base sa expiration ng mga iyon.
Nagsaing ako at sinangag iyon. May isda roon kaya prinito ko lang. Nagluto rin ako ng soup na mahihigop niya pagkagising.
Patapos na ako noong marinig kong bumukas ang pinto ng silid. Lumabas doon si Daniel na nakakunot pa ang noo. Natigilan ito noong makita ako sa lamesa.
"Mabuti naman gising ka na. Halika na. Mag-almusal tayo," yaya ko sa kaniya.
Nanatili lamang siya sa may pinto nang ilang sandali. Noong muli ko siyang tiningnan ay saka lamang siya lumapit sa lamesa at naupo sa upuan.
"I... I thought I was just dreaming. Narito ka pala talaga," ani niya.
Ngumiti ako nang malapad. Naupo na rin ako sa tapat niya pagkalapag ko ng sabaw sa tabi niya.
"Bakit? Miss mo ako, 'no? Ikaw kasi! Bakit kasi bigla mo akong ni-ghost?" pabiro ko pang sabi. "Humigop ka muna ng sabaw. Mainam 'yan para sa hangover."
Matipid lamang siyang ngumiti at sinunod ang utos ko. Napapikit pa si Daniel na parang ninanamnam ang mainit na sabaw na kaniyang hinigop.
"That was nice," ani niya.
Muli akong napangiti.
"Kain ka na. Mukhang hindi ka kumain nang maayos."
Medyo lumiit kasi ang mukha niya. Iyong baba nga niya ay may maliliit ng buhok na tumutubo. Ang ilalim ng mga mata niya ay medyo lubog na. Gwapo pa rin naman, pero halata na pinabayaan ang kaniyang sarili.
Hindi siya sumunod sa akin. Nag-angat lang siya ng ulo at tinitigan ako. Kinunotan ko siya ng noo.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"
Marahan siyang umiling. Tinitigan niya lang ako na para bang minimemorya ang bawat sulok ng mukha ko. Iyong mga mata niya ay puno ng pag-aalinlangan at takot. Pero sa kabila noon ay nakikita ko pa rin ang matinding pagmamahal na kaniyang pilit na pinipigilan.
"Baka naman matunaw na ako, ha? Paano mo na ako niyan mamahalin?" biro ko ulit.
Huminga siya nang malalim.
"You shouldn't have come here, Baby."
Sandali akong natigilan. Parang may kumiliti sa tiyan ko noong binanggit niya ang palayaw ko. Napatikhim ako bigla at uminom ng tubig.
"Bakit? Hindi ba pwede? E sa miss na kita e! Hindi mo alam kung ilang araw ako naagpabalik-balik sa restaurant, Daniel!"
Nagbaba siya ng tingin.
"That was the point. Para hindi mo na ako makita."
Parang tinusok ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Talagang handa siyang iwanan ako dahil inaakala niya na iyon ang makabubuti sa akin.
Mabilis akong umiling. Tumayo ako at naupo sa tabi niya.
"Hindi. Kahit na ano ang sabihin mo ngayon, Daniel. Hindi na ako aalis sa tabi mo. Mahal mo ako at iyon ang importante sa akin. Mahal din kita. Kahit na ano pa man sa tingin mo ang mangyayari ay hindi ako naniniwala roon. Mahal natin ang isa't isa kaya dapat ay magkasama natin itong harapin."
Napalunok ako. Nangilid na rin kasi ang mga luha ko.
"You already know, right?"
Tumango ako.
"Oo. Sinabi sa akin ni Sir Richard. Bakit hindi mo sinabi sa akin, Daniel? Bakit inisip mo agad na iwanan ako?"
"Dahil iyon lang ang sa tingin ko ang tama na gawin ko, Baby. I... I can't lose you too. Masyado na kitang mahal. Kaya ako na lang ang lalayo. Dahil at least. Kahit sa malayo. Kahit hanggang tanaw na lang kita ay makakaya ko naman iyon. K-Kaysa iyong nasa—"
"Hindi mangyayari iyon, Daniel," pigil ko sa huli niyang sinasabi.
Tuluyan akong lumingon sa kaniya at sinapo ang kaniyang pisngi. Tinitigan ko siya sa mga mata. Puno iyon nang matinding pag-aalinlangan. Nang takot. Nang pagmamahal. Halohalong emosyon na tila ba ay hindi na alam kung paano mailalabas.
"Hindi natin hahayaan na mangyari iyon. Daniel. Hanggat alam ko na nasa tabi kita. Hanggat alam ko na mahal mo ako. Hinding-hindi iyon mangyayari. At hindi ako matatakot."
Nangilid ang mga luha niya.
"I... I love you, Baby."
Ngumiti ako.
"Mahal din kita, Daniel. Mahal na mahal."
Pumikit ako at inabot ang pagitan ng mga labi namin.
Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, o sa kapalaran namin. Pero alam ko. Alam ko na mas matibay pa rin ang pagmamahal namin sa kahit na ano mang unos na maari naming kaharapin.
At sigurado ako na hinding-hindi ko siya bibitawan.
Chapter 27
Matapos ang pag-uusap naming iyon ay pumayag na si Daniel na bumalik kami sa restaurant. Natatakot pa rin siya, pero siniguro ko sa kaniya na hindi na niya dapat pang isipin iyon.
Kapag nasa mga ganoon kaming sitwasyon ay nauunawaan ko si Daniel. Mahinrap nga naman na mawalan ng minamahal.
Unti-unti ay bumabalik ang datin sigla ni Daniel. Nakatulong din na talaga na hindi ko siya iniwan. Wala kasing oras na hindi niya ako niyayakap.
Sa ilang sandali ay naging masaya ulit ang pagsasama namin. Nakalimutan namin ang nangyari ata nagpatuloy sa aming buhay. Muling bumalik si Daniel sa kaniyang sarili. At ako naman ay bumalik na rin sa restaurant at sa penthouse niya.
Pero sa kabila ng saya na aming nararamdaman ay alam ko na may dapat pang ayusin. May dapat pa kaming harapin para mas maging masaya na kaming dalawa nang totoo.
Panay ang halik sa akin ni Daniel. Malalim. Mapusok. Bahagya niya pang kinakagat ang labi ko na para bang gigil na gigil.
Inilapat ko ang mga braso ko sa pagitan namin at pilit na pinitigil siya bago pa ako mabaliw at hindi na rin makapagkontrol. Nasa opisina niya lang kasi kami.
"D-Daniel! Wait lang!"
Umungol siya.
"What? Ayaw mo ba?"
Lumayo siya sa akin at tiningnan ako ng puno ng pagtataka. Napangiwi ako.
"Hindi naman. Pero kasi, nasa trabaho tayo!" saway ko sa kaniya.
Nagdilim ang kaniyang mga mata.
"So, what? I own this place. I can fire all of them if I want too."
Naiikot ko ang mga mata ko.
"Ano ba! Hindi lang naman iyon. May bisita rin tayo."
Awtomatikong nangunot ang noo niya. Bahagya ring lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Kaya naman ay ginawa ko na iyong opurtunidad para makawala sa kaniya.
"Who?"
Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Basta. Baka nasa itaas na siya. Halika na."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Daniel. Hinila ko na siya palabas. Hindi ko siya binitawan hanggang sa makarating kami sa rooftop. Doon ay may nakatayo nang babae sa may railings at nakatanaw sa kabuoan ng paligid.
Napatigil bigla si Daniel sa paglalakad noong mapansin na ang bisita namin.
"What the hell is this, Baby? Bakit narito siya?" tanong bigla ni Daniel.
Humarap na sa amin si Ma'am Irene, ang nanay ni Daniel. Malungkot ang mukha nito na nakatitig lamang kay Daniel.
Tumingin din ako kay Daniel.
"Daniel, please. Makinig ka muna. Kailangan mo siyang makausap."
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Daniel.
"Makausap? Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa akin? Sa amin ng dati kong pamilya? Hindi ba sinabi ko na hindi na tayo dapat pang lumapit sa kanila? And now you're telling that I should talk with her?!" galit na tanong nito. Naglalabasan pa ang mga litid nito sa sentido at leeg.
Itinaas ko ang kamay ko na para bang kinakalma siya.
"Please... Makinig ka lang muna, Daniel. No'ng nasa Boracay tayo. May sinabi siya sa akin. Gusto kong marinig mo rin iyon."
Napailing-iling si Daniel. Umatras siya.
"I can't believe you, Baby! Don't try to—"
"I didn't kill them, Daniel," biglang sabat ni Ma'am Irene.
Napalingon kami parehas ni Daniel sa kaniya. Nangingilid na ang mga luha nito na puno ng pait.
"Hindi ko sila pinatay."
Para namang nag-trigger iyon kay Daniel. Lumakad siya palapit sa ina.
"Really? And you think I should believe you?! After everything you did to my family and to me?!"
Napapikit nang mariin si Ma'am Irene. Hindi ko na rin maiwasang mapaluha dahil sa nasasaksihan ko. Nang dahil sa maling akala ay nagkasira silang mag-ina. Pinutol ni Daniel ang koneksyon sa sarili niyang pamilya.
"It was all an accident, Daniel! Iyona ng matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo. Pero palagi mo akong tinataboy. Kahit ilang beses kong sinubukan na kausapin ka ay wala! I tried everything I could think para lang maharap mo ako. Inaaway ko ang mga staff mo. Pinupuntahan kita rito. Pero wala! Can you please at least listen to me for once? Pakinggan mo rin naman sana ang side namin ng daddy mo, anak!" madamdamin na sabi ni Ma'am Irene.
Parang kinukurot na ang dibdib ko dahil doon. Ang sakit na marinig ang mga iyon sa isang ina. Ramdam ko ang hirap para sa kaniya. Hindi biro iyong sampung taon na nawala ito sa kanilang piling.
Para namang tinamaan si Daniel. Nag-iwas ito ng tingin at hindi sumagot.
"That night... Sabi mo ay tatakas sila Mariel dahil pinagbabantaan namin siya. It wasn't true, Daniel. Tumatakas sila dahil nalaman na namin finally ang katotohanan," malumanay na sabi ni Ma'am Irene kasabay ng pag-iyak.
"What?"
"Niloloko ka lang ni Mariel, Anak. Hindi mo totoong anak si James. I knew it from the first time I saw you with that child. It wasn't yours."
Napailing-iling si Daniel.
"N-No, Mom. Don't try to fool me again!"
"I'm not, Daniel! We took a DNA test with you and James. But it came out negative. Tapos si Mariel? She was just with you because of your money, Son. She was running with your money that night. With her true boyfriend! Your marriage with her wasn't even registered!"
Napamaang si Daniel. Kitang-kita ko ang labis na pagkalito sa mukha niya.
Umiling-iling siya.
"N-No... You're lying, Mom! I... I checked all the case files. Sabi ay foul play ang nangyari. You.. You are just trying to manipulate me again. That's not true!"
Inilabas ni Ma'am Irene ang isang flash drive mula sa kaniyang bag.
"Here. Narito ang lahat ng mga ebidensya ko. If you want the hard copy, I will bring it to you later."
Agad iyong kinuha ni Daniel at nagmamadaling pumasok ng penthouse. Naiwan kami sa rooftop ni Ma'am Irene na parehas umiiyak.
Tumingin siya sa akin.
"Thank you," mahina niyang sabi.
Napalabi ako. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Hindi naman siya tumanggi. Yumakap din siya sa akin at napahagulhol sa balikat ko.
Noong nasa Boracay kami ay kinausap ako ni Ma'am Irene. Nag-sorry siya sa akin sa ginawa niya sa restaurant. Ginawa lang daw niya iyon para sana lumabas si Daniel para makausap niya. Pero wala rin namang nangyari.
Doon ay kinuwento niya rin sa akin ang katotohanan. Gusto niya sana sabihin ko ang mga iyon kay Daniel dahil nga hindi naman daw siya nito kinakausap.
Iyon sana ang gagawin ko kung hindi lang ako hindi na kinusap ni Daniel.
"I owe this to you, Baby. Thank you so much for doing this."
Tinapik-tapik ko ang likod ni Ma'am Irene.
"Walang anuman po, Ma'am Irene. H'wag kayong mag-alala. Magiging maayos din kayo ni Daniel."
Kumalas na siya sa akin. Tiningnan niya.
"Salamat at ikaw ang minahal ng anak ko. Dahil alam ko, this time, what you feel for my son is real. It is a true love."
Tumango ako.
"Opo. Mahal na mahal ko ang anak mo, Ma'am Irene."
Ngumiti siya.
"Just call me Mama now, Baby. You are my son's girlfriend. And I want you to be his wife."
Parang kumislot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kung hindi lang ako nahihiya ay mapapatili pa nga ata ako sa sobrang saya. Ganito pala ang pakiramdam kapag tanggap na tanggap ka ng pamilya ng nobyo mo.
"Salamat po, Mama."
Chapter 28
Daniel's POV
It was all true.
Parang biglang lumaki ang ulo ko dahil sa rami ng impormasyon na aking nakita.
All these years. I was grieving for the love that I lost. Pero ang totoo pala ay kasinungalingan lang ang lahat.
Ayaw ko pa rin sana maniwala. But the evidence was all there.
It turns that out, Mariel was just using me. She approached me for my money. I was young and naive when I met her. Akala ko iyong pinakita niya sa akin ay totoo. Hindi siya iyong tipo ng babae na tinatapon ang sarili sa akin. She was the first woman that I courted. I gave her everything she wanted. Kahit ano. Kahit iyong tipo na sinusuway ko na ang pamilya ko.
Pero lahat ng iyon pala ay kalokohan lamang.
The night that they had an accident, iyong pala ang gabi na tatakas na sila para iwanan ako. Buong akala ko noon ay ang mag-ina ko lang ang sakay ng kotse, pero mali pala ako. My parents hid it. They paid the police para sabihing dalawa lang sila na namatay. But the truth was, they were always three. Ang totoong boyfriend ni Mariel, ang totoo niyang mahal. At ang pinakamasakit sa lahat, ang totoong tatay ni James.
They were leaving dahil nalaman na nila Mama ang totoo nilang kulay. Dala nila ang halos lahat ng kayamanan ko. Ang pera na pinaghirapan ko na pinagkatiwala ko kay Mariel. The accident was really just an accident. No foul play. Siguro karma na rin ang humabol sa kanila dahil sa ginawa nila sa akin. Nakalulungkot lang dahil pati ang inosenteng bata ay nadamay sa kalokohan nila.
Hindi ko napansin na nawala ang pera ko dahil tahimik iyon na ibinalik nila Mama sa bank accounts ko. I was consumed by my anger towards my family. All because I thought they didn't like her. Dahil iyon ang sabi ni Mariel sa akin. I was too blind to my love for her. Na hindi ko nakita na ang mga totoong nag-aalala sa akin ay ang mga taong itinataboy ko palayo sa akin. Kung hindi dahil sa aksidente, hindi ko alam kung saan na ako pupulutin.
Sampung taon kong hindi kinausap ang pamilya ko. Pinutol ko ang koneksyon ko sa kanila. Dahil ang akala ko ay sila ang may gawa noon sa pamilya ko. Pero mali ako. Pinaniwalaan ko ang taong wala pa lang ibang gusto sa akin kung ang pera ko lang at hindi ang puso ko.
It was all my fault.
"Daniel..."
Sandali akong napatigil sa pag-iyak noong marinig ko ang boses ni Baby. Nilingon ko siya. Nakatayo na siya sa tabi ko habang mataman akong tinitingnan. Malungkot ang mga mata niya, pero puno ng unawa.
Mabilis kong kinuha ang kamay niya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa baywang niya at sumubsob sa kaniyang tiyan.
Gumaan agad ang kalooban ko noong maramdaman kong hinagod niya ang likod ko.
"Alam ko. H'wag kang mag-alala, Daniel. Narito lang ako."
"You know, Baby. Why didn't you tell me?"
Nag-angat ako ng ulo upang makita ang mukha niya. Matipid siyang nakangiti sa akin.
"Hindi ako ang dapat na magsabi no'n sa 'yo, Daniel. Bukod sa hindi mo na ako kinausap noon. Mas maigi pa rin na kayo ng mama mo ang magkaharap."
Napatungo ako. Bukod doon ay nasaktan ko pa ang babaeng totoong nagmamahal sa akin dahil sa takot na hindi ko naman dapat naramdaman una pa lang. How could Mariel do this to me? All I gave her was love. Pero sinuklian lang niya iyon nang kasinungalingan at kasamaan.
"Thank you," iyon na lamang ang nasabi ko.
Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko malalaman ang totoo. Kung hindi siya dumating sa buhay ko ay habang buhay akong magagalit sa mga magulang ko dahil sa kagagawan ni Mariel. I'm so angry, pero ano pa ang magagawa ko? Mariel was already dead. I buried her own body and her son.
Hinila ko si Baby paupo sa tabi ko. I cupped her cheeks.
"I owe you this, Baby."
Ngumiti lang sa akin si Baby.
"Hindi. Karapatan mong malaman ang katotohanan, Daniel. Para sa ngayon ay maging masaya ka na. Deserve mong maging masaya."
Marahan akong tumango.
"And I want you to be with me, Baby. You're the reason I learned the truth. You are the reason I became free from the misery I had been in. You deserve to be on my side."
Napalabi si Baby.
"Oo naman! Bakit? May balak ka pa bang iwanan ako ulit? Daganan kita diyan!"
Natawa na ako.
"You're really something, Baby. And I love you for being like that."
Dinampian ko ng halik ang kaniyang labi.
"I love you, Baby."
"I love you too."
Chapter 29
Baby's POV
Magmula noong malaman ni Daniel ang katotohanan ay nag-iba na ito. Iyong dating nakasimangot palagi at para bang may galit sa mundo ay palagi nang nakangiti. Hindi na rin niya palaging sinusungitan ang mga trabahante niya. Pero istrikto pa rin siya dahil nga pagkain ang aming binebenta.
Ako ay naging head chef na rin. Parehas kami ni Richard. Kanya-kaniya kami ng mga toka sa mga niluluto namin.
Sila Nanay? Nasa bahay na lang sila. Mayroon pa rin kaming pwesto sa palengke. Pero minabuti namin na si Biboy na lang ang humawak noon. Gusto ko na rin kasi sila nanay makapagpahinga. Pero paminsan-minsan ay napunta pa rin sila doon. Lalo na si Tatay na hindi mapakali. Nagpabili nga sa akin ng maliit na lupa sa Batangas. Gusto niya raw kasi magkaroon ng sariling farm ng mga isda.
Aaminin ko. Magmula noong makilala ko si Daniel ay unti-unting nagbago ang buhay ko. Hindi lang ako dahil pati na rin ang pamilya ko. Hindi na kami nahirapan pa sa pera dahil sa sweldo na ko sa restaurant. Napaayos na namin ang bahay namin. At natupad na rin ang pangarap kong sumexy.
Ayaw sana ni Daniel. Mas gusto niya raw kasi na chubby lang ako. Pero noong mabawasan naman ang taba ko sa katawan ay diyos ko! Halos hindi na ako patayuin sa kama. Mas naging seloso rin siya. Kapag magkasama kami ay halos hindi ako bitawan.
Ewan ko ba! Buti hindi siya nagsasawa sa mukha ko.
Wala naman din halos nabago. Mas naging halata lang ang korte ng katawan ko at mas gumaan ang pakiramdam ko. Naisip ko kasi na kahit mahal ko naman ang sarili ko. Nagagandahan ako sa sarili ko. Importante pa rin ang maging healthy. Lalo na ngayon na may boyfriend na ako.
Alam ko naman na kaya ako ni Daniel. Ang lakas niya. Pero gusto ko pa rin ma-experience ano ang pakiramdam ng helicopter.
"Tapos ka na ba?" tanong ko.
Nag-angat ng ulo si Daniel at tumingin sa akin saglit. Abala siya sa pag-plate ng niluto niyang steak.
"Why?"
"Ahm. May gusto kasing kumausap sa 'yo na customer."
Nangunot ang noo niya. Muli niya akong tiningnan.
"Huh? Hindi ba sabi ko ayaw ko na humarap sa kanila?"
Napalabi ako.
"Ito naman! Sige na. Baka gusto lang mag-thank you sa 'yo. Or bigyan ka ng tip. Tapos... Ibibigay mo sa akin," pabiro kong sabi sabay hagikhik.
Napangiti ito nang kaunti at umiling-iling.
"Oo na. I'll just finish this."
Napangiti ako nang malapad.
"Okay!"
Iniwanan ko na siya sa may counter at lumabas ng kusina. Ilang sandali pa ay lumabas na roon si Daniel. Sandali akong napatitig sa kaniya. Ang pogi talaga ng boyfriend ko! Iyong buhok niya ay maayos na naka-wax. Ang ganda tingnan sa kaniya ng uniporme niya na para bang ginawa para talaga sa kaniya. Siguro kung artista siya ay marami agad itong fans.
"Where are they?" tanong niya.
Bumalik ako sa ulirat noong marinig ko ang boses niya. Tumikhim ako at tumayo nang maayos.
"Ahm. Lika. Follow me," ani ko. Ginaya ko pa ang boses niya kaya napangiti siya ulit.
Naglakad na kami papunta sa dining area. Sa dulo ng mga lamesa ko siya dinala hanggang sa marating namin ang lamesa kung saan may nakaupo na lalaki't babae. May katandaan na ang mga ito.
Napatigil bigla si Daniel sa paglalakad.
"Baby," tawag niya sa akin.
Nilingon ko siya at hinawakan sa mga kamay.
"Tinawagan ko sila, Daniel. Hindi ba panahon na para magkausap na rin kayo ulit?" tanong ko.
Hindi sa gusto kong manghimasok sa kanilang mga buhay. Pero ilang araw na bukambibig ni Daniel na kung pagbibigyan lang siya ng pagkakataon na makausap ulit ang magulang ay hihingi siya ng tawad sa mga ito. At tatanggapin niya rin kung sakali ang mga ito naman ang magtakwil sa kaniya
Pero ayaw ko na iyon ang mangyari. Masyado nang matagal ang pagkakalayo nila sa isa't isa dahil lang sa kasinungalingan ng tao na matagal nang wala. Kaya tama lang na magkita-kita sila ulit.
"But..."
Tinapik ko siya sa braso.
"Sige na. Lapitan mo na sila. Balik na lang muna ako sa kusina."
Huminga nang malalim si Daniel. Ngumiti na siya kahit halata pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.
"Thank you," ani niya. Bigla niya akong niyakap. "Thank you, Baby."
Tumawa ako. Tinapik ko na ang braso niya.
"Oo na. Sige na."
Kumalas na sa akin si Daniel. Unti-unti na ito lumapit sa kaniyang mga magulang. Habang ako naman ay naglakad na palayo sa mga ito para bigyan sila ng oras. Bago pa ako pumasok sa kusina ay nakita ko na yakap-yakap na si Daniel ng mommy niya.
Napangiti ako. Ngayon ay panatag na ako. Alam ko na mananaig pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Chapter 30
Baby's POV
Walang pagsidlan ang saya ko noong malaman na sa wakas ay nagkaayos na sina Daniel at kaniyang pamilya. Muling tinanggap si Daniel ng mga ito. Nagkapatawaran na sila, at ngayon ay palagi nang nagkikita-kita.
Gusto na nga ng mga ito na bumalik si Daniel sa bahay nila, pero siya lang ang hindi pumayag. Ayaw niya raw akong iwan. Pwede naman daw ako sumama, kaso nahiya na ako.
Noong araw na iyon ay kagaya ng mga nagdaang araw. Maraming customer. Marami kaming nilutong mga pagkain. Sa ilang buwan ko na nagtatrabaho dito ay halos alam ko na ang lahat. Pero parang may kakaiba sa mga kasama ko.
"Baby, ang galing mo talaga!" ani Maica.
"Ang sarap naman nitong luto mo, Baby," sabi ni Jack.
"Baby! May nag-request ng tilapya mo!" report naman ni Max.
Oo. Palayaw ko iyon. Pero dahil nasa restaurant kami at sa rules ni Daniel na hindi niya pa rin tinatanggal ay nakaramdam ako nang pagkailang.
Halos lahat sila ay Baby na ulit ang tawag sa akin. Tapos kakaiba ang mga tingin nila.
Sinubukan kong hindi pansinin. Pero ewan ko ba? Parang may iba talaga sa oras na iyon.
"Baby, may naghahanap sa 'yong customer sa dinning. Table three daw," balita sa akin ni James, isa sa mga waiter.
Napabuga ako ng hangin. Kahit na anong ganda ng araw ay may mga cutomer pa rin talaga na magbibigay ng init ng ulo mo.
Tinapos ko na ang ginagawa ko at tinanggal ang suot na apron. Lumabas ako sa dinning upang puntahan ang table three. Doon ay may nakita akong babae na may mataray na mukha. Makapal ang makeup. Ang kilay nito ay nakakorte nang maayos. At ang mahaba nitong buhok ay nakalugay lang. Nakasuot siya ng bestidang pula na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Sa suot pa lang nitong mga alahas ay halatang mayaman na ito.
Dapat pa ba akong magtaka? Halos lahat naman ng customer namin ay mayaman.
"Good evening, Ma'am. Do you ask for me?" ani ko, sa marespeto kong boses. Nasasanay na rin akong mag-English ngayon nang hindi na kinakabahan.
Lumingon siya agad sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Are you Beverlyn? The chef?" tanong nito.
Napakurap-kurap ako. Marahan akong tumango.
"Yes, Ma'am."
Bigla siyang ngumiti.
"Come on. Sit down."
Nalito ako. Pero sumunod pa rin ako. Naupo ako sa tapat niya at naghintay sa sunod niyang sasabihin.
Inilabas niya ang hawak na tablet.
"Can you help me choose from these styles?" tanong nito.
Muli akong nalito. Bakit naman ako ang tatanungin niya tungkol sa style?
Inilapag niya sa harapan ko ang tablet. Picture iyon na naka-collage ng dalawa. Magkaibang style at tema.
"You can scroll to the left to check everything."
Hindi pa rin ako umimik at sinunod siya. Lahat ng mga iyon ay magaganda. Larawan iyon ng isang hall. Maraming mga lamesa. Sa gitna ay may stage at mayroong bridge papunta sa stage. Iba-iba. Pero lahat ay magaganda.
"W-What is this, Ma'am?" tanong ko.
"It's for a wedding reception."
Napatingin ako ulit sa akin.
"Huh? Talaga? Sino naman ang ikakasal?" tanong ko.
Ngumiti lang ang babae.
"Go on. Choose what you like."
Muli akong tumingin sa tablet. Parang tanga lang. Bakit naman ako ang tatanungin niya?
Pumili ako. Iyong isang style na puros pink. I love pink. Mabulaklak ang paligid na puros pink. Ang tela sa lamesa at upuan ay pink. Maging ang dekorasyon sa stage ay pink din. Napangiti ako. Kung ako ikakasal, iyon ang gusto ko.
"Ito po."
Inabot ko sa kaniya ulit ang tablet. Napatango-tango ang babae.
"What flower do you like?"
Nagtaka ulit ako.
"Ako? Ahm. Wala naman. Pero... Maganda ang rose."
"So, roses. Red or... Pink? Do you like pink?"
Marahan akong tumango.
"Yes."
"Okay. Suppose you are going to get married. Where do you want it to take place? In a church? Beach?"
Nalito na ako lalo. Wala pa sa isip ko ang mga ganitong bagay. Pero napaisip ako. Maganda sa isang simbahan. Pero mas maganda kung sa beach. Nakikita ko kasi iyon sa internet. Parang ang sarap lang sa pakiramdam.
"Ahm... Sa beach na lang siguro? Papayag naman siguro ang pari no'n, 'di ba?"
"Of course. You just need to find a priest who will agree to your conditions."
"My conditions? Bakit ako?" nalilito ko nang tanong.
Tiningnan lang ako ng babae. Tumayo na siya.
"Thank you for your answer, Miss Beverlyn. I will talk to you again after I have processed the other details."
Napakurap-kurap ako. Tiningnan ko ang nakalahad niyang kamay.
"Ha? Bakit ako?" tanong ko ulit.
Inabot na niya ang kamay ko at nakipag-kamay na sa akin kahit hindi ko naman iyon ginalaw. Sobrang nalilito kasi ako sa mga tanong at inaakto niya.
Hindi naman ako ikakasal. May boyfriend ako. Pero wala pa kaming napag-uusapan ni Daniel.
"Congratulations, Miss Beverlyn," iyon lang at binitawan na niya ako.
Naiwan ako sa lamesa na nalilito pa rin sa babaeng iyon. Parang tanga lang.
Tatayo na sana ako pero biglang lumapit sa akin sila Maica. Muli niya akong pinaupo at may inilapag na cake sa harapan ko.
"Baby, pwede bang tikman mo?" tanong ni Maica.
Napatingin ako sa paligid.
"Dito talaga? Hindi ba pwedeng sa kusina na lang?" tanong ko.
Umiling si Maica.
Naiikot ko ang aking mga mata.
"Para talaga kayong mga ewan ngayon," bulong ko.
Humagikhik lang si Maica at iniwan na ako sa lamesa.
Inis na kinuha ko ang tinidor at nag-umpisa nang kainin ang cake. Chocolate cake iyon. Masarap naman. Alam ko dahil ako ang nag-bake no'n.
'Di ba? Parang timang lang? Pinakain sa akin ang sarili kong luto.
Hay naku! Ano bang nangyayari sa mundo ngayon? Parang lahat sila ay kinulang na sa turnilyo—
Natigilan ako noong may makagat akong matigas na bagay. Nailuwa ko agad iyon at tiningnan. Noong una ay ayaw ko pang maniwala sa nakikita ko.
Isa iyong singsing. Isang white gold na may malaking dyamante iyon. Ang paligid pa ng singsing ay may maliliit din na nagkikislapang mga dyamante. Ang ganda tingnan. Mukhang mamahalin.
Paano nagkaroon ng singsing sa cake na niluto ko?
Chineck ko agad ang singsing at nilinis iyon gamit ang table napkin na nasa lamesa. Pero hindi pa man ako natatapos ay may biglang umagaw niyon sa akin. Pag-angat ko ng ulo ay si Daniel iyon. Nakatayo siya sa tabi ko at siya na ang nagpatuloy sa paglilinis ng singsing.
"You found it," ani niya.
Napabuga ako ng hangin.
"Alam mo? Hindi ko na alam. Kanina pa ako na wiwirduhan sa mga tao rito. Alam mo ba? Kanina lang. May babaeng nagpatawag sa akin para lang tanungin ako ng mga opinyon ko tungkol sa kasal. Chef ako! Hindi ako designer or ano mang tawag sa mga 'yan!" reklamo ko sa kaniya. "Tapos ayan! Saan naman nanggaling 'yang singsing na iyan? Wala 'yan noong niluto ko! Paano na lang kung—"
"It's yours, Baby," biglang sabat ni Daniel.
Nalilitong tiningnan ko siya.
"Ha?"
Napaawang ang bibig ko noong bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Napatayo na rin ako at tumingin sa paligid sa pag-aalalang may makakita sa amin. Pero mas lalo lang akong nagulat noong makita ko ang mga kasama namin na nakatanaw sa amin at nakangiti nang malapad.
Naroon din ang mga magulang ni Daniel. Higit sa lahat ay ang pamilya ko. Hindi ko naman sila pinapunta rito. Muli akong tumingin kay Daniel.
"Ano'ng ginagawa mo?" gulat na tanong ko. "Ano 'to?"
Ngumiti lang si Daniel at ipinakita sa akin ang singsing.
"Beverlyn Ramirez. My baby. My love. Today, I want to ask you a very generic question you know. But to my heart... It is true and sincere. Will you marry me, My Baby?"
Lalo akong napanganga. Iyong puso ko ay parang tinatambol na dahil sa labis na kaba. Kaba na hindi takot, pero pinaghalong pagkalito, gulat, at... Pananabik.
Nasapo ko ang bibig ko. Hindi ko na rin napaigilan ang sarili na mapaluha dahil sa tanong niya. Pagtingin ko kila Nanay ay maluha-luha sila habang tumatango. Ganoon din ang mga magulang ni Daniel.
Muli akong tumingin kay Daniel.
"S-Sure ka ba? Gusto mo akong pakasalan?" tanong ko kay Daniel.
"Of course, Baby. Sigurado ako. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako naging sigurado sa desisyon ko, Baby. I love you. Please... Accept my proposal."
Bahagya akong napasinghap.
"Malamang! Bakit ko naman hindi tatanggapin ang proposal mo, Daniel? Ikaw pa lang ang nakatikim ng tilapya ko! Kaya oo! Yes! Magpapakasal ako sa 'yo!" tugon ko.
Napuno ng pinaghalong tawanan at iyak ang paligid. Kahit si Daniel ay natawa rin sa sinabi ko. Pero wala na akong pakealam. Wala akong ibang makita kundi siya lamang. Si Daniel.
Kinuha ni Daniel ang kaliwa kong kamay na nanginginig na dahil sa nangyayari. Marahan niyang isinuot sa palasinsingan ko ang singsing. Saka hinalikan ang likod ng palad ko.
"I love you, Baby."
Dumukwang ako sa kaniya at sinapo ang kaniyang mukha.
"I love you too, Daniel. Mahal na mahal kita."
Hinalikan ko siya saglit sa labi.
"Thank you. Thank you for coming into my life. For healing my broken heart."
Tumayo siya at niyakap ako.
Walang pagsidlan ang galak ko. Ikakasal na ako kay Daniel. Sa lalaking pinakamamahal ko. Sa lalaking una at huling makatitikim ng tilapya ko.

