Views

When I Was A Slave - Chapter 13

Ameiry Savar
0

  



⚠️ Content Advisory

This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.


Chapter 13

When I Was A Slave 

Sa mga nakalipas na araw ay para akong naging robot. Hindi na ako tumanggi pa sa kung anong gustong gawin sa akin ni Marius. Sa tuwing tinatawag niya ako, ay tahimik akong nalapit. Kapag binababoy niya ako ay hindi na lang ako umaangal.

Ano pa ba ang mgagawa ko? Sira na ang pamilya ko. Kahit gustuhin ko mang bumalik sa kanila ay alam ko na hindi na ako tatanggapin pa ni Lemuel. Pinili na niya akong ipamigay.


Ngunit hindi ko maitatanggi ang labis na pangungulila ko sa mga anak ko. Wala akong pakealam kung ayaw na akong makita ni Lemuel. Kung galit siya sa akin. Ang importante pa rin sa akin ay ang mga anak ko.


Napakislot ako noong marinig ko ang mahihinang katok mula sa pinto. Hindi ko namalayan, umaga na pala. Kanina pa kasi ako nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Walang saplot at tanging ang makapal na kumot lang ang tumatakip sa maliit kong katawan.


"Ma'am? Pinapatawag po kayo ni Sir sa ibaba," ani ng tinig mula sa labas ng silid.


Napabuga ako ng hangin. Isa siguro siya sa mga katulong dito sa mansyon.


"Bakit?" tanong ko. Hindi pa rin ako kumilos sa pwesto. "Ayaw ko siyang makita."


Natahimik ito. "Sorry, Ma'am. Pero mariin niya pong sinabi na kailangan mo raw po bumaba. Please... Ayaw ko pong mapagalitan."


Napapikit ako noong marinig ko ang huling sinabi nito. Konsensya ko pa kung sakaling may masamang mangyari sa kanila. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo na lamang at nagbihis. Matapos kong magsuot ng damit ay bumaba na ako para makipagplastikan kay Marius.


Naabutan ko siyang prenteng nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. Nakatingin na siya sa akin na para bang hinihintay talaga ako. Bumuga ako ng hangin at lumapit sa kaniya, ngunit nanatili lang akong nakatayo sa may gilid.


"What do you want?" walang ganang tanong ko. Nakatingin lang ako sa sahig at naghihintay na naman sa kamunduhang gagawin niya.


"Sit down. Let's eat," utos niya.


Muli akong napatingin sa kaniya. Hindi naman siya mukhang galit. Pero ramdam ko malalamig niyan titig na nagbibigay ng kilabot sa akin.


"I'm not hungry," deretso kong sabi.


Kung noong una ay siguro matatakot pa akong sagutin siya nang ganito. Ngunit ngayon? Wala na akong pakealam sa kung ano ang maari niyang gawin sa akin.


Bahagyang naningkit ang mga mata niya.


"Sit down, or I'll—"


Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Naupo na lang ako sa tabi niya. Napatigil naman siya sa pagsasalita na para bang nagulat sa ginawa ko.


Narinig ko siyang bumuga ng hangin.


"Eat."


Masasarap naman ang pagkain sa lamesa. Nakakatakam kung tingnan. Pero parang wala akong maramdaman habang nakatitig doon.


"Busog ako."


"Eat, Lyra. Don't make me say it thrice."


"Hindi nga ako gutom. Bakit mo ba ako pinipilit?" inis na tanong ko.


Salubong ang mga kilay na tiningnan ko pa siya. Pero nagulat lang ako noong bigla siyang tumayo at hinila ako. Bago pa man ako makaangal ay namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa kandungan niya.


"A-Ano ba?!"


Hindi niya ako pinansin kahit sinubukan ko siyang itulak. Nag-umpisa lang siyang maghati ng steak. Tinusok niya iyon ng tinidor saka inilapit sa bibig ko.


Tinignan ko siya nang masama.


"Ayaw ko ngang kumain! Bakit ba pinipilit mo ako?!"


Bahagyang umarko ang kilay niya.


"Why wouldn't you want to eat? Are you trying to kill yourself by not eating?"


Natigilan ako sa tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin.


"Do you really think that I will let you do that?"


Napangisi ako. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.


"Hindi pa ba sapat na nasira mo pa ang pamilya ko? Ano pa ba ang gusto mo sa akin? Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin? Gusto mo pa ba talaga akong pahirapan kaya ayaw mo akong mamatay?"


Biglang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Marius. Nagdilim din ang mukha nito. Nagulat pa ako noong bigla niyang isinubo ang hiniwa nitong karne kanina. Ngumuya ito. Saka biglang humawak sa batok ko at pinaharap sa kaniya.


Namilog ang mga mata ako noong idinkit niya ang mga labi sa akin. At kahit ayaw ko man ay naiawang ko ang bibig ko dahil pilit niyang binubuksan iyon gamit ang kaniyang dila. Saka ko lang napagtanto na inililipat niya sa bibig ko ang karneng isinubo niya noong malasahan ko na iyon sa dila ko.


Baliw ba siya?!


Sinubukan ko siyang itulak, ngunit mas humigpit lang ang pagkakahawak niya sa akin. Kahit ang dila niya ay hindi niya inalis sa may bukana ng bibig ko para lang hindi ko maibalik sa kaniya ang karne. Kaya wala akong nagawa kundi ang bahagya iyong nguyain saka lunukin. At noong masiguro niya na wala nang pagkain sa bibig ko ay pinakawalan na niya ako.


"Baliw ka talaga!" galit na sabi ko.


Hindi naman siya sumagot. Muli lang siyang naghiwa ng karne, at tinusok iyon ng tinidor. Saka muling inilapit sa may bibig ko.


"Ayaw ko nga—"


Namilog ang mga mata ko noong isinubo niya ulit ang karne at muli akong hinalikan.


Diyos ko!


Kaya noong muli siyang naghiwa nang karne ay wala na akong nagawa kundi ang kainin ang isinusubo niya sa akin. Ganoon naman talaga. Wala akong magawa kahit na anong pagmamatigas ko.


Kailangan ko na lang siguro tanggapin na ganito na lang ako.


To be continued...


❤️ Enjoying the story?

If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.

Your support helps me continue writing stories like this.


⬅ Previous Chapter

📚 Story Index

➡ Next Chapter




Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !