Billionaire's Obsession
(Savage Men Series)
Ameiry Savar
Blurb:
She was too innocent for his world.
He was far too dangerous for her.
Soft where he was ruthless.
Fragile where he was unbreakable.
She lived in light, in quiet dreams and gentle hopes.
He thrived in darkness, where power ruled, and mercy had no place.
She was everything he should have stayed away from.
And he was everything she was warned to fear.
But the moment their worlds collided, there was no turning back.
Because obsession doesn’t ask for permission.
It takes. It consumes. It destroys.
And he had already decided—
She would be his.
No matter the cost.
Disclaimer!
Mafia's Addiction contains scenes that may not be suitable for very young or sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, rape, murder, and foul words.
This is a work of fiction. All names, characters, places, and events are products of the author’s imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, or to actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the author’s prior written permission, except for brief quotations used in reviews or commentary.
Mafia's Addiction © 2026 by Ameiry Savar
Chapter 1
Ouch! Ang sakit ng ulo ko!
Para akong binibiyak ang ulo ko noong magising ako.
Ano ba ang nangyari kagabi? Diyos ko! Naparami ata ang inom ko!
Pinilit ko nang imulat ang mga mata ko, at isang chandelier na nakasabit sa kisame ang bumungad sa akin.
Kailan pa ako nagkaroon ng chandelier?
Napakurap-kurap ako. Hanggang sa tuluyang nagising ang diwa ko.
Wala ako sa kwarto ko!
Napakapit ako sa kumot ko at awtomatikong nahila iyon sa katawan ko. Wala sa sariling napatingin ako sa katawan ko na nakatago pa rin sa kumot.
Diyos ko! Bakit wala akong saplot?!
Lagot ako kay Mama Linda nito!
Pagtingin ko sa tabi ko ay lalong nawindang ang mundo ko.
Katabi ko si Mr. Jackson Sandoval. Ang may-ari at CEO ng Sandoval Corporation. At ang boss ko!
“Diyos ko, Maribel! Ano bang nangyari sa ‘yo?!”
Dali-dali na akong tumayo mula sa pagkakahiga ko. Dala-dala ang kumot ay tumakbo ako papunta sa banyo upang magbihis.
Hindi pwedeng magising si Sir na nandito pa ako sa loob. Ano na lang ang iisipin niya? Ginapang ko siya para sa pera? E hindi ko nga alam paano ako napunta sa lugar na ito!
Kilala pa naman na malupit si Sir Jackson. Lahat ng mga hindi nito nagugustuhan ay walang awang tinatanggal nito sa trabaho. Madami nga ang iwas dito kapag dumadating.
Well, ako. Hindi ko pa alam. Kilala ko lang si Sir sa pictures. Tatlong buwan pa lang naman ako sa Sandoval Corp. Kakaumpisa ko pa lang kaya hindi talaga ako pwedeng makagawa ng mali.
Kung bakit kasi pinilit ko pa makipagsabayan sa mga katrabaho ko? Nahiya kasi ako kay Ma’am Claire, ang manager namin, birthday niya kasi. Syempre, bago pa lang ako kaya gusto ko sana magpa-impress. Ang alam ko ay nakauwi ako. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Diyos ko!
Noong matapos ako magbihis ay lumabas din ako ng banyo. Maingat ang bawat galaw ko dahil baka biglang magising si Sir.
Halos mag-tip toe na ako habang hinahanap ang bag ko. Saan ko na ba iyon naihagis?
Pagtingin ko sa side ni Sir Jackson ay doon ko nakita ang tote bag ko. Maingat pero nagmamadali akong lumapit doon. Natigilan pa ako dahil biglang tumagilid paharap sa akin si Sir. Napaupo ako sa sahig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.
Sandali akong napamaang sa kaniya. Ang gwapo talaga ni Sir Jackson. Walang sinabi ang mga poging artista na sikat ngayon sa TV.
Makapal na kilay. Matapos na ilong. Iyong labi niya ay pinkish. Moreno din si Sir. Matangkad at matipuno ang katawan. Nakatulong din ang dugong Espanyol niya, kaya mukha talaga itong Adonis kung tingnan.
Napakurap-kurap ako noong biglang may pumasok sa alaala ko habang tinititigan si Sir.
Si Sir Jackson, nakapatong sa akin habang hawak-hawak ako sa leeg. Pababa ang mukha niya sa akin at bigla na lang ako siniil ng halik.
“OMG!”
Napasinghap ako at agad na pinamulahan ng mga pisngi. Nasapo ko pa ang bibig ko dahil nagsalubong ang mga kilay ni Sir.
Hinalikan ako ni Sir? May nangyari sa amin? OMG! Wala akong maalala!
Bakit hindi ko maalala?
“Hmm…”
Bigla kong napigil ang paghinga ko noong umungol si Sir. Inayos ko na ang suot kong salamin at nagmamadaling kinuha ang bag ko. Naramdaman ko pa na parang may nahulog doon pero hindi ko na inintindi.
Mas importante na hindi ako maabutan ni Sir sa loob. Ayaw ko pa mawalan ng trabaho!
Nagmamadali akong lumabas ng hotel room. Nakatungo lang ako habang pilit na kinakalimutan ang alaalang iyon sa isipan ko.
Hinalikan ko ba talaga si Sir? Iyong masungit at mailap na CEO namin? Ang boss ko?
Paano ko nagawa iyon?
Kung titingnan naman kasi ay ang layo ko kay Sir. Isang lumang long-sleeved at slacks lamang ang palaging suot sa opisina. Naka-ponytail pa lagi ang buhok ko. Idagdag pang malabo na ang paningin ko kaya palagi akong nakasuot ng salamin.
Umiling ako.
Imposible. Baka naligaw lang ako tapos naawa lang si Sir sa akin at hinayaan na lang muna ako matulog sa kama. Pero ‘di ba sabi nila ay mailap daw sa babae si Sir?
Muli akong umiling. Hindi na dapat ako mag-ilusyon pa. Siguro naman ay hindi ako maalala ni Sir.
Sana lang talaga ay hindi niya ako maalala.
Chapter 2
Jackson's POV
My head was spinning. When I opened my eyes, agad kong hinanap ang banyo upang magsuka.
That bastard really did it!
Muli kong naalala ang usapan naming magkakaibigan.
Last night.
"You need this, Jack. Just try it. Baka naman matapos na ang problema mo," puno ng kompyansang sabi ni Crude. "For sure, hindi mo na poproblemahin pa ang magiging tagapagmana mo."
Naikuyom ang aking mga palad. They all know that my grandmother was already pressuring me for a son. Kaya napag-trip-an nila akong bigyang ng gamot.
Fuck! Those fools! Humanda sila sa akin mamaya!
Noong matapos kong maisuka lahat ng mga kinain at ininom ko kagabi ay lumabas na ako ng banyo. Doon ko napansin ang magulong kama. Saka ko lang din napagtanto na nakasuot lang ako ng boxer shorts.
Nangunot ang noo ko at napasapo ako sa ulo.
"What happened—"
I groaned when a memory flashed into my head.
I was with a woman.
Damn!
Mukhang nagtagumpay si Crude sa ginawa niya sa akin. Pero kahit na anong isip ko ay hindi ko maalala ang mukha ng babaeng nakasama ko kagabi.
I remember her body. Her scent. I will never forget her scent. It smells so sweet. It tickles something inside my mind that could make something inside me wake up. Iyong droga na biglang nagpapabaliw sa akin. She smells lavender.
But her face was blurry.
"Who are you?" tanong ko sa sarili.
Minabuti ko na lamang na iwaksi iyon. Maybe she was just one of the women at the club. Mabuti nga at nagkusa na siyang umalis. Mukhang hindi ko naman siya magiging problema sa ngayon.
Iyon ang importante.
Nagbihis na ako. Nag-iwan ako ng tip sa lamesa para sa mga maid na maglilinis ng silid namin. We made quite a mess inside.
Noong mapansin ko ang isang papel sa ilalim ng lamesa. Agad ko iyong pinulot at tiningnan ang laman.
It was a resume.
"Sophia Alfonso."
I stared at the picture of the woman that was in the paper.
Siya ba ang babaeng nakasama ko kagabi?
—
Maribel's POV
Nagmamadali na akong pumasok ng building ng Sandoval Corp. Halos liparin ko na nga ang hallway para lang makarating agad sa opisina.
Dapat talaga ay hindi na ako mag-inom!
Pagkatapos ko kasing umalis sa hotel ay umuwi lang ako sa bahay upang maligo. Wala na akong oras dahil mali-late na ako. Ayaw pa naman ni Ma'am Claire ng nali-late.
Napanatag lang ako noong dumating ako sa opisina namin limang minuto bago ang oras ng trabaho ko. Hinihingal pa akong naupo sa swivel chair noong tumunog bigla ang cellphone sa bag ko.
Nagmamadali na akong kuhain iyon upang sagutin.
"Sophia—"
"Maribel! Nasaan na? Akala ko ba dadalhin mo rito sa bahay?"
Napangiwi ako noong marinig ko ang tanong ni Sophia, ang best friend ko. Dahil sa labis na kalasingan kagabi ay nakalimutan ko nagpapa-print nga pala siya ng resume. Nagbabalik kasi siya na mag-apply din sa pinagtatrabahuan ko.
Napakamot ako sa ulo.
"Sorry, Sophia. Nakalimutan ko. Mamaya. Promise! Mag-print ako ulit at dadalhin sa inyo."
"Hay, naku! Sabi ko naman sa 'yo na kailangan ko 'yan ngayon e. Ano bang ginawa mo kagabi?"
Napalunok ako dahil sa tanong niya. Naalala ko bigla ang mukha ni Sir Jackson na mahimbing natutulog.
Diyos ko! Sana talaga ay hindi niya ako makilala. Patay talaga ako kapag mangyari iyon!
"H-Ha? Ano. Kasi. May tinapos kasi akong trabaho kagabi. H'wag kang mag-alala. Promise! Ihahatid ko agad mamaya iyong resume mo. Ilang copy ba ang kailangan mo?"
"Oo na! Basta promise mo 'yan. Tulungan mo rin ako na makapasok diyan sa Sandoval, ha?" malambing na sabi ni Sophia.
Napangiti ako. "Oo naman. Promise 'yan."
"Okay. Bye na! May kailangan pa akong gawin!"
Bago pa man ako makapagpaalam ay pinatay na ni Sophia ang tawag. Napangiti ako at inilapag ang cellphone sa table.
llang taon ko na rin kaibigan si Sophia kaya malapit na siya sa akin. Para ko na siyang kapatid dahil magmula noong mawala ang pamilya ko ay ang pamilya na niya ang kumopkop sa akin. Kaya hindi ko talaga siya mahihindian palagi.
Nag-umpisa na akong magtrabaho. Isa akong Junior Administrative Staff sa Sandoval Corporation. Madalas matambak sa akin mga basic na trabaho sa opisina. Kagaya ng pag-print ng mga dokumentong kailangan.
Noong matapos ako sa unang batch ng trabaho ko ay minabuti ko na gawin muna ang pinapagawa ni Sophia. Ang alam ko ay may na-print ako kahapon, pero noong tingnan ko ang bag ko kanina ay wala na roon. Hindi ko alam kung saan ko ba iyon nailapag.
Napapangiti pa ako noong lumabas ako sa printing room. Twenty copies ang ginawa ko para hindi talaga maubusan si Sophia. Sigurado na hindi na siya mauubusan nito.
Ngunit sakto na paglabas ko ng pinto ay biglang may dumaan sa harapan ko. Hindi ko ito napansin dahil bukod sa bigla itong sumulpot sa harapan ko, nakatutok pa ang atensyon ko sa hawak kong mga papel.
Muntik pa akong matumba kung hindi lang may matigas na braso ang biglang pumulupot sa baywang ko para mapigilan iyon. Napapikit na lamang ako dahil sa pagkagulat.
Noong mapagtanto ko na hindi ako natumba ay unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Inayos ko ang suot kong salamin at tiningnan ang lalaking nakabunggo. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko noong mapagsino ko iyon.
"S-Sir Jackson?!"
Chapter 3
Maribel's POV
Mabilis akong lumayo kay Sir Jackson at tumayo nang maayos. Rinig ko na ang malakas na pagdagundong ng dibdib ko. Ngunit pilit ko pa ring pinapormal ang aking ekspresyon.
Diyos ko! Kailangan ko ang trabahong ito!
"S-Sorry po, Sir!" mahina kong sabi.
Sandali akong nag-angat ng ulo. Nagulat pa ako noong makitang nakatitig siya sa akin. Muli akong nagbaba ng tingin.
Naalala niya ba ako? Patay! Mukhang matatanggal na ako sa trabaho!
"Be careful."
Biglang nawala ang lahat ng pag-aalala ko noong marinig ko ang sinabi niya. Muli akong nag-angat ng ulo at nag-aalalang tiningnan siya.
"Y-Yes, Sir—"
Napaatras ako noong humakbang ulit palapit sa akin si Sir. Bigla akong nanigas noong inilapit niya ang mukha sa akin sa may leeg ko.
"Do I know you?"
Namilog ang mga mata ko. Pinilit kong tumawa. Hindi niya pwedeng malaman na kasama niya ako kagabi.
"S-Sir. Empleyado po ako rito. Nakakasalubong mo po ako minsan kaya baka pamilyar ako sa 'yo."
Bahagyang nangunot ang makinis na noo ni Sir. Halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Pero totoo naman. Mailap si Sir, pero madalas ko naman siya nakikita. Baka paminsan-minsan din ay napapansin niya ako.
"Mr. Sandoval!"
Biglang tumayo nang maayos si Sir. Umatras din ako habang nakatungo pa rin. Lumapit sa amin ang isa sa mga executive ni Sir Jackson.
"Sir, found you a new secretary."
Pasimple akong nag-angat ng ulo. Sa tabi ng executive ay may babaeng nakatayo. Nakasuot siya ng formal na blouse at skirt. Pero dahil sa iksi niyon ay parang hindi na iyon pang opisina. Malapad ang mga ngiti nito at namumungay ang mga mata.
"Good morning, Sir. I'm—"
"You're fired," biglang sabi ni Sir Jackson.
Lahat kami ay nalito sa sinabi niya. Hindi pa nga nakakapagpakilala ang secretary ay tinanggal na nito agad.
"Sir?" patanong na sabi ng bagong secretary.
"Are you stupid? Or you're deaf? You are fired," mariing sabi ni Sir Jackson.
Napakapit ako sa dibdib ko. Nanonood lang ako pero hindi ko maiwasang masaktan para sa babae. Ngunit hindi na naman bago ito kay Sir Jackson. Siguro maswerte na kung tatagal ng isang araw ang sekretarya niya.
"Wala pang isang oras? That's brutal!" narinig kong sabi ng isa sa mga katrabaho ko. Doon ko lang napansin na may mga tao na palang nakatingin sa pwesto namin.
"True! Kahapon ay umabot pa ng tanghali ang bagong secretary. Pero siya? Grabe!" ani pa ng isa.
"Kawawa naman. Looks like walang magugustuhang secretary niya si Mr. Sandoval."
Napalunok ako. Mabuti na lang at iba ang trabaho ko rito. Kasi kung hindi, nakakaiyak naman kung bigla akong matatanggal sa trabaho ko.
"B-But, Sir! Please! I can do my job well! I can—"
Sinubukang hawakan ng babae si Sir Jackson. Pero mahigpit lang nitong hinawakan ang palapulsuhan ng babae at bahagya pang pinilipit.
"Don't you dare touch me!" sigaw ni Sir. Napaigtad pa ako dahil sa gulat.
Itinulak ito ni Sir Jackson hanggang sa matumba ito sa sahig. Walang nagawa ang kaawa-awang babae kundi ang umiyak na lang at tumakbo paalis sa harapan ni Sir Jackson.
Grabe! Nakakatakot talagang maging boss si Sir!
"B-But, Sir. You really need a secretary now," ani ng executive. "Medyo nahihirapan na rin kaming maghanap ng—"
"You can also leave if you don't want to work for me already."
Napaawang ang bibig ng executive. Mabilis itong umiling.
"No, Sir! I'm sorry. We will find you a new secretary right away!" nahihintakutang sabi nito.
Huminga nang malalim si Sir Jackson. Bigla siyang napalingon sa akin kaya napatungo ako ulit.
Diyos ko! Ako na ba ang isusunod niyang tanggalin? Tatlong buwan pa lang ako bilang junior staff dito. At kailangan ko talaga ang trabaho ko ngayon.
Nakagat ko na ang aking labi. Ano na lang ang gagawin ko ngayon? Paano na ang bahay namin? Ang maintenance ni Nanay? Ang mga utang ni Tatay?
H'wag naman sana!
"No need to find one. I have my secretary now," ani Sir Jackson.
Nag-angat ako ng ulo at napatingin sa kaniya. Nagulat pa ako noong makitang sa akin nakatingin si Sir at ang executive niya. Pati ang dalawa pa nitong kasama.
"Who, Sir?" tanong ng executive.
Hindi inalis ni Sir Jackson ang mga tingin niya sa akin.
"Her. She's my new secretary. She'll start today."
Napamaang ako. Muli akong binundol ng kaba. Gusto ko sanang isipin na dinadaya lang ako ng pandinig ko. Kaso hindi na inalis ni Sir Jackson ang kulay tsokolate niyang mga mata.
What the f—
Chapter 4
Jackson's POV
I went inside my office pagkatapos iyon. Hindi ako makapaniwala na kinailangan ko na namang magtanggal ng bagong secretary.
I can't help it. Obvious naman na ang mga ito ay nag-apply lang para sa dalawang dahilan—for my money and me.
I'm so done with women who always try to throw themselves at me. Problema lang sila. They were leeches who would just suck me dry if I didn't put my guard up.
But this woman... Muling bumalik sa alaala ko ang babaeng nakasalubong ko kanina. She feels familiar. Her scent. Pakiramdam ko ay dapat alam ko kung sino siya. But I couldn't remember where I met her.
May kumatok sa pinto ng opisina ko. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at pumasok si Max, my butler. Lumapit siya sa lamesa ko.
"So?" tanong ko agad.
Inilapag niya ang folder na hawak niya sa lamesa ko.
"These are all the details I got for Ms. Sophia Alfonso," ani Max. "She's currently unemployed and looking for a job."
Kinuha ko ang folder at binuklat ko iyon. Bumungad sa akin ang larawan ng babaeng may mahabang buhok. She looked okay to me. Pero hindi ko alam kung bakit parang may mali. But it doesn't matter anymore. Kung siya ang nakasama ko kagabi sa hotel ay kailangan ko siyang makaharap.
And my problem could be solved then.
"Okay. Invite her for dinner later. I need to talk with her."
"Noted, Sir."
"How about my new secretary?" tanong ko.
Tumikhim si Max.
"Ahm, she's being oriented now."
Napangiti ako.
—
Maribel's POV
I can't believe it!
Ilang buwan kong sinubukan na maging normal na empleyado lang sa Sandoval Corporation. I tried my best na hindi ako mapansin ng kahit na sino, lalo na ni Sir Jackson.
Pero ito talaga?!
I mean—mas malaki ang magiging sweldo ko bilang secratary. But still—magiging secretary ako ni Sir Jackson!
Paano kung hindi niya magustuhan ang trabaho ko? Paano kung tanggalin niya rin ako bigla kagaya ng ginawa niya sa nauna niyang secretary?
Lord! Kailangan ko po talaga ang trabaho na ito!
"Ms. Garcia? Are you listening?"
Napaigtad ako noong muli kong marinig ang boses ni Ma'am Jane, ang HR na nago-orient sa akin.
Inayos ko ang salamin ko at tumango-tango.
"Y-Yes, Ma'am! I understand."
Nangunot ang noo nito na para bang tinatyanta pa kung totoo ang sinasabi ko. Pinilit kong ngumiti sa kaniya, pero iyong ngiti ko ay nagmukha na atang ngisi ng aso dahil sa kaba ko.
"You should keep in mind all of this kung gusto mong magtagal sa posisyon mo, okay? Mr. Sandoval never hires anyone himself. This is the first time."
Unti-unting nawala ang mga ngiti ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko iyon. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ako? Sana lang talaga ay hindi niya ako naalala.
"N-Noted, Ma'am."
"Well, congratulations on your new position. I hope you do well and... Sana magtagal ka."
Nginitian niya ako. Ngiti na para bang pananakot ang dating sa akin. Inilahad niya pa ang kamay niya sa akin. Na agad ko namang inabot.
"Thank you, Ma'am."
Binawi ko na ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, pero gagawin ko ang best ko para lang manatili sa posisyon na ito.
"Ah, I forgot to tell you. Hindi gusto ni Mr. Sandoval ang mga babaeng... Naghahabol sa kaniya. So, if you like our boss. Don't get your hope up just because he chooses you."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Wala naman akong balak na itapon ang sarili ko kay Sir Jackson kahit na siya ang nakauna sa akin. Hindi naman ako pinalaking desperada ng mga magulang ko.
"Syempre naman po, Ma'am. Alam ko ang lugar ko."
"Good. You can leave now. Your new office will be next to Mr. Sandoval's office."
Tumayo na ako at lumabas ng silid na iyon.
Para na akong mauubusan ng hangin dahil sa kaba. Wala akong ideya sa pagiging secretary. Malayo iyon sa course ko. Diyos ko! Ano na ang gagawin ko ngayon? Mukhang mawawalan pa talaga ako ng trabaho!
Chapter 5
Maribel's POV
Sa isang iglap ay napunta ang lamesa ko sa pinakatuktok ng building kung nasaan ang opisina ni Sir Jackson. Nag-iisa lang iyon sa floor na iyon. Nagmistula akong receptionist ng isang hotel dahil sa malapit sa elevator ang puwesto ko. Pero tanaw din naman sa puwesto ko ang malaking pinto ng opisina ni Sir Jackson.
Wala akong ideya kung ano ba ang gagawin ko rito. I mean, na-orient na naman ako ni Ma'am Jane kanina. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang uumpisahan ko.
"Are you there?"
Halos mapalundag ako noong biglang tumunog ang intercom sa gilid ng lamesa ko. Boses iyon ni Sir Jackson kaya mas lalo pa akong kinabahan.
Pinindot ko ang butones.
"Y-Yes, Sir."
"Good. Come inside."
Napapikit ako nang mariin. Ito na. Umpisa na nang kalbaryo ko.
Huminga muna ako nang malalim bago ako tumayo at naglakad papunta sa opisina ni Sir Jackson. Huminga pa muna ako nang malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto.
Hindi ko maiwasang mamangha noong nakapasok na ako sa loob. Ito ang una kong beses na makakapasok dito kaya medyo nagulat ako.
Simple lang naman ang interior design niyon pero maluwag. Feeling ko nga mas maluwag pa iyon sa apartment na inuupahan ko. May sunken living room pa sa gilid. May patway sa gitna papunta sa malaking lamesa ni Sir Jackson.
Napalunok ako noong makita ko si Sir Jackson na nakaupo sa swivel chair nito. Nakatingin na siya sa pwesto ko na para bang inaasahan niya talaga ang pagpasok ko.
"Come here," tawag niya sa akin.
Pinatapang ko ang sarili ko. Taas noo akong lumapit at tumigil sa tapat ng kaniyang lamesa.
“Yes, sir.”
Huminga siya nang malalim. Tiningnan niya ako mula uli hanggang paa. Bigla tuloy ako nakaramdam nang pagkailang.
Bakit naman ganoon siya kung makatingin sa akin?
Napakurap-kurap ako noong biglang tumayo si Sir. Nataranta na ako noong makita kong papalapit siya sa akin.
“W-Why, Sir?”
Hindi sumagot si Sir Jackson. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang tumigil siya sa harapan ko.
Napalunok ako at bahagyang napaatras. Lalo na noong bahagya siyang dumukwang.
Namilog ang mga mata ko noong ipinikit niya ang mga mata niya at marahan akong inamoy.
Yes! Literal na sininghot niya ako.
"S-Sir?”
Muli siyang nagmulat ng mga mata at tumayo ng maayos.
“You are really familiar to me. Sigurado ka ba na hindi pa tayo nagkita?”
“P-Po? E... Sir. Empleyado niyo po ako rito. Syempre nakita niyo na ako!” giit ko.
Feeling ko naaalala niya ako.
Nangunot ang noo niya at tiningnan ako na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“No. I'm sure that'll not it.” Napailing siya. “Never mind. Let's start working.”
Nakahinga ako nang maluwag noong tumalikod na si Sir at muling bumalik sa kaniyang upuan. Napahawak pa ako sa dibdib ko habang pinapakalma ang sarili.
Muntik na ako doon.
“I have a meeting later. Make sure that you are ready. I want everything we talked about written in paper. Understood?” he commanded.
“Yes, Sir!” malakas na sabi ko. Kulang na lang mag-salute ako sa kaniya. Para kasi siyang commander ng platoon kung magsalita.
Itinaas niya ang kamay at marahan iwinagayway na para akong tinataboy na aso. Ni hindi na nga niya ako tiningnan at nag-umpisa nang mag-check ng mga dokumento sa lamesa.
Napalabi na lang ako at tumalikod na. Hindi ko naman inakala na ito na ang magiging umpisa ng kalbaryo ko bilang secretary niya.
Halos hindi na kasi niya ako pinatigil sa pagtatrabaho. Sunod-sunod ang utos niya.
I felt like I already saw my ancestors.
I slumped down on my chair matapos kong ihatid sa kaniya ang mga dokumento na pina-prepare niya sa akin.
Diyos ko! Malaki nga ang sweldo, pero parang bigla kong na miss ang pagiging junior staff.
Napaungol ako sa inis noong marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nakapikit pa ang mga mata ko noong kinuha iyon at sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Maribel? Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit parang pagod na pagod ka naman ata sa buhay?” tanong ni Sophia.
Napalabi ako agad noong marinig ko ang boses ng kaibigan ko.
“Bessh! Nakakapagod na!”
“Ha? Bakit naman? Akala ko ba na-promote ka?”
"Oo nga! Pero hindi ko naman inakala na ganito pala ang mangyayari. Bhe, halos hindi na niya ako pagpahingahin. Tapos secretary niya ako, ha? Ultimo pagbili ng lunch niya ako rin ang gumagawa! Higit sa lahat, he is ridiculously handsome!”
"What?”
Natigilan ako noong ma-realize ko ang huli kong sinabi. Napaupo ako nang maayos. Tumikhim ako.
“I-I mean—I'm sorry. Bakit ka pala napatawag?”
"Hay naku! Ikaw kasi! Puro ka reklamo. Ayaw mo no'n? Direct ka na nagtatrabaho kay Mr. Sandoval?”
Natahimik ako sa sinabi ni Sophia. Sabagay, dalawang linggo na ako bilang secretary ni Mr. Sandoval, pero hindi pa rin ako natatanggal sa trabaho.
Hindi ko nga alam paano ko na survive iyon.
“Yeah. Tama ka.”
"Anyway, Mari. Thank you sa tulong mo, ha? Kaya sa 'yo ako e!”
Nangunot ang noo ko.
“P-Para saan?”
“Hindi ba tinulungan mo ako makapasok sa Sandoval Corp? Tinawagan na nila ako! They want me to come to the company tomorrow!” masayang balita ni Sophia.
Lalo akong nalito. Hindi ko pa naman na check ang available na trabaho sa company ngayon. At lalong wala pa akong nakakausap kahit na sino dahil nga sa busy ko sa bago kong trabaho.
“G-Ganoon ba? Congrats,” iyon na lang ang nasabi ko. Ayaw ko naman na masira ang kasiyahan ng kaibigan ko.
Pero hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinabahan sa binalita niya.

