⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 10
When I Was A Slave
Napakatahimik ng bahay noong makauwi ako. Kinabahan pa ako dahil hindi ko nakita ang mag-aama ko sa loob. Kaya nagmamadali akong lumabas ulit upang tanungin ang kapitbahay namin. Mabuti na lang at nakita ko agad si Bebang na papadaan sa amin.
"Lyra! Narito ka pala!" bati agad nito sa akin.
"Oo. Nakita mo ba kung nasaan sila Lemuel?" tanong ko.
Nangunot ang noo niya. "Ha? Sila Lemuel? Hindi—"
"Lyra!"
Napatingin ako sa likuran ko noong marinig ko si Lemual. Agad na nagliwanag ang mukha ko noong makita ko silang papalapit sa akin. Lumapit ako sa kanila at niyakap ko bigla ang dalawa kong mga anak.
"Diyos ko! Saan kayo nagpunta? Kanina ko pa kayo hinihanap!" mangiyak-ngiyak kong sabi.
Nangunot ang noo ni Lemuel. Nakatayo na ito ngayon at wala nang mga benda sa katawan.
"May binili lang kami diyan sa labas. Hindi mo sinabi na uuwi ka pala. Halika, doon tayo sa bahay."
Tumango ako. Kinuha ko ang bunso namin at naglakad papasok sa bahay. Nagpaalam na rin si Bebang at hindi na kami inabala pa.
"Mama! Uuwi ka na! Hindi ka na po ba ulit aalis?" tanong ni Rex.
"Mama! Mama!" ani naman ni Bunso.
Biglang kumirot ang puso ko dahil sa tanong ng mga anak ko. Hindi ko alam paano sa kanila ipapaliwanag na hindi ako pwedeng magtagal sa kanila. Nababalik din ako mamayang hapon sa mansyaon ni Marius.
"Oo nga, Mahal. Kaya ko na naman ulit magtrabaho. Pwede ka na umalis diyan sa trabaho mo. Mas kailangan ka ng mga anak natin."
Kung ganoon lang sana kadali iyon.
Pinilit kong ngumiti. Ayaw kong makita nila ang takot sa mga mata ko.
"A-Ano kasi, Mahal. Hindi pwede agad umalis. Nakapirma na kasi ako ng kontrata."
Humarap na sa akin si Lemuel matapos niyang ayusin ang binili nilang ulam para sa tanghalian. Naupo siya sa tabi ko.
"Wala naman ata silang magagawa e. Tutal andito ka na rin naman. H'wag ka na bumalik doon. Ako na ang bahala sa pamilya natin. Please."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Kailangan ka namin dito, Mahal. Pasensya na sa mga pagkukulang ko noong nakaraan. Pangko, babawi ako."
Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya kaya natahimik lang ako. Gusto kong hindi na sila iwan. Kaso paano na lang kung magalit si Marius? Pero... Ano pa nga ba ang magagawa niya, 'di ba? Marami namang babae diyan. Bakit ako pa?
Naghanda na ako para sa tanghalian namin. Hindi ko maipaliwanag ang galak na nararamdaman ko ngayon na kasama ko sa hapag kainan ang pamilya ko. Kahit anong sarap ng pagkain ang ihain sa akin ni Marius ay wala pa ring katumbas ang galak na nararamdaman ko kapag ang pamilya ko ang kasama ko.
Siguro nga tama si Lemuel. Hindi ako dapat matakot. Hindi na lang ako babalik kay Marius.
Dumating ang gabi. Kabado pa rin ako. Gusto ko nang sabihin kay Lemuel ang totoo, ngunit hindi ko alam kung paano uumpisahan. Natatakot ako na baka mag-iba ang tingin niya sa akin. Ano na lang ang iisipin niya kung sakali na malaman niya na ang asawa niya ay may ibang lalaki nang nakaniig?
Ayaw ko nang isipin pa.
Matapos kong asikasuhin ang mga anak ko. Masigurong tulog na sila, ay naglinis naman ako ng katawan. Mabuti na lang at dinala ko rin ang mga damit ko pauwi. Kung maiwan man ako sa mansyon ni Marius ay hindi na iyon importante.
Nakahiga na si Lemuel sa kama namin pagpasok ko sa kwarto. Hawak niya ang cellphone at may pinapanood na video. Tumabi ako sa kaniya. Agad naman siyang dumikit sa akin at yumakap.
Napangiti ako noong hinalikan niya ako sa leeg.
"Ang bango naman ng asawa ko," mahina niyang sabi. "Hindi mo alam kung gaano ako kasabik sa 'yo ngayon, Mahal."
Muli niya akong hinalikan. Pero noong nag-umpisa siyang hawakan ako sa katawan ko ay bigla akong nanigas. Muling bumalik sa alaala ko ang mukha ni Marius. Nanginig bigla ang katawan ko at napalayo kay Lemuel. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya.
"Mahal? Bakit? May problema ba?"
Napakurap-kurap ako. Bakas sa mukha niya ang labis na pagkalito dahil sa inasal ko.
"A-Ahm... Ano. Kasi."
Tuluyan na akong tumayo ng kama.
"Ahm. S-Sorry, Mahal. Ano. Masama ang pakiramdam ko. Magbabanyo lang ako."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Lemuel. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at tumakbo papunta ng banyo. Doon ay tahimik akong napaluha.
Nakakadiri ako. Nakakahiya! Nababoy na ako ni Marius. Paano ko pa magagawang ibigay pa ang sarili ko sa sarili kong asawa? Imbis na pagkasabik, wala akong ibang maramdaman ngayon kundi pandidiri sa sarili ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak noong marinig ko na lang ang pabagsak na pagbukas ng pinto namin. Naalerto ako bigla lalo na noong marinig ko ang boses ni Lemual.
"Sino kayo?! Ano'ng—aah!"
Napalabas ako bigla ng banyo. At doon ay nakita ko si Lemuel na nakaluhod. May mga lalaking may hawak na naghahabaang baril ang pumasok sa loob ng bahay namin. Lalo akong nahintakutan noong makita ko kung sino ang huling pumasok.
"Didn't I tell you to come back at night?" mariing tanong ni Marius na may kasamang banta.
Bigla akong binalot ng kakaibang takot. Ano na ang gagawin ko ngayon?
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

