⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 11
When I Was A Slave
Napasigaw ako noong biglang sinuntok ng isa sa mga tauhan ni Marius si Lemuel. Napaluhod ang asawa ko habang iniinda ang sakit mula roon. At dahil sa ginawa ko ay biglang umiyak ang anak ko mula sa kwarto nila. Pagtingin ko doon ay may nakatayo ng tauhan ni Marius at hinahawakan ang pinto upang hindi mabuksan ng panganay ko. Bigla tuloy akong nalito kung sino ang uunahin kong lapitan.
Tumingin ako kay Marius na prenteng nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ako. Nakataas ang gilid ng labi niya na para bang nasisiyahan sa nakikita niya.
Napaiyak na ako. Lumapit ako sa kaniya at biglang lumuhod sa harapan niya.
"P-Please, Mr. Monreau! Let my husband go! Don't hurt my family!" pakiusap ko.
Umarko lang ang kilay ni Marius. Itinukod niya ang mga siko sa hita niya at bahagyang dumukwang sa akin.
"Why would I? You just disobeyed me, Lyra. How can I trust you again?" tanong ni Marius.
Napaawang ang bibig ko. Halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil sa mga luhang tumatakip sa mga mata ko. Paglingon ko kay Lemuel ay puno nang pagtatakang nakatingin ito sa amin.
"A-Ano ito, Lyra? Sino ang taong ito? Sino sila?" tanong niya.
Tumawa bigla si Marius. "Hindi mo sinabi sa kaniya? I thought you already told him. Considering you didn't event think of going back anymore."
Napaawang ang bibig ko. Bigla akong nag-panic. Tumayo ako at lalapit sana kay Lemuel. Ngunit bigla akong hinila ni Marius kaya napaupo ako sa kandungan niya.
"B-Bitawan mo ako!"
Sinubukan kong tumayo. Ngunit ipinulupot lang ni Marius ang braso niya sa baywang at hita ko. Lalo akong nag-panic dahil alam ko na nakikita kami ni Lemuel.
"L-Lyra! Mahal! Ano ito? Bakit... Bakit ganito? Bitawan mo siya! Bitawan mo ang asawa ko!" sigaw ni Lemuel. Tatayo sana ito pero pinigilan ito ng mga tauhan ni Marius. Muli itong sinuntok sa tiyan kaya napaluhod lang itong muli.
"H'wag! Lemuel!"
Pinagpapalo ko ang dibdib ni Marius.
"Please! Let me go!"
"Shh! Stop crying, Lyra. Hindi mo ba naririnig ang mga anak mo? Natatakot na sila."
Natahimik ako nang kaunti. Lalo akong napaiyak noong marinig ko ang malakas na palahaw ng bunso namin. Ang mga sigaw ni Rex.
"P-Please, Sir. Please!" Napatungo ako. "Parang-awa mo na. H'wag dito. Please," mahina kong pakiusap.
Hinawakan ni Marius ang baba ko at bahagyang inangat ang mukha.
"Kiss me. And I'll let you go."
Napaawang ang bibig ko. Binalot ako bigla nang matinding takot. Bahagya kong tiningnan si Lemuel na nakaluhod pa rin sa may pinto. Kitang-kita ko ang matinding pagkalito at galit sa mukha niya.
Diyos ko! Ano ang gagawin ko?
Napaiyak akong muli. "Please, Sir. Please! Not my family! Not here!"
Natigilan ako noong bigla niyang hinawakan ang leeg ko. Hindi naman iyon mahigpit, nakakahinga pa rin ako. Nagulat lang ako dahil sa bigla niyang pagkilos.
"I told you to kiss me."
"Hayop ka! Bitawan mo ang asawa ko! H'wag mo siyang hawakan!" sigaw ni Lemuel. Nagpumiglas ito.
Natawa lang si Marius. "Asawa? You really have the guts on calling her your wife when you couldn't even afford on marrying her, huh?"
"Hayop ka! Bitawan mo siya!"
Binitawan ako ni Marius. Ibinaba niya ako paupo sa sofa at saka tumayo siya. Lumapit siya kay Lemuel saka ito biglang sinuntok sa mukha.
"No! Please!"
Lalapit sana ako kay Marius, ngunit bigla akong hinawakan ng isa niyang tauhan.
"Parang-awa mo na, Mr. Monreua! H'wag po!"
Hindi ako pinansin ni Marius. Hinawakan niya sa batok si Lemuel.
"Let's have a deal. I'll buy her. Then you will let her go instead."
Namilog ang mga mata ni Lemuel. Kahit ako ay napamaang sa sinabi ni Marius. Ako? Bibilhin niya? Ano bang akala niya sa akin? Isang gamit na pwedeng bilhin?!
Biglang dinuraan ni Lemuel si Marius sa mukha. Natahimik ako saglit. Nakita ko kasi na nagtangis ang mga bagang ni Marius. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, pero ramdam ko ang matinding poot na nararamdaman nito ngayon dahil sa ginawa ni Lemuel. At sa isang iglap nga lang, bigla nitong sinuntok sa tiyan si Lemuel pagkatapos nitong punasan ang dura nito.
Tumumba si Lemuel sa sahig. Ngunit hindi pa ito tinigilan ni Marius. Pumatong pa siya rito at pinagsusuntok sa mukha ang asawa ko.
"No! Please! H'wag!" pakiusap ko. Napahagulhol ako ulit. Nagpumilit akong kumawala sa pagkakahawak sa akin ng tauhan ni Marius. At noong magawa ko ay lumapit ako sa kanila at pilit na tinulak si Marius. Ngunit para lang akong tumulak sa estatwa dahil hindi manlang ito natinag.
Bagkus ay nilingon ako nito. Napaupo ako sa sahig noong makita ko ang nanlilisik nitong mga mata. Kung hindi ko siya napatigil ay hindi ko na alam kung ano ang nagawa nito kay Lemuel.
Napatili ako noong bigla niyang hinablot ang batok ko. Bahagya niya akong isinubsob kay Lemuel. Nanlumo ako noong makita kong duguan na ang mukha nito at may mga pasa na.
"See that? That is your pathetic boyfriend who keep on claiming your husband. Iyan ba talaga ang gusto mong makasama, Lyra?"
Muli niya akong hinila para naman sa mukha niya ako mapalapit.
"I'm offering you diamonds. And yet you are being sttuborn!"
Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit biglang nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Akala niya ba talaga masisilaw ako sa kayamanan niya?
"Dahil hindi matutumbasan ng kahit na anong kayamanan mo ang pagmamahalan namin ni Lemuel!"
Biglang nawala ang ekspresyon ng mukha nito. Lalo akong nakakaramdam ng takot kapag nakikita ko siyang ganito.
"Then let's see kung saan kayo dadalhin ng pagmamahal na 'yan," ani nito.
Muli siyang tumingin kay Lemuel. Sinampal niya ito para muli itong bumalik sa ulirat. Napaungol naman si Lemuel at unti-unting iminulat ang mga mata. Aabutin ko sana siya, ngunit hinila na ako ni Marius palayo sa kaniya.
"B-Bitawan mo siya!" nahihirapang sabi ni Lemuel. Pinilit nitong umupo ngunit hirap na hirap ito.
Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak habang pinapanood itong nahihirapan. Gustuhin ko man siyang lapitan, pero mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Marius.
Sinenyasan ni Marius ang tauhan niya. Agad na may lumapit na isa rito at may inilapag na bag kay Lemuel. Binuksan nito iyon, at halos lumuwa ang mga mata ko noong makita ko ang laman nito.
"Ten million pesos. Then Lyra will be mine. Forever."
Namaang ako sa sinabi ni Marius. Talagang handa siyang magbayad ng malaki para lang makuha niya ako. Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin? At sobrang dami na ba ng pera niya kaya wala na siyang maisip na gawin doon kundi ang manira ng pamilya?
Mahirap lang kami, oo. Pero may tiwala ako na wala hindi ako magagawang ipagpalit ng asawa ko sa pera.
Tiningnan ko si Lemuel. Kahit ito ay nakatanga sa bag na punong-puno ng pera. Halos kumislap na ang mga mata nito habang nakatitig doon.
"Lemuel!" tawag ko sa kaniya.
Parang natauhan ang asawa ko at napalingon sa akin. Naningkit ang mga mata nito.
"Hindi! Hindi isang bagay ang asawa ko para bilhin mo lang! Napakababoy mo!" sigaw ni Lemuel.
Tumwa si Marius. "Reall? I'm giving you a great deal here. At isa pa, don't you know? Lyra and I already fucked. And it will continue until I wanted too. Gusto mo ba talagang pagsaluhan natin siya?"
Napasigaw ako sa sinabi niya. Muli akong napaiyak.
"Napakahayop mo! Ang sama-sama mo!" ani ko.
Pagtingin ko kay Lemuel ay mababakas dina ng gulat sa mukha ito. Nalilito siyang tumingin sa akin.
"A-Ano ang ibig niyang sabihin, Lyra? Ano... Teka. Ano?"
"Did you really think that I she came to my house to be just a maid? No. Lyra is my woman. My bedwarmer. My slave."
Napatili ulit ako. Lumuhod na ako sa harapan ni Marius.
"Please! Tama na! Parang-awa mo na! Please!" pakiusap ko. "Hindi na ako uulit! Babalik na ako! Parang-awa mo na po! Please!"
Tumingin ako kay Lemuel. Umiling-iling ako.
"H-Hindi iyon totoo, Lemuel! Please! H'wag kang maniwala sa kaniya! Please!"
Napatitig lang sa akin si Lemuel. Blangko na ang ekspresyon nito at hindi ko na maunawaan. Para itong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa kaniyang narinig.
"T-Totoo ba, Lyra? May nangyari na sa inyo?" mahinang tanong nito.
Napailing-iling ako.
"H-Hindi—"
"Lyra!" sigaw bigla ni Lemuel. Mangiyak-ngiyak ito na tumingin sa akin. "Iyon ba ang dahilan kaya umiwas ka sa akin kanina? Dahil may nangyari sa inyo?"
Mabilis akong umiling.
"H-Hindi! Syempre hindi! Please, Lemuel! Sa akin ka maniwala—"
"Stop," singit ni Marius.
Hinila niya ako patayo. Bigla nitong hinawakan ang baba ko at hinalikan ako sa labi. Namilog ang mga mata ko at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya. Ngunit lubhang mas malakas siya sa akin. Napakislot ako noong bigla niyang hinawakan ang pang-upo ko at pinisil iyon.
"Mga hayop!" sigaw ni Lemuel. Humahagulhol na ito. "Pinagkatiwalaan kita, Lyra! Bakit mo ito nagawa sa akin?!"
Pinilit ko nang makawala kay Marius, at noong magawa ko iyon ay sinampal ko ito. Tumawa lang si Marius na para bang nasisiyahan pa sa ginawa ko. Paglingon ko kay Lemuel ay umiiyak na ito habang nakaluhod pa rin. Lumapit ako sa kaniya at sinubukan siyang hawakan, ngunit itinaas lang ni Lemuel ang kamay at bahagya pang umiwas sa akin.
"L-Lemuel naman. Please. Pakinggan mo muna ako—"
"Totoo nga? Niloloko mo ako?"
"Hindi kita nilokoko, Mahal. Please! Pakinggan—"
Napaupo ako sa sahig noong bigla akong sinampal ni Lemuel. Nasapo ko ang pisngi ko at tiningnan siya. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.
"Akala ko iba ka, Lyra. Pero pinaikot mo lang ako. Malandi ka! Kaya h'wag mo akong sisihin kung gagawin ko ito!" galit na sabi ni Lemuel.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi niya. Napailing-iling ako.
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

