Views

When I Was A Slave - Chapter 14

Ameiry Savar
0

  



⚠️ Content Advisory

This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.


Chapter 14

When I Was A Slave 


"Mabuti naman po naisipan niyo nang lumabas ng kwarto, Ma'am Lyra," ani Nina. Katulong dito sa mansyon ni Marius, siya iyong palaging nag-aasikaso sa akin dito.

Ngayong araw kasi ay naisipan ko nang lumabas ng silid. Nasa likod ako sa may garden at tahimik na nakaupo. Nakatanaw sa walang hanggang kagubatan sa unahan ko. Puros mga puno iyon ng niyog. Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung gaano kalaki ang kinikita nito sa pagkokopra ng mga bunga niyon. Kaso mukhang hindi naman iyon ang gamit ng pwestong ito.


"Wala kasi akong magawa," mahina kong tugon. "Wala ba si Sir Marius?"


"Wala po e. Bakit tinatawag mo na 'sir' si Sir? Hindi ba girlfriend ka niya?"


Bahagyang nangunot ang noo ko. Pagtingin ko sa kaniya ay nakatitig na rin pala siya sa akin na puno ng pagtataka. Ibig sabihin ay iyon pala ang akala ng lahat dito, girlfriend ako ni Marius. Muli akong tumingin sa harapan ko.


"Mahabang kwento," iyon na lamang ang tinugon ko. "Taga saan ka, Nina?"


"Taga-Tondo po ako. Lahat kami dito. In-hire kami ni Sir mula sa agency namin. Bongga nga 'yan si Sir. Laki magpasweldo."


Lihim akong napaismid. Hindi na ako nagulat kung galante siya. Ako nga binili ng sampung milyon.


"K-Kumusta naman siya bilang amo niyo?"


"Si Sir? Mabait naman siya. Hindi siya istrikto sa amin. Kung ano ang nasa kusina ay pwede naming kainin. Nakakatakot lang siyaminsan, pero mabuti naman siya sa amin."


Tuluyang nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya sa akin.


"Seryoso ka ba?"


Siya naman ang nalito.


"Opo. Matagal na kaming katulong ni Sir, Ma'am. Doon pa lang sa Maynila, isinama niya kami dito dahil balak niya raw magtagal dito dahil sa negosyo. Ni minsan ay hindi naman siya nagalit sa amin. Kapag kailangan namin ng pera, binibigyan niya kami agad."


Tuluyan na akong natawa. Kaya naman pala—dahil sa pera. Nagawaniya rin silang bilhin ng hindi nila namamalayan.


"Hindi niyo ba alam na mamamatay tao siya? Kung gaano siya kasamang tao?"


Napakurap-kurap si Nina. Namimilog ang mga mata niya sa pinaghalong gulat at pagkalito. Napailing na lang ako at tumayo.


"Babalik na ako sa silid ko," aniko, at saka naglakad na pabalik sa loob.


Hindi ba talaga nila alam? Akala ko mas matagal na nilang kilala si Marius. Wala manlang ba silang naramdaman na kakaiba sa taong 'yon? O dahil lang sa banyaga ito at maraming pera kaya ikom na ang mga bibig nila.


Mga tanga sila. Hindi nila alam kung gaano kahalang ang kaluluwa ni Marius Moreau! Isusumpa ko siya hangga't nabubuhay pa ako!


Palapit na ako sa silid ko noong mapansin ko ang maliit na bukas na silid. Palagi ko naman iyon nadadaanan noon, ngunit hindi ko lang binibigyan ng pansin. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ang silid na iyon. Para iyong mini chapel dahil sa dulo ay may malaking picture frame. Sa may ibaba lang nito ay may mahabang lamesa na puno ng bulaklak.


Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko, noong makita ko na walang nakasunod sa akin ay pumasok ako doon. Noong ay hindi ko pinagtutuonan iyon ng pansin, pero ngayon, hindi ko alam kung bakit parang may kung anong pwersa ang humihila sa akin doon.


Bahagya akong napamaang noong mapalapit na ako sa lamesa. Partikular kong tiningnan ang larawan sa loob ng picture frame.


Babae iyon. Mahaba ang straight niyang buhok. Mapupula ang labi. Sa isang tingin pa lang ang halata na ang pagiging elegante nito. Pero hindi ko maitatanggi na ang babaeng iyon ay ako. Oo, ako. Para akong tumingin sa sarili kong repleksyon. Ang pinagkaiba lang niyon ay ang kulat ng mga mata nito. Asul ang kulay niyon, at elegante nga. Kaya imposible rin na maging ako ito.


Pero... Sino siya? At bakit kamukhang-kamukha ko siya?


Bigla akong binundol nang matinding kaba. Siya ba ang dahilan kung bakit ako narito kay Marius ngayon?


To be continued...


❤️ Enjoying the story?

If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.

Your support helps me continue writing stories like this.


⬅ Previous Chapter

📚 Story Index

➡ Next Chapter



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !