⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 7
When I Was A Slave
Kailangan kong umalis dito. Hindi ako dapat nandito. Ang lalaking iyon ay hindi isang tao. Halang ang kaluluwa niya! Isa siyang demonyo!
Pinilit kong tumakbo palayo sa mansyon ni Marius. Halos hilain ko na ang mga paa ko para lang kumilos palayo sa lugar na iyon. Pinasok ko ang gubat papunta sa hindi ko malamang direksyon.
Walang ibang nasa isipan ko kundi ang kailangan kong makaalis sa lugar na iyon.
Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang pangyayaring aking nasaksihan. Kung paano niya itutok ang baril sa ulo ng kaawa-awang lalaki. Kung paanong nanlilisik ang mga mata ng lalaki dahil sa galit. Kung paanong hindi manlang siya nagdalawang-isip noong iputok niya ang hawak na baril.
Paano niya nagawa iyon? Ni hindi niya ba naisip na kasalanan sa Diyos ang kaniyang ginawa? O sadyang wala na siyang kinikilalang Diyos kaya ganoon na lamang para sa kaniya ang pumatay ng tao?
Nakakatakot. Nakakapanginig ng laman. Hindi ko kayang manatili pa rito.
Hindi ko na alam kung ilang minuto akong tumatakbo. Naninigas na ang mga paa ko pero pinilit ko pa ring ihakbang iyon. Noong biglang may humablot sa buhok ko kaya napatigil ako. Kumawala ang malakas na sigaw mula sa aking bibig dahil sa pinaghalong sakit ng anit at takot na aking naramdaman.
Agad na pumulupot ang matigas na braso nito sa aking baywang at binuhat ako. Sa tigas niyon ay walang kahirap-hirap nito iyong nagawa sa akin.
"Bitawan mo ako! Tulong! Parang-awa niyo na! Tulungan niyo ako!" sigaw ko.
Dalawang braso na niya ang bumubuhat sa akin. Pinagpapalo ko ang mga iyon kahit na nasasaktan lang din ang palad ko. Hindi ko iyon ininda hanggang sa maabot ko ang buhok niya sa likuran ko kaya hinila ko iyon.
"Urgh! Fuck!"
Bigla niya akong binitawan kaya sumalampak ako sa lupa. Medyo mataas ang pagkakabuhat niya sa akin kaya napadaing talaga ako noong tumama ang tuhod ang mukha ko sa matigas na lupa.
Paglingon ko sa lalaking may hawak sa akin kanina ay natahimik ako. Muling bumalik ang takot sa buong katawan ko noong mapagtanto kong si Marius pala iyon. Sapo-sapo nito ang gilid ng ulo. Doon ko lang napansin na may tumutulong dugo sa gilid ng pisngi niya. Nakalmot ko rin pala siya.
Pinahid niya ang pisngi at tumingin na sa akin. Agad akong binalot nang kakaibang takot kaya pinilit kong gumapang palayo sa kaniya. Ngunit muli niya akong nahawakan. Pinatayo niya ako ulit at itinulak sa malapit na puno sa amin.
"Where do you think you're going?!" tanong nito. Nakadiin ang isang braso niya sa dibdib ko. Habang ang isang kamay niya ay nasa leeg ko naman kaya bahagya akong nahirapang huminga.
Napalunok ako noong mapatitig ako sa berde mga mata nito. Napakatalim ng mga titig nito na parang tumatarak na sa aking pagkatao. Iyon na ata ang pinakamalamig na mga mata na aking nakita.
Hinawakan ko ang kaniyang palapulsuhan at sinubukan itong alisin.
"B-Bitawan mo ako!" nahihirapang sabi ko. Ngunit mas humigpit lang ang pagkakakapit niya sa leeg ko. Kaya napadaing na ako at napatingala sa langit.
"Are you trying to run away from me, Lyra?" tanong niya ulit. Ngunit ngayon ay mas mahina at kontrolado. Pero ramdam ko pa rin ang awtoridad na nagpapanginig ng aking laman.
Pilit kong pinatapang ang ekspresyon ko kahit na tumutulo na rin ang aking mga luha.
"I... I don't want to be here! You're a monster! A murderer!"
Tumawa siya. Tawa na nagbigay ng kakaibang kilabot sa aking katawan.
"Well, I'm sorry to burst your bubble. But you are not going anywhere, Lyra. You will stay here with me."
Binitawan niya ako bigla. Ngunit para lang buhatin na naman, pero ngayon ay isinampay na niya ako sa balikat niya kaya agad na bumaliktad ang mundo ko. Pinagpapalo ko ang likod niya.
"Please! Mr. Monreau! Let me go!" pakiusap ko. Ngunit para na siyang naging bingi at hindi manlang ako inimik. Ni hindi niya nga rin ininda ang pagpalo ko sa kaniyang likod.
Nagpatuloy siya sa pagbuhat sa akin hanggang sa marating namin ang aking silid. Walang pag-aalinlangan niya akong inihiga pabagsak sa aking kama. Mabuti na lamang at malambot iyon kaya hindi ako masyadong nasaktan.
Agad akong gumapang palapit sa headboard at pinanlisikan siya ng mga mata.
"Hayop ka! Mamamatay tao!" sigaw ko.
Binato ko sa kaniya ang unan na nahawakan ko. Pero sinalag lamang niya iyon gamit ang isang kamay at seryosong tiningnan lang ako.
"Then should've just stayed here, Lyra. You're not supposed to see that."
Lalo akong napahagulhol. Ano ang ibig sabihin niya roon? Na talagang ginagawa niya iyon palagi?
Napatili ako noong bigla niyang hinila ang paa ko. At sa isang iglap lang ay nasa ibabaw ko na siya. Nahirapan ako biglang huminga dahil sa tiyan ko siya upo. At sa laking tao ni Marius ay parang isang malaking bato ang nakapatong sa akin.
Hinawakan niya naman ang mga kamay ko pataas sa may ulo ko. Kaya bahagya siyang nakadukwang sa akin.
"B-Bitawan mo ako!"
Umarko ang gilid ng kaniyang labi. Gamit ang isang kamay ay hinaplos niya ang pisngi ko. Agad ako nakaramdam nang kakaibang kilabot dahil sa kaniyang ginawa.
"You've been testing my patience, Lyra. Or you just think I couldn't hurt you, huh?"
Napaangil ako sa inis. Gusto ko siyang sagutin, pero parang may kung anong pwersa ang pumigil sa akin na gawin iyon. Napasinghap ako bigla noong hinawakan niya ako sa leeg.
"It's about time to teach you a lesson, My Dear Lyra."
Ngumisi siya nang makahulugan. Ngiti na nagpanginig ng aking laman.
"W-What do you mean?"
"You'll see. And for sure you'll enjoy it."
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

