⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 3
When I Was A Slave
Alam ko na hindi ko dapat ito maramdaman. May asawa na ako. Dapat ay hindi ko na abalahin pa ang sarili ko sa mga pakiramdam na hindi dapat para sa kagaya ko na may pamilya na.
Ngunit hindi ko alam kung bakit magmula noong maramdaman ko ang mapupula at malambot niyang labi ay parang may nagbago sa akin. Ang kaniyang malaki at malambot na kamay sa aking leeg. Na imbes na matakot ay tila ba parang nagpapabuhay pa ng aking dugo.
Mali ito. Hindi tama ito. Siguro ay nahahawaan na ako ng pagkabaliw dahil sa kaniya.
"Mahal, may bumisita daw sa 'yo. Ano 'yon?" tanong ni Lemuel.
Gabi na niyon. Tapos na ako magtinda. Nakauwi na si Lemuel. Wala na si Marius, si Mr. Monreau. Ang estranghero na baliw na nagkakagusto sa akin.
"Ahm, wala. Nagbebenta ng mga paninda," pagsisinungaling ko.
Sa unang pagkakataon ay nasinungaling ako sa asawa ko.
"Paninda? Ano naman?"
"Mga kung ano-ano lang. Kaso tinanggihan ko. Ang mahal kasi. Isa pa, wala naman akong puhunan pang sari-sari store."
Napatango-tango si Lemuel.
"Sige. Ikaw ang bahala."
Napatayo ako bigla noong maalala ko ang mga sinabi ni Marius. Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin ang mag-aama ko.
"Ayos ka lang?" tanong ni Lemuel.
Napakurap-kurap ako. "Ahm. Ano... Ah. Sige. Kumain lang kayo."
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa banyo. Doon ay huminga ako nang malalim at naghilamos.
"You don't have a choice but to agree to what I want, Lyra. I don't accept no for an answer. I want you."
"I already have a family!"
"Well, I can fix that for you if that was the reason you were hesitating to agree to me."
"You, monster!"
Nasapo ko ang aking dibdib at unti-unting nangilid ang mga luha. Kung bakit sa dinami-raming mga tao sa mundo ay sa akin pa ito nangyari? Bakit ako pa? Sa pamilya ko pa?
Hindi ko kilala si Marius. Ngunit presensya pa lang nito ay alam ko, isa na itong mapanganib na tao. At alam ko na kung hindi ko tanggapin ang inaalok niya ay maaring manganib ang pamilya ko. Pero mali iyon. Hindi ko kaya.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Ang asawa ko. Sa ilang taon na pagsasama namin ay hindi niya ako pinakitaan ng masama. Ni hindi niya ako pinagtataasan ng boses kahit na alam ko na nauubusan na rin siya ng pasensya sa akin.
Si Lemuel na ata ang pinakamapagmahal at pasensyosong tao na nakilala ko.
Kaya mali. Hindi dapat ako magpadala sa takot ko. Dapat mas piliin ko ang pamilya ko.
Noong gabi na nakahiga na kami ay muli kong tiningnan ang inabot sa akin ni Marius. Tulog na si Lemuel na nakahiga sa tabi ko. Maging ang bunso namin na nasa kabila ko. Si Rex ay may sarili ng silid.
Ang kapal ng tig-iisang libo na nakalagay sa isang brown na sobre. Mayroon pa roong black card na maari ko raw gamitin.
Hindi ko maiwasang kilabutan dahil parang binibili na niya ako. Kung iisipin ay tapos na lahat ng problema ko kung sakali na tanggapin ko ang kagustuhan niya. Pero ayaw ko. Hindi ako papayag na babuyin niya ang pagkatao ko.
Muli akong tumabi sa tabi ni Lemuel. Pinagmasdan ko siya. Hindi ko kakayanin na lokohin siya. Na saktan siya. Masyadong mabuti ang kaniyang puso para gawin ko iyon sa kaniya. Kaya kinausap ko rin siya na umalis na lang muna kami at magpunta sa ibang lugar.
Iyon ang naisip kong solusyon para sa aming problema.
Kinabukasan ay naging normal ulit ang buhay ko. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko dahil sa banta ni Marius. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay susulpot na naman siya upang takutin ako.
"Lyra! Lyra! Diyo ko! Nasaan ka na ba?!"
Napatingin ako sa sala namin noong marinig ko ang nagpa-panic na boses na papasok sa bahay namin. Pagtingin ko ay si Bebang iyon na humahangos.
"Bebang? Bakit? May problema ba?"
"Diyos ko! Ang asawa mo! Nakita sa bukid! Naghihingalo!"
Napamaang ako. Mabilis kong binitawan ang hawak kong karne at tumakbo palabas ng bahay.
"Nasaan siya?!" tanong ko.
"Naroon na at binubuhat mula sa bukid. Dalian mo! Dadaanan ka nila sa kalsada! Ako na muna ang bahala sa mga bata!"
Tumango ako. Hindi ko na inintindi pa kung ano ang hitsura ko. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kalsada. Hindi na nga ako naghintay roon. Lumakad na ako sa direksyon papunta sa bukid kung nasaan ang asawa ko.
Ilang sandali pa ay may natanaw na akong minivan na papalapit sa direksyon ko. Kinaway ko agad ang kamay ko. Tumigil sila agad sa harapan ko. Nakita ko roon ang ilang mga ka-barangay namin na tumulong kay Lemuel. Pagpasok ko sa loob ay halos manlumo ako noong makita ko ang hitsura ni Lemuel.
Putok ang kaliwang mata nito na nangingitim na ang palibot. Ang gilid ng labi niya ay putok at may tumutulo pang dugo. Bakas ang sugat sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.
"A-Ano ang nangyari, Paeng?" nanginginig ang boses na tanong ko. Si Paeng ang kasama ni Lemuel sa pagkokopra.
Napailing si Paeng.
"Hindi ko alam, Lyra. Naghahakot na ako ng mga niyog noong marinig ko na lang ang sigaw niya. Pinuntahan ko naman siya agad. Nakita ko na may ilang mga lalaki na papatakbo palayo sa kaniya. Nakita ko na si Pare na nakahandusay sa lupa at bugbog sarado na."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Muling nangibabaw ang boses ni Marius sa aking isipan.
"I'll kill them. Especially your precious boyfriend, just for you to agree to me. I won't hesitate to remove any obstacles to you being mine. Because I want you, Lyra."
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

