Views

When I Was A Slave - Chapter 4

Ameiry Savar
0

  



⚠️ Content Advisory

This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.


Chapter 4

When I Was A Slave 


Titig na titig ako kay Lemuel habang nahihimbing pa rin siya sa hospital bed. Lalo akong nakaramdam ng awa dahil sa sinapit niya dito. 

Binugbog ito ng mga hindi kilalang tao. Mga tao na malaki ang hinala ko na padala ni Marius. 


Naikuyom ko ang aking mga palad at nakagat ko ang labi. Nasa isang ward kami, kaya pinigil ko nang maigi ang sarili kong umiyak. Itong nangyari kay Lemuel ay isang babala mula sa kaniya. 


Diyos ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw kong magkasala sa asawa ko, pero mas ayaw ko namang mawala ang asawa ko. Ang tatay ng mga anak ko. Hindi ko na alam. Para akong mababaliw dahil sa matinding pagkalito sa dapat kong gawin. 


Noong hindi pa rin nagkakamalay si Lemuel ay minabuti ko na manghingi ng tulong sa kapatid niya upang magbantay sa kaniya. Umuwi naman muna ako upang asikasuhin ang mga bata. Hinanda ko ang mga gamit nila. Ang gatas ni Bunso. Ang kanilang panggastos. Pagkatapos ay dinala ko sila sa bahay ng aking ina upang manatili muna sila roon habang nasa ospital kami. 


Matapos kong masiguro na maayos lamang sila ay bumalik na rin ako agad sa ospital. Gising na si Lemuel noong makabalik ako. Mas lalo akong naawa sa kaniya dahil halos hindi siya makapagsalita sa pamamaga ng kaniyang mukha. Hindi na nga muna siya pinakain ng solid foods dahil hindi rin siya makanguya. 


Bakit sa asawa ko pa ito nangyari? Kung ako ang gusto ni Marius, bakit hindi na lang ako ang sinaktan niya?


Inabot ng ilang araw si Lemuel sa ospital. Kahit noong nasa bahay na kami ay kinailangan ko pa rin siya alalayan dahil sa tama na kaniyang tinamo. 


"Pasensya ka na, Mahal. Hindi ko pa kayang magtrabaho," malungkot na sabi ni Lemuel. 


Tiningnan ko siya. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Tulog na ang mga bata dahil pinauna ko sila. Kailangan ko pa rin kasing alalayan si Lemuel sa pagkain. 


"Ayos lang iyon, Mahal. H'wag kang mag-alala. Makakaraos din tayo." 


"Pero nahihirapan ka na. Naawa na ako sa 'yo, Mahal." 


Napabuga ako ng hangin. Magmula kasi noong hindi nakapagtrabaho si Lemuel ay ako na ang kumayod para sa amin. Kung noon ay nagtitinda lang ako ng mga paninda. Ngayon ay naglalaba na rin ako. Natuto na rin ako na pumunta sa bukid para kumuha ng mga inoorder sa aking mga halamang-ugat. 


Sa isang iglap lang ay hindi ko na nga nakilala ang sarili ko. Iyong dati na makinis kong balat kahit na morena ay lalong nangitim. Hindi na rin ako nakakapag-lotion. Kahit nga suklay ay hindi na kilala ng buhok ko. Pero lahat ng iyon ay bukal sa puso na ginagaw ako. Noong malakas naman si Lemuel ay halos hindi rin siya makapagpahinga para lang maibigay ang mga pangangailangan namin. 


Matipid akong ngumiti. 


"Ayos lang ako, Mahal. H'waag kang mag-alala." 


Natahimik ako saglit. 


"Pero... May gusto sana akong ipaalam, Mahal. Balak ko kasing magtrabaho bilang kasambahay." 


Nangunot ang noo ni Lemuel. 


"Ha? Bakit naman?" 


"Mahal, kasi. Malapit na ang pasukan. Wala pa tayong gamit ni Rex. Si Bunso, lumalaki na rin. Naisip ko na mas maigi siguro na mag-apply na lang muna ako bilang katulong." 


Nag-iwas ng tingin si Lemuel. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Ayaw kasi nito na magtrabaho ako. Mas gusto lamang nito na manatili lang ako sa bahay para matutukan daw ang mga anak namin. 


"Paano ba 'yon? Doon ka titira?" 


Malungkot akong tumango. 


"Oo. Pero may day off naman. Tuwing linggo ay pwede akong umuwi." 


Napabuga ng hangin si Lemuel. 


"Ayaw ko sana, Mahal." 


"Pero, Mahal. Kailangan natin ito. Nahihirapan na rin ako maghanap ng pera para sa gamot mo. Ang gastusin pa sa bahay. Ito na lang talaga ang nakikita kong paraan para makayanan natin ito," giit ko. 


Matagal bago sumagot ang asawa ko. Nagpatuloy lamang siya kumain kaya ganoon din ang ginawa ko. 


Kung tutuosin ay ayaw ko rin naman na gawin ito. Ngunit wala akong ibang pagpipilian. Talagang kahit triplihin ko na ang sipag ko ay kulang pa rin ang kinikita ko para lang makayanan namin ang pang araw-araw na gastusin. 


"Sige," tugon ni Lemuel makalipas ang ilang sandali. "Papayag ako. Pero hanggang sa magawa ko na ulit makakilos at makapagtrabaho." 


Hindi ko alam kung mas malulungkot ako dahil sa pagsang-ayon ni Lemuel. Pero marahan akong tumango at pinilit na ngumiti. 


"Salamat, Mahal." 



Hinanda ko na agad ang mga dadalhin kong gamit para sa pagpunta ko sa malaking bahay na aking pagtatrabahuan bilang isang katulong. 


Pinatira ko muna sa bahay namin ang nanay ni Lemuel para may magbantay sa mga bata. At para may makatulong na rin si Lemuel. 


Noong masiguro ko na maayos na ang lahat sa bahay ay nagbyahe na ako papunta sa bahay na aking pagtatrabahuan. Hindi naman iyon kalayuan. Nasa kabilang barangay  lang ang mansyon. Kung tutuosin ay malapit lang sana. Pwede akong mag-uwian kung gugustohin ko. Ngunit mas pinili ko ang ganito.


Sa kabilang baranggay. Sa dulo niyon kung saan wala na masyadong mga bahay dahil halos sinakop na iyon ng may-ari ng lupa. Nakatayo ang isang napakalaking mansyon. Marami ang nagsasabi na ang swerte raw ng makakapasok doon dahil lahat ng naroon ay elegante. Ngunit para sa akin, isa itong madilim na hantungan. 


Tinitigan ko ang mataas na bakal na gate. Sa entrance palang niyon ay nakita ko na ang mga lalaking mga banyaga na may nakasukbit na mga baril. May lumabas agad upang harangin ako. 


"Who are you? You came to the wrong place," ani ng lalaki. 


Marahan akong umiling. Humigpit ang hawak ko sa dala kong bag, at huminga nang malalim. 


"I'm Lyra Montero. Mr. Marius Monreau is expecting me," tugon ko. 


Nagkatinginan ang mga ito. May isa na pumasok sa loob ng isang maliit na silid. Muli itong lumabas at tumango sa lalaking nasa harapan ko. Ilang sandali pa ay bumukas na ang malaking pinto. 


"A car will fetch you. You can wait here," ani nito. 


Tumango ako. Hindi na ako sumagot dahil ramdam ko na ang panginginig ng mga tuhod ko. Parang nagdalawang-isip ako bigla na tumapak sa loob ng teritoryo niya. Dahil alam ko. Sa oras na gawin ko iyon ay hindi na ako makababalik pa sa datin kong buhay. 


Ngunit kailangan ko ito. Wala akong ibang nagawa kundi ang pikitmata na humakbang at pumasok na sa loob ng gate. 


To be continued...


❤️ Enjoying the story?

If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.

Your support helps me continue writing stories like this.

⬅ Previous Chapter

📚 Story Index

➡ Next Chapter

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !