⚠️ Content Advisory
This story contains mature themes and may not be suitable for younger or sensitive readers.
Chapter 6
When I Was A Slave
Diring-diri ako sa sarili ko matapos mangyari iyon. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ko lang siya na gawin iyon sa akin. Binastos niya ako! Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa asawa ko ngayon?
Napakadumi ko na! Ni hindi ko manlang nagawang tumanggi sa kaniya noong—
Napailing ako nang mabilis. Mali ito. Hindi ako dapat pumayag pang magpababoy sa kaniya!
Matapos ng tagpo naming iyon sa sala ay may lumapit sa aking katulong. Sinamahan ako nito sa isang silid. Nagulat pa ako dahil napakalaki niyon.
"I-Ito ba talaga ang magiging kwarto ko?" tanong ko.
Marahang tumango ang babaeng hindi nalalayo ang edad sa akin. Pilipino din siya kagaya ko, ngunit hindi ko kilala kaya ang hinala ko ay hindi taga-rito sa amin. Mabuti na rin iyon para walang makalabas na kahit na anong balita sa bahay na ito.
"Opo, Madam. Maiwan ko na po kayo. Ihahanda ko muna ang pangpaligo mo," magalang na sabi nito.
Nailang ako sa kaniya. Sobrang galang niya kasi sa akin at nakatungo lang. Hindi na lamang ako umimik at hinayaan siya.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi pa rin ako makapaniwala na ito ang magiging silid ko. Napakalaki kasi niyon at elegante. Para ngang mas malaki pa iyon kaysa sa buong bahay namin.
Ang malaking kama na tingin palang ay malambot na. May sariling sofa sa may bintana na may makapal na kurtina. May sariling flatscreen TV na parang pang sine na dahil sa laki.
Gaano kaya kayaman si Marius?
Napailing ako ulit. Hindi ako dapat mamangha sa kung ano ang kayang ibigay sa akin ni Marius. Isa siyang walang kwentang tao na walang kasing itim ng budhi!
Matapos kong maligo ulit ay may nakahain ng pagkain sa lamesa sa may bintana. Naroon pa rin ang katulong na umaasikaso sa akin.
"Handa na po ang hapunan niyo, Madam. Kumain na po muna kayo. Mamayang gabi ay darating si Mr. Monreau para kitain ka. Mariin niyang ibinilin na dapat ay suot mo ito kapag dumating siya."
Inilapag nito ang isang kahon sa lamesa. Tiningnan ko lang iyon at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Maiwan ko na po kayo. Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan ka. Pindutin mo lang po ang intercom sa tabi ng higaan mo."
Tinuro niya ang isang device na parang telepono na nakapatong sa bedside table.
"S-Sige," matipid na tugon ko.
Nag-bow pa muna siya bago ako iniwang mag-isa sa loob. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Hindi talaga ako sanay na may taong ganoon ka kagalang makipag-usap sa akin. Pakiramdam ko bigla ay naging ibang tao ko.
Nilapitan ko ang box na nakapatong sa kama. Marahan kong binuksan ang takip niyon. Isa iyong bestida, pero parang ang nipis ng tela. Kinuha ko iyon upang tingnan. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko noong makita ko ang hitsura niyon.
Hindi pala iyon bestida. Isa iyong itim na bra at panty. Iyong bra ay parang nipol ko lang ang matatakpan. At iyong panty, hindi ko alam kung matatawag pa ba iyong panty.
Nabitawan ko iyon at biglang napaatras.
Hinding-hindi ko iyon susuotin! Parang magmumukha akong bayarang babae kapag isinuot ko iyon! Ano ba ang akala niya sa akin?
Napailing-iling ako. Naupo sa lamesa at pilit na kinalma ang sarili. Napapikit pa ako dahil sa labis na inis.
Muli kong naalala ang pamilya ko. Si Lemuel na ngayon ay hindi pa nakaka-recover dahil sa nangyari sa kaniya. Kapag hindi ko sinunod si Marius ay baka kung ano na naman ang gawin niya sa asawa ko. Mas hindi ko kakayanin kung pati mga anak ko ay galawin na niya.
Nangilid ang mga luha ko. Mukhang wala akong ibang pagpipilian.
—
Matapos kong kumain ay naupo lang ako sa kama habang tinititigan ang damit na ibinigay sa akin. Kanina pa nagtatalo ang isipan ko kung susuotin ko na ba iyon o hahayaan lamang.
Pero muli niyang naalala ang tagpo nila sa sala kanina. Kapag isinuot niya ang damit na iyon ay para bang tatanggapin na niya nang tuluyan ang magiging buhay niya sa piling ni Marius.
Isang babae. Isang tagalabas ng init ng katawan nito.
Bigla akong nanlumo. Pero wala akong ibang mapagpipilian.
Pinilit ko na lang ang sarili ko na suotin ang mahalay na damit na iyon. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa malaking salamin sa banyo. Kahit papaano ay makinis naman ang balat ko. May balingkinitang katawan. Pero ngayon ko lamang nakita ang sarili ko sa ganitong kasuotan. May kung ano sa loob ko na para bang nabuhay.
Pairamdam ko bigla ay ang ganda-ganda at sexy ko dahil sa suot ko. Napabuga ako ng hangin. Para saan pa iyon? Hindi naman ang asawa ko ang makakakita nito.
Pinatungan ko muna iyon ng dala kong duster. Naaasiwa kasi talaga ako sa hitsura ko. Pakiramdam ko ay nakahubad pa rin ako kahit may takip naman ang maseselang parte ng katawan ko.
Hindi ko na alam ang sunod kong gagawin. Maaga pa. Kaya sinubukan kong lumabas ng silid. Hindi naman naka-lock ang pinto ng kwarto ko.
Siguro kung iba ang dahilan kung bakit ako narito ay mamamangha ako sa bahay na ito. Sa edad kong dalawampu't walo ay ngayon lamang ako nakatungtong sa ganito kalaki at kagarbong bahay.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa hallway. Malalaki ang mga bintana. Nakikita ko ang sala sa na may mga lalaking may hawak na baril na panay ang lakad. May mga katulong din akong nakakasalubong na agad na nagbibigay galang sa akin.
Dinala ako ng mga paa ko sa unang palapag. Wala namang pumansin sa aking mga bantay kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa likod na parte ng mansyon.
"What the fuck did you say?"
Napatigil ako sa paglalakad noong marinig ko ang pamilyar na boses. Hindi ko alam kung dederetso ba ako o titigil. Kinakain kasi ako ng kuryosidad sa aking narinig.
"Say it again. Bastard!" sigaw muli nito.
Hindi ko na napigilan. Dahan-dahan akong naglakad palapit doon. Natatakpan ako ng isang halaman na may mayabong na dahon kaya panatag ako na hindi ako makikita.
Sa unahan ko lang ay may nakita akong mga kalalakihan. May isa na nakaluhod at hawak-hawak sa magkabilang braso ng dalawang lalaking may hawak na mahabang baril. Sa paligid nila ay may ilan pang kalalakihan na ganoon din ang postura. Pero ang nasa gitna nila ay nakatayo ang lalaking nakatutok ang baril na hawak nito sa lalaking nakaluhod.
Napalunok ako noong makilala ko kung sino iyon.
Si Marius.
Nag-uumapaw ang maawtoridad nitong tindig sa harap ng lalaking nakaluhod. Hindi ko man makita ng buo ang mukha niya dahil bahagyang madilim ang parte na iyon, pero kita ko kung ang pagkunot ng gilid ng kaniyang noo. Ang isang baril ay nakatutok sa mismong sentido ng lalaking nasa harapan niya.
Umungol ang lalaking nakaluhod. Ang mga mata niya ay nanlilisik noong mag-angat ito ng ulo.
"M-Mga putangina niyong mayayaman kayo! Dayo ka lang sa bayan namin! Hindi ka habangbuhay na magwawagi sa pag—"
Napatili ako nang kaunti noong biglang pinindot ni Marius ang gatilyo ng baril. Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. Ang lalaking kanina lang ay nakaluhod ay tuluyan nang natumba at hindi manlang natapos ang sasabihin.
Nasapo ko bigla ang bibig ko at nangilid ang mga luha. Lalo akong nanginig noong biglang lumingon sa pwesto ko si Marius. Nagmamadali akong nagtago sa halaman habang impit na umiiyak.
Pinatay niya ang lalaking iyon. Pinatay niya!
To be continued...
❤️ Enjoying the story?
If you're loving When I Was A Slave, don't forget to leave a comment and share your thoughts.
Your support helps me continue writing stories like this.

