Views

Starting Your Blogger Writing Site

Ameiry Savar
0

 



Sa lahat ng alam kong free blogging site ay ang blogger na ang pinaka madali sa akin. Ito rin ang una kong nagamit at noon pa man ay gusto nang gamitin. At alam ko na marami na ring mga nakakaalam nito. Pero sa ilang taon na pagsusubok ko sa blogger, narito ang ilang mga tips 'base sa aking experience' kung paano umpisahang gawing 'writing website' ang blogger account mo. xD

Pwede ring tutorial sa mga wala talagang idea sa blogger. Kung may alam ka na, pwedeng sa dulo na banda ang basahin mo.


Creating your blogger account:

Una, syempre, kailangan mong gumawa ng account sa www.blogger.com. Kailangan mo ng valid gmail account para makagawa ng account. Madali lang naman po. 

Kapag mayroon ka na ring account ay may magpo-prompt din agad ang blogger na gumawa ka na ng blogsite mo. Kagaya nito,


Title: 

Dahil writer tayo, mas maganda kung 'penname' mo ang ilalagay mo bilang title mo. Or pwede namang pangalan mo talaga. 

I suggest na penname mo ang ilagay mo dahil iyon ang kilala ng readers mo. Kung ano yung nasa cover ng stories mo. 


URL:

Dito ay pwedeng penname mo rin. Or kahit na ano na related sa 'yo bilang writing. Pero syempre, I suggest na penname mo rin ang ilagay mo. Pero dapat ay magkakadikit kagaya ng nasa picture. And make sure na unique iyon at 'di pa nagagamit. Ito kasing akin ay nabura ko yung dating kong blogsite kaya hindi ko na pwedeng gamitin ang penname ko. Kaya, ayusin po natin mga desisyon natin. xD



Ganito dapat ang magiging kalalabasan ng blogger mo. Minus 'yong mga post na kagaya ng sa akin. 





Theme:


Bago ka mag-umpisa mag-post ng stories mo. Dapat ay pumili ka muna ng 'Theme' ng site mo. Ito ang magiging template na magiging hitsura ng site mo na makikita ng readers mo sa tuwing iki-click nila ang link mo. Parang magiging damit o skin na rin ng site mo. Basta, gets niyo na 'yon. Haha! 

Now, maraming free themes ang blogger.com. Pwede kang mamili rito kung ano ang mga gusto mong maging theme ng site mo. Lahat 'yon ay libre mong magagamit at mamo-modify sa gusto mo. Syempre, with restrictions. 

Pero, gusto mong mas maganda-ganda ang 'Theme' ng site mo ay pwede kang maghanap sa Google ng mga 'free' blogger theme. PERO ulit, dapat ay mag-ingat ka dahil baka hindi 'okay' ang ma-download mo. Alam mo na. 

Example nang maayos-ayos na blogger theme:


Ito ay ang aking blogsite kung saan ka nagbabasa ngayon. 

Highly recommended na Blogger Templates kung saan ako nag-download: https://www.templateiki.com/ 

Maraming mga templates dito na pwede mong ma-download ng free at i-upload sa site mo. Paano i-upload? Follow niyo na ako mga tih. xD


Posts and Pages: 

Baka sabihin niyo na ang dami ko namang eme eh alam niyo na ang Posts at Pages. Haha! Yes, mga tih. Marami talaga akong eme. xD

Ang Posts at Pages ay madali lang naman talaga intindihin. Doon ka magpo-post ng mga contents mo. Lalo na sa 'Posts' section. PERO! Opo, may mga pagkakaiba rin ito na sigurado ako na hindi niyo agad mapapansin lalo na kung bago-bago kayo. 

Posts, dito ka magpo-post ng mga contents mo. Dahil mga writers tayo ay dito mo ipo-post ang stories mo. Ito ang mabu-view ng mga readers mo pagkapasok nila sa site mo. 


 Basically, lahat ng mga ipa-publish mo ay rito lalabas. Dahil ito ang 'Page body' ng site mo.

Pages, ito naman ang magsisilbing 'menu' mo. Usually rito ipo-post ang 'About me,' 'Faq', Disclaimer, at kung ano-ano pang eme niyo para sa readers niyo. Ito ang mga makikita sa nasa tuktok ng website mo. 



So, ano nga ba ang pinagkaiba nito sa Posts? Ang mga contents sa pages ay hindi basta-basta makikita ng mga readers. Unless, ibigay mo ang link sa kanila. Hindi rin ito masi-search dahil nga ito ang 'menu' mo. Kung ready ka na ipakita sa mga readers mo ay pwede mo itong i-configure sa 'Layout' > Page List (Top).




Kapag in-click mo yung Page name ay lalabas dapat ang title ng content na inilagay mo sa 'Pages' tab. Wala pong laman ang page ng site sample na ito kaya 'Home' lang ang nakalagay. 

Again, hindi makikita ang mga post mo sa pages unless ipakita mo iyon sa mga readers mo. So, saan ka dapat mag-post? Yes, opo. Sa 'Posts' section. Mas maigi kung doon mo ipo-post ang mga story at chapters mo. Dahil doon ang madaling ma-access ng readers mo. 



Layout:


Dito mo aayusin ang lahat tungkol sa website mo. Dito mo imo-modify ang mga widget or gadgets ng site mo. Kung ayaw mong ipakita ang search bar, pwede mong i-hide. Gano'n din ang sa pages or what. Pwede ka ring magdagdag ng iba pang widget kagaya ng kung gusto mong i-promote ang Youtube mo. Pwede mo rin iyon mailagay dito. 


Conclusion:


Sigurado ako na may magtatanong about sa Earnings. Yes, pwede pong kumita sa blogger thru adsense. Ito iyong hindi ko pa rin ma-achieve kaya hindi ko muna idi-discuss. Siguro saka na kapag ma-approve ako. 

Sa totoo lang, hindi kailangan masyado kang maalam sa blogger. Depende kung gusto mo ng advance pa, or mas mapaganda ay gugustuhin mo talagang malaman. Kaya follow niyo na ako kasi baka magturo pa ako. Charing xD 

Pero lahat po ng natutunan ko ay nakuha ko lang din sa mga research na ginawa ko. Yes, lahat ay dahil kay Google. Ginusto ko na bongga ang site ko na hindi ako gumagastos. 

Search. Research. Search. Walang katapusan. 

Pero 'yon na nga po. Sana may natutunan kayo kahit kaunti sa blog na ito. Next post ay 'Paano kumita sa mga story mo gamit ang blogger?'

Follow niyo na ako, mga tih. :) 

~ Ameiry Savar



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !