Views

Wildest Encounter (Chapters 11 to 15)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 11

“Narinig mo na ba, Becks. Now na raw dadating ang bago nating advisor.” 

Nangunot ang noo ni Rebecca at tumingin kay Jane. “Meron na agad?” 

“Oo.” 

“Sayang talaga si Ma’am, ‘no?” 

“Kaya hindi ako magbubuntis,” may riing sabi ni Jane. 

“Sus! Naisip mo pa talaga 'yan? E mukha namang wala lang balak mag-settle.”

“Tumpak! Sayang naman ang sarap ko kung ksang lalake o babae lang makakatilim 'no?” tugon ni Jane at nag-flip hair pa. 

Napailing na lang si Rebecca sa sinabi ng kaibigan. Kung siya man ay mas gusto pa rin talaga niya ang bumubuo nang pamilya. Makasama ang lalakeng mamahalin niya at mamahalin siya. Ito ang magiging tatay ng sampu nilang anak. Iyan ang simpleng pangarap niya. Ngunit bigla siyang natigilan noong biglang rumehistro ang mukha ni Sam sa kaniyang alaala. 

Napalunok siya at tumingin sa labas ng bintana. Ilang buwan na ba niyang hindi nakikita si Sam? Hindi na niya binilang. Magmula noong magkausap sila tungkol sa kanilang relasyon ay hindi na niya ito muli pang nakita. Umiwas na rin siya sa clinic nito at hanggat maari ay hindi na siya dumaraan doon. Panay nga ang tanong ni Jane sa kaniya tungkol kay Sam. Pero wala naman ang palgi niya ring sagot. 

Hanggang ngayon ay hindi malubos maisip ni Rebecca na nagawa niya iyon. Na naging tanga siya at ibinigay ang sarili sa isang taong hindi naman niya lubusang kilala. Kung mayroong lalakeng mga babaero ay ganoon si Sam. Babaero din at walang ibang habol sa isang babae kundi ang katawan nito. 

Ilang sandali pa ay biglang natahimik ang buong klase. Bumukas ang pinto ng room nila at may pumasok na babae. Halos lumuwa ang mga mata ni Rebecca noong makita kung sino ang naglalakad papunta sa lamesa sa harapan. Biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at nakaramdam nang pamamawis kahit na napakalamig ng room. 

“OMG! Si Miss Samantha ang advisor natin?” gulat na tanong ni Jane. 

Napalunok si Rebecca. Muli siyang tumingin sa harap at pilit na pinakalma ang sarili. ‘Paano siya naging advisor namin? E school nurse siya at hindi architect!’ tanong niya sa isipan. 

Tumikhim si Sam at inilibot ang paningin sa paligid. Agad na napako ang mga mata niya sa pwesto ni Rebecca na nakatingin sa labas ng bintana. Umarko ang gilid ng labi niya noong makita na para bang hindi mapakali ang mukha nito. 

“Good morning, Students. Alam ko na may mga nagtataka sa inyo ngayon. But yes, I am Samantha Salvador, your new acting advisor for this sem. You can call me anything you want,” ngumiti nang malapad si Sam sa mga ito. 

Napuno nang bulungan ang klase. May isang lalake na biglang nagtaas ng kamay. “Ma’am! Can I call you mine?” natatawang tanong nito. 

Tumawa rin si Sam. “Sure. But sorry, parehas tayo ng gusto.” 

“Whoa!” ani ng mga babae. 

“Sayang!” sabi naman ng mga lalake. 

Mahinang napatikhim si Rebecca. Higit sa lahat sa kanila ay siya ang may alam sa kung ano ang gusto nito. Alam niya dahil nakita niya at naranasan niya. 

“OMG!” mahinang tili ni Jane. “Ma’am!” Biglang nagtaas ng kamay si Jane. “Hi, Ma’am!” 

Namilog ang mga mata ni Rebecca dahil sa ginawa ni Jane. Gusto niyang pigilan ang dalaga ngunit huli na ang lahat. Pagtingin niya kay Sam ay nakatingin na ito kay Jane at napatingin din sa kaniya. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang oras noong magsalubong ang kanilang mga mata. Lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at nakaramdam pa siya na para siyang kinukuryente sa kaniyang ibaba. Bigla niyang na alala ang mga tagpo nilang dalawa. Pinamuhalan ng mga pisngi si Rebecca at nag-iwas ng tingin dito. Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. 

‘Relax, Rebecca Mendoza!’ saway niya sa sarili. 

“Yes?” Kunyari ay parang nagulat si Sam. “Oh, Jane, right? Kumusta?” 

“Yes, Ma’am! Buti na alala mo pa ako,” nakangiting sabi ni Jane. Hinawakan nito ang braso ni Rebecca na ikinagulat muli ng dalaga. “Si Rebecca! Naalala mo?” 

“Huy, Jane! Ano ba?!” Hinila ni Rebecca ang kamay mula sa kaibigan. Pagtingin niyang muli kay Sam ay nakangisi na ito na para bang natutuwa sa kaniyang sitwasyon. 

“Bakit ba?” nagtatakang tanong ni Jane. “Hindi ka ba maghi-hello sa teacher natin?” 

“Hindi mo naman ako kailangang i-special mention pa,” pabulong na sabi niya. 

“It’s okay, Jane. Mukhang nahihiya si… Rebecca, right?” 

Muling napatingin si Rebecca kay Sam. Napamaang siya noong makitang binasa nito ang labi gamit ang dila. Bahagya pa nito iyong kinagat kaya pakiramdam niya biglang may namasa sa kaniya. Huminga siya nang malalim at pinilit na ngumiti kahit na hindi na nakatingin dito. 

‘Goodness! Ano ba ang nangyayari sa akin?!’

Bahagyang siniko ni Jane si Rebecca. “Kinakausap ka ni Ma’am.” 

“Y-Yes, Ma’am.” 

Tumango si Sam. Ilang sandali pa niyang tinitigan si Rebecca bago itinuon na ang atensyon sa klase. 

Habang si Rebecca naman ay hindi mapalagay. Hinawakan ang batok at pilit na nag-focus. Ngunit kahit na ano ang gawin niya ay lumilipad ang utak niya. Ang daming tanong ang nabubuo sa kaniyang isipan. Kung na aalala ba siya ni Sam? Kung na miss ba siya nito o nagsisisi ba ito sa mga sinabi nito sa kaniya? Napailing siya. Hindi niya dapat iyon iniisip. At isa pa, wala nga itong ibang gusto sa kaniya kundi ang katawan lang niya e. Sigurado siya na may bagong babae na naman itong ikinakama. 

“Yes, Rebecca? May gusto ka bang sabihin?” 

Napapitlag si Rebecca noong marinig niyang tinawag siya ni Sam. Napaayos siya ng upo at tumingin sa harapan. Nakatingin na sa kaniya si Sam na para bang naghihintay ito ng sasabihin niya. 

“P-Po?” 

“Naghahanap kami ng pwedeng maging leader ng class niyo. Do you want to volunteer?” 

“Ha? Para saan?” 

“Ano ka ba, Rebecca?” puna ni Jane. “Sa school festival.” 

“Ha? Leader? Ako?” Mabilis na umiling si Rebecca. “Hindi naman ako ang class president e!” 

Tumango-tango si Sam. “Unfortunately, hindi makaka-attend ang class president niyo. You are the vice president, right?” 

“Sige na, Rebecca! Wala ka rin namang choice!” pangungumbinsi ni Jane. 

Pagtingin ni Rebecca sa mga kaklase niya ay gano’n din ang mga sinasabi nito. Napabuga siya ng hangin at wala nang nagawa pa kundi ang sumang-ayon sa gusto ng mga ito. 

“That’s it then. Magmula ngayon ay kay Rebecca na ako magre-relay ng mga important message para sa inyo.” Tumingin si Sam kay Rebecca. “I expect to see you more, Rebecca.” 

Muling napalunok si Rebecca. Parang may ibang ibig sabihin si Sam sa sinabi nito.


Chapter 12

Binasa ni Rebecca ang kaniyang mukha upang mabawasan ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Ngunit kahit na ano ang gawin niya ay hindi mawala sa isip niya ang mga tingin ni Sam. Ang mga ngiti nito kanina sa kaniya. 

“Gosh, Rebecca! Hindi ka pa ba nadala noon?!” inis na sabi niya sa sarili. Huminga siya nang malalim at tinitigan ang sarili sa repleksyon ng salamin. Hinawakan niya ang kaniyang labi at muling napaisip. 

Ilang buwan din siya walang tigil sa kaiiyak matapos ang pag-uusap nila noon ni Sam. Oo. Kahit na walang lebel ang naging relasyon nila ay labis siyang nasaktan. Umasa kasi siya. Si Sam ang unang niyang nakatalik. Ito ang nagparamdam sa kaniya ng kamunduhan na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magagawa niya. At isa pa itong babae. Kahit kay Jane ay hindi niya kinuwento ang tungkol doon dahil sa sobrang kabiguan na kaniyang naramdaman. Pakiramdam niya ay hindi talaga siya nito nagustuhan. Na hindi pala siya kagusto-gusto. 

Napailing si Rebecca. Inis na kumuha siya ng tissue sa bag at ipinunas sa mukha. Mabuti na lang talaga at wala siyang kasama ngayon dito sa banyo. Wala kasing masyadong mga estyudante ang nagamit niyon kaya pinili niya ring dito maglabas ng inis. Inayos na niya ang gamit at palabas na sana noong bumukas ang pinto. Hindi iyon pinansin ni Rebecca. Ngunit gano’n na lamang ang gulat niya noong mapagsino ang pumasok. 

“S-Sam,” bulong ni Rebecca. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa repleksyon nito sa salamin. Napalunok siya at muling kinabahan. Mabilis niyang iniwas ang mga tingin at kinuha na ang bag. 

“Becca,” tawag ni Sam. In-lock niya ang pinto at nag-umpisang humakbang palapit sa dalaga. 

Pakiramdam ni Rebecca ay nagtayuan lahat ng kaniyang balahibo sa katawan noong banggitin ni Sam ang kaniyang pangalan. Hindi siya sumagot. Pinilit pa rin niyang kumalma kahit pakiramdam niya ay matutumba na siya dahil nanlalambot na ang kaniyang mga tuhod. 

“Rebecca.” 

“Yes, ma’am—” 

Halos mahigit ni Rebecca ang kaniyang paghinga noong pagpihit niya paharap dito ay nasa likuran na pala niya ito. Napaatras siya at dumikit sa lababo. Marring nakatitig sa kaniya si Sam na para bang may kung anong gustong sabihin. 

“B-Bakit po?” 

Umarko ang kilay ni Sam. “Po?” 

“Bakit… po?” 

Bumuntonghininga si Sam. “Can we talk?” 

Nag-iwas ng tingin si Rebecca at humigpit ang hawak niya sa bag. “S-Sige po. Lalabas muna ako, Ma’am, para makapagbanyo ka.” Bahagyang tumungo si Rebecca. Lumakad na siya sa gilid nito ngunit pinigilan siya ni Sam. Para siyang kinuryente noong maramdaman niya ang kamay nito sa kaniyang balat. 

“Rebecca.” 

“Ano ba?” 

“Galit ka pa rin ba?” tanong na ni Sam. 

Pilit na binawi ni Rebecca ang kaniyang kamay. Binitawan naman siya nito kaya lumayo siya rito. “A-Ano’ng ibig mong sabihin, Ma’am?” 

“Come on. You know what I mean. And stop… stop calling me ma’am.” 

Huminga nang malalim si Rebecca. “Bakit po? Advisor kita. Tama lang naman na tawagin kitang ma’am, ‘di ba?” 

“Rebecca.” 

“Ma’am. Kung may gusto kang pag-usapan natin ay h’wag dito, please? Hindi maganda para sa isang teacher at estyudante na mag-usap sa banyo ng sila lang.” 

Nangunot na ang noo ni Sam. “What’s wrong? Parehas naman tayong babae.” 

Mapait na napangiti si Rebecca. “Parehas babae?” Tumango-tango siya. “Okay.” Tiningnan niya si Sam at muli ay bahagyang nag-bow dito. “Tawagin niyo na lang po ako sa faculty kung may iutos kayo sa akin, Ma’am,” ani niya na binigyang diin ang salitang ‘ma’am. 

Wala nang nagawa pa si Sam noong tuluyang lumabas si Rebecca sa labas ng banyo. Inis na napahawak siya sa sink at marahas na bumuntonghininga. Gusto sana niyang makipag-usap nang maayos dito pero halatang iniiwasan siya nito. Sigurado siya sa nakita niya rito kanina sa klase. At aaminin niya, na miss niya ito. At naiinis siya dahil ngayon lang niya iyon naramdaman sa isang babae. 

Nagmamadaling lumabas ng banyo si Rebecca. Dumeretso siya sa likod ng building at doon pinakawalan ang mga luhang pinipigilan niya kanina pa. Kitang-kita niya rin ang panginginig ng kaniyang mga kamay dahil sa matinding emosyon. 

Nalilito na siya. Akala niya ba ay wala lang para kay Sam ang mga nangyari sa kanila? Ilang buwan ang lumipas ay hindi nga ito nagparamdam sa kaniya. Nasa iisang university lang sila ngunit hindi manlang ito gumawa ng paraan para magkita sila ulit. Hinayaan siya nitong tuluyan na malayo sa kaniya. Nakapag-move on na nga siya kung hindi niya lang ito ulit nakita ngayong araw. Makakaya naman niyang makipagplastikan dito sa harap ng kaniyang mga kaklase. Kaso pakiramdam niya ay biglang gumuho iyong pader na binuo niya.


Chapter 13

“Wala pa bang sinasabi si Ms. Sam sa gagawin natin?” tanong ni Jane. Nasa classroom sila ngayon at naghihintay ng susunod na subject. 

Umiling si Rebecca. Matapos ang pag-uusap nila sa banyo ay hindi pa siya nito pinapatawag. Mas maige nga iyon para kay Rebecca. Siguro hindi na sila tutuloy sa pagsali sa school festival. 

“Tsaka, pansin mo ba? Parang iba ang tingin ni Ms. Sam. Hindi ka ba talaga niya tinext?” 

“Ang ingay mo, Jane.” 

“E kasi nga parang may something—” 

“Wala nga!” nagtaas na ng boses si Rebecca. Gulat na tiningnan siya ng kaibigan. Maging ang iba nilang mga kaklase ay napatingin sa kanila. Iniikom niya ang bibig at nag-iwas ng tingin. “S-Sorry.” 

“Ang sensitive naman nito,” bulong ni Jane. 

“Ingay mo kasi.” 

“Rebecca Mendoza!” 

Napatingin si Rebecca sa may pinto noong may tumawag sa kaniya. Hindi niya ito kilala kaya kumunot ang noo niya. 

“Sino po si Rebecca Mendoza?” 

Nagtaas ng kamay si Rebecca. “Ako. Bakit?” 

Tumingin sa kaniya ang lalake. “Pinapatawag ka ni Ms. Samantha sa clinic. Ngayon na raw.” 

Biglang binundol ng kaba si Rebecca. Unti-unti niyang ibinaba ang kamay at tumingin kay Jane. “S-Samahan mo ako.” 

Inirapan siya ni Jane. “Ayaw ko! Nagtatampo ako!” 

“Sige na, Jane! Sorry na.” 

Muli siyang inirapan ni Jane. Pero sa huli ay sinamahan din siya nito papunta sa clinic. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Jane habang naglalakad sila. Alam niyang may rason kung bakit siya pinapatawag nito. Ngunit hindi maiwasang mag-alala ni Rebecca. Natatakot siya hindi kay Sam. Ngunit natatakot siya sa sarili niya. Alam niya kasing bibigay din siya agad dito. 

“Hi. Ms. Samantha!” bati agad ni Jane pagkapasok nila sa clinic. 

Nakita agad ni Rebecca si Sam na nakaupo sa table nito nito. Para pa itong nagulat noong makita si Jane. 

“Jane. I didn’t expect you would come.” 

Napangiwi si Jane. “Ayaw niyo po ba na nandito ako?” 

Hinawakan ni Rebecca ang kamay ni Jane. “Assistant ko po siya.” Pinilit niyang ngumiti kay Sam. 

Nangunot ang noo ni Sam. Parang hindi pa nito matanggap ang sinabi ni Rebecca. Pero tumango na lamang ito at pinaupo sila Jane. Agad nitong ni-discuss sa kanila ang mga napag-usapan ng mga adviser para sa school festival. Every section ay kailangang may i-present na sayaw. Magkakaroon din ng booths. Mayroon ding concert ang university nila na sila ang magiging tagapamahala sa seguridad. 

“Kami po talaga?” tanong ni Rebecca. 

“Yes. Hindi lang naman ang section niyo. Ang whole department ng architect ang nakatoka rito. Kaya kailangan mo ring makipag-usap sa ibang section,” paliwanag ni Sam. 

“Okay po. Masusunod.” Pinasadahan ni Rebecca ng basa ang mga nakasulat sa notebook niya. Tumango-tango siya at muling tumingin kay Sam. Nagulat pa siya noong makitang nakatitig pala sa kaniya ang dalaga. Muli siyang binundol ng kaba kaya nag-iwas siya ng tingin. “A-Ano pa po ang dapat nating i-discuss, Ma'am?”

Sumandal si Sam sa kaniyang upuan at pinagkrus ang mga braso. Umakto ito na para bang nag-iisip. 

“Yes. But you can go now, Jane. May kailangan pa kaming i-discuss ng leader mo.”

“Ha? Bakit ako lang?”

Agad na tumayo si Jane. “Sige po.”

Hinawakan ni Rebecca ang kamay ni Jane. “Iiwan mo talaga ako?”

“Oo. May pag-uusapan pa raw kayo.”

Tumingin si Rebecca kay Sam. Seryoso lang ang mukha nito na para bang talagang totoo ang sinasabi. Wala nang nagawa pa si Rebecca kundi hayaan na umalis si Jane. Ayaw naman niyang malaman nito ang totoo. Nagtatanong na nga ito sa kaniya. 

“Hintayin na lang kita sa room.”

“O-Okay.” Huminga nang malalim si Rebecca at umayos ng upo. Pilit niyang pinaseryoso ang mukha at sinalubong ang tingin ni Sam. Kahit na ramdam na niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. “Ano pa po ba ang pag-uusapan natin?”

Matagal bago sumagot si Sam. “About us.”

Awtomatikong nangunot ang noo ni Rebecca. “Us? Ano'ng konek ng tungkol sa atin sa school festival?”

Tumayo si Sam at naupo sa tabi ni Rebecca. Tumagilid pa siya para talagamg makaharap ito. 

“Becca, please.”

Iniikot ni Rebecca ang mga mata. “Pwede ba, Ms. Sam? Bakit ba paulit-ulit mong ipinapasok ang tayo? Hindi ba ikaw na ang may sabi? It’s just a sex!” 

“At mali ako roon! For the first time in my life, nakaramdam ako ng ganito. So, can you please give me a chance?” 

Napakislot si Rebecca noong hinawakan nito ang kaniyang kamay. “Ano ang ibig mong sabihin? In love ka na sa akin? Alam mo naman na hindi tayo pwede. Una sa lahat, parehas tayo babae. Pangalawa, advisor kita—” 

“Why? Hindi ba tayo parehas ng nararamdaman?” 

Natigilan si Rebecca. Mabilis niyang kinuha ang kamay at akmang tatayo ngunit hinawakan ni Sam ang kaniyang braso. 

“Give us a chance.” 

Nangilid na ang mga luha ni Rebecca. Alam niyang hindi tama. Ngunit kung iisipin niya ang tunay na nararamdaman ay gusto niya rin si Sam. Kahit na parehas sila ng kasarian. 

“Look at me, Rebecca. Straight in my eyes at sabihin mong hindi tayo parehas nang nararamdaman. Hindi na kita kukulitin.” 

Napalunok si Rebecca. Humigpit ang hawak niya sa bag. Lalong bumilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib noong hinawakan ni Sam ang kaniyang baba at iniharap dito. 

“Tell me,” bulong ni Sam. 

Napatingin si Rebecca sa labi ni Sam. Muli siyang lumunok at hindi na nag-isip pa. Sinapo niya ang pisngi ng dalaga at hinalikan ito sa labi.


Chapter 14

Habol ang hininga na naglayo sina Sam at Rebecca. Habang hindi inaalis ang mga tingin sa isa’t isa ay nagmamadali nilang hinubad ang mga suot na damit. Noong wala na silang saplot sa katawan ay muling inabot ni Sam si Rebecca at siniil ng halik. 

Napaungol nang malakas si Rebecca noong hinawakan ni Sam ang kaniyang pagkababae. Agad na nanginig ang kaniyang mga hita at namasa ang kaniyang pagkababae. 

“S-Sam!” hinihingal na tawag ni Rebecca rito. Kumapit siya sa batok nito at pilit na sinabayan ang mga halik. 

Hinila ni Sam patayo si Rebecca. Pinaupo niya ito sa lamesa at saka ibinuka ang mga hita. Napahinga siya nang malalim noong matitigan ang pagkababae ni Rebecca. Basang-basa na iyon na para bang handang-handa na para sa kaniya. Pinalibot niya ang dila sa kaniyang labi at napalunok nang kaunti. Pagkatapos ay tiningnan niya si Rebecca habang unti-unting ibinababa ang ulo at hinalikan ang ari nito. 

“O-Ohh!” 

Napakapit sa gilid ng lamesa si Rebecca at napatingala habang nakapikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay kinuryente ang buong katawan niya noong lumapat ang dila nito sa kaniyang clitoris. Napatili siya nang kaunti noong bigla pa iyong sinipsip ni Sam. 

“Gosh! Oh my gosh!” Tuluyang nanginig ang mga hita ni Rebecca at tumirik ang kaniyang mga mata. Hindi agad tumigil si Sam kaya naramdaman na niya ang unti-unting paglabas ng kaniyang katas. 

Napaatras si Sam nang kaunti noong biglang may sumirit na tubig sa ari ni Rebecca. Ngunit imbes na lumayo ay muli niyang inilapit ang bibig sa pagkababae nito at sinalo lahat ng inilabas ng dalaga. Napangiti siya at muling diniliaan ang pagkababae nito. 

“You missed me that much, huh?” 

Nanghihinang inilapat ni Rebecca ang kaniyang likod sa lamesa ni Sam. Huminga siya nang malalim at bahagyang napapakislot pa dahil kusang gumagalaw ang kaniyang mga hita dahil sa ginawa sa kaniya ni Sam. Palagi naman siyang nilalabasan sa tuwing nagtatalik sila noon ni Sam. Ngunit ngayon lamang nangyari na parang pati kaluluwa niya ay sandaling lumabas sa kaniya. Pakiramdam niya pa ay naihi siya dahil sa sobrang sarap na naramdaman niya. 

“A-Ano’ng nangyari?” nag-aalalang tanong ni Rebecca noong makabawi na siya ng lakas. 

Ngumisi si Sam. “You just squirted, babe. Do you love it?” 

Itinukod ni Rebecca ang mga siko sa lamesa at tumingin kay Sam na patuloy pa rin sa panaka-nakang pagdila sa kaniyang pagkababae. Namilog ang mga mata niya at tuluyang napatayo noong makitang basa ang balikat at dibdib nito. Maging ang ilang hibla ng buhok nito. 

“N-Napaihi ako?” 

Tumawa si Sam. Tumayo siya at hinalikan sa labi si Rebecca. “Nope. Come on.” 

Hindi na umangal si Rebecca noong akayin siya ni Sam papunta sa higaan. Panay ang tingin siya sa pinuwestuhan nila kanina. Para kasing may natapong tubig sa sahig. Kaya siguro iba ang pakiramdam niya kanina dahil iyon nga ang nangyari. Napangiti siya nang malapad at mas lalong ginanahan. 

Inihiga ni Sam si Rebecca at muling hinalikan sa labi. Ilan sandali sila sa ganoong posisyon hanggang sa bumaliktad si Rebecca. Ngayon ay nakatagilid na sila sa isa’t isa at nakaharap sa ari ng isa’t isa. Hinawakan ni Rebecca ang hita ni Sam at saka sinunggaban ang ari nito. 

Napaungol si Sam. Huminga siya  nang malalim at ginaya na rin si Rebecca. Nagpatuloy sila sa pagpapaligaya sa isa’t isa. Hanggang sa maging ang kanilang katawan ay sumasabay na sa pagkilos ng kanilang mga bibig. Sa bawat pagdila at paghalik nila sa kani-kaniyang ari ay gumagalaw din ang kanilang balakang. Ilang sandali pa ay unti-unti na silang nakaramdaman ng pamumuo sa kanilang mga puson. Kasabay ng palitan ng kanilang mga halinhing ay ang paglabas ng kanilang init ng katawan.


Chapter 15


Ilang sandaling nakatitig sa kisame si Rebecca habang katabi si Sam na nakapikit ang mga mata. Hindi niya alam kung ito ba ay natutulog. Pero ayaw na niya itong guluhin dahil para bang unti-unti siyang sinasampal ng reyalidad dahil nahihimasmasan na siya. Nasapo niya ang kaniyang noo at nakagat ang labi. 

‘Ano na naman ang ginawa mo, Rebecca?! Diyos ko!’ pagalit na sabi niya sa isipan. Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Isang tingin lang ni Sam ay bumigay na siya agad dito. 

“Kanina ka pa panay buntonghininga. Do you want round two?”

Namilog ang mga mata ni Rebecca. Nilingon niya si Sam. Nakamulat na ang mga mata nito at nakalingon sa kaniya habang nakangiti. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at napalunok. 

“What? Galit ka pa rin?” Yumakap si Sam kay Rebecca. Hinaplos niya ang tiyan ng dalaga nang dahan-dahan pataas hanggang maabot ang dibdib nito. “Do you want more?” 

Napaigtad si Rebecca. Pakiramdam niya ay sinilaban na naman ang buong katawan niya at nagtayuan lahat ng kaniyang balahibo. Nagmamadali siyang umupo at lumayo sa higaan. 

“This… mali ito. Hindi natin dapat ito ginagawa.” 

Umupo si Sam. “What do you mean?” 

“Sam.” Huminga nang malalim si Rebecca. “Teacher ka. Adviser kita! Hindi mo ba na gi-gets ang ibig kong sabihin? At isa pa, akala ko ba ayaw mo ng relasyon?” 

Huminga nang malalim si Sam. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri habang napapaisip sa sinabi ni Rebecca. Hindi na naman sa kaniya bago na magkaroon ng katalik na estyudante. Madalas kasi ay hindi naman niya kilala ang mga ito. Nagugulat na lang siya sa susunod na mga araw ay babatiin siya ng mga ito dahil aksidenteng nakita sa university. Pero pagkatapos niyon ay wala na. At halos lahat ng mga naka-one night stand niya ay graduate na. 

“There’s nothing wrong with it. Hindi ka naman minor, ‘di ba?” 

Naiikot ni Rebecca ang mga mata. “You don’t get it, do you?” 

Ngumisi si Sam. Tumayo siya at naglakad palapit kay Rebecca. Hindi alintana kung parehas silang wala pa ring mga saplot sa katawan. Hinawakan niya ang kamay ni Rebecca saka hinila ito sa kama at naupo siya roon. Nanatiling nakatayo si Rebecca sa kaniyang harapan habang puno pa rin nang pag-aalala ang ekspresyon nito. 

“You worry too much, Becca.” 

“Bakit naman hindi? Graduating ako, Sam. Hindi ko kaya magkaroon ng kahit na anong problema ngayon sa school. Idagdag mo pa ang family ko.” 

Sinapo ni Sam ang pisngi ni Rebecca. “Then focus in your studies. Don’t mind me.” 

Lalong nagdilim ang mukha ni Rebecca. “What do you mean by that?” 

“I mean, we can still be together while you study, right?” 

“Together?” Inalis ni Rebecca ang kamay ni Sam sa kaniya. “Pwede ba? H’wag mo akong lituhin.” 

Muling hinawakan ni Sam si Rebecca. “I know, nasaktan kita noong huli nating pag-uusap, Becca. I’m sorry. Iyon lang naman sana ang gusto kong sabihin. I realized na malaki ang pagkakamali ko.”

Lalong nangunot ang kilay ni Rebecca. Tiningnan niya si Sam sa mga mata. “Seryoso ka ba ngayon?” 

“Oo naman! Seryoso naman ako sa ‘yo, Becca. Sadyang… Hindi lang kasi ako naniniwala sa love. But I want you. I like you.” 

“But don’t love me?” 

“Becca, please. Matututunan ko naman ‘yon, ‘di ba? Sa totoo lang, halos mabaliw-baliw na ako kakaisip sa ‘yo. Hindi ako maka-get over sa nangyari sa atin. Siguro dahil na rin sa—” Napatigil si Sam sa pagsasalita. Bigla siyang napaisip dahil sa sunod niya sanang sasabihin. Ni minsan bukod sa kaniyang ninong ay wala siyang napagsabihan tungkol sa kaniyang tunay na nararamdaman. “I’m scared, Becca. Takot ako sa relasyon. So I never committed myself to anyone.”

Unti-unting naging malambot ang ekspresyon ni Rebecca noong makita niya ang kirot sa mga mata ni Sam. Nag-iwas pa ito ng tingin sa kaniya dahil nanubig na ang mga mata nito na para bang maiiyak na. Sa sandaling nakilala niya si Sam ay ngayon lamang niya itong nakita sa ganoong hitsura. Bigla siyang napaisip dahil hindi pa naman niya ganoong nakilala si Sam. Kapag tatanungin niya kasi ito ay para bang umiiwas ito. Lalo na kapag ang mga magulang nito ang napag-uusapan nila. 

“Why? What happened?” tanong ni Rebecca. 

Huminga nang malalim si Sam. Kinuha niya ang kamay ni Rebecca at inilapit sa kaniyang pisngi saka muli itong tinitigan sa mga mata. “Soon… I will tell you. But don’t worry. Now, I’m ready, Rebecca. Alam ko na nag-aalangan ka. Natatakot ka. Natatakot ako. But for you… I am ready to commit with you.” 

Napalunok si Rebecca. Biglang bumilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Pakiramdam niya bigla ay bumagal ang oras at wala siyang ibang nakita kundi si Sam. 

“A-Ano’ng ibig mong sabihin?” 

Ngumiti si Sam kay Rebecca. “I may have flaws, Rebecca. I may hurt you or be a pain in your ass. But I promise, I will do my best to be the best girlfriend you will ever have. That’s if you want me to be my girlfriend?”

Nasapo ni Rebecca ang kaniyang bibig at nangilid ang mga luha. “N-Nagpo-propose ka ba sa akin?” 

Nagkibit ng balikat si Sam habang nakangiti. “I guess so? Wala nga lang akong singsing ngayon.” Tumawa siya. “But can you be my girlfriend?” 

Tuluyan nang napaiyak si Rebecca. Kung iisipin ay parehas naman sila ni Sam na hindi pa sigurado sa nararamdaman para sa isa’t isa. Pero alam niya sa sarili niya na nagugustuhan na niya ito. Umaasa na siya rito at nagtiwala. Nasaktan siya dahil dito. Umiyak siya ng ilang gabi noong narinig niya ang sinabi ni Rebecca. 

Pero gano’n naman iyon, ‘di ba? Hindi naman namin kailangang mahalin agad ang isa’t isa. Sapat na iyong nagkakaintindihan kami ngayon, ani Rebecca sa kaniyang isipan. 

Sunod-sunod na tumango si Rebecca. Sinapo niya ang mukha ni Sam at hinalikan ito sa labi. “Syempre naman! Oo!” 

“Are you sure?” 

“Bakit? Ayaw mo ba?” 

“No! I-I mean, I want you! Be my girlfriend!” nauutal pang sabi ni Sam. 

Tumawa silang dalawa at nagyakapan. Ngayon ay masaya nang masasabi ni Rebecca na tunay na ang kanilang relasyon. Para sa kaniya si Sam, at siya naman ay para kay Sam.








Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !