Views

Mafia's Addiction (Savage Men Series) (Chapters 31 and Epilogue)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 31

Hindi na ako binitawan ni Marco matapos iyon. Kahit sa pagtulog ay magkatabi kami. Ayaw ko rin na malayo sa kaniya dahil sa takot na baka may kung sino na naman ang sumulpot para kuhain ako sa kaniya. 

Pag-uwi naman ay nanlumo ako ulit. Nakaburol doon si Nana Lucing. Iyak ako nang iyak dahil sa sinapit niya. 


Wala siyang kasalanan. Isa lang naman siyang tagasunod. Buong buhay niya ay pinagsilbihan niya ang mga Valenti. Dahil sa kaniya kaya naging malapit ang Pilipinas kay Marco. Tapos heto lang ang nangyari sa kaniya. 


Hindi man magsalita si Marco, ramdam ko rin ang lungkot niya dahil sa nangyari kay Nana Lucing. Ilang minuto niyang pinagmasdan ang kabaong ni Nana Lucing. 


Pagkatapos ng libing ng mga tauhan ni Marco at ni Nana Lucing ay minabuti ni Marco na pumunta kami ng Russia. Ayaw ko sana, pero hindi rin siya pumayag na maiwan ako. Isa pa ay mas mabuti raw na malapit ako sa kaniya para mas maprotektahan niya ako. 


Gabi na noon at naghahanda na ako para sa pag-alis namin. Noong maalala ko ang isang sinabi ni Peter sa akin noon. 


Parehas kami nasa silid ni Marco. Siya ay humihithit ng sigarilyo habang mayroong binabasang dokumento. Ako naman ay nasa kama. Katatapos ko lang kausapin ang pamilya ko na aalis muna ako saglit. 


Naupo ako nang maayos at tiningnan siya. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang tanong ng hindi siya magagalit. 


"What is it?" 


Napakislot pa ako noong bigla siyang magsalita. Tumingin siya sa akin. 


"Huh?" 


"I could feel your stare. Do you want a fuck?" 


Namilog ang mga mata ko. 


"Hoy! Hindi ah!" 


Ngumisi siya. "Then, what is it? Why are you staring at me?" he asked, pagkatapos ay muling tumingin sa papel na hawak. 


Naiikot ko ang mga mata ko. Ang talas naman ng pakiramdam niya.


"Ahm... may nasabi kasi sa akin noon si Peter." 


"What?" 


Huminga ako nang malalim. 


"Bakit mo ako pinakasalan, Marco?" 


Muli siyang nag-angat ng ulo. Binitawan niya ang hawak na dokumento at sumandal sa upuan. Bahagya pa akong kinabahan dahil biglang naging blangko ang ekspresyon niya. 


"Why? Did he tell you that I'm just using you?"


Tumayo na ako at lumapit sa kaniya.


"Marco... H-Hindi naman sa pinaghihinalaan kita. Gusto ko lang marinig mula sa 'yo ang totoo."


Bigla niya akong hinila paupo sa kandungan niya.


"Are you still scared of me, Lorribel?"


Napalunok ako. Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko ay parang may kung anong nabubuhay sa pagkatao ko.


Kabado akong tumawa.


"B-Bakit naman ako matatakot sa 'yo?"


Hinawakan niya bigla ang kamay ko.


"You're shaking."


Pagtingin ko roon ay bahagya nga iyong nanginginig. Tinago ko iyon bigla sa likuran ko. 


"Ahm, sorry." 


Bumuga siya ng hangin. Sinapo niya ang pisngi. 


"No. I'm the one should be sorry. I've scared you that much. I don't do promised, but you don't have to be scared anymore, Lorribel. Especially to me." 


Pinilit kong ngumiti. Sinapo ko ang pisngi niya. 


"Ano ka ba? Hindi ako natatakot. Hindi lang kasi ako magaling sa ganitong pag-uusap.  Madalas ay tahimik lang ako at... alam mo na? Tinatanggap na lang ang lahat." 


Umiling si Marco. 


"No. From now, remember that we are equal. I'll treat you as my queen." 


Napangiti na ako nang totoo. 


"Salamat." 


Dinampian niya ako ng halik. 


"Well... about your question. At first, I just really needed somebody to marry with. But then I learned that you calm me down. You're like a drug to me. I suddenly got addicted to you. To your scent. I crave for it. Yes, I needed you. But you're something else, Lorribel. You are someone that I couldn't live if you're not with me."


Bahagyang napaawang ang bibig ko. Napatitig lang ako sa mga mata niya na para bang nanghihipnotismo. 


"But it's true. I needed to get married. To have an heir to maintain my position in my family. But I assure you na hindi lang iyon ang gamit mo sa akin. You are my love. My queen." 


Napangiti ako. Bahagya pang nangilid ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nito. Minsan ay lumalabas talaga ang pagiging mabulaklak ng dila niya. 


"Really?" 


Tumango siya. 


"Yes, my queen. So... for the second time. Will you marry me?" 


Napakurap-kurap ako. Hinintay ko pa siyang tumawa pero nanatili siyang nakatitig sa akin habang namumungay ang mga mata. 


"S-Seryoso ka? Na naman?" 


"Yes." 


Napangiti ako. "You know my answer." 


"Say it." 


Sinapo kong muli ang mga pisngi niya. 


"I will marry in every church if I need to. Kahit saan, Marco. I will marry you, my Mafia boss." 



Epilogue

I entered that club to learn about sex, pero hindi ko inakala na ang puso ko pala ang matututong magmahal. Not that it was my first time, but this love. Sino ba ang mag-aakala na sa isang malupit na Mafia boss ko pa pala ito mararamdaman? 

A genuine love. 


Binigyan niya ako ng rason para malaman ang worth ko bilang babae. Na ang kagaya ko pala ay pwede at dapat mahalin din. 


Marco Valenti taught me that even the scariest person in the world could feel love. 


At ganoon din ako sa kaniya. 


Ilang buwan na ang nakalipas matapos ang ikalawa naming kasal. At kagaya ng pangako niya ay mas engrande nga ito. Mas marami ang bisita. Bukod doon ay kasama ko na rin ang pamilya ko sa Russia na bumisita sa akin para sa kasal ko. 


Gulat na gulat sila Mama dahil sa binalita ko. Nagalit din silakay Greg. Pero kahit papaano ay masaya na raw sila at nakita nila akong masaya kay Marco. Wala silang ideya kung ano ang totoong pagkatao ni Marco. Ang alam lang nila ay isa itong mayamang negosyante. Mas pinili kong ganoon dahil baka atakihin si Papa kapag malaman niya kung ano talaga si Marco. 


Pinapunta ko rin doon si Claire. Tuwang-tuwa ito na makitang masaya na ako. Approve naman sa kaniya si Marco, lalo na at mas pogi daw ito kay Greg. 


Si Greg... ang huli kong naging balita ay biglang na bankcrupt ang kompanya nila. Nawala ang mga ari-arian ng mga Lawson. At ngayon ay nagtatrabaho na lang sa isang restaurant si Greg. 


Minsan iniisip ko na baka si Marco ang may kagagawan no'n. Pero hindi ko na tinanong. Tama lang naman ang nangyari sa kaniya. Hindi sa natutuwa ako. Pero sa mga ginawa niya sa akin, kulang pa iyon. 


Napakaganda ng bahay ni Marco dito sa isa sa mga probinsya sa Russia. Dito ay kita ko kung gaano nirerespeto si Marco. At kung gaano rin siya katakutan ng mga tao rito. 


Nakita ko kung gaano kalawak ang negosyo nila. Mapa-legal man o illegal. Ayaw ko sanang malaman iyon. Kaso bilang asawa ng isang Mafia Boss ay hindi na siguro iyong maiiwasan. 


"Gusto kong mag-aral ulit, Mahal," ani ko, isang umaga na kumakain kami ng almusal. 


Bago umalis si Marco at magpunta sa kung saan-saan ay pinipilit talaga namin na kumakain muna kami ng sabay ng almusal. Ako na rin ang may gusto. Matapos ang nangyari sa akin noon. At nakita ko kung gaano kadelikado ang buhay niya ay gusto kong sulitin ang bawat oras na magkasama kami. 


"What?" 


"Gusto ko ulit mag-college." 


Napakurap-kurap si Marco. Tinitigan niya pa ako na para bang hindi siya makapaniwala. 


"Why? You have everything already." 


Matipid akong ngumiti sa kaniya. 


"May pangarap ako, Mahal. Naputol iyon noong pinili ko noon si Greg. Kung pwede sana ay ituloy ko na iyon ngayon." 


Napabuga siya ng hangin. 


"Ahm... okay. What course?" 


"Criminology." 


"Seriously?" 


Natawa ako sa ekspresyon niya. Salubong kasi ang mga kilay nito at talagang halata ang gulat sa mga mata niya. 


"Lorribel Valenti," maawtoridad na tawag niya sa pangalan ko. 


Napaupo ako nang maayos at pilit na pinigilan ang sarili na tumawa. 


"S-Sorry," nahihirapang sabi ko. "Joke lang." 


Lalong naningkit ang mga mata niya. Napalabi na ako. 


"Ito naman. Joke nga lang! Paano ko naman gagawin 'yon, 'di ba? Mafia ka?" 


Muli siyang bumuga ng hangin. 


"Whatever." 


Kinalma ko na ang sarili ko. 


"Hindi. Gusto ko sanang mag-aral ulit. Iyong pwedeng makatulong sa mga negosyo mo." 


"You don't need to do that. What mine is yours, Lorribel." 


Lumabi ako. 


"E ang boring naman kasi na nadito lang ako sa bahay. Ayaw ko naman umuwi ng Pinas. Ayaw kitang iwan." 


Natahimik siya. Bigla niyang binitawan ang hawak niyang kobyertos at tumayo. Nangunot ang noo ko. 


"Bakit---" 


Napatili ako noong bigla niya akong kinarga ng pangkasal. 


"Ano'ng ginagawa mo?" 


"You're bored you said. I'll entertain you then." 


Namilog ang mga mata ko. "Hoy! Ang aga pa!" 


Ngumisi siya nang nakaloloko. "And so what? I haven't worked out since last week." 


"Ikaw talaga! Marco Valenti! Ibaba mo ako!" 


Pero imbes na ibaba ay nagpatuloy lang siya sa pagkarga sa akin hanggang sa makarating kami sa kwarto namin. Marahan niya akong inilapag sa kama. 


"If you are really that bored. I'll hire you then," bulong niya sa akin. 


Nangunot ang noo ko. "Ano namang trabaho?" 


Inilapit niya ang bibig niya sa may tainga ko. 


"My personal slave." 


Pinamulahan ako ng mga pisngi. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga tainga ko. 


"Slave talaga!" 


Hinalikan niya ako sa leeg. 


"Ayaw mo ba?" 


Natahimik ako saglit. Tapos ay natawa na lang ako noong maalala ang umpisa ng relasyon namin. Itinulak ko siya pahiga sa kama at ako ang pumatok sa kaniya. 


"Fine. But I'll be your master now," malamyos ang boses na sabi ko. 


Itinukod ko ang kamay ko sa gilid niya at inilapit ang mukha sa kaniya. 


"Are you ready to be my slave, Mafia Boss?" 


He smirked. I could see his eyes spark in full desire. 


"I'm yours, my queen." 


Napangisi ako nang malapad. Inabot ko ang labi niya at siniil siya ng halik. 


Oo. Sino nga ba ang mag-aakala? Na ang taong nakilala ko sa club ay ang taong magiging dahilan ng muling pagsaya ng buhay ko. 


And I'm willing to spend the rest of my life with him. Whether I become his personal slave or wife. Because now... I can do both. 




The end.






Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !