Views

Wildest Encounter (Chapters 16 to 20)

Ameiry Savar
0

 



Chapter 16

Pigil na pigil ang mga ngiti ni Rebecca habang nakatitig kay Sam na nagdi-discuss sa kanila tungkol sa papalapit na school festival. Panay rin kasi ang sulyap nito sa kaniya kaya nahihiya na rin siya at pilit na pinapakalma ang sarili. 

“Any more suggestions?” tanong ni Sam. 

“No more, Ms. Sam!”

“Okay. Now, Rebecca.”

Agad na napaupo nang maayos si Rebecca at tuluyang tumingin kay Sam. “Yes po?”

“I want the list of each student that will join per category before six, okay?” 

“Yes, Ma’am!” 

Ngumiti si Sam at tinanguan si Rebecca. Napangiti rin si Rebecca at nahihiyang tumungo. Habang si Jane naman ay hindi na maalis ang pagkakunot ng noo. Kanina pa niya nakikita ang mga tinginan nang dalawa sa isa’t isa. Huling-huli niya ang mga ngiti ni Rebecca na para bang kinikiliti ang tagiliran sa tuwing nagtatama ang mga tingin ng mga ito. Lalo tuloy siyang naghinala na mayroong tinatago ang dalawa. 

“Okay, class. See you again.” 

“Bye, Ma’am!” 

Matapos magpaalam ni Sam sa kanila ay si Rebecca naman ang tumayo sa harapan ng klase. Naghanap siya ng mga volunteer sa mga activities nila. May ilan silang mga kaklase na sumali sa dancing. At ang iba sa booth naman na assign. Agad na inilista ni  Rebecca ang mga pangalan ng mga kaklase niya saka muling naupo. 

“Ang saya mo ngayon a?” puna ni Jane kay Rebecca. 

Inayos ni Rebecca ang salamin. “Ha? Ako? Bakit naman ako dapat malungkot?” 

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Jane. “Wala lang. Iba iyong glow mo ngayon e. Para kang kumikinang—”

“Hep! Baka iba naman sasabihin mo!” pigil ni Rebecca. 

Tumawa si Jane. “Bakit? Ano ba sasabihin ko?” 

Inirapan ni Rebecca ang kaibigan. “Kilala na kita, ‘no?”

“Bakit? Sabihin mo nga? Ano ba sa tingin mo ang sasabihin ko?” 

Napaisip si Rebecca. Bigla siyang nahiya noong maisip niya ang mga posibleng salitang sasabihin ni Jane. Mabilis siyang umiling at inirapan ito. “Tama na nga! Dami mong sinasabi e!” 

“Sus! Ikaw, ha? May tinatago ka sa akin e.” 

“Ano na naman ‘yon?” 

“Nadiligan ka na, ‘no?” 

Namilog ang mga mata ni Rebecca. Napatingin siya sa mga kaklase nila at gano’n na lamang ang pasasalamat niya noong makitang may kaniya-kaniyang ginagawa ang mga ito. 

“Ang bibig mo talaga!” pabulong na sabi ni Rebecca. 

Si Jane naman ang nagulat. Nasapo pa nito ang bibig na para bang isang malaking sekreto ang narinig nito. Nangunot naman ang noo ni Rebecca at nalilitong tiningnan ang kaibigan. 

“Anyare sa ‘yo?” 

Pigil ang mga ngiti na inayos ni Jane ang upo paharap sa kaibigan. “Tell me. Nadiligan ka na nga ba?” pabulong na tanong niya. 

“Ano ka ba—”

“Answer me! Sisigaw ako, sige!” ani Jane. Pero pigil na pigil pa rin ang pagngiti. 

Umawang ang bibig ni Rebecca. Bigla bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at pinagpawisan nang malamig. Wala pa siyang sinasabihan tungkol sa kanila ni Sam. At ni sa hinagap ay wala siyang balak na sabihin ito kay Jane. Kilala niya ang kaibigan. Masyadong matabil ang bibig nito at baka magsalita pa sa parents niya. Mahirap na. 

“Ano ka ba, Jane? Ikaw lang naman ang palaging nagpapadilig e!” bwelta niya rito. 

“Sus! Iba ka ngayon, Rebecca Mendoza.” 

Pakiramdam ni Rebecca ay nagtayuan lahat ng balahibo niya noong banggitin ni Jane ang buo niyang pangngalan. “Grabe ka naman!” 

“Alam ko na ‘yan. Ganiyan-ganiyan ako noong naisuko na ang bataan!” 

“Ang ingay mo!” Bahagyang hinampas ni Rebecca ang braso ng kaibigan at nagpigil ng tawa. “Hindi! Imposibleng mangyari sa akin ‘yon, ‘no? Wala nga akong boyfriend e!” 

Tumawa si Jane. “Boyfriend, wala. Pero girlfriend, meron?”

Bago pa man makasagot si Rebecca kay Jane ay pumasok na ang teacher nila sa sunod na klase. Walang tigil sa pagtukso sa kaniya si Jane kaya hindi mapakali si Rebecca. Gustong-gusto niyang patahimikin ang kaibigan kakabulong sa kaniya ngunit hindi niya magawa. Mas lalo lang tuloy siyang hindi nakapag-focus sa klase nila. 

Hapon noong nagmamadaling umalis si Rebecca sa klasen nila. Hindi na niya hinintay si Jane dahil sigurado siya na hindi pa rin siya nito tatantanan sa mga tanong nito. At wala naman siyang balak na sabihin dito ang totoo. 

“Rebecca!” 

Napangiwi si Rebecca noong marinig ang boses ng kaibigan. Hindi siya tumigil bagkus ay nagmamadaling naglakad. Ngunit kahit ano ang gawin niya ay naabutan pa rin siya nito. 

“Rebecca! Ano ba?!” hingal na sabi ni Jane. 

Kunyari ay nagulat si Rebecca noong lumingon kay Jane. “J-Jane! Tinatawag mo ba ako?” 

Inirapan ni Jane ang kaibigan. “Ewan sa ‘yo!” Umayos siya ng tayo. “Samahan na kita.” 

“Saan?” 

“Kay Ms. Sam? ‘Di ba may ihahatid ka?” 

Napakurap-kurap si Rebecca. “H’wag na! Kaya ko na!” 

Tumaas ang kilay ni Jane. “Seryoso ka? Parang noong isang araw lang ay halos hilain mo na ako papunta kay Ms. Sam. Tapos ngayon ay kaya mo na?” 

“Hindi naman sa gano’n. Kasi, baka busy ka. May pupuntahan ka ba?” 

“Girlfriend mo si Ms. Sam, ‘no?” 

Natigilan si Rebecca sa tanong ni Jane. Umawang lang ang bibig niya pero hindi siya makapagsalita. Paano niya gagawin iyon? Hindi niya rin kayang itanggi sa kaibigan iyon dahil hindi siya talaga magaling magsinungaling. Iniikom niya ang bibig at nag-iwas ng tingin. 

“A-Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo, Jane?” 

Ngumiti nang nakakaloko si Jane. “Girlfriend mo, ‘no? Lesbian ka?” 

“Jane!” 

“Girlfriend mo si—” 

Mabilis na tinakpan ni Rebecca ang bibig ng kaibigan at sunod-sunod na tumango. Tumingin muna siya sa paligid bago muling nagsalita. “Oo na! H’wag ka maingay.” 

Pilit na tinanggal ni Jane ang kamay ni Rebecca. “OMG! Totoo nga! Gosh! May girlfriend na si—” 

“Jane!” 

Mabilis na pinigilan ni Jane ang sarili at ni-zipper-an ang bibig. “Sorry! Hindi na!” pigil ang mga ngiti na sabi nito. Iniikom pa nito ang bibig habang ang labi ang nakapaloob sa kaniyang bibig. Sabay turo sa sarili na para bang sinasabi na wala siyang sasabihan. 

“Ayusin mo lang!” Tinuro ni Rebecca si Jane. 

Nagtaas ng mga kamay si Jane na para bang sumusuko. “Yes, Ma’am!” 

Napailing na lang si Rebecca at naglakad na ulit. Wala sana siyang balak sabihin kahit na kanino ang tungkol sa kanila ni Sam ngunit sadyang magaling manghuli itong si Jane. May tiwala naman siya sa kaibigan. Sana lang ay hindi ito makarating sa kaniyang mga magulang.


Chapter 17

“What is this?” nagtatakang tanong ni Sam. Kanina pa sila magkakaharap sa lamesa ngunit walang nagsasalita. Si Rebecca ay hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Habang si Jane naman ay may malisyosong ngiti sa mukha. 

Tumikhim si Rebecca. “M-Ma'am. Ito na po ang list na hinihingi mo.” Dahan-dahan niyang inilapag ang papel sa lamesa ni Sam. Tiningnan lang ito nang dalaga. 

“Thank you,” ani Sam. “Pero sabi ko ay ikaw lang ang pumunta, ‘di ba?” 

Bahagyang umawang ang bibig ni Rebecca. Napangiwi siya at bahagyang inginuso si Jane. Kaya naman ay tumingin si Sam kay Jane. 

Ngumiti nang malapad si Jane. “Naku, Ms. Sam. Saglit lang naman po ako. Gusto ko lang kayo i-congratulate.” 

Nangunot ang noo ni Sam. “Huh? For what?” 

“Iyon na nga po—” 

“Ahm, Ma’am. Ihatid ko na po kaya ang kaibigan ko sa labas, ‘no? Para makapag-usap na po tayo,” pigil ni Rebecca sa kaibigan. Namimilog ang mga mata ni Jane noong tumingin sa kaniya. Ngunit hindi niya iyong pinansin at tumayo na. 

“Ha? Teka naman! Kakausapin ko pa si Ma’am!” protesta ni Jane. 

“Hindi na!” mariing sabi ni Rebecca. Hinila niya ang kaibigan hanggang sa makalapit sila ng pinto ng clinic. 

“Becca naman! Ma’am! Congrats! Alam ko na po!” 

“Umalis ka na!” 

“Hindi ko po ipagsasabi sa iba, Ma’am!” 

Tuluyang itinulak ni Rebecca ang kaibigan sa labas ng clinic. Mabilis niyang ini-lock ang pinto. Nakahinga lang siya nang maluwag noong hindi na niya narinig ang mga tawa ni Jane mula sa labas na para bang nang-aasar pa. 

“Nakakainis talaga ‘yon! Dapat hindi ko na sinabi e!” bulong ni Rebecca. 

Tumikhim si Sam. “Care to tell me what is going on?” 

Muling bumalik sa kaniyang sarili si Rebecca. Napakamot siya sa ulo at dahan-dahang lumingon kay Sam. Lalo siyang napangiwi nang makita ang nakakunot noong mukha nito. Muli siyang bumalik sa upuan at hinarap si Sam. 

“Ahm, kasi…” 

“Yes?” 

Huminga nang malalim si Rebecca. “Si Jane.” 

“What about her?” 

Napapikit nang mariin si Rebecca at tumungo. “Alam na niya,” mahinang sabi niya. 

Pilit na prinoseso ni Sam ang sinabi ni Rebecca. Sa sobrang hina kasi ng boses nito ay halos hindi na niya narinig ang boses nito. “What?” 

“Alam na ni Jane ang tungkol sa atin,” deretsong sabi ni Rebecca at tiningnan si Sam. 

Umawang ang bibig ni Sam at hindi agad nakapagsalita dahil sa narinig. Umayos siya nang upo at huminga nang malalim. Hinaplos-haplos niya ang baba saka muling tumingin kay Rebecca na nakatungo na ulit. 

“Becca.” 

“Oh? Sorry. Hindi ko naman sinabi talaga. Ayaw ko sana sabihin. Kaso kasi si Jane, napakakulit niyan. Tinanong niya ako tapos kinulit niya ako. Wala na akong nagawa—” 

“Hey!” 

Napatigil si Rebecca sa pagsasalita noong biglang hinawakan ni Sam ang braso niya. Sa sobrang taranta niya pa rin ay hindi niya manlang namalayan na nasa tabi na niya ito. Tumigil siya at nag-iwas ng tingin dito. Nahihiya siya dahil siya pa ang nagsabi na ayaw niyang may makaalam sa relasyon nila. Ngunit heto at siya pa ang dahilan kung bakit may nakaalam sa kanila. 

Sinapo ni Sam ang pisngi ni Rebecca. “You worry too much again,” malambing na sabi niya. “It’s okay.” 

Inirapan ni Rebecca si Sam. “It’s okay? ‘Yan lang masasabi mo? Hindi ka magagalit or what? O nakikinig ka ba sa akin?” 

“Yes, narinig kita.” 

“E bakit okay lang? Alam na nga ni Jane, ‘di ba?” 

“And so what?” 

Nalilitong tiningnan ni Rebecca si Sam. “Alam na ni Jane. Problema ‘yon, Sam! Paano kung may iba na ring makaalam? Worst, paano kung malaman ‘to ng parents ko?” 

“Then, much better! Gusto ko ngang makilala ang parents mo e.” 

Naiikot ni Rebecca ang mga mata. Tumayo siya at nagparoot-parito sa gilid. “You don’t understand, Sam. Malaman nga lang ng parents ko na nakikipag-usap ako sa kagaya mo ay—” Napatigil siya sa pagsasalita. “S-Sorry. Hindi ko sinasadya.” 

Ngumiti si Sam. Tumayo siya at sinapo ang mukha ni Rebecca. “It’s okay. Fine. We will take it slowly, okay? Gaano ka ba nagtitiwala kay Jane?” 

“Ahm, sobra.” 

“Gaano mo na siya katagal na kaibigan?” 

“Matagal na. Elementary pa lang kami.” 

“Nagtitiwala ka ba sa kaniya na hindi ka niya ilalaglag?” 

“Oo naman! Kahit na gano’n si Jane. Alam ko naman na hinding-hindi ako iiwan sa ere no’n. Mahal ko ‘yon as a friend.” 

Ngumiti si Sam. “Then, that’s it! We will trust her.” 

Bumuntonghininga si Rebecca. “Sure ka ba? Hindi ka ba nagagalit?” 

“Bakit naman ako magagalit?” 

“Kasi  sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa atin.” 

“Rebecca Mendoza. I would shout it in the streets if I could.” 

Agad na nag-init ang mga pisngi ni Rebecca. Unti-unti siyang napangiti at napanatag dahil sa sinabi ni Sam. 

“Thank you.” 

“Anything for you, Love.” 

“Love?” 

Kinabig ni Sam si Rebecca at hinalikan sa labi. “Yes, Love. Don’t you like it?” 

Humagikhik si Rebecca at yumakap kay Sam. “Syempre gusto!” ani niya at hinalikan din ito sa labi.

Chapter 18

“Alam niyo, dapat magbakasyon tayo. Punta kaya tayo roon sa club ulit? Teka! Saan ba kayo nagkakilala? Noon ba nung hiningi mo ang number niya sa akin, Ms. Sam? Ahm, pwede bang Sam na lang tawag ko sa ‘yo, Ma’am? Or Ate? Naku! I’m so happy for you, Rebecca! Sa wakas nagkajowa ka na!” sunod-sunod na sabi ni Jane. 

Nasapo na lang ni Rebecca ang kaniyang ulo dahil sa kadaldalan ng kaibigan niya. Kung pwede lang ay lamunin na siya ng upuan ng sasakyan ni Sam ay mas maganda pa. Nahihiya na siya kay Sam dahil sa dami ng sinasabi ni Jane. Mula noong sumakay sila sa kotse nito ay wala na itong tigil sa pagtatanong tungkol sa kanila. 

“Jane, ano ka ba? Reporter ka na ba ngayon?” tanong ni Rebecca. 

Napangiti naman si Sam habang patuloy na nagmamaneho. “It’s okay, Love.” 

“Love? OMG!” kinikilig na sabi ni Jane. “Love ang tawagan niyo?! Ang shala, ha?! Sana all!” 

“Jane, ano ba?!” saway ni Rebecca. 

Inirapan ni Jane si Rebecca at bahagyang dinilaan. “Bakit ba?!” 

“Ang ingay mo kamo? Kapag talaga ‘to makarating kila Mama. Friendship over na tayo!” 

Humawak si Jane sa sandalan ng upuan nila Rebecca at bahagyang ipinasok ang kalahating katawan sa unahan upang makita ang kaibigan. “Ay wow? Talaga ha? Kaya mo ng wala ako? E kulang na lang maghimuran tayo ng pwet!” 

“Yuck! Kadiri ka talagang babae ka!” natatawang sabi ni Rebecca. 

Tumawa na rin si Sam. “Nakakatuwa naman talaga kayong dalawa. Pagpasensyahan mo na ‘yang kaibigan mo, Jane. She’s just worried.” 

Ngumuso si Jane. “Naku, Ms. Sam. Sanay na ako diyan. Paano kasi ang mga magulang niyan ay parang kapantay na ni Lord sa pagiging homophobic masyado.” Tumawa nang malakas si Jane. 

Lalong nangunot ang noo ni Rebecca. Hindi na lang siya sumagot sa kaibigan dahil totoo naman. Siya ang bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. Ang panganay nila, si Kuya Albert niya ay umaming bakla noon. Nagalit ang mga magulang nila kahit hindi naman pinalayas ang kuya niya. Halos araw-araw nga lang nakakarinig ng mga masasamang salita mula sa magulang nila. Kaya natatakot siya ngayon dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang maging masunuring anak sa mga ito. 

“Hope they will like me then.” 

“Sana lang! Naku! Ewan ko na lang!” natatawa pa ring sabi ni Rebecca. 

“Dito mo na lang itigil, L-Love,” ani Rebecca. Natanaw na niya ang bahay nila at ayaw niya sanang itigil iyon sa tapat mismo ng bahay nila. Kapit-bahay lang nila si Jane kaya kasama rin nila ito. 

“Bakit dito? E iyon pa ang bahay natin!” Tinuro ni Jane ang unahan. “Doon na lang, Ms. Sam.” 

Tiningnan ni Rebecca si Jane. “Epal,” bulong niya. 

Dinilaan lang siya ni Jane at muling naupo nang maayos. Inabot ni Sam ang kamay ni Rebecca. 

“It will be okay, Love. H’wag kang matakot.” 

Binawi ni Rebecca ang kamay. “Basta. Saka na nating pag-usapan ‘yan. H’wag muna natin sabihin kila Mommy.” 

Huminga nang malalim si Sam. “Okay,” mahinang sabi niya. 

Napatigin bigla si Rebecca kay Sam. Nakita niyang lumungkot ang mukha nito kaya napatungo na lamang siya. Wala pa siyang lakas ng loob na magsabi sa parents niya. Tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay nila kaya mabilis siyang bumaba ng sasakyan. 

“Thank you, S-Sam,” ani Rebecca bago isara ang pinto ng sasakyan. 

“Oh, Rebecca?” 

Halos mapalundag si Rebecca sa gulat noong may magsalita sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mga mata niya noong makita ang nanay niyang si Maria. “M-Mommy!” Lumapit siya rito at agad na nagmano. 

Nangunot ang noo ni Maria at bahagyang sumilip sa kotse. “Sino ang kasama mo?” 

“Ah, ahm. S-Si Jane po. Jane! Lumabas ka na nga riyan!” tawag ni Rebecca sa kaibigan. 

Agad namang bumaba si Jane sa kotse na nagmamadali rin. “Hi, Tita! Good evening po!” bati ni Jane. Lumapit siya kay Maria at nagmano rin. 

“Sino naghatid sa inyo?” 

Nagkatinginan sina Rebecca at Jane. Nagsenyasan pa sila hanggang sa si Sam na ang kusang bumaba ng kotse at humarap sa kanila. Napalunok si Rebecca at agad na gumilid habang nakahawak nang mahigpit sa braso ni Jane. Nagdadasal siya na sana walang mahalata ang nanay niya sa kanila. 

“Hello po. Ako si Sam.” Inilahad ni Sam ang kamay sa harapan ni Maria ngunit tiningnan lang ito ng ginang. Pinilit pa ring ngumiti ni Sam. “Ahm, school nurse po nila sa university.” 

Umarko ang kilay ni Maria. “School nurse? E bakit hinatid mo ang anak ko at kaibigan niya?” 

“Ahm, si… Jane kasi. Masama ang pakiramdam kanina. I offered them a ride since hindi raw kayang magbyahe ni Jane. Right, Jane?” Tumingin si Sam kay Jane. 

Nagkatinginanan muna ang magkaibigan bago sunod-sunod na tumango. “O-Opo, Mommy! Tingnan mo, oh? Masakit ang tiyan ni Jane.” Hinawakan nang malakas ni Rebecca ang tiyan ni Jane. Agad namang napasigaw sa sakit si Jane dahil halos kurutin na iyon ni Rebecca. 

“Aray! Ano ba—” 

Hinawakan ni Rebecca ang bibig ni Jane at ngumiti sa ina. “‘Di ba, Mommy?” 

“Okay. Hala sige na. Ihatid mo na roon sa kanila si Jane at maghahapunan na tayo,” utos ni Maria sa anak. Tumingin siya kay Sam. “Salamat sa paghatid sa kanila, Ms. Sam.” 

“Wala po iyon. Alis na rin po ako.”

Hindi na sumagot pa si Maria. Naniningkit lang ang mga mata nito habang sinusundan ng tingin si Sam pasakay ng kotse. Nakita pa niya si Rebecca na nilingon si Sam sa sasakyan pero agad itong tumingin nang deretso sa unahan noong makita siyang nakatingin. 

Hinatid ni Rebecca ang kaibigan hanggang sa makapasok sa loob ng bahay nito. Dahil mag-isa lang na nakatira si Rebecca sa bahay ay malaya silang nakapasok sa loob. 

“Umalis na ba siya?” tanong ni Rebecca. Binitawan na niya ang kaibigan at bahagyang sumilip sa bintana. 

“Oo. Hindi mo ba narinig ang kotse niya?” 

Agad na kinuha ni Rebecca ang cellphone at nag-dial doon. Hindi naman nagtagal at sumagot si Sam. 

“Love! Nakaalis ka na?” tanong ni Rebecca. 

“Yes, Love. Nakakatakot pala Mommy,” natatawang sabi ni Sam. 

Huminga nang malalim si Rebecca. “Sorry, ha? Sabi ko naman sa ‘yo. Hindi talaga ideal na magpakilala tayo agad sa kanila.” 

“I understand, Love. H’wag kang mag-alala.” 

“Oh, sige na. Mag-ingat ka sa pagda-drive. Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na, ha?” 

“Okay. I love you.” 

Pinamulahan ng mga pisngi si Rebecca. “I love you too.” Pigil ang mga ngiti na pinatay na niya ang tawag. 

“Love! Sana all!” ani Jane. 

Naupo si Rebecca sa sofa. “Tumahimik ka nga! Marinig ka pa ni Mommy e!” 

“Ewan ko ba kasi diyan kila Tita. Bakit kasi ganiyan sila?” 

“Hayaan mo na. Parents ko pa rin sila, ‘no?” 

“E ano ang gagawin mo kapag malaman na nila ang tungkol sa inyong dalawa ni Ms. Sam? Hindi naman pwedeng habangbuhay niyong itago ‘yan, ‘di ba?” 

Natigilan si Rebecca at biglang napaisip. Nakagat niya ang labi at muling bumuntonghininga. Sa katunayan ay wala pa siyang naiisip na gagawin nila. Ano nga ba ang gagawin niya kung sakaling malaman na ng magulang niya ang tungkol sa kanila ni Sam? Hindi niya alam.


Chapter 19

“May naghatid daw sa ‘yo kanina, Rebecca.” 

Napatigil sa pagsubo si Rebecca noong magsalita ang tatay niyang si Fernando. Tumingin siya sa ina na patuloy lang sa pagkain. Sa kaniyang tabi ay ang dalawa niyang mga kapatid na wala rin sinasabi. Ganoon sila sa tuwing nasa harap ng hapag-kainan. Magsasalita lamang kapag nagtatanong ang padre de familia nila. 

“Ahm, opo, Daddy. Si Ms. Sam po.” 

“Ms. Sam?” 

“School nurse daw nila,” si Maria ang sumagot. “Itong si Jane daw kasi ay sinakitan ng tiyan. Sabihin mo nga, Rebecca. Baka mamaya buntis na ‘yang kaibigan mo? Kawawa naman ang mga magulang niya na nagtatrabaho roon sa America!” 

“Ho?” Namilog ang mga mata ni Rebecca. “H-Hindi buntis si Jane, Mommy! Palagi kaming magkasama no’n kaya alam ko.” 

“Sus! Paano mo nasasabi? E kung sino-sinong lalake ang pumapasok sa bahay nila! Hindi naman kasi nakikinig ‘yang kaibigan mo.” 

“Ma, naman! Si Jane ‘yang pinag-uusapan natin e!” reklamo ni Rebecca. Napanguso na siya dahil nasasaktan siya sa mga sinasabi ng ina patungkol sa kaibigan niya. 

Tumikhim si Fernando. “Watch your language, Rebecca.” 

Lalong nalungkot si Rebecca. “S-Sorry po.” 

“Ikaw lang naman ang inaalala namin, Rebecca. Iyang kaibigan mo. Kahit hindi ‘yan maka-graduate ay sigurado na ang buhay niya. Kukuhain na lang ng mga magulang niya ‘yan tapos okay na siya. E ikaw? Hindi pabata ang tatay mo sa pagsusuporta sa ‘yo. Buti sana kung na aasahan itong kuya mong bakla.” 

Napatigil sa pagkain si Albert at kunot-noong tiningnan ang ina. “Bakit na naman napunta sa akin, Mami?” maarteng tanong ni Albert at pairap-irap pa. 

“Bakit nga ba? Kung mas inaatupag mo kasi ang paghahanap ng trabaho kaysa sa pagbabakla mo ay edi sana may katulong tatay mo sa pagpapaaral sa kapatid mo!” 

Binitawan ni Albert ang hawak na kubyertos at hinawakan ang dibdib. “Ay, obligation ko paaralin ang little sis ko?” 

“Aba’t!” 

“Kuya, Mommy! Tama na po!” pigil ni Rebecca sa mga ito. Alam niya kasi na magkakaaway na naman ang mga ito.

Iniikot ni Albert ang mga mata. “Ito kasing si Mami! Lagi naman kitang binibigyan ng allowance, ‘di ba, little sis?” 

“Opo.” 

“Oh, ‘di ba? May pakinabang pa rin ang beauty ko sa family na ‘to, Mami!” 

“Tama na!” 

Lahat sila ay natahimik noong magtaas na ng boses si Fernando. Nagsikuhan pa ang magkapatid na Albert at Rebecca. Habang si Rico, ang ikalawang kapatid ni Rebecca ay tahimik lang na patuloy na kumakain. 

“Bilisan niyo na kumain. Nakakawalang gana kayo makaharap sa hapagkainan.” 

“Ikaw kasi!” bulong ni Rebecca. 

“Ako pa talaga?” bulong din ni Albert. 

Inirapan na lang ni Rebecca ang kapatid at tinapos na ang pagkain. Siya rin ang nagligpit nang pinagkainan nila at naghugas ng mga pinggan. Pagkatapos niya ay pumanik na siya sa kaniyang kwarto at ni-lock ang pinto. 

Pagkatapos niyang maglinis ng kataway ay kinuha niya ang cellphone at naghanap ng text ni Sam. Napangiti siya agad noong makita niyang nagsabi ito na nakauwi na raw ito. 

Rebecca: Kumain ka na?

Sam: Yes. Kakatapos lang. Ikaw? 

Rebecca: Ako rin. Naghugas pa ako ng plato. Sorry. Bawal phone sa table e. 

Sam: Okay lang. Hindi ka ba pinagalitan ng Mommy mo? 

Rebecca: Hindi po. 

Sam: Mabuti naman. 

Sam: I really hope that I could talk with them someday. 

Rebecca: Naku! H’wag na muna natin ‘yan isipin. I-enjoy muna natin kung ano ang mayroon tayo. 

Sam: Yeah, right. Ayaw ko lang nang ganitong set-up. 

Rebecca: What do you mean? 

Sam: What if dito ka na tumira sa bahay ko? 

Nabitawan ni Rebecca ang cellphone dahil sa tinext ni Sam. ‘Ako? Titira sa bahay niya?’ hindi makapaniwalang tanong ni Rebecca sa isipan. Bigla siyang na excite dahil sa ideyang iyon. Pero agad din siyang nanlumo noong maisip ng pamilya. Muli niyang kinuha ang cellphone. 

Rebecca: Hindi pwede. Nakita mo na si Mommy, ‘di ba? 

Sam: Malayo sa inyo ang university. You could say na mag-board ka. 

Rebecca: Ano ka ba? Graduating na ako. Hinding-hindi rin papayag si Daddy na lumayo ako sa kanila. 

Sam: Bakit naman?

Rebecca: Strict sila. Lalo na si Daddy. 

Sam: Okay, fine. 

Sam: But I miss you already.

Napangiti si Rebecca. 

Rebecca: I miss you too! Mwah! 

Sam: Wish that was real. 

Rebecca: Real ‘yon! 

Sam: Can I call you? Video call?

Napatingin si Rebecca sa pinto ng kwarto niya. Mabilis siyang tumayo at siniguradong naka-lock ang pinto. Saka nagsuot ng earphone at pumwesto sa kaniyang higaan. Nakasuot lang siya ng sando at maiksing cotton short. Wala na rin siya bra kaya bahagyang kita ang kaniyang dibdib. Siya na ang tumawag kay Sam na agad naman nitong sinagot. 

“Hi, Love! How are you?” nakangiting tanong ni Sam. Nakaupo ito sa may terrace. 

“Hi! Nasaan ka?” 

“In terrace. Ang ganda ng langit ngayon.” 

Napatingin si Rebecca sa labas ng bintana. Malinaw nga ang langit ngayon kaya kitang-kita niya ang mga bituin sa langit. “Oo nga, ‘no?” 

Tumingin si Sam sa kaniyang cellphone. Napangiti siya noong makita ang nakangiting mukha ni Rebecca. “Yeah. So beautiful.” 

Tumingin si Rebecca sa cellphone. Nahihiyang napangiti siya noong makitang nakatingin sa kaniya si Sam. “Bolera talaga e!” 

“Why? Totoo naman.” Huminga nang malalim si Sam. “I miss you.” 

“I miss you too, Love. Pero kakakita lang natin kanina. Ikaw talaga!” 

“It’s not enough, you know? Ewan ko ba? Gusto kita palaging nakikita. Nahahawakan. Iyong kahit umupo ka lang sa isang tabi basta natatanaw kita ay okay na ako.” 

“Talaga? Pang ilang babae na ba ako na nasabihan mo niyan?” 

Tumawa si Sam. “Ikaw lang! Hindi ko nga alam kung bakit ako ganito sa ‘yo. You’re different, Rebecca. You know that?” 

Nagkibit ng balikat si Rebecca. “No. Hindi ko alam. But I’m happy sa kung ano ang mayroon tayo ngayon. I’m happy that I am making you happy. Ikaw lang din ang nagpasala sa akin nang ganito.” Tumawa siya. “Ikaw lang din naman talaga ang naging girlfriend ko.” 

“And I promise that I will be the best for you. I just hope you will never let me go again, Rebecca.” 

“Hindi a! Bakit pa kita pakakawalan? Ikaw lang naman kasi hindi mo kayang manindigan.” 

“Sorry. It won’t happen again.” 

Inirapan ni Rebecca. “Dapat lang, ‘no? Ikaw din! Mawawalan ka ng girlfriend na napakaganda!” 

“I will never let you go again, Rebecca. I’ll keep you forever!” 

Napangiti na lang si Rebecca. Sasagot pa sana siya pero nagulat siya noong biglang may kumatok sa kaniyang pinto. Agad niyang napatay ang tawag at ini-silent mode iyon. 

“Rebecca! Bakit naka-lock ito?” 

Dali-daling tumayo si Rebecca at binuksan ang pinto. Bumungad si Maria na nakakunot ang noo. “M-Mommy! Bakit po?” 

“May kausap ka ba?” 

“Ako? Wala po!” 

Sumilip si Maria sa kwarto ni Rebecca. “Sige. Pinuntahan ko ang kaibigan mo. Ayos na raw siya. Samahan mo kaya iyon ngayong gabi?” 

“Ahm, sure ka, Mommy? Payag ka?” 

“Oo! Kawawa naman iyon at may nararamdaman tapos mag-isa lang.” 

“Sige, Mommy! Magsuot lang ako ng jacket!” 

“Sige na.” 

Isinara ni Rebecca ang pinto at napa-yes nang walang boses. Bigla siyang na excite dahil sa kabila siya matutulog. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinext si Sam. 

Rebecca: Kaya mo bang makapunta rito ngayong gabi?


Chapter 20

Mabilis na hinila ni Jane si Rebecca papasok ng bahay nila. Impot na tumili silang dalawa sa sobrang pagkagalak dahil magkasama silang dalawa. 

“Mabuti pinayagan ka ni Tita matulog dito?” 

Naupo silang dalawa sa sofa. Bitbit ni Rebecca ang paborito niyang unan kahit na may sarili na siyang unan sa bahay ni Jane. Niyakap niya iyon at nakangiting tiningnan si Jane. 

“Alam mo naman si Mommy. Mabunganga lang iyon pero love ka no'n.”

Ngumuso si Jane. “Ang rough nga magmahal ng mommy mo e. Anyway, buti naniwala talaga siya na masakit tiyan ko, ‘no? Talino ni Ms. Sam sa part na ‘yon.” 

Ngumiti si Rebecca. “Speaking of Sam. Pupunta siya rito ngayong gabi.” 

Tinitigan ni Jane si Rebecca. Hanggang sa unti-unti siyang napanganga at lumapit dito saka pingpapalo ang braso ng kaibigan. Tumatawa naman ito habang sinasalag ang kamay niya. 

“Ang harot! Ikaw, ha?! Akala ko ba ako ang malandi sa atin?!” 

Tumawa si Rebecca. “Sorry! Minsan lang kaming magkita ni Sam. Pagbigyan mo na ako.” 

Umirap si Jane. “No.” 

“Ha? Ano’ng ‘no’?”

“No! Hindi ako papayag na pupunta siya rito!” 

“Jane naman! Akala ko ba friends tayo?” 

“Ayaw ko! Ano? Ikaw lang may ka-partner?” 

“E papunta na siya. Tatanggihan mo pa ba?” 

Napanganga si Jane. “Aba! Ikaw, ha? Saan mo natutunan mga ‘yan? Sabihin mo nga! Kailan pa kayo nagkikita ni Ms. Sam?” 

Agad na nag-iwas ng tingin si Rebecca. “Ahm. Kailangan mo pa bang malaman ‘yon?” 

“Malamang! Gusto mo isumbong kita kay Tita?” 

Mabilis na kinapitan ni Rebecca ang braso ni Jane. “Ito naman! Joke lang e.” 

“Ano? Magsasabi ka na?” 

Huminga nang malalim si Rebecca at tumango. Ikinuwento niya ang unang pagtatagpo nila ni Sam hanggang sa kung paanong naging sila ng dalaga. Kinakabahan pa siya dahil wala talagang alam si Jane tungkol sa kung paanong naging silang dalawa ni Sam. Tiwala naman siya sa kaibigan. Hindi lang talaga siya sanay na mapagkwentuhan ang tungkol sa relasyon niya. Lalo na’t hindi naman sila kagaya ng mga magulang niya. 

“OMG! Don’t tell me… kaya ka nagtatanong sa akin noon ay dahil… Gosh!” 

Tumili si Jane. Tumayo pa ito at para bang talagang gulat na gulat sa narinig. Mabilis naman itong hinila ni Rebecca at muling pinaupo. 

“Ano ka ba?! Mamaya marinig tayo nila Mommy e!” 

Naupo si Jane habang malapad ang mga ngiti. “Bakit hindi mo sa akin ‘to sinabi, ha?! Oh my gosh! Ilang araw akong nabigo noong dinala kita sa club tapos ang akala ko ay wala ka manlang nakausap na kahit sino. Iyon pala ay mas matindi pa! Kaya pala umalis ka agad, ha?!” Tumawa nang malakas si Jane. “I’m so proud of you!” Niyakap niya nang mahigpit si Rebecca. 

Napangiwi naman si Rebecca dahil hindi niya malaman kung nagagalit ba ang kaibigan o naiinis. Ngunit base sa pagtawa nito ay mukhang mas natuwa pa ito noong malaman na may nakatalik na siya. 

“Teka! Hindi ka nahihiya sa akin? I mean… ‘di na ako virgin.” 

Tumawa lalo si Jane. “Bakit? Bukod sa ‘yo, wala na akong kilalang virgin ngayon, ‘no? At bakit ba iniisip mo ‘yan? Hindi nakakahiya ‘yon!” 

Napanguso si Rebecca. “E alam mo na? Kapag malaman ‘to nila Mommy. Siguradong magagalit sila.” 

“Wow, ha? Pinapunta mo na nga rito si Ms. Sam tapos nag-aalala ka pa kung ano ang magiging reaksyon nila kapag malaman ‘yan? At isa pa, hindi ka naman mabubuntis, ‘no? Ano ang kinakatakot mo?” 

Napaisip si Rebecca. Kumamot na lamang siya sa ulo at hindi na sumagot dito. Dahil kung iisipin ay tama naman ito nang sinasabi. Isa pa, nasa tamang edad na siya. Hindi na siya menor de edad. Nasa ganoon siyang pag-iisip noong biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya iyong kinuha at sinagot ang tawag. 

“Love! Nasaan ka na?” pabulong na tanong ni Rebecca. 

“In front of your house.” 

“Ha? Ano’ng ginagawa mo riyan? Makita ka pa nila Mommy e! Dito ka sa kabilang bahay!” nagmamadaling sabi ni Rebecca. Sinenyasan pa niya si Jane na nandiyan na si Sam. Mabilis namang kumilos si Jane at binuksan ang pinto. Maaga pa pero madilim na ang paligid. Ganitong oras ay sigurado silang nanonood na ng paboritong palabas ang mga magulang niya. 

“Okay.” 

“Pupunta na si Jane sa may gate. Be qiuet, please!” 

Pinatay na ni Rebecca ang tawag. Lumabas na si Jane at ilang sandali pa ay pumasok din ito kaagad kasama na si Sam. Agad na lumapit si Rebecca kay Sam at niyakap ito. 

“Thank you for coming, Love!” masayang sabi ni Rebecca. 

“Anything for you! I miss you!” 

Iniikot ni Jane ang mga mata. “Ehem! May kasama po kayo, ‘no?” 

Naghiwalay na silang dalawa at natatawang tiningnan si Jane. “Thank you, Jane. You’re the best!” ani Rebecca. 

“Edi wow! Ms. Sam. May dala ka pong drinks manlang? Hindi kasi ako makapag-stock dito dahil palaging chine-check ni Tita,” tanong ni Jane kay Sam. 

“Actually, here.” 

Inilapag ni Sam ang dala-dalang plastic bag sa lamesa. Excited na nilapitan ito ni Jane at kinuha iyon. 

“Lagay ko muna sa ref!” 

“Order na lang tayo ng pagkain. Pwede pa ba?” ani Sam. 

“Akala ko kumain ka na?” tanong ni Rebecca. 

“Yes. Pero drinks lang talaga nabili ko.” 

“Ah! No problem! Ako na ang bahala diyan!” ani Jane mula sa kusina. 

Inakay na ni Rebecca paupo sa Sam saka muling yumakap dito. “Sobrang saya ko at nandito ka, Love.” 

Hinaplos ni Sam ang ulo ni Rebecca. “Me too. Kung pwede lang gabi-gabi ay ganito tayo. Ayaw kong mapalayo ka sa akin.” 

“Hmm. Hindi pa nga pwede.” 

“Fine.” Tumungo si Sam at hinaplos ang pisngi ni Rebecca. “I miss you.” Inabot niya ang labi nito at hinalikan nang mabilis. 

Napangiti naman si Rebecca. “One more.” Sumunod naman agad si Sam at hinalikan siya. 

Nasa ganoong posisyon ang dalawa noong muling bumalik sa sala si Jane. Nakapamaywang na siya at sinamaan ng tingin ang dalawa. “Ay wow? Really? Sa harap ko pa talaga kayo naghaharutan?” 

Sumandal si Rebecca sa dibdib ni Sam. “Inggit ka?” 

Tumawa si Sam. “Sorry.” 

“Wow? Ikaw talaga Rebecca Mendoza!” Pinagkrus ni Jane ang mga braso. “Akala niyo kayo lang ang may partner?” 

Kumalas si Rebecca kay Sam. “What do you mean?” 

Ngumiti nang malapad si Jane. “Syempre, ako rin.” Kumindat siya at sakto namang tumunog ang cellphone niya. 

Nagkatinginan na lamang sila Rebecca at natawa dahil hindi talaga papadaig si Jane. Dumating si Mark na matagal nang ka-FUBU ni Jane. Napuno ang kanilang gabi na nag-iinuman habang nanonood ng movie. Noong kalaliman na ng gabi ay nagkaniya-kaniya na silang pasok ng kwarto at nagpaligaya sa isa’t isa. 

Umaga noong biglang magising si Rebecca dahil sa mahihinang tili at palo sa kaniyang braso. Napaungol siya at pilit na iminulat ang mga mata upang pagalitan ang nang gigising sa kaniya. Gano’n na lamang ang panlalaki ng mga mata niya noong makita kung sino ang nakapamaywang sa kaniyang tabi. 

“Rebecca! Ano ‘to?!” 

“K-Kuya?!”


Chapters 21 to 25







Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !