Chapter 6
Habol ang hininga na naglayo ang mga labi nina Sam at Rebecca. Napatitig si Sam kay Rebecca na may kaunting pagtataka dahil nagulat siya nang kaunti sa ginawa nito.
“B-Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” tanong ni Rebecca. Napapalunok pa ito at bahagyang nadismaya dahil sa ekspresyon ni Sam. Bigla tuloy siyang nahiya dahil sa inasal niya. Tutungo na nasa niya ngunit biglang inabot ni Sam ang kaniyang labi kaya nagulat siya.
Sandaling lumayo si Sam. “I love it.”
Hinawakan ni Sam ang batok ni Rebecca at hinalikan pa ito nang mas mariin. Hindi agad nakagalaw si Rebecca dahil nagugulat pa siya. Ngunit ilang sandali pa ay napansin na lamang niyang tumutugon na siya sa mga halik nito.
Unti-unting inihiga ni Sam si Rebecca habang patuloy itong hinahalikan. Lalo siyang ginanahan noong hawakan niya ang dibdib ni Rebecca at umungol ito nang kaunti.
Pilit na sinabayan ni Rebecca ang galaw ni Sam. Noong maramdaman niya ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig ay agad niya iyong sinalubong. Dahil hindi niya malaman kung saan siya kakapit ay naipatong niya ang mga kamay sa dibdib nito. Natigilan siya noong tumigil si Sam sa paggalaw.
“B-Bakit?” nag-aalalang tanong ni Rebecca.
Ngumiti si Sam. “Nothing.” Muli niyang siniil ng halik ang dalaga.
Kasabay ng paghimas nito sa kaniyang dibdib ay ganoon din ang ginawa ni Rebecca kay Sam. Bumaba rin ang mga halik nito sa kaniyang leeg na lalong ikinainit ng kaniyang katawan. Bumigat ang paghinga ni Rebecca at hindi na napigilan pa ang sarili. Itinulak niya si Sam pahiga sa kama at siya ang pumatong dito.
Napangiti nang malapad si Sam. “Okay…”
Habang hindi inaalis ni Rebecca ang mga mata kay Sam ay inisa-isang alis niya ang butones ng blusa nito. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. Wala siyang ideya. Para bang biglang nagkaroon ng sariling isip ang kaniyang katawan at kumilos iyon ng kusa. Napasinghap pa si Rebecca noong makita na ang dibdib ni Sam. Napakaperpekto nitong tingnan hindi kagaya sa kaniya. Sakto lamang ang laki niyon at kulay rosas ang nipol. Napalunok siya at muling tumingin sa mga mata ni Sam.
“Touch it,” utos ni Sam.
Inangat ni Rebecca ang kamay at ipinatong sa kaliwang dibdib ni Sam. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya noong dumampi na iyon sa kaniyang balat. Marahan niya iyong minasahe habang dinadama iyon. Napakalambot. Iyon ang naisip ni Rebecca. Ngunit ang nipol nito ay matigas na at tayong-tayo.
“Taste it.”
Tumango si Rebecca. Ipinatong niya ang isang kamay sa higaan at dahan-dahang ibinaba ang ulo at saka isinubo ang kabilang dibdib ni Sam. Lalong nag-init ang kaniyang katawan na para bang sinisilaban na siya. Wala iyong lasa ngunit para siyang sanggol na gutom na gutom sa pagsipsip sa dibdib nito.
Hinawakan ni Sam ang likod ng ulo ni Rebecca at iginiya ito. Kinagat niya ang labi at pinagmasdan ang ginagawa ng dalaga. Halata sa kilos nito na wala pa itong alam sa pakikipagtalik. Ngunit dahil din doon ay hindi maiwasang ma-excite ni Sam. Napapikit siya at bahagyang lumiyad noong kinagat nang marahan ni Rebecca ang kaniyang nipol. Nagpatuloy ito sa ginagawa. Palipat-lipat sa kaniyang dibdib ang bibig nito na patuloy nitong minamasahe.
“Hmm…”
Tumingin si Rebecca kay Sam. Napangiti siya nang kaunti dahil kita niya na nasisiyahan ang dalaga sa kaniyang ginagawa. Kaya naman ay binitawan niya ang isang dibdib nito at tinanggal ang pagkakabutones ng pantalon nito saka ipinasok ang kamay sa loob niyon. Kagaya ng dibdib nito ay malambot din iyon at wala manlang siyang mahawakang buhok.
Humigpit ang hawak ni Sam sa buhok ni Rebecca noong hinawakan na nito ang kaniyang pagkababae. Nilaro-laro nito ang kaniyang hiwa kaya napaungol siyang muli. Nagpatuloy din sa pagsipsip si Rebecca sa kaniyang dibdib at paglalaro ng kaniyang nipol gamit ang dila.
“Damn! Becca!”
Napangiti si Rebecca. Sandali siyang tumigil at pumantay kay Sam kahit na hindi pa rin inaalis ang kamay sa pagkababae nito. “Do you like it?”
“Y-You’re good!”
Hinalikan ni Rebecca ang labi ni Sam. Mariin. Mapusok na para bang may hinahanap. Nagugulat na rin si Sam dahil hindi ganito si Rebecca noong unang tagpo nila. Kung kumilos ito ngayon ay para bang alam na alam na nito ang ginagawa.
Naupo si Rebecca at tuluyan nang hinubad ang suot na pantalon ni Sam. Ibinuka niya ang mga hita nito at pinagmasdan ang pagkababae nito. Muli siyang napalunok. Sa totoo lang ay ngayon lamang siya nakakita niyon dahil kahit ang sariling ari ay hindi niya tinitingnan. Pakiramdam niya ulit ay muling may nabuhay na kung ano sa kaniyang loob. Nanginginig pa ang kamay na muling hinaplos iyong at dahan-dahan na ipinasok ang isang daliri sa butas nito. Dahan-dahan. Labas-masok. Noong una ay kalahati lamang ng kaniyang daliri na para bang sinusuri pa iyon. Basang-basa na ang ari ni Sam kaya naging mas madali niyang ipasok ang kaniyang daliri. Hanggang sa unti-unti na niyang ipinasok nang buo ang kaniyang daliri.
Hindi inalis ni Rebecca ang mga tingin sa mga mata ni Sam. Kitang-kita niya ang sarap sa ekspresyon nito kaya mas binilisan niya ang paggalaw. Labas. Pasok. Labas. Pasok. Hanggang sa mas lalong namamasa ang ari nito at napapanganga na si Sam.
“A-Add more!”
“Ha?”
Sandaling tumigil si Rebecca at sinunod si Sam. Dinagdagan niya ng isang daliri ang gamit sa pagpapaligaya rito. Mas lalong ibinuka ng dalaga ang mga hita kaya mas binilisan niya ang paggalaw. Muli ay nakita niya kung paanong nasiyahan si Sam sa kaniyang ginagawa. Ramdam niya rin na namamasa na ang kaniyang pagkababae pero mas importante sa kaniya ngayon na paligayahin si Sam.
Labas.
Pasok.
Sagad.
Ikot.
Halos mabaliw si Sam sa ginagawa ni Rebecca. Ilang babae na ang kaniyang natikman ngunit ngayon lamang siya napapasigaw sa sarap. Ramdam na ramdam niya sa kaniyang loob ang mga daliri nito. Unti-unti na niyang naramdaman ang pamumuo sa kaniyang puson. Kaya sinabyan na niya ang pagkilos ng kamay ni Rebecca at iginalaw rin ang balakang.
“G-Gosh!”
Hindi na kinaya pa ni Sam. Naupo siya at pinahiga si Rebecca. Nagmamadali niyang hinubad ang pantalon nito at pang-ibaba. Nagulat pa siya noong makitang basa na rin iyon kaya napangiti siya. Ngunit mas lalo siyang ginanahan noong makitang isinusubo rin ni Rebecca ang daliri nitong ginamit sa kaniya.
“You…”
Hinila na ni Sam si Rebecca at pumwesto sa gitna nito. Sabay silang napaungol noong magdikit ang kanilang mga ari. Hinawakan niya ang hita ni Rebecca habang patuloy sa paggalaw ng balakang. Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Sam na lalabasan na siya. Kaya naman ay mas binilisan niya pa ang pagkilos. Hanggang sa magkasabay na nilang naabot ang rurok ng kaligayahan.
Hingal na hingal na humiga si Sam sa tabi ni Rebecca. Dumapa siya at tiningnan ito. “You surpised me.”
Huminga nang malalim si Rebecca. “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?”
Hinalikan ni Sam sa noo si Rebecca at nginitian ito. “I love it.”
Chapter 7
Matapos ang ikalawang pangyayari sa kanilang dalawa ay nasundan pa iyon ng ilang beses. Hindi na maiwasan pa ni Rebecca ang dalaga dahil para bang hinahanap-hanap ito ng kaniyang katawan. Para itong droga na nagpahumaling sa kaniya nang maigi.
“Hoy, Becca? Tulala ka na naman!” bati ni Jane sa kaibigan.
Tumikhim si Rebecca at umayos ng upo. “Nabili mo ba?”
“Ayan.” Ipinatong ni Jane ang ice coffee na pinabili ni Rebecca. Naupo siya sa tabi nito. “Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit parang napapadalas ang pagkakape mo, ah?”
Hindi agad nakasagot si Rebecca. Hindi naman talaga siya mahilig sa kape. Mas gusto niya ang milktea. Ngunt magmula nga noong makasama na niya si Sam ay palagi na siyang napapakape. Ilang beses niyang pinigilan ang sarili ngunit hindi naman niya mapigilan ang sarili.
“Wala,” matipid na sagot niya.
“Ah, nag-text na ba sa ‘yo si Ms. Sam?”
Natigilan si Rebecca at biglang binundol ng kaba. “Ha? Sino?” Kunyari ay hindi niya ito kilala.
“Si Ms. Sam. Iyong nurse natin sa clinic?”
“Ahm… bakit naman siya magti-text sa akin?”
Ngumiti nang malapad si Jane. “Ibinigay ko kasi ang number mo sa kaniya. Type ka raw niya! Yiee!” kinikilig na sabi nito.
Namilog ang mga mata ni Rebecca. Sinasabi na nga ba niya! Ngunit imbes na pagsabihan ito ay nag-iwas siya ng tingin at ininom na ang kape. Walang ibang nakakaalam ng ugnayan nila ni Sam ngayon. At wala siyang balak ipaalam iyon sa iba.
“W-Wala naman. Tsaka anong type? Parehas kami babae, ‘no?”
Inirapan ni Jane si Rebecca. “E ano naman? Ang ganda kaya ni Ma’am. Ang sexy pa!” Pumalatak ito. “Sayang nga e. Ikaw ang type. Ready pa naman ako sana sa kaniya.”
“Ano?!” Bahagyang tumaas ang boses ni Rebecca. Napakislot si Jane at gulat na tumingin sa kaniya. “Type mo siya?!”
Napangiwi si Jane. “Ha? Oo naman! Lesbian ‘yon si Ma’am. Kaya nga ako pumunta sa clinic para—”
“Stop! Nurse ‘yon sa school natin, Jane. H’wag na siya ang patulan mo, okay?!”
“Ang oa mo! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ikaw ang type niya. Kaya kahit na maghubad ako sa harapan no’n ay hindi pa rin ako ang papansinin!”
Muling kumalma si Rebecca. Bigla kasi siyang nakaramdam nang inis dahil sa sinabi ni Jane. May balak pa ata itong agawa siya kay Sam. Natigilan ulit si Rebecca. Bakit ba niya iniisip na may aagad sa kaniya kay Sam? E wala naman silang relasyon? Bigla siyang nanlumo.
“Jane… paano mo nagagawa iyon?”
“Ang alin?”
“Sex? Hindi mo ba gusto ang mga nakaka-sex mo?”
“Ha? Gusto naman. But it’s just a sex.”
“Just a sex? Ano ‘yon? Pagkatapos niyong magtikiman ay tapos na? Wala na kayong pakealam sa isa’t isa?”
“Oo naman. Ano ka ba? Minsan kasi ay lumabas ka rin sa mundo, ha? Balik tayo sa club, bet mo?”
Naningkit ang mga mata ni Rebecca. “No!”
“Dami mong tanong e!”
Humigna nang malalim si Rebecca. “E kasi, ang sex ay sagrado at para lang sa mga mag-asawa. Okay. Kung mayroon na babae sa babae. Lalake sa lalake. Pero hindi ba dapat gagawin mo ang sex sa iisang tao lang? Sa taong mahal mo lang?”
Biglang natawa si Jane. “Friend! Gumising ka na! Ang sex ngayon ay parang libangan na lang. As long as safe ka at malinis. Wala kang problema!”
Kinilabutan si Rebecca sa mga sinabi ni Jane. Hindi niya makita ang sarili na gagawin niya iyon. Mapababae man o lalake ay mas gugustuhin niyang sa isang tao lang siyang makikipag-sex.
“Ang hirap naman niyang sinasabi mo. Hindi ka ba natatakot?”
“Sus! Kaysa naman sa isang tao ko lang ibibigay ang sarili ko tapos sasaktan lang ako. Maige na iyong na i-enjoy ko ang lahat, ‘no? Try mo kaya!”
Inirapan ni Rebecca ang kaibigan kaya lalo itong napanguso.
“Alam mo ikaw? Hindi na kita maintindihan. Lately ang dami mong tanong about sa sex. Sa same sex. Pero kumokontra ka naman. Umamin ka nga sa akin… crush mo na ako, ‘no?”
Halos maibuga ni Rebecca ang iniinom niyang kape. Sakto kasi na sumisipsip siya sa straw noong sinabi nito iyon. Napaubo-ubo siya at suminga pa dahil pakiramdam niya ay pumasok sa ilong niya ang tubig. Tumawa naman nang malakas si Jane na para bang tuwang-tuwa.
“Epal ka talaga!”
“Ang seryoso mo kayo!”
“Ewan sa ‘yo! Halika na nga at mahuhuli na tayo sa klase natin!”
“Oo na. Pero daan muna tayo ulit sa clinic.”
Muling kinabahan si Rebecca. “S-Sa clinic? Bakit na naman? May masakit ba sa ‘yo?”
Umiling si Jane. “Wala. Baka kasi gusto mong makita si Miss Sam. Kunyari ka pa.”
“Jane!”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Pero sa loob-loob niya ay hindi niya maiwasang kiligin. Sa totoo lang ay hindi na siya makapaghintay. Magkikita kasi sila ulit mamayang gabi ni Sam.
Chapter 8
“Oh, god!” malakas na pag-ungol ni Rebecca noong biglang sipsipin ni Sam ang nakausling laman sa kaniyang pagkababae. Humigpit ang kapit niya sa kobre kama at mas itinaas balakang. Pakiramdam niya ay pati kaluluwa niya ay nahihila na nito dahil sa sobrang sarap na kaniyang nararamdaman.
Muling dinilaan ni Sam ang pagkababae nito at lumuhod. Saka niya bahagyang pinalo ang pang-upo nito. Napangiti siya noong umungol si Rebecca. Bumaba siya sa kama at may kinuhang gamit mula sa kaniyang cabinet.
Hindi naman kumilos si Rebecca mula sa pagkakadapa. Habol ang paghinga niya at bahagya pang nanginginig ang mga tuhod dahil sa ginagawa sa kaniya ni Sam. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang muling umakyat ang dalaga sa kama. Kumapit ito sa kaniyang tiyan at marahang hinila ang kalahati ng kaniyang katawan. Nakaluhod na siya ngayon patalikod dito.
“Are you ready?”
Nangunot ang noo ni Rebecca. Bahagya niyang inilingon ang ulo rito. “B-Bakit?”
Ngumiti si Sam at hinalikan sa labi ang dalaga. Sinapo niya ang isang dibdib nito at marahang hinimas. Umungol ito sa kaniyang bibig ngunit tinugon pa rin siya. Sa ilang beses na may nangyari sa kanilang dalawa ay hindi maitatanggi ni Sam na natutuwa na siya kay Rebecca. May mga pagkakataon na naiilang pa rin ito sa kaniya. Ngunit mas madalas na na ito pa ang nangunguna pa ito sa kanilang ginagawa.
Kumapit si Rebecca patalikod sa balikat ng dalaga. Ang isang kamay niya ay inikot niya papunta sa may baywang nito upang mas dumikit pa ito sa kaniyang katawan. Ilang sandali pa ay may narinig siyang kung anong umuugong. Napasigaw na lamang siya at muntik pang muling mapahiga noong maamdaman niyang may kung anong aparatong gumagalaw sa kaniyang pagkababae. Nanginig ang agad ang kaniyang mga hita. Pagtingin niya sa ibaba niya ay may maliit na bagay na idinidikit si Sam sa kaniyang ari.
“S-Sam! Oh, gosh!”
Sumandal siya sa balikat ni Sam at napatirik ang mga mata. Mas bumilis din ang pagmasahe nito sa kaniyang dibdib at panaka-naka pang hinihila ang kaniyang nipol na mas lalong nagpapainit sa kaniya. Nag-umpisa na rin itong halikan ang kaniyang leeg. Dinidilaan pa nito iyon at bahagyang sinisipsip. Halos mawala na sa sarili si Rebecca lalo na noong mas ipinasok pa ni Sam ang vibrator sa kaniyang bukana.
“S-Sam!”
“Yes? Do you love it?”
“Ahmm! I-I… I…” Napahiyaw na lang muli si Rebecca noong maramdaman na niyang nilabasan na siya. Tumirik ang kaniyang mga mata sa sarap at lalong nanginig ang mga hita. Hinihingal na bumagsak siya sa higaan at pilit na pinakalma ang kaniyang sarili.
Noong makabawi na ng lakas ang dalaga ay sinamahan ni Sam si Rebecca sa banyo niya upang linisan ito. Magkasama silang lumublob sa bathtub. Si Sam ay nasa likuran ni Rebecca. Nakasandal ito sa kaniyang dibdib habang patuloy niyang sinasabon ang katawan nito.
“Grabe… Pakiramdam ko naubos ang lakas ko dahil sa ginawa mo,” ani Rebecca.
Napangiti si Sam. “You’re satisfied?”
“Sobra!” Nag-angat ng ulo si Rebecca at hinalikan sa labi si Sam. “Thank you.”
“You’re welcome.”
Muling sumandig si Rebecca kay Sam. “Ahm… Sam. Pwede akong magtanong?”
“Sure. Nagtatanong ka na.”
Ngumiti si Rebecca. “N-Nagi-enjoy ka ba sa ginagawa natin?”
Natigilan si Sam. “Oo naman.”
“Okay ba sa ‘yo ang mga ginagawa ko?”
“Becca… you’re good. Very good, and I am satisfied.”
Huminga nang malalim si Rebecca. Kinagat niya ang labi at napaisip. Hindi niya alam kung paano itatanong kay Sam ang gusto niyang itanong. Natakot siya bigla sa isasagot nito.
“Sam… ano ba tayo?”
Biglang natawa si Sam. “Bakit mo naman natanong iyan?”
Nagkibit ng balikat si Rebecca. “Wala. Napaisip lang ako. Mag-iisang buwan nang may nangyayari sa atin. Hindi ba ako pwedeng magtanong?”
“Don’t get me wrong, Rebecca. Nai-enjoy ko kung ano ang mayroon sa atin. I love how you satisfy me in bed. I like you. Pero hanggang doon lang iyon. It’s just a sex.”
Naramdaman ni Rebecca ang biglang pagkirot sa kaniyang dibdib. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Sam. Hindi iyon ang gusto niyang marinig dito. Doon ay bigla niyang na alala ang sinabi ni Jane sa kaniya. Nangilid ang mga luha ni Rebecca at bahagyang tumungo.
“Wait. H’wag mong sabihin na napo-fall ka na sa akin?” tanong pa ni Sam.
Mabilis na pinunasan si Rebecca ang mga mata. Tumayo na siya at hindi manlang tiningnan si Sam. Napakatanga niya! Ni hindi manlang niya naisip na iyon lang ang habol nito sa kaniya. Una pa lang ay nakita na niya dapat. Bakit ba umulit pa siya?!
Chapter 9
“Rebecca, wait!”
Napatigil sa paghakbang si Rebecca noong marinig ang tawag ni Sam. Mahigpit na hinawakan niya ang strap ng bag niya habang pinipigilan ang sarili na h’wag umiyak. Para bang doon siya kumukuha ng lakas para kumalma. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang hinarap si Sam. Nakabihis na rin ito kagaya niya at puno nang kalituhan ang isipan.
“Ano?”
“Ano ba ‘to? Akala ko ba nagkakaintindihan tayo?”
Bahagyang nakunot ang mukha ni Rebecca at nalilito ring tiningnan niya ito. “Ikaw. Akala ko ba nagkakaintindihan tayo?”
Napabuga ng hangin si Sam. “Why are you acting like this? Ang saya natin kanina. Tapos ngayon nagkakaganito ka? Ano ba ang problema mo?”
Umawang ang bibig ni Rebecca. Hindi makapaniwalang tumango-tango siya habang tumutulo na ang mga luha. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at galit na tiningnan si Sam.
“Iyon nga e. Akala ko masaya lang tayo. Akala ko okay tayo. Sabihin mo nga, Sam. Bakit mo ako nilapitan sa club? Bakit mo kinuha ang cellphone number ko kay Jane? Ano ang dahilan mo bakit ka lumapit sa akin?”
Nag-iwas ng tingin si Sam. Huminga siya ng hangin at kinamot ang noo gamit ang isang daliri saka namaywang. “Saan ba nanggagaling ang mga tanong na ‘to?”
“Sagutin mo na lang ako!”
“Fine! Okay!” inis na rin na sabi ni Sam. Ang ayaw niya sa lahat ay tinatanong siya na para bang obligasyon niya ito. “I saw you. Nagandahan ako sa ‘yo. Iyon lang. Ano pa ba dapat?”
“Iyon lang?”
“Ano pa ba ang gusto mong marinig? Hindi mo ba na i-enjoy ang ginagawa natin?”
“Hindi ‘yan ang tanong ko!”
Naiikot ni Sam ang mga mata. “Bakit? Sa tingin mo ba in love ako sa ‘yo kaya kita nilapitan? Kaya ako nakikipag-sex sa ‘yo, Rebecca? Walang gano’n!”
Napanganga si Rebecca. Lumapit siya kay Sam at sinampal ito sa pisngi. “Ang sama mo! Ang insensitive mo!”
Nasapo ni Sam ang pingi na sinampal ni Rebecca. Bahagya iyong humapdi at ramdam niya ang init ng paglapat ng palad ng dalaga. Salubong ang mga kilay na tiningnan niya si Rebecca.
“Pwede ba, Rebecca? Gumising ka naman sa mundo mo. Hindi lahat ng taong lalapit sa ‘yo ay gugustuhin kang makasama habang buhay. Hindi lahat ng gustong ikama ka ay mahal ka na! There’s no such thing as love and loyalty now! Lahat ay iiwan ka rin, Rebecca. So, wake up! Hindi ka na bata para maniwala pa sa fairy tale!”
“I hate you! Ang sama-sama mo! Isang pagkakamali na nakilala kita!”
“Fine! Okay! Sabi mo e!”
Tumalikod na si Rebecca dito at nagmamadaling lumabas ng bahay nito. Sobrang sakit na narinig niya iyon mula kay Sam. Oo, hindi pa man sila nagkakakilala nang matagal. Ngunit iba ang ipinakita sa kaniya nito habang sila ay magkasama. Sobrang buti nito sa kaniya kaya nga nagustuhan na niya rin ito. Kaya rin sobrang sakit para sa kaniya na marinig sa taong pinagkatiwalaan niya at pinagbigyan ng kaniyang sarili na wala pala itong balak na gustuhin siya.
Napabuga naman ng hangin si Sam noong makalabas na si Rebecca. Inis na sinipa niya ang lamesang malapit sa kaniya kaya natumba iyon at nahulog sa sahig ang mga nakapatong sa ibabaw. Naupo siya sa sofa at sinandal ang likod sa upuan saka tumitig sa kisame.
Gano’n naman palagi nagtatapos ang relasyon niya sa mga babae. Sa oras na nakikita niya o nalalaman niyang nagkakagusto na ang mga ito sa kaniya ay iniiwasan na niya ito. Si Tricia nga lang ang nagtagal dahil nga sa hinahayaan pa rin siya nitong mambabae at ayaw bumitaw sa kaniya kahit na ipinagtatabuyan na niya. Ngunit bakit bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib noong makitang umiiyak si Rebecca? Kung hindi niya napigilan ang sarili kanina ay nayakap na niya ito ang inalo.
Muling huminga nang malalim si Sam. Tama. Hindi dapat siya magpaapekto kay Rebecca. Pare-parehas lang naman sila na iiwan lang din siya pagkatagalan. Kaya bakit niya pa ipipilit ang sarili na magkaroon ng relasyon na matatapos din? Ayaw ba nito na simple lang sila. Kung gustong matikman ang isa’t isa ay magagawa nila. Kung ayaw na. Wala na. Hindi ba pwedeng ganoon na lang? Dahil para sa kaniya ay hinding-hindi na mangyayari na magkakaroon siya ng taong magmamahal talaga ng totoo sa kaniya. Kung ang mga nanay nga niya ay nagawa siyang iwang para sa ibang pamilya. Ito pa kaya?
Isang malaking kalokohan na magmamahal pa siya ng babae o lalake pa man. Hinding-hindi siya gagaya sa tatay niyang masyadong nabaliw sa pag-ibig. Hindi niya mararanasan iyon. Walang sino man ang mang-iiwan sa kaniya dahil siya na ang mang-iiwan ngayon.
Chapter 10
Napaungol si Sam noong maramdaman na niya ang paglapat ng bibig ng babaeng katalik sa kaniyang pagkababae. Huminga siya anng malalim at humithit sa sigarilyong nasa kaliwang kamay niya. Tatlong taon na sana siyang tumigil sa paninigarilyo ngunit ngayon ay muli siyang bumalik. Hindi niya mawari kung bakit pakiramdam niya ay ang bigat-bigat nang kaniyang dinadala.
Naramdaman niyang ipinasok na ng babae ang daliri nito sa kaniyang bukana. Ngunit kahit na ano ang kaniyang gawin ay hindi niya maramdaman ito. Nararamdaman naman niya. Ngunit hindi siya nasasarapan. Muli siyang humithit ng sigarilyo at ibinaba na ang mga paa.
“Hey! What’s wrong? Hindi pa tayo tapos,” reklamo ng babae.
“May trabaho pa ako.”
Kinuha ni Sam ang underwear at pantalon na nasa sahig at dinala sa banyo. Doon ay naglinis siya ng katawan saka nagbihis. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hangover ngunit mas gusto niyang pumasok sa trabaho kaysa ang magkulong sa bahay.
“Kailan natin itutuloy?”
Kinuha ni Sam ang bag niya at tiningnan ang dalaga. “Whenever we see each other again.”
Napakagat ng labi ang babae. “Can I kiss you before you leave?”
Ngumisi lang si Sam at tinanguan ito. Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay nito at pumasok sa sasakyan. Nagbabyahe na siya noong biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Habang nakatutok sa daan ang mga mata ay sinagot niya iyon.
“Ate!”
Nangunot ang noo ni Sam noong marinig ang boses ng isang babae. Pagtingin niya roon ay ang kapatid niya palang si Sasha ang tumatawag. Kapatid niya ito sa ina at ang nag-iisa niyang kapatid na matapang na kausapin siya. Ito kasi ang bunso kaya kahit papaano ay napagtitiisan niya ito.
“What?” inis na tanong niya.
“H’wag mo munang papatayin, ate!” ani nito. “Ahm. Pinatawag kasi ako ni—”
“I’m busy.”
“Ate naman. Sige na. Birthday ni Mama next month.”
“I don’t care.”
“Matanda na si Mama, Ate. Ikaw na nga ang palaging hinahanap e.”
“Sasha. I’ll just send you the money, okay? H’wag mo na akong tawagin ulit.”
“Ate hindi—”
Hindi na hinintay pa ni Sam ang sasabihin ng kapatid at pinatay na ang tawag. Kahit na galit siya sa ina ay nagbibigay pa rin siya ng pera dito. Ito ang paraan niya para sabihin sa nanay niya na kaya niya ang sarili at kahit na wala ito sa buhay niya ay nabuhay siya. Ilang buwan na rin na pinipilit siya ni Sasha na bisitahin ang ina dahil na stroke daw ito. Nakaligtas naman ang kaniyang ina ngunit naging mahina na ang katawan nito. Pero kahit na gano’n ay hindi pa rin siya nagpapakita rito.
Hinding-hindi niya ito haharapin. Siguro sa burol nito ay saka lang siya magpapakita. Ganoon kalaki ang galit ni Sam sa ina.
Dumaan si Sam sa paborito niyang coffee shop. Bumili siya ng strawberry, acai mixed drink na palagi niyang ino-order dito. Bumili na rin siya ng slice ng cake at saka muling bumalik sa sasakyan upang dumeretso na sa university.
“Good morning, Ma’am!”
“Good morning, Miss!”
Iyon ang mga bati sa kaniya ng mga estyudanteng kaniyang nasasalubong sa university. Nginingitian niya lang din ang mga ito at binabati. Hindi naman mabigat ang trabaho niya rito sa university kaysa noong nasa ospital pa siya. Dito ay mas hawak niya ang oras. Basta araw-araw lang siyang pumapasok.
“Ms. Salvador!”
Napatigil sa paglalakad si Sam noong may tumawag sa kaniya. Si Grace Mendez. Isang proffesor dito sa university. Hinagod niya ito ng tingin at saka nginitian nang malapad. Dalaga rin si Grace kagaya niya kaya hindi niya mapigilang hangaan ito.
“Yes, Ms. Mendez?” malambing na tanong niya. Lalo siyang napangiti noong makitang inayos nito ang ilang buhok sa likod ng tainga at nahihiyang ngumiti sa kaniya.
“Ahm, tawag ka ng dean. May gusto raw sabihin sa ‘yo.”
“Ako? Bakit?”
“Hindi ko alam e. Napag-utusan lang ako kasi galing din ako roon.”
Tinapik ni Sam ang braso ni Grace. Hindi niya agad inalis ang kamay at marahan pa iyong pinisil. “Thank you so much, Grace. I appreciate it.”
“Naku!” natatawang sabi nito at bahagya pang humampas sa ere. “Wala iyon!”
Binasa ni Sam ang labi gamit ang dila saka tumango. “Minsan daan ka sa clinic. Let’s talk.”
Namilog ang mga mata ni Grace. Ngunit kalaunan ay ngumiti ito na para bang kinikilig. “Oo ba!”
Kinindatan ni Sam si Grace. “Punta na ako roon.”
“Bye, Sam!”
Lihim na nagbunyi si Sam. Sigurado siyang pupuntahan siya nito sa susunod na mga araw. Ganoon kadali niya makuha ang mga babaeng natitipuhan niya. Ngunit hanggang doon lang lahat.
Dumeretso muna sa clinic si Sam upang iwan ang mga gamit. Pagkatapos ay nagpunta na siya sa opisina ng Dean upang kausapin ito. Hindi naman siya madalas mapatawag dahil maayos naman ang record niya sa school. Nagagawa niya nang maayos ang kaniyang trabaho at wala siyang nakakaalitan na kahit sino. Bukod sa mga lalakeng masama ang tingin sa kaniya palagi dahil hindi na nga niya pinapatulan ay madalas pa niyang maagawan ng mga babae.
“Good morning, Sir. Pinatawag niyo raw ako,” bati ni Sam sa Dean.
Nag-angat ng ulo ang isang lalakeng may katandaan na. Nakasalamin ito at maputi na ang buhok. Ito ay si Mr. Rodrigo Navarro Jr. Ang may-ari na university. Ngumiti ito kay Sam.
“Ms. Salvador. Maupo ka.”
Tumango si Sam at naupo sa sofa. Ganoon din si Mr. Navarro at naupo sa tapat ni Sam.
“How’s your work as a school nurse?”
“Ayos naman po. Bakit niyo po pala ako pinatawag?”
Ngumiti si Mr. Navarro. “You know that your father was a great friend of mine, right?”
Napatungo si Sam. Kumpadre ng kaniyang namayapang ama si Mr. Navarro. Sa katunayan ay ito na nga ang kumopkop at nagpaaral sa kaniya magmula noong mamatay ang kaniyang ama.
“Yes, Ninong.”
“Sam. Bakit hindi ka magturo dito sa university?”
“Ho? Hindi naman ako teacher, Ninong.”
“It’s okay. Kung gusto mo ay mag-aral ka ulit. Graduate ka na as nurse at maganda na ang record mo. Kung gugustuhin mo ay pwede ka nang maging doctor. Ano ang pumipigil sa ‘yo, Anak?”
Ngumiti si Sam. “Ninong, I’m fine. Masaya na ako as school nurse.”
“Just listen to me, okay? Magturo ka.”
“Ninong naman.”
“Sam. I know what is happening to you. Pinayagan kitang bumukod na sa akin dahil sabi mo ay matanda ka na. Alam mo kung gaano ako nag-aalala sa ‘yo, ‘di ba? I promised to your dad that I will take care of you.”
Napabuga ng hangin si Sam. “Fine. Ano naman ang ituturo ko, Ninong? Pambabae?”
Tumawa si Rodrigo. “Ikaw talaga. Kaalis lang ng isang professor. Ikaw ang mag-handle sa isang section. Don’t worry. Graduating na naman sila kaya hindi na ganoon kahirap i-handle.”
“Nurses?”
“Nope. Architects.”
“What? Ninong! Ang layo naman sa profession ko niyan!”
“I know. Ngayong sem lang naman. Hindi mo naman sila tuturuan. You will just handle them until they graduate. Mag-aral ka na rin para maging professor ka na sa nursing department.”
Wala nang nagawa pa si Sam. Sumang-ayon na lamang siya rito at hindi na nakipagtalo. Kung ayaw niyang magpakita sa ina ay mas lalong ayaw naman niyang bumalik sa puder ng ninong niya. Mabait naman ito. Sunod siya sa luho at parang anak ang turing sa kaniya. Ngunit hindi niya kasundo ang mga anak nito dahil na iinggit sa kaniya. Kaya nga pinilit na niyang makaalis dito.
Tuluyang naging adviser ng isang section si Sam. Siya pa rin naman ang school nurse kaya um-okay na rin siya. Dumaan na siya sa aritecture department para kuhain ang files ng class A, ang section na kaniyang iha-handle. Isa-isa niyang binasa ang mga pangalan ng mga lalake. Wala siyang kilala. Ngunit noong mapunta ang kaniyang mga mata sa mga babae ay natigilan siya.
“Rebecca Mendoza,” bulong niya. Napalunok si Sam at biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.

