Views

Mafia's Addiction (Savage Men Series) (Chapters 16 to 20)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 16

Hindi ako mapakali habang naglalakad kami sa pasilyo. Panay ang pagtaas ko ng suot kong gown dahil pakiramdam ko ay mahuhulog iyon. Idagdag pang mahigpit ang kapit ni Marco sa baywang ko. Para akong batang mawawala kapag binitawan niya ako. 

"Relax, Lorribel. You're the most prettiest woman in this place tonight. You should be proud of yourself. Be confident," ani Marco. 


Bahagya akong napangiwi sa sinabi niya. Parang ayaw kong paniwalaan iyon dahil alam ko naman ang ibig sabihin ng kaniyang papuri. 


Puro lang kalaswaan ang nasa isipan niya. 


Pinilit ko na lang na i-relax ang sarili ko at sumabay sa kaniya. 


Pagkapasok namin sa ballroom ay marami ng tao. Hindi ko kilala ang mga naroon. Pero ang iba ay pamilyar sa akin. Dahil kung hindi sila mga pulitiko, mga artista naman. 


Lahat ay personalidad na may mataas na katungkulan o kayamanan sa buong bansa. At lahat sila ay binabati ng puno ng paggalang si Marco. 


Lalo tuloy lumaki ang hinala ko na mula sa kilalang pamilya si Marco. 


Nag-umpisa ang party. Tungkol iyon sa collaboration ng dalawang kilalang pamilya. Mayroon sila proyekto na gagawin at mamimili sila ng partner. 


Wala akong ideya. Nurse ang kinuha kong kurso noon na hindi ko nga natapos dahil kinulang kami ng budget. Hindi rin naman ako binibigyan ng pagkakataon ni Greg na alamin ang tungkol sa mga negosyo nila. Hindi ko na raw kailangan pang malaman iyon. 


Kaya naman ay tahimik na lang ako na naupo sa tabi ni Marco. Kahit na noong nakaupo kami ay dikit na dikit ang upuan ko sa kaniya. Ang kamay niya ay nakapulupot pa rin sa baywang ko. Naiilang na ako dahil marami ang napapatingin sa amin. 


"Ahm, Marco. Mag-CR muna ako," bulong ko sa kaniya. 


Tumingin siya sa akin. "I'll come with you." 


Nangunot ang noo ko. 


"Pwede ba? Hindi naman ako mawawala. Alam ko kung nasaan ang banyo." 


Tinitigan niya ako saglit ng nakakunot ang noo. He sighed. 


"Fine. Be quick. Or I'll go there myself. Wala akong pakealam kahit hindi ka pa tapos," seryosong sabi niya. 


Naiikot ko na lang ang mga mata ko. 


"Oo na." 


Binitawan na niya ako kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa banyo. Hindi naman talaga ako magbabawas. Gusto ko lang makalayo sa kaniya kahit saglit. Masyado na kasi siyang nagiging possessive sa akin. 


Papaliko na sana ako papunta sa banyo noong may mapansin ako sa isang table. Tumigil ako sa saglit at tinitigan ang dalawang magkapareha na nag-uusap. 


Ang lalake ay nakaakbay sa babae na nakasandig sa dibdib nito. Kung titingnan ang dalawa ay halata ang sweetness ng mga ito. Parang komportableng-komportable sila sa isa't isa. 


Kaso... asawa ko ang lalaking iyon. 


Si Greg Lawson. Hindi ako pwedeng magkamali. 


Para biglang may bumara sa lalamunan ko dahil sa aking nasaksihan. Sino ang babaeng katabi niya? Bakit parang sobrang lapit naman nila sa isa't isa? 


Noong biglang pumihit palingon sa dereksyon ko ang ulo ni Greg ay tumalikod ako bigla. 


Sino ang kasama ni Greg? 


Nagmamadali na akong pumunta sa banyo at doon huminga nang malalim. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil sobrang bilis na ng pagtibok ng puso ko. 


Pakiramdam ko bigla ay may mali. Pero bakit? Ano? 


Noong kumalma ako ay lumabas na ako ng banyo. Nagulat pa ako noong makita ko si Greg na naroon at tila ba may hinihintay. Magtatago sana ako pero nakita na niya ako kaya wala na akong nagawa kundi maglakad papunta sa direksyon niya. Wala rin naman akong ibang dadaanan kundi doon. 


"Lorribel? Sabi ko na nga ba. Ikaw iyon! What are you doing here?" tanong niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "And... you looked different. Akala ko ba nasa probinsya ka?" 


Napalunok ako. Bigla akong nalito kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya. Pero bakit ba ako kinakabahan? Siya nga ay may kayakap na ibang babae, 'di ba?


"A-Ahm... N-Narito kasi ang amo ko. Isinama niya ako bilang escort niya," pagsisinungaling ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang nasabi ko. 


Bahagyang umarko ang kilay niya. Pero kita ko pa rin na parang nag-aalinlangan siya sa sinabi ko. 


"Really? That's why you look like this." 


Napangisi siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso. 


"Ang ganda mo ngayon, Lorri. Dapat ay palagi ka na mag-ayos ng ganito," ani niya. 


Sinapo niya ang baba ko at pinatitig sa kaniya. 


"Are you finally giving yourself to me, Wife?" 


Namilog ang mga mata ko. Oo. Iyon dapat ang isagot ko. Noon ko pa naman gustong ibigay ang sarili ko sa kaniya. Magmula noong ikasal kami. 


Pero hindi ko alam kung bakit parang biglang naumid ang dila ko at hindi ko magawang sabihin sa kaniya iyon. 


Napaigtad ako noong kumapit sa baywang ko si Greg at hinapit ako palapit sa kaniya. 


"Because it's working," ani niya. 


Tiningnan niya ako nang puno ng pagnanasa. Unti-unting bumaba ang mukha niya. Alam ko na hahalikan na niya ako. 


Pinilit kong hindi gumalaw. Nanatili lang akong nakatayo habang nakayakap siya sa akin. 


Ito. Ito ang gusto kong mangyari noon pa. Gusto kong tingnan niya rin ako ng ganito. 


Pero bakit parang may mali? Bakit parang ayaw ko na?


Bago pa man ako mahalikan ni Greg ay may biglang kumapit sa balikat niya at hinila siya palayo sa akin. Napatili pa ako noong humampas siya sa pader. 


Nanlaki ang mga mata ko noong makita ko si Marco na nakakapit sa leeg niya habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin dito. 


"How dare you touch her?!"


Chapter 17


"Greg!" 
Bigla akong nataranta. Hawak na ni Marco si Greg sa leeg. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata niya dahil sa nahihirapan na itong huminga. 

Pinagpapalo ko ang braso ni Marco. 

"Marco, ano ba?! Bitawan mo si Greg! Mamamatay siya!" ani ko. Napasigaw na ako dahil nga sa panic. Kaya iyong malapit sa amin ay napapalingo sa amin. 

Hindi naman natinag si Marco. Nanlilisik lang ang mga mata nito habang nakatitig kay Greg. 

"Marco, please! Bitawan mo siya!" pakiusap ko ulit. 

Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa takot. Alam ko. Ramdam ko na hindi magdadalawang-isip si Marco na patayin ang asawa ko kung sakali. 

"Please!" 

Para namang natauhan si Marco. Binitawan nito bigla si Greg kaya nahulog ito sa sahig. Nilapitan ko agad si Greg at sinubukan siyang hawakan. Pero iwinaksi lang iyon ni Greg. 

"Y-You! How dare you?! Hindi mo ba ako kilala?!" nahihirapang tanong ni Greg. Panay ag pag-ubo nito habang naghahabol ng paghinga. 

Muling nagsalubong ang mga kilay ni Marco. 

"Are you really asking who am I?" tanong ni Marco. 

Napalunok ako. Bigla akong nag-alala dahil baka kung ano ang sabihin ni Marco. Tumayo ako agad at hinarap siya. 

"Marco, please," bulong ko sa kaniya. "Don't do this." 

Tiningnan niya ako. Napaatras pa ako nang kaunti dahil ang talim niyon. Siguro kung kutsilyo iyon ay tumumba na ako sa talas ng mga tingin niya. 

Bakit ba siya nagagalit? 

"Why don't I tell you who am i, huh?" ani ulit ni Marco. Pagkatapos ay tumingin kay Greg. 

Lalo akong nataranta dahil parang may iba itong sabihin. Napahawak na ako sa braso niya. Sinubukan ko siyang hilain pero hindi siya natinag sa kaniyang kinatatayuan. 

"OMG! Greg! What happened?!" 

Napatingin ako sa gilid noong may babaeng biglang nagsalita. Ako naman ang natigilan dahil ito ang babaeng nakita ko na kayakap ni Greg. Tinulungan nitong tumayo si Greg na hawak-hawak pa rin ang leeg. 

Tumingin siya sa amin ni Marco. Matalas ang mga tingin niya. 

"What the hell?! Ang kapal naman ng mukha niyong saktan si Greg! Hindi niyo ba siya kilala?!" galit na tanong nito. 

Nangunot ang noo ko. Humarap ako sa kanila at pinagpalit-palit ang tingin. Si Greg naman ay hinawakan sa braso ang dalaga. 

"I'm fine, Sophia. Let's go." 

"No!" giit noong tinawag niyang Sophia. "You! Who do you think you are, Huh?! Greg is the only heir of Lawson family! Hindi niyo ba alam kung sino ang may hawak sa kanila?! The Valenti family will come for you!" 

Natawa si Marco. 

"Are they?" 

Lalong naningkit ang mga mata ni Sophia. 

"Yes! Lawson Corporation will have a collaboration with the Valenti family. Kaya siguradong malalagot kayo--" 

"Sophia!" saway ni Greg. "Come on. Let's go." 

Tumingin si Sophia kay Greg. 

"But--" 

Hinila na ni Greg si Sophia palayo sa amin. 

Napamaang ako. 

"Wait." 

Tumigil si Greg sa paghakbang, pero hindi siya sa akin lumingon. 

"Sino siya Greg?" tanong ko. 

Umarko ang kilay ng babae. 

"Are you really questioning kung sino ako sa buhay ni Greg?" tanong ni Sophia. 

Tiningnan ko siya ng deretso. 

"Yes. I am." 

"I'm Greg's fiancée!" tugon ni Sophia. 

Para akong nabingi dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.

"Fiancee? Greg? Seryoso ba siya?" 

"Aba't--" 

Hinila ni Greg si Sophia palayo. Hindi ko na sila nagawang habulin pa dahil hinawakan din ako ni Marco sa braso. 

"Wow? Isn't he your loving husband? Bakit nagkaroon siya bigla ng fiancee?" tanong ni Marco. 

Nangilid ang mga luha ko. Pagtingin ko kay Marco ay nakangisi siya na para bang natutuwa dahil sa nalaman. Pero unti-unti iyong nawala noong mapatitig siya sa akin. Napalitan ng blangkong ekspresyon. 

"What? Are you really crying? For him? He doesn't care about you!" 

Tuluyan akong napaluha. 

"Hindi mo kasi alam dahil wala ka namang pakiramdam!" ani ko. 

Pinilit kong hilain ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Saka tumakbo ako palabas sa lugar na iyon. 

Sa lugar na kahit kailan ay hindi naman ako magiging kabilang. 

Nagpatuloy ako sa paglabas. Hindi ko na halos makita ang daraanan ko dahil umiiyak na ako. 

Ang sakit. 

Bakit niya nagawa sa akin iyon? Naging mabuti naman akong asawa. Lahat ng pinag-uutos niya ay sinusunod ko. Isinantabi ko ang pangarap ko para sa kaniya. Pero heto... niloloko niya lang pala ako. 

Akala ko ba mahal niya ako? Na tanggap niya ako kahit na magkaiba kami ng mundo? Kahit na mahirap ako at siya ay mula sa tanyag na pamilya? 

Pero bakit ganito? Bakit niya pa rin ako nagawang saktan? 

Dahil sa matinding kabinugan na nararamdaman ko ay hindi ko namalayan na nakarating na ako sa kalsada. Muntik pa akong mabunggo ng sasakyan kung hindi iyon tumigil. 

Magpapatuloy na sana ako sa pagtakbo. Kung hindi lang biglang may humila sa braso ko at tinakpan ang ilong ko. 

Nanuot agad sa pang-amoy ko ang matapang na amoy na agad na ikinahilo ko. Agad na umikot ang paningin ko at nawalan ako ng malay. 


Chapter 18


Parang binibiyak ang ulo ko noong muli akong magkamalay. Nakalaylay ang ulo ko at halos hindi ako makatayo nang maayos. Doon ko lang napagtanto na nakabitin pala ako sa kisame gamit ang kamay ko. 
Bigla akong nagising at napatingin sa paligid. 

Madilim. Nasa isang kwarto ako na madilim. Tanging ang liwanag lamang mula sa malabong bumbilya na kulay dilaw ang nagpapaliwanag sa kwarto. 

Nasaan ako? Ano ang nangyari? 

Sinubukan kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakatali. Pero napangiwi lang ako dahil sa higpit niyon. 

Diyos ko! Ano ba ang nangyari? Nasaan ako? 

Nangilid na ang mga luha ko. Ano ba ang ginawa kong kasalanan? Naging totoo naman ako sa asawa ko. Siya rin naman ang dahilan kung bakit gusto kong matuto sana. Ito na ba ang karma ko dahil sa nakipagkasundo ako sa isang delikadong tao? 

Mamamatay na ba ako? 

Napakislot ako noong bumukas ang pinto sa harapan ko. Napamaang ako noong makilala ko ang babaeng pumasok. 

"L-Lucille?" gulat na tanong ko. 

Tumigil si Lucille sa harapan ko. Ngumisi siya at pinagkrus ang mga braso. 

"Mabuti naman at nagising ka na, Bitch!" matalas na sabi nito. 

"A-Ano 'to? Nasaan ako? Bakit mo ako kinuha?" 

Tumawa siya nang matinis. 

"Nagtatanong ka pa? Akala mo ba ay mananahimik lang ako habang nilalandi mo si Master. Hindi ba sabi ko sa 'yo ay layuan mo na siya?!" tanong niya. 

Lumapit pa siya sa akin at marahas na hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mahahaba niyang kuko sa balat ko. 

"Binalaan na kita. I will make sure now that you will learn your lesson!" 

Binitawan niya ako. Napadaing pa ako dahil sumugat ang kuko niya sa balat ko. Naramdaman ko ang hapdi at ang pagtulo ng dugo sa balat ko. 

Matapang ko siyang tiningnan. 

"Ilang beses ko rin bang sinabi sa 'yo na hindi ko gusto ang sitwasyon ko ngayon! Kung hindi lang ako ginugulo ng master mo, edi matagal na sana ako nawala sa buhay niya!" 

Napaawang ang bibig niya. Imbes na matuwa sa sinabi ko ay bigla niya akong sinampal. Sa lakas niyon ay para hihiwalay na ang ulo ko sa leeg ko. 

"Ang kapal naman ng mukha mo na sabihin 'yan! Hindi mo ba talaga nakikilala si Marco Valenti?!" tanong niya. 

Nangunot ang noo ko. 

Valenti. Iyon pala ang apelyido ni Marco. 

"Siya lang naman ang kasalukuyan na boss ng Valenti Familia! Ang pamilya nila ang may hawak ng buong bansang! Hindi lang dito, pero kalahati ng Russia ay sila ang nagpapatakbo! Do you really think that he will care for you?!" 

Napamaang ako. 

"F-Familia? Ano?" 

Tumawa si Lucille. Napailing-iling ito. 

"Wala ka talagang ideya, ano? Marco Valenti is a Mafia! And he is not just an ordinary Mafia. He is a boss!" 

Lalo akong nagulantang dahil sa sinabi niya. 

All this time, isang Mafia pala ang lalaking nakakasama ko. Ang lalaki na sumira ng buhay ko. 

Kaya pala. 

"A-Ano naman ngayon? Hindi ko pa rin gusto na nasa puder niya ako! Masaya na sana ako e. Masaya ako na..." 

Napahagulhol ako. 

Kung sana ay hindi ko na lang nakilala si Marco. Edi sana ay hindi ko malalaman ang ginawa sa akin ni Greg. Sana ay... 

Muli akong nagising sa reyalidad noong sinampal na naman ako ni Lucille. 

"Ang kapal talaga ng mukha mo! You are a nobody and yet you have the audacity na sabihin 'yan? Wala kang ideya kung sino si Master, pero sumama ka pa sa party na 'yan? You don't deserve it!" 

Bigla niyang hinawakan ang gown ko at hinila iyon. Lumalaylay bigla ang dibdib ko noong mapunit iyon. Sinubukan kong gumalaw para takpan ang kahubaran ko dahil hindi lang naman kami ni Lucille ang nasa loob ng silid. Pero dahil nga nakatali ako ay wala akong nagawa. 

"Malandi ka, 'di ba? Then ibibigay ko ang gusto mo," makahulugan niyang sabi. 

Umatras siya bigla at may sinenyasan. Napanganga ako noong makita ko na humakbang palapit sa akin ang dalawang lalake na kasama nito. 

"T-Teka... Lucille. Ano--" 

"Do everything to her." 

Napanganga ako sa sinabi niya. Noong tingnan ko ang mga lalake ay nakangisi ang mga ito. Parehas silang titig na titig sa dibdib kong nakausli. 

Sinubukan kong umatras. Pero napaderetso lang tuloy ako palapit sa kanila. Agad akong sinalo ng lalake na tumatawa na sa pagkasabik. 

"Take her!" utos pa ni Lucille habang tumatawa. 

"N-No! Please! Please! H'wag!"

Chapter 19

Sinubukan kong umatras, pero wala na. Hawak-hawak na ako ng isang lalaki. Ramdam ko ang kilabot sa buong katawan ko dahil sa ginagawang paghaplos ng mga ito sa katawan ko. 

Diring-diring ako sa mga iyon. 


"P-Please! Lucille! Parang-awa mo na! Patigilin mo sila!" pakiusap ko. 


Tumawa lang si Lucille. 


"Patigilin? Hindi ba ganito ka? Malandi! Ibinibigay ko lang ang gusto mo!" 


Napahagulhol na ako. Pakiramdam ko ay nawalan na ako nang pag-asa dahil sa sitwasyon ko. 


Hindi ko naman gusto na makilala si Marco. Kung pwede lang ibalik ko ang nakaraan ay ni hindi na nga ako tatapak pa sa club na iyon. Kahit ano ang pakiusap ko sa kaniya ay naging bingi na si Lucille. 


Sa isip niya ay ako ang may kasalanan kaya hindi manlang siya binibigyan ng pansin ni Marco. 


Napahagulhol ako lalo noong hinawakan na ng isang lalaki ang nakausli kong dibdib. Nagpumiglas ako at pilit na inalis iyon. Pero wala akong magwa. Nakiusap ako. Halos maubusan na ako ng boses para lang tigilan nila ako. 


Pero tila ba ay naging bingi na rin sila. 


Noong biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay natigilan at napatingin doon. 


"Sino'ng--" 


Hindi natuloy ni Lucille ang tanong niya noong makita niya si Marco sa bukana ng pinto. 


Lalo akong napaiyak. Bigla akong nakaramdam nang kapanatagan noong makita ko si Marco. Pakiramdam ko bigla ay naging safe ako. Nakita ko na siya.


Maliligtas na ako. 


Lumapit si Lucille kay Marco. Pero iwinaksi lamang siya nito. 


"Master---" 


Nagpatuloy si Marco hanggang sa makalapit siya sa amin. Hinawakan nito bigla ang lalaking nasa dibdib ko pa rin ang kamay at sinakal. Sa gulat ko ay bigla na lamang itong pinaputukan ng kung ano sa ulo. Tumalsik pa ang ilang dugo sa pisngi ko, pero hindi ako natakot. 


Umiiyak lang ako habang nakatitig sa kaniya. Tumahimik ang paligid at parang bumagal ang oras. Wala akong ibang nakikita kundi siya lamang. 


Muli akong nakarinig ng malakas na pagputok at pagbagsak sa sahig. 


Lumapit sa akin si Marco at sa isang hila lang ay natanggal ang pagkakatali sa kamay ko. 


Bumagsak ako sa mga bisig niya. Agad akong yumakap sa kaniya at sumubsob sa kaniyang dibdib. Sa puntong iyon ay wala akong ibang maisip kundi ang yumakap lang sa kaniya. Ang magtago sa kaniyang mga yakap. 


Ang mapalapit sa kaniya. 


"Shh... I'm here now. Don't worry. No one will touch you now." 


Dahil sa sinabi niya iyon ay mas lalo akong nakaramdam ng kapayapaan. Binuhat niya ako at dinala palabas ng silid. Palayo sa lugar na iyon. 




---




Marco's POV


I watched as Lorribel sleeping on my bed. 


Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buo niyang katawan dahil sa nangyari. Kasalanan ko ito! Kung naging mabilis lang ako ay hindi sana mangyayari ito. 


"Boss, Lucille is at the basement already," ani Brian, my righthand man, and a consiglier. 


Naikuyom ko ang aking mga palad. Tatayo na sana ako para puntahan ito dahil sa ginawa nito kay Lorribel. Pero pinigilan ako ni Brian. 


Tiningnan ko siya nang masama. 


"What? Do you want to die?" 


Napabuga ng hangin si Brian. 


"Boss, alam ko naman galit ka ngayon. But don't forget who Lucille is, Boss." 


Naningkit ang mga mata ko. 


"I know who she is. You don't have to remind me." 


"And you will still punish her?" 


"Of course! Bakit ba parang pinangungunahan mo ako?" 


"Boss, Lucille is the only daughter of the Saavedra Clan. She had been obsessed with you since the moment she laid her eyes on you. At dahil na rin sa kasunduan mo sa pamilya niya ay pumayag ang tatay niya na mapunta siya sa puder mo. Sa pag-asa na magiging asawa mo siya." 


Pakiramdam ko ay lalong nag-init ang ulo ko sa mga sinasabi niya. 


"I know it, Brian! You don't have to tell me twice--" 


"I'm telling you, calm down, Marco!" nagtaas na rin siya ng boses. 


Napanganga ako. Hindi sa takot, kundi sa pagkamangha na talagang nagkaroon siya ng lakas na loob na pagtaasan ako ng boses. And he also calls me in my first name. 


Agad kong binunot ang baril sa na nakasukbit sa tagiliran ko at tinutok iyon sa sentido niya. 


"You really dare to raise your voice to me?" 


Hindi naman natinag si Brian. Nanatili siyang nakatitig sa akin. 


"You can do everything you want to me. Kill me now if you like it. Pero hindi mo maitatanggi na isang malaking pagkakamali ang binabalak mo, Boss," ani niya. Binigyang diin niya ang salitang boss. "At wala pa ako sa posisyon mo sa familia na nanganganib dahil wala ka pa ring tagapagmana." 


Humigpit ang hawak ko sa baril. My teeth gnashed. There were really times when I just want to kill him already. 


Ibinaba ko ang hawak kong baril at huminga nang malalim. He has a point. I need an heir. 


"Remember what your real problem is, Boss. You can't waste your time with her." 


"Who says I'm wasting my time with her?" 


Muli ko siyang tiningnan. 


"I'll have an heir. That's for sure. But for now, I need to teach Lucille a lesson. She couldn't just hurt the woman who will be my son's mother."


Chapter 20


Ilang araw akong hindi nakatayo mula sa kama dahil sa trauma na naranasan ko dahil sa nangyari sa akin. Hindi rin naman ako pinilit ni Marco at hinayaan lang niya akong magpahinga. 
Gabi-gabi ay nasa silid ko pa rin siya. Binabantayan ako. Siya rin ang nag-asikaso sa akin. Mula sa pagkain at sa pagligo. 

Noong una ay naiilang ako. Pero habang tumatagal ay nasasanay na ako sa presensya niya. Hindi ko inisip kahit na isa pala siyang Mafia. Nakita ko kung gaano siya ka-gentle sa akin. 

Noong araw na iyon ay minabuti ko nang tumayo. Nagsuot lang ako ng puting dress at naglakad na palabas ng silid. Nasalubong ko agad si Nana Lucing sa sala. May dala itong tray ng pagkain at mukhang dadalhin sa akin. 

"Miss Lorribel. Kumusta na ang pakiramdam mo? Bakit bumaba ka na?" tanong niya. 

"Ahm... ilang araw na po kasi akong nakahiga, Nana. Gusto ko sana lumabas sa garden." 

"Ganoon ba? Sige. Doon ko na lang ihahatid itong pagkain mo. Mauna ka na roon." 

Tumango ako. 

Lumabas na ako ng mansyon at nagpunta sa likod na parte niyon. Naroon ang garden na may maayos na naka-landscape na mga bulaklak. Ang sarap sa mga mata tingnan ng mga iyon. 

Hindi nagtagal ay dumating na si Nana Lucing dala ang tanghalian ko. Inilapag niya ng mga pagkain sa lamesang nasa harapan ko. 

"Narito pa po ba si Marco, Nana?" tanong ko. 

"Wala na si Master, Miss. May importanteng meeting kasi siya na dapat puntahan." 

Napatango ako. Nag-umpisa na akong kumain. Hindi naman umalis si Nana Lucing sa pwesto niya. Nakatayo lamang ito sa gilid ko habang naghihintay sa akin. 

"Kumain ka na po ba, Nana? Sumabay ka na sa akin." 

Para pang nagulat si Nana Lucing sa tanong ko. Napatingin kasi siya sa akin at tinitigan ako sa mukha. 

"Ha? Hindi na, Anak. Katatapos ko lang kanina." 

Lumabi ako. "Talaga ba? O hindi ka lang pwede sumabay sa akin?" 

"Hindi naman sa ganoon. Katulong ako rito. Kaya hindi ako dapat suambay sa 'yo. Sa inyo." 

"Ano ba 'yan? Ganoon ba dapat? Isa pa. Wala naman si Marco. Sumabay ka na po sa akin. Ang dami nito, oh?" 

Matipid na ngumiti si Nana Lucing. Huminga ito nang malalim. 

"Sige." 

Napangiti ako noong maupo na siya sa tapat ko. Magkasabay kaming kumain. 

"Nana... Si Lucille pala? Narito pa rin ba?" tanong ko. 

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Sa totoo lang, medyo malabo ang nangyaring iyon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Marco sa dalawang lalaki na nagbalak na halayin ako. 

"Wala na siya rito, Miss. Hindi mo na siya kailangan pang isipin." 

Nangunot ang noo ko. 

"Wala na? Paanong wala? Umalis na?" kabado kong tanong. 

Tumango si Nana Lucing. Napanatag ako. Akala ko kasi pinatay ito ni Marco. 

"Pinaalis na siya rito ni Master. Bumalik na siya sa kanila." 

Napabuga ako ng hangin. Kahit na grabe ang ginawa sa akin ni Lucille ay hindi ko naman gugustuhin na mamatay siya nang dahil sa akin. 

"Sobrang nag-alala siya sa 'yo, Miss," ani Nana Lucing makalipas ang ilang sandali. 

"Sino?" 

"Si Master. Sobrang galit din niya at muntik na nga masaktan si Miss Lucille. Mabuti na lang at napigilan siya ni Sir Brian." 

Hindi ako sumagot. Ayaw ko na isipin kung ano ang naging reaksiyon ni Marco. Malabo sa isipan ko ang nangyari. Pero naalala ko naman galit sa mga mata ni Marco noong pumasok siya sa silid. 

Matinding poot iyon. Poot na talagang makapapatay. 

Tumango na lamang ako kay Nana Lucing. Kahit papaano ay masaya naman ako dahil nakita ko ang side na iyon ni Marco. Maaring may ugali siya na hindi ko gusto. Pero may itinatago pala siyang kabaitan. 

Gabi noong dumating si Marco. Nasa silid pa rin ako at naghahanda na sana sa pagtulog. 

"How are you?" iyon agad ang tanong niya sa akin. 

Naupo ako sa kama. 

"Ayos na ako," tugon ko. 

Tinitigan niya ako. Naupo siya sa kama at bigla akong hinila palapit sa kaniya. Napasinghap pa ako dahil halos isang dangkal na lang ang layo ng bibig niya sa akin. 

"Good. You don't know how much I've been craving for you, Lorribel," ani niya. Mahina at marahan. 

Imbes na mandiri kagaya noong una kong nararamdaman sa tuwing umaakto siya nang ganito ay nakaramdam ako pagkislot sa aking dibdib. Ramdam ko rin na nag-init ang mga pisngi ko. 

Bago pa man ako makapagsalita ay bigla niya akong hinawakan sa batok at hinalikan sa labi. 

Mali. Siguro. Dahil kasal pa ako. Pero kasi... si Marco lang ang nagparamdam sa akin na importante ako. Pakiramdam na kahit na ang asawa ko ay hindi ipinaramdam sa akin. 

Hindi ako nanlaban. Hinayaan ko lamang siya. Ipinikit ko ang mga mata ko at tinugon ang kaniyang mga halik.


Chapters 21 to 25



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !