Chapter 21
Masakit ang buong katawan ko kinabukasan. Para akong dinaanan ng rumaragasang tren.
Ang balakang ko. Ang likod ko. Lalong-lalo na ang pagkababae ko.
Oo.
Naisuko ko na ang bataan ko.
Alam kong mali. Dapat sa asawa ko ito ibinigay noon pa. Pero hindi ko alam kung bakit parang wala akong maramdaman na kahit na anong guiltness. Para bang masaya pa ako na si Marco ang nakauna sa akin.
Nag-iba rin bigla ang pakikitungo sa akin ni Marco. He became gentler.
"Ahm, Marco. Gusto ko sanang umuwi muna sa amin," paalam ko sa kaniya.
Magkatabi kami sa kama. Nakasubsob na naman ang mukha niya sa leeg ko at marahan akong sinisinghot. Ewan ko ba. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapaliwanag sa akin bakit niya iyon ginagawa.
Bigla siyang tumigil at bahagyang lumayo sa akin. Naupo siya sa kama at tumingin sa akin ng blangko ang ekspresyon.
"You still want to go back to that bastard?" hindi makapaniwalang tanong niya. For the first time makalipas ang ilang araw ay nakita ko na naman ang matalas niyang mga tingin.
Napalunok ako. Nakakatakot pa rin talaga siya.
"H-Hindi naman sa gano'n. I... I was thinking. Siguro ay dapat ko munang ayusin ang relasyon ko kay Greg. Asawa ko pa rin siya, Marco," tugon ko.
"Yes. In papers."
"Legally speaking, asawa ko pa rin siya."
Napailing siya. "No, Lorribel. He's not. You can just forget about him."
Natigilan ako sa sinabi niya. "What do you mean?"
"Don't tell me that you're still thinking of being with him? He was cheating you, Lorribel."
Nag-iwas ako ng tingin. Masakit pa rin marinig na ang lalaking minahal ko ng ilang taon ay niloko lang pala ako.
Tumayo si Marco at may kinuha sa isang cabinet. Isa iyong brown envelope. Inilapag niya iyon sa kama saka lumapit sa may bintana upang magsindi ng sigarilyo.
"I thought I don't need to give you that. Pero siguro ay dapat mong malaman ang katotohanan."
Lalo akong nalito sa sinabi niya. Kinuha ko ang envelope at binuksan iyon. Mga dokumento iyon. At noong inilabas ko ay napamaang ko.
Certificate of No Marriage iyon. CENOMAR ko.
I was single all along.
"W-What is this?"
"That bastard never registered your marriage with him, Lorribel."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa sinabi niya.
Isang taon na akong kasal sa kaniya. Isang taon ko siyang pinagsilbihan bilang mabuting asawa. Pumunta pa ako sa isang sex club para lang magawa ko sanang gampanan ng maayos ang pagiging asawa ko sa kaniya. Pero lahat pala ng iyon ay kalokohan lang?
Pakiramdam ko ay umikot ang mundo at biglang bumaliktad ang sikmura ko. Nagmamadali akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo. Doon ay sumuka ako sink kahit na wala namang lumalabas sa bibig ko.
Nanginginig ang katawan ko na napaupo sa sahig matapos iyon. Nasapo ko ang bibig ko at saka napahagulhol.
Sinayang ko ang buhay ko sa kaniya. Inuna ko siya dahil ang sabi niya ay siya na ang bahala sa akin. Umalis ako sa trabaho ko kahit na kailangan ng pamilya ko ng tulong. Dahil nga inutos niya iyon sa akin.
Pero mali pala ako. Niloko niya lang ako.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Marco at niyakap ako.
"Stop, Lorribel. You don't have to cry for him. He doesn't deserve your tears."
Napahikbi ako.
"H-Hindi ko... Bakit niya sa akin nagawa ito?"
Hinawakan ni Marco ang baba ko gamit ang hintuturo at marahang inangat ang ulo ko. Tiningnan ko siya ng puno ng pait. Para akong bata na humihingi ng saklolo sa nakatatanda sa akin. Naningkit ang mga mata niya. Nakita ko na nagtangis ang kaniyang mga bagang.
"I'll kill him. I will make him pay for making you cry," ani niya.
Napalunok ako. Marahan akong umiling.
"No."
"What? Do you still want to save him after learning that?"
"No," tugon ko ulit.
"Then what do you want me to do?"
Umiling ako.
"I know what to do, Marco. Just let me see him. For the last time. Kailangan ko siyang makaharap. Hindi para magkabalikan kami. Kundi para malaman ko muna sa kaniya ang katotohanan."
Lalong naningkit ang mga mata ni Marco. Binitawan niya ako.
"I don't understand you, Lorribel. Iniisip mo pa rin ba na niloloko kita? I got it myself from PSA!"
Nakislot ako noong magtaas ng boses si Marco. Sasabihin ko sana na mali siya ng pagkakaintindi. Pero umatras na siya.
"You know? Bahala ka na. If you want to go back to that bastard, then go! I don't care."
Then he left.
"Marco--"
Napatayo na ako. Pero paglabas ko ng banyo ay sakto na palabas na rin siya ng pinto ng silid. Napaatras pa ako noong pabagsak niyang isinara ang pinto.
Chapter 22
Magmula noon ay hindi ko na nakausap si Marco. Sinubukan ko siyang patawagin kay Nana Lucing ngunit hindi naman daw ito sumasagot. Hinintay ko pa siya ng ilang araw, pero wala.
Pakiramdam ko ay nagalit talaga siya sa akin. Gusto sana magpaliwanag sa kaniya na mali siya ng akala.
Minabuti ko na umuwi na lang muna sa bahay namin upang ayusin ang tungkol sa amin ni Greg. Naniniwala ako kay Marco, hindi ko iyon kukwestyunin. Pero kailangan ko pa ring kausapin si Greg. Para tapusin na ang tungkol sa amin.
Iyon sana ang sasabihin ko kay Marco. Pero hindi pa siya bumabalik.
Hinatid ako ng driver na naghatid sa akin noon. Hindi ko na ito pinatigil sa malayo, doon ko na siya pinapara sa mismong tapat ng gate ng bahay namin ni Greg.
Huminga pa muna ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok ng bahay.
Tahimik ang buong paligid. Hindi kagaya noong una akong umuwi ay hindi makalat ang loob. Maayos ang lahat. Pero nakita ko ang tumbok ng damit na nasa sala. Noong nilapitan ko iyon ay mga damit ko pala iyon. Mga gamit na dinala ko rito sa bahay namin ni Greg.
"Mabuti naman at naisipan mo nang umuwi."
Napatayo ako ng tuwid noong marinig ko ang boses ni Greg. Pababa siya ng hagdan. Nakasuot pa ito ng formal suit kaya sigurado ako na kauuwi pa lang nito.
"Greg."
Ngumisi siya. "Inalis ko na ang mga gamit mo sa kwarto ko. Siguro naman ay naiintindihan mo na ang gusto kong mangyari, 'di ba?"
Naikuyom ko ang mga palad ko. Siguro kung noon niya ito sinabi ay baka naglupasay na ako sa pag-iyak. Baka lumuhod ako at nagmakaawa sa kaniya.
Pero hindi ko iyon gagawin. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na lalo akong alipustahin.
"H'wag kang mag-alala. Wala rin naman akong balak na bumalik pa sa silid na binaboy mo na rin naman."
Naningkit ang mga mata niya. Tumigil siya sa paglalakad noong malapit na siya sa akin.
"How dare you?! Akala mo ba hindi ko alam na niloloko mo lang ako?! Sabi mo ay may sakit ang tatay mo! I went there and learn that you never went home all along! Where were you? Kasama mo ba ang lalaking 'yon, ha? You're cheating with me!" galit na sabi niya. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa panlalaki niyon. Pero hindi ako nagpatinag.
"Ako pa? Ako ba talaga ang nagloko, Greg? Ha?"
Lalong naging matigas ang mukha niya.
"Don't pushed it to me, Lorribel! Niloko mo ako! Now I'm divorcing you!"
Natawa ako sa sinabi niya
"Divorce? E una pa lang hindi naman tayo kasal!"
Natigilan siya. Bahagyang kumunot ang noo niya.
"What?"
"Pwede ba? H'wag ka na magmaang-maangan, Greg. Alam ko na ang totoo. Pinakasalan mo lang ako, pero kahit kailan ay hindi mo nirehistro ang kasal natin!" galit na sabi ko.
Inihampas ko sa mukha niya ang dala kong envelope.
"Ang kapal ng mukha mo! Pinagsilbihan kita, Greg! Minahal ng totoo! Tapos niloloko mo lang pala ako?! Paano mo nagawa sa akin ito?"
Napaiyak na ako. Ayaw ko sanang gawin iyon, pero kanina pa iyon nangingilid. Ang sakit pa rin pala kahit na tanggap ko na ang ginawa niya sa akin.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Para siyang batang nahuli na sa matagal na ginagawa nitong kalokohan. Pero imbes na magpakumbaba ay tiningnan lang niya ako ulit ng masama.
"And so what? You never deserve my name in the first place!" sigaw niya.
"Then why, Greg? Bakit ka pa nag-propose sa akin? Bakit ka pa nagtapat ng pagmamahal sa akin? You said you loved me!"
"Dahil madali kang bilugin, Lorribel," walang pakundangan niyang sabi. Ni hindi manlang siya nagdalawang-isip at direktang binigkas iyon sa mukha ko. "Napakainosente mo. Mataas ang pangarap. Pero sa isang salita lang, naniwala ka agad. Do you really think someone like me would fall for you? I don't deserve you, Lorribel. I just needed you because I need a maid."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal siya sa mukha.
"Ang kapal ng mukha mo! Buhay ka pa pero sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno!" galit na sabi ko. "Tandaan mo 'to, Greg. May karma ka rin! Alam ng Diyos ang sakit na ginawa mo sa akin! At sigurado ako na mas matindi pa ang mararanasan mo!"
Tumawa lang siya.
"Really? Then I will wait, Lorribel!"
Hindi ako makapaniwala na minahal ko ang kagaya niya. Hindi na ako sumagot at aalis na lang sana. Baka kung ano pa ang masabi ko dahil sa sobrang galit ko sa kaniya. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila niya ako ulit. Saka itinulak niya ako sa sofa.
"Ahh! Ano ba?!"
Tinitigan lang niya ako ng puno nang pagnanasa.
"And do you really think na hahayaan lang kita umalis ng hindi manlang muna kita natitikman, Lorribel?"
Napanganga ako sa sinabi niya.
"H-Hayop ka! Nakakadiri ka, Greg!"
Tumawa lang siya.
"I'll just claim my prize for suffering being with you for years."
Nangilabot ako dahil sa sinabi niya. Sinubukan ko muling tumayo pero dinaganan na niya ako.
"Ano ba, Greg?! Bitawan mo ako! Ayaw ko!"
"Why? You're a virgin, Lorribel. I will claim you first!"
"N-No! Please! Let me go!"
Sinubukan ko siyang itulak. Pero tuluyan na niya akong nadaganan. Idagdag pang sinuntok niya ako sa tiyan kaya nanghina ako bigla.
Napaluha na ako. Ang sama niya. Ganito ba talaga ang kapalit ng pagtitiis ko sa kaniya? Hindi pa ba sapat ang ilang taon na pangloloko niya sa akin?
Pero bigla na lamang siyang tumalsik sa kabilang parte. Pagmulat ko ulit ng mga mata ay lalo akong napaiyak noong makita kung sino ang bagong dating.
"M-Marco."
Chapter 23
Natulala ako habang paulit-ulit na sinusuntok ni Marco si Greg. Gusto ko siyang pigilan, ngunit kahit ako ay natakot sa hitsura ni Marco. Ang tingin ko nga ay namumula na ang mga mata niya sa matinding poot.
Kung hindi lang duamting si Brian, ang kanang-kamay niya, hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Greg.
"Boss! Stop!"
Hinila ni Brian si Marco palayo kay Greg. Ngunit noong humarap ito sa binata ay ito naman ang sinuntok ni Marco.
Napamaang ako. Doon ko na pinilit tumayo at lumapit sa kanila.
"M-Marco, please! Tama na!" pakiusap ko.
Napatingin siya sa akin. Salubong ang mga kilay niya at kulang na lang ay may lumabas na usok sa kaniyang ilong. Mabibigat din ang kaniyang paghinga na tila ba ay nanggaling ito sa matinding ensayo.
"P-Please..." bulong ko.
Unti-unting kumalma ang mukha ni Marco habang nakatitig sa akin. Biglang umamo ang kaniyang mukha at tiningnan ako nang puno nang pag-unawa.
Nagmamadali siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Alam ko na sinisinghot na naman niya ako, pero hindi ko siya pinigilan. Hinayaan ko lang siya na gawin iyon sa akin. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman na bumagal ang kaniyang paghinga.
Napanatag na ako. Yumakap din ako sa kaniya at hinagod ang kaniyang likod.
"I'm sorry. Sorry, I was late," bulong niya sa akin.
Matipid akong ngumiti.
"It's okay. You came. Iyon ang importante."
Muli siyang huminga nang malalim sa may leeg ko. Naramdaman ko pa na dinampian niya iyon ng halik bago kumalas sa akin.
"Come on."
Nag-alinlangan ako. Tumingin ako kay Greg na wala ng malay ngayon at nakahiga sa sahig. Duguan ang mukha niya na puno na ng pasa at black eye.
"Brian will take care of him. Don't worry."
Tumango ako.
"Okay."
Inakay na ako ni Marco palabas ng bahay namin. O kung matatawag ko pa ba iyong akin. Sigurado naman ako na hindi ako bibigyan ng karapatan ni Greg doon. Bago kasi kami kinasal ay pinapirma ako ng nanay niya ng pre-nup. Para daw maprotektahan ang anak niya.
Sa loob ng kotse ay tahimik lang kami parehas ni Marco. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang deretso ang tingin niya sa labas ng bintana.
Tinitigan ko siya. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero na-miss ko agad siya. Ewan ko ba. Hindi ba dapat matakot ako sa kaniya? Isa siyang Mafia. At alam ko ang mga kagaya niya ay isang masamang tao. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko?
Pakiramdam ko ay mas ligtas pa ako sa piling niya.
"Galit ka pa rin ba?" tanong ko.
Tumikhim siya.
"Why would I be angry?"
"Umalis ka kasi. Mali ang pagkakaintindi mo, Marco. Wala naman akong balak na makipagbalikan kay Greg."
"I know."
Bahagya akong napalabi.
"Alam mo? Bakit bigla kang umalis?"
Huminga siya nang malalim. Sa wakas ay nilingon na niya ako.
"I needed to give you space. Plus... may ginawa rin ako."
Nag-iwas siya ulit ng tingin noong sinabi niya iyon.
Bahagyang nangunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko may tinatago siya?
"Thank you," ani ko.
Napatingin siyang muli sa akin. Halata ang gulat sa mga mata niya.
"What?"
Matipid akong ngumiti.
"Salamat, Marco. And sorry. Akala ko talaga ay masama kang tao. Pero wala ka nang ibang ginawa kundi ang iligtas ako."
Hindi makapaniwalang napangisi siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Really? Seems like you're already falling for me, Lorribel. Aren't you afraid?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Huh?"
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Para akong nasukol bigla sa isang kasalanan dahil sa sinabi nito.
"Baliw ka ba! Nagpasalamat lang ako tapos nagkakagusto agad? Ang lakas naman ng kompyansa mo sa sarili!"
He chuckled. Muli akong natigilan. For the first time, I saw his eyes... smile. And it looked beautiful to him.
"Of course. Every woman wants me. Hindi na ako magtataka kung pati ikaw ay nahulog na rin sa akin."
Lalo akong napasimangot. Inirapan ko siya at kinuha ang kamay ko na hawak-hawak niya pa rin.
"Edi wow!"
Napatili ako noong bigla niya akong binuhat at pinaupo sa kandungan niya.
"Ano ba?!"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Nakangiti pa rin siya habang tinitingnan ako.
"Don't worry. You're the only woman I would want to like me."
Muli akong natigilan. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya. Pero muli ay tumambol ang dibdib ko.
Am I really falling for him already?
Chapter 24
Habang tumatagal na kasama ko si Marco ay lalo kong nakikita kung gaano siya kabuting tao. Oo nga't may mga paagkakataon na marahas siya, lalo na pagdating sa pagiging boss ng isang organisasyon. Pero sa tuwing kaming dalawa na lang ay bigla siyang nag-iiba.
Si Greg? Nalaman ko mula kay Claire na pinaghahanap daw ako. Kahit sila Mama sa probinsya ay ginulo nito. Mabuti na lamang at nagpadala pala ng tao si Marco doon.
Madalas ay umaalis si Marco papunta sa kung saan. Hindi ko naman siya tinatanong doon. Kasi noong sinubukan kong tanungin ay sinabi niya lang sa akin na mas mabuti raw kung wala ako masyadong nalalaman tungkol sa trabaho niya.
Gusto ko lang naman sana mas makilala pa siya.
Hapon noong may dumating na naman na stylist. Pinapaayusan daw ako ulit ni Marco. Wala akong ideya kung saan na naman niya ako dadalhin. Pero hinayaan ko lang sila.
Noong matapos kami ay isang pulang fitted dress ang suot ko. V-neck iyon kaya kita ang cleavage ko. Wala ring manggas pero hindi naman nakababastos kung tingnan. Ang buhok ko ay nakalugay lang.
Paglabas ko ay imbes na si Marco ang makita ko, si Brian ang naroon. Nasa tabi siya ng isang kotse habang naninigarilyo. Na agad nitong pinatay noong makita ako kahit mahaba pa ang stick.
"Miss, are you ready?" tanong niya.
Marahan akong tumango.
Sa kanilang dalawa, si Brian ay mas kalmado. Siya ang tipo na madali mong lapitan at hindi ka matatakot na pakiusapan. Hindi kagaya ni Marco na palaging salubong ang mga kilay.
Binuksan na nito ang pinto sa likod ng kotse kaya sumakay ako roon. Walang driver sa unahan. Nagulat pa ako noong si Brian ang sumakay doon.
"Ikaw ang maghahatid sa akin?" tanong ko. "Hindi ba dadating si Marco?"
Sandali niya akong tiningnan mula sa rearview mirror.
"Hindi, Miss. Naroon na siya sa restaurant."
Nangunot ang noo ko.
"Restaurant?"
"Oo. You two will be having dinner."
Nalito pa ako nang kaunti. Sa ayos ko kasi ay akala ko party ang pupuntahan namin. Dinner lang pala iyon pero parang overdressed na ako.
Hindi na lang ako sumagot at ginawang komportable ang sarili sa pagkakaupo. Pinaandar na rin naman kasi 'yon ni Brian.
Tumikhim si Brian noong nakalayo na kami sa mansyon.
"How are you, Miss Lorribel?" tanong ni Brian.
Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya sa unahan.
"Ako? I'm... Okay naman," nalilito kong tanong.
Araw-araw naman kaming nagkikita kaya akala ko alam niya kung ano ang sitwasyon ko. Pero okay lang, magaan din sa pakiramdam na tinatanong kung ayos lang.
"You seem to be enjoying your life with the Master."
Bahagya akong napangiwi.
"M-Medyo nakapag-adjust na ako," tugon ko.
Pakiramdam ko bigla ay ini-interview niya.
Bumuga ng hangin si Brian. Para itong may gustong sabihin na hindi nito masabi. Para kasing ang lalim ng hinugutan niya ng paghinga niya.
"May... gusto ka bang sabihin?"
Sandali niya akong tiningnan mula sa salamin.
"Well, it's nothing. I just noticed that the boss is different now."
"Talaga? Paanong nag-iba?"
Matagal bago sumagot si Brian.
"I guess... he's already falling. And you what? Falling in love with a person like him... is dangerous."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang pagbabanta ang mga salitang iyon.
"A-Alam ko naman kung ano siya. He's a Mafia."
"He's not just a Mafia, Miss Lorribel. He is a boss. And with someone na may katungkulan na kagaya niya, hindi magiging madali ang lahat. He needs to be strong. Ruthless if he needed to. And love... softens him."
Para akong sinampal sa sinabi niya. Tao lang naman si Marco. Mali ba na makaramdam siya ng pagmamahal? At isa pa, wala pa naman ata sila sa ganoong posisyon.
Hindi ako umimik. Napaisip ako bigla sa mga tinuran niya.
Kung iisipin nga ay malayong-malayo ang estado ng buhay namin ni Marco. Hindi nga lang estado, pati ang mundo namin.
Mafia siya. Nabubuhay sa underworld. Ako? Isa lang akong simpleng babae na nagmula sa probinsya. Nagmula sa hindi kilalang pamilya.
Pero kahit naman ganoon ay nagkakaunawaan naman kami ni Marco. Hindi ba iyon ang importante? At kung kami nga ay umabot sa puntong iyon... hindi ba talaga pwede?
"I'm not saying that you should stay away from him. The boss wants you. He needed you. But I'm just hoping that you don't expect too much, Miss Lorribel. Isipin mo pa rin ang sarili mo. Ang nararamdaman mo. Don't fall hard for someone like him," dagdag pa niya.
Lalong hindi na ako sumagot. Mga salita pa lang niya ay para nang kutsilyong tumatarak sa dibdib ko.
Chapter 25
Sandaling nawala ang mabigat na pakiramdam ko dahil sa pag-uusap namin ni Brian noong dumating kami sa restaurant. Isa iyong five-star restaurant. Iyon ang unang beses kong makarating sa ganoong lugar.
Kahit kasi naging nobyo ko si Greg ay hindi naman niya ako dinadala sa ganitong lugar. Ngayon ko lang na-realize, isang anak ng mayaman pero halos ako pa ang gumastos noon.
Ang tanga ko pala sa pag-ibig.
Simple lang ang disenyo ng restaurant pero lahat ay elegante. Sa gilid ay mayroong live band na tumutugtog ng mabagal na tugtogin.
Nakakatatlong serve na sa amin ng pagkain noong hindi ko na mapigilan na magtanong.
"Bakit parang tayo lang ang narito, Marco?" tanong ko.
Kanina pa kasi ako tumitingin sa entrance pero wala ng ibang pumasok sa loob kundi ako lang. Wala rin akong nakitang mga custumer na kumakain. Kami lang din.
Sandaling tumigil si Marco sa pagnguya at tumingin sa akin.
"No one will come. I rented the whole place."
Napakurap-kurap ako.
"Talaga?!" gulat na tanong ko. Nasapo ko pa ang bibig ko dahil parang nag-echo ang boses ko sa buong paligid. "Nirentahan mo? E... ang mahal dito!"
"It's nothing."
Napalabi ako noong maalala ko kung sino ang kaharap ko. Oo nga pala. Isa pala siyang boss.
Napabuga ako ng hangin at nagpatuloy sa pagkain.
"Ahm, Marco. Nagkaroon ka na ba ng nobya?"
"What?"
"Girlfriend."
Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin na rin pala siya sa akin na bahagyang nakakunot ang noo.
"I don't have time with that."
"Really? E... ibig sabihin hindi kapa nagkaroon ng karelasyon?"
"Women throw theirselves to me. Do you really think I still would care about a relationship?"
Bahagya akong napalabi sa sinabi niya. Sabagay. Hindi na ako magtataka kung totoo man 'yon. Magandang lalaki si Marco. Walang-wala sinabi si Greg.
Pero ewan ko. Parang nasaktan ako sa sinabi niya.
"So... wala kang balak na makipagrelasyon?" mahinang tanong ko.
Tinusok-tusok ko ang karne na nasa plato ko gamit ang tinidor na hawak ko. Tama nga siguro si Brian. Hindi ata ako dapat mag-expect sa kaniya. Siguro dapat isipin kong nakakontrata lang kami.
After a year ay wala na.
"Why are you asking these questions, Lorribel?" tanong niya.
Nag-angat ako ng ulo. Nakatitig pa rin siya sa akin habang magkakrus ang mga braso.
"Huh? Bawal ba?"
Hindi siya tumugon. Nanatili lang siya nakatitig sa akin.
"Are you wondering what are we now?"
Bahagyang namilog ang mga mata ko. Iwinaksi ko ang aking mga kamay habang umiiling.
"Naku! H-Hindi a! Hindi naman sa gano'n. Ano... A-Alam ko naman ang posisyon ko sa buhay mo."
Bigla akong nalungkot. I'm just his slave or whatever.
He chuckled. Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Ano naman ang nakakatawa?" tanong ko.
"Nothing. You looked cute when you're mad."
Napakurap-kurap ako. Ramdam koa ng pamumula ng mga pisngi ko.
"Huh?"
Ngumisi lang si Marco na tila ba ay nasisiyahan pa rin sa kaniyang nakikita. Inilahad niya ang kamay sa lamesa paabot sa akin.
"Give me your hand."
"Ha? Bakit?"
"Just give it to me."
Nag-aalinlangan na iniabot ko sa kaniya ang kanang kamay ko.
"Not that. Your left hand."
Sinunod ko siya. Inabot ko sa kaniya ang kaliwa kong kamay at pinatong sa palad niya.
"Ano ba 'yon?"
May hinugot siya loob ng kaniyang jacket. Nagulat na lang ako noong makitang may isinusuot siya sa daliri ko na singsing.
"A-Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.
Isa iyong white gold ring na may malaking dyamante. Nangingintab iyon sa laki na para bang masisilaw na ako.
"A ring." Hinaplos niya ang palad ko. "It looked beautiful to you."
Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko nga ay pinagpapawisan na ang kilikili ko dahil sa kaba. Pero siya ay parang kalmado pa rin.
"Oo. Alam ko. Singsing ito. Pero bakit mo ako binibigyan nito?"
Tumingin siya sa akin. Sa mga mata ko. Sa unang pagkakataon ay nakita ko iyong mapupungay at tila ba nangungusap sa akin.
"Marry me, Lorribel."
Bahagyang umawang ang bibig ko.
"S-Seryoso ka ba?"
Tumango si Marco.
"Yes. Just say yes. I don't do promises. But you know me. I'd burn the world for you."
Nangilid ang mga luha ko. Wala siayng maraming salita. Walang mga pangako. Pero ramdam ko ang sensiridad sa bawat salitang kaniyang sinabi.
At alam ko sa kaibuturan ng puso ko na totoo iyon.
Marahan akong tumango.
"Okay. O-Oo, Marco. Pakakasalanan kita."

.png)