The Penthouse Secrets:
Ellaine's Heart
Ameiry Savar
Blurb:
Ako si Ellaine Sandoval. Maganda, sexy, sikat, at higit sa lahat ay mayaman. Lahat ng kababaihan sa buong bansa ay tinitingala at kinaiinggitan ako.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, walang nakakaalam sa aking pinakatatagong lihim. Ngunit masisisi ba nila ako kung ito lang ang tanging naging paraan ko para makuha at marating kung ano ang mayroon ako ngayon?
Chapter 1
“1, 2, 3, action!” sigaw ng photographer na kukuha ng aking larawan.
Agad kong ipinakita ang best post ko. Lalo akong ginanahan noong mapansin ko ang pagkamangha ng mga staff habang nakatingin sa akin.
This was my life. And I owned it. People pay and adore me for posting in front of the camera, or even breathing.
Walang kahit sino man ang hindi nakakakilala sa isang Ellaine Sandoval.
Being the top actress and model in the country. Sino nga ba ang hindi hahanga sa akin?
Muli pang nagmwestra ang photographer sa akin. Ilang shots. Then the photoshoot ended.
Agad na lumapit sa akin ang PA ko at binalutan ako ng towel matapos ang photoshoot. Iginiya niya ako papunta sa dressing room ko at binigyan ng tubig.
Bilang isang superstar, may sarili kong dressing room sa lahat ng mga pupuntahan kong photoshoot. May sariling glam team at
Doon pa lang ako nakahinga nang maluwag.
“After this, kailangan nating bumalik sa station para sa interview.”
Nangunot ang noo ko at napatingin kay Cheska, ang PA ko.
“Interview for what? Bakit hindi ko ‘to alam?”
Napakurap-kurap si Cheska. “Wala bang binanggit si Ms. Cheng sa ‘yo?”
Si Ms. Cheng, ang manager ko at ang may-ari ng talent agency na may hawak sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ako nakarating sa rurok ng tagumpay.
“Wala naman. May problema ba?”
Muli kong binalik ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin. Pero hindi nakatakas sa akin ang pag-aalinlangan sa ekspresyon ni Cheska.
Naiikot ko ang mga mata ko.
“Pwede ba, Cheska. May problema ba ako ngayon? May issue na naman? What is it?”
Napakamot sa may ulo si Cheska.
“Ahm… siguro si Ms. Cheng na lang ang magsabi sa ‘yo. Naroon na rin naman siya sa station. Magbihis ka na lang para makaalis na tayo.”
Napailing na lang ako. May mga pagkakataon talagang hindi maaasahan si Cheska. Paano? Kahit kasi ako ang amo niya ay si Ms. Cheng pa rin naman ang boss niya.
Hindi na naman kasi bago sa akin ang mga issue. Maraming mga co-star ko ang na iinggit sa akin. Madalas ay ginagawan nila ako ng kwento. Pero lahat ng iyon ay nawawala rin agad dahil nga ako ang pinakapatok ng artista ngayon.
They all can try to bring me down, pero hindi sila lahat nagtatagumpay.
Nagbihis ako ng white t-shirt at fitted jeans. Hindi ko na rin inalis ang makeup ko pero tinanggal ko na ang suot kong jewelry at iba pang accessories. Lahit kasi iyon ay pagmamay-ari ng brand na prino-promote ko.
Hindi na rin kami nagtagal sa studio at umalis na rin doon.
Saka lamang ako nakahinga nang maluwag noong makasakay na ako sa van. Muli akong binigyan ni Cheska ng refreshments dahil sobrang init.
“Ahm, dadaan pala muna tayo sa agency, Ellaine. Doon na lang tayo muna pinapapunta ni Ms. Cheng.”
Tumango na lamang ako. Inilapag ko sa bottle holder ng upuan ko ang tumbler ko at saka isinandig ang likod sa upuan.
Wala pang kalahating araw pero masakit na ang katawan ko sa daming ginagawa. Mamaya ay may shooting pa ako para sa bagong movi na pinagbibidahan ko.
Minabuti kong ipikit na lang muna ang mga mata ko at umidlip. Nagising na lang ako na tinatapik na ako ni Cheska. Nakarating na pala kami sa agency ko.
The Love Talent Agency.
My home.
Ang agency na nagbago ng buhay ko.
Sa labas pa lang ay may mga nakita na akong fans na may hawak na karatula ng pangalan ko. Napangiti ako agad.
“Kuya, ipara mo saglit sa harap nila,” sabi ko sa driver.
“Ha? Ellaine. Kailngan na nating pumasok sa loob,” protesta ni Cheska.
Tiningnan ko siya. “Saglit lang, Cheska. Kanina pa sila nakatayo diyan. Kawawa naman.”
Walang nagawa si Cheska. Ipinara ni kuya ang van sa tapat ng fans ko. Ibinaba ko na ang bintana at narinig ko agad ang malakas na sigawan ng mga ito.
“Ellaine! OMG!”
“Ang ganda mo talaga, Ellaine!”
“Pa-picture idol!”
Napangiti ako nang malapad. Kumaway ako sa kaniya.
“Sige. Pero hindi ako pwedeng bumaba,” nakangiting sabi ko.
Agad na inilabas ng mga ito ang kani-kanilang mga picture. I posted my sweetest smile. Pero nabura iyon agad noong mapansin ko ang isang karatula sa may dulo. Hawak iyon ng isang babae na naka-hood at face mask.
“ISA KANG POKPOK, ELLAINE! HINDI MO MATATAKBUHAN KUNG ANO KA!”
Napalunok ako sa nabasa ko. Ni wala manlang imik ang may hawak niyon at deretsong nakatingin sa may pwesto ko. Pakiramdam ko pa ay nakangisi ito sa ilalim ng suot nitong face mask.
“Halika na, Ellaine,” ani Cheska.
Marahan niya akong hinila at siya na mismo ang nagsara ng bintana.
“Pasok na tayo, Kuya,” sabi pa nito.
“Did you see it?” tanong ko.
Natigilan si Cheska. Nakakunot ang noo na tumingin siya sa akin.
“Ang alin?”
Huminga ako nang malalim. Marahan akong umiling.
Baka namamalikmata lang ako.
“Nothing.”
Chapter 2
Pagpasok sa loob ng opisina ni Ms. Cheng ay ramdam ko na ang tensyon. Something na unang beses kong maramdaman sa sampung taon ko na sa industriya.
Pero hindi ko iyon pinansin. Dumeretso ako sa mahabang sofa at naupo roon. Inilapag ko ang dalang bag sa tabi ko. Tumingin ako kay Ms. Cheng na nasa lamesa niya at nakaupo sa swivel chair. Mayroon itong binabasa sa hawak nitong tablet. Nakakunot ang noo at seryoso ang mukha.
“Ms. Cheng, I’m already here,” ani ko.
Hindi pa rin nag-angat ng ulo si Ms. Cheng. Na para bang hindi niya ako narinig.
Napailing na lang ako. Isinandal ko ang likod ko saka pinagkrus ang mga braso. Hindi ko pa talaga makakausap si Ms. Cheng hanggat mayroon itong binabasa.
Higit na mas matanda sa akin si Ms. Cheng. Sa katunayan ay parang nanay ko na ito. Pero sa edad nitong fifty-five ay hindi pa rin ito kinakikitaan ng katandaan. Dahil na rin siguro sa dami nitong pera. Kaya nitong alagaan ang sarili.
Si Ms. Cheng ang nagdala sa akin sa kung nasaan man ako ngayon. Siya ang nagpasikat sa akin at nagbukas ng pinto ng oportunidad para sa akin. Ito rin ang nagligtas sa akin mula sa lusak.
Kaya naman ay malaki talaga ang utang na loob ko kay Ms. Cheng. Kung hindi dahil sa kaniya, walang Ellaine Sandoval na tinatangi ng lahat ngayon.
“Ellaine.”
Finally.
Ngumiti ako ng malapad at lumingon kay Ms. Cheng. Pero imbes na smile din ang isalubong niya sa akin ay seryosong mukha pa rin nito ang bumungad sa akin.
“Ahm… Sabi ni Cheska ay kailangan naming dumaan dito.”
Huminga nang malalim si Ms. Cheng. Binitawan nito ang hawak na tablet at sumandig sa upuan nito.
“Ilang taon ka na nga ulit as an actress?”
Bahagyang napawi ang mga ngiti ko at kumulubot ang noo.
“Ten years?” patanong na sagot ko.
Tumango-tango si Ms. Cheng. Pinagkrus nito ang mga braso.
“You’ve been my star actress since then, Ellaine. Everyone wants you kahit na ilang taon na ang nakalipas.”
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit parang may laman ang mga salita ni Ms. Cheng.
“Y-Yes. And I’m grateful dahil ikaw ang may dahilan niyon.”
“Right. You’ve given me so much already. I saved you from that place.”
Hindi ako sumagot. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
“Ano ba ito, Ms. Cheng? May problema ba?” sa wakas ay tanong ko.
“Well.”
Tumayo si Ms. Cheng. Lumipat siya sa katapat kong sofa. Sa pang isahang upuan na palagi niyang pinupwestuhan para kausapin ng masinsinan ang mga talents niya.
“Wala naman… na hindi ko kayang ayusin.”
Muling naging seryoso ang mukha niya.
Ako naman ay tuluyang nawala ang mga ngiti. Bumilis na rin ang pagtibok ng puso ko.
“What is it, Ms. Cheng? Sabihin mo na sa akin, please. Stop teasing me.”
Sumandig si Ms. Cheng sa kaniyang upuan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“You’ve changed so much since then, Ellaine. But your beauty is timeless. And you took care of your body. Thanks to your dead parents' genes. You’re really gorgeous.”
Naiikot ko ang mga mata ko. “I know.”
“But there’s a little problem. Unti-unti na naman kumakatok ang nakaraan mo, Ellaine.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Bahagyang umawang din ang bibig ko habang tinititigan siya. I tried searching for something from her expression. Something na magsasabi na nagbibiro lang siya. But there was nothing.
“W-What do you mean, Ms. Cheng?”
Huminga nang malalim si Ms. Cheng. Napakamot pa siya sa ulo.
“You have a scandal now, Ellaine. It’s been circulating online. Ngayon ay nagawa na naman burahin ng IT team natin. The sites are cleared. But someone saw it. Someone na hindi dapat nakakita na niyon.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Ms. Cheng.
Ten years na ang nakalipas. Ilang taon na. Halos limot ko na nga ang parte ng buhay ko na iyon. Pero heto at mukhang sasampalin na naman ako ng reyalidad.
“W-Who?”
Huminga nang malalim si Ms. Cheng.
“I can do everything for you, Ellaine. Hindi rin naman kasi biro ang naibigay na pera mo na sa akin. Dahil sa ‘yo ay kaya ko nang buhay ang hanggang sa limang henerasyon ng pamilya ko. But… you know that I don’t have all the power, right? I have all the connections. But this… this is something out of my reach.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Ms. Cheng. Alam ko naman iyon. Ilang beses ko nang napatunayan iyon. Nariyan siya para tulungan ako palagi. Pero para magsabi siya ngayon ng mga ganitong salita ay alam ko na hindi madali ang lahat para sa kaniya.
“Just tell me who it is and what he wants, Ms. Cheng.”
Muli ay huminga siya nang malalim. Deretso niya akong tiningnan.
“It’s Lorenzo Ricci. A known Mafia Leader from Russia.”
Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko kasi kilala ang pangalan na binanggit niya. But what he was, iyon ang nagpakabog lalo ng dibdib ko.
A Mafia boss.
“W-What does a Mafia boss want from me? Hindi ko naman sila kilala,” giit ko.
“He wanted to buy you, Ellaine.”
Chapter 3
Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko ang mga salita ni Ms. Cheng.
He wanted to buy me. That Lorenzo Ricci, whoever the fuck he was.
Gusto niya akong bilhin na para bang isa akong laruan o bagay na basta-basta lang binibili.
Paanong may ganitong kalseng tao kung mag-isip?
Matapos naming mag-usap ay dumeretso na ako sa penthouse ko. A unit owned by Foedus Corp. Wala akong ideya sa kanila. Pero sikat ito sa mga mayayamang mga personalidad. Nasa tuktok ng isang one-hundred-storey building ang unit ko.
Unit 1003.
A place na hindi basta-basta mararating ng mga simpleng tao lang. Bukod sa elegante ang bawat silid dito. Umaabot ng milyon ang presyo ng bawat unit.
Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa sala. Studio type ang kinuha kong unit. Kaya kita mula sa sala ang kusina. May upper part lang kung nasaan ang kwarto ko.
I only have one room. Mag-isa lang naman kasi talaga ako.
Bata pa lang ako ay ulila na ako. Kaya nga ako napunta sa trabahong hindi ko naman gusto.
Wala akong choice kundi ang gamitin ang ganda at katawan ko noon para lang mabuhay. But thanks to Ms. Cheng, hindi ko na kailangan pang isipin iyon.
Pero matapos ang ibinalita niya ay pakiramdam ko muli akong hinihila pabalik sa nakaraang matagal ko nang tinatakasan.
Kinuha ko agad ang cellphone ko ang sinearch ang pangalan ni Lorenzo Ricci.
I couldn’t find anything, except for a big corporation owned by Ricci Familia.
Siya ba ang may-ari nito?
But the Chairman was someone named Leonard Ricci.
Huminga ako nang malalim at hinagis ang cellphone sa sofa.
Ms. Cheng said that I shouldn’t worry that much. Susubukan naman daw niyang kausapin ulit. Pero dahil nga isang mafia ang nagkakainteres sa akin, hindi siya nangangako.
Napapikit ako ng mariin at isinandig ang ulo ko patalikod sa sandalan ng sofa.
After ten years as an actress, akala ko ay matagal ko ng natapos ang buhay ko na iyon.
Yes, back then. Malayong-malayo sa image ko ngayon ang tunay kong pagkatao.
I was a slut. An escort. Iba’t ibang mga lalake ang nagkakandarapa sa akin gabi-gabi para lang maikama ako. They didn’t care kahit kaka-eighteen ko lang. The moment na nasa legal age na ako ay agad akong ibinenta ng amo ko.
Gabi-gabi ay iba-ibang lalake ang nakakasama ko. Iba-ibang amoy. Iba-ibang laway.
Akala ko noon ay nabura na lahat ng nakaraan ko. Akala ko tapos na ang lahat. Pero heto ako ngayon, nanganganib na maulit ang nakaraan na matagal ko tinakasan.
I’m changed now. Nagbebenta pa rin ng aliw, yes. But in a different way. Everyone wants to be me now.
Minabuti kong mag-ayos na at maglinis ng katawan. Maaga pa ako bukas dahil nga may shooting pa ako. Mabuti na lang at hindi natuloy ang interview na sinabi ni Cheska. Pinatigil na raw ni Ms. Cheng.
Makakapagpahinga ako ngayon nang mas maaga.
Our floor was quiet now. Hindi kagaya noong mga nakaraang gabi. Mabuti na rin. Usually naman mga walang pakealam sa isa’t isa ang mga kapit-bahay ko. Hindi kagaya noon sa tenement.
I went upstairs para maglublob sa bathtub. Madalas ko iyong ginagawa kapag wala akong paraan para magbakasyon.
It was my way of relaxing.
Tinanggal ko isa-isa ang suot kong damit hanggang sa wala ng matira sa katawan ko. At saka hinayaan ang katawan ko na mababad sa maligamgam na tubig.
Agad akong sumandal sa dulo at iniunan ang ulo ko roon. Kinuha ko ang cellphone ko para mag-scroll sa social media.
I’m using dummy accounts para walang makakilala sa akin. Just scrolling. Hanggang may mabasa akong article tungkol sa akin.
Ellaine Sandoval, A slut she was.
Awtomatikong naningkit ang mga mata ko.
Hindi talaga nila ako tatantanan, ‘no? Madalas talaga ang mga inggit ay gagawin ang lahat para lang masira ang kinaiinggitan nila.
Well, they should try harder. Hindi pa oras para mapabagsak nila ang isang Ellaine Sandoval.
So what kung dati akong pokpok? Kung marami ng mga lalake ang nakatikim sa akin?
I did it hindi dahil sa gusto ko iyon. Kundi dahil sa wala na akong naaging choice.
I lost my parents. Lumaki ako sa lansangan. At para makakain ay kinailangan kong ibenta ang sariling katawan para lang mabusog.
Sinubukan ko namang mamuhay ng marangal noon. Pero dahil ilang taon pa lang ako noon at napapalibutan ng mga matatandang hayok ang laman ay wala akong nagawa.
I did what I had to do.
Nilunok ko ang natitirang hiya at moralidad sa katawan ko.
At ngayon ay may balak na ibalik ako sa dati kong pinagmulan? I won’t let that happen.
Hindi ako matatakot kahit sino pa siyang Poncio Pilato.
Chapter 4
Maaga akong nagising kinabukasan. Sunod-sunod kasi ang ring ng cellphone ko. Pagtingin ko ay si Cheska pala iyon.
It was four in the morning! Ano naman ang kailangan niya? Eight pa ang schedule ng shooting ko kaya sobrang aga pa.
Pinilit kong maupo at sinagot ang tawag ni Cheska.
“What is it?” I asked. Paos pa ang boses ko dahil kagigising ko pa nga lang.
“Y-You need to come to Love Talent now! Please!”
Nangunot ang noo ko.
“Huh? Bakit? Nasa baba ka na ba?”
“Wala, Ellaine. Nandito nga ako sa company.”
“What? Bakit nandiyan ka? Paano ako pupunta diyan? Andito ba si Manong?”
“Yes. Sinabihan ko na siyang sunduin ka ngayon. Just come here now,” mariing sabi nito.
I want to dismiss her. Pero hindi ko maitanggi ang pagmamadali sa kaniyang boses. She was almost begging me to go there.
“May problema ba si Ms. Cheng?” tanong ko.
Tumayo na ako mula sa kama at nagpunta sa walk-in wardrobe ko.
Hindi sumagot si Cheska. Bagkus ay pinatay lang nito agad ang tawag.
Nakakunot ang noo na tiningnan ko ang cellphone ko. She really ended the call.
Doon na ako biglang nakaramdam ng kaba.
What was going on there?
Napailing na lang ako. Nagmamadaling nagbihis lang ako ng fitted jeans at white T-shirt. Pinatungan ko iyon ng oversized hoodie at black cap. Nagsuot na rin ako ng face mask para matakpan ang mukha ko. Then I went out of my unit.
Paglabas ko ay may nakasalubong akong isang babae. Usually ay hindi ako namamansin ng mga kapit-bahay ko. But there was something different about this woman. Pumasok siya sa unit 1007. She looked in a hurry but still managed to look elegant.
Nagkibit na lang ako ng balikat at pumasok ng elevator. Ang mga nakatira sa penthouse dito sa building ay may sariling elevator. Kaya hindi ako nag-aalala na maari akong makasalamuha ng ibang tao. Kung mayroon man, for sure na wala ring pakealam sa akin.
I went to the garage. Nakita ko na roon si Mang Ben, ang driver ko. Nasa labas na siya ng kotse at naghihintay sa akin. Agad nitong binuksan ang pinto ng van, kaya pumasok na ako.
Hindi na rin nagtagal ay umandar na kami at nagbiyahe papunta sa company.
Madilim pa rin ang paligid. Papasikat pa lang kasi ang araw. Hindi ko pa nga ito matanaw sa langit. Minabuti ko na matulog pa saglit dahil hindi pa talaga gising ang diwa ko.
Pagkarating ko sa company ay madilim iyon. Nagtaka pa ako dahil akala ko ay narito sila Cheska.
Tatawagan ko na sana siya noong biglang may lumabas na text sa akin.
“Come to Ms. Cheng’s office.”
Unknown number. May hinala ako na si Cheska. Pero bakit ibang number ang gagamitin niya?
Nagpaalam na ako kay Mang Ben at mag-isa na lang ako na pumasok sa loob ng building. Kahit naman na madilim na ang paligid ay may guard pa rin doon. Kaya kahit gabi na ay working pa rin ang mga elevator.
I arrived at the top floor. Kita ko sa siwang ng pinto ng opisina ni Ms. Cheng ang liwanag mula sa loob. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyan nang pumasok sa loob.
Natigilan pa ako sa nakita ko pagkapasok ko sa loob.
Hindi lang si Ms. Cheng ang naroon sa loob. There were at least ten people inside.
Nakaupo si Ms. Cheng sa mahabang sofa. Katabi niya si Cheska na nakatungo lang at halatang kabado. She was not on her usual spot. Sa pang isahang sofa na nagsisilbing trono niya sa loob ng opisinang iyon.
Someone else was there.
A man wearing a suit was there. His sharp eyes instantly caught mine. Napalunok ako noong magkatitigan kami. Those green eyes were like seeing my soul. I could see from his sharp jaw that his teeth were gnashing. Nakaupo siya na para bang siya ang may-ari ng mundo. Nakapatong pa nga ang kanang siko niya sa armrest ng sofa. At hindi ko maitatanggi ang kakaiba niyang awtoridad.
Sa likod nito nakapwesto ang ilan pang kalalakehan na seryoso rin kung makatingin.
“Ellaine! Mabuti naman at narito ka na!” Ms. Cheng said noong mapansin niya ako.
Naglakad ako palapit kay Ms. Cheng.
“Ms. Cheng… pinapunta mo raw ako rito?”
Tumayo si Ms. Cheng at lumapit sa akin. “Yes. Come on. Sit here.”
Tumayo agad si Cheska at pumwesto sa may likod ng sofa. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin kahit na sigurado ako na alam niyang narito na ako.
Naupo ako roon at tinanggal ang suot kong face mask at sumbrelo.
“Hindi ko alam na may bisita ka pala, Ms. Cheng.”
Ngumiti sa akin si Ms. Cheng. “Yes. Biglaan lang kasi, Ellaine. I hope hindi ka namin na istorbo.”
Nag-alinlangan akong sagutin siya. Naistorbo naman talaga nila ako.
“Who is he?” tanong ko.
Tumingin ako ulit sa lalake. Nakatitig pa rin ito sa akin. Na para bang makawawala ako bigla kapag inalis niya kahit isang tingin lang sa akin.
“Ahm… this is… This is Mr. Ricci, Ellaine. He is here to see you.”
Natigilan ako sa sinabi ni Ms. Cheng.
“Ricci?”
I stared at the man. His jaws tightened. Then he finally smirked. He showed his perfectly lined white teeth.
“I finally meet you, Ellaine.”
Chapter 5
Pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan noong marinig ko ang baritono nitong boses.
Hindi ako nakaimik at nakaawang lang ang bibig na nakatingin sa kaniya. Hindi pa nga kami nagkakadaupang palad pero pakiramdam ko ay hinuhubaran na niya ako sa mga tingin niya pa lang.
Those green eyes were like memorizing every inch of my body. Especially my face. Hindi mawala-wala ang nakaangat na gilid na labi nito. He was as if enjoying watching me.
Bigla akong nakaramdam nang pagkailang. Sanay naman ako na may mga taong nakatingin sa akin. Kahit nga nakahubad ay sanay na sanay na ako. Pero iba ang mga tingin nito. Para akong inaarok kahit sa mga tingin pa lang niya.
Pero hindi ako dapat magpadala sa kakaibang presensya niya, at sa kaniyang mga titig na kaakit-akit. He was the one who wanted to buy me after all.
Nagsalubong ang mga kilay ko at umayos ng upo.
“Mr. Ricci? I… I didn’t know, Ms. Cheng,” tugon ko.
Hindi ko iniwas ang mga tingin ko sa kaniya. Sinigurado ko na mararamdaman niya na hindi ko gusto ang presensya nito. Ngunit bago pa man makasagot si Ms. Cheng ay tumayo ito bigla.
“It’s okay. I saw her now,” ani Mr. Ricci. “We have a deal, Ms. Cheng. You know I don’t take no for an answer.”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa ulo ko.
“And how do you think that I will agree to it?” tanong ko sa kaniya.
His smiles faltered. Pero imbes na mainis ay parang mas nabuhayan pa ito sa sinabi ko. Habang si Ms. Cheng naman ay napakapit na sa braso ko. Mahigpit na para bang sinasabi nito na mag-ingat ako sa mga sinasabi ko.
So, what? I’m done doing that job. Hindi ako papayag na muling bumalik doon.
Bahagyang umarko ang kilay nito at nagkibit ng balikat. Hindi na naman ito nagsalita pa at naglakad na palabas ng opisina ni Ms. Cheng.
Tumayo si Ms. Cheng at nag-bow dito.
“Thank you for coming, Mr. Ricci! I will call you soon!” ani Ms. Cheng.
Napailing na lang ako pagdating talaga sa pera ay ang bilis ni Ms. Cheng. Pero may tiwala naman ako sa kaniya.
Muli pa akong tiningnan nang makahulugan ni Mr. Ricci bago ito tuluyang lumabas ng silid. Saka lang ako na-relax noong mawala na sila sa loob. Sumandig ako at pinagkrus ang mga braso.
Si Ms. Cheng naman ay agad na bumalik sa kaniyang upuan at deretso akong tiningnan.
“What’s with your attitude, Ellaine? Hindi mo ba makita kung gaano ito kaseryoso?!” tanong ni Ms. Cheng.
Bahagyang napaawang ang bibig ko. “Ha?”
“Don’t ha me, Ellaine! Hindi mo ba maintindihan kung gaano kabigat ang sitwasyon natin ngayon? Mr. Ricci has personally come here now! And he is already demanding you!”
Napakurap-kurap ako. “Seriously? Bakit parang kasalanan ko pa, Ms. Cheng? Don’t tell me you are agreeing to him? Binibenta mo ako?” tanong ko.
Nag-iwas ng tingin sa akin si Ms. Cheng. Doon pa lang ay bigla na akong nanlumo. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga naranasan ko noon.
“Y-You don’t seriously…”
Bumuga ng hangin si Ms. Cheng. Muli siyang tumingin sa akin.
“Ellaine, hindi ko naman gustong mangyari ito. Pero ano ang magagawa ko? Mr. Ricci is not just a person I could negotiate with. Iba siya, Ellaine. He is out of reach. Sana naman ay maintindihan mo ako.”
Natawa na ako ng pagak. Napailing-iling ako.
“So you really are going to sell me to him? Bakit? Bugaw na ba ang bago mong trabaho ngayon?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Ms. Cheng. “Magdahan-dahan ka sa mga salita mo, Ellaine. Don’t forget your place,” seryosong sabi niya.
Nag-iwas ako ng tingin. “I know my place, Ms. Cheng. At habang-buhay ako na magpapasalamat dahil iniligtas mo ako sa lugar na iyon. Pero hindi ako makapaniwala na ikaw pa ata ang may balak sa akin na ibalik sa sitwasyong iyon. You know how hard my life was,” mangiyak-ngiyak na sabi ko.
Muling bumuga ng hangin si Ms. Cheng. “I’m sorry. Hindi ko rin naman gusto itong mangyari. H’wag kang mag-alala. Hindi ko gagawin ‘yan sa ‘yo. Ang akin lang, you should at least talk to him in a civil manner. At intindihin mo rin ang sitwasyon ko, Ellaine. May pamilya din ako. Naiipit ako.”
Tuluyan na akong napaluha. “Then ano? Papayag na lang ako na sumama sa kaniya?”
Matagal bago nagsalita si Ms. Cheng. Kita ko ang matinding awa at pag-aalinlangan sa mga mata niya.
“No. Don’t worry. You are like a daughter to me already, Ellaine. Hindi ko rin naman gusto na mangyari ito sa ‘yo.”
Lalong nangilid ang mga luha ko. Lumapit ako kay Ms. Cheng at niyakap ito.
“S-Sorry, Ms. Cheng.”
Tinapik niya ang braso ko. “Sige na. Magpahatid ka na kay Cheska. Maaga ka pa mamaya.”
Kumalas na ako sa kaniya. Akala ko ay ipagkakanulo na niya ako. Pero nanaig pa rin ang awa niya sa akin.
Malaki ang pasasalamat ko kay Ms. Cheng. Nawalan man ako ng magulang. Napariwara man ako noon. May isang kagaya niya na tumayong magulang ko. At tunay na nagmahal sa akin kahit hindi niya ako kadugo.
Chapter 6
Naging tahimik ang buhay ko matapos ang tagpong iyon. Nagpatuloy ang buhay ko bilang artista. Tapping dito, photoshoot doon. Interviews. Events. Mall shows.
I did it well. I always did.
Pero habang tumatagal ay bigla akong nakaramdam nang kakaiba. I felt like someone was always watching me. I felt eyes behind my back.
Sinubukan kong h’wag pansinin iyon. But the feeling was strong, kaya halos nakakaapekto na iyon sa trabaho ko.
Nasa probinsya kami. Somewhere in Cebu. Para iyon sa isang movie na ginagawa namin. Dito ang setting ng movie namin. As usual, ako ang bida.
Katatapos ko lang ng isang take at pansamantalang nagpapahinga sa sarili kong tent. May sarili akong folding bed doon na sobrang komportable. Hindi pa man nagtatagal ang pahinga ko noong tumunog naman bigla ang cellphone ko. Ayaw ko sana sagutin dahil bawal. Pero wala namang ibang tatawag sa akin sa set kundi si Ms. Cheng.
Napabuga na lamang ako ng hangin at inabot ang cellphone sa gilid ko. Sinagot ko iyon habang pipikit-pikit pa ang mga mata ko.
“Ms. Cheng—”
“You need to go now, Ellaine!” Ms. Cheng said.
Nangunot ang noo ko noong mapansin ko ang pagmamadali sa boses niya.
“Ha?”
“You need to leave now. H’wag mo nang isipin pa iyang taping mo. You should go. Leave everything, even your cellphone.”
Naguluhan ako sa sinabi ni Ms. Cheng. Bakit naman niya ako biglang paaalisin? May scandal na naman ba ako?
Napaupo na ako. Pilit ko pa ring pinoproseso ang mga sinasabi niya.
“W-Wait, Ms. Cheng. I don’t understand. Bakit mo ako pinapaalis? What did I do?”
Sandaling natahimik si Ms. Cheng.
“I-I’m sorry, Ellaine. Wala akong ibang magagawa. Ito lang ang maitutulong ko sa ‘yo. I… I can’t sacrifice my family. I’m really sorry.”
Para akong sinampal sa sinabi ni Ms. Cheng. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binibitawan niya.
“Ms. Cheng—”
“There’s no time anymore. At this moment ay sigurado akong papunta na sila sa ‘yo. I’ve already given instructions to Cheska. I’m really sorry, Ellaine. I hope you understand my situation. Leave. Make sure to stay hidden. Don’t let him find you.”
Iyon lang at pinatay na ni Ms. Cheng ang tawag.
Unti-unti kong ibinaba ang cellphone ko. Why would I leave? Kanino ako dapat tumakbo?
Pakiramdam ko bigla ay naninikip ang dibdib ko dahil sa matinding kaba. Ramdam ko na nagpa-palpitate na ako dahil doon. Noong pumasok naman bigla si Cheska sa tent ko.
Napatayo ako agad.
“Cheska. What is going on? Bakit ako pinapaalis ni Ms. Cheng? What is happening?”
Hindi sumagot si Cheska. Nagmamadali lang itong lumapit sa mga damit ko at kumuha ng t-shirt at pantalon.
“Here. Magpalit ka ng damit mo. Bilisan mo. Ihahanda ko ang ilang mga damit mo,” utos niya. Ramdam ko ang pagmamadali sa boses niya. Kita ko rin ang takot sa mga mata niya.
Ano ba talaga ang nangyayari?
Hindi ako kumilos at tiningnan lang ang damit na ibinigay sa akin ni Cheska. May hinugot pa itong jacket ko. Tapos sunod nitong kinuha ay ang bodybag ko at nilagyan ng mga damit at undies ko. Inilagay niya rin doon ang mga dala kong importanteng gamit at toilletries.
Para talaga akong maglalayas sa ginagawa niya.
“No.”
Napatigil bigla si Cheska sa ginagawa niya at lumingon sa akin.
“Magbihis ka na, Ellaine. Please,” sabi niya lang at muling tumalikod sa akin.
Dumilim na ang mukha ko. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Pero inis lang niya iyon na winaksi at salubong ang mga kilay na tiningnan ako. Napaatras ako ng kaunti dahil unang beses kong makita na ganoon ang akto sa akin ni Cheska.
She was always gentle and loyal to me.
“Ano ba, Ellaine? For once h’wag ka namang maging makulit! Magbihis ka na!” ani Cheska. Mahina iyon pero ramdam ko ang gigil sa bawat salitang binibitawan niya. Nagpipigil lang din ito na hindi sumigaw.
Napaawang ang bibig ko.
“No! Hindi ako kikilos hanggat hindi mo ini-explain sa akin ang nangyayari, Cheska. At isa pa, saan naman ako pupunta? Nakakalimutan mo ata na wala na akong pamilya!” giit ko.
Doon naman parang natauhan si Cheska. Umawang pa ang bibig niya na para bang may sasabihin. Ngunit iniikom niya rin iyon at saka huminga nang malalim.
“Sorry. Pero… Mr. Lorenzo Ricci wants you already, Ellaine. Sinubukan ni Ms. Cheng na paliwanagan ito. Pero pinagbantaan nito na papatayin ang buong pamilya niya kapag hindi ito pumayag na bayaran ka. Wala siyang choice, Ellaine,” malungkot na sabi ni Cheska.
Natulala ako sa sinabi niya. So, iyon pala ang dahilan.
That bastard was demanding from me already.
Para akong nauupos na kandila na muling napaupo sa kama ko. Bigla ay naawa ako sa sitwasyon ko.
Oo, naiindintihan ko si Ms. Cheng. Pero gano’n gano’n na lang ba talaga niya ako ipagkakanulo sa lalakeng ‘yon? Kaso ano nga ba ang magagawa ko? Pinagbantaan na ang pamilya niya. Kahit sino naman siguro ay gagawin ang ginawa niya. Ang sakit lang dahil umasa ako na baka lang ay iligtas pa rin niya ako.
“Sige na, Ellaine. Don’t worry. May mga kamag-anak ako sa Mindanao. Doon ka pupunta. Na contact ko na sila kanina pa. Hihintayin ka nila sa pier,” mahinahon ng sabi ni Cheska. “Ibibigay ko sa ‘yo ang isa kong phone. Iwan mo na lang ang sa ‘yo rito para hindi mahalata. Nakapag-withdraw na rin ako ng pera mo kaya hindi mo kailangan mag-alala. Magsi-send din ako palagi. Sabihin mo lang sa kamag-anak ko doon.”
Nangilid na ang mga luha ko. Hindi pa rin mag-sink in sa akin ang lahat. Paano na ako ngayon?
Chapter 7
Hindi ko pa rin maproseso ang mga sinabi ni Cheska sa akin. I tried to remember it as much as I could. Pero dahil nga sa halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung maalala ko ba ang lahat ng bilin niya.
Umalis ako ng walang paalam sa set kanina. Ngayon ay narito na ako sa bus terminal, papunta na sa probinsya na sinasabi ni Cheska. Mayroon na akong ticket at hinihintay ko na lang na dumating ang bus ko.
Pumwesto ako sa pinakasulok ng waiting area. Sa may dulo malapit sa pader. Doon ay kita ko ang lahat ng papasok at lalabas sa gate ng terminal.
Kabado pa rin ako dahil alam ko na sa oras na iyon ay pinaghahanap na ako ng mga tauhan ni Mr. Ricci.
Sa dami ng habilin ni Cheska sa akin ay ang sinabi niya lang na h’wag basta-basta magtitiwala sa mga nakakausap ko ang naalala ko at siguraduhing walang makakakilala sa akin. E paano ko iyon gagawin? I am Ellaine Sandoval! Halos lahat ata ng tao sa Pinas ay kilala ako. Kahit nga dito sa terminal ay nakita kong nakakabit ang isa sa mga poster ko.
Inayos ko ang sumbrelo at face mask ko. Palagi rin akong nakatingin sa ibaba at sinusubukang hindi makatingin sa mukha ng kahit na sinong nakakaharap ko.
“Pwede ba ritong maupo?”
Biglang kumislot ang puso ko noong marinig kong may nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko ay may lalakeng matangkad at matipunong pangangatawan ang nakatatayo sa harap ng bakanteng upuan sa tabi ko. Naka-jacket din siya at facemask kagaya ko. Pero nakalitaw ang brownish niyang buhok. Kahit may takip ang mukha nito ay kita ko sa mga mata niya na foreigner siya dahil kulay abo iyon.
Pero magaling siya mag-Tagalog.
Tumingin ako sa hilera namin. Iyon na nga lang ang bakante. Wala na rin akong makitang bakante sa ibang upuan dahil kung hindi may mga nakaupo, gamit naman ang inilalagay nila roon.
Hindi ako sumagot. Bahagya lang akong umusod pa sa gilid kahit na wala na akong uusuran.
“O… kay. Thank you,” ani niya. Tapos naupo na siya sa tabi ko.
Muli kong ibinuhos ang atensyon ko sa ticket na hawak-hawak ko.
Hindi naman bago sa akin ang hirap. Pero sampung taon na akong namumuhay sa marangyang buhay. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa mag-adjust ulit. Tapos idagdag pang artista nga ako.
How can I even stop people from recognising me? Hindi ko naman gugustuhing sirain ang mukha ko para lang doon. This was my asset. My life. Mukha ko na nga lang ang natitira sa aking maganda at katawan.
“You’re going to Davao too? Ako rin,” ani ng lalake.
Sandali akong napatingin sa kaniya. Nakababa na ang face mask niya kaya mas lalo kong nakita ang kagwapuhan niya. Mas lalo kong naisip na hindi siya Pinoy. He was looking at the small paper I was holding.
Mabilis ko iyong itinalikod.
“Yeah,” tugon ko lang.
“It’s my second time here. Tagarito kasi ang mother ko. I want to visit her place again,” ani pa niya ulit.
So, half-pinoy siya?
Napailing ako nang kaunti. Bakit ko ba iniintindi iyon? Mas malaki ang problema ko ngayon. At bakit ba niya ako dinadaldal.
Tumingin ako sa kaniya at kinunutan ng noo.
He also turned to me and smiled.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Mas lalo kasing lumitaw ang kagwapuhan niya noong makita ko ang mga dimple niya. He looked so masculine, yet you’d feel secure in his presence.
‘Hindi ka pwedeng magtiwala kahit kanino, Ellaine. Remember that!’ muling umalingawngaw sa isipan ko ang boses ni Cheska.
Napakurap-kurap ako. Nag-iwas ako agad ng tingin at biglang napatayo.
“Y-You can have my chair.”
“Huh? Wait—”
Nagmamadali na akong umalis sa hilera na iyon at naglakad papunta sa banyo.
Para pa ring binubundol ang dibdib ko dahil sa takot.
Tama si Cheska. Hindi ako dapat basta-basta maniwala sa kahit kanino.
Muli akong nanliit sa sarili ko. Pakiramdam ko ay nag-iisa na naman ako.
Wala na akong oras na mag-emote pa sa banyo dito sa terminal. Hindi ko nagustuhan ang hitsura. Kaya minabuti ko na lang na lumabas ulit. Sakto naman na nakita ko nang dumating ang bus ko.
Naghintay na ako sa gilid sa pagpara niyon. Ngunit nagulat ako noong biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako palayo roon.
Sisigaw na sana ako noong mapansin kong ang lalakeng tumabi sa akin kanina ang humihila sa akin.
“Hey! Bitawan mo ako!” ani ko.
Pinilit kong hilain ang braso ko. Pero mahigpit ang hawak niya roon.
“Don’t ever think of going inside that bus.”
Natigilan ako sa sinabi niya at napakurap-kurap.
“H-Ha?”
Binitawan niya ako at tinitgan sa mga mata.
“If you don’t want them to take you. You will come with me instead.”
Lalo akong nalito. Does this man know who I am?
Pinakatitigan ko ang lalakeng nasa harapan ko. Nakasuot na ulit ang face mask nito at panay tingin sa paligid na para bang may hinahanap ang mga mata.
“They already know what bus you’re riding now. Do you really think that your assistant is trying to save you?” tanong ulit nito.
Napalunok ako.
“S-Sino ka ba? Why would I listen to you? Hindi kita ikalala!”
Akma ko siyang sasampalin. Pero mabilis niya iyong sinalo at ibinaba.
“Fine. Kung hindi ka maniniwala. Just wait. H’wag ka agad sumakay sa bus na iyan. Wait until the men in black enter this terminal and go directly to that bus.”
Hindi ako nakaimik. Pero hinayaan ko siya na hilain ako papunta sa gilid. Malayo sa parking ng mga bus at mga taong naghihintay sa pagparada ng bus namin.
HIndi nga nagtagal ay may napansin akong tatlong lalake na nakaitim na pumasok sa terminal gate.
Nangunot ang noo ko at tinitigan ang mga ito. I immediately recognize the man in the middle. Kasama ito ni Mr. Ricci noong gabing iyon. Dere-deretso silang naglakad palapit sa bus at pumila sa mga papasok na pasahero.
Napalunok ako. Paano iyon nalaman ng lalakeng ito?
“H-How did you know them? Sino ka?”
Tumingin ako sa lalake. He was staring at me, too.
“I’m the only one who can save you now from Mr. Ricci.”
Chapter 8
Siguro ay isang malaking kahibangan itong ginagawa ko. Pero wala na akong ibang masasandalan.
I trusted a stranger.
Hindi ako sumunod sa mga habilin sa akin ni Cheska. I trusted a man na wala pang isang oras kong nakilala.
Pero ano nga ba ang magagawa ko? He was telling the truth. Pumasok ang mga lalake kanina sa bus. Doon na niya ako hinila palabas ng terminal at pinara ang kalalabas pa lang na bus. Doon kami sumakay.
Mabuti na lang at hindi puno ang bus at hinayaan lang kaming sumakay ng driver. Nakita ko pa kasi ang pagbaba ng mga lalake mula sa bus at pumasok sa kasunod na bus.
Mukhang iniisa-isa nila ang bawat bus na nasa terminal.
Nanlumo ako lalo. Ganito na ba ang magiging buhay ko ngayon? Of all people, bakit ako pa?
Sigurado naman ako na may ibang mga babae dito sa mundo na mas maganda sa akin at sexy. Kung kaya nila akong bilhin, sigurado ako na kaya din nilang bilhin ang iba.
Pero bakit ako pa? Dahil ba sa dati akong pokpok? Gano’n na ba kababa ang tingin nila sa akin?
That Mr. Lorenzo Ricci.
Naikuyom ko ang mga palad ko noong maalala ang lalakeng sumira ng buhay ko. Those green eyes and playful smirk.
How evil can he be?
“I know you are confused. But you just trust me now. I will make sure that you’ll be safe,” ani ng lalakeng katabi ko.
Nasa pinakadulo kami ng bus. Ako ang nasa may bintana, siya naman ang malapit sa aisle.
Nagsalubong ang mga kilay ko. NI hindi ko pa nga alam ang pangalan niya.
“Sino ka ba? At paano mo nalaman ang problema ko?” mataray na tanong ko.
Hindi siya sumagot. Nakatuon ang mga tingin niya sa unahan.
I rolled my eyes. “Hey! I’m asking you!”
Tuluyan na siyang tumingin sa akin. “Hindi na importante kung sino ako. What’s important now is… Your life depends on me now,” seryosong sabi niya.
Napaawang ang bibig ko.
“Paano naman kita pagkakatiwalaan kung ultimo ang pangalan mo ay hindi ko alam? For all I know, isa ka sa mga tauhan niya kaya kilala mo ako. Hindi ba?”
Napakurap-kurap ito. He just stared at me for a while. Na para bang binabasa nito kung galit ba ako o ano. Medyo kinabahan pa ako noong makita kong nag-alinlangan siya.
Paano kung tauhan din pala siya ni Mr. Ricci? Hindi ba Mafia iyon?
Doon pa lang nag-sink-in sa akin ang lahat. Dumikit pa ako lalo sa may bintana. Pero dahil maisikip ang upuan at malaking tao ito ay hindi naman ako makalayo sa kaniya.
“A-Are you really…”
He sighed. “Just call me Leo. Mas makabubuti sa ‘yo na ‘yan lang ang alam mo. Just trust me. I’m saving you from the man who is trying to get you.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. But I saw the sincerity in his eyes. Nakita ko na para bang may gusto pa itong sabihin pero hindi nito masabi. Instead, he turns back his attention in front.
Hindi na ako umimik. Wala naman akong ibang kakapitan ngayon. Lalo na at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ni hindi ko nga alam kung saan papunta itong bus.
“You know that they know my bus. Paano mo nalaman iyon? At isa pa, Cheska told me that no one knows about it,” ani ko.
Narinig kong bumuga ng hangin si Leo.
“She lied.”
Nangunot ang noo ko.
“Cheska? No. Hindi magagawa sa akin ‘yan ni Cheska, Mr. I-don’t-know-who-you-are,” mataray kong sabi.
Ang kapal naman niyang paghinalaan si Cheska. E mas matagal ko nang kilala ito kaysa sa kaniya.
He smirked. Muling lumabas ang dimple niya. Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
He looked so familiar ngayon na mas malapit kami sa isa’t isa. Ngayon na mas natitigan ko na siya.
“Paano sa tingin mo nila nalaman kung saan ang bus mo?” ani niya.
Natahimik ako. He has a point.
Kung totoo na walang ibang nakakaalam kung saan ako sasakay o pupunta. Paano nalaman ng mga tauhan ni Mr. Ricci kung nasaan ako?
“And do you really think that she has relatives on Mindanao?”
Nag-iwas ako ng tingin. Honestly, I don’t know. Hindi naman pala kwento sa akin si Cheska. Bukod sa sobrang busy ko ay hindi ko rin naman siya tinatanong.
“O-Of course she has. Hindi magsisinungaling sa akin si Cheska. She’s been working for me for years,” giit ko.
Ayaw kong maniwala na sa lahat ng tao ay si Cheska pa ang magta-traydor sa akin.
Imposible.
“Oh, yeah? Sino ba sa tingin mo ang nagpakalat sa scandal mo, Ellaine? Hindi ka ba nagtataka? Na iyong video na matagal na dapat na wala ay nakalabas pa rin? Are you not curious about it?”
Lalo akong natahimik sa sinabi niya. Hindi ko naman dapat pag-isipan iyon dahil noon naman ay iyon na ang trabaho ko. But I know that video. Iyon ang dahilan kung bakit din ako nakilala ni Ms. Cheng.
May isang mayamang tao na nag-book sa akin noon. Hindi ko alam na ni-video-han niya ako habang ginagawa namin iyon. Ms. Cheng saw it dahil nga kaibigan niya ito. She brought the video and made sure that there were no other copies of it. She paid a million just to get that video.
Ang sabi niya ay binura na niya iyon. Iyon ang alam ko.
“Your manager lied to you, Ellaine. She was saving that video. Nagkataon lang na nalaman din iyon ng taong malapit sa ‘yo. Then she used it against to you.”
“Shut up!” bahagyang nagtaas ang boses ko. Napatingin pa sa amin ang ilang pasahero. Pero agad akong tumango upang itago ang mukha ko at punasan ang mga luha ko. “You don’t know anything, Leo!”
“I know enough, Ellaine. And I know that the people you thought could be trusted were the very people who sold you to the devil.”
Para akong sinampal sa sinabi niya. Ayaw ko pa ring maniwala.
Ayaw kong maniwala.
They can’t do it to me, right? Hindi. I believed them.
Or… did they just play me like a fool?
Chapter 9
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagbyahe. Nagising na lang kasi ako na tinatapik na ako ni Leo.
“We’re at the pier,” he said.
Nangunot ang noo ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Bahagya akong sumilid sa bintana.
He was right. Nasa isang pier na kami.
“Is it safe?” tanong ko.
Marahang tumango si Leo.
“Come on.”
Tumayo na kami. Kami na lang din pala ang hindi pa nababa sa bus. Kinabahan na naman ako dahil ang daming tao. Dumikit ako kay Leo at bahagyang kumapit sa jacket niya. Para akong batang nagtatago sa mga tao. Mabuti na lang din at matangkad si Leo at natatakpan niya ako halos.
Pumasok kami sa terminal ng pier. Doon ay mas maraming tao. Mga pasahero na naghihintay sa pagdaong ng pier.
Halos lahat sila abala. Mayroong mga inaantok. May mga kausap sa cellphone. May iba na kumakain ng kutkutin. Pero ang nagpapukaw ng atensyon ko ay ang nakapaskil sa may counter kung saan kumukuha ng mga ticket.
“7PM trip to Ormoc.”
Natigilan ako.
“Teka. Akala ko sa Mindanao tayo pupunta?” tanong ko.
“Change of plans,” maiksing sagot niya sa akin.
Napalabi ako. Hindi na lamang ako sumagot at hinayaan siya.
Hindi naman kami nagtagal doon sa loob. Pagkatapos makakuha ng ticket ni Leo ay lumabas din kami agad at sumakay na sa pier.
Pumasok kami sa loob. Doon kasi kaunti ang mga tao. Gusto ko nga rin sana doon sa may deck. Pero may okay daw doon sabi ni Leo.
“Bibili lang ako ng pagkain,” ani Leo.
Tumango ako sa kaniya. Kumakalam na rin kasi ang tiyan ko.
Umalis na siya sa table namin at pumunta sa canteen. Ako naman ay tahimik na naupo sa pwesto ko.
I can’t believe na sa isang iglap lang ay nagbago bigla ang buhay ko. Nang dahil lang sa lalakeng iyon at heto ako ngayon. Hindi alam kung saan ako pupunta.
I was living my best life.
Pero tama nga kaya si Leo? Paano kung si Cheska nga ang puno’t dulo ng nangyari sa akin? Did Ms. Cheng lie to me?
Lalo akong nanlumo doon.
I trusted them. Pero ang ipinalit nila sa akin.
“Here.”
Napakislot ako noong marinig ko ang boses ni Leo. May ibinaba siyang cup ng umuusok sa init na instant noodles at bottled water.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko.
“Ito talaga?” I asked.
Naupo siya sa tabi ko. “Why? Are you expecting to have a five-course meal at a local pier?”
Bahagyang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nagtatanong lang naman ako. Napasimangot na ako at inis na kinuha ang tubig.
“I’m an artist. You really expect me to eat that? Inaalagaan ko ang figure ko.”
Natawa si Leo. “And do you really think that matters now?”
Lalong nag-init ang ulo ko sa kaniya. Bakit ba parang kanina pa niya ako binabara? Hindi ako sanay sa ganito dahil halos lahat ng mga nakakausap ako ay kinakausap ako ng may admiration. But Leo? Para bang wala siyang pakealam na isang Ellaine Sandoval ang kasama niya. Hindi lang naman ako sikat sa buong Pilipinas a?
My movies were worldwide. Naging parte na rin ako ng isang international series. I got awards because of it. And I was ranked the most beautiful person in the world twice. Marami na ring mga international agency na gusto akong makuha.
I could accept their offers. Pero mas pinili kong manatili sa Pilipinas dahil malaki ang utang na loob ko kay Ms. Cheng.
Napabuga ako ng hangin. Pero kagaya ng tanong niya sa akin. Importante pa nga ba talaga iyon ngayon? Ngayon na nasa ganito akong sitwasyon?
Kung hindi lang dahil sa video na iyon ay hindi na sana ito mangyayari pa.
“Eat. Kailangan mo ‘yan. Kanina ka pa walang kain. Malayo pa ang byahe natin,” ani Leo. Nilantakan na niya ang cup noodles.
Bahagya akong napailing. Foreigner siya pero Pinoy na Pinoy ang kilos niya. Ni hindi nga siya mukhang Pinoy e.
Hindi na ako nagsalita pa. Kinuha ko ang noodles kung okay na iyon. At noong makita ko na luto na ay kumain na ako.
Hindi naman ito ang una kong beses na makakin niyon. Noong hindi pa ako artista ay halos ito lang din ang pantawid ko ng gutom. Hindi ko inaakala na babalik pala ako sa sitwasyong iyon.
Tsk!
Matapos naming kumain ay nanatili lang kami sa pwesto namin. May ilang mga napapatingin sa amin. Agaw pansin naman kasi si Leo. Bukod sa ang gwapo nga nito ay malakas din ang karisma.
Nangunot ang noo ko noong mapansin ko ang tatlong kababaihan sa ‘di kalayuan na panay ang tingin sa amin. Nakatayo sila at mukhang papunta sa dereksyon namin. Nagtutulakan pa ang mga ito na para bang nagtuturuan sino ang unang lalapit.
Kinabahan ako bigla dahil nakita ko na may hawak silang cellphone.
Paano kung ma-picture-an nila ako? Paano kung i-post nila iyon? Edi makikita ni Mr. Ricci kung nasaan ako!
Marahan kong siniko si Leo na nakatuon ang pansin sa entrance ng pier.
“What?”
“‘Yong mga babae, o? Paano kung ma-picture-an ako,” sumbong ko.
Nangunot ang noo niya. Tapos ay lumipat ang tingin niya sa mga babaeng tinutukoy ko. Then he smirked.
“Mukha namang hindi ikaw ang gusto nilang ma-picture-an,” ani Leo.
Nangunot din ang noo ko. Tinitigan ko sila ulit. Hindi nga sila nakatingin sa akin, kundi kay Leo. Agad na nagsalubong ang mga kilay.
Wow, ha?
Naiikot ko ang mga mata ko at humalukikip. Hindi lang pala ito arogante. Mahangin din.
“Don’t worry. I’ll take care of them.”
“Ha?”
Bago pa man ako makapagsalita ay tumayo na si Leo. Naglakad ito papunta sa direksyon ng mga babae. At talagang lalapitan niya pa ang mga ito.
Kinausap niya ang mga ito. Noong una ay nakita ko pang kinikilig silang tatlo. Pero napalitan bigla iyon ng takot. Iyong isa nga ay nanginginig pa ang mga kamay na inabot ang cellphone kay Leo.
“Ano kayang ginagawa nito?” bulong ko.
Iyon lang at ibinalik na ulit ni Leo ang cellphone sa kanila. Then he walked back to my direction. I saw the girls scrambled away from him.
“What did you say to them? Bakit parang natakot sila?” tanong ko pagkaupo niya sa tabi ko.
“Well, I told them that you’re my wife. At ayaw niya na may kumukuha ng picture ko. That they will hunt you in the entire Region 8 just to kill them kapag ipinost nila ang picture ko. That you are a psycho.”
Napaawang ang bibig ko. Ginawa pa talaga niya akong baliw?!
Chapter 10
Hindi ko kinausap si Leo buong byahe. Naiinis kasi ako. Gawin ba naman daw akong baliw? Sa ganda kong ‘to? Pero ang loko, para din namang walang pakealam sa akin. Nakatitig lang ito sa may entrance.
Hindi ko mapigilang mahiwagaan sa kaniya. Matipid siyang magsalita at kung sumagot man ay babarahin pa ako. Hindi ko pa rin alam kung sino talaga siya. O kung totoo ang binigay niyang pangalan sa akin. Pero at least mayroon akong mapagkakatiwalaan.
Umandar na rin ang pier sa wakas. Mabilis lamang iyon dahil tumawid lang ng dagat mula sa Cebu pa-Leyte. Sa Ormoc.
Pagdating namin doon ay sumakay din kami agad ng van papunta naman sa Tacloban City.
Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming nagbyahe. Gusto ko na lang ihiga ang katawan ko at matulog nang sobrang tagal.
Tumigil ang tricycle na sinakyan namin sa tapat ng isang hotel. Hindi five-star hotel, but still looked decent. Doon nag-book si Leo ng kwarto namin dahil gabi na rin at wala na kaming masasakyan papunta sa pupuntahan namin.
Kung saan man iyon.
“One room? You reall booked for one room?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Nasa tapat na kami ng silid na nakuha ni Leo. Binubuksan na niya iyon.
“Yes.”
Napamaang ako. Tuluyang nabuksan ni Leo ang pinto at walang pakealam na pumasok siya roon. Nag-alinlangan pa akong pumasok sa loob. Pero mag-isa na lang ako sa hallway. At isa pa, hinahanapan ng ID ang mga customer nila. Hindi ako makakapag-book ng sarili kong kwarto.
Naiikot ko ang mga mata ko at pumasok sa loob ng silid. Isinara ko ang pinto at agad na ini-lock iyon.
“No! I need my own room!” giit ko.
Napatigil si Leo sa pagtanggal ng jacket niya at tumingin sa akin.
“We have two beds here. Ano pa ba ang problema mo?” tanong niya. Tapos ay tuluyang hinubad ang jacket niya.
Napalunok ako noong makita ko ang muscles niya sa braso na naghihimutok sa suot niyang white t-shirt. Doon ko lang nakita na mayroon pala siyang tattoo sa mga braso niya.
Mas lalo tuloy nakadagdag iyon sa karisma niya.
Napailing ako. Ano ba itong iniisip ko?!
“H-Hindi ako sanay na may kasama sa kwarto. Go now. Book me another room,” utos ko.
Inilapag ni Leo ang suot na jacket. Inilapag niya iyon sa kama saka umupo roon paharap sa akin. He smiled.
“Then go. Book yourself a room kung talagang gusto mo ng sariling kwarto.”
Nanganga ako. “Seryoso ka ba? Paano kung makilala nila ako? I can’t give them my ID!”
“Then you stay here. You don’t have a choice.”
Muli siyang tumayo.
“Lalabas muna ako ulit. Bibili ako ng pagkain natin. You can do everything you want while I’m gone, but not leave this room. Don’t open the room when someone knock. I’ll bring the key,” paalala niya.
Pagkatapos ay tumayo na siya at lumabas ulit ng silid.
Naiwan ako na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
How can I even rest kung may kasama akong estranghero sa kwarto?
I grunted at inis na itinapon ang bag na dala-dala ko kanina pa sa kama.
Kung pwede lang. Kung may magagawa lang ako ay bumalik na ako sa dati kong buhay.
Pero paano ko iyon gagawin kung may isang Mr. Ricci na nag-aabang sa akin?
Napabuga ako ng hangin. Siguro ay mas okay na kung isang Leo na lang muna ang pagtiisan ko. Kaysa naman iyong Mafia boss na halata namang walang puso.
Minabuti ko na lang na maglinis ng katawan habang wala pa si Leo. May free towel naman ang hotel at soap. Mayroon pa ngang shampoo. Pero mabuti na lang at in-pack ni Cheska ang mga gamit ko kaya hindi ko na iyon kailangang gamitin pa.
Pagkatapos ko ay binuksan ko ang TV. Naghanap ako ng balita. Sakto naman pagbukas ko ay iyon agad ang bumungad sa akin.
“Breaking News: Ellaine Sandoval is Missing!”
Bigla akong binundol ng kaba noong makita ko iyon sa TV screen. Sunod kong nakita si Ms. Cheng na umiiyak. Nananawagan ito sa pagbabalik ko.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Hindi ba pinaalis niya ako? She probably knows where I was headed. Then sunod kong nakita si Cheska. She was crying too.
Naningkit bigla ang mga mata ko. Matagal na akong artista kaya alam ko kung umaakto lang ba ang isang tao o totoo sa kanilang nararamdaman.
And Cheska was acting.
Kagaya ng inaasahan ko ay marami ang nag-alala at nalungkot sa biglaan kong pagkawala.
Siguro kung makakapag-social media pa ako ay makikita kong trending ang pangalan ko ulit.
Minabuti ko na lang na patayin ang TV. Nahiga ako sa isang kama kung saan wala ang hinubad na jacket ni Leo.
Hindi pa tuyo ang buhok ko pero hinayaan ko na lang iyon.
I swear. Kapag matapos ang lahat ng ito ay humanda sa akin si Cheska. Hindi ako papayag na hindi siya masampal lalo na kapag masiguro ko na siya ang puno’t dulo ng lahat.
What did I even do to her para magawa niya sa akin ito?
And Leo… I don’t know how long I can trust him. Pero siya lang ang isang tao na naging honest sa akin ngayon.
I just really hope that this Mr. Ricci die para matapos na ang problema ko.

.png)