Views

The Penthouse Series: Ellaine's Heart (Chapters 11 - 15)

Ameiry Savar
0

 



Chapter 11

Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na naririnig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Malapit kasi ang kama ko sa banyo kaya rinig na rinig ko iyon. 

Dahan-dahan akong naupo. Napansin ko agad ang supot ng pagkain sa lamesa. Agad na kumalam ang tiyan ko noong maamoy ko ang pritong manok. 

Tumayo na ako at lumapit doon. Lalong nagwala ang mga bulate ko sa tiyan noong sumambulat ang amoy mula sa plastic. 

Gosh! Ngayon lang ako ulit nagutom ng ganito!

Inilabas ko na ang pritong manok mula sa isang fast food chain. Nakakatuwa dahil ini-endorse ko rin ito. 

Mayroon na ring plato at kutsara na nabili si Leo. Wala sa sarili na inayos ko ang pagkakalagay niyon sa lamesa. Dahil dalawa kami ni Leo na kakain ay inilatag ko na rin ang kaniya. Pagkatapos ay naupo na ako. 

Kakain na sana ako  noong marinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Wala sa sarili na napatingin ako doon at nakita ko si Leo. 

Nakatapis lang ito sa may baywang habang may maliit pang towel na ipinupunas naman sa basa nitong ulo. Hindi ako agad nakakilos dahil natuon ang pansin ko sa kaniyang katawan. 

Lalo kong nakita ang matipuno nitong katawan. He has a masculine body. Ang lapad ng kaniyang dibdib na para bang nanghahalinang sumandig doon. Ang kaniyang six-pack abs ay naghihimutok sa kaniyang tiyan. At kaniyang ibaba, iyong parte na natatakpan ng tuwalya. Hindi ko man iyon makita pero nakaumbok iyon. At ayaw ko nang isipin kung gaano iyon kalaki dahil talagang malaki! 

Palagi naman akong nakakakita ng mga machong lalake dahil sa trabaho ko. Pero iba si Leo. 

Ganito ata iyong nararamdaman ng fans kabang nakikita ang paborito nilang artista. 

“Enjoying the view, e? Want me to remove my towel too?” malisyosong tanong ni Leo. 

Napakurap-kurap ako. Pagtingin ko sa mukha niya ay nakangisi na siya nang malapad. 

Biglang nag-init ang mga pisngi ko at tainga. Nag-iwas ako agad ng tingin. 

“Ano bang ginagawa mo?! Bakit lumabas ka ng nakahubad sa banyo?!” galit na tanong ko. 

Pilit kong kinokontrol ang sarili ko dahil ang bilis na ng tibok ng puso ko. Nakakahiya! Nahuli niya pa tuloy akong nakatingin sa kaniya. 

“I forgot my clothes. Isa pa, I thought you’re still sleeping,” tugon niya. 

Narinig ko na naglakad siya. Iyong lamesa kung nasaan ako ay malapit sa higaan niya sa may pinto. Kaya napatayo ako at tumalikod. 

“Ano ba?! Bakit lumalapit ka pa?!” tanong ko ulit. 

Hindi naman sa akin bago ang ganitong senaryo. Ilang beses na akong nakakita ng lalakeng naka-towel lang. Hindi rin naman ako virgin para matakot sa lalake. Pero kasi, hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko kay Leo. 

He makes me feel all kinds of emotion. 

Napanatag ako noong hindi sumagot si Leo. Pero napalitan naman iyon ng katahimikan. Ni hindi ko na marinig ang paghakba. Kaya nag-umpisa na akong magtaka. 

“A-Are you done?” tanong ko. 

“Why? Want to see more?” 

Halos mapatili ako noong marinig ko ang boses ni Leo sa likuran ko. Ramdam ko na sobrang lapit na niya dahil nagtayuan ang balahibo ko sa batok noong tumama ang mainit niyang paghinga sa balat ko. 

Ni hindi ko manlang naramdaman na nasa likuran ko na pala siya. 

Inis na pumihit ako paharap at itutulak sana siya. Kaso bigla akong nawalan ng balanse dahil sa pagkataranta. Muntik na akong matumba. Mabuti na lang at maliks si Leo. Nasalo niya ako agad sa baywang at napihit palapit sa kaniya. 

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na tiningnan siya. 

Ramdam ko na ang malamig at mamasa-masa niyang balat. At kagaya ng inaasahan ko at matigas ang malapad niyang dibdib. Hindi ako pandak pero hanggang dibdib niya lang talaga ako. Nanunuot  din sa ilong ko ang amoy ng sabon at shampoo na kaniyang ginamit. Pero higit sa lahat ay naramdaman ko sa may tiyan ko ang matigas sa pagitan ng kaniyang mga hita. 

Lalo akong nag-panic. Sinubukan kong kumawala sa kaniya pero hinatak niya lang ako palapit sa kaniya ulit. 

“Ano ba?!” 

Leo smirked. “Careful, Ellaine. You’ll fall,” ani niya. At pakiramdam ko ay double meaning ang sinabi niyang iyon. 

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. 

“Bastos!” sigaw ko sa kaniya. Sasampalin ko sana siya pero napigilan lang iyon ni Leo. Tuluyan niya akong isinandig sa pader malapit sa amin. 

Napasinghap ako noong biglang bumaba ang mukha niya at halos kadangkal na lang ang layo niyon sa akin. Pigil na pigil ang paghinga ko dahil pakiramdam ko ay kapag gumalaw ako ay magkakadikit ang mga labi namin. 

“I can be if you want,” tudyo niya pa. 

“S-Stop it.” 

“Should I?” 

“A-Ano ba?” 

Hindi sumagot si Leo. Bumaba ang tingin niya sa mga labi. Naiikom ko iyon. Pagkatapos ay muli niyang inilipat ang mga mata sa mga mata ko. 

“You really don’t remember me, do you?” 

Nangunot ang noo ko. “H-Ha?” 

Tuluyan niya akong binitawan. Naiwan akong nalilito habang nakatitig sa kaniya. 

Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos niyon.  


Chapter 12

Ang tagal kong inisip ang sinabi ni Leo. 

Hindi ko siya kilala. Iyon ang pagkakaalam ko. Ito ang unang beses na nakita ko siya. Pero bakit niya ako tinatanong kung hindi ko siya maalala? 

Oo nga’t palagi akong nakakasalamuha ng mga half-pinoy or pure foreigner. Pero wala ni isa roon si Leo. 

I’m sure of it. 

Hindi na rin naman ako ulit tinanong ni Leo o nagsalita manlang tungkol doon. Kumain kami ng tahimik at nagpahinga. 

Kinabukasan ay maaga pa noong ginisin niya ako ulit at pinaghanda dahil babyahe raw kami ulit. 

Akala ko ang Tacloban na ang huli naming pupuntahan pero hindi pa pala. 

“Saan pa ba tayo pupunta?” tanong ko. 

Natapos na ako maligo at nagsusuklay na lang. 

“We can’t stay here. Maraming CCTV. Isa pa, sikat ka. Everyone would recognize you immediately. One click, and you know what will happen,” tugon ni Leo. 

Napalabi ako. Nagtatanong lang naman ako pero ang haba ng sinagot. 

“I know,” tugon ko na lang. 

“Don’t worry. You’ll adjust.” 

Naiikot ko ang mga mata ko at hindi na nagreklamo pa. 

Lumabas na kami ng room namin. Kagaya kahapon ay naka-facemask pa rin ako at sumbrelo. Ganoon din si Leo. Dumeretso kami sa isang terminal papunta sa Eastern Samar. 

Nagpapatawa ba siya? E nakarating na ako roon. For sure kilala rin ako ng mga tao roon! Pero hindi ako nagreklamo. HInayaan ko na lang siya dahil wala rin naman akong ibang makakapitan.

Sumakay kami sa isang puting van. Doon ako pinapwesto ni Leo sa ikalawang upuan. Habang siya ay nasa tabi ko naman.  

Nagulat pa ako noong umalis na ang van pero kaming dalawa pa lang ang nakasakay. Pero kita ko na marami pang pasahero sa labas na naghihintay. Tumingin ako kay Leo, at mukhang na gets nito ang ekspresyon ko. 

“I rented the whole van. Mas safe na ang ganito,” ani niya. 

Hindi na ako sumagot at nanahimik na lang. Pinatigil pa muna ni Leo ang sasakyan sa isang fast food chain at ang driver mismo ang pinabili ng pagkain. Pagkatapos ay umandar na ulit ang van. 

Doon na kami sa van nag-almusal. Pagkatapos ko pa ay binusog ko na lang ang mga mata ko sa magaagandang tanawin na dinadaanan namin. 

Tumawid kami sa sikat na San Juanico Bridge. Lubhang nakakamangha talaga ang laki at haba niyon. Ang ganda rin sa mga mata makita ang kabundukan. Ito ang gusto ko sa probinsya. 

Tahimik at sariwa ang hangin dahil sa mga puno. 

Ilang oras din ang naging byahe namin. Tanghali na nga no’n noong tumigil ang sasakyan at sinabi ni Leo na bababa na kami. 

Mula sa loob ay kita kong nasa isang baranggay kami. Wala akong ideya kung saan ito. Pero maraming mga tao. May mga nakatambay nga sa gilid na nakatingin sa akin. 

Bumaba na ako ng van na suot pa rin ang face mask at sumbrelo ko. Binayaran ni Leo ang driver. Pero bigla nitong inakbayan ito. 

“Remember this, Mister. H’wag na h’wag mong ipagsasabi na naisakay mo kami, ha? I know where you live. You wouldn’t want your children to be harmed, right?” tanong ni Leo. 

Awtomatikong napakunot ang noo ko noong marinig ko ang sinabi ni Leo. Magrereklamo sana ako pero napatingin ako sa driver. 

Nakita ko na nagsalubong din ang kilay niya. Halata na hindi nagustuhan ang sinabi ni Leo. Pero marahan lang na inangat ni Leo ang damit at doon ay parehas naming nakita ang baril na nakasukbit sa gilid ng pantalon nito. 

“Maging masaya ka na lang na malaki ang kinita mo ngayon,” dagdag pa ni Leo. 

Napamaang ang driver. “O-Opo, Sir. Salamat!” 

Binitawan na ni Leo ang lalake. Nagmamadali itong sumakay sa van niya at pinaharurot iyon. 

Ako naman ay hindi nakakilos sa pwesto ko at gulat pa rin na nakatingin kay Leo. Kahapon ko pa siya kasama pero ngayon ko lang nalaman na may baril pala siya. 

“B-Bakit ka may baril? Para saan ‘yan?” tanong ko. 

Tumingin sa akin si Leo. “For safety purposes.” 

Gusto kong maniwala sa sinabi niya. Pero may parte sa akin na ayaw maniwala sa kaniya. Sinong normal na tao ang magdadala ng baril sa katirikan ng araw dahil lang sa kaligtasan? Isa pa, nasa probinsya kami. Saan niya naman o kanina niya iyon gagamitin?

“Come on. Babyahe pa tayo ng isa.” 

Hindi na ako umimik. Pakiramdam ko ay nagkamali ako bigla na nagtiwala ako kay Leo. 



Chapter 13

Sumakay pa kami sa isang motorsiklo at nagbayahe papunta sa isang mas liblib pang baranggay dito sa probinsya. 

Napakahaba ng dinaanan namin. Pero mabuti na lang at sementado iyon kaya naging smooth naman ang byahe namin. 

Tumigil kami sa ikalawang baranggay na nadaanan namin. Pagkatapos bayaran ni Leo ang driver ay naglakad pa kami papasok ng bundok. Doon pa lang sa mismong baranggay ay tahimik na at mukhang kaunti lang ang tao. Tapos papasok pa talaga kami sa bunok. Pakiramdam ko ay kaunti na lang at magpapaalam na talaga ako sa sibilisasyon. 

Matapos ang lahat ng paghihirap ko para makamit ang buhay na gusto ko. Dito lang din pala ang bagsak ko. 

“Malayo pa ba tayo? Masakit na ang paa ko,” reklamo ko. 

Para kasing walang kapaguran si Leo. Patuloy lang ito sa paglalakad. Pakipot na rin nang pakipot ang dinadaanan namin. Nararamdaman ko na nga ang paghiwa ng damo sa balat ko. Ang taas ng mga iyon at halos matakpan na ako. 

“Medyo,” matipid na tugon niya. 

Napalabi ako. Gusto ko sanang magreklamo pa ulit kaso naalala ko ang baril niya. Tahimik na lang ako na sumunod sa kaniya. Pero dahil masakit na talaga ang paa ko ay muntik pa akong matumba noong hindi ko mapansin ang bato na nasa daraanan ko. Deretso akong napasubsob sa malapad na likod ni Leo. 

“Ouch!” 

Tumigil siya at humarap sa akin. Sapo-sapo ko ang noo ko na tumingin din sa kaniya. 

“Are you okay?” tanong niya. 

“Masakit na nga ‘yong paa ko.” 

Napabuga ng hangin si Leo. Walang ano-ano ay bigla na lamang niya akong kinarga na parang pangkasal. Nanlaki ang mga mata ko at napakapit sa leeg niya. 

“Ano’ng ginagawa mo?!” gulat na tanong ko. 

“Sabi mo masakit na ang paa mo. I’ll carry you then.” 

“But—” 

Hindi na ako nakapagsalita pa. Komportable naman kasi ang pwesto ko. Sa payat ko ay sigurado ako na hindi naman siguro mabibigatan si Leo sa akin. Isa pa, talagang masakit na ang paa ko. Takot ko lang din magalit siya dahil sa baril nila. 

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang isang bahay. Maliit lang iyon na gawa sa kahoy at pawod ang bubong. May kahoy din na nakapalibot na nagsisilbing gate niyon. Bahay kubo. Iyon ang hitsura niyon. 

Ibinaba ako ni Leo sa tapat ng kahoy na gate na halos kalahati niya ata. Pagkatapos ay binuksan niya ang gate. 

Hindi ako kumilos agad kahit na pumasok na siya sa loob at pinagmasdan lamang ang bahay. 

Dito na ba ako titira ngayon? Ito na ba ang magiging buhay ko? 

“What are you waiting for? Nandito na tayo,” ani Leo. 

Tumingin ako sa kaniya nang may pag-aalinlangan. 

“Don’t worry. We’re safe here.” 

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. 

“Safe? Seryoso ka ba?” tanong ko. “Isang Mafia boss ang humahabol sa akin. Tapos sasabihin mong safe ako rito?” hindi makapaniwalang tanong ko. 

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. “Why? Don’t you believe me? Bakit ka pa sa akin sumama kung hindi ka rin pala magtitiwala sa akin?” 

Napamaang ako sa tanong niya. Sa wala na akong choice, kaya sumama na lang ako sa kaniya. Naiikot ko ang mga mata ko. Wala naman siyang kasalanan kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. 

Pumasok na ako sa loob ng bakuran. Sumunod naman siya pagkapasok ko. Siya ang unang umakyat sa bahay kubo. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay napangiwi na ako noong sumabog ang alikabok sa akin. Para bang matagal na walang nakatira doon. 

“Kailangan lang linisan. But we’re good here,” ani Leo. “Come on. Akyat ka na.” 

Tuluyan siyang umakyat sa bahay. Binuksan niya pa ang dalawang bintana para may pumasok na preskong hangin sa loob. Napaubo-ubo ako dahil puno talaga ng alikabok ang paligid. 

“Dito tayo.” 

Natigilan ako noong pumasok siya sa kwarto. Nag-alinlangan pa ako pero sumunod pa rin ako sa kaniya. 

Doon ay may cabinet. Binuksan niya iyon ay may inabot sa likod ng mga damit na nakalagay doon. Tapos naguat na lang ako noong may click na tunog akong narinig. Then he pulled the back of the cabinet. Doon ay nakita ko ang isa pang maliit na silid. 

“What is that?” 

Ngumiti lang sa akin si Leo. “Why don’t you come to check it?” 

Huminga ako nang malalim. Sabagay. Nandito na ako kaya bakit hindi ko pa lubusin? 

Pumasok ako sa cabinet, doon sa maliit na silid pa. Pumasok din si Leo. Dahil makipot ang kwarto iyong ay paharap na siya sa akin at halos magkadikit na naman kami. 

Napatikhim ako at pilit na tumingin sa gilid namin. Isinara na niya ang pinto niyon. 

“What—” 

Hindi na ako ulit nakapag-react noong naramdaman ko na lang na parang bigla kaming dumaosdos pababa. Napakapit pa nga ako sa t-shirt niya dahil hindi ko nga in-expect iyon. 

It was an elevator!

Doon ko lang na realize na disguise lang pala ang maliit na kubong iyon sa isa pang lugar. Saglit lang kaming bumaba at tumigil din ang elevator. Noong binuksan na ni Leo ang pinto sa likuran niya ay napanganga na lang ako sa nakita ko. 


Chapter 14

I couldn’t help but be amazed. Sino ang mag-aakala na may ganito pa lang lugar sa gitna ng bundok. Sa isang liblib na lugar. 

Lumabas ako sa maliit na elevator at pumasok sa silid. Tuluyan kong nakita ang kabuoan ng kwarto. 

Para iyong isang modernong studio-type na apartment. Unang makikita ang sala, sa likod niyon ay ang kusina. May nakita akong dalawang pinto sa kanan. Ganoon din sa kaliwa. Moderno ang desenyo ng loob at makabago rin ang mga gamit. May malaking TV nga na nakakabit sa dingding. 

Nakakamangha. 

Iyon lang ang masasabi ko. 

“Y-You… You owned this?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. 

Naramdaman kong tumabi siya sa akin. “Yeah. How was it?” 

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Wala akong ibang maisip kundi ang ganda ng lugar. Pero hindi rin mawala sa isipan ko na hindi basta-bastang tao si Leo. Hindi naman kasi makakagawa ng ganitong basement ang normal na mamamayan ng Pilipinas. 

Kahit ako na artista ay hindi ko ito maiisip. 

“Tell me. Who are you really? Why do you have this kind of place?” seryosong tanong ko. 

Tiningnan lang ako ni Leo. He smirked. Then naglakad na siya papunta sa couch. Naupo siya roon. 

“Kagaya ng sabi ko sa ‘yo. I’m the only one you need now. Hindi mo na kailangan pang malaman ang iba pang detalye.” 

Umarko ang kilay ko. Bumaba rin ako sa sala at naupo sa katapat nitong sofa. Paikot kasi ang sofa sa sala na mas mababa sa normal floor ng basement. 

“Bakit ang dami mong pasakalye? You know what? Wala lang akong choice kaya sumama ako sa ‘yo. But I’m still not sure who you are. Idagdag mo pang may dala ka palang baril. Para saan naman iyan? Are you really my saviour or my kidnapper?” 

Napalunok ako noong biglang naging seryoso ang mukha ni Leo. Umupo ako nang maayos at umiwas ng tingin sa kaniya. Doon ko lang naalala ang suot kong facemask at sumbrelo. Tinanggal ko ang mga iyon at muling hinarap si Leo. 

“You can leave anytime if you keep on questioning me, Ellaine,” ani niya. “I’m here to save you. Iyon lang ang masasabi ko. You are not a prisoner here.” 

Iyon lang at tumayo na si Leo. Hindi niya ba nagustuhan ang tanong ko? Or he just really doesn’t like questions? Mali ba ako? Gusto ko lang naman malaman kung ano ang totoo. 

“You can use that room on the right.” 

Tinuro niya ang pinto na malapit sa kusina. 

“The other is mine. Ito namang sa kaliwa ay ang pantry. May banyo sa kitchen at sa sarili mong kwarto. You can enter all the rooms here, but not mine,” paalala niya. “You should never enter my room.” 

Napalunok ako sa huli niyang sinabi. Ramdam ko kasi ang bigat ng mga salita niyang iyon kahit hindi siya nakatingin sa akin. Pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa silid na sinabi niyang sa kaniya. 

Naiwan ako sa maluwag na silid na iyon. Doon ay bigla akong binalot ng kalungkutan. 

Ito na siguro talaga ang magiging buhay ko. Ang makulong sa basement na ito. 

Matapos ang lahat ng pagpupursigi ko para mamuhay sa gusto kong buhay ay ito rin pala ang bagsak ko. Ang magtago sa mga mata ng mga tao. 

Ang magtago kay Lorenzo Ricci. 

Muli akong nakaramdam ng galit. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi sana ako mapupunta sa sitwasyong ito. Edi sana ay ginagawa ko pa kung ano ang gusto ko. 

Sana lang talaga ay mawala na siya para makalabas na ako ulit. 

Minabuti ko nang pumasok sa kwarto na sinasabi ni Leo. Pagbukas ko ng pinto ay awtomatikong sumambulat ang liwanag sa silid. 

Napalunok ako sa aking nakita. Mas maganda ang loob at moderno. 

May king-size bed sa gitna. May mini-living room pa sa gilid. Tuluyan akong pumasok sa loob. May sarili pa lang TV ang kwartong iyon. Napaka-minimal ng desenyo ng silid. Puti nga lang ang pintura.

Inilapag ko ang bag na dala ko sa kama at naglakad papunta sa pinto sa dulo. Banyo ang una kong nabuksan. Maluwag din iyon. Kompleto dahil may bathtub pa. Iyong isang pinto naman ay nagsisilbing walk-in closet. Pero dahil wala pa nga iyong laman ay puros cabinet lang ang nakita ko sa loob. Isinara ko na ulit iyon at pumunta sa kama. 

Inihiga ko ang pagod kong katawan sa malambot na kama. 

Siguro nga ay wala na talaga akong pagpipiliian. Siguro ngayon ay dapat ko nang tanggapin. 

Ito na ang bagong buhay ko. Ang magtago hanggat buhay pa si Lorenzo Ricci. 



Chapter 15

Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas.

Life inside the basement was different. 

Boring. Iyon lang ang maidi-describe ko. Pero ano ba ang magagawa ko? Ito na ang buhay ko ngayon. 

Magmula rin nang makarating kami dito sa basement ay hindi ko na nakita si Leo. Hindi na kasi siya lumabas ng silid niya noong makapasok siya. 

Minsan nga sinubukan kong katukin ang pinto niya pero hindi ito sumagot. Noong sinubukan ko naman na buksan ang pinto ay naka-lock iyon. 

Ewan ko ba. Hinayaan ko na lang siya dahil sumuko na rin ako. Maigi na rin ito dahil nagagawa kong mag-isa ang mga gusto ko. 

Natuto akong biglang magluto. Ako na rin ang naglalaba ng mga damit ko. Iilang piraso lang din naman iyon dahil iyon lang ang dala ko. 

Sinubukan ko ring buksan ang TV. Pero wala iyong ibang laman kundi mga downloaded movies, music, at kung ano-ano pang videos. 

Feeling ko nga walang signal dito sa loob. 

Minsan ay naiisip ko ang mundo sa labas. Kumusta na kaya roon? May mga naghahanap naman kaya sa akin? O kaya naman ay nakalimutan ba nila ako agad? 

Si Lorenzo Ricci kaya? Hinahanap niya pa rin ba ako? Siguro naman ay hindi na. Bakit pa siya mag-aabala na hanapin ako, ‘di ba? 

Noong araw na iyon ay naisipan ko naman magluto ng cake. Wala lang. Naisip ko lang dahil wala akong ginagawa. Sayang din naman ang ingridients sa pantry. 

Ilang oras din ang tinagal ko sa pagbi-bake lang. Habang ginagawa ko iyon ay nanonood ako ng movie. Sa totoo lang, sa dami ng movie na nasa TV ay wala pa ako sa kalahati. Parang lahat ng movie na naipalabas sa mundo ay naroon na. 

Napangiti ako noong matapos ako mag-bake. Chocolate cake iyon na dinisenyuhan ko. Simple lang. Sigurado naman ako na hindi papasa ‘yon sa iba. Pero para sa akin ay maganda na iyon. 

In-slice ko na ang cake at pumunta sa sala para sana lantakan na iyon. Mamaya ko na lang lilinisin ang gulo na ginawa ko sa kusina. Noong mapatingin ako sa kwarto ni Leo. 

Ano na kaya ang nangyari sa lalakeng ito? May sarili ba siyang pagkain sa loob at wala talagang balak lumabas ng silid niya? 

Napailing ako. Inilapag ko muna ang platito sa lamesita at tumayo. Kumuha ako ng bagong slice ng cake at lumapit sa kwarto ni Leo. 

Huminga muna ako nang malalim bago kumatok doon. Pero kagaya ng inaasahan ay walang sumagot. Walang nagbukas. 

“Leo? Are you there?” tanong ko. “I baked a cake. Gusto mo bang tikman?” 

Wala pa ring sumagot. Napalabi na ako. 

Sinubukan kong buksan ang pinto. Natigilan pa ako noong bigla iyong mag-click at bahagyang bumukas. 

It was open!

‘Never enter my room!’

Natigilan ako ulit noong marinig ko na naman sa isipan ko ang boses ni Leo. Pero ano naman ang gagawin ko? Paano kung patay na pala siya diyan sa loob? 

I need to know. 

Tuluyan kong binuksan ang silid. Kagaya sa kwarto ko ay awtomatikong sumabog ang liwanag sa loob. 

“Leo?” tawag ko sa kaniya. 

Pumasok na ako at inilibot ang paningin sa paligid. Parehas lang ang desenyo niyon sa kwarto ko. Halos walang laman. Pero ang kaniya ay may tatlong pinto. Ang isa ay bahagya pang bukas. 

Pagtingin ko sa kama ay parang hindi iyon nagamit. Inilapag ko ang platito na dala ko sa lamesa na malapit sa kama. Kinapa ko ang kama. Malamig iyon at maayos pa rin ang pagkakaayos. 

Hindi ba siya natulog dito? 

“Leo?” 

Tumingin ako sa pinto na bahagyang nakabukas. Kinakabahan na ako dahil baka nga wala na talaga si Leo kaya hindi ito sumasagot. Dali-dali kong binuksan ang malapit na pinto sa akin. Banyo iyon. Ang isa ay walk-in closet din, pero dito ay may mga laman na damit. At parehas na wala roon si Leo. 

Huli kong nilapitan ang pinto na bahagyang nakabukas. Hindi na ako nag-isip pa at binuksan iyon nang malaki. 

Wala akong nakita. May liwanag. Pero walang laman ang silid. Para lang iyong tunnel papunta sa isa pang silid. May pinto kasi sa dulo. 

Napalunok ako. Ito ba ang dahilan kaya hindi ako pinapapasok dito ni Leo? Kaso ano na ba ang nangyayari sa kaniya at hindi ko na siya ulit nakita? 

Pumasok ako sa silid. Pagkalapit ko sa may pinto ay sinubukan ko iyong buksan. It was open too kaya pumasok na ulit ako. 

Napakurap-kurap pa ako noong makita ko ang silid doon. 

It was another room. Pero ito ay puno ng kung ano-anong gamit. Sa gilid ay may mga nakasabit na mga gamit sa pagkukumpuni. Sa kabila ay mga monitor. Nakita ko pa na mayroon doon ang sa basement. 

“Pati sa kwarto ko?” gulat na tanong ko sa sarili. 

It was all there. Hindi ko man siya nakikita ay siya nakiita ako. He was watching my every move. Lahat ng mga ginagawa ko. 

Kita ko pa sa screen ang kabi-bake ko lang na cake. 

Nasapo ko ang bibig ko. Did he plan this all along? Did he really kidnap me? Nagkamali ba ako ng lalakeng pinagkatiwalaan ko? 

“What are you doing here? Didn’t I tell you not to come here?!” 



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !