Views

In Love At Forty

Ameiry Savar
0

 


In Love at Forty

Ameiry Savar

Romance


Blurb: 

At forty, hindi inakala ni Eva na muling titibok ang kaniyang puso. Higit sa lahat, hindi niya inakala na magiging nobyo niya pa ito. 

Ngunit magawa niya bang maipagsigawan ang kaniyang pagmamahal kung ang lalake ay mas bata sa kaniya ng sampung taon? 


This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, whether living or dead, events, or anything, is purely coincidental.


All rights reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.


In Love At Forty © 2026 by Ameiry Savar




Chapter 1

Napasinghap ako noong makita ko ang sunod na kaganapan sa pinapanood kong palabas. 

Gumagapang na ang lalake sa kama papatong sa babaeng nakatali pa sa headboard ng kama. 

Panay ang pagtaas baba ng balikat ng babae na para bang pinipigilan ang paghinga. 

Habang lalake ay patuloy pa rin sa paggapang nito. Mula sa paa ng babae na bahagyang nakalitaw ang balat ay binigyan nito iyon nang mumunting halik. At sa bawat pagdikit ng labi nito sa balat ng babae ay napapasinghap ito. 

Ako naman ay napapalunok. Pakiramdam ko ay sa akin ginagawa iyon. Naramdaman ko nga na para bang namasa na ang ilalim ko dahil sa pinapanood ko. 

Unti-unti na rin kasing umaangat ang labi ng lalake papunta sa hita ng babae. 

“Oh… sana all,” mahina kong sabi. 

“Aling Eva! Pagbilhan po!”

Napaigtad ako at biglang naiikop ang aking bibig. Hindi ko napansin na nakanganga na pala ako. 

“Diyos ko!” bulong ko. 

Sa tindi ng focus ko sa pinapanood ko ay nakalimutan kong may tindahan pala ako! 

Dali-dali na akong tumayo at pinagbilhan ang nagtao po sa tindahan ko. 

Grabe naman kasi ang palabas na iyon. Talagang nakakadala. Lalo na sa kagaya ko na matagal nang walang aksyon sa buhay. 

Hindi ko maikakaila na nakaramdam ako ng kaunting init at pamamasa sa ibaba. 

Pero sa edad kong forty two. Bakit pa ba ako umaasa? 

Masyado na akong matanda para mayroon pang magkagusto sa akin. Sa panahon ngayon ay mas gusto ko na lang na mag-focus sa aking sarili at magpalago ng negosyo ko. 

Total naman ay matatanda na ang mga anak ko. Nasa Canada na silang lahat sa dati kong asawa. 

Wala na akong ibang dapat isipin muna kundi ang sarili ko. Umaasa na pagdating ng araw ay makasama na rin ang mga anak ko. 

Twenty years na ata noong magkahiwalay kami ng dati kong asawa. Maliliit pa ang mga anak namin. Nagkaroon kasi ito ng babae sa ibang bansa. 

Ako? Hindi na ako naghabol. Kaya ko naman ang sarili ko. Hanggat hindi niya pinababayaan ang mga anak namin. At salamat sa Diyos, hindi nga niya pinabayaan. Nagpatuloy ang pagpapadala niya sa akin. Hanggang sa madala na niya ang mga bata sa Canada. 

Heto ako ngayon, nag-iisa sa probinsya. May mga sumubok naman noon. Maganda naman ako lalo na kung mag-aayos. Nag-focus lang talaga ako sa mga bata. Isa pa, natakot na rin siguro ako na sumubok ulit sa pag-ibig. 

“Aling Eva! Delivery po!” 

Napangiti ako noong marinig ko si Daboy, ang taga-deliver sa akin ng mga paninda ko. 

Binitawan ko muna ang cellphone at lumabas ng gate. Doon ay nakita kong nakaparada na ang mini-truck nila sa tapat ng bahay ko. 

“Sige, Daboy. Ipasok niyo na lang dito,” utos ko. 

Bumaba si Daboy mula sa driver seat. Tapos sa passenger seat ay may bumaba rin. 

Sandali akong natigilan noong makita ko kung sino ang bumaba. Hindi ako pamilyar sa kaniya pero lubos na pansinin ito. 

Siguro ay nasa trenta na ang edad nito. Matangkad, moreno, at may matipunong pangangatawan. 

Napalunok ako. For the first time magmula noong magkahiwalay kami ng dati kong asawa ay biglang kumislot ang puso ko. 

Sino kaya ang lalakeng ito? 



Chapter 2

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? 

Hindi naman ito ang pinakapoging lalakeng nakita ko. Sa katunayan ay ang dati kong asawa ang pinakagwapo sa buong baranggay namin. 

Pero ang lalakeng ito? Hindi ko alam kung bakit tila ba ay may kung anong nabuhay sa loob-loob ko. 

Napailing ako. 

“Paki ayos na lang diyan sa may gate, Daboy!” ani ko. 

Pumasok na ako sa loob ng tindahan ko. 

Ayaw ko naman na makagawa pa ako ng kasalanan dahil lang sa nakita kong lalake. 

Naupo akong muli sa lamesa ko at muling nanood. Naririnig ko pa ang pag-uusap nila Daboy sa labas at ang pagbagsak ng mga paninda na idini-deliver nila sa akin. 

“Excuse me, Miss. Heto na po ang resibo.” 

Napatingin ako sa bintana ng tindahan ko. Sandali pa akong natigilan noong makita ko ang binata roon. May hawak itong papel na halos nakapaloob sa may maliit na butas ng tindahan ko. 

Biglang bumaba ang tingin ko sa may leeg niya. Tumutulo roon ang butil ng pawis mula sa ulo niya. Tuloy-tuloy hanggang mapunta sa matipuno nitong dibdib. 

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napalunok. Para kasing ang bango pa rin nitong tingnan at ang seksi kahit na pawisan. 

Napansin ko na biglang ngumiti ang lalake. 

“Hindi ko alam na may maganda palang tindera dito,” ani ng lalake. 

Bahagyang nangunot ang noo ko. Ako ba ang tinutukoy niya? 

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi naman bago sa akin ang matawag na maganda dahil totoo naman iyon. Panlaban ako ng baranggay namin sa pageant noon. Kahit hanggang ngayon ay na aalagaan ko pa rin ang sarili ko. 

Pero parang may kumislot sa puso ko noong ito ang pumuri sa akin. 

Lihim akong napailing. Dapat ay tigilan ko na kapapanood ng mga erotic movies! 

“At hindi ko alam na may bastos palang kasama si Daboy. Sino ka ba?” 

Inis na tumayo ako at lumapit sa may tindahan. 

“Ito naman. Lalo kang gumaganda kapag nagmamaldita ka.” 

Napaawang ang bibig ko. Pogi na sana pero mukhang mabulaklak pala ang dila. 

“Hoy, Mister. Tigil-tigilan mo ako sa mga pambobola mo. Hindi tayo talo!” 

“Bakit? Totoo naman. Pinupuri lang naman kita.” 

Naiikot ko ang mga mata ko. 

Kinuha ko ang resibo mula sa kamay niya. Pero noong magdampi ang mga balat ay para akong nakuryente. Nagulat pa ako dahil para bang sinadya nito na magkalapat ang mga kamay namin. 

Muli ay biglang naghurmintido ang puso ko sa bilis ng tibok niyon. 

Tuluyan ko nang kinuha ang resibo at sinamaan siya ng tingin. 

“Ano ba ‘tong kasama mo, Daboy?! Ang bastos!” sigaw ko. 

Agad naman na sumulpot si Daboy sa may tindahan. 

“Ha? Bakit po, Aling Eva?” 

“Walang galang sa nakakatanda!” 

Pero imbes na matakot ay ngumiti pa ang lalake. 

“So, Eva pala ang pangalan mo. Ako si Gilbert. Pero kahit Bert na lang ang itawag mo sa akin.” 

Napaawang na ang bibig ko sa kakompyansahan niya. Pogi nga pero mukhang feeling naman. 

Ako pa talaga na matanda na ang nilandi niya? 

Pinirmahan ko na ang papel at muling ibinalik ito sa kaniya. Inilapag ko lang iyon sa patungan para hindi na ulit magkadikit ang mga balat namin. 

“Ano’ng ginawa mo?” narinig kong tanong ni Daboy. 

“Wala naman. Pinuri ko lang siya. Ang ganda e.” 

“Ikaw talaga, Bert! Dinala mo pa pagiging bolero mo kay Aling Eva!” 

“Totoo naman. Hindi ba siya maganda?” 

Napailing na lang ako. Mga kabataan talaga ngayon. Ang lakas-lakas na ng loob. 

Dati ang mga lalake ay inaabot pa ng syam-syam bago makapagtapat ng nararamdaman nila sa babae. Ngayon ay tila ba wala na lang iyon sa kanila. 

Kinuha ko na ang pera at muling humarap sa kanila. 

“Ito na. Pagsabihan mo ‘yang kasama mo, Daboy. Magsusumbong ako sa mga amo kapag ganiyan nang ganiyan ‘yan!” 

Imbes na matakot ay natawa lang si Bert. Na lalong nagpainis sa akin. 

“Ano namang nakakatawa?” 

“Wala. Ang cute mo kapag galit.” 

“Wow, ha? Talagang pinagmumukha mo akong bata? Umalis na nga kayo!” 

Napangiwi si Daboy. Hinila na nito sa braso si Bert. 

“Pasensya na ate Eva. Ito kasing si Bert ay galing Maynila kaya ganito. Alis na po kami.” 

Kaya pala. 

Naiikot ko na lang ang mga mata ko. Pero si Bert? Ngumiti lang ito nang makahulugan. 

“See you again, Ms. Ganda.


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !