Chapter 36
Unti-unting nagising si Lirah mula sa kaniyang pagtulog. Agad niyang kinapa ang gilid niya ngunit hindi niya na abot ang asawa.
“Nasaan siya?”
Dahan-dahang naupo si Lirah at inilibot ang paningin sa paligid. Ngunit wala si Matias kahit saan. Ang huli niyang na aalala ay gabi na pero nagkakasiyahan pa rin ang kanilang mga bisita. Napainom si Matias kasama ang mga kaibigan nito. Pero hindi niya ito pinigilan dahil sa kagustuhan niyang makapag-relax din ito.
“Hindi na ata nakaakyat si Matias.”
Sapo-sapo ang balakang na tumayo siya mula sa kama. Inayos niya muna ang sarili bago minabuti nang bumaba sa sala. Doon ay nakita niya ang ilang mga staff nang nag-ayos ng kanilang party. Nililinis na nila ang mga ginamit nila. Pati ang catering staff ay nandoon na rin.
“Oh, Hija. Gising ka na pala!” bati ni Myrna. “Gustom ka na ba? Pumunta ka na roon sa kusina at ipagtitimpla kita ng gatas.”
“Sige po, ‘Nay. Narito pa ba sila Papa?”
“Oo. Pero hindi pa pumapanhik. Pati sila Don Manuel ay narito pa. Abala na nga kami sa pagluluto ng almusal.”
“Eh si Matias po? Nakita niyo ba?”
Nangunot ang noo ni Myrna. “Wala ba sa kwarto niyo?”
“Wala po.”
“Hindi ko napansin, Anak. Sandali at tatanungin ko si Kiray. Nagpakalasing din ‘yon kagabi eh.”
“Sige po, ‘Nay. Salamat po.”
“Sige na. Pumaroon ka na sa kusina at hintayin mo ako roon.”
Tumango na lamang si Lirah kay Myrna at naglakad na papunta sa kusina. Dahan-dahan lang ang paglakad niya dahil sa malaki na ang kaniyang dinadala. Noong makarating siya sa kusina ay nakita niya agad ang ilan nilang kasambahay na abala sa pagluluto. Minabuti na lang ni Lirah na pumunta sa dinning area nila at doon naghintay kay Myrna. Ilang sandali pa ay dumating si Kiray na kinukusot-kusot pa ang mga mata.
“Good morning, bessy.” Naupo si Kiray sa tabi niya at tumungo sa lamesa. “Ang aga naman manggising ni Nanay! Ang sakit pa ng ulo ko. May hangover ata ako!”
Napangiti si Lirah. “Baka naman kasi napasobra ang pag-inom mo.”
“Eh ang sarap ng mga alak.” Nag-angat ng ulo si Kiray at tumingin kay Lirah. “Sino nga ulit ang hinahanap mo?”
“Ah, si Matias. Nakita mo ba kagabi?”
“Si Matias? Wala ba sa kwarto niyo?”
“Wala eh. Ako lang ang nasa kama paggising ko.”
“Ay! Nasaan na kaya ‘yon? Alam ko naman narito pa rin ang mga kaibigan niya. Nasa guest house ata.”
“Baka naroon.” Tumayo si Lirah. “Puntahan ko muna.”
“Ha? Saan?”
“Sa guest house.”
Agad na tumayo si Kiray kahit na mabigat pa ang ulo. “Hindi na! Pagagalitan ako ni Nanay kapag makita kang naglalakad. Ako na ang titingin sa kaniya roon.”
“Sigurado ka?”
“Oo.”
“Sige. Salamat.”
~~~
“Ouch… my head.”
Napaungol si Matias habang unti-unting iminulat ang mga mata. Nangunot ang noo niya noong makitang wala siya sa silid nila ng kaniyang asawa.
“Where am I?”
“Hmm… are you awake?”
Agad na napalingon si Matias sa kaniyang tabi noong marinig ang boses ng isang babae. Nanlaki ang mga mata niya at tila ba ay biglang nagising noong makita si Jenia sa kaniyang tabi. Nakapikit pa ito at padapang nakahiga. Balot na balot ang katawan ng kumot na sa kaniyang hinala ay walang ibang suot sa ilalim. Doon ay biglang napagtanto ni Matias ang kanilang sitwasyon.
“What the fuck, Jenia?! What are you doing here?!” galit na tanong ni Matias.
Unti-unting dumilat si Jenia. “What? Why are you so loud?”
Sinilip ni Matias ang kaniyang katawan. Napaungol na lamang siya noong makitang wala rin siyang saplot. “Akala ko ba nasa Italy ka?! Why are you here?!”
“Ano’ng why are you here? Pinapunta mo ako rito, remember?” Naupo na rin si Jenia. Ngumiti siya nang malapad at akmang yayakapin si Matias. “I knew you can never forget me.”
“Stop!” Agad na tumayo si Matias. Hindi niya pinansin ang sarili kung makita man ang kahubaran. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit na nasa sahig at sinuot ang pantalon. “I don’t know what you’re talking about. But you need to get up and leave now!”
“What’s the rush? Inaantok pa ako. Matulog pa tayo.”
Nilingon ni Matias si Jenia. “I don’t have time for your games, Jenia. Umalis ka na!” mayriing sabi niya. Ngunit bago pa man makakilos si Jenia ay biglang bumukas ang pinto.
“Oh my, God! What the fuck is this?!” gulat na tanong ni Liza. “What is the meaning of this, Matias?!”
“Bakit? Ano ang—” Nanlaki ang mga mata ni Kiray noong makita ang sitwasyon. Pinagpalit-palit niya ang mga tingin kay Jenia at Matias. Unti-unti ay pakiramdam niya biglang lumaki ang kaniyang ulo. Hindi man siya ang asawa ni Matias ngunit siya ang nasaktan para sa kaibigan. “Hayop kayo! Ang bababoy niyo!” sigaw ni Kiray.
“Wait, Kiray! Let me explain!” Sinalag ni Matias ang mga palo ni Kiray.
“Lirah will know about this!” ani Liza.
“Wait, Liza! Don’t—”
“Anong don’t?! Ilang ulit ka nang pinagbigyan ng kaibigan ko tapos ganito pa rin?” galit pa ring sigaw ni Kiray. Tumigil siya sa pagpalo kay Matias at nilingon si Jenia. “Ikaw! Hayop ka! Pumunta ka pa talaga rito para lumandi?!”
Lumapit si Kiray kay Jenia at agad na inabot ang buhok nito. Napatili ang dalaga noong hinila ito ni Kiray. Hindi naman alam ni Matias ang kaniyang gagawin kaya hinawakan na naman niya si Kiray at pilit itong pinigilan.
“Ang landi mo! Baboy!”
“Kiray, please!”
“Get off me, Bitch!”
“Bitch?! Ikaw ang bitch! Mang-aagaw!”
Napasinghap si Lirah noong makita ang nangyayari sa loob ng silid. Kanina pa siya kinakabahan habang kausap ang kapatid. Wala siyang maunawaan sa mga sinasabi nito. Ngunit ngayon ay unti-unti na siyang sinasampal ng reyalidad.
“A-Ano’ng nangyayari dito?” tanong ni Lirah. Pigil na ang kaniyang paghinga na para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan. Hindi siya tanga para hindi maunawaan ang nangyayari. Walang saplot si Jean na pilit na inaalis ang kamay ni Kiray. Habang si Matias ay nakasuot lang ng pantalon. “J-Jean? Ano’ng ginagawa mo rito?”
“I told you, Lirah. We saw them in the bed together— naked!” ani Liza.
“L-Lirah?” Agad na binitawan ni Matias si Kiray at lumapit kay Lirah. Hahawakan niya sana ito ngunit agad itong umatras. “L-Let me explain, Lirah.”
Umiling-iling si Lirah. Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. “I-Ikaw… B-Bakit?”
“Lirah, please. It’s not what you think!”
“Shut up, Matias! Manloloko ka!” sigaw ni Liza.
Napasinghot-singhot si Lirah. Biglang nanikip ang kaniyang dibdib at lalo siyang nahirapang huminga. Sinapo niya ang kaniyang tiyan at tinalikuran ang asawa.
“Lirah, please! Walang nangyari sa amin. Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit siya narito!” pagsusumamo pa rin ni Matias.
“Manloloko ka!” ani Liza.
“Malandi kang babae ka! Ito ang dapat sa ‘yo!” sigaw naman ni Kiray.
“Let me go! Ouch! Matias! Help me!”
Napapikit si Lirah at humawak sa hamba ng pintuan. Parang bigla na lamang nanigas ang kaniyang tiyan at nakaramdam siya nang matinding sakit. Napaungol siya habang hawak-hawak ang tiyan.
“Lirah, please. Talk to me!” pagsusumamo pa rin ni Matias.
Napasinghap si Lirah noong mas tumindi pa ang sakit ng kaniyang tiyan. “A-Ahh!” sigaw niya.
Napatigil si Kiray sa paghila kay Jean at tiningnan si Lirah. Nanlaki ang mga mata niya noong makitang may tumutulong pulang likido sa pagitan ng hita ng kaibigan.
“O-Oh my, God!” Binitawan ni Kiray si Jean at tumakbo kay Lirah. “Lirah!”
“Ano’ng nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Matias.
“M-Manganganak na ako! Ahh!”
Chapter 37
“Dad, don’t do this! I need to see my family!” pakiusap ni Matias sa ama. Nasa hallway sila ng ospital na pinagdalhan kay Lirah. Kanina pa siya nagpupumilit na makita ang mag-ina.
“No! I won’t do that! Para ano? Para ipahamak na naman ang sarili mong anak?” ani Don Manuel. “Hindi mo sila pwedeng makita!”
“I’m his father! Asawa ako ni Lirah! Hindi mo ako pwedeng ilayo sa mag-ina ko!”
Galit na sinuntok sa kaliwang pisngi ni Don Manuel ang anak. “You dare to call them your family?! Pagkatapos nang ginawa mo?!”
“I told you I didn’t know what happened!”
“Umalis ka na, Matias! Bago pa ako ang kumastigo sa ‘yo!” sabat naman ni Don Fernan. “Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may masamang mangyari sa anak ko at apo ko!”
Napabuga ng hangin si Matias. Pinahid niya ang gilid ng labi at naluluhang tiningnan ang pamilya. Nasa delivery room ngayon si Lirah at kasalukuyang nanganganak. Dahil sa nangyari ay napaaga ang panganganak nito. Sabi ng doctor ay maaring mangyari talaga iyon kapag sobrang na stress ang isang buntis. Malaki ngayon ay ang pagsisisi ni Matias dahil sa nangyari. Na wala siyang kaide-ideya kung paano nga ba nangyari. Ang huli niyang na aalala kagabi ay umiinom siya ng alak kasama ang mga kaibigan. Pagkatapos ay nakaramdam na siya ng antok kaya papunta na sana siya sa kwarto nila. Pagkatapos ay wala na siyang maalala. Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa silid na iyon. O kung bakit narito sa Pinas si Jenia.
“I-I’ll come back. Papatunayan ko sa inyo na wala akong alam sa nangyari. All I care is my son and wife!”
“Go now, Matias! Hindi ka na kailangan pa rito!” ani Liza.
Tiningnan lang ito ni Matias. Sa huli ay tumango siya at tinalikuran ang mga ito. Nagmamadali siyang bumalik sa hacienda upang hanapin si Jenia. At hindi nga siya nagkamali. Naroon pa rin ang dalaga ngunit nakakulong ito sa isang kwarto.
“Sorry, sir. Hindi ka pwedeng pumasok,” pigil ng bantay na nakabantay sa silid.
“Kailangan ko siyang makausap.”
“Utos ni Don Manuel na hindi siya pwedeng makausap ng kahit na sino hanggat hindi siya bumabalik. Sorry.”
“Saglit lang! Ano ba?” galit ng sabi ni Matias. “Don’t you know me?!”
Nagkatinginan ang dalawang bantay na iniwan ni Don Manuel. Bumuntonghininga ang isa at tumango kay Matias.
“Paki bilisan, sir. Hindi talaga pwedeng malaman na nakausap mo siya.”
Tumango si Matias. Binuksan na ng bantay ang pinto at agad siyang pumasok doon. Tumayo kaagad si Jenia na nakaupo sa kama. Humarap ito kay Matias at ngumiti nang malapad.
“Matias! I knew you’ll come back!” masayang sabi ni Jenia. “Please, help me get— ouch! M-Matias!”
Hindi natuloy ni Jenia ang kaniyang sasabihin dahil bigla na lamang siyang sinakal ni Matias. Nanlilisik ang mga mata ng binata habang titig na titig sa kaniya. Pilit niyang inalis ang mga kamay nito ngunit lubhang mas malakas ito sa kaniya.
“M-Matias…”
“I swear, Jenia! Kapag may masamang mangyari sa kanila ay hindi ko alam ang gagawin ko sa ‘yo!”
“L-Let me g-go…”
Ilang sandali pang sinakal ni Matias ang dalaga. Hanggang sa noong makita niyang unti-unti na itong nawawalan ng malay ay binitawan na niya ito. Natumba si Jenia sa sahig at agad na umubo-ubo.
“Are you crazy?! Papatayin mo ba talaga ako?!” galit na tanong ni Jenia.
Dinuro ni Matias ang dalaga. “You! How could you do this?! Akala ko ba ayos na tayo, ha?! Bakit narito ka sa Pinas? At bakit tayo nagkasama kagabi?!”
Ngumisi si Jenia. “Don’t you remember? Ikaw ang nagpapunta sa akin dito. You said you can’t forget about me and it was me that you really—”
“Shut up! That is not true!” Nanggigil na hinawakan ni Matias ang braso ni Jenia at hinagis ito sa kama. “Hinding-hindi ko gagawin ‘yon dahil si Lirah ang mahal ko!”
“M-Matias, please! Alam ko naman na ako pa rin. Sinasabi mo lang ‘yan dahil namatay na ang anak natin. Fine! Papayag akong hintayin ka. Hihintayin kita—”
“I said, shut up! Hindi ko na kailangan pang marinig ang mga sinasabi mo, Jenia. Tapos na tayo. Pinapangako ko. Kapag may masamang mangyari sa mag-ina ko. Hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!” banta niya rito. Tumalikod na siya sa dalaga.
“Bakit? Ano ang gagawin mo?” Napatigil sa paghakbang si Matias. “Itatapon mor in ako sa ibang bansa? Ikukulong sa bahay at hindi hahayaang makalabas doon? Babantayan na parang preso? Or worst? Ipapapatay mo na ako?” Napaismid si Jenia. “Ano pa ba ang inaasahan ko? You are just like your father! A controller, manipulative, freak!”
Napapikit nang mariin si Matias. Ikinuyom niya ang mga palad at pilit na kinalma ang sarili.
“Fine! Go back to your family! But I doubt it. Sa tingin mo ba ay maniniwala pa sa ‘yo si Lirah? Hindi na, Matias. Wala ka nang magagawa pa kundi ang bumalik sa akin! Sa akin ka pa rin!"
Hindi na sumagot si Matias. Nagmamadali na siyang lumabas ng silid. Nagpalipas siya ng ilang sandali sa hacienda bago muling bumalik sa ospital. Kahit na hindi siya hinahayaan ng pamilya niyang makita ang kaniyang mag-ina ay gagawa siya nang paraan. Kung kailangan niyang lumuhod ay gagawin niya para lang makahingi ng tawad kay Lirah. Magpapaliwanag siya rito nang paulit-ulit.
“Whoa, Matias! Saan ka pupunta?” haring ni Kiray kay Matias. Kagagaling niya lang sa canteen para bumili ng pagkain ni Lirah. Ayaw kasi nito ng mga ibinibigay ng ospital. At doon nakita niya si Matias na papaliko na kwarto ng kaibigan. “Hindi ka pwede rito!”
“Kiray, please. Kailangan kong makausap si Lirah. Parang-awa mo na! Hindi ka naman naniniwala na ginawa ko ‘yon, ‘di ba?”
Ngumisi si Kiray. “Wow? Nakalimutan mo na ba kung paano ko muntik kalbuhin ang babae mo?”
“Hindi ko siya babae, Kiray! Walang nangyari sa amin, okay? Hindi ko alam kung paanong naroon din siya.”
“Sabihin mo ‘yan sa kaibigan kong hanggang ngayon ay umiiyak. Ang sama-sama mo, Matias! Ilang beses ka nang pinagbigyan ng kaibigan ko! Ngayon ay muntik pa silang mapahamak ng anak niyo. Wala kang awa!”
“Please, I’m sorry. Paulit-ulit kong sasabihin na sorry. Pero hindi ko talaga ginawa ‘yon.” Sandaling tumigil si Matias. “Kumusta si Lirah? Ang anak namin?”
“Hindi mo na kailangan pang malaman kasi ayaw ka ring makita ni Lirah.”
“Please, Kiray,” pagsusumamo ni Matias.
Napaungol sa inis si Kiray. Kahit na galit na galit siya sa binata ay hindi niya alam kung bakit may kung ano sa kaniyang loob na nagsasabihin paniwalaan ito.
“Oo na! Okay lang sila ni Lirah. Pero kailangan mag-stay sa NICU ang anak niyo dahil maaga siyang lumabas. Pero parehas silang ligtas sa ngayon.”
“Kasalanan ko ‘to.” Nasapo ni Matias ang noo. “Please, Kiray. Hayaan mo akong makita ang asawa ko.”
“Gustuhin ko mang gawin ‘yon, pero hindi pwede. Nag-iwan ng bantay ang tatay mo rito. Hinding-hindi ka makakapasok sa kwarto ni Lirah.”
“Fuck!” bulong ni Matias. “I’ll call you. Dala mo ba ang cellphone mo?”
Umiling-iling si Kiray. “Please, Matias. Ako naman ang malalagot sa amo ko kapag ginawa ko ‘yan! Ayaw nilang mapalapit ka ngayon sa kanila. Kaya, sorry. Umalis ka na muna. Saka mo na kausapin si Lirah kapag okay na siya.”
“Alam mong hindi ko pwedeng gawin ‘yan. Ilalayo siya ng pamilya ko.”
“Wala na akong magagawa roon, Matias. Kailangan ko nang bumalik.”
“Kiray— fuck! Fuck!”
Wala nang nagawa pa si Matias noong tinalikuran na siya ni Kiray. Sinubukan niya pa ring sumunod dito upang makita si Lirah ngunit kagaya nang sabi nito ay may humarang sa kaniya. Talagang hindi siya pagbibigyan ng ama na makita ang kaniyang mag-ina. Kahit noong pumunta siya sa NICU ay hindi rin siya pinapasok para masilip ang anak nila. Wala siyang nagawa kundi ang umuwi sa mansyon nila upang makiusap sa ama. Kahit na hindi pa rin sila nagkakausap nang maayos matapos ang nangyari noon.
“What are you doing here, Matias?” tanong ni Don Manuel sa anak. Nasa loob siya ng kaniyang opisina sa bahay at nagbabasa ng mga papeles. “You should go. I’m busy.”
“Dad, please. You can’t seriously do this to me! Pamilya ko sila!”
“But yet, you keep on coming back to your ex.”
“That’s not true!”
“Then explain to me what happened that night! Bakit narito ang babaeng ‘yon?”
“Hindi ko alam, Dad! Lasing ako noong gabing ‘yon. Wala akong maalala pero sigurado ako na walang nangyari sa amin ni Jenia! At sigurado ako na si Lirah ang mahal ko!”
“Oh, really? Kasi iba ang sinasabi niya.”
“And it’s not true!” Natigilan si Matias. “Wait, what did you do to her?”
“I sent her back to where she belongs. Pero ngayon ay sinisiguro ko na hindi na siya ulit pa makakapanggulo pa. Kagaya nang gagawin ko sa ‘yo.”
Nangunot ang noo ni Matias. “What do you mean?”
“Tama lang na narito ka. Tomorrow, you will fly to America and stay there until you learned your lesson.”
“What?! Hindi na ako bata para gawin ‘yon, Dad! At hindi ko pwedeng iwan ang pamilya ko!”
“It’s decided. Pumayag din si Lirah.”
“N-No… She will never agree with this.”
“She’s hurt. You hurt her. What did you expect?”
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Matias. Wala sa sarili na lumuhod siya sa harap ng ama. “D-Don’t do this, Dad. Please! I can’t leave! Hindi ko pwedeng iwanan ang pamilya ko! I need to talk to her!”
Pinindot ni Don Manuel ang intercom niya at tinawag ang ilan nilang mga tauhan. Ilang sandali pa ay may pumasok na dalawang lalake sa loob ng silid.
“Dalhin niyo siya sa kwarto niya at siguraduhing hindi makakalbas doon.”
“N-No, Dad! Don’t do this! I’m begging you!”
“Stop now, My son. It’s decided.”
“No, Dad! For once! Hayaan mo naman akong magdesisyon para sa sarili ko! Hayaan mo akong makita ang asawa ko! Dad! You can’t do this! Don’t do this to me!”
Chapter 38
“Bessy, gising ka ba?” tanong ni Kiray sa kaibigan. Inaayos niya ang pagkaing nabili sa lamesita malapit sa higaan nito. Nakahiga patalikod sa kaniya si Lirah kaya hindi niya makita kung tulog ba ito. “Nakabili na ako ng pagkain mo. Halika na. Kailangan mong magpalakas.”
Suminghot-singhot si Lirah. “N-Nakita mo ba siya, Kiray?”
Natigilan si Kiray. Bumuga siya ng hangin. “Sino? Si Matias ba?”
“Oo.”
“Oo. Kaso hindi siya pwedeng pumunta rito. Pinagbabawalan siya ni Don Manuel. Nakakatakot pala iyon kapag galit, ‘no?”
Muling nangilid ang mga luha ni Lirah. “G-Ginawa ba talaga niya, ‘yon, Kiray? T-Talaga bang siya ang pinipili niya?”
“Lirah.” Tumayo si Kiray at lumapit sa kaibigan. Naupo siya sa gilid ng kama at hinagod ang balikat nito. “Hindi ko rin alam, bess. Pero nahuli ko sila sa iisang kwarto. Walang saplot si Jenia at ang asawa mo naman ay nagbibihis pa lang.” Napapikit siya nang mariin. “Pero hindi naman tayo sigurado. Nadala lang ako sag alit kaya nasaktan ko ‘yong babae.”
“Paanong hindi? Hindi siya bumalik sa silid namin, Kiray. Ibig sabihin magdamag niya ngang kasama si Jenia. Ang sama-sama nilang dalawa. Pinaikot nila ako.” Humagulhol si Lirah.
“Ssh… tama na, please. Kailangan mong magpalakas. Kakapanganak mo palang.”
“P-Pero paano ko gagawin ‘yon? Ang sakit-sakit, Kiray! Para akong sinasaksak ng maraming beses! Durog na durog na ako!”
Nangilid na rin ang mga luha ni Kiray. Niyakap niya ang kaibigan at sinabayan ito sa pag-iyak. “Alam ko. Sorry at nararamdaman mo ‘to, bess. Hindi mo ‘to deserve. Ang bait-bait mo!”
“Paano niya nagawa sa akin ‘to? Bakit? W-Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya, Kiray. Pero ang sakit. Sobrang sakit!”
Hinagod ni Kiray ang likod ng kaibigan. Hinayaan niya itong muling maglabas nang sama ng loob sa kaniya. Hinayaan niyang maging iyakan nito ang kaniyang balikat.
Kinabukasan ay bumisita sila Don Manuel kay Lirah. Mabigat pa rin ang pakiramdam ng dalaga pero nakakatayo na ito. Dahil na rin sa utos ng doctor niya na kailangan na nitong kumilos-kilos para mapabilis ang paggaling.
“Patawad sa ginawa ng anak ko, Lirah,” malungkot na sabi ni Don Manuel. “H’wag kang mag-alala. Dinisiplina ko na siya.”
“Ano pong ibig niyong sabihin, Dad?” tanong ni Lirah.
“I will send him to America to learn his lesson. Bukas ng hapon ang flight niya. He’ll stay there as long as you wanted.”
“A-Ako?”
“Yes, Hija. Hindi ko kailangan man kinukunsinti ang anak ko sa mga maling ginagawa niya.”
“Si Jenia. Ano po ang ginawa niyo sa kaniya?”
“I didn’t do anything to her. I just sent her back to Italy. Don’t worry. Hindi na siya makapanggugulo pa sa inyo ulit.”
Huminga nang malalim si Lirah. Tumungo siya at hindi na sumagot. Inisip niya maigi ang sinabi nito na aalis na si Matias. Doon ay bigla siyang nakaramdam nang mas matinding kalungkutan. Aalis si Matias? Na hindi manlang siya nakakausap? Ni hindi manlang ba ito magpapaliwanag sa kaniya? Iyan ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
“P-Pumayag po ba si Matias na aalis na siya?”
“Wala siyang magagawa, Lirah. Don’t worry about him anymore. Ang gusto ko ay magpalakas ka na agad para maalagaan mo na ang apo ko. Kailangan ka ng anak mo.”
Tumango si Lirah. Sa katunayan ay hindi pa niya nakikita ang anak dahil noong maipanganak niya ito ay agad siyang nawalan ng malay. At isa na ring dahilan na hindi pa siya nakalakad agad.
Hindi na rin nagtagal si Don Manuel sa ospital. Pagkatapos nitong makausap si Lirah at makita ang apo ay umalis na rin ito kaagad. Kaya naman ay naghanda na rin si Lirah para bisitahin ang anak sa NICU. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang tinutulak siya ni Kiray sa wheelchair. At noong makita na nga niya ang anak ay agad siyang napaluha.
“Kamukhang-kamukha mo ang papa mo, anak,” lumuluhang sabi ni Lirah. Niyakap niya nang mahigpit ang anak na agad na nagising noong maramdaman siya. “Ssh… ang gwapo-gwapo mo naman, anak. Nakuha mo ang matangos na ilong ng papa mo.” Napabuga ng hangin si Lirah at biglang natahimik. Hindi niya alam kung bakit kanina pa niya bukambibig si Matias. “Nakita mo na ba ang papa mo, Anak? Nakarga ka na ba niya? S-Sorry kung aalis muna siya, ha? Promise. Magiging buo rin tayo. Hindi lang sa ngayon. I’m sorry.”
Napahagulhol si Lirah. Kahit na sobrang nasasaktan siya dahil sa nangyari ay hindi pa rin niya maiwasang ma-miss ang asawa. May kung ano sa loob ng pakiramdam niya na nagsasabing kailangan niyang makita ang asawa. Kahit na durog na durog siya sa ginawa nito at muntik pang mapahamak ang anak nila ay hindi niya maitatanggi mahal pa rin niya si Matias. Ngunit wala na rin naman siyang magagawa. Nagdesisyon na ang ama nito na dalhin muna ito sa Amerika. Maaring mali, pero wala nang dahilan pa si Lirah para pigilan iyon.
Pagkatapos niyang bisitahin ang anak ay bumalik si Lirah sa kaniyang silid. Naroon pa rin si Kiray na kanina pa paikot-ikot sa gilid ng kama niya. Kanina pa rin ito pinagmamasdan ni Lirah at nagtataka na siya dahil para bang hindi mapakali ang kaibigan.
“Kiray? Ayos ka lang ba?”
“Ha?” Tumigil sa paglalakad si Kiray at naupo sa upuan na malapit sa higaan ni Lirah. “Oo.”
“Eh bakit parang hindi ka mapakali? May problema ba?”
Bumuntonghininga si Kiray. “Bess, true na bang aalis si Matias? Pupunta na siyang Amerika?”
Tumango si Lirah. “Oo… nagdesisyon na si Dad. Hindi na namin iyon mapipigilan.”
“At okay lang sa ‘yo ‘yon?”
Natahimik si Lirah. Humigpit ang hawak niya sa kumot. “S-Sa tingin mo? Mali ba ‘yon?”
“Eh, hindi ko alam. Ikaw? Para sa ‘yo? Kaya mo bang mawala si Matias sa tabi mo?”
Biglang may kumirot sa dibdib ni Lirah. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang kaibigan. “Akala ko ba ikaw ang nakahuli sa kaniya? Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin?”
“Eh kasi—” Napakamot sa ulo si Kiray. “—ewan ko ba! May kakaiba akong feeling. Alam mo ‘yon? Oo, galit ako kay Matias dahil sa ginawa niya sa ‘yo. Pero hindi ko alam kung bakit parang may mali.”
“Bakit naman? Ano ang mali?”
“Kasi, ‘di ba no’ng party? Si Jenia. Wala manlang nagtanong paano siya nakarating sa hacienda noong araw na iyon.”
Muling natigilan si Lirah. Wala ngang nagsabi sa kaniya ng mga detalye. Hindi pa rin niya nakakausap ang asawa kaya hindi pa ito nakakapagpaliwanag sa kaniya.
“Tapos, naalala mo na may iba akong nasi-sense no’ng araw na iyon sa kapatid mo? Ewan ko lang, ha? Ayaw kong manuro. Galit ako kay Matias dahil sinaktan ka niya. Pero feeling ko ay may ginawa ang kapatid mo, Lirah.”
Nangunot ang noo ni Lirah. Hindi makapaniwalang napangiti siya at umiling-iling. “A-Ano? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin, Kiray. Pwede ba deretsahin mo na ako?”
“Noong inihatid kasi kita sa kwarto mo. Bago ako makalabas ng mansyon ay nakita ko si Liza. May kasama siyang babae at papunta sila sa kusina. Hindi ko nakita kung sino iyon kasi nakatalikod sa akin. Pero sobrang pamilyar ang pustura niya. Lalapitan ko na nga sana pero bigla akong tinawag ni Nanay eh.” Muling napakamot sa ulo si Kiray. “Sayang!”
Bigla na lamang binundol ng kaba si Lirah. “I-Imposible… galit sa akin si Ate pero hindi naman niya siguro magagawa iyon.”
“Do what?” tanong ni Don Fernan. Dahil sa malalim ang pinag-uusapan ng magkaibigan ay hindi na ng mga ito napansin ang pagdating ng tatlo. “Ano’ng ginawa ng ate mo?”
Agad na napatingin si Lirah kay Don Fernan. Habang si Kiray naman ay tumayo sa tabi ng higaan ni Lirah. “P-Papa, narito pala kayo.”
“What did I do?” nagtatakang tanong ni Liza na nasa likuran ng ama.
Nagkatinginan sina Lirah at Kiray. Napalunok si Lirah.
“What, Lirah? Are you gonna talk or what?” tanong ulit ni Liza.
“M-May sinasabi kasi si Kiray. Sino ang bisita mong babae no’ng party, Ate?”
“Babae? What do you mean? Ang daming bisita noong araw na iyon, Lirah.”
“Ano ba ito, Lirah? Kung ano-ano ang pinag-uusapan ninyo kaysa magpahinga ka,” ani Donya Paulina.
“Let her talk, Dear,” saway ni Don Fernan. “Kiray, ano itong tinatanong ni Lirah?”
Napangiwi si Kiray. “E-Eh kasi, Don Fernan. P-Para kasing may mali. Oo, nagkaroon nang maling desisyon si Matias noon sa pag-iwan kay Lirah. Pero noong bumalik siya, nakita ko kung gaano niya minahal ang kaibigan ko. Araw-araw niyang pinatunayan kay Lirah. Pati na rin po sa amin. Na si Lirah talaga ang mahal niya. Kaya feeling ko ay hindi niya talaga magagawang lokohin ulit si Lirah,” paliwanag ni Kiray.
“And what do you mean by that?” tanong ni Liza. “Hindi ba’t ikaw ang sumugod kay Jenia noong araw na iyon?”
“Opo. Eh kaso, ‘di ba ikaw ang nagturo sa akin kung nasaan sila? Hindi ko pa nga tinatanong ay sinabi mo na agad sa akin.”
Napatawa si Liza. “What? Paanong hindi ko malalaman eh naririnig kong tinatanong mo ‘yong mga tao roon?”
“Wala pa po akong tinanong sa guest house. Ikaw agad ang nakita ko roon.”
“Bullshit! Are you accusing me?!” hindi makapaniwalang sabi ni Liza.
“Liza,” saway ni Don Fernan.
“But she’s—”
“Eh sino nga po ‘yong nakita kong kasama mo papunta sa kusina noong party?”
“Are you insane? Ang daming tao noon sa party! Marami ring nagtanong sa akin kung saan ang banyo!”
“Eh sino nga po?”
“Kiray,” ani Lirah. Bumuntonghininga si Kiray at tumingin sa sahig. Tiningnan niya ang kapatid na ngayon ay nagpupuyos na sa galit. “Ate, please. K-Kung wala ka namang ginawa ay paniniwalaan kita. Sabihin mo lang po—”
“Oh my, gosh, Lirah! Ako na nga ang nag-abala para bigyan kayo ng party ng anak mo. Ginawa ko ‘yon dahil gusto kong maging maayos na tayo. Tapos pinagbibintangan mo lang ako ngayon?! How could you?!”
“G-Gusto ko lang malaman ang totoo, Ate. Pamilya ko ang nakasalalay rito!”
“Lirah! Why are you saying that?! Ginawa lahat ng ate mo para mapasaya ka sa baby shower mo! Hindi pa ba sapat iyon?” tanong naman ni Donya Paulina.
“Pero, Mama—”
“Enough! You are ungrateful! How could you be so—”
“Stop!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Don Fernan sa loob ng silid. Agad silang napatahimik habang si Lirah ay napaiyak na. Tiningnan ni Don Fernan ang panganay. “Liza, did you really do it?”
“Fernan!”
“Stop, Paulina. Let me talk with my kids!”
“My gosh, Dad! Hindi!”
“Sino ‘yong babaeng kausap mo?”
“Dad!”
“This is insane!” hindi makapaniwalang sabi ni Donya Paulina.
“Just answer it!”
“Fine! Okay!” sigaw na rin ni Liza. “Si Jenia ang kausap ko!” Tiningnan niya si Kiray. “Are you happy now?”
“A-Ano ang ibig mong sabihin, Ate?” tanong ni Lirah.
“Ako ang nagdala kay Jenia rito sa Pinas. Pinlano ko ang lahat para lang magkasira kayong mag-asawa!”
“Sabi ko na nga ba may binabalak ka eh!” ani Kiray.
Napasinghap si Lirah. “B-Bakit? Ate… Bakit mo nagawa sa akin ‘to?”
“Liza…”
“Because I hate you! Lahat na lang ikaw! Lahat na lang sa ‘yo! Puro na lang sa ‘yo! For once gusto ko naman makita kang miserable, Lirah! And I won. Nagawa kong paghiwalayin kayo ni Matias—”
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Don Fernan sa panganay na anak. Nagulat sila Lirah at hindi agad nakapagsalita dahil sa ginawa nito maliban kay Donya Paulina.
“Liza!” Dinaluhan ni Donya Paulina ang panganay. Inalalayan niya itong tumayo dahil natumba ito. “Fernan! Ano ba?!”
“How could you do that to your sister, Liza?! Wala siyang ibang ginawa kundi ang makipag-ayos sa inyo! I know how you threat her but I remain silent! Pero mukhang mali ata ang ginawa ko dahil ang anak ko naman ang na agrabyado!”
“Fernan! Shut up!”
“D-Dad…” naluluhang tawang ni Liza sa ama. “W-What do you mean? Anak mo rin ako, Dad!”
“Yes, Liza. Pero hindi ko kayang kunsintihin ka sa ginawa mo ngayon! After all I gave to you? I gave you life!”
“Fernan, tama na!”
“Ikaw ang tumigil na, Paulina! You promised me that you will love Lirah like yours. Pero ano ang ginawa mo? Ibinenta mo siya! Mabuti na lang at sa kumpare ko. Pero paano kung sa iba? I can never forgive you!”
“P-Papa, ano ang sinasabi mo?” tanong na rin ni Lirah.
“Right, siguro nga panahon na para malaman niyo ang totoo. At sana mapagtanto mo ang matinding pagkakamali mo ngayon, Liza.”
“Fernan, please! I’m begging you! Anak mo silang dalawa! Parehas mo silang anak!”
“Ikaw ang may kasalanan nito, Paulina! Masakit para sa akin ito. Parehas ko kayong anak, oo. Pero sa papel lang, Liza.”
“What?”
“You are a child of cheating, Liza. Anak ka ng mama mo sa naging lalake niya.”
“No! Shut up, Fernan! Don’t do this!” Humagulhol na si Donya Paulina. “You promised me you will never say this! You promised!”
Napanganga si Liza. Unti-unti siyang tumayo at hindi makapaniwalang tiningnan ang ama.
“W-What?”
“Yes. But I still love you as my daughter. But this is too much and I can never allow this to continue!”
Bigla na lamang tumawa si Liza habang umiiyak pa rin. “So, that’s why? Kaya pala… kaya pala kahit na ano ang gawin kong patunay sa sarili ko sa ‘yo ay hinding-hindi mo ako makikita. Kaya pala kahit halos hatiin ko na ang sarili ko para maabot ang pangarap ko bilang model at katulong mo sa kompanya ay wala pa rin. Kay Lirah mo pa rin ibibigay ang lahat!”
“That’s not true!”
“I saw it, Dad! Sinabi mo na rin naman sa akin ang totoo. Bakit hindi mo na lahatin, ha? Nakita ko ang last will mo at lahat ng ari-arian mo ay iiwanan mo kay Lirah! At ano ang ibibigay mo sa akin? Isang mansyon at pera? Just because I’m not your biological daughter? You’re unfair, Dad!”
“Liza.”
“No! Ayaw ko nang makarinig pa sa ‘yo, Dad.” Tumingin siya kay Lirah. “At hinding-hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. I’m out of this family!”
“Liza, wait!”
“Diyos ko!” Nasapo ni Donya Paulina ang kaniyang dibdib. “Paano mo ‘to nagawa, Fernan? You promised me! Hindi lang naman ako ang nagkasala, ikaw rin! Pero bakit sinaktan mo ang anak ko?
“At least I didn’t do it while we’re still okay.”
“Inako ko pa rin siya kahit hindi ko rin anak si Lirah! Pero bakit tinakwil mo ang anak ko?! I can never forgive you on what you did, Fernan! Never!” ani Donya Paulina at sinundan ang anak.
Napabuntonghininga si Don Fernan. Hindi niya gusto ang nangyari ngunit masakit para sa kaniya ang ginawa ni Liza. Tiniis niya ang mga pakikitungo ng mga ito kay Lirah dahil alam niya ang rason ng kaniyang asawa. Pero hindi niya kaya itong muntik pa siyang mawalan ng anak.
“P-Papa, ano ‘yong sinabi ni Mama?” tanong na ni Lirah.
Nilingon ni Don Fernan si Lirah. Lumapit siya rito at naupo sa tabi ng higaan nito. “Pwede mo bang iwanan muna kami, Kiray?”
“S-Sige po, Don Fernan.” Naglakad na palabas ng kwarto si Kiray.
“Papa?”
“I was… was heartbroken that time. Nalaman kong may lalake ang mama mo. She actually left me because of him. His true love she said. Then I met your mother. It was brief and I didn’t know that you’ll come. Nagkaayos na kami ng mama mo. Umuwi siya sa akin dahil iniwan din siya ng naging lalake niya noong mabuntis siya. Dahil mahal ko ang mama mo, I took her again. Four months na si Liza noong may kumatok sa bahay namin. It was your mother, asking me to take you. She said you are my child and I confirmed it. You are my daughter.”
Napaluha na si Lirah. Ngayon ay malinaw na sa kaniya ang lahat. Kung bakit gano’n ang pakiramdam niya sa kaniyang ate at ina. Kung bakit kahit ano naman ang gawin niyang pagiging mabuting anak sa kaniyang ina ay hindi pa rin siya nito makita. Kaya pala… dahil hindi siya nito tunay na anak.
Chapter 39
“Sumagot na ba?” tanong ni Lirah sa kaibigan.
“Hindi pa rin, bess, eh. Mukhang hindi niya hawak ang cellphone,” sagot ni Kiray. Tiningnan niya ang kaibigan na panay ang ngiwi habang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman duguin ka dahil sa ginagawa nating ito,” nag-aalalang sabi niya.
“Wala akong pakealam, Kiray. Kailangan kong maabutan si Matias!” ani Lirah.
Kinabukasan, noong tanghali ay napagdesisyonan ni Lirah na harapin si Matias. Ngunit noong tumawag siya sa mansyon ng mga ito ay wala na ito roon. Hindi rin niya ma-contact ang byenan kaya wala siyang magawa kundi ang puntahan ito sa airport.
“Pero, bess. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh!”
“Kiray, please! Hindi ko pwedeng hayaan na umalis siya nang hindi manlang kami nakakapag-usap!” maluha-luha nang sabi ni Lirah. Kanina pa siya hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Para bang gusto na niyang palitan ang driver nilang nagmamaneho ng sasakyan at paliparin ang kotse makarating lang agad sa airport. Ngayon na malinaw na ang nangyari ay hindi niya pwedeng hayaan na umalis na lang basta-basta ang asawa. Wala itong kasalanan at hindi nito ginusto ang nangyari. Karapatan nitong malaman ang totoo.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa airport. Kahit hirap na maglakad ay pinilit pa rin ni Lirah ang sarili. Kasama na nila ang kaniyang driver sa paghahanap sa loob ng airport kay Matias.
“Nakita niyo ba?”
“Wala po, Ma’am.”
“Hala, bess! Parang nakaalis na sila,” malungkot na sabi ni Kiray.
Agad na tiningnan ni Lirah ang kaibigan na nakahawak sa kaniyang braso. Tiningnan niya ang board na pinagmamasdan nito. Nakita niya agad sa screen ang mga pupuntahang bansa ng mga eroplano roon. Napukol ang kaniyang tingin sa America.
“T-Take off? Ano ang ibig sabihin no’n?” Nangilid na ang mga luha ni Lirah. “N-Nakaalis na siya?”
“Sandali. Maupo ka muna rito at baka duguin ka na, okay?”
“Ayaw ko, Kiray! Kailangan kong malaman kung narito pa si Matias!” Napaiyak na si Lirah. “Hindi ko siya pwedeng paalisin!”
“Pero, bess. Baka naman mapabinat ka! Mas lalo mo siyang hindi makikita! Maupo ka muna rito at ako na ang magtatanong sa mga staff diyan kung nakaalis na ba talaga.”
Mahigpit na hinawakan ni Lirah ang kamay ng kaibigan. “P-Please, Kiray. Hanapin mo si Matias.”
“Oo, bess. Maupo ka muna, please!”
Sinunod ni Lirah ang kaibigan kahit na hindi niya gustong maiwan. Nag-aalala siya na baka nakaalis na ang asawa. Hindi niya siguro kakayanin kung hindi manlang niya ito makakausap bago ito makaalis. Naupo siya sa waiting chair at doon ay iniwan siya ni Kiray. Pumunta ito sa unahan kung nasaan may mga nakapilang mga pasahero. Doon ay nagtanong si Kiray sa staff. Panay naman ang dasal ni Lirah na sana ay hindi pa nakakaalis ang asawa. Hindi nagtagal ay bumalik si Kiray. Pakiramdam ni Lirah ay may bumarang kung ano sa kaniyang lalamunan noong makitang bagsak ang mga balikat ng kaibigan.
“K-Kiray, ano raw?” tanong niya. Tatayo sana siya pero pinigilan siya ni Kiray. “Ano? Sabihin mo!”
Huminga nang malalim si Kiray. “Bess… nakaalis na raw ang eroplano na papuntang Amerika. Iyon daw ang huling flight kaya ibig sabihin ay nakaalis na si Matias.”
“A-Ano?” Nangilid ang mga luha ni Lirah. Umiling-iling siya. “H-Hindi pwede, Kiray… narito pa si Matias! Alam ko! Kailangan ko siyang makita!” Napaiyak na siya.
“Bess, please! Tama na. Wala na siya. Wala na tayong magagawa pa,” malungkot na sabi ni Kiray. Hinagod niya ang likod ng kaibigan at sinubukan itong aluin.
“Hindi! Hindi ako naniniwala, Kiray! Hanapin natin si Matias—” Nagmamadali siyang tumayo. “—kailangan ko siyang— ahh!” Napadaing nang malakas si Lirah noong bigla siyang makaramdam nang matinding pagkirot sa kaniyang tiyan.
“Lirah! Kuya, tulungan mo ako!” Agad na inalalayan nila Kiray si Lirah na makaupo ulit. “D-Diyos ko, Lirah! Bumalik na tayo sa ospital!” naghihisterikal nang sabi ni Kiray.
“B-Bakit— aray ko!”
“Bumuka ‘yong tahi mo!” sigaw ni Kiray. “Sa ospital, kuya! Dali!”
Agad na umikot ang paningin ni Lirah noong makita ang tumutulo niyang dugo. Muli siyang nakaramdam nang pagkirot kaya lalo siyang nahilo. Naramdaman na lamang niya na bigla siyang umangat kaya ipinikit na niya ang mga mata. Ngunit bago pa man siya mawalan ng malay ay narinig niya ang pamilyar na boses.
“Lirah!”
Sa ospital.
Ilang oras ding nawalan ng malay si Lirah. Muli siyang sumailaim sa operasyon dahil sa nangyari sa kaniya. Napagalitan din si Kiray dahil sa nangyari dito. Mabuti na lamang at hindi nagalit dito si Don Fernan dahil naligtas naman agad si Lirah.
“I don’t want this to happen again, Kiray!” ani Don Fernan.
“O-Opo, Don. Sorry po ulit.”
“H’wag ka mag-alala, Don Fernan. Ako na ang bahala sa anak ko. Pagagalitan ko ito nang sobra dahil sa nangyari,” ani Myrna.
“No need. Basta ayaw ko nang mangyari pa ito ulit. Look what happened. Muntik nang mapahamak si Lirah.”
“It’s okay, Papa. I’m sorry. Kasalanan ko rin kung bakit nangyari ito kay Lirah,” ani Matias na nasa tabi ni Lirah. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng asawa at hindi inaalis ang mga titig dito.
Noong paalis na sana si Matias ay nagawa niyang takasan ang mga bantay na ibinigay sa kaniya ni Don Manuel. Kaya naman ay hindi siya nakasakay sa eroplanong dapat na maghahatid sa kaniya papuntang Amerika. Papalabas na sana siya noong marinig niya ang sigaw ni Kiray.
Bumuntonghininga si Don Fernan. “You are here because my daughter risk her health for you, Matias. Pero hindi ibig sabihin no’n ay okay na ang lahat. Ayaw ko lang na maulit ang nangyari.”
“I’m sorry, Papa. Kasalanan ko ang lahat. Pero hindi ko niloko ang anak mo. I swear.”
“I know, Matias. Anyway, kailangan ko na ulit bumalik ng kompanya. Myrna, ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Pagpahingahin mo muna si Kiray sa hacienda at mukhang siya ay napagod.”
“Opo, Don Fernan. Masusunod po.”
“Aalis na ako.”
“Mag-iingat po kayo.”
Muling sinulyapan ni Don Fernan si Lirah bago ito umalis. Doon lang nakahinga nang maluwag si Kiray at agad na naupo sa sofa.
“Akala ko katapusan ko na!” kabadong sabi ni Kiray.
Agad na lumapit si Myrna sa anak at pinalo ang braso nito. “Katapusan mo na talaga! Paano kung napahamak ang kaibigan mo?”
“Sorry na, ‘Nay. Eh, ayaw ko naman sana. Kaso gusto kasing makita ni Lirah si Matias.”
Napailing na lamang si Myrna. “Halika na at ihahatid na muna kita sa hacienda. Matias, pwede bang iwanan ko muna sa ‘yo si Lirah? Saglit lang ako.”
“Opo, ‘Nay. Ako na ang bahala sa asawa ko. Hindi ako aalis dito sa tabi niya.”
“Sige.”
“Bye, bessy!”
“Halika na!”
Napangiti na lang si Matias dahil sa mag-ina. Noong makaalis na ang mga ito ay muli niyang pinagmasdan ang asawa. Lalo siyang nakonsensiya dahil halata sa mukha nito na nasasaktan ito. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit siya nito hinanap pa talaga sa airport.
“I’m sorry, Lirah. Hindi na ako aalis sa tabi mo, I promise. I’m really sorry.”
Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi pa rin nagising si Lirah. Minabuti muna ni Matias na bisitahin ang anak. Hindi na niya inintindi pa ang mga nakakakita sa kaniya at napahagulhol nang makita ang anak. Ni hindi manlang niya ito nakita agad noong ipinanganak ito.
“I’m sorry, my son. Kasalanan ko ito. I promise hindi na ako ulit magkakamali sa inyo ng mommy mo. I’m really sorry.”
Matapos bisitahin ni Matias ang anak ay agad siyang bumalik sa kwarto ng asawa. Doon ay nakita niyang nakadilat na si Lirah at umiiyak.
“Lirah!” masayang tawag niya sa asawa. Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay. “Thanks, God, you’re awake!” maluha-luhang sabi niya. Hinalik-halikan niya pa ang kamay ni Lirah.
“M-Matias? Totoo ba ‘to? Hindi ba ako nananaginip?”
“Oo, Lirah. Ako ‘to.”
“A-Akala ko nakaalis ka na?”
“Hindi. Nakatakas ako, Lirah. Tapos nakita ko kayo sa airport kaya ito. Kasama mo na ako.”
“Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko iniwan mo na ako ulit!” Humagulhol si Lirah. Pero mariin niyang pinigilan ang sarili dahil nakaramdam siya ng kirot sa may puson niya.
“Ssh… hindi na mangyayari ‘yon. I am here now. I’m sorry sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing iyon. But I swear, Lirah. Walang nangyari sa amin ni Jean. Hindi kita niloko. Ikaw ang mahal ko.”
Tumango-tango si Lirah. “Alam ko, Matias. Nalaman ko na ang totoo.”
“What do you mean?”
“S-Si ate ang may gawa. Mahabang kwento. Pero alam kong nagsasabi ka ng totoo. Kaya please, h’wag mo na ako uulit iiwan?”
Napangiti si Matias. “Of course! I will never leave you, My Sunshine. Mahal na mahal kita!”
“Mahal na mahal din kita, Matias. Pinapangako ko na ikaw lang ang paniniwalaan ko ngayon. Ipaglalaban ko palagi ang pamilya natin hanggat kumakapit ka sa akin. Mahal na mahal kita.”
“You don’t have to say that. Dahil araw-araw ko ring patutunayan sa ‘yo na ikaw lang ang mahal ko, Lirah. Ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay. Ikaw at ang anak natin. Ikaw ang muling nagbigay ng kulay sa buhay ko. I love you so much, My Sunshine.”
Napangiti nang malapad si Lirah. Kahit na siya ay lumuluha ngayon ay alam niyang dahil na iyon sa labis na kaligayahan. Ngayon ay sigurado na siya na hindi na sila muli pang magkakahiwalay ng kaniyang asawa.
“I love you too, Matias.”

