Views

Ang Tilapia ni Baby (Palengke Chronicles) (Chapters 21-25)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 21

Sobrang nalilito ako. 

Natatakot ako na alamin ang katotohanan. Sa unang pagkakataon kasi ay naramdaman ko ang labis na saya. Kasiyahan na sa kaniya ko lang naramdaman. 


Tinitigan ko si Daniel habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Lagpas na ang kontrata namin na kami ay magsasama sa iisang bubong, pero heto pa rin ako. Para na kaming mag-live-in partner dahil nga sa mayroon na kaming relasyon. 


Sinubukan ko naman siyang tanungin. Pero sa tuwing naaalala ko ang naging reaksyon niya noon ay natatakot ako. Natatakot ako na baka bigla na lang magbago ang isip niya sa akin. Sino ba naman ako? Isa lang akong tindera ng tilapya sa palengke ng kalye trese. 


Napabuga ako ng hangin. Sinubukan ko rin naman maghanap ng ebidensya sa kaniyang bahay. Pero halos naibaliktad ko na siguro ang penthouse ay wala na akong nakita tungkol sa babae at batang kasama niya sa larawan. Kahit nga iyong picture frame ay biglang nawala sa lamesa niya. 


Paano nga kaya kung isa na akong kabit? Baka kung ano na lang ang isipin nila Nanay sa akin. Hindi naman nila ako pinalaking pakawala. 


Diyos ko. Sana nga ay hindi ako isang kabit. 


Kinabukasan ay nagising ako sa mahihinang halik ni Daniel. Napaungol pa ako noong nakaramdam ako nang kaunting kiliti sa leeg noong dumapi ang labi niya roon. 


"Wake up, Sleepyhead," bulong niya. 


Napangiti ako. 


"Hmm... Five minutes pa, Sir." 


Natawa siya nang kaunti. 


"Sir?" 


Bigla na lamang siyang dumagan sa akin kaya napadilat na ako nang mga mata. 


"Sir talaga?" tanong niya ulit. 


Nangunot ang noo ko at nalilitong tiningnan siya. 


"Ha? Ahm. Ay!" Natawa ako. "Sorry! Ikaw kasi! Ginising-gising mo ako bigla—" 


Namilog ang mga mata ko noong bigla niya akong hinalikan sa labi. Ni hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush! Inilagay ko ang mga kamay ko sa may dibdib niya at pilit siyang itinulak. 


"Daniel! Hindi pa ako nag-toothbrush! Ano ba?" 


Naningkit ang mga mata niya. 


"So what? I'll kiss you torridly if I want." 


"Ewan sa 'yo! Hindi mo ba naaamoy na ang baho ng hininga ko?!" 


Inilapit niya ang ilong niya sa may bibig ko. Nangunot ang noo niya. 


"Hmm... Yes. You're right." 


Ako naman ang napasimangot. 


"Ah, talaga, ha?" 


Ngumisi siya at hinalikan ako ulit sa labi. 


"So what? I will still kiss this lips kahit na mag-amoy imburnal pa iyan." 


Namilog ang mga mata ko.


"Ikaw! Ewan nga sa 'yo! Halika na!  May trabaho pa tayo!" 


Itinulak ko siya hanggang sa mahulog siya sa tabi ko. Naupo na ako agad at tumayo. Baka kasi kung ano na naman ang maisipan niyang gawin at malumpo na naman ako. Inaraw-araw na niya ang tilapya ko! 


"We're not working today." 


Napatigil ako sa paghakbang. Lumingon ako sa kaniya. 


"Ha? Bakit? Holiday ba?" 


Umiling si Daniel. Tumagilid siya at itinukod ang siko sa kama. Ang palad niya ay nasa ulo niya. Wala siyang suot na t-shirt at naka-boxer shorts lang. Napalunok ako bigla noong mapatitig ako sa katawan niya. 


Gosh! Ang swerte ko talaga! 


"No. But we're not working." 


Muli akong napasimangot. 


"Daniel, ha? Alam mo ba na ang dami ng natatakot na kausapin ako dahil sa utos mo noon. Tapos ngayon ay hindi tayo magtatrabaho? Baka naman magwelga na ang mga trabahador mo niyan!" 


"Don't worry. Pati naman sila ay walang trabaho. It's all our day off today." 


Napakurap-kurap ako. 


"Talaga?" 


Tumango siya. Naupo na siya ng maayos. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. 


"I want us to go on a date. Out of town." 


"Date? Saan naman?" 


"Ikaw. Think of any place. Kahit sa labas ng bansa. Let's go there." 


Bigla akong na-excite. Ni minsan ay hindi pa ako nakaalis ng city. Doon na kasi talaga umikot ng mundo ko sa palengke. Hindi rin naman umuuwi sila Nanay sa probinsya kahit na taga-roon sila. Gastos lang daw kaya kami na lang ang binibisita ng mga kamag-anak namin. 


"Ahm. S-Seryoso ka ba? Kahit saan?" 


"Yes." 


Napangiti ako nang malapad. 


"Gusto ko sa Boracay!" excited na sabi ko. 



Kagaya ng sabi ni Daniel ay dinala nga niya ako sa Boracay. Tuwang-tuwa ako habang naglalakad kami sa dalampasigan. First time kong makarating sa beach na ganito kaganda. Ang puti nga ng buhangin dito at ang ganda ng tanawin. 


Ang dami ko ring nakikita na mga foreigner at local na nagi-enjoy sa beach. Lahat sila ay nakasuot ng bikini. Ako, gusto ko sana magsuot ng two piece. Kaso mariin na inayawan ni Daniel. Baka raw maraming tumingin sa akin. Kaya ayon, wala akong naging choice kundi ang magsuot ng one-piece bikini. Pinagsuot pa niya ako ng short. 


Ewan ko ba rito kay Daniel. Ako raw ang masusunod, tapos noong pumunta kami sa beach ay halos pagsuotin na ako ng jacket. 


Pero sa kabila niyon ay hindi ko maitatanggi na sobrang saya ko. Kulang na nga lang ay hilain ko sa buhangin si Daniel at hubaran siya roon saka patungan dahil sa sobrang saya ko. Kaso nakakahiya naman dahil maraming tao. Doon na lang sa hotel room namin. 


"Stay here. Oorder lang ako ng pagkain natin," ani Daniel. 


Tumango ako. Tanghali na kasi. Mainit pa maglakad-lakad sa beach kaya kumain na lang muna kami sa isang restaurant doon. 


Umalis na si Daniel sa lamesa namin at pumunta sa counter. Naiwan ako roon habang nakatingin sa tanawin ng dagat. 


"So, you became my son's girlfriend, huh?" 


Halos mapalundag ako sa gulat noong may biglang magsalita sa gilid ko. Paglingon ko ay napanganga ako noong makita ko ang nanay ni Daniel na papaupo sa tapat ko. 


"Beverlyn, right?" tanong niya. 


Napalunok ako. Diyos ko. Ito na ata. Malalaman ko na atang kabit nga ako. 


Chapter 22

Daniel's POV

"Okay. Keep the change." 


Inabot ko na ang bayad ko sa cashier at naglakad na palapit sa table namin. Pero hindi pa man ako nakakalapit ay natigilan ako. 


There was a woman in front of Baby. Kita ko sa mukha niya ang pinaghalong pag-aalala at pagkalito. And the woman... Kahit nakatalikod ito ay kilala ko ito. Kahit na ilang taon ko silang hindi nakita at nakasama. 


I know her. She was my mother. 


Naikuyom ko ang aking mga palad. What was she doing here? Ngunit kasabay ng galit ay biglang akong nakaramdam ng takot. 


Dali-dali akong lumapit sa lamesa nila. 


"What are you doing here?" tanong ko. 


Napatingin silang dalawa sa akin. Napatayo bigla si Baby at lumapit sa akin. Habang si Mama ay tahimik lang na nakaupo pa rin. 


"I'm just talking with her, Son," tugon niya. 


"Ahm, Daniel—" 


"I told you to stay away from me, right?!" galit na tanong ko pa ulit. 


Huminga nang malalim si Mama. She finally turned at me. 


"I'm just talking with her, Daniel. Masama bang makausap ko ang nobya ng anak ko?" 


I greeted my teeth. 


"For what? Para sirain na naman ang buhay ko? I won't let you!" 


"Daniel—" 


Hinila ko na palayo si Baby sa kaniya. Palabas ng restaurant. Bumalik kami sa hotel kahit na ilang beses akong pinatigil ni Baby ay hindi ako pumayag hanggang sa makarating kami sa silid namin. 


This was wrong! Paano niya nalaman na girlfriend ko na si Baby? 


I groaned. After all these years? Hindi pa rin ba nila ako tinatantanan? And now they were trying to ruin my life again! 


"Daniel! Ano ba?! Kumalma ka nga muna!" 


Muli akong bumalik sa ulirat ko noong marinig ko ang boses ni Baby. Doon ko lang napansin na nagliligpit na pala ako ng mga gamit namin. Hingal na hingal ako na para bang nakipaghabulan ako. 


I looked at Baby. She was standing near window. Looking so confused and afraid. Iyong mga mata niya ay mamasa-masa na. 


"Ano bang nangyayari? Pwede bang magpaliwanag ka muna?" garalgal ang boses na tanong niya. 


Napalunok ako. Tiningnan ko ang maleta na puno na ng damit namin. 


Napailing-iling ako. Hindi pwede. I couldn't let it happened again. They already knew that Baby was my girlfriend. At sigurado ako na hindi na rin nila ito tatantanan hanggang sa... No. I won't let it happened. 


"Pack your things. We need to leave now," utos ko. Itinuloy ko na ang ginagawa ko. 


"Pero bakit? Ano bang problema? Pwede bang—" 


"Just pack your fucking things, Beverlyn!" sigaw ko. Inihampas ko pa ang mga gamit ko sa maleta at tiningnan siya. "For once! Pwede bang h'wag ka nang makulit?!" 


Napaawang ang bibig ni Baby. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Na unti-unting napalitan ng pait. 


Nag-iwas na ako ng tingin. That was better. Mas madali kung ganito. I can't let it happen again. I can't lose her the way I lost them. 


Hindi ko kaya. 


I'll die if I lost the one I love again. 


I can't let them hurt Baby.



Baby's POV


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matapos ang nangyari sa Boracay. Ni hindi na namin natapos ang tatlong araw na bakasyon namin. Pagkatapos, imbes na sa penthouse kami dumeretso ay sa bahay namin niya ako hinatid. 


"Teka, Daniel. M-May problema ba? Bakit?" tanong ko. Hindi pa ako bumaba ng kotse niya dahil sa sobrang pagkalito. 


"Just go now, Beverlyn. Please," malamig na sabi niya. Napakalamig na halos manginig na ang katawan ko kahit na tirik na tirik naman ang araw. 


Tinitigan ko siya. Nakatingin lang siya ng diretso sa unahan at hindi manlang ako lingunin. Salubong ang mga kilay niya. 


Nawala na iyong malambot at puno ng pagmamahal na mga tingin niya sa akin. Muling bumalik ang nakakunot noo niyang mukha na tila ba malaki ang galit sa mundo. 


May mali ba akong nagawa? Nagalit ba siya na kinausap ko ang nanay niya? Hindi  ko naman iyon ginusto a! Una sa lahat ay ang nanay niya ang lumapit sa akin, hindi ako. Pero bakit parang sa akin siya nagagalit? 


Nangilid na ang mga luha ko. Hindi na ako nagsalita at bumaba na ng kotse. Ni hindi manlang niya ako tinulungan na ibaba ang mga gamit ko kaya ako pa ang kumuha no'n sa trunk niya. 


Hindi ko pa naisasara nang maayos ang pinto niyon ay bigla na niyang pinaandar ang kotse. Na para bang gusto niya talagang lumayo sa akin. 


Parang may bumara sa lalamunan ko at bumigat ang dibdib. Nangilid ang mga luha ko. Bakit pakiramdam ko ay bigla siyang lumayo sa akin? 


Chapter 23

Baby's POV

Magmula noong mangyari iyon sa Boracay ay hindi ko na naman nakita si Daniel. Sinubukan kong bumalik sa restaurant pero hindi niya ako hinaharap. Kahit sa penthouse niya ay hindi na pala ito umuuwi. 


Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero dahil sa ginagawa niya ay labis akong nasasaktan. Kung may nagawa naman akong mali, sana naman kausapin niya ako, 'di ba? Hindi iyong ganito na parang wala lang. Ni hindi niya ako hinaharap. 


Sa bahay na ako umuuwi pagkakatapos ng trabaho ko sa restaurant. Hindi rin naman kasi ako makapasok sa penthouse dahil naka-lock iyon. Sa labas naka-lock kaya alam ko na wala si Daniel doon. 


Ngunit isang umaga noong pumasok ako ay nagulantang na lang ako sa ibinalita sa akin ni Sir Richard. Tinawag niya ako at kinausap sa opisina si Daniel. 


"Sir Richard, hindi pa rin po ba papasok si Sir Daniel? Nasaan na ba siya? May nangyari ba sa kaniya?" tanong ko. 


Sandaling nag-iwas ng tingin sa akin si Sir Richard. Bumuga ito ng hangin na para bang iyon ang pinakamahirap na gawin. Muli siyang tumingin sa akin. Binuksan nito ang cabinet sa lamesa at may kinuhang maliit na brown envelope. Iniusod nito iyon palapit sa akin. 


"Here. Nariyan na ang sahod sa isang taon, Beverlyn. Pati iyong para sa agreement niyo ni Daniel. Magmula ngayon ay hindi mo na kailangan pang bumalik dito." 


Napamaang ako. Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa sinabi niya. 


"P-Po? Ano? B-Bakit niyo naman ako babayaran ng isang taon? Teka, Sir. Hindi ko gets. Bakit? Tinatanggal niyo ba ako  sa trabaho?" 


Muling huminga nang malalim si Sir Richard. Malungkot niya akong tiningnan. 


"I'm sorry, Beverlyn. But... Yes." 


Nangilid na ang mga luha ko. Tanggap ko sana kung may nagawa akong mali sa trabaho ko. Pero ginawa ko naman ang best ko. Lahat ng mga turo niya sa akin ay pinag-aralan ko. Iyong mga dapat kong gawin. Mga dapat kong tandaan. Lahat iyon ay nakatatak na sa isipan ko. Baka nga kayanin ko na magtayo ng karenderya e. 


"P-Pero bakit po? Ano pong problema? Wala naman po akong maalala na nagawa kong mali sa trabaho, Sir. Bakit niyo naman po ako tinatanggal?" 


"Kung ako lang, Beverlyn, you are a good employee. Mabilis kang matuto. Masarap kang magluto. But... It's not my decision. Daniel is my friend... Pero boss ko pa rin siya." 


Tuluyan akong napaiyak. Si Daniel. Siya ang may dahilan. Siya ang nagtanggal sa akin sa trabaho.  Pati nga iyong deal namin ay tinatanggal na niya. 


Napailing-iling ako. 


"Nasaan siya? Kakausapin ko siya, Sir. Please." 


Umiling din si Sir Richard. 


"I'm sorry, pero hindi ko rin alam. Dumaan lang siya rito kaninang umaga para ipabigay 'yan sa 'yo, at ito pa." 


May inabot pa siyang puting sobre sa akin. 


"P-Pero, Sir. Please! Alam ko pong alam mo kung nasaan siya. Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyari. Ang saya pa namin noong dumating kami sa Boracay. Tapos noong makita niya na kausap ko ang Mommy niya ay—" 


"What?" 


Natigilan ako noong biglang nagsalita si Sir Richard. Salubong ang mga kilay niya at seryoso na ang mukha niya. 


"Sino ang kausap mo na nakita niya?" 


"A-Ang mommy niya." 


"Naroon din siya sa Boracay?" 


Tumango ako. Napamura si Sir Richard. Nangunot na ang noo ko. 


"B-Bakit po ba? Hindi ko ba dapat siya kausapin?" 


Umiling si Sir Richard. 


"I'm sorry. Pero wala ako sa lugar para magsalita sa 'yo tungkol diyan, Beverlyn. You can only talk to him. Maybe try reading that. Baka nariyan ang sagot sa katanungan mo." 


Tumayo na si Sir Richard. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. 


"Just remember... My friend loves you so much. You may not understand him sa mga sunod niyang gagawin. Pero mahal niya niya, Beverlyn. Sa ilang taon na kaibigan ko si Daniel. Alam ko na totoo ang nararamdaman niya sa 'yo." 


Iyon lang at iniwan ako ni Sir Richard sa loob ng opisina. 


Napahagulhol ako. Mahal niya ako? E bakit ni hindi manlang niya ako hinaharap ngayon? Hindi ba kapag mahal ka ng isang tao ay haharapin mo ito? Pero nasaan siya? Bakit niya ako iniiwan ngayon nang wala manlang usap? 


Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang sobre at binuksan iyon. Isa iyong sulat mula kay Daniel. Lalo akong napaiyak noong mabasa ko ang laman niyon. 


Nakikipaghiwalay na sa akin si Daniel. 


Chapter 24

Someone's POV


"Mali ba ako? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?" umiiyak na sabi ni Baby. Muli siyang lumagok sa bote ng beer na kaniyang hawak. 


Napangiwi si Karla habang pinapanood ang kaibigan. Umiiyak kasi na umuwi ito sa kanilang bahay at biglang nagyaya sa kaniya na mag-inom. 


"Ano ba kasi ang nangyari? Nalaman mo na ba na kabit ka?" tanong ni Karla. Umiinom din naman siya, ngunit hindi pa niya nauubos ang beer niya. Hindi kagaya ni Baby na nakatatlo ng bote. 


"Putangina naman, Karla! Hindi nga ako kabit!" sigaw ni Baby. 


Muling napangiwi si Karla. Mabuti na lang talaga at sila lang dalawa ang nasa bahay nila. Naroon pa kasi ang mga magulang niya sa palengke. Pero alam niya na dahil sa lakas ng boses ni Baby ay rinig na sila ng mga tsismosa nilang kapitbahay. 


"E ano nga?! Explain mo naman sa akin nang maayos." 


Natahimik si Baby. Humikbi-hikbi ito at pilit na umayos ng upo. Marahan itong umiling. 


"A-Ano... H-Hindi ko rin alam." 


Muling napahagulhol si Baby. 


"Hindi ko alam, Karla. Kasi... Kasi bigla na lang siyang hindi nagpakita sa akin." Sinapo nito ang dibdib. "Ang sakit! Ginawa ko naman ang lahat ah? Naging mabuti naman ako. Dahil ba sa mataba ako? Ano sa tingin mo?" 


Namilog ang mga mata ni Karla. 


"Hoy, Baby! Ang sexy mo kaya! Mas maganda nga hubog ng katawan mo sa akin e. Kaya h'wag mong isipin na dahil 'yon sa 'yo. Siya ang may problema!" giit ni Karla. 


   Lalong napahagulhol si Baby. Iyak na hindi malaman kung tumatawa ba o ano. 


"Ano na ang gagawin ko, Karla? Mahal na mahal ko na siya!" 


Napailing si Karla. Tumabi siya sa kaibigan at tinapik-tapik ang likod. 


"Hay naku! H'wag mo na nga siya isipin, Baby! Kung ayaw niya sa 'yo, edi h'wag! Isipin mo na lang, ikaw ang reyna ng palengke sa kalye trese! At ang mga kagaya niya ay hindi dapat iniiyakan!" puno ng tapang na sabi ni Karla.


 Natahimik si Baby. Suminghot-singhot siya habang iniisip ang mga kataga ng kaibigan. Tama ito. Madali lang sa kaniya ang pang-aakit ng mga lalaki. Para lang silang mga customer niya sa palengke na isang kindat lang ay uubusin na agad ang kaniyang mga paninda. Kaso muli siyang napaiyak. 


"E, Karla. Ang laki! Paano ko iiwan 'yon? Ang sarap niya!" 


Napamaang si Karla. Sandali pa siyang napaisip hanggang sa na-realize niya ang ibig sabihin ng kaibigan. 


"Buang ka talaga, Baby!" 



Baby's POV


Sinubukan ko pang kausapin si Daniel noong mga nakalipas na araw matapos ako matanggal sa trabaho. Halos araw-araw ay dumadaan ako sa restaurant sa pag-asa na makita siya sa labas, ngunit wala na talaga. 


Talagang iniwasan na niya ako. 


Tinapon na para bang laman ng isda na hindi pwedeng makain. 


Ang sakit lang kasi wala siyang ibinigay na maayos na dahilan. O kung ayaw na ba niya sa akin ay matatanggap ko naman. Kaso bakit sa sulat pa talaga siya nakipag-break sa akin? 


Dahil wala na ako sa restaurant ay muli akong bumalik sa pagiging tindera sa palengke. Iyong pera na binigay sa akin ni Sir Richard ay ginamit ko para ipasemento ang bahay namin at lagyan ng maliit na tindahan. Para hindi na rin pumunta pa rito sila Nanay at doon na lang sa bahay. Kaya ko na naman magtinda rito. 


Wala namang pinagbago ang palengke. Magulo at maingay pa rin. Nariyan pa rin si Dianne na palaging masama ang mga titig sa akin. Siguro ay na aalibadbaran dahil nagbabalik na ang totoong reyna. 


Sorry siya. Wala pa ring makatatalo sa aking alindog! 


Nawalan na ako ng balita kay Daniel. Tumigil na rin kasi ako sa kakadaan sa restaurant niya. Ayaw ko na. Nagmumukha na akong desperada masyado. 


Sayang pa rin. Daks kasi siya. 


"Oy tilapya kayo diyan! Ma'am! Try niyo na ang tilapya ko! Malalaki ito at malinamnam!" sigaw ko. 


Agad na nagtingingan sa pwesto ko ang mga customer na dumaan. May ilan na bumili agad. Masaya ko silang pinagbentahan. 


Wala pang tanghali ay naubos na ang paninda ko. Kaya naghanda na rin ako pauwi. Dito na dumadating ang kapatid ko para tulungan ako sa pag-aasikaso pauwi. 


"Ang lakas talaga ng tilapya mo, Baby! Ubos agad!" ani Mang Dante, kapitbahay namin dito sa palengke. 


Tumawa ako. 


"Syempre naman, Mang Dante. Alam mo naman 'yan. Masarap talaga ang tilapya ko!" 


Nagtawanan ang mga katabi namin. Mayroon pa silang paninda pero kaunti na lang naman. Bago maghapon ay ubos na rin ang mga iyon. 


Noong masiguro ko na wala na akong naiwan ay sinara ko na ang stall namin. Wala naman iyong lock o ano. Iyong maliit lang na pinto ang naroon. Isang tulak lang ay makakapasok agad. Pero ayos lang dahil wala namang kaming iniiwan na mga gamit doon. 


Lalakad na sana ako palabas ng palengke noong mapatigil ako dahil may humarang sa harapan ko. Pag-angat ko ay napaatras ako. 


"Sir Richard? Ano pong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko. "Bibili ka ba ng isda? Ubos na e. Pauwi na nga ako." 


Marahang umiling si Sir Richard. 


"No, Beverlyn. Kailangan kitang kausapin." 


Nangunot ang noo ko. 


"Tungkol naman po saan?" 


Naging seryoso ang mukha nito. 


"Tungkol kay Daniel. Kailangan ka niya, Beverlyn." 


Chapter 25

Daniel's POV

I stared at my family's portrait. Tears were swelling up again in my eyes as I gulped the last drop of the whiskey bottle I was holding. 


For the second time, pakiramdam ko ay nawasak na naman ako. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa kadiliman na dati kong pinagmulan. 


When I lost them, my family. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Nawalan ako ng pag-asang mabuhay ulit. At kung hindi lang dahil sa pagluluto ay baka nawala na talaga ako. 


Then Baby came into my life. Noong una ay wala naman talaga akong pakialam sa kaniya. She was just a tool for me to help me sleep. Pero habang tumatagal ay unti-unti akong nakaramdam nang kakaiba. Para bang biglang may bumukas na panibagong pinto sa puso ko at tinanggap siya ng buong puso. 


I thought, finally, my life, which had been in pieces, was now whole.


Ayaw ko silang kalimutan. Mariel and James. My wife and my son. At habang buhay silang mananatili sa puso ko. But Baby, she was the one who taught me love once again. Her bubbly personality was like a crayon that suddenly colored my gray life. 


Pero bigla na naman silang nagparamdam. I should've known it. Dapat  ay hindi na ako sumubok pa ulit at umasa sa pag-ibig. 


I don't have a choice. I want Baby. I want her badly. Pero mas hindi ko kakayanin kung mawala siya nang tuluyan sa akin kagaya nang nangyari sa asawa't anak ko. I can't lose her too. 


Sandali kong ibinaba ang picture frame sa tabi ko at pinilit na tumayo kahit na nahihirapan na ako. I need another bottle.


Pagdating ko sa kusina ay binuksan ko ang cabinet. Wala na. Kahit sa ref. Sa aking minibar. Sa pantry. There was no alcohol anymore. 


Muli akong bumalik sa sala at hinanap ang cellphone ko. Noong makita ko iyon ay agad kong ni-dial ang number ni Richard. 


"Buy me more alcohol. The strong ones," utos ko. 


"Again—" 


Hindi ko na hinantay pa ang sasabihin niya. Agad kong ibinaba ang tawag at binato sa kung saan ang cellphone ko. I don't need his yapping again. 


Pumikit ako doon na mismo sa kinauupuan ko. Ang ulo ko ay nakalaylay sa sofa. Nakatingala ako kaya mas lalo akong nahilo, but I endured. 


Noong muli akong bumalik sa ulirat ay narinig ko ang tunog ng pagpindot ng PIN code sa pinto ng unit ko. Pinilit kong umupo nang maayos. Narinig ko na ang mga yabag ni Richard na papalapit sa akin. Pero may kakaiba roon, mabagal ang kaniyang paglakad na para bang nag-aalinlangan pa. 


"Where is it?" tanong ko sa paos na tinig. 


Narinig ko ang paglapag ng mga bote sa lamesa. Nag-angat na ako nang ulo upang kuhain sana iyon. Pero natigilan ako noong makita ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Napakurap-kurap pa ako dahil akala ko ay pinaglalaruan lang ako ng paningin ko. 


"B-Baby?" tawag ko. 


For a moment, she just stood there. Her eyes were teary. Ang mga labi niya ay bahagyang nanginginig dahil sa pagpipigil na mapaluha. 


"Is that you?" 


Napahikbi ito. 


"A-Ano'ng nangyari sa 'yo?" 


Lumuhod siya sa harapan ko at akma akong hahawakan. 


"No... You can't be here. Why are you here?" tanong ko. 


Lalong napaiyak si Baby. Kahit na tinutulak ko ang mga kamay niya ay nagpumilit lang siya na lumapit sa akin hanggang sa mayakap niya ako. Sumubsob ako sa dibdib niya at muling nanuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. 


God... I missed her. 


Napapikit ako nang mariin at kumapit sa gilid niya. 


"You... You shouldn't be here," garalgal na ang boses na sabi ko. 


"Shh... H'wag ka muna maingay, Daniel. Sige lang. Kung kailangan mong umiyak. Umiyak ka. Narito lang ako, Daniel. Hindi ako aalis. Kahit na itulak mo ako palayo sa 'yo. Mananatili pa rin ako dito." 


Parang may kung anong tumarak sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Iyong mataas na pader na pinaghirapan kong buoin palayo sa kaniya ay parang unti-unting nabubuwag. 


I miss her. Iyon lang ang nasa isipan ko. 


Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Tuluyan akong yumakap sa kaniya. Mahigpit. At ikalawang pagkakataon mula noong mawala ang pamilya ko sa akin ay muli akong napaiyak. Umiyak ako na parang batang nagsusumbong sa nakatatanda niya. 


I let out all my pain through crying. Yumakap ako kay Baby na parang iyon na lang ang tanging lakas ko ngayon. 


I miss her. I miss her so badly. 


And I can't lose her anymore. Not again. 



Chapters 26-Epilogue







Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !