Views

Ang Tilapia ni Baby (Palengke Chronicles) (Chapters 16-20)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 16

Lumipas ang mga araw na parang wala lang nangyari. Nakatira pa rin ako sa bahay ni Sir Daniel, kaso hindi na siya tumabi pa sa akin. Feeling ko nga dapat ay umalis na ako rito. Kaso hindi ko naman alam paano ko i-approach si Sir. 

Minabuti ko na lang na ubusin ang oras ko sa restaurant. Sa tulong ni Sir Richard ay nadadagdagan ang kaalaman ko sa pagluluto. Nag-e-enjoy ako sa pagluluto ng mga kakaibang putahe. Habang tumatagal din ay mas nagiging bihasa na ako sa pagiging chef. Sa totoo lang ay parang nagugustuhan ko na iyon. Na para bang pinanganak ako para magluto. 


"Baby!" 


Napatigil ako sa pag-ayos ng plato na order ng isang customer. Pag-angat ko ng ulo ay si Maica iyon. Humahangos siya at parang balisa ang mukha. 


"Bakit?" 


"May problema tayo." 


Bigla akong kinabahan at napatayo nang maayos. 


"Ano? Pwede ba, Maica. Sabihin mo na lang agad." 


Napakamot ito sa ulo. 


"Kasi... May customer na nagrereklamo. May langaw daw sa plato niya." 


Napamaang ako. Sa tanang buhay ko, magmula nang makatungtong ako sa restaurant na ito, ay hindi na ako nakakita ng langaw. Totoo iyon. Kung hindi pa ako uuwi, hindi ako makakakita ng mga insektong iyon. Para ngang nami-miss ko na rin ang mga langaw at ipis sa bahay. 


"Ano? Seryoso ba siya?!" 


Hinubad ko ang apron ko at nagmamadaling lumabas ng kusina. Wala akong pakialam kahit na sinong mayaman sila. Malinis akong magluto kahit na lumaki ako sa palengke. Kahit nga sa bahay ay malinis ako. Kaya hinding-hindi ako magpapakain ng madumi sa ibang tao!


Paglabas ko ay nakita ko agad sa isang table na may mga waiter na nakapalibot doon. Mayroon na nga ring guard at sinusubukan na pakalmahin ang isang ginang na nagsisisigaw. 


"No! Don't you know me, huh?! Kilala ko ang may-ari nito at kaya ko kayong ipatanggal sa isang salita ko lang! Bring me the chef!" galit pa na sabi nito. 


Napalunok ako. Taas-noong naglakad ako palapit sa kanila. Tumikhim ako. 


"Excuse me, Ma'am. Ako po ata ang hinahanap niyo." 


Agad na lumingon sa akin ang isang babae na may pamilyar ang mukha. May katandaan na ito pero makinis pa rin ang maputi nitong balat. Ang buhok niya ay hanggang balikat lamang. Pero ang mga mata niya... Hindi ko alam kung saan ko ba ito nakita. 


"Are you the chef?" tanong niya. 


Napakurap-kurap ako. Ramdam ko kasi sa tono niya ang matinding galit. 


"Yes, Ma'am. May problema po ba sa aming pagkain?" tanong ko. Pinilit kong pabaitin ang boses ko kahit na ramdam ko na ang inis ko na umaakyat sa anit ko. 


Tumayo ang babae at biglang akong sinampal. Pakiramdam ko pa ay matatanggal na ang ulo ko dahil sa lakas niyon. Nasapo ko ang kaliwang pisngi ko at gulat na tiningnan niya. 


"Are you stupid?! Paano ka naging chef kung hindi ka manlang marunong sa basic etiquette?! There's a fly in my soup!" galit na sabi nito. 


Napakurap-kurap ako. Tiningnan ko ang soup niya. At sa ibabaw niyon ay mayroon ngang itim na insekto sa ibabaw. 


Pinilit ko pa ring kontrolin ang sarili ko. Sabi kasi ni Sir Richard ay importante ang pagiging kalmado sa amin kapag may ganitong pangyayari. 


"S-Sorry, Ma'am. Pero ako po mismo ang naghanda ng pagkain mo. At sigurado ako na wala 'yan bago ihatid sa inyo ng—" 


"And so what? Are you saying that I'm lying?" 


Napalunok ako. Kaunti na lang talaga at hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kundi ang sumagot sa kaniya. 


"Wait." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "I know you. Ikaw ang bago nilang hire na chef. The one that came from that dirty wet market. Am I right?" 


Nalito ako. Paano niya nalaman iyon? Sino ba siya? 


"I knew it! Ang mga kagaya mo talaga ay walang alam sa kung ano ang basic cleanliness. At ang kapal pa ng mukha mo na magtrabaho sa restaurant na ito, ha?! You dirty filthy bitch! Halata sa hitsura mo ang pagiging madumi! Ang taba mo na nga, ang baboy mo pa sa trabaho!" 


Doon na tuluyang naputol ang pisi ko. Literal na parang may narinig akong nag-click sa utak ko. 


"Teka lang naman, Ma'am. Kinakausap kita ng maayos, ha? Tapos kayo pa ang may ganang manakit? Una sa lahat, malinis at maayos ang ibinigay naming pagkain sa inyo! Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yang langaw. Pero wala kang karapatan na buskahin ang pinagmulan ko! E ano kung tindera ako sa palengke? For your information, sa amin nagmumula ang halos lahat ng mga pagkain na inihahain sa mga lamesa niyo!" galit na sabi ko. "At isa pa, kahit mataba ako... Maganda pa rin ako! Sexy pa rin ako! Baka gusto mong maagawan ng asawa ng hindi oras, sabihin mo lang!" 


Napaawang ang bibig ng ginang. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya na para bang nagulat talaga sa sinabi ko. Pasalamat nga siya at pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko dahil kahit papaano ay mas matanda pa rin siya sa akin. Dahil naku! Kanina ko pa siya gustong sampalin din. Ang sakit kaya! 


"You! How dare you—" 


"Mom!" 


Natahimik kaming lahat noong may dumagundong na boses sa loob ng restaurant. Paglingon ko sa gilid ay nakita ko si Sir Daniel na papalapit sa amin. Madilim ang mukha nito at salubong ang mga kilay na nakatingin sa ginang na kausap ko. 


Tama ba ang pagkakarinig ko? Mom? Nanay niya ang babaeng ito?


"Daniel—" 


Bago pa man makapagsalita ang ginang ay hinawakan na ito ni Sir Daniel sa braso at hinila palayo sa amin. Walang lingon-likod na lumabas sila ng restaurant. 



Marco's POV


Hinila ko si Mama palabas ng restaurant. What was she even doing here? Sinabi ko na sa kanila noon pa na lumayo sila sa akin at h'wag nang magpapakita. And now she was here pestering my staff. 


Tumigil lang kami noong makarating na kami sa parking lot. 


"What are you doing here? Hindi ba sinabi ko sa inyo na h'wag na kayong magpapakita sa akin?!" tanong ko. I tried my best to calm my voice. But just seeing her was making my blood boil. 


Tiningnan lang ako ni Mama. Kung kanina ay galit na galit ito. Ngayon ay mas nangibabaw ang pag-aalala nito. 


"I-I'm sorry, Son—" 


"Don't you dare call me son!" pigil ko sa kaniya. Doon na ako nakapagtaas ng boses. 


"Daniel! You're still my son, and I'm still your mother!" giit nito. 


"No! Magmula noong mangyari iyon at pinutol ko na kung ano man ang mayroon sa ating koneksyon. I'm not your son anymore. So, please! Just please! Stay away from me! Stay away from my life!" 


Tumalikod na ako at naglakad pabalik ng restaurant. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko na siya nilingon pa ulit. 


I don't want to see them anymore. Not now. Not ever. 


Chapter 17

Baby's POV

Kumpirmado. Nanay nga ni Sir Daniel ang babaeng mataray kanina. Hindi lang basta mataray dahil matapobre din iyon. 


Hindi ko kasi napigilan ang kuryosidad ko. Sumunod ako sa kanila at narinig ko ang lahat. 


Hindi ko alam kung bakit ganoon ang inasta ni Sir Daniel sa harap ng nanay niya. Kitang-kita ko ang matinding galit nito. Galit na galit ito pero nagpipigil ng sobra. Galit na hindi ko alam kung magagawa ko kay Nanay Kleng. 


Kung ano man ang nagawa ng pamilya nito sa kaniya ay sigurado ako na matindi iyon. Sobrang tindi na ganoon na lang kung ipagtabuyan ni Sir ang sarili niyang nanay. 


Noong makita kong lumayo na si Sir sa nanay niya ay nagmamadali na rin akong pumasok sa loob ng restaurant. Dumeretso ako sa kusina habang sapo-sapo pa rin ang pisngi ko na namamanhid na. Sinalubong ako agad ni Maica na nag-aalala  ang mukha. 


"Kumusta ang pakiramdam mo, Baby? Teka. I-cold compress mo 'yan para hindi mamaga," nag-aalalang sabi nito. 


Tumango lang ako sa kaniya at lumapit sa counter. Hindi nagtagal at bumalik si Maica na may dala-dala ng pouch na puno ng yelo. 


"Ang taray naman no'n! Grabe ang bibig!" ani Maica. Sa lahat ng mga katrabaho ko rito ay siya lang talaga iyong nakakausap ko palagi. 


Napabuga ako ng hangin. "Kaya nga e."


"Masanay ka na, Baby," sabay ni Loyd. Isa sa mga helper. "Ganiyan talaga ang mga mayayaman na 'yan. Akala mo hawak na nila tayo. Dahil lang sa trabahante lang tayo." 


Naikuyom ko ang mga palad ko. Hindi ako talaga magpapa-api sa kanila. May sarili akong dignidad. At hindi ako papayag na apakan lang 'yon ng kung sino! 


"Beverlyn." 


Napaupo ako nang maayos noong marinig ko ang boses ni Sir Daniel. Nakatayo na siya sa may bukana ng kusina. Tumayo ako agad at ibinaba ang hawak kong pouch. Pati sila Maica ay tumayo rin nang maayos habang nakatingin kay Sir Daniel. 


"Yes, Sir?" 


"Come to my office." 


Iyon lang at tumalikod na ulit si Sir Daniel at nawala na sa paningin ko. Tinapunan ko pa si Maica saglit ng tingin at inabot sa kaniya ang pouch bago nagmamadaling sumunod kay Sir Daniel. 


Nakaupo na si Sir sa swivel chair niya noong makarating ako sa office niya. Sinenyasan niya akong lumapit kaya iyon ang ginawa ko. 


Tumayo siya at humarap sa akin. Nagulat pa ako noong bigla niyang hinawakan ang baba ko at sinipat ang pisngi ko. Huminga siya nang malalim. 


"I'm sorry," ani niya. 


Parang may kumirot sa dibdib ko noong binanggit niya iyon. Ramdam ko ang sensiridad niya. 


Napalunok ako. Heto na naman ang puso ko na nagmistulang tambol dahil sa sinabi niya. 


"N-No problem, Sir. Parte naman po ito ng trabaho ko," tugon ko. 


Umiling siya. "No. It's not. She shouldn't have done that to you." 


Napatungo ako. Totoo naman. Kahit na ano ang nangyari, sana naman kinausap niya ako nang maayos. Hindi iyong sinaktan na nga niya ako, inalipusta niya pa ang buong pagkatao ko. 


Inangat niya muli ang mukha ko gamit ang hintuturo niyang nakalapat sa may baba ko. Nakatitig na siya sa mga mata ko na puno nang panlulumo at kahihiyan. Lalo akong binundol ng kaba. First time kong makita si Sir na ganoon. 


"I'm sorry, Baby. For everything. For this. For what happened... To us." 


Bahagyang nangunot ang noo ko. Feeling ko ay hindi na lang tungkol sa nangyari kanina ang sinasabi niya. 


"P-Po?" 


Tumungo siya. Napaatras pa ako noong bigla niyang isinandal ang noo niya sa balikat ko. Pero tumama na ang balakang ko sa lamesa niya. Ang kaniyang mga kamay ay gumapang sa baywang ko at pumulupot doon. 


"I'm sorry. I shouldn't left you there. I didn't mean to do it. I... I was just scared." 


"S-Sir—" 


Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin. Pero mas lalo lang niya akong hinila palapit sa kaniya. Iyong mukha niya ay nakasubsob na sa pagitan ng leeg at balikat ko. Ramdam ko na ang mainit na paghinga niya na tumatama sa balat ko. 


Napalunok ako. Lalong nagwala ang puso ko dahil sa ginagawa niya. Bakit bigla siyang naging clingy ng ganito? 


"You're beautiful, Baby. And I want you." 


Dug! Dug! 


English iyon, pero naunawaan ko lahat. Malinaw sa isipan ko ang mga sinabi niya. Gumagaling na rin ako sa Ingles, ha! Paminsan-minsan ay nakakapagsalita na rin ako ng English dahil tinuturuan ako ni Sir Richard. Kaya alam ko. Malinaw kong narinig iyon. 


Nag-angat ng ulo si Sir Daniel pero hindi pa rin niya ako binitawan. Iyong mga mata niya ay namumungay, pero bukod doon ay nakikita ko ang lahat. Ang sensiridad. Ang pagnanais. Nag-aalab ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. At sa isang iglap lang ay parang na naman akong nahipnotismo ng abohang mga matang iyon. 


"I hate it. I hate that they have the guts on calling you baby. Because I want you. I want you to be mine." 


"S-Sir..." 


Sinapo niya ang pisngi ko. Nagtayuan ang agad ang mga balahibo ko sa batok noong haplusin niya ng hinlalaki niya ang labi ko. 


"I want, Baby. I want you to be mine. And mine only." 


Then... He kissed me. Noong una ay marahan lang. Para bang naghihintay pa. Nanghihingi ng konsento sa akin. Pero noong sinapo ko na rina ng mukha niya at tinugon ang kaniyang mga halik. Parang may kung anong nabuhay kay Sir Daniel. 


Humigpit ang mga yakap niya sa akin at mas lumalim ang mga halik. At bukal sa puso kong tinugon iyon. 


Chapter 18

Baby's POV

Sinapo ni Sir Daniel ang pwetan ko at iniupo sa kaniyang lamesa habang patuloy na sinisiil ako ng halik. Nakakapit lang din ang mga braso ko sa kaniyang leeg habang hinahaplos ang kaniyang buhok. 


Sa bawat haplos. Bawat halik. Ramdam ko ang matinding pagkasabik ni Sir sa akin. Alam ko na dapat ay matakot ako. Magdalawang-isip na ituloy ito dahil baka bigla na naman niya akong iwanan dito. 


Ngunit kahit na ano pa ang pigil ko sa sarili ko ay tila ba may sariling isip na ang aking katawan na patuloy na tumutugon sa kaniya. 


Kumawala ang mahihinang ungol sa bibig ko noong bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. Hinalik-halikan niya iyon. Paisa-isa. Hanggang sa marahan na niya iyong kinagat. Pagkatapos ay sinipsip na rin iyon. 


Humigpit ang kapit ko sa batok ni Sir. Napapaliyad ako sa bawat haplos niya. Nasa dibdib ko na rin ang kaniyang kamay at minamasahe iyon. 


"Hmm... S-Sir," paos na sabi ko. 


Sandali siyang tumigil at muli akong tiningnan. Sa ilang sandali ay bigla akong nag-alala. Pero dinampian niya ako ng halik at sinabing, "Call me by my name from now on, Baby. Moan my name." 


Parang kiniliti ang pagkababae ko dahil sa sinabi niyang iyon. 


"O-Okay. Daniel." 


Napangiti si Sir Daniel. Parang kumislap pa ang mga mata niya noong muli akong hinalikan sa labi. Humigpit ang hawak niya sa mga hita ko. Muli siyang lumayo at nagmamadaling ibinaba ang suot kong pantalon. Kahit ako ay tumulong na dahil sa labis na pagkasabik. Itinapon niya iyon sa kung saan saka muling pumwesto sa pagitan ko. 


"I... I will claim you, Baby." 


Napalunok ako. Labis na akong nadadarang sa init na nararamdaman ko. Halos hindi ko na nga maintindihan ang mga tanong niya. Ang gusto ko na lang ay maramdaman siya sa loob ko at angkinin ako. 


Tumango ako. Muli ay parang kumislap ang mga mata ni Daniel. Ibinuka niya ang mga hita ko at saka hinaplos ang pagkababae ko. Napaungol ako agad at kumapit nang mahigpit sa kaniyang batok. Muli niyang inangkin ang mga labi ko kasabay ng paggalaw ng kaniyang mga daliri sa bukana ko. 


"Ohh," ungol ko sa pagitan ng mga halik namin. 


Patuloy na hinaplos ni Daniel ang pagkababae ko. Nilaro-laro niya ang nakausling laman doon na mas lalong nagpainit ng aking katawan. 


Diyos ko! Para na akong mababaliw dahil sa sarap niyon. 


Hanggang sa naramdaman ko nang ibinaba ni Daniel ang kaniyang pantalon. Natigilan ako sandali noong maramdaman ko ang matigas niyang pagkalalaki sa aking bukana. 


Napalunok ako. Ang laki talaga niyon! 


Muli akong tumingin sa kaniya. Sa kabila ng labis na pagkasabik na nararamdaman ko ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Baka sa umpisa lang na naman ito. Baka—


Napaungol ako nang malakas noong bigla niyang ipinasok ang kaniyang ari sa akin. Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa kaniya. Muli niyang sinakop ang labi ko na para bang iyon lang ang tanging makatutulong sa akin. 


Kumapit ako sa braso niya noong mag-umpisang kumilos sa pagitan ko si Daniel. Noong una ay marahan. Para bang nakikiramdam siya. Na para bang inaalam niya kung kakayanin ko. 


Nakaramdam ako bigla ng kirot. Ngunit sinapo lang ni Daniel ang leeg ko at mas nilaliman pa ang mga halik sa akin. 


Unti-unting bumilis ang paggalaw niya. Unti-unti ang kirot ay napalitan nang kakaibang sarap. Bumitaw ako sa halik ni Daniel at tinitigan siya.


Parehas na kaming malalim ang paghinga na para bang may humahabol sa amin.


Ang sarap! Nakakabaliw. 


Lumiyad ako at tumingin sa kisame. Mas ibinuka ko pa ang mga hita ko para mas maipasok ni Daniel ang kabuoan niya. 


"God! You're intoxicating, Baby!" ani Daniel. 


Napapikit ako nang mariin at ninamnam ang sarap na ibinibigay sa akin ng sensasyon na iyon. Nagulat pa ako noong biglang tinanggal ni Daniel ang ari niya sa akin. Pagtingin ko ulit sa kaniya ay walang pinagbago ang mga tingin niya. Nag-aalab pa rin. 


Bigla niya akong pinababa sa lamesa at pinatalikod sa kaniya. Muli niyang pinulupot ang isang braso sa baywang ko at pinasandig ako sa kaniyang malapad at matigas na dibdib. Hinawakan niya ako sa leeg saka marahang iniharap ang ulo sa kaniya. Saka niya sinakop muli ang mga labi ko. 


Muli niya akong binitawan. Tinukod ko ang mga kamay ko sa lamesa noong maintindihan ko ang balak niyang gawin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nang muli ang ari niya na pilit na hinahanap ang bukana ko. 


Muling kumawala ang malakas na ungol mula sa bibig ko noong muling ipinasok ni Daniel ang kabuoan niya sa akin. Kung kanina ay maingat ang mga galaw niya, ngayon ay mas bumilis ito. Mas naging marahas. 


Kumapit pa siya sa mga balikat ko habang gumagalaw sa likuran ko. Pabilis nang pabilis hanggang sa napapatirik na ang mga mata ko . 


"D-Daniel! A-Ang sarap!" ungol ko ulit. 


Hinawakan niya ako sa leeg at bahagyang hinila pasandal sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagkilos. Sa posisyon naming iyon ay mas lalong bumaon ang kaniyang ari sa akin. Mas lalo akong nabaliw sa sarap. 


"A-Ang sarap!" 


"Do you want more, Baby?" 


Mabilis akong tumango na para bang kapag hindi ako agad sumagot at ititigil niya ang kaniyang ginagawa. 


"Say it. Say you want more, Baby. Say you want me!" utos niya. 


Parang mas lalo akong nabaliw dahil sa sinabi niya. Sa isang iglap ay parang ang sarap pakinggan ng boses niya. Ang sarap. Nakakabaliw. Lalo na noong bahagyang humigpit ang hawak niya sa leeg at baywang ko. 


"D-Daniel... O-Oo! Oo! G-Gusto ko! Sige pa!" 


Narinig kong umungol si Daniel. Ungol na para bang sa  isang hayop na sabik na sabik matikman ang kanilang pagkain. At dahil doon ay mas bumilis ang mga kilos ni Daniel. 


Napapatirik na ang mga mata ko habang nakatingin sa may kisame. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pamumuo sa aking puson. At kasabay nang mas mariing pagpasok ni Daniel sa akin ay ang paglabas nang kakaibang init sa akin katawan. 


"Fuck!" ungol ni Daniel. 


Binitawan niya ako nang marahan. Habang ako naman ay napasubsob sa lamesa. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko kaya bahagya akong napaluhod. Agad naman akong sinalo ni Daniel. Binuhat niya ako paupo sa sofa kahit parehas pa kaming naghahabol ng hininga. 


Lumuhod siya sa harapan ko at tinitigan ako sa mga mata. 


"Do you agree, Baby?" 


Bahagyang nangunot ang noo ko. 


"Ano?" 


"You're mine now. Only mine." 


Namula ang mga pisngi ko't tainga. Tinatanong pa ba 'yan? E natikman na niyang tilapya ko? 


Marahan akong tumango. 


"Yes, Daniel. Iyong-iyo na ako." 


Napangiti siya nang malapad. Sinapo niya ang mga pisngi ko at hinalikan sa labi. 


Chapter 19

Baby's POV

Sinulit namin ang isa't isa ni Daniel. 


Sa kusina ng restaurant noong magsara na iyon. Sa lamesa. Sa rooftop. Sa bawat sulok ng penthouse niya. Pakiramdam ko ay wala na ngang lugar sa restaurant at sa penthouse niya ang hindi namin nabinyagan ni Daniel. 


Oo. Magmula rin noon ay Daniel na ang tawag ko sa kaniya tuwing kaming dalawa na lang. Pero sa tuwing may trabaho kami ay tinatawag ko pa rin siya na Sir. Malaki pa rin ang sama ng loob niya dahil nga Baby ang tawag sa akin ng mga kasama namin. Kasalanan ko ba? Iyon kasi ang pinalayaw sa akin ni Nanay e!


Kaso hindi ko pa rin siya napigilan. 


Tinawag niya ang buong mga kasama namin sa restaurant noong isang umaga bago kami magbukas. Akala ko naman kung ano ang ia-announce niya. Pero nagulat ako sa sinabi niya. Hindi lang ako dahil lahat kami ay nalito sa utos niya. 


"Mula ngayon, no one will call Beverlyn, baby. You will address her with her first name or surname. Do you all get it?" maawtoridad na sabi niya. 


Napamaang ako. 


"S-Sir. Ano po 'yang utos mo?" tanong ko. 


Panay ang tingin ko sa mga kasama ko na nagbubulungan na. Pinanlakihan ko ng mga mata si Daniel. Pero parang wala siya sa sarili na tiningnan lang ako. 


"Boss, are you serious?" tanong ni Sir Richard. May nakalolokong mga ngisi sa labi. 


Napangiwi na ako. Ito talaga si Daniel, mamaya lang ito sa akin! 


"Yes. I am. And whoever doesn't obey will be fired immediately." 


Napamaang ako sa huli niyang sinabi. Seryoso ba talaga siya? Tatanggalin niya ang mga tauhan niya nang dahil sa tatawagin nila akong Baby?! 


Noong matapos ang meeting namin na iyon ay hindi ako makatingin sa mga mata ng mga katrabaho ko. Nahihiya ako na naiinis. Kasi dahil sa akin ay parang lumiit ang mundo nila. Halos wala na ngang tumatawag sa akin. Paano naman kasi? E baby ang nakasanayan nilang tawag sa akin. 


Hindi na ako nakapagpigil pa. Hinila ko si Daniel papunta sa opisina niya at doon kinausap. Gulat pa siya dahil kasalukuyan siyang naghihiwa ng karne. 


"Ano 'yon, Daniel?" tanong ko. "Bakit mo naman ginawa 'yon? Pangalan ko 'yon! Hindi mo sila mapipigilan kung tawagin nila akong baby!" 


Nagdilim ang mukha niya. Napaatras pa ako nang kaunti dahil sandaling tumalim ang mga tingin niya. 


"Then they should go. Ayaw kong marinig nila na tinatawag ka nilang Baby. I hate it, Baby!" 


Napamaang ako. Noong una ay ayaw niya akong tawaging baby. Pero ngayon ay pinagdadamot na niyang tawagin ako ng iba sa pangalang iyon. 


Sumasakit ang ulo ko sa kaniya! Paano pa kaya kung makarating kami sa amin? Ano? Lahat sisinghalan niya dahil tinawag akong baby? 


Nagulat ako noong bigla niyang ipinulupot ang mga braso sa bewang ko. Inilapit niya ang mukha sa akin. 


"I told you, Baby. Ipinagdadamot kita sa iba." 


Napalabi ako. Isinukbit ko ang mga braso ko sa kaniyang leeg. 


"Oo na. Pero kalma ka lang. Pangalan ko na iyon. Mahirap mo—" 


"I don't care. I will stop every person who calls you in that name." 


Lalo akong napanguso. 


"Kahit sila Nanay?" 


Natigilan siya sa saglit at napaisip. 


"Well... I might make one exception." 


Natawa na lang ako sa sinabi niya. 


"Ewan ko sa 'yo, Daniel! Sige na. Balik na tayo roon—" 


Napasinghap ako noong bigla niya akong kinarga at inilapag sa sofa. 


"Sa tingin mo ba ay papayag ako nang gano'n lang matapos mo ako hilain dito?" 


Namilog ang mga mata ko. 


"Daniel!" 


Hindi na ako nakatanggi pa noong bigla niya akong sinunggaban ng halik. 


— 


Matapos namin ay naiwan ako saglit sa loob ng opisina niya. Sinulit na naman kasi niya ang pag-angkin sa akin. Grabe talaga siya! 


Nagbihis na ako at akma na sanang lalabas ng opisina noong mahagip ng mga mata ko ang nakataob na picture frame sa lamesa niya. Hindi na ako mahilig mangialam ng mga gamit ni Daniel magmula noong makita ko siyang nagalit noon. Kahit na ngayon na kami na ay hindi ko pa rin iyon ginagawa. Pero sa mga oras na iyon ay may kung anong humihila sa akin papalapit doon. 


Huminga ako nang malalim at lumapit sa lamesa niya. Pinulot ko ang picture frame at tiningnan iyon. Awtomatikong nangunot ang noo ko noong makita ko ang larawan na naroon. 


Si Daniel. Kasama ang isang babae at isang batang lalaki. Ang lapad ng mga ngiti niya na umaabot hanggang sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang mga kamay ay nakapulupot sa baywang ng babae, habang ang isa ay karga-karga ang batang lalaki.


Napalunok ako. Sino ang mga ito?


Chapter 20

Baby's POV

Magmula noong makita ko ang larawan na iyon ay hindi na iyon nawala sa isipan ko. Parang may kung anong makati sa utak ko hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang mga kasama ni Daniel. 


Mukha kasi silang masaya sa picture. Tapos iyong ngiti ni Daniel... Nakita ko na rin naman iyon kapag magkasama kami. Kaso iba ang mga ngiti niya roon. Ngiti na para bang kalmado siya. Payapa. 


Mga ngiti na tila ba nagmumula sa kaniyang puso.


Hindi ko naman magawang itanong sa kaniya. Paano kung magalit na naman siya sa akin? Tapos hindi na ako kausapin? Ngayon pa na kami na. Kung kailan mahal na mahal ko na siya. Baka lalo akong mabaliw kapag bigla na naman niya akong iwasan dahil sa tanong na iyon. 


"Hoy, Baby! Ano ba?" 


Bigla akong bumalik sa sarili ko noong hinampas ni Karla ang kamay ko. Nag-day off ako sa restaurant at bumisita sa palengke. Tapos nagyaya itong si Karla na ilibre ko raw siya ng buko juice sa labas ng palengke. Kunyari pa si Karla, halata naman na tumitibok lang ang tahong niya dahil sa pogi ng tindero. 


Bumili na rin ako ng bibingka ni Osang, tindera ng mga kakain sa palengke. Kapag may naghahanap ng kakanin dito ay sa kaniya namin itinuturo dahil sa sarap niyon. Bumili na rin ako ng ilang piraso para kila Nanay. 


"Ano 'yon?" nakakunot ang noo na tanong ko. 


Naiikot ni Karla ang mga mata niya dahil sa tanong ko. 


"Diyos ko naman! Kanina pa ako nagsasalita rito tapos wala ka pa lang naririnig? Hay naku! Buti pa itong si Elias. Isa pa ngang buko mo, Elias! Si Baby ang magbabayad!" ani Karla. 


Ngumiti nang malapad si Elias at lumabas ang dalawang biloy sa kaniyang mga pisngi nito. 


"Sige ba." 


Agad na nagbukas ng buko si Elias at nagsalin sa plastic na may straw. Kinikilig-kilig pa si Karla habang inaabot iyon. 


Naikot ko rina ng mga mata ko. Kung may malandi, mas sobra naman itong kaibigan ko. 


"Halika na nga, Karla! Baka mabinyagan na 'yang tahong mo kakatitig diyan kay Elias e! Kuhain pa natina ng bibingka roon kay Osang!" 


Kinuha ko na ang wallet ko at inabot ang bayad kay Elias. 


Ngumuso si Karla. 


"Bakit ba? Ang sarap kaya ng katas ni Elias, 'di ba?" 


Tumawa lang si Elias. 


Hinila ko na si Karla palayo kay Elias. Kasi kapag hindi ko pa iyon ginawa ay sigurado na bubuka na ang tahong nito. Hay naku! 


Pagkarating namin sa tindahan ni Osang ay kinuha ko agad ang bibingka at muli na hinila pabalik sa loob ng palengke si Karla. 


"Ang taray mo na, Baby, ha? Nakarating ka lang sa aircon e! May problema ka ba?" 


Napabuga ako ng hangin. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Inawang ko ang bibig ko upang magsalita sana pero muli ko lang iyon inikom at hinila ulit si Karla papunta sa city park na katabi lang ng palengke. 


Pinaupo ko siya sa bench at hinawakan sa magkabilang braso. Tinitigan ko siya. Nakakunot lang ang noo niya habang nagtataka na nakatitig sa akin. 


"Karla. Paano kung... Ahm. Kasi—" 


"Ano ba 'yon, Baby? Deretsuhin mo na ako!" 


Umupo ako nang maayos. Hindi ko pa kasi sa kaniya nasasabi na may boyfriend na ako. Kahit sila Nanay ay walang ideya na kami na ni Daniel. 


"Alam mo, Baby. H'wag ka nang magpatumpik-tumpik pa, ha? Sabihin mo na kung ano 'yan! Bakit?" Bigla itong suminghap. "T-Teka... H'wag mong sabihin na buntis ka?!" 


Namilog ang mga mata ko at hinampas siyas a braso. 


"Anong buntis?! Hindi a!" 


"E ano nga 'yon?!" 


Muli akong huminga nang malalim. 


"Kasi... Ano... May boyfriend na ako, Karla." 


Napakurap-kurap ito. 


"Ha?" 


"Boyfriend! May syota na ako!" 


Namilog ang mga mata nito. Nasapo pa ang bibig na para bang may nasabi talaga akong nakagugulat. 


"OMG! Talaga ba?!" 


Tumili pa ito kaya napatingin ako sa paligid. Napapatingin nga sa amin ang mga dumaraan. 


"Ano ka ba?! Ang bunganga mo naman!" 


Napangiwi si Karla. "Ano nga? Legit talaga?" 


"Oo nga. Legit. Kaso... May nakita akong picture. May kasama siyang babae at bata. Ano kaya sa tingin mo 'yon?" 


Nawala ang mga ngiti ni Karla. 


"H'wag mong sabihin na kabit ka, Baby? Kaibigan kita. Pero kung kabit ka ay hindi kita kukunsintihin!" 


"Hindi ako kabit!" 


"E ano 'yon?!" 


"Hindi ko nga rin alam. Kaya nga tinatanong kita e." 


Naiikot ni Karla ang mga mata. 


"Hindi mo siya tinanong?" 


Bahagyang lumungkot ang mukha ko. Marahan akong umiling. 


"Hindi e." 


"E tanga ka pala e. Dapat tinatanong mo siya. Alamin mo ang toto. Baka mamaya kabit ka lang. Stay-in ka sa trabaho mo, 'di ba? Baka habang nasa trabaho kayo ay ikaw ang jowa niya. Pero kapag nasa labas na siya ay isa siyang mabuting ama at asawa. Naku! Sino ba 'yang boyfriend mo nang masampulan!" 


Natahimik ako sa mahabang litanya ni Karla. 


Paano nga kaya kung tama ang mga sinasabi niya? Paano kung may pamilya na nga si Daniel pero hindi lang niya sinasabi sa akin? Wala naman kasi akong nakikita na dumadalaw sa kaniya. Kahit sa bahay niya ay wala akong makita na kahit na anong bakas na may asawa't anak na siya. 


Kaso sino nga iyong kasama niya sa picture? Paano kung niloloko niya lang pala ako at ginagawang parausan? 


Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. 


Diyos ko! H'wag naman sana! 


Chapters 21 - 25



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !