Views

Wildest Encounter (Chapters 36 to Epilogue)

Ameiry Savar
0

 



Chapter 36

“Mommy!” 

Mabilis na nilapitan ni Becca ang ina. Tinulungan siya ni Jane upang maalalayan itong at hindi tuluyang matumba. Binitawan agad ni Fernando ang anak at nilapitan ang asawa. 

“Maria! Maria!” tawag nito sa asawa ngunit hindi ito sumasagot. Inilapit ni Fernando ang palad sa may ilong nito. Nakahinga siya nang maluwag noong maramdamang humihinga ito. “Dalhin natin siya sa ospital!”

Agad na tumakbo si Rico palabas ng kanilang bahay at inihanda ang kanilang sasakyan. Binuhat naman ni Fernando ang asawa papunta sa sasakyan at lahat sila ay sumama papunta sa ospital. Pagkarating doon ay agad itong inasikaso ng mga nurse habang sila ay naghihintay sa resulta. 

Patuloy sa pagluha si Becca dahil sa labis na pag-aalala. Katabi niya si Jane na patuloy sa paghagod sa kaniyang likod. Si Rico ay nasa malapit lang nila at nakaupo rin sa waiting chair. Habang si Fernando ay pinapanood ang ginagawang paggamot sa kaniyang asawa. 

“H’wag kang mag-alala, Becca. Magiging maayos din si Tita,” alo ni Jane sa kaibigan. 

Suminghot-singhot si Becca. “Kasalanan ko ‘to, Jane. Dahil sa akin kaya nagkaganito si Mommy.”

“Wala kang kasalanan, Becca,” sabat ni Rico. “Hindi mo kasalanan na nagmahal ka lang.” 

“P-Pero kuya… kung hindi nalaman ni Mommy ang tungkol doon. Hindi ito mangyayari. Sana pala…”

“Sana ano? Sana pinigilan mo ang nararamdaman mo? Hindi ako papayag, Becca. Ngayon ay naiintindihan ko na si Kuya. Hindi ko hahayaan na maramdaman mo ang naramdaman ko. Napakahirap pigilan ang sarili sa tunay mong nararamdaman.” 

Muling napaiyak si Becca. Lumapit siya sa kapatid at niyakap ito. Wala siyang ideya na matindi rin pala ang pinagdadaanan nito. Kaya pala tahimik lang ito palagi sa tuwing napapagalitan ang panganay nilang kapatid. Dahil tinatago na nito ang tunay na pagkatao nito. Napakahirap isipin na pare-parehas pala silang magkakapatid nang nararamdaman. 

“S-Sorry, Kuya. Hindi ko alam.” 

Mapait na ngumiti si Rico. “Wala kang dapat ihingi ng tawad. Ako nga dapat ang mag-sorry sa ‘yo kasi hindi kita agad natulungan. H’wag kang mag-alala. Ngayon ay sasamahan kitang ipaunawa kila Mommy na walang mali sa atin. Na tayo pa rin ito.” 

Napangiti rin si Becca. Mas nabuhayan siya ngayon dahil sa sinabi ng kapatid. Alam niyang kahit na mahirap ay mayroon na siyang makakasangga. Kung ipinaglaban siya ni Sam ay ganoon din ang gagawin niya. Ipaglalaban niya ang pagmamahalan nila sa kaniyang mga magulang. 

Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon na ng resulta sa nangyari kay Maria. May malay na rin ito no’ng nilapitan nila ito. Panay ang buga ng hangin ni Fernando habang nakatabi sa kama ng asawa.

“Nakita niyo na? Matapos ang mga ginawa namin para sa inyo? Ang pagpapalaki namin sa inyo ng nanay niyo? Ito ang igaganti niyo sa amin?! Muntik mamatay ang nanay niyo dahil sa sama ng loob!” puno ng hinanakit na sabi ni Fernando. 

Nangilid ang mga luha ni Maria. “G-Gusto lang naman namin na mapabuti kayo. Bakit ganito pa ang iginaganti niyo sa amin?”

Napatungo si Becca at muling lumuha. Agad siyang inakbayan ni Rico at bahagyang tinapik ang balikat niya. 

“S-Sorry po,” ani Becca. 

“Ikaw, Rico? Kailan pa, ha? Kailan mo pa kami niloloko?” tanong ni Fernando.

Tumungo rin si Rico. Huminga siya nang malalim. “B-Bata pa lang ako, Dad. Alam ko na kung ano ako. Pero ‘di ba dapat intindihin niyo rin kami? Hindi naman kabawasan sa pagiging mga anak namin ang mga kasarian namin e. Hindi namin gusto ang nangyari kay Mommy. Pero sana maintindihan niyo rin kami. T-Tingnan niyo si Kuya Albert. Nandoon siya ngayon sa ibang bansa at lumalaban sa pageant. Hindi niyo alam dahil hindi niyo siya sinusuportahan.” 

“Tama na, Rico!” ani Maria. “Umalis na muna kayo! Ayaw ko kayong makita!” 

Hinawakan ni Fernando ang kamay ni Maria. “Tama na, Maria. Magpahinga ka na muna. Baka tumaas na naman ang dugo mo.”

“Paalisin mo muna sila Fernando. Hindi ko kayang makita ang mga anak mo ngayon!”

“Sige na.” 

Hindi na sumagot sila Becca sa mga magulang. Umalis silang tatlo sa ospital at tulalang bumalik sa bahay. Sinamahan ni Jane ang kaibigan sa kwarto nito dahil patuloy ito sa pag-iyak. Si Rico naman ay muling bumalik sa ospital upang magdala ng mga kailangan ng mga magulang nila. Nanatili rin ito roon kahit na hindi ito kinakausap ng mga ito. 

“Ano na ang gagawin ko ngayon, Jane? I love Sam,” ani Becca. Nakatitig lamang siya sa kisame ng kaniyang silid habang tahimik na umiiyak.

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam, Becca. Kakatawag lang din nila Mommy sa akin. Galit na galit din sa akin. Binawasan nga allowance ko,” tugon ni Jane. Huminga siya nang malalim. “Pero gaano mo ba kamahal si Sam?” 

“Mahal na mahal ko siya.” 

“Kaya mo bang talikuran ang pamilya mo para sa kaniya?” 

Natigilan si Becca. Bigla siyang napaisip. Mahal na mahal niya rin ang pamilya niya. Nirerespeto niya ang mga magulang niya. Ito ang nagbigay ng buhay niya. Ngunit mahal na mahal niya rin si Sam. Masaya siya kapag kasama niya si Sam. Ito ang nagbigay nang kakaibang kulay sa kaniyang buhay. Ngunit kaya niya bang ipagpalit ang sariling pamilya kay Sam? 

Hindi niya alam.


Chapter 37

Huminga nang malalim si Sam bago buksan ang pinto ng opisina ng kaniyang ninong. Halos marinig na niya ang malakas na pagtambol ng kaniyang dibdib. Agad niyang inilibot ang paningin sa paligid noong siya ay makapasok. Naroon na ang kaniyang ninong at halatang hinihintay ang kaniyang pagdating. Nakaupo ito sa pang isahang sofa at humihigop ng mainit na kape. 

“You came.” 

Pinilit na ngumiti ni Sam kahit hindi niya alam kung paan oba aakto sa harapan nito. Bahagya siyang tumungo. “P-Pinapatawag mo raw po ako, Ninong.” 

“Yes. Please sit down.”

Tumango si Sam. Dahan-dahan siyang naglakad sa papalapit dito at naupo sa mahabang sofa sa kanang parte nito. Nakabibingi na katahimikan ang agad na lumukob sa silid. Humigpit ang kapit ni Sam sa kaniyang kandungan habang iniisip paano bubuksan ang usapan sa pagitan nilang dalawa. 

“Sor—”

“I need—”

Napatikhim si Sam at agad na nag-iwas ng tingin sa kaniyang ninong noong magkasabay sila sa pagsasalita. 

“S-Sorry. Please continue,” ani Sam.  

Tumikhim si Rodrigo. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Sam. I am… really disappointed right now. I treated you as my own daughter.” 

Agad na nangilid ang mga luha ni Sam. Nakagat niya ang labi at pilit na pinakalma ang sarili. 

“How could you do this to me? Sa sarili ko pa talagang anak? I never stopped you from whatever you’re doing. Pero bakit sa anak ko pa, Sam? Bakit kay Trisha pa na parang kapatid mo na rin?” mahinahong tanong ni Rodrigo. Ngunit hindi maitatanggi na puno nang paninibugho ang tinig nito. 

Napahinga nang malalim si Sam. Parang may kung anong kumukurot na sa kaniyang dibdib dahil sa mga sinabi ng kaniyang ninong. Kung kaya niya lang ibalik ang nakaraan ay hinding-hindi na niya papatulan pa ang dalaga. 

“S-Sorry, Ninong. What we had was real. Minahal ko naman po talaga si Trisha noon. But things change. At oo, kasalanan ko na pumayag pa rin ako sa gusto niya kahit wala na kami. But I tried to end our relationship in a good way. I respected her, Ninong. I’m sorry. H-Hindi ko po ginusto na ganito ang kalalabasan. I’m really sorry!” 

Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Sam. Naging masaya naman siya kay Trisha noon. Sinubukan niyang tapusin nang maayos ang kanilang relasyon ngunit ito ang hindi makatanggap niyon. Kaya labis siyang nasasaktan ngayon dahil nasasaktan din ang kaniyang ninong dahil sa mga maling desisyon niya. Kung alam niya lang na ito ang kahihinatnan niyon ay hindi na sana siya nakipagrelasyon pa kay Trisha. Nirerespeto niya bilang ama si Ricardo. Kaya napakasakit para sa kaniya ito. 

“I understand if you don’t want to see me again, Ninong. Ako na mismo ang lalayo. Pero sana malaman mo na hindi ko ginusto ang nangyari kay Trisha. I’m sorry.” 

Matagal na bago sumagot si Ricardo. Nakatitig lamang ito kay Sam na patuloy sa pagluha habang nakatungo. Bumuga ito ng hangin at dumeretso ng tingin sa kaniyang unahan. 

“No. I have a promise with your dad. He is my best friend. My best man. Marami na siyang naitulong sa akin at malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Yes, I am sad… I’m hurt. But that doesn’t mean that I will disown you. You are my daughter despites of what happened. I’m just… really hurt right now.” Napaluha na rin si Rodrigo. Anak na ang turing nito kay Sam kaya mahirap para sa kaniya ang nangyari. “At kung kailangan kong tanggapin ang relasyon niyong dalawa ni Trisha ay gagawin ko. Tatanggapin ko kayo kahit na ano man kayo, Sam. Just… stay with Trisha, please.”

Natigilan si Sam. Bigla siyang nag-angat ng ulo at nakakunot ang noo na tiningnan si Rodrigo. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot pa rin sa sinabi nito. Hindi niya kasi sigurado kung ano ang ibig sabihin nito. 

“She’s not eating. Hindi rin siya pumapayag na gamutin siya, Sam. Trisha needs you. Ikaw lang ang bukambibig niya. So, can you please help her until she become better?”

Lumunok si Sam. “I… I don’t think it’s the best idea, Ninong. I-I mean, I want to help her. I want her to be better. But I was breaking up with—”

“Then don’t. Don’t break up with her, Sam. Be with her. Please?”

Umawang ang bibig ni Sam. Pakiramdam niya bigla ay naumid ang kaniyang dila noong makita niya ang maluha-luhang mga mata nito. Gusto niyang tulungan ito at lalong gusto niyang mapatawad siya ng kaniyang ninong. 

“Sam. Trisha needs you. Kung talagang nag-aalala ka sa kaniya ay tulungan mo siya. Kahit hindi na para sa kaniya. Kahit para na lang sa akin, Anak.”

Muling napatungo si Sam. Muling may kumurot sa kaniyang dibdib noong marinig niya ang salitang anak mula rito. Napaluha na siya at unti-unting tumango. 

“O-Okay, Ninong.”

Napangiti si Rodrigo. Tumayo ito at lumapit kay Sam. Inakbayan nito ang dalaga at marahang tinapik ang balikat. 

“You should’ve told me earlier, Sam. Hindi ko naman kayo pipigilan ni Trisha. Hindi ko kayo pipigilan na mga anak ko kung ano man ang ikasasaya niyo. Including you, Sam. You are my daughter. Always remember that, okay?”

Ngumiti si Sam at tumango rito. Pinahid na niya ang mga luha at yumakap kay Rodrigo. “Thank you, Ninong.”


Chapter 38

“I know you didn’t mean it, Sam,” malapad ang mga ngiting sabi ni Trisha. 

Napabuga ng hangin si Sam. Hinalo-halo niya ang lugaw na ipapakain niya kay Trisha gamit ang kutsara. Sumandok na siya roon at hinipan iyon saka inilapit sa bibig nito. “Eat.” 

Magiliw namang inginanga ni Trisha ang bibig upang masubuan siya ni Sam. “I’m really happy that you’re here now, Sam. Alam kong nabibigla ka lang noon kaya mo nasabi ang mga ‘yon. You’re forgiven.”

Nanatiling hindi nagsalita si Sam. Ang daming tumatakbo sa kaniyang isipan ngayon. Gusto niyang pagsalitaan si Trisha dahil sa ginawa nito. Alam niyang may ginawa ito kaya siya kinausap ng kaniyang ninong bukod sa ginawa nito sa sarili. Muli siyang sumandok sa mangkok at akma iyong isusubo kay Trisha ngunit hindi nito ibinuka ang bibig kaya napatingin siya rito. 

“Why are you not talking to me?” tanong ni Trisha. Pinagkrus pa nito ang mga braso at bahagyang lumabi. 

“Eat.”

Naiikot ni Trisha ang mga mata. Marahan niyang itinulak ang kamay ni Sam at umayos ng higa patalikod dito. “Busog na ako.”

“Nakakaisang kutsara ka pa lang, Trish. Kumain ka pa.” 

Hindi sumagot si Trisha. 

“Trisha.” Hinintay pa saglit ni Sam ang dalaga na lingunin siya ngunit hindi na ito kumilos. Napabuga siya ng hangin at inilagay ang kutsara sa mangkok. “Why are you doing this, Trish?”

“Go away.”

“Trisha—”

“I said go away!” sigaw bigla ni Trisha. Naupo ito at nanlilisik ang mga matang tiningnan si Sam. “Umalis ka na! Doon ka na sa babaeng ‘yon! Alam ko naman na napipilitan ka lang kaya ka nandito e! Just let me die! Fuck it!” 

Bahagyang umawang ang bibig ni Sam. Umayos siya ng upo at umiling. “No. Hindi ako aalis hanggat hindi ka kumakain.”

Umarko ang gilid ng labi ni Trisha. Bigla nito hinawakan ang mangkok at itinapon sa sahig. “Oops!” 

Napanganga na si Sam at hindi makapaniwalang tiningnan ito. Doon ay hindi na siya nakapagpigil. “What is wrong with you?! Bakit mo ba ito ginagawa, Trisha? Bakit ba hindi mo matanggap na wala na tayo? Na tapos na tayo? Why can’t you just move on?!” 

“Because I love you!” Unti-unting ngilid ang mga luha ni Trisha. “Mahal na mahal kita, Sam! Buong-buhay ko ay wala akong ibang minahal kundi ikaw! Akala mo ba hindi ko sinubukan na kalimutan ka, ha? Ginawa ko ang lahat, Sam! I fucked more girls and even boys than you can imagine just to forget you! Pero hindi ko kaya! Ikaw ang mahal ko! Ikaw ang gusto ko! At gagawin ko ang lahat maibalik lang kung ano man ang tayo! That woman will never love you back the way I loved you!” 

Nasapo ni Sam ang noo. Umiling-iling siya at tumayo upang linisin ang itinapon ni Trisha. “Minahal din naman kita, Trish. Sumaya rin naman ako sa ‘yo. But can’t we just accept na hindi talaga tayo para sa isa’t isa? That we are just meant to be sisters?”

“Fuck you!” Kinuha ni Trisha ang baso sa tray at ibinato iyon sa gilid ni Sam. Napapitlag naman ito nang kaunti ngunit hindi umalis sa pwesto. “You are wrong! I will never accept you as my sister. I love you, Sam! I love you!” 

“Fuck!” sigaw na rin ni Sam. Ibinato niya rin ang mangkok sa sahig at hinarap si Trisha. Pigil na pigil siya sa sarili habang tinitigan ito. “Please… don’t do this, Trish. Tama na. Makaka-move on ka rin. Makakahanap ka rin ng babae o lalakeng magmamahal sa ‘yo. Just please…” Tumulo na ang mga luha niya. “Hindi mo maintindihan kung paano mo kami pinapahirapan lahat, Trisha. I’m sorry. I’m really sorry for what happened to us. But please… stop this now.”

Lalong napahagulhol si Trisha. Sinapo nito ang mukha at umiling-iling. “No! I don’t need anyone, Sam!” Tumayo na ito sa kama at nagmamadaling lumapit kay Sam. Yumakap ito sa dalaga nang mahigpit. “Please! Ikaw ang mahal ko. I will wait for you just don’t leave me, Sam. I love you!” 

“Please…” nahihirapang sabi ni Sam. Nirerespeto niya pa rin ito bilang sa kinakapatid niya ito. Ngunit sa nakikita niyang ikinikilos nito ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. 

“Sam, no! Alam kong mahal mo pa rin ako. Alam ko na sinasabi mo lang ‘yan dahil sa babaeng ‘yon. Don’t worry. Anytime soon ay malalaman mo na rin na hindi ka talaga niya mahal! Na ako lang ang nagmamahal sa ‘yo!”

Natigilan si Sam. Hinawakan niya sa balikat si Trisha at bahagya itong inilayo sa kaniya. “What do you mean?”

Ngumiti si Trisha. Sinapo nito ang magkabilang pisngi ni Sam saka ngumiti nang malapad. “Papatunayan ko sa ‘yo na walang ibang nagmamahal sa ‘yo nang tapat at totoo kundi ako lang, Sam. Ako lang ang nagmamahal sa ‘yo.”

Biglang nakaramdam nang kaba si Sam dahil sa sinabi nito. “What did you do, Trisha?” Imbes na sumagot ay akmang hahalikan siya nito kaya tuluyan niya na itong inilayo sa kaniya. “Ano’ng ginawa mo?”

“Nothing, Sam. But I know that girl doesn’t really love you. You will see!” 

Napailing na si Sam. Nagmamadali siyang lumabas ng silid ni Trisha at tumakbo papunta sa elevator. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya gusto ang sinasabi ni Trisha. Sa uri pa lang nang pagkakangiti nito ay alam na niyang may ginawa ito. Agad siyang sumakay ng elevator habang sinusubukang kontakin si Becca. Ngunit kahit nakailang tawag na siya ay hindi ito sumasagot. Nakailang tawag at text na siya ngunit ring lang iyon nang ring. Hanggang sa makarating na siya ng first floor at papalabas na sana ng ospital noong may nakabungguan siya.

“Sorry!” nagmamadaling sabi niya. 

“Sam?”

Napatigil si Sam sa paghakbang noong marinig niya ang boses ni Becca. Paglingon niya sa likuran niya ay nakita niya si Becca. Gulat itong nakatingin sa kaniya ngunit halata ang pamumugto ng mga mat anito. 

“Becca!” 

Napangiti si Sam. Lalapitan na niya sana si Becca upang yakapin ngunit nagulat na lamang siya noong bigla siyang natumba at nakaramdam nang bahagyang pagkahilo. Pakiramdam niya ay may matigas na bagay na tumama sa gilid ng pisngi niya dahil may nalasahan pa siyang kalawang. Noong makabawi siya sa kaniyang ulirat ay nanlaki ang mga mata niya noong makita ang tatay ni Becca na nakatayo sa kaniyang harapan at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.


Chapter 39

“Dad!” 

Agad na niyakap ni Becca ang ama at pinigilan itong muling sugurin si Sam. Pilit namang tinanggal ni Fernando ang kamay ng anak habang dinuduro si Sam. 

“Hayop ka! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito!” sigaw ni Fernando. 

Naiyak na si Becca. “Dad, please! Tama na!” 

Hiwakan ni Sam ang pisngi at dahan-dahang naupo. Nahihilo pa rin siya at pakiramdam niya ay nanigas ang kaniyang panga dahil sa ginawa nito. Napadura pa siya sa gilid niya dahil sa patuloy sa pagdugo ang kaniyang gilagid. Noong makabawi na siya ay dahan-dahan naman siyang tumayo at tiningnan ang nobya. Napalunok siya noong masalubong muli ang nanlilisik na mga mata ni Fernando. Hindi pa man niya naririnig ang sasabihin nito ngunit mukhang alam na niya kung bakit ito umaakto nang ganoon. 

“Sir,” magalang na tawag ni Sam kay Fernando. 

“Hayop ka! Dahil sa ‘yo ay muntik nang mamatay ang asawa ko! Dahil sa ‘yo ay nasira ang buhay ng anak ko!” 

Napatungo na si Sam. Unti-unting nangilid ang kaniyang mga luha. Nanlalambot na ang kaniyang mga tuhod ngunit pilit niyang pinatapang ang sarili. 

“H-Hindi ko po alam.”

“Ngayon alam mo na! Kaya umalis ka na rito! Layuan mo ang anak ko dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa ‘yo! Wala akong pakealam kung babae ka pa rin! Napakababoy mo!” 

“Sir, excuse me! H’wag po kayong mag-eskandalo rito!” 

Napatingin silang tatlo sa guard na pumagitan sa kanila. Bahagyang nabuhayan ng loob si Becca dahil lumapit na ang mga ito sa kanila. Mag-isa lang siyang papunta sana sa silid ng ina kaya wala silang ibang kasama ngayon. Hindi naman niya namalayan na nasa paligid lang pala ang ama. Hinawakan niya sa braso si Fernando. 

“Dad, let’s go, please,” pakiusap ni Becca habang patuloy pa ring lumuluha. Ni hindi niya magawang tingnan si Sam dahil natatakot siya na baka lalo itong pag-initan ng ama. 

Dinurong muli ni Fernando si Sam. “Ayan ang nanggugulo! Palayasin niyo ‘yan rito!” 

Tumikhim si Sam. Muli niyang tiningnan si Becca. Kanina niya pa ito hinihintay na tumingin sa kaniya. Ni hindi niya malubos maisip kung gaano ito nahihirapan ngayon. Nakuyom niya ang kaniyang mga palad dahil sigurado siyang si Trisha ang may kagagawan niyon. 

“Sir. Aalis na po ako. H’wag po kayong mag-aalala. H’wag niyo lang po sanang sasaktan si Becca. Wala siyang kasalanan,” magalang na sabi ni Sam. 

“Miss, lumabas ka na muna,” ani ng guard. “May pasyente ka ba rito?”

Tumango si Sam. “Lalabas po ako,” mahinang sabi niya. 

Pilit nang hinila ni Becca ang ama palayo. Patuloy pa rin kasi ito sa pag-ieskandalo kahit na pinipigilan ng mga guard. Bahagya lang itong natigil noong tumalikod na sa kanila si Sam at naglakad palayo. Doon ay hindi na napigilan pa ni Becca na tingnan ang nobya. Parang dinudurog ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ang likod ni Sam. Gusto niya itong lapitan. Gusto niya itong yakapin at halikan. Gusto niya itong makasama at sabihin na mahal na mahal pa rin niya ito. Ngunit wala siyang magawa dahil nagtatalo ang kaniyang puso’t isip. Dahil kapag ginawa niya iyon ay mas magagalit ang kaniyang mga magulang. Hindi niya kakayanin kung pati ang kaniyang ama ay mapasama dahil sa katigasan ng kaniyang ulo. 

“Napakakapal ng mukha!” galit pa rin na sabi ni Fernando. “Ikaw, Becca! H’wag ka nang magpupunta rito sa ospital, ha?! Dinadahilan mo pa talaga ang nanay mo para lang makita ang babaeng ‘yon?!”

“H-Hindi ko naman po alam na narito siya, Pa.”

“H’wag ka nang magsinungaling pa! Pagdating ng kapatid mo ay ako mismo ang maghahatid sa ‘yo sa bahay! H’wag na h’wag ko lang malalaman na nakikipagkita ka pa sa babaeng ‘yan habang nandito kami, ha? Alam mo kung ano ang mangyayari!” 

Natahimik na si Becca. Hindi na lamang siya sumagot at sumama na papasok ng silid ng kaniyang ina. Maghahatid lang sana siya ng pagkain sa mga ito ngunit umabot pa siya ng isang oras doon. Mas lalo siyang nahirapan dahil ni hindi manlang siya kinikibo ng ina. Naninibago siya dahil kahit na istrikto ito ay malapit sila sa isa’t isa. Lalo tuloy siyang tinutubuan ng konsensya. 

Hindi rin mawala sa isip niya si Sam. Nakokonsensya rin siya dahil wala manlang siyang nagawa para rito noong saktan ito ng kaniyang ama. Ni hindi manlang niya nagawa ang pangako niya rito dahil sa kaniyang takot. 

‘Please wait for me, Sam. Wait for me.’

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang kaniyang kapatid. Ipinilit pa ng kaniyang ama na ito ang maghahatid sa kaniya. Ngunit mas ginusto ni Rico na ito na ang maghatid sa kaniya. 

“Are you okay?” tanong ni Rico. 

Sandaling nilingon ni Becca ang kapatid na nagmamaneho ng sasakyan. Huminga siya nang malalim. “Nakita ko si Sam sa ospital, Kuya.” 

“Pinuntahan ka niya?” 

“Hindi ko alam. Pero nakita rin siya ni Daddy.” 

Hindi nakaimik si Rico. Humigpit ang hawak niya sa manibela at huminga nang malalim. “What happened?” 

Nangilid na ang mga luha ni Becca. “Sinaktan siya ni Daddy. Mabuti na lang nandoon ang guards kaya napigilan siya. Hindi ko na alam, Kuya. I feel sorry for Sam pero wala naman akong magawa para sa kaniya.” Sunod-sunod nang tumulo ang kaniyang mga luha. 

“Ano ba ang plano mo?” 

Umiling si Becca. “Hindi ko pa alam.”

“Do you love her?” 

“Of course. Mahal na mahal ko siya.” 

“Is it enough to choose her over our parents?” 

Lalong napaiyak si Becca. “Kuya naman.” 

“I’m sorry. But that’s the reality, Becca. Unless magiging bukas ang isipan ng mga magulang natin at tatanggapin tayo nang buong-buo.” 

“Bakit ba kasi gano’n sila, Kuya? Wala namang mali sa atin, ‘di ba? Hindi naman tayo nagbago. Tayo pa rin naman ‘to. Mahal pa rin naman natin sila. Pero bakit gano’n na lang ang galit nila?” 

“You know, Sis. Choose what your heart wants. Kung saan ka nagpapasaya. We will support you no matter what. H’wag ka nang gumaya pa sa akin.” 

Natahimik si Becca. Pinahid niya ang mga luha at napaisip. Mahal niya si Sam, sigurado siya roon. Ngunit mahal niya rin ang mga magulang at ayaw niyang mapahamak ang mga ito nang dahil sa kaniya. Gusto niya pa ito makasama nang matagal at muling maging maayos ang kanilang pagsasama. Parehas matimbang para sa kaniya. Parehas na ayaw niyang mawala sa kaniya.


Chapter 40

“Bakit tayo dito tumigil, Kuya?” nagtatakang tanong ni Becca. 

Pinatay na ang makina ng kotse. “Come on. Someone’s waiting for us.” 

Biglang nakaramdam ng kaba si Becca. Nalilito man bumaba siya ng sasakyan. Tumigil ang kanilang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Walang sinabi ang kapatid niya kung saan sila pupunta. Kaya pala pakiramdam niya ay napakatagal ng byahe nila dahil hindi pala sila dumeretso sa bahay nila.

“Sino ba ang naghihintay sa atin, Kuya?”

“You’ll see.”

Lalong nagtaka si Becca noong ngumiti sa kaniya ang kapatid. Hindi na lamang siya nagtanong pa at sumunod dito. Agad niyang inilibot ang paningin sa paligid noong makapasok sila. Nangunot ang noo niya noong makita si Jane sa pinakadulo at tagong parte ng restaurant. Kumakaway ito sa kanila habang nakangiti nang malapad. 

“Jane? Ano’ng ginagawa ni Jane dito?”

Hindi sumagot sa kaniya si Rico. Bagkus ay inakbayan siya nito at binulungan. “I hope this can help you think.”

Napatingin si Becca kay Rico. Pero bago pa man ulit siya makapagtanong ay napansin niya ang babaeng kaharap ni Jane sa lamesa. Bigla siyang binundol ng kaba noong makitang unti-unti itong lumingon sa kanila. 

“S-Sam?” 

Mabilis na lumapit si Becca kay Sam na maluha-luha ang mga mata. Tumayo rin si Sam at nakangiting sinalubong sila Becca. Agad na yumakap si Becca sa nobya at humagulhol. 

“Sorry, Sam! I’m sorry!” 

“Ssh… it’s okay.” Hinagod ni Sam ang likod ng ulo ni Becca. “I’m here now.”

Suminghot-singhot si Becca. Kumalas siya kay Sam at sinapo ang magkabilang pisngi nito. “Kumusta ka?” Nakaramdam siya bigla ng awa noong makita ang mamula-mulang pisngi ni Sam. “I’m sorry. Sorry wala akong nagawa kanina. I’m sorry—”

“Becca. It’s okay. Wala kang kasalanan.” Ngumiti si Sam at pinahid ang mga luha ni Becca. “Ang importante ay ayos ka lang.” 

Unti-unti nang napangiti si Becca. Tumango siya at muling niyakap si Sam. “I missed you so much, Sam. Akala ko hindi na kita makikita.” 

Nangilid na rin ang mga luha ni Sam. “Ako rin. I’m sorry sa mga nangyari. Dahil sa akin nasaktan ka pa pala ng parents mo. K-Kung hindi dahil sa akin ay hindi nangyari iyon sa mommy mo.”

Mabilis na umiling si Becca. “No. Wala ka ring kasalanan, Sam.” 

“No. Ako ang dahilan, Becca. Alam ko na. Nasabi na sa akin ni Jane at ng kapatid mo.” 

Nangunot ang noo ni Becca. Muli siyang kumalas kay Sam at tiningnan sila Jane. Tumango sa kaniya si Rico na para bang pinatotohanan iyon. Ngumiti naman si Jane sa kaniya. 

“Iwan muna namin kayo, Becca,” ani Jane. “Doon lang kami sa kotse ni Kuya Rico.” 

“H’wag na kayong magtagal, okay? Tumakas lang tayo,” sabi naman ni Rico. 

“Salamat.” 

Iyon na lamang ang nasabi ni Becca. Kaya naman ay kinalimutan muna niya ang galit ng mga magulang at mas pinagtuonan ng pansin si Sam. Hindi mabura-bura ang mga ngiti niya sa labi habang pinagmamasdan si Sam na nakahawak nang mahigpit sa mga kamay niya. 

“Sobrang saya ko ngayon, Sam. Akala ko hindi na tayo magkikita.”

“Nakiusap ako kay Jane kanina. Alam ko na wala ang parents mo sa inyo kaya pinuntahan ko siya. Sakto na dumating ang kapatid mo.” Huminga nang malalim si Sam. “Gusto ko lang talaga malaman na okay ka lang.”

Napatungo si Becca. “I’m… okay.” Muli siyang ngumiti kay Sam. “As long as you’re okay. I’m fine.”

“I’m fine, Becca. Ikaw ang mas inaalala ko ngayon. Kumusta ka?”

Muling nag-iwas ng tingin si Becca. Bahagya ring lumuwag ang pagkakahawak niya sa palad ni Sam. Ilang araw na siyang hindi maayos. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya kakaisip sa dapat niyang gawin. Malapit na ang exam nila pero wala pa rin siya sa tamang huwisyo. 

“Honestly? H-Hindi ko alam, Sam. Hindi ko alam kung kanino ba ako magagalit dahil nalaman ng parents ko ang tungkol sa atin. O kung dapat ba ako magalit. Nag-aalala ako para kay Mommy. Pero nagtatampo ako kasi bakit gano’n na lang ang reaksyon nila. Noong una naiintindihan ko naman sila e. Kaso sobra naman sila kung magalit. Hindi na naman ako bata. At alam ko na kung ano ang gusto ko. Kung sino ang mahal ko.”

Bumuga ng hangin si Sam. Alam niya kung sino ang may kagagawan kung bakit nalaman ng mga magulang ni Becca ang tungkol sa kanila. Alam niyang aabot sila sa puntong ito ngunit hindi niya inakala na ganito kalala. Na mahihirapan nang ganito si Becca. Mahal na mahal niya ito ngunit hindi niya naman kakayanin na ito ang mahirapan at masaktan. Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa nobya. 

“Maybe it’s really for the best, Becca,” mahinang sabi ni Sam. 

Nangunot ang noo ni Becca. Nalilitong tiningnan niya si Sam. “Ano’ng ibig mong sabihin?” 

“I love you, Becca. Mahal na mahal kita. Sa dinami-raming babaeng naging nobya ko ay ikaw lang ang babaeng nagpasaya sa akin nang ganito. K-Kaya hindi ko kaya kung makikita kitang nahihirapan. You should never choose your family over me.”

Napalunok si Becca. Hindi niya nagugustuhan ang pinupunto nito. Pakiramdam niya bigla ay may kung anong nakabara sa kaniyang dibdib at unti-unti iyong naninikip. “H-Hindi naman ako namimili, Sam. I love you too.”

Mapait na ngumiti si Sam. Hinawakan niya ang palad nito at bahagyang pinisil. “I know. Pero tingnan mo ang nangyayari sa ‘yo. Your mom is in the hospital. Ikaw… nawalan sila ng tiwala sa ‘yo.”

“S-Sam. Ano ba ‘yang sinasabi mo? Kaya ko. Hihintayin lang natin na matanggap nila tayo, Sam. Sigurado naman ako na pagdating ng araw ay—”

“Paano kung hindi dumating ang araw na iyon? Paano kung habangbuhay na maging sarado ang isip nila? Becca, mahal kita. I can sacrifice everything for you. But can you do it for me too?” 

Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Becca. “Sam naman. H’wag ka namang magsalita ng ganiyan, oh? Akala ko ba ayaw mong makitang nahihirapan ako? Bakit mo ako tinatanong nang ganiyan ngayon?”

“Dahil importante iyon, Becca. This might be the last time that we see each other,” nahihirapang sabi ni Sam. Masakit para sa kaniya ang mga sinasabi niya. Ayaw niyang mawala sa kaniya si Becca. Kung pwede lang ay itanan niya na ito ngayon din. Ngunit alam niyang mas mahihirapan lang ito at mas masasaktan. Hindi niya gustong mawalan ito ng pamilya kagaya niya. Kung kinakailangang siya na ang kusang lalayo para lang maging masaya ulit ito ay gagawin niya. Kakayanin niya. 

“No! Bakit mo ba sinasabi ‘yan, Sam? Sa ginagawa mo, sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon? Please! Wait for me. Iyon lang naman ang hinihingi ko sa ‘yo e. Please, wait for me.” 

Huminga nang malalim si Sam. Pinahid niya ang luha niya at nginitian si Becca. Lalong nanubig ang kaniyang mga mata noong makita ang sakit sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay lumalambot na ang kaniyang puso. Pinahid niya ang mga luha ni Becca gamit ang hintuturo. 

“I will, Becca. Hihintayin kita. I promise you that I will never love any woman, just you. I will wait for you even if it takes me forever, Rebecca Mendoza.” Kinuha niya ang maliit na box mula sa kaniyang bulsa at ipinatong iyon sa kamay ni Becca. “I love you so much. Pero hindi pa ito ang oras para sa atin. Kaya hihintayin kita. At itong singsing na ito ang magiging tanda nang paghihintay ko sa ‘yo, Becca.”

Sunod-sunod na umiling si Becca. “A-Are you breaking up with me? Sam naman!” 

“This is for the best, Becca. Hindi naman ibig sabihin no’n ay hindi na natin mahal ang isa’t isa, ‘di ba?” 

“No!” Niyakap ni Becca si Sam. “Please! H’wag naman ganito, Sam. Parang awa mo na, oh? Promise kakausapin ko sila Mommy. ‘Di ba si Kuya Albert? Matatanggap din nila tayo, Sam. Please! Hindi ko kaya!” 

Hinagod ni Sam ang likod ni Becca. “I know how strong you are, Becca. Mahal kita. Kaya kailangan nating gawin ito. This is for the best, Becca.” 

Sinapo ni Sam ang mukha ni Becca. Nginitian niya ito at hinalikan sa labi. Ilang sandaling nagtagpo ang kanilang mga labi habang sabay silang lumuluha. Mahirap. Masakit para sa kanilang dalawa. Ngunit para kay Sam ay ito ang tamang desisyon. Matapos niyang marinig ang lahat kay Jane ay hindi niya gustong mas mahirapan pa ito nang dahil sa kaniya. Mahal na mahal niya ito kaya pansamantala niya itong pakakawalan. At ipinapangako niya na kapag ang tadhana na mismo ang magdesisyon upang sila ay muling magtagpo ay hindi niya ito pakakawalan pa.


Epilogue

Ilang araw na ang nakalipas magmula noong magkausap sina Becca at Sam. Pilit na inunawa ni Becca ang mga sinabi sa kaniya ni Sam. Ngunit kahit na anong isip niya ay nasasaktan pa rin siya. Pakiramdam niya ay napakabilis lang para kay Sam na hiwalayan siya nito. Handa naman siyang ipaglaban ito sa kaniyang mga magulang. Ang hiling lang niya sana ay hintayin siya nito. Pakiramdam niya ay hindi gano’n katibay ang pagmamahal nito para sa kaniya. 

Lumipas pa ang mga araw ay naging maayos na ang kalusugan ng kaniyang ina. Nakalabas na ito ng ospital at si Becca naman ay bumalik sa kaniyang pag-aaral. Naging sobrang higpit na rin ng kaniyang mga magulang at halos hindi na siya palabasin ng bahay hanggang sa matapos ang semester nila. Hindi na sila umabot sa 2nd semester at pinalipad na agad sa abroad kung nasaan ang mga magulang ni Jane. Doon ay tinapos nila Becca ang kanilang pag-aaral hanggang sa makahanap ng trabaho. 

Walong taon ang lumipas at nagkaroon nang Magandang trabaho si Becca sa kompanya na tinatrabahuan ng mga magulang ni Jane. Dahil na rin sa sobrang lapit ng dalawa ay naisipan din nilang kumuha ng isa pang kurso na tungkol naman sa interior designing habang nagtatrabaho. Kumuha rin sila ng sarili nilang apartment at mas piniling bumukod sa mga magulang ni Jane. 

“Why don’t we start our own company instead?” 

Napatigil sa pagbabasa sa kaniyang laptop si Becca at tumingin kay Jane. Kasalukuyan silang nasa sala at may kaniya-kaniyang tinatapos na mga trabaho. Kailangan nila iyon maipasa kinabukasan din kaya dinala na nila sa bahay. 

“What company?” 

Nagkibit ng balikat si Jane. “I don’t know? But syempre ay parehas sa kung ano ang pinag-aralan natin, ‘di ba?” 

“Are you serious? Don’t you remember how much it cost starting up an Architecture company? Halos wala ngang laman mga bank accounts natin, ‘di ba? Ang gastos mo kaya!” pabirong sabi ni Becca. 

Iniikot ni Jane ang mga mata. “Duh? Hindi naman kailangang bongga agad. We can do freelancing. Let’s start up a page online.” 

“Online? Paano naman natin kakausapin ang mga clients natin? Via Zoom?” Natawa si Becca. 

“Basta! Ako ang bahala! Ayaw ko na magtrabaho sa company na ‘yan! You see? Masyado tayong minamadali palagi sa designs. Kabibigay lang sa atin ng details kaninang umaga gusto mayroon na agad tayo kinabukasan. Ano bang tingin nila sa atin? May superpowers?” 

Napailing-iling si Becca. Halos araw-araw na lang magmula nang magtrabaho sila ay nagra-rant si Jane tungkol sa trabaho nila. Kaya alam niyang nagtitiis na lang ito sa trabaho nila dahil sa wala itong pagpipilian. 

“Fine, fine! Bahala ka. Just make sure that we will earn 10x than our salary.” 

Hind na sumagot pa si Jane. Natahimik na rin si Becca at muling nag-focus sa trabaho. Hindi nga nagtagal ay nag-umpisa na sila sa kanilang plano. Mabilis na Nakagawa si Jane ng page at nakakuha rin agad ng kliyente. Isang dalagang kabibili lang ng pwesto para sa itatayo nitong negosyo ang una nilang kliyente. Pinagsabay nila ang kanilang trabaho sa sarili nilang negosyo hanggang sa unti-unti ay mas malaki na ang kita nila sa kanilang negosyo. Kalahating taon lang ay nag-resign na silang dalawa sa kompanyang pinagtatrabahuan at mas nag-focus na sa bago nilang negosyo. Nakakuha ng maraming kliyente sila Becca at unti-unting nakilala. 

“J&R Interior Company,” nakangiting sabi ni Jane. “I told you we could make it!” 

Napangiti lang si Becca at marahang inilapit ang wine glass na hawak sa hawak ni Jane. “Yes. Buti na lang makulit ka!” 

Nasa isang bar silang dalawa upang mag-celebrate. Pinili talaga nilang h’wag magtrabaho muna ngayong araw upang magkapagsaya at pahinga na rin. 

“Well, ako pa ba? At least ngayon kahit pagod tayo ay sa atin na lahat napupunta.”

“You’re right.”

“Teka nga. Nasaan na ba si Timothy? Akala ko papunta siya ngayon?” 

Nagkibit ng balikat si Becca. “I don’t know.” 

Si Timothy ay ang isa sa mga naging kasosyo nila. Kaklase nila ito noong nag-aaral sila ng interior designing. Isa itong FilAm na nanninirahan sa Canada. Matatas din itong mag-Tagalog kahit na sa Canada na ito nagkaisip. At matagal na rin itong nagbabalak na manligaw kay Becca ngunit hindi ito pinapayagan ng dalaga. Sa ngayon ay tinanggap na nitong magkaibigan na lang talaga silang dalawa. 

“Binasted mo na naman ‘no?” 

Nagsalubong ang mga kilay ni Becca. “No. Matagal ko nang nakausap si Timothy. Friendship lang ang kaya kong ibigay sa kaniya.”

“Sus! Ang sabihin mo ay hindi ka pa rin maka-move on. Naiisip mo pa rin ba siya?” 

Nag-iwas ng mga tingin si Becca. Aaminin niyang hindi pa rin niya nakakalimutan si Sam. Ngunit dahil sa matagal na panahon na ang nakalipas ay iniisip ni Becca na nakalimutan na siya ng dalaga. Kaya naman ay tinaggap na niya sa sarili na wala na talaga sila. Ni pagtawag kasi o pag-message sa social media niya ay wala manlang itong ginawa. Hindi na rin niya naisip pang hanapin ito roon dahil pakiramdam niya ay mas pinili talaga nitong lumayo sa kaniya. 

“Matagal na ‘yon. H’wag na nating pag-usapan.”

“Whatever! Alam mo? Halika na kaya? Why don’t we dance instead? Para naman makahanap na rin ako ng boylet!” 

Natawa si Becca sa sinabi ni Jane. Muli siyang uminom sa baso niya at sumama na kay Jane sa dancefloor. Sa paglipas din ng panahon ay marami nang nagbago kay Becca. Iyong dating halos hindi makabasag pinggan ay bahagya nang natutong mag-ayos sa sarili. Kung dati ay balot na balot ang mga suot nito, ngayon ay nagagawa nitong magsuot ng mga damit na mas mataas pa sa tuhod at walang manggas. Hindi na siya natatakot magsuot ng mga damit na hapit sa kaniya hanggat sa tingin niya ay hindi iyon nakakabastos para sa sarili niya. Ang mahabang buhok niya ay pinakulayan na rin niya ng blonde at kung dati ay nakasalamin, ngayon ay naka-contact lenses na siya. Natuto nang dalhin ni Becca ang kaniyang sarili. 

Abala sa pagtawa at pagsayaw si Becca noong biglang may dumikit sa kaniyang likod. Umiwas siya ngunit muli niya itong naramdaman. Ilang beses pa iyon nangyari hanggang sa maramdaman na niyang kumapit na ito sa kaniyang baywang. Agad na pumihit paharap si Becca at tinulak ang lalake. 

“Back off!” inis na sabi ni Becca. 

“Whoa!” nakangiting sabi ng lalake at itinaas pa ang mga kamay na parang sumusuko. “Chill! I just want us to have fun! Don’t you want it?” 

Dahil na rin sa nakainom na si Becca ay hindi na niya napigilan pa ang sarili. Mabilis niyang sinampal ang lalake at tinulak ito palayo. “No! Now get away from me!” 

“Whoa! Whoa! What is happening here?” Mabilis na lumapit si Jane kay Becca at hinawakan ito sa braso. “Ano’ng nangyayari?”

“He’s bothering me! Ang bastos!” 

“You’re a Filipino? What a coincidence!” ani ng lalake. “Kaya pala nakita kita agad at naging compatible tayo. I’m also a Filipino.”

“I don’t care!”

Natawa lang ang lalake. “Okay, okay. I’m sorry.”

Inirapan ni Becca ang lalake at hinawakan na sa braso si Jane. “Come on.” Tumalikod na siya rito at akmang maglalakad na ngunit hindi kumilos si Jane. Nakatitig pa rin ito sa unahan. “Jane?”

“Tristan! What is going?” ani ng isang babae. 

Natigilan si Becca. Biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Pakiramdam niya ay biglang kumulo ang kaniyang tiyan at nahimasmasan. Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya ang boses na ito kahit matagal na niya itong hindi narinig. 

“Nothing. This woman. I just found her beautiful. At kahit saan talaga tayo magpunta ay hindi maitatanggi ang ganda ng mga Filipina,” puno nang paghanang sabi ni Tristan. 

“Really?” Nangunot ang noo ng babae. “Jane?”

Matipid na ngumiti si Jane. Hindi ito makapagsalita dahil na rin sa gulat. Bahagya nitong hinila ang braso ni Becca upang lumingon ito. 

“Do you know them?” tanong ni Tristan. “I’m referring to the blonde lady but she’s also a beauty.” Kinindatan nito si Jane. 

Hindi pa rin kumilos si Becca. Para na siyang na estatwa sa kaniyang kinatatayuan dahil sa kaniyang mga naririnig. Pakiramdam niya ay hihikain na siya dahil sa bilis nang pagtibok ng kaniyang puso. 

‘This can’t be… paanong narito din siya?’ tanong niya sa isipan. Huminga siya nang malalim at dahan-dahang pumihit paharap sa mga ito. Agad na nangilid ang mga luha niya noong makita kung sino ang katabi ng lalakeng nambabastos sa kaniya kanina. Ilang taon na ang nakalipas ang ngunit wala pa rin itong pinagbago. 

“S-Sam.”

“Becca.”



The End




Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !