Views

Ang Tilapia ni Baby (Palengke Chronicles) Chapers 6 to 10

Ameiry Savar
0

 


Chapter 6

Daniel's POV

I still couldn't believe that we passed the inspection because of that mysterious woman. Tinanggap ng mga inspector ang pagkain. Chineck ang buong restaurant. And it all passed the criteria. 


Bakit hindi? We were a five-star restaurant after all. 


Bukod sa masarap na pagkain ay ang kalinisan ang pinakaimportante sa akin. But because of what happened, I realized I needed to know who the woman was that night. 


Because of her, for the first time in ten years. I slept. 


It felt so good. I was energized the whole day. Hindi ko na matandaan ang huling beses na nakatulog ako nang maayos bago ang gabing iyon. 


"Is it really possible?" tanong ko. 


Tumingin sa akin si Grace, my psychologist. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Our meetings were exclusive and private. Bukod sa pagiging doctor ko ay matagal ko na rin kilala si Grace. She was my cousin.


"Well, yes. Though a person cannot physically medicate insomia. Pero may mga cases na nakatutulong ang presensya ng isang tao para makatulog ang isang tao nang maayos. Especially if they are couples." 


Bahagyang nangunot ang noo ko. 


"But we are not a couple. I don't even know her," mabilis na tugon ko. 


Matipid na ngumiti si Grace. Alam ko na iniisip niya. Bahagyang naningkit ang mga mata ko. 


"Why not?" 


"Stop it, Grace. I'm here for my session. Hindi para sa mga pangaral mo." 


Tumawa siya. 


"Sorry, Kuya. But maybe... This woman can finally help you. Why don't you get to know her?" 


Huminga ako nang malalim. 


"And then what?" Napailing ako. "I'll leave kung hindi ka naman magpapakapropesyonal." 


She rolled her eyes. "Fine. Whatever. I'm just thinking, this woman helped you. And not sleeping for years now causing you so much. Bakit hindi mo subukang kilalanin siya para matulungan ka niya sa pagtulog mo?" 


Natahimik ako bigla. 


Wala naman akong pakealam tungkol sa sarili ko. But I still need to be alive for a reason. 


"Okay." 


Bahagyang nangunot ang noo ni Grace. 


"Okay, what?" 


I looked at her, bored. "Titingnan ko kung ano ang magagawa ko." 


She rolled her eyes again. Kung hindi ko lang siya pinsan at nag-iisang kamag-anak na nakakausap ko ay kanina ko pa siya napagalitan. 


"Don't just look at it, Kuya. She might become your savior!" 


Naningkit ang mga mata ko. "I don't need saving, Grace. You know that." 


"You need to move on, Kuya." 


Naikuyom ko ang aking mga palad. I can't. I will never move on. 


Matapos ang session ko kay Grace ay bumalik na ako ng restaurant. Abala na ang mga staff ko dahil mayroon na kaming mga customer. Kapag ganito na may session, ako ay hinahayaan ko sila Richard na magluto muna. 


Bumalik na kami sa dating operasyon. Nawala na ang mga inspector. And I wish they would stay away from me forever. 


"Daniel." 


Nag-angat ako ng ulo. Si Richard iyon at kapapasok lang sa opisina ko. He was holding a folder, na ipinatong niya sa lamesa ko noong makalapit siya sa akin. 


"What is it?" 


"The files you asked for." 


Bahagyang umarko ang kilay ko. Agad ko iyong kinuha at binuksan. Tumambad sa akin ang larawan ng isang babae na nakasuot ng mahabang palda at pink na crop top. Kahit chubby siya ay maganda ay maganda pa rin ang hubog ng kaniyang katawan. Bumagay din sa kaniya ang mahaba at kulot nitong buhok 


"Beverlyn Ramirez. Kilala siya sa palayaw na 'Baby' sa palengke sa Kalye Trese. Medyo sikat siya doon kaya madali siyang mahanap," paliwanag ni Richard. 


"I know," tugon ko. I learned it when I went to that wet market. Siya agad ang inirekomenda ng mga taong napagtanungan ko kung saan ako makabibili ng tilapia. 


"So? What do you think?"


Tinupi ko ang folder at tumingin sa kaniya. 


"Well, her food interests me. It's different. Something that we need for our restaurant." 


Napangiti si Richard. For sure, he was happy to learn that I approved of that woman's cooking. 


Mahirap man sa akin tanggapin ay masarap naman talaga ang luto niya. She makes me think of someone. 


"Fine. Do what you think is best for our restaurant. Isa pa, I need to talk to her." 


Bahagyang nangunot ang noo ni Richard. 


"Why?" 


Tiningnan ko lang siya nang matalim. 


"It's not your business." 


Chapter 7

  Baby's POV

Hindi ako mapakali habang nakatayo sa labas ng restaurant ni Sir Daniel. Pinag-iisipan ko pa kung tutuloy pa ba ako sa loob. 


Ano ba naman kasi ang kailangan niya sa akin? Bakit niya pa ako pinabalik dito? Tumulong lang naman ako a! 


Sabi kasi ni Sir Richard kahapon ay kailangan nilang makapagluto ng mga putahe para sa isang inspection sa kanilang restaurant. Kaso hindi naman nagigising si Sir Daniel kahit na ano ang gawin namin. Hindi rin pumayag si Sir Richard na gisingin siya dahil nga kailangan daw nito iyon. 


Ako ay nagmagandang loob lang naman. Mali ba iyon? 


Kung sisingilin naman niya ako... Willing ko naman ibalik ang sobra sa siningil ko sa kaniya. Kaso... Haist! Bahala na nga!


Huminga ako nang malalim at pilit na pinatapang ang sarili ko. Kung ano man ang mangyari sa loob ay handa akong harapin doon. May dahilan naman ako kaya hindi ako dapat matakot! 


Inayos ko ang laylayan ng dress na pinahiram sa akin ni Karla. Mabuti na lang at nagkasya iyon sa akin. Plain na pink na bestida iyon. Deretso lang ang style. Pero dahil nga medyo malaman ang hinaharap at at balakang at pang-upo ko ay hindi iyon nagmukhang plain sa akin. Lalo lang nitong pinalitaw ang magandang hulma ng aking katawan. 


Syempre. Ito ang asset ko sa lahat. So what kung chubby ako? Sabi nga sa internet, 'Chubby is the new sexy!'


Pumasok na ako sa entrance  ng restaurant. May sumalubong agad sa akin na staff. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa. 


"Excuse me, Miss? Did you reserve a table?" tanong ng babae. Salubong ang mga kilay nitong mas manipis pa sa pasensya ko. Halata sa mga tingin niya ang pagtataka sa akin. 


Pinilit kong ngumiti. Laki akong palengke pero hindi naman ako tanga." 


"H-Ha? Ahm... Hindi. Ano kasi..." 


"What?" tanong pa rin nito sa wikang ingles. 


Lord! Hindi ako tanga, pero hindi ko naman sinabi na magaling akong magsalita niyon!


"Ahm. I'm not... I didn't... I..." 


Ngumisi ito bigla at pinagkrus ang mga braso. Nakataas ang kilay nito na tinitigan ako. 


"Sabi ko na nga ba. You don't even know where you are going. Don't you that this place is a luxury restaurant?" mataray nitong sabi. 


Napanganga ako. Na gets ko ang sinabi niya. Minamaliit niya ako. 


"Huh?" 


"Are you stupid? Go now! You don't belong here!" mataray pa rin na sabi nito. 


Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo ko sa anit ko. Nagsalubong din ang mga kilay ko at tinaasan siya ng kilay. 


"Hoy, Miss! Pwede ba? H'wag mo nga akong maingles-ingles diyan! Baliko naman ang dila mo!" galit na sabi ko. Nagtaas na rin ako ng boses dahil ganoon din naman ang ginagawa niya. Nagtinginan nga agad sa amin ang ilang customer na malapit sa amin. 


Sino ba siya sa akala niya? E mukha naman siyang espasol sa kapal ng foundation niya sa mukha!


Napanganga ito. Humawak pa ito sa dibdib na tila ba ay nagulat talaga. 


"You! Because—" 


Natigilan ito na para bang nahihirapan sa sunod na sasabihin. Pinandilatan  ko siya. 


"O ano? Ano, ha? Ang yabag mong mag-ingles, hindi mo naman pala kayang panindigan! Don't me!"


"You! Get out!" taboy niya sa akin. 


"Bisita ako rito! Bakit ako aalis? Tawagin mo ang boss mo!" giit ko. "Ganito ba talaga kayo dito? Bakit? Dahil hindi ako mukhang mayaman? Hoy! Mas maganda naman ako sa 'yo!" 


Lalong namula ang mukha nito. Dahil nga ang kapal ng foundation niya ay nagmukha na siyang sadaku.


"You—" 


"What is going on here?!" umalingawngaw ang malalim at malakas na boses sa paligid. Kahit ako ay napaigtad dahil doon. 


Pagtingin ko sa unahan ay nakita ko si Sir Daniel na papalapit sa amin. Pinagkrus ko ang mga braso ko at tiningnan ang babaeng nagtataray sa akin kanina. 


"Sir Daniel! Tingnan mo nga 'yang tauhan mo! Pinapaalis ako kasi hindi raw ako belong dito. OMG! Gano'n ba talaga ang mga restaurant na pang mayaman? Manghuhusga na lang sa mga pumapasok dito? Paano kung milyonarya pala ako? Edi nawalan kayo ng customer!" sumbong ko. 


Napakurap-kurap si Sir Daniel. Pero tumingin lang siya sa akin na para bang nagulat. Tumingin siya sa babaeng nagtaray sa akin kanina. Nakatungo na ito. Halata sa mukha niya ang takot. 


Buti nga! 


"Is it true, Dianne?" tanong ni Sir Daniel sa kaniya. 


Kaya naman pala ang pangit din ng ugali. Dianne din pala ang pangalan. Pangit na nga ang mukha, pangit pa ang ugalit!


"S-Sir... Ahm... Sinusunod ko lang naman po—" 


"So, you're saying na iniutos ko na maghusga kayo?" 


Namilog ang mga mata nito. 


"Of course not, Sir! I'm sorry, Sir!" 


Napailing si Sir Daniel. 


"You can pack your things and leave this place now," maawtoridad na sabi ni Sir Daniel. 


Napaawang ang bibig ng babae. Hindi na ito nagsalita pa at umiiyak na umalis sa harapan namin. 


Lihim akong napangiti. Buti nga sa kaniya! Ang yabang kasi! Akala mo kung sino kung manghusga! 


"And you..." 


Napatayo ako nang maayos noong humarap sa akin si Sir Daniel. Ngumiti ako nang malapad sa kaniya. Ipinakita ko ang pinakamatamis kong ngiti na isa sa mga dahilan kaya palaging ubos ang mga paninda ko. 


"Yes, Sir?" malamyos ang boses na tanong ko. Pero kinunotan niya lang ulit ako. 


"Follow me," malamig niyang sabi at tumalikod na agad sa akin. 


Napasimangot ako. Hindi ata umepekto ang pagpa-cute ko sa kaniya, ah? Paano na ang tilapya ko?


Chapter 8

Ang bongga ng opisina ni Sir Daniel! Pinto pa lang ay parang sinasampal na ako ng kahirapan. Paano pa kaya iyong laman ng malaking lamesa niya? 

Hindi naman bongga ang disenyo ng opisina niya. Ano ba tawag dito? Minimalist? Halos lahat kasi ay kulay abo lamang ang nakikita ko. Pero maganda sa mata. At bagay sa hitsura ni Sir Daniel na palaging nakasimangot. 


Buti na lang talaga pogi siya.


Pinaupo niya ako sa mahabang upuan, iyon pa lang ay mas malambot na sa higaan ko. Si Sir Daniel naman ay naupo sa pang-isahang sofa sa kalita ko. 


Tiningnan ko siya. Blangko lang ang ekspresyon niya habang may tinitingnan sa hawak nitong tablet. Sana all na lang. 


"Ahm... Sir... Bakit niyo po ako pinapunta dito? Hindi po ba kayo nasarapan sa luto ko?" tanong ko agad. 


Kanina pa kasi ako nakaupo rito pero wala pa rin siyang sinasabi. Ano? Huhulaan ko na lang kung bakit niya ako pinapunta rito? 


Sa wakas ay nag-angat ng ulo si Sir. Inilapag nito ang tablet sa lamesang nasa gitna namin. Mayroon iyong case kaya nakatayo pa rin iyon at parang naghitsurang laptop na. 


"Actually, it tasted good, Beverlyn." 


Kikiligin na sana ako pero bakit naman true name ko pa ang binanggit niya? Ngumiti ako at inipatong ang buhok sa likod ng tainga ko. 


"Sir naman! Baby na lang po," mahina kong sabi. "Malay mo. Maging baby mo rin ako. Yiee!" biro ko pa—pero wa epek! 


Tinitigan lang ako ni Sir Daniel na para bang may nasabi akong masama. Napalabi ako nang kaunti at umayos na lang ng upo. Bumuga siya ng hangin nang malakas. 


"Ano ang natapos mo... Baby?" 


Napangiti ulit ako noong tinawag akong baby ni Sir. Shit! Parang kiniliti ang tumbong ko dahil doon! Humagikhik pa ako nang kaunti. Pero pinigil ko agad iyon dahil nga ang sama na ng tingin niya sa akin. 


"Ahm. Ano po, Sir. Hight School grad lang po ako." 


Napatango si Sir Daniel. "Okay. But you know how to cook. How?" 


"Ay naku, Sir! Alam mo kasi sa amin. Ako palagi ang naiiwan sa bahay. Habang sila Nanay nasa palengke, ako nagbabantay sa mga kapatid ko. Kaya ayon, natuto akong magluto. Ang dami ngang nasasarapan sa luto ko, Sir! Ako ang pambato ng kalye trese sa pagdating sa pagluluto!" pagyayabang ko. 


Muling huminga nang malalim si Sir Daniel. Siguro may nakabara sa ilong nito. Kanina pa 'to e. 


"Gusto niyo po ba ipagluto ko kayo ulit?" 


"No need. I like the way you cook. But you need to learn. Do you want to work in my restaurant?" 


Napakurap-kurap ako. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Bakit ba kasi lahat ng mga tao rito ay panay ang ingles?! 


"P-Po? Magtrabaho dito? Iyon ba ang tanong mo, Sir?" 


Marahan siyang tumango. 


"Yes." 


Napanganga ako. Sinapo ko pa ang dibdib ko at tiningnan siya nang hindi ako makapaniwala. 


"S-Seryoso ka, Sir? E ano naman ang gagawin ko rito? Magtitinda ng tilapya?" 


Naningkit ang mga mata ni Sir Daniel. Kitang-kita ko ang pagtangis ng mga bagang niya. May mali ba sa tanong ko? 


"Of course you will be a chef too, Baby. Are you stupid?" 


Nawala ang mga ngiti ko. 


"Hoy, Sir. Naintindihan ko 'yan! Hindi ako stupid, ha! Nakaka-hurt ka naman ng feelings!" inis na sabi ko. 


"Then stop acting like one!" 


Inirapan ko siya. Ang sungit talaga ng lalaking ito! Una ay tinawag na bilasa ang tilapya ko. Tapos tatawagin niya naman akong stupid ngayon. Sumusobra na siya a! 


"Fine. I'm sorry. What I'm saying is—" 


"Hep!" pinigilan ko siyang magsalita. "Pwede ba kasing Tagalogin mo na lang, Sir? Ingles ka kasi ng ingles e! Nakakaintindi ako pero kinakabahan kasi ako. Feeling ko kasi dapat din kitang sagutin sa ingles!" 


Bahagyang umawang ang bibig nito na para bang nagulat sa sinabi ko. Iniikom niya ang bibig niya at marahang tumango. Tumikhim siya. 


"S-Sorry. I didn't—fine. Gusto kitang i-hire bilang chef sa restaurant ko. Don't worry. You don't have to worry about—" 


Tumigil ito sa pagsasalita at napapikit nang mariin. 


"Fuck," mahina niyang sabi. Pero narinig ko iyon. At para bang may kumiliti sa puson ko dahil doon. 


Ang sexy niyang tingnan at pakinggan! Paano na lang kaya kung—


Napahagikhik ako. Nasapo ko pa ang bibig ko habang ini-imagine ang hitsura ni Sir Daniel habang nakapikit at nagmumura. 


"Excuse me? Why are you laughing?" 


Bumalik ako sa ulirat noong marinig ko ulit ang boses ni Sir Daniel. Bumungad sa akin ang salubong na mga kilay niya at matalas na mga tingin.


Nasapo ko pa ang bibig ko. Jusme! Natawa pala ako in person! Nakakahiya ka, Baby!


"W-Wala po, Sir! Sorry!" 


Napailing na lamang ito. 


"So, ano? Papayag ka bang magtrabaho dito sa restaurant ko?" 


Pinilit kong ngumiti. Muli kong ipinatong sa likod ng tainga ko ang buhok na lumaylay sa mukha ko. 


"Magkano po ba ang sweldo, Sir?" tanong ko. Syempre. Kailangan ko munang malaman iyon bago ako umoo. 


"Thirty thousand in the first month. At kung magiging maganda ang performance mo ay madadagdagan pa iyon." 


Napakurap-kurap ako. "Legit, Sir? Thirty thousand?!" gulat na tanong. 


"Yes, Baby." 


Hindi ko alam kung sa pagtawag niya sa akin ulit ng baby ako kinikilig o dahil sa sweldo na narinig ko. Malaki na iyon para sa kagaya kong maralita. Idagdag pa na sa unang buwan lang daw iyon.


"Bukod doon ay may isa pa akong offer sa 'yo. You can adjust it. Add your on terms. At babayaran din kita. H'wag kang mag-alala." 


Tumayo si Sir Daniel at lumapit sa lamesa niya. Pagbalik niya ay may dala na itong folder. Inabot niya iyon sa akin. Nalilito na binuksan ko iyon. 


Isa iyong kontrata. Binasa ko ang title. 


"Live-in agreement contract," bulong ko. "Ano 'to, Sir?" 


Tiningnan ko siya. 


"You will live with me for three months." 


   —


Kanina ko pa tinititigan ang dokumento na ibinigay sa akin ni Sir Daniel. Naiintindihan ko naman ang nilalaman niyon kahit na ingles iyon. Ang hindi ko lang maunawaan ay bakit ako?


Gusto niya na tumira ako sa bahay niya sa loob ng tatlong buwan habang nagtatrabaho ako sa restaurant niya. 


Diyos ko! Hindi kaya nagkagusto na sa akin si Sir? OMG! Kahit naman ganito ako, wala pang nakakatikim sa tilapya ko!


Ibinaba ko iyon at inilapag sa higaan ko. Napatingin ako sa aquarium kung nasaan ang mga alaga ko. 


"Ano sa tingin niyo, Chuchay? Bibo? Tanggapin ko ba?" tanong ko sa kanila. "Kaso... Hindi ba parang nagbenta na ako ng katawan no'n?" 


Napangiwi ako. Ito na ang sinasabi ni Nanay sa akin e. E sa gusto ko lang naman na ipagmalaki ang sarili ko kaya nagsusuot ako ng ganito! Hindi naman para sa mga lalaking nakakakita sa akin kaya ako nag-aayos. Para naman ito sa sarili ko. Na kahit na chubby ako. Mataba. Kaya ko pa rin mag-ayos. 


"Pero sayang ang pera." 


Muli kong tiningnan ang dokumento. Kapag pumayag ako ay bibigyan ako ni Sir ng fifty thousand ulit buwan-buwan hanggang matapos ang kontrata namin. Ibig sabihin ay makakakuha ako ng eighty thousan sa unang buwan ko sa kaniya. Kapag magtuloy-tuloy ay aabot sa isang daang libo ang kikitain ko sa isang buwan. 


Napasinghap ako ulit. Kahit ilang beses ko na iyon nabasa ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ganoon ba talaga ang mayayaman? Kung magwaldas ay sobra! Kahit isang taon kaming magtinda ng tilapya  ay hindi ata kami kikita ng ganito kalaki. 


"Haist! Bahala na nga!" ani ko. 


Tumayo na ako at nagbihis na. Kailangan ko pa pumunta sa palengke. Perro hindi pa man ako nakakapaghubad ay may narinig na ako malalakas na katok mula sa labas ng bahay namin. 


"Baby! Baby! Nandiyan ka na ba?!" 


Nangunot ang noo ko. Si Biboy iyon. 


Muli kong ibinaba ang laylayan ng bestida na suot ko at lumabas ng kwarto ko. 


"Ano? Kung makatawag ka naman, Biboy. Parang kata—" 


"Halika na!" bigla niyang sabi pagbukas ko ng pinto. 


"Ha?" 


"Si Tatay Gil! Sinugod sa ospital! Bigla na lamang siyang tumumba kanina sa palengke!" 


Chapter 9

Wala akong tigil sa pag-iyak noong makarating ako sa ospital. Gusto ko man magpakatapang dahil nakakapangit ang umiyak, kaso mahal na mahal ko si Tatay. Tatay ko 'yan e! 

Dahil sa labis na trabaho at katandaan ay nanghina pala ang katawan nito. Over fatigue. Ngayon ay kailangan na niya muna manatili sa ospital. Kailangan na rin maghanda dahil daw ay mayroon nang maintenance ang tatay. 


Kaso diyos ko, saan naman kami kukuha ng ibabayad at ibibili ng gamot ni Tatay? Iyong kinikita namin sa palengke ay sakto lang para sa amin. Nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Pinaiikot lang namin ang kita namin. 


"Paano na tayo ngayon, Baby? Ayaw ko man ipakita sa tatay mo. Kaso isang araw lang tayo na hindi makapagtinda ay mahihirapan na tayo," ani Nanay Kleng. 


Nasa lobby kami at naghihintay sa papel ni Tatay. Nasa isang public hospital naman kami. Kaso ganoon pa rin. Mahirap pa rin dahil kailangan namin gumastos dito. 


Huminga ako nang malalim. 


"H'wag kang mag-alala, 'Nay. Ako na ang bahala," determinado kong sabi. 


"Paanong ikaw? Ano naman ang gagawin mo, Anak?" 


Hindi ako umimik. Muli kong naalala ang inalok sa akin ni Sir Daniel. 


Matapos kong masiguro na maayos ang lahat kila Nanay sa ospital ay umuwi na rin ako. Dumeretso ako sa palengke dahil naiwan daw na bukas ang tindahan. Pagdating ko roon ay halos maiyak ako dahil ubos na pala ang paninda naming isda. 


Binili ng mga katabi naming tindahan. Tulong na raw sa amin. Inabot sa akin ni Biboy ang lagayan namin ng pera na punong-puno ng benta. 


"Iyan, Baby. Lahat nandiyan, ha? Wala akong binawas diyan," ani Biboy. 


Napalabi ako habang pinipigilan ang mga luha ko. 


"Grabe kayo. Salamat talaga sa inyo!" malakas na sabi ko. 


Tumingin sa akin ang ilan naming mga kapitbahay sa palengke. 


"Kulang pa 'yan, Baby. Pero sana ay makatulong 'yan sa tatay mo," ani ni Kuya Jo. Tindera din ng isda. 


"Ano  pong kulang? Sobra-sobra na nga po ito! Sigurado ako na matutuwa si Nanay dito. Lalo na si Tatay kapag magising na siya." 


"Sige na, Baby. Bumalik ka na roon. Ako na ang bahala dito," ani Biboy. 


Nginitian ko siya. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya kahit amoy isda na siya. 


"Salamat talaga, Biboy! Hindi ko alam ano gagawin ko kung wala ka!" 


Napuno ng panunudyo ang paligid namin. Habang si Biboy naman ay parang nanigas na estatwa. Namula din bigla ang mga tainga nito. 


"I-Ikaw! Lumayo ka nga, Baby! Hindi ka ba kinikilabutan diyan!" ani niya. Marahan pa ako nitong tinulak. 


Inirapan ko siya. "Kunyari ka pa! Natuwa ka naman e!" biro ko. "Paano? Alis na ako. Kailangan ko pa puntahan sila Maica sa bahay. Siguradong nag-aalala na rin ang mga 'yon." 


"Sige na! Umalis ka na!" 


Nginitian ko pa siya. Nagpasalamat dina ko sa mga tumulong sa amin. Pagkatapos ay umalis na rin ako sa palengke. 


Sa bahay ay naroon na ang dalawa kong kapatid. Panay ang tanong ng mga ito kung ano na nangyari kay Tatay. Kaya pinaghanda ko na sila ng mga dadalhin kila Nanay. Nagdala kami ng mga damit at pagkain para sa kanila. 


Pagdating namin sa ospital ay tuwang-tuwa si Nanay sa ibinalita ko. Ibinigay ko iyon lahat sa kaniya. Hindi na rin ako nagtagal dahil hinahabol ko na maabutan ko si Sir Daniel. Iniwan ko ang mga kapatid ko sa ospital para may kasama na rin si Nanay. Buti na lang at pwede pa magdagdag ng bantay. 


Noong makabalik sa restaurant ni Sir Daniel ay kinakabahan pa ako. Wala pa kasing isang araw noong bumalik ako ulit. Pero wala naman akong choice. Ito lang ang makatutulong sa amin. 


Pinaderetso na ako ng staff sa office ni Sir Daniel. Wala pa siya roon dahil nagluluto pa pala. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago siya dumating. Nakauniporme pa rin ito ng pang-chef noong naupo siya sa upuan niya. 


"You came back, Beverlyn. Nakapag-isip ka na ba?" tanong ni Sir Daniel. 


Marahan akong tumango. "Opo, Sir." 


Nangunot ang makinis nitong noo. 


"So?" 


"Ahm... Tinatanggap ko po ang offer mo. Lalo na doon sa trabaho dito sa restaurant. At... Iyong isa. Titira lang naman ako sa bahay mo, 'di ba, Sir?" 


"Why? Ano ba sa akala mo?" 


Napangiwi ako. Nahiya ako bigla sabihin ang nasa isip ko. Mabilis akong umiling. 


"W-Wala po! Wala. Ano. H'wag mo na akong isipin. I mean. Sige. Pumapayag po ako, Sir. Pero... Pwede po bang bumale?" 


Lalo itong nalito. "Bumale?" 


"Ahm... Cash advance?" 



Pagkatapos naming mag-usap ni Sir ay pinapirma niya ako agad ng kontrata. At ang gusto niya pa ay doon na ako agad sa bahay niya matutulog. 


Gosh! Ayaw ko sana. Kaso wala rin naman ako kasama sa bahay. Hindi na rin ako umuwi dahil pinahiram niya na lang ako ng damit na pantulog. Bukas na lang daw ako kumuha ng mga gamit ko. 


Hindi naman ito ang unang beses ko na nakapasok sa penthouse ni Sir. Studio type iyon at may isang kwarto lang. May sink-in living room. Sa likod noon ay naroon na ang mahabang lamesa na kainan at ang kusina. May banyo rin sa gilid. 


Maganda. Pang mayaman. Pero medyo makalat. Hindi naman buong bahay. Iyong isang lamesa lang nito. Magulo. Masakit sa mata. 


Naroon nga si Sir at may binabasa sa tablet nito. 


Kumakain na ako ng hapunan na niluto ni Sir Daniel. Napakasarap niyon. Hindi na nakakagulat dahil nga isang tanyag na chef si Sir. Pero kanina pa rin ako hindi mapakali. 


"Ahm, Sir. Saan naman po ako matutulog?" tanong ko. 


Bahagyang nag-angat ng ulo si Sir. 


"Huh?" 


"Ako po. Saan ako matutulog?" tanong ko ulit. 


Iisa lang kasi ang kwarto sa penthouse niya. Saan naman niya ako balak patulugin? Sa sofa?


"My room." 


Nangunot ang noo ko. Naibaba ko ang hawak kong kutsara. 


"Huh? Saang kwarto." 


"In my room. Sa kama ko. Magkatabi tayo." 


Chapter 10

Pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga dahil sa labis na pagkabahala. Paano kasi, doon daw ako sa kwarto ni Sir Daniel matutulog! 

Paano na lang kung may gawin siya sa akin? Paano kung gapangin niya ako? Diyos ko! Hindi pa ready tilapya ko! 


Ang tagal ko sa banyo noong gabi. Naglinis kasi ako ng katawan. Nag-toothbrush din. Maraming stock si Sir ng mga panglinis sa katawan kaya hindi naging problema sa akin ito. Ang kaso... Walang deodorant na pangbabae! 


Oo. Hindi naman ako nangangamoy putok kahit na maghapon ako na hindi gumamit no'n. Kaso paano na lang kung habang ginagapang na ako ni Sir ay may maamoy siyang hindi kaaya-aya? 


My god! 


Napailing ako. Bakit ba ganito ang iniisip ko? Ang dumi talaga ng utak ko! 


Matapos kong magbanyo ay humiga na ako. Wala pa si Sir at naroon pa sa salas. Nakatulog na nga ako kakahintay. 


Noong magising ako ay muntik pa akong mapatili noong may maramdaman akong dumikit sa likod ko. Paglingon ko ay si Sir iyon. Napamaang pa ako noong magkasalubong ang mga mata namin. 


Napakaganda talaga ng mga mata niya. Nangungusap iyon palagi. Kaso... Ang lungkot. 


"Just don't move. Hayaan mo lang ako," ani niya. 


Napakurap-kurap ako. Hindi ako sumagot at tahimik na muling tumagilid. Ito na ata! Lord! Help me!


Napigil ko ang paghinga ko noong maramdaman ko ang kamay ni Sir Daniel na gumapang sa tiyan ko. Iyong mukha niya ang dumikit din sa may batok ko. Kinikilabutan ako sa tuwing tumatama ang mainit niyang paghinga sa balat ko. 


Malandi ako. Iyon ang sabi nila sa akin sa palengke sa kalye trese. Pero ni isa sa mga ito ay hindi ko pa naranasan. Bukod kay Biboy, wala pa akong nayakap na lalake. Wala pang nakadikit sa akin ng ganito kalapit. 


Si Sir Daniel pa lang. Kaya para na akong mahihimatay dahil sa sobrang ka. 


Hindi ako gumalaw. Ganoon din naman ang ginawa ni Sir. Nakayakap lang siya sa akin mula sa likod ko. Noong una ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Hanggang sa unti-unti ay naramdaman ko na lumuwag na iyon. Hanggang sa tuluyang lumalaylay ang kamay niya sa may tiyan ko. 


"Sir?" tawag ko sa kaniya, pero hindi siya sumagot. "Sir?" 


Nilingon ko siya. Nakapikit na ang mga mata niya. Napalunok ako. 


Tuluyan akong pumihit paharap sa kaniya at pinagmasdan siya. Noong matanggal ang kamay niya ay biglang humigpit ulit ang hawak niya at hinila pa ako palapit sa kaniya. 


Natigilan ako noong halos kadangkal na lang ang layo ng mukha ko sa kaniya. Pero noong marinig ko ang mahihina niyang hilik ay napanatag ako. 


Tinitigan ko si Sir. Ang amo ng mukha niya kapag natutulog. Parang ang payapa niyang tingnan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang pogi niya talaga kapag ganito. Kaso bakit siya gano'n? Bakit ang sungit niya tuwing gising siya? Tapos iyong mga mata niya... Ang lungkot. Sobra. Parang ang lalim ng dinadala niya. 


"Ang pogi mo, Sir. Pero mas pogi ka kung palagi kang nakangiti." 


Napangiti ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang tinititigan siya. Noong magising ako ulit ay umaga na. 


Sobrang aga pa kaya tulog pa si Sir Daniel. Dahan-dahan akong umalis sa kama. Maganda sana itong bahay ni Sir Daniel kung hindi lang medyo magulo. 


Napangiti ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako nagluto ng almusal namin. Habang ginagaw ako iyon ay naglinis din ako. Nagwalis sa sala. Nagpunas. Nilinis ang sulok-sulok. 


Pinakanahirapan ako ay doon sa lamesa niya. Gulo-gulo kasi iyon. Patong-patong ang mga dokumento na hindi ko naman maintindihan noong binasa ko. Chef lang ba talaga siya? Hindi ba sa pagluluto lang dapat siya? Pero may nabasa ako sa isang dokumento na mula iyon sa korte. Hindi ko rin naman mauunawaan kaya hindi ko na inintindi pa. 


Nasa ganoon akong posisyon noong bumukas ang pinto ng kwarto. Napangiti ako agad at tiningnan si Sir Daniel na kagigising lang. 


"Good morning, Sir—" 


"What the hell did you do?!" 


Napaatras ako hindi dahil sa tanong niya. Kundi dahil sa lakas ng boses niya. Salubong ang mga kilay niya at halatang galit noong makalapit na sa akin. Bigla na lang niyang hinila ang hawak kong folder at ibinalik iyon sa lamesa. 


"Bakit mo 'to pinakialaman?!" tanong niya ulit. 


"P-Po? Ahm. N-Nilinis ko lang—" 


"And who told you to do that?!" galit pa rin niya na tanong. 


"E, Sir. Gusto ko lang naman sana tumulong." 


"Tulong? Pinapunta kita rito for one reason! Ang tabihan ako sa pagtulog. Bukod doon ay wala ka na dapat pakealaman pa sa buhay ko! Naiintindihan mo ba?!" sigaw na tanong niya. Halos maglabasan na ang mga litid niya sa noo at leeg. 


Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya dahil pinangunahan ako ng takot at gulat. 


Gusto ko lang naman sana siya tulungan. Pero bakit parang hindi niya pa na-appreciate iyon? Bakit parang kasalanan ko pa? 


Chapters 11 to 15





Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !