Views

Wildest Encounter (Chapters 31 to 35)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 31

Pawisang tumabi si Sam kay Becca. Hinila niya ang kumot at itinakip iyon sa hubad nilang katawan. Napangiti si Becca at muling yumakap kay Sam. Matapos nilang mag-usap ay magkasama silang umalis ng university at umuwi sa bahay ni Sam. Masaya na si Becca at panatag dahil nagkaayos na sila ng nobya. Ngayon ay ipinangako niya sa sarili na magiging maingat na siya sa mga supresang kaniyang gagawin para kay Sam.

“Pero sino siya?” tanong ni Becca habang nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib ni Sam.

Nangunot ang noo ni Sam. “Sino?”

“Iyong babae. Si Trisha. Bakit nandito siya sa bahay mo noon?”

Natigilan si Sam. Nasabi na niya ang tungkol sa nangyari sa kaniya noon ngunit hindi pa rin niya nababanggit kay Becca ang tungkol kay Trisha. Napamura siya sa kaniyang isipan. Kailangan pa pala niyang kausapin si Trisha dahil desidido na siyang ayusin ang relasyon niya kay Becca.

“Ahm… Ayaw kong magsinungaling na sa ‘yo, Becca. Aaminin ko… nakarelasyon ko si Trisha noon. She’s my ex.”

Bahagyang napalayo si Becca kay Sam pero hindi naman niya tinanggal ang pagkakayakap dito. “T-Talaga?”

“Yes. I’m sorry. K-Kung nagkita ulit kami noong araw na iyon. But that was nothing. Masyado lang talagang masama ang loob ko noong araw na iyon. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko. I hope—”

“Okay lang,” mabilis na tugon ni Becca. “Naiintindihan ko, Sam. Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Tanggap ko kung ano ang nangyari sa inyo. Pero sinasabi ko lang ito ngayon dahil parehas tayong nagkamali. S-Sana lang ay huli niyo nang pagkikita ‘yon, Sam.”

“Of course! Hindi na ulit mangyayari iyon, I promise.”

Ngumiti si Becca. Wala siyang pakealam kung nauna man sa kaniya si Trisha. Pinapatawad niya ito kahit alam niyang nagawa ni Sam. Pikit mata niya itong muling tatanggapin. Gano’n niya kamahal si Sam.

Magmula noon ay muling bumalik ang sigla ni Becca. Mas naging madalas na ang kanilang pagkikita. Mas naging malapit sila sa isa’t isa. Mas naging malambing din si Sam kay Becca. Lahat ng mga hinihiling niya ay ginagawa nito agad. Minsan ay nahihiya na nga siya dahil kahit wala na siyang sabihin ay ginagawa na ni Sam. Naging mas madalas na ang pananatili ni Becca sa bahay ng nobya. Madalas kahit na may pasok ay doon na siya dumederetso kay Sam.

“Ay buti naman pumasok ka today, ha?” pabirong sabi ni Jane kay Becca.

Matipid na ngumiti si Becca at naupo sa tabi ni Jane. Wala pa silang prof at kaunti pa lang ang mga kaklase. “May quiz daw.”

“Ah, kaya ka pumasok dahil may quiz today? May maisasagot ka ba, ha? E two days ka nang hindi pumapasok, ah? Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Nawawalan na ako nang idadahilan kila Tita e!”

Napangiwi si Becca. Si Jane kasi palagi ang tinatanong ng mommy niya tungkol sa kaniya. Dahil matalik silang magkaibigan ay nagdadahilan na ito agad para sa kaniya.

“Sorry. May pinuntahan lang.”

Umarko ang kilay ni Jane. “Where?”

“Basta.”

“H’wag mo nga akong mabasta-basta, Rebecca Mendoza! Saan ka nagpupunta?”

Napatingin na si Becca sa paligid dahil bahagyang tumaas ang boses ni Jane. “H’wag ka naman maingay!”

“Ay hindi, Rebecca Mendoza! Saan ka nagpupunta, ha?”

Napakamot na sa ulo si Becca. Kulang na lang ay manlaki ang mga butas sa ilong ni Jane. Huminga siya nang malalim. “Kay Sam,” pabulong na sabi niya.

Nangunot ang noo ni Jane. “Ha? Ano ulit?”

“Kay Sam nga!”

Nanlaki ang mga mata ni Jane. “Ano?! Akala ko wala na kayo?”

“Hindi pa! Hindi naman kami naghiwalay e.”

Napaawang ang bibig ni Jane. “What? Tanga ka talaga, Becca! Ang talino mo naman sa class natin. Bakit pagdating diyan kay Ms. Sam ang tanga mo? Hindi naman siya ang  huling babaeng magiging–”

“Tama na, Jane! Baka may makarinig sa ‘yo!”

Iniikot ni Jane ang mga mata. “So, what? Hindi ka kasi nakikinig!” 

Bumuntonghininga  si Becca. “Mahal ko siya, Jane. Hindi mo naman ako maintindihan kasi wala ka pang sineryosong tao e!” 

Napaawang ang bibig ni Jane. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang kaibigan. “Excuse me, what?” 

Nag-iwas ng tingin si Becca. “Hindi ba pwedeng suportahan mo na lang ako? Kasi alam ko naman na this time, totoo na ‘to. Hindi na ulit kami magkakagalit ni Sam.” 

“Fine! Bahala ka. Pero h’wag kang iiyak-iyak sa akin bandang huli dahil hindi ako nagkulang sa paalala sa ‘yo. Toxic si Sam sa buhay mo!” 

“Akala ko ba gusto mo siya para sa akin noon? Bakit naman sinasabi mo ‘yan ngayon?” 

“Kasi sinaktan ka niya, Becca! Hindi naman pwede na everytime na nagkakatampuhan kayo ay mambabae na siya. Sinabi na ba niya kung sino si Trisha sa buhay niya?” 

“Ex niya raw.” 

“See?” Napailing si Jane. “See runs back to her ex as soon as you two are not okay. Baka naman sa susunod na magkatampuhan kayo ay  gano’n ulit?” 

“Jane, can we trust her again, please? Para din naman ito sa kasiyahan ko e.”

“Alam ko. At wala rin naman akong magagawa. Nakipagbalikan ka na nga, ‘di ba?” Huminga nang malalim si Jane. “I just don’t want to see you hurt again, Becca. Masakit para sa akin kapag nakikita kitang umiiyak. You are my best friend.”

Ngumiti si Becca. Kumapit siya sa braso nito at sumandig sa balikat nito. “Thank you, Jane. Ikaw talaga ang best sa lahat ng mga best friend!” 

Naiikot ni Jane ang mga mata. “Nambobola ka pa.”

Humagikhik si Becca. “Mamaya. Dinner tayo with Sam para makausap mo rin siya.”

“Sure. Para masabon ko siya.” 

Hindi na tumanggi pa si Becca kay Jane. Ramdam naman niya ang sensiridad nito sa kaniyang mga sinasabi. Alam niya rin na kaligtasan lang niya ang gusto nito. At masaya siya na mayroon siyang kaibigan na kagaya ni Jane.




Chapter 32

“What the fuck, Sam? Akala ko ba hiniwalayan mo na ‘yon?!” galit na tanong ni Trisha. 

Napabuga ng hangin si Sam. Mabuti na lamang at nasa isang closed door restaurant sila. Tinawagan niya kasi ang dalawa upang kausapin ito at tapusin na ang kung ano man ang relasyong mayroon sila. 

“I love her, Trish.”

Hinampas ni Trisha ang lamesa. “Love? What do you know about love, huh?”

“You don’t understand because you don’t know how to love.”

Biglang tumawa si Trisha. Naupo siya nang maayos at pinagkrus ang mga kamay. 

“Fuck you, Sam! Fuck you!” 

Muling bumuga ng hangin si Sam. “Sabihin mo lahat nang gusto mong sabihin, Trish. Gusto ko nang tapusin kung ano man ang mayroon tayo.”

“You used me, Sam. Ang sama mo! You fucked me like there’s no tomorrow, then the next day you are back to her? Hindi ako papayag!” 

“I’m sorry, okay? Hindi ko sinasadya na paasahin ka. Wala ako sa tamang isipan ko noon. I didn’t mean it.” 

“Kaya nga hindi ka sasaya sa kaniya, Sam. You know it! Hindi kayo bagay. She’s too… too innocent for you. Hindi mo ba na gi-gets kung bakit sa tinagal-tagal na nating nagkahiwalay ay bumabalik ka pa rin sa akin? Because we are meant to be! You love me! Ako lang ang para sa ‘yo!” 

Bahagyang naiiling ni Sam ang ulo. Oo, minahal naman niya si Trisha pero noon iyon. Bumabalik siya rito palagi dahil siya naman ang lumalapit sa kaniya. They had an agreement because she thought she will never love anyone. 

“Just let me go, Trish. Kakausapin ko na rin si Ninong pagkatapos natin dito.”

Bahagyang umawang ang bibig ni Trisha. Napailing-iling siya. “You really lost your mind, Sam. Sa tingin mo ba talagang papayag akong mawala ka sa akin?” 

“Bakit ba ipinipilit mo pa rin, Trish? Our relationship was wrong to begin with! At nagsisisi ako ngayon dahil hinayaan ko pang lumalim ang relasyon natin noon. I’m really sorry. Pero kung ano man ang mayroon tayo ay tinatapos ko na. I love Becca.”

“No! Gawin mo na kung ano ang gusto mo pero hindi ako papayag na mawala ka sa akin! You are mine, Sam! Akin lang!” ani Trisha at tumayo. Dere-deretsong lumabas. 

Muling napabuga ng hangin si Sam. Hindi na niya pinansin pa ang dalaga at lumabas na rin ng restaurant. Dumeretso siya sa university upang kausapin ang kaniyang ninong. Nasa meeting pa ito noong dumating siya sa opisina nito kaya doon na lamang siya muna naghintay. Mabait ang kaniyang ninong. Lahat ng mga pangangailangan niya at gusto ay ibinibigay nito. Ito ang naging ama niya at kasangga sa lahat ng mga pagsubok sa kaniyang buhay. Ngunit wala itong ideya sa naging relasyon nila ni Trisha. Nag-iisang anak na babae ng kaniyang ninong si Trisha. Kaya hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. Lalo pa’t wala itong ideya na lesbiana ang nag-iisa nitong anak. Pero desidido na rin siya sa kaniyang desisyon. Ngayon lamang siya naging sigurado sa kaniyang buhay kaya hindi tatanggapin niya ang lahat nang sasabihin ng kaniyang ninong kung sakaling magalit man ito. 

“He’ll understand…” bulong niya sa sarili. Inabala na lamang niya muna ang sarili habang naghihintay. Sakto naman na tumunog ang kaniyang cellphone noong bubuksan na niya sana ito. Napabuga siya ng hangin noong makitang si Trisha ang tumatawag sa kaniya. Sinagot niya ito. 

“S-Sam? Where are you?” 

“Trish, we just talked.”

“No!” galit na sabi nito. Sa tono nang pananalita nito ay halatang nakainom ito ng alak. Humikbi si Trisha. “I’m sorry. P-Please… come here. I need you!” 

“Call your brothers. Please, just respect my decision, Trish. Halos magkapatid na rin tayo.”

“Fuck you! May magkapatid bang nagsi-sex?!”

Nasapo ni Sam ang noo. “I’m sorry. Ibababa ko na ‘to.”

“N-No, Sam! Please! I’m begging you! Don’t do this to me! Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Sam! I-I’ll let you be with her just don’t leave me, please!” 

Napailing na lang si Sam. Hindi na siya nagsalita at pinatay na ang tawag. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang kaniyang ninong. 

“Sam! Hindi ko alam na nandito ka pala.”

Tumayo si Sam at nagmano kay Mr. Navarro. “Good afternoon, Ninong.”

“Sit down. Do you need anything?” 

Naupo si Sam pagkaupo ng kaniyang ninong. Bahagya siyang tumungo. Inilagay niya ang mga kamay sa may mga tuhod at bumuga ng hangin. “I-I need to talk with you about something, Ninong.”

“Sure. What is it?” 

Napalunok si Sam. “I’m… I know. Magmula noong mawala si Dad ay ikaw na ang tumayong tatay ko. I-I’m sorry, Ninong.”

Nangunot ang noo ni Rodrigo. “Why? May ginawa ka ba?”

“I-It’s about Trisha.” 

Natigilan si Rodrigo. Napasandig siya at hinawakan ang baba. “What about her?”

Matagal bago nakasagot si Sam. Pakiramdam niya kasi ay may kung anon ang bumabara sa kaniyang lalamunan. Ngunit noong akma na sana siyang sasagot sa kaniyang ninong ay biglang bumukas ang pinto ng opisina nito. Humahangos ang sekretarya nitong pumasok ng silid. 

“S-Sir!” 

“Why, Claire?”

“Tumawag po si sir Rexter. Sinugod daw sa ospital si Ms. Trisha!” 

Napatayo agad si Rodrigo. “What?! What happened?! Saang ospital?!”

“S-She tried to kill herself, sir!” 

Nanlaki ang mga mata ni Sam. Napatingin siya kay Rodrigo. Kitang-kita ang pinaghalong pagkalito at pagkabigla sa mga mata nito. Hindi na ito nagsalita at nagmamadaling lumabas ng silid. Napamura si Sam sa kaniyang isipan at sumunod sa kaniyang ninong.


Chapter 33

Dali-daling nagpunta sila Sam sa ospital kung saan dinala si Trisha. Hindi malaman ni Sam ang iisipin dahil sa ginawa nito. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya dahil sinaktan nito ang sarili matapos nilang mag-usap. Nasakto pang kinakausap na niya ang kaniyang ninong. 

Pagdating nila sa ospital ay agad nilang hinanap kung nasaan si Trisha. Naabutan pa nila nilang tinatahi ang laslas sa kaliwang palapulsuhan nito at sinasalinan ng dugo. Walang malay ang dalaga dahil marami na ang dugong nawala rito. 

“What happened, Rexter?” tanong ni Rodrigo sa panganay na anak. 

“I don’t know, Dad. She called me, crying. Sabi niya ay puntahan ko siya and I did! Pero pagdating ko ay ganiyan na siya.”

Napailing si Rodrigo. “Sinabi ko na kasi sa inyo na babantayan niyo ang kapatid niyo! She’s your only sister and your youngest sibling! Paano kung nahuli ka ng dating, ha?” 

Napatungo si Rexter. Kinuyom niya ang mga palad at hindi na sinagot ang ama. Alam naman niya na kahit na ano ang ipaliwanag niya rito ay hindi iyon pakikinggan ng ama. 

“I’m sorry, Dad.” 

“Where’s Robert?” 

“Papunta na, Dad.” 

“And your mom?” 

“Hindi ko pa nasabi sa kaniya, Dad. And I don’t think it will be the right thing to do. Mom is weak right now.” 

Bumuga ng hangin si Rodrigo. “Right. H’wag na muna nating sabihin sa kaniya ang nangyari. Your mom loves your sister so much. Hindi niya kakayanin kapag malaman niya ito. I just don’t understand why she did this. Ang saya-saya niya pa kahapon.”

Biglang nakaramdam nang kakaibang kaba si Sam. Napaatras siya nang kaunti dahil doon. Alam niya kung bakit iyon ginawa ni Trisha. Kilala niya kung sino ang dahilan. At siya iyon. Dahil sa kaniyang ginawa ay napansin siya ni Rexter. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Pinilit niyang titigan din ito kahit na matalim ang mga tingin nito sa kaniya. 

“Her!” ani Rexter. Agad itong lumapit kay Sam at kinuwelyuhan. “This is your fault!” galit na sabi nito. 

Napadaing si Sam at agad na hinawakan ang kamay ni Rexter. Higit na mas matangkad ito sa kaniya kaya bahagya pang umangat ang kaniyang paa. 

“Let me go!”

“Rexter! What are you doing?!” saway ni Rodrigo. Hinawakan niya ang kamay ng anak. “Bitawan mo siya!” 

Inis na binitawan ni Rexter si Sam. Umatras ito habang hindi pa rin inaalis ang mga tingin kay Sam. Nanlilisik ang mga mata nito at halatang-halata ang galit. 

“Are you crazy? She’s a woman! At isa pa, halos kapatid mo na rin si Sam! ‘Yan ba ang tinuro ko sa inyo?!” 

“You don’t understand, Dad! Siya ang may dahilan kung bakit ito nangyari kay Trisha! She was crying at me! Telling me that Sam did it! Sam almost killed my sister!”

Natigilan si Rodrigo. Nalilitong tiningnan niya si Sam. Doon ay bigla niyang na alala ang huli nilang pag-uusap ni Sam. “What is he saying, Sam? May hindi ba ako alam, ha?” 

Naikuyom ni Sam ang mga palad. Nakatungo lamang siya habang pilit na pinapakalma ang sarili. Bigla siyang lumuhod sa harapan ni Rodrigo. 

“Sam!” 

“See?!” ani Rexter. “Kumopkop ka ng taong mananakit din sa amin!” 

Umiling si Sam. “H-Hindi ko po sinasadyang mangyari ito, Ninong! I-I’m sorry!” 

Napabuntonghininga si Rodrigo. Sinapo niya ang noo at sandaling tumalikod kay Sam. Noong makabawi siya ng emosyon ay muli siyang humarap sa inaanak. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Sam at dahan-dahan itong itinayo. 

“What… happened?” 

Nangilid na ang mga luha ni Sam. “T-Trisha… she’s my ex, Ninong. W-We had a relationship—”

Hindi natuloy ni Sam ang sasabihin dahil bigla siyang sinampal ni Rodrigo at natumba. Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha dahil sa sakit. Sa tagal niyang nasa puder nito ay ngayon lamang siya napagbuhatan nito ng kamay. Muli siyang tumayo at tumungo. 

“S-Sorry—”

“Get out,” mahina ang boses na sabi ni Rodrigo. 

Nag-angat ng ulo si Sam. Halos madurog ang puso niya nang makita ang pagkadismaya sa mukha ng lalakeng itinuring niyang ama. Lalo siyang napaiyak. 

“S-Sorry, Ninong!” Umiling-iling siya. “Hindi ko po talaga inakala na mangyayari ito. I’m really sorry!”

Pumikit nang mariin si Rodrigo at muling huminga nang malalim. “Get her out, Rexter. Ayaw ko muna siyang makita,” mahinahon pa ring sabi nito. 

Suminghot-singhot si Sam. Umatras siya noong hinawakan ni Rexter ang braso niya. “I can walk.” Muling tiningnan ni Sam si Rodrigo. “I’m sorry, Ninong.”

“Just go!” Tiningnan ni Sam si Rexter. “You’re done now,” pabulong na sabi nito. 

Hindi na lamang sumagot si Sam. Naglakad na siya palabas ng kwarto ni Trisha habang patuloy na lumuluha. Masakit para sa kaniya na makita ang kinilala niyang ama na nasasaktan dahil sa kaniya. Kung pwede lang ay ayaw niya itong mangyari. Mahal niya ito bilang kaniyang ama kahit na hindi siya tanggap ng mga anak nito. Kaya tatanggapin niya kahit na ano pa man ang sabihin nito. Hindi siya magagalit dito o magtatampo. Kasalanan niya rin naman ang nangyari. Kung iyon ang kailangan para maging masaya na siya sa piling ni Becca ay matatanggap niya iyon. 

Handa siyang gawin ang lahat para sa babaeng minamahal niya.


Chapter 34

“Sam!” 

Nagmamadaling pumasok si Becca sa bahay ni Sam. Bigla siyang kinabahan noong makita niyang magulo ang sala. Halos mapalundag siya noong may nabasag sa may kusina. Wala siyang nakitang tao sa may counter. Ngunit noong tumingin siya sa may sahig ay nakita niya si Sam nakaupo sa sahig habang tumutungga ng alak. Sa tabi nito ay may basag na baso. 

“Sam!” Agad na lumapit si Becca sa nobya. Hinawakan niya ang baba nito at agad niyang napansin ang mamula-mula nitong pisngi. Namumugto na rin ang mga mata nito at basang-basa rin ang mukha dahil sa mga luha. “Ano’ng nangyari? Doon tayo sa sala.” 

Kinuha ni Becca ang hawak nitong bote ng alak at inilapag sa gilid. Saka niya inakay ang dalaga papunta sa sala. Pinaupo niya ito sa sofa saka muling pumunta sa kusina upang kumuha ng isang basong tubig. 

“Ano ba ang nangyari, Sam? Bakit nag-iinom ka? Kanina pa kita kino-contact pero hindi ka sumasagot. Kaya nagpunta na ako rito.” 

Marahang inuson ni Sam ang kamay ni Becca noong inaabot nito ang baso sa kaniya. Napailing na lang si Becca at inilapag iyon sa lamesita. Tiningnan niyang muli si Sam. Mababakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan. 

“Sam… kausapin mo naman ako.” 

Humugot nang malalim na paghinga si Sam. Ipinatong niya ang mga siko sa hita at sinapo ang ulo. Napailing-iling siya. “She tried to kill herself, Becca.”

Nangunot ang noo ni Becca. “Who?”

“Trisha.” 

Napatikhim si Becca. “R-Really? Bakit naman?” 

“Kinausap ko siya. In-explain ko sa kaniya ang lahat. I was ending whatever relationship we had… pero hindi niya iyon matanggap.” 

“R-Relationship? Ano bang ibig mong sabihin? Akala ko ba ex mo siya?” 

“Yes. She’s my ex. Pero hindi pumayag si Trisha na tuluyan kaming magkalayo. Sabi niya sa akin noon, hahayaan niya akong magkaroon ng karelasyon. Basta we’re still the same. I was ending that, Becca. Pero hindi siya pumapayag. In-explain ko sa kaniya na ikaw ang mahal ko at ayoko nang ganoong relasyon. But I didn’t agree to anything to begin with. Siya lang itong ipinagpipilitan pa rin iyon.” Mapait na napangisi si Sam. “And I let it happen because I was too scared that my ninong would learn about it. Ngayon, alam na niya. At galit siya sa akin, Becca.” Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. “Nagalit sa akin ‘yong taong walang ibang hiniling kundi ang kabutihan ko. Ang taong anak na ang turing sa akin. I betrayed him, Becca!” 

Nangilid na rin ang mga luha ni Becca. Masaya siya dahil nalaman niyang ipinaglaban siya ni Sam. Ngunit nalulungkot siya sa naging kapalit niyon. Marahan niyang hinila si Sam at niyakap. Pinatong nito ang ulo sa kaniyang dibdib. Habang siya naman ay hinagod ang buhok nito. 

“I’m sorry. Dahil sa akin nangyari ito.”

Umiling si Sam. Umayos siya ng upo habang pinupunasan ang mga mata. “No. Wala kang dapat ika-sorry, Babe. I love you. I did this for us. For you. Para malaman mo na totoo ako sa nararamdaman ko sa ‘yo. Hindi ko ginusto ang nangyari kay Trisha. Hindi ko rin naman gustong magkagalit kami ni Ninong. Mahal ko siya bilang tatay ko. But I choose you, Becca. And I hope that you will also do.”

Ngumiti si Becca. Sinapo niya ang pisngi ni Sam at tumango. “Yes. Syempre naman. Mahal kita, Sam. Ikaw at ikaw ang pipiliin ko.”

“Promise me. You’ll choose me, okay? Hindi mo ako iiwan kagaya nang ginawa sa akin ni Mama. Promise me, Becca.”

Sunod-sunod na tumango si Becca habang lumuluha. “Oo, Samantha Salvador. Mahal na mahal kita. Hinding-hindi kita iiwan.” 

Napangiti na si Sam. Niyakap niya si Becca. “Ikaw na lang ang nag-iisang taong makakapitan ko, Becca. Hindi ko na alam kung pati ikaw ay iiwan ako. I love you so much!” 

Gumanti ng yakap si Becca kay Sam. “I love you too, Sam. I love you so much.” 

Nanatili si Becca sa bahay ni Sam hanggang sa bumuti ang pakiramdam nito. Gabi na noong umalis siya at umuwi sa kanilang tahanan. Kakababa niya lang ng taxi noong salubungin siya ni Jane mula sa madilim na parte sa labas ng kanilang bahay. 

“Becca!” 

“Ay buti—”

“Ssh!” Mabilis na tinakpan ni Jane ang bibig ni Becca. “H’wag kang maingay!” pabulong na sabi nito habang tumitingin-tingin sa bahay nila Becca. Pilit na tinanggal ni Becca ang kamay ng kaibigan. 

“Ano bang nangyayari? Bakit parang may tinataguan ka?” 

Pinandilatan ni Jane si Becca. “Saan ka ba galing at hindi kita ma-contact?! Bakit umuwi ka? Hindi mo ba nabasa ang mga text ko sa ‘yo?”

Nangunot ang noo ni Becca. “Ha? Kay Sam. Bakit? Nakapatay kasi ang cellphone ko. Hindi kita ma-contact.”

“Bakla ka! Sinugod ako ni Tita sa school kanina. Hinahanap ka at si Ms. Sam! Alam mo bang nag-eskandalo siya roon sa school? Galit na galit siya kay Ms. Sam at parang idedemanda pa!”

Natameme si Becca. Kumapit siya sa kaibigan. “A-Ano’ng gagawin ko, Jane?” 

“I don’t know! Pati sa akin galit si Tita kasi nagsinungaling daw ako sa kaniya. Wala pa akong sinasabi kundi sorry. I was waiting for you!” 

“P-Paano na ‘to? Paano nalaman nila Mommy? Ano na ang gagawin ko—”

Hindi natuloy ni Becca ang kaniyang sasabihin. Bigla kasing may humawak sa kaniyang buhok at kinaladkad siya papasok ng bahay nila.


Chapter 35


“Tita!” sigaw ni Jane. Sinundan niya ang ginang na hila-hila si Becca sa buhok. 

“Ma! Aray!” daing ni Becca habang hawak-hawak din ang buhok. Pakiramdam niya ay matatanggal na lahat ng hibla ng kaniyang buhok dahil sa lakas nang pagkakahila nito. Napapaiyak na siya habang patuloy sa paghingi nang pakiusap sa ina. 

“Pumasok ka!”

Natumba sa sahig si Becca noong nakapasok na sila ng kanilang bahay. Agad na dinaluhan ni Jane ang kaibigan habang umiiyak na rin. 

“Umalis ka rito, Jane! Ayaw muna kitang makita!” sigaw ni Maria. 

Agad na lumuhod si Becca at pinagsaklob ang mga kamay. “S-Sorry, Ma! Sorry!” 

“Sorry? Pinahiya mo kami, Rebecca! Nakakadismaya ka!” galit na sabi ni Maria. “Akala ko pa naman ay iba ka sa mga kuya mo? Pero wala ka rin palang pinagkaiba sa kaniya! Mga demonyo kayo!” 

Sinampal nang malakas ni Maria si Becca kaya muli siyang natumba. 

“At ikaw!” Dinuro ni Maria si Jane. “Kasalanan mo ‘to e! Dahil sa ‘yo kaya nangyari ‘to sa anak ko!”

Mabilis na umiling si Becca. “W-Wala pong kasalanan si Jane, Ma! Sorry po! Sorry!” 

“Hindi! Magmula ngayon ay hindi na kayo makakalabas ng bahay! Ikaw, Jane! Dadalhin mo ang mga gamit mo rito sa bahay, ha?! Wala kang magagawa dahil nakausap ko na ang mga magulang mo! Pagka-graduate niyo ay sabay kayong aalis papunta sa kanila!” 

Natigilan si Becca. Napatingin siya kay Jane. “M-Ma… h’wag naman po! Sorry na po! Please! Ayaw kong umalis dito!” 

“O-Opo, Tita. Promise! Susunod na po kami ni Becca!”

“At para ano? Para makipagkita ka pa rin sa babaeng ‘yon?” Nasapo ni Maria ang kaniyang noo. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa ‘yo, Rebecca! Diyos ko! Kulang pa ba ang mga aral sa simbahan para maunawaan mong kademonyohan ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae mo?!”

Lalong napahagulhol si Becca. Hindi siya nakasagot sa ina. Ang dami niyang gustong sabihin dito. Kagaya ng mali ito nang iniisip. Na mabuting tao si Sam at totoo ito sa nararamdaman para sa kaniya. Na masaya siya kay Sam. Ngunit alam niya na kapag sagutin niya pa ito ay lalo lang itong magagalit. Mas tumindi pa ang pangyayari noong dumating na rin ang kaniyang ama. 

“Sino ang babaeng ‘yon? Saan ang address niya?” mahinahon ngunit maawtoridad na tanong ni Fernando. 

“D-Daddy…”

“Sumagot ka, Rebecca!” utos ni Maria.

“Hindi tama ang ginawa niya! Guro siya sa unibersidad na pinapasukan mo tapos naging…” Nagmura si Fernando. “Kakasuhan ko siya ng rape!”

“Dad naman! H’wag naman po! M-Mabait naman po si Sam. Tsaka hindi naman niya ako pinilit. Nasa tamang edad na rin po ako kaya hindi niyo na siya makakasuhan!” 

“At sumasagot ka pa talaga?!” tanong ni Maria. 

Mabilis na hinawakan ni Jane ang kamay ni Becca at pinisil iyon. Tanda na pinapatahimik niya ito. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Fernando iyon. 

“Umamin nga kayong dalawa. Baka naman kayo ang may relasyon?” 

Mabilis na umiling si Jane. “Ho? Wala po, Tito!” 

“Hindi ko na alam, Fernando! Diyos ko! Ano ba ang ginawa nating kasalanan at ganito ang nangyayari sa mga anak natin?” Sinapo ni Maria ang kaniyang dibdib at napahagulhol. “Ang panganay mo ay iniisip na babae siya. Ito namang bunso mo ay nakikipagrelasyon sa kapwa niya babae. Diyos ko! Mapupunta silang dalawa sa impyerno! Diyos ko! H’wag naman po!” 

Tumikhim si Fernando. “H’wag kang mag-alala, Maria. Hindi ako papayag nag anito ang mangyayari sa anak natin. Bukas na bukas ay kakausapin ko ang Dean nila upang mapatalsik sa university ang babaeng iyon! Ayaw niyong ibigay ang address niya sa akin? Malalaman at malalam ko kung nasaan siya!” 

Lalong napaiyak si Becca. Gustohin man niyang pigilan ang ama ay wala siyang magawa. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang magagawa. 

“Please, Dad! H’wag niyo naman pong gawin ito kay Sam. Ginusto ko naman po—”

“Manahimik ka na!” sigaw ni Maria. Sasampalin niya sana ulit si Becca ngunit may humarang sa pagitan nila. Natigilan silang lahat noong makita ang ikalawan nilang anak. “Rico!” 

“Tama na, Ma!” naiiyak na sabi ni Rico. “Bakit ba hindi niyo na lang kami hayaan? Bakit ba hindi niyo kami matanggap?” 

Nagkatinginan ang mag-asawa. Maging sila Becca ay nalilito rin sa sinasabi ni Rico. 

“Umalis ka riyan, Rico! H’wag ka na sumali!” saway ni Fernando sa anak. 

“No, Dad! Hindi ako papayag na sasaktan niyo si Becca! Tama na ang ginagawa niyo kay Kuya! Tama na ang pananahimik ko!” 

“Ano ba, Rico?!” tanong naman ni Maria. 

“Bisexual din ako, Ma! Pa!” sigaw ni Rico. 

Natigilan silang lahat. Nasapo ni Jane ang kaniyang bibig. Si Becca ay napanganga. Habang ang mag-asawa naman ay nalilito lang na tiningnan ang anak. 

Huminga nang malalim si Rico. “N-Nagkagusto rin ako sa kapwa ko lalake, Dad. Ma. Pero nagmahal din ako ng babae. Matagal ko nang alam na ganito ako pero itinago ko iyon dahil natakot ako sa inyo. I broke up with my boyfriend when kuya Albert came out. Natakot ako na baka hindi niyo rin ako matanggap. Wala namang mali sa amin, Ma. Dad. We’re still your—”

“Walang hiya ka!” Agad na kinuwelyuhan ni Fernando si Rico at sinuntok sa mukha. Natumba ito sa sahig. “Bakla ka rin?! Hayop!” Akma sanang susuntukin ulit ni Fernando ang anak ngunit biglang sumigaw si Becca. Paglingon niya sa asawa ay nakakapit na ito sa dibdib at nahihirapang huminga. 

“Mommy!”


Chapters 36 to Epilogue











Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !