Chapters 26
Hindi malimutan ni Becca ang ikinuwento sa kaniya ni Sam. Ngayon ay naunawaan na niya kung bakit gano’n na lamang ang naging reaksyon nito noong tanungin niya ito tungkol sa pamilya nito. Kinuwento nito sa kaniya ang nangyari sa ama nito. Biglang naawa si Becca kay Sam dahil sa matindi pala ang pinagdaanan nito. Lalong lumaki ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito. Ngunit sa dam nang naikwento nito sa kaniya ay hindi nito na banggit pang muli ang tungkol sa ina lalong-lalo na sa mga kapatid nito. Pigil na pigil tuloy siyang tunungin ito tungkol kay Sasha.
“Jane, nakilala mo ba ang pamilya ng lahat ng mga naging boyfriend mo?” tanong ni Becca sa kaibigan. Nakaupo sila sa canteen at naghihintay para sa next subject nila. Kasalukuyang busy si Sam dahil naghahanda na ito para magturo. Hindi na nga ito ang kanilang adviser.
“Hindi. Bakit ko naman kikilalanin? Edi nakadagdag pa ng feelings ang family niya sa akin?”
Napanguso si Becca. Kahit kailan talaga ay wala siyang makukuhang maayos na sagot mula sa kaibigan. Ibinaba niya ang hawak na notebook at tiningnan si Jane.
“Seryoso nga. Paano kung iyong lalake o babaeng mahal mo na talaga? Tipong gusto mo nang makasama forever—”
“Ha?”
Napatigil si Becca sa pagsasalita dahil biglang tumawa si Jane. “Ano’ng nakakatawa?” inis na tanong niya.
“Forever?” Umiling si Jane. “Walang forever!”
Inirapan ni Becca si Jane. “Grabe ka! Meron kaya!”
“Sus! Tinamaan ka na talaga diyan kay Ms. Sam!”
“Ewan sa ‘yo! Pwede mo namang hindi na lang sagutin. Ang dami mo pa sinasabi.”
Lalong natawa si Jane. “Oo na!” Umayos siya nang upo at napaisip. “There was this man na naging boyfriend ko. Actually, hindi ko naman talaga siya boyfriend—sana. Kaso habang nagdi-date kami ay nakasalubong namin family niya. Ayon, bigla akong ipinakilala as his girlfriend.”
Nangunot ang noo ni Becca. “Tapos? Ano nangyari?”
Ngumuso si Jane. “E wala. Paano ba naman? Nagtanong agad kung kailan kami ikakasal! Duh?! Hindi ko pa nga natitikman kung masarap e!”
Natawa si Becca. “E bakit? Ayaw mo no’n? Gusto ka agad ng family niya?”
Umiling si Jane. “Okay naman. Kaso wala pa sa isip ko ang mga ganoong bagay. Masaya sa pakiramdam na ipinakilala ako sa family niya. Feeling ko ay ibang level na iyon. Ramdam ko rin naman na seryoso siya sa akin. Kaso… hindi ko pa talaga time para lumagay sa tahimik. Masyado pa akong bata, duh?”
Napaisip bigla si Becca. Sa pag-uusap nila ni Sam ay mukhang wala itong balak na ipakilala sa kaniya ang mga kapatid nito at ina. Napailing si Becca. ‘Baka naman nalimutan lang niya?’
Ilang araw ang lumipas ay dumating na ang araw na sinabi ni Shasha sa kaniya. Kagabi pa niya pinag-iisipan kung dadalhin niya ba roon si Sam o hindi. Natatakot siya sa maaring maging reaksyon nito.
“Pero family niya naman sila,” bulong ni Becca habang nakatitig sa repleksyon sa kaniyang tokador. Huminga siya nang malalim at kinuha na ang handbag. “Bahala na. Para sa kaniya naman ito!”
Lumabas na ng silid si Becca at hinanap ang mga magulang. Nakita niya ang ina na nasa kusina at nagluluto.
“Ma! Aalis na po ako.”
Napatigil si Maria sa paghalo ng pagkain. “Ha? Saan ka naman pupunta at ang aga-aga?”
Napangiwi si Becca. “Nagpaalam na po ako sa ‘yo, Ma. Inimbita kami ng classmate naming sa birthday.”
“Oo na! H’wag kang magpapagabi, ha? Alam mo naman ang tatay mo.”
“Opo, Mommy!”
Lumabas na ng bahay si Becca at pumunta kay Jane. Kasama niya ito hanggang sa magkita sila ni Sam para hindi mahalata ng mommy niya na may iba siyang lakad.
“Sama ka na kaya,” yaya ni Becca sa kaibigan.
“Saan?”
“Doon sa birthday ng mama ni Sam.”
Nangunot ang noo ni Jane. “May mama si Ms. Sam?”
“Malamang!”
“E… Wala kasi siyang nasabi, ‘di ba?”
Mabilis na inilagay ni Becca ang hintuturo sa may bibig at sinenyasan itong tumahimik. “Secret nga lang, ‘di ba?”
“Oo na nga! Wala rin naman talaga ako pupuntahan ngayon. Kung hindi lang kita kaibigan hindi na kita sinamahan sa gimik mo ngayon e.”
Napangiti si Becca. Kumapit na siya sa kamay ng kaibigan at magkasabay nang lumabas ng bahay. In-text na lamang niya si Sam na pumunta sa venue kung saan gaganapin ang birthday ng ina nito. Nangunot pa ang noo ni Becca noong makitang sa isang hospital sila napunta ni Jane.
“Dito ba talaga ‘yon?” nagtatakang tanong ni Jane.
“E, oo raw e.” Kinuha ni Becca ang papel na ibinigay sa kaniya ni Sasha. Magkaparehas ang pangalan ng venue na nakasualt sa papel at ospital. “Ito nga.” Sakto naman na biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis iyong kinuha ni Becca at sinagot ang tawag. “Sasha?”
“Ate Becca! Nasaan na kayo?”
“Ahm, dito sa ospital. Tama ba ito?”
“Oo! Kasama mo na ba si Ate Sam?”
“Hindi pa. Pero papunta na siya. Saan ba kami pupunta?”
“Akyat kayo sa 4th floor. Room 432. Visiting hours naman kaya okay lang. Nandito na rin iba naming kapatid! Maraming salamat, ate! Sobrang matutuwa si Mama kapag makita si Ate!”
“Ahm, okay. W-Walang anuman.”
“Basta secret muna, ha?”
Tumango si Becca. “Sure.”
“Andyan na si Ms. Sam!” ani Jane.
Mabilis na ibinaba ni Becca ang cellphone at hinanap ng mga mata si Sam. Napangiti siya noong makita ang papalapit nitong sasakyan sa kanila. Kumaway siya agad dito noong tumigil ito sa harapan nila. Bumaba si Sam na nakakunot ang noo habang nakatingin sa building na nasa harapan nila.
“What are we doing here?” nagtatakang tanong ni Sam.
Nagkatinginan sila Becca. “Ahm, Love. Pasok tayo?”
“Okay… i-park ko lang ang kotse ko.”
Ngumiti si Becca. “Sige.”
Muling bumalik si Sam sa sasakyan. Nagtataka man ay hinahayaan niya lang ang nobya. Pamilyar ang pangalan ng ospital sa kaniya. Hindi naman siya rito nagtrabaho noon ngunit hindi niya maalala kung saan niya ba narinig ang ospital. Noong mai-park na niya ang kotse ay muli na siyang bumalik kila Becca.
“Let’s go?” tanong ni Becca. Isinukbit niya kamay sa braso ni Sam.
“Sige.” Nag-umpisa na silang maglakad. “Ano ba ang ginagawa natin dito? May dadalawin ba tayo rito?”
“Hindi mo alam?” tanong ni Jane.
“Ha? Bakit ko naman malalaman?” taking tanong din ni Sam.
Pinandilatan ni Becca si Jane at sinenyasan itong manahimik. Napangiwi naman si Jane. “Ahm, wala, Love. May dadalawin tayo, oo. At sigurado akong ikatutuwa mo kung sino ‘yon.”
“Ako? Wala naman ako—”
“Basta! Wait ka lang! This is my gift for you.”
Nagkibit na lamang ng balikat si Sam. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang kinabahan dahil sa sinasabi ni Becca. Pinanatili niyang nakangiti ang sarili hanggang sa pumasok sila sa elevator at bumaba sa ika-apat na palapag. Habang naglalakad sila sa tahimik na hallway ay unti-unti niyang naririnig ang pamilyar na boses mula sa isang mga silid. May mga kasama ito at kumakanta ng happy birthday. Ilang sandali pa ay tumigil sila sa isang silid at kumatok doon si Becca. Agad iyong bumukas at bumungad ang nakangiting si Sasha.
“Sasha?” gulat na tawag ni Sam sa kapatid. Bahagya siyang napaatras dahil hindi na niya gusto ang kaniyang nararamdaman.
“Ate Sam! Mabuti nakarating na kayo!”
Agad na hinawakan ni Sasha ang braso ni Sam at hinila ito papasok ng kwarto. Pakiramdam ni Sam ay binuhusan siya nang malamig na tubig noong makita ang mga tao na nasa loob ng silid. Marahan niyang inalis ang kamay ni Becca na nakakapit sa kaniya at hindi makapaniwalang tiningnan ito.
“What… is the meaning of this, Becca?”
Napalunok si Becca. Bigla siyang nakaramdam nang kakaiba dahil sa ngiti ni Sam. Naniningkit na ang mga mata nito at naging seryoso ang ekspresyon.
“A-Ahh… kasi…”
“Ate Sam! Ano ka ba? Birthday ni Ma—”
“Shut up!” sigaw bigla ni Sam. Napapikit siya at huminga nang malalim. Nasa ospital sila at alam niya na hindi niya dapat gawin iyon. Pero pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya dahil sa matinding emosyon na nararamdaman.
“S-Samantha, anak?”
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Sam ang matandang nakahiga sa hospital bed. Maluha-luha ang mga mata nito at bahagyang nakangiwi ang bibig. Mabilis niyang inalis ang mga tingin dito at muling hinarap ang nobya.
Hindi naman alam ni Becca ang sasabihin. Pakiramdam niya ay nakagawa siya nang matinding pagkakamali kay Sam kung tingnan siya nito. Bigla siyang binalot nang pagkalito dahil sa inaasal ng nobya.
“S-Sam—”
Umiling-iling si Sam at naglakad na palabas ng kwarto. Naiwan si Becca na nalilito sa nangyayari.
Chapter 27
“Hala… galit ata si Ms. Sam, Becca,” nag-aalalang sabi ni Jane.
“Sasha! Ano bang ginawa mo?” tanong ni Samuel. Sunod na kapatid ni Sam sa ina.
Napalabi si Sasha. “G-Gusto ko lang naman magkita silang dalawa ni Mama.”
“E alam mo naman na Malaki ang galit ni Ate Sam kay Mama. Dinala mo pa rito? Nandamay ka pa!”
Napapikit si Becca. Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Unti-unti niyang hinarap si Sasha. Lumapit sa kaniya ang isa pang lalake.
“Miss? Ayos ka lang?” tanong ni Seth. Ikatlong kapatid ni Sam sa ina.
“I… I don’t know. Kapatid din kayo ni Sam?” tanong ni Becca.
Tumango si Seth. “Oo. Sa nanay. Ako si Seth. Siya si Kuya Samuel. Si Sasha. At siya naman si Mama.”
Tiningnan ni Becca ang matandang babae na nakaratay sa kama. Ngumiti ito sa kaniya kahit na nahihirapan ito dahil bahagyang nakangiwi ang bibig nito. Pakiramdam ni Becca ay madudurog ang kaniyang puso noong makitang lumuluha ito kahit na nakangiti.
“K-Kailangan ko munang…”
Umatras na si Becca at nagmamadaling lumabas ng silid. Hindi na siya kumamit ng elevator dahil sa pagmamadaling maabutan ang nobya. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niyang papalapit palang ito sa kotse nito.
“Sam! Wait!” sigaw ni Becca.
Napatigil naman sa paglalakad si Sam noong marinig ang boses nito. Bumuntonghininga siya at dahan-dahang naglakad muli palapit sa kotse.
“Sam!” Hinawakan ni Becca ang braso ni Sam. “Let’s talk!”
Ngumisi si Sam. Hinarap niya si Becca. “Talk? Becca hindi mo alam kung ano ang ginawa mo! Bakit mo ako dinala rito, ha?”
“I-I… Okay! I’m sorry. D-Dinala kita rito dahil nakiusap sa akin si Sasha. Birthday ng mommy mo. Sa tingin mo ba hindi ko gugustuhing makita mo ang sarili mong ina?”
“You don’t know anything, Becca! Hindi ko siya nanay, okay? Iyong babaeng ‘yon ay isang walang kwentang tao! Kaya wala kang karapatan na magdesisyon para sa akin!”
Napanganga si Becca. Unti-unti nang nangilid ang mga luha niya. “Tama ka. Hindi ko alam. Wala akong alam kaya sana sinasabi mo, ‘di ba?!”
“I already told you about what happened to me, Becca. Hindi pa ba enough ‘yon para hindi mo panghimasukan ang buhay ko?”
“Sorry na nga e!” Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Becca. “Akala ko kasi matutuwa ka kapag i-surprise kita rito! Akal ko magugustuhan mo—”
“Well, hindi! Ni minsan hindi ko ginusto na makita ang mga taong ‘yon! Hindi ko sila pamilya, okay? Wala na akong ina!” sigaw ni Sam. Sumakay na ito ng kotse at padabog na isinara ang pinto ng kotse.
Nasapo ni Becca ang bibig habang patuloy na umiiyak. Sinubukan niyang katukin ang bintana ng kotse ngunit binuhay na ni Sam ang kotse. Napaatras na lamang siya noong pinaandar na nito iyon. Sinubukan pang tawagin ni Becca ang nobya ngunit tuluyan na itong umandar palayo sa kaniya. Naiwang humahagulhol si Becca sa parking lot.
Ilang sandaling nanatili si Becca roon habang umiiyak. Nagsisisi tuloy siya na dinala niya roon si Sam. Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam niya sa kaniyang binabalak noon pa lang. Sana pala ay sinunod niya intuition niya.
“Becca!” tawag ni Jane sa kaibigan. Agad niya itong nilapitan at nag-aalalang niyakap.
“J-Jane… galit sa akin si Sam! Galit siya!”
“Aww… sshh…” Hinagod ni Jane ang likod ni Becca. Napatingin siya kay Seth na kasama niyang bumaba.
“Sorry, Becca. Dinamay ka pa ng bunso namin.”
Umiling lang si Becca at nagpatuloy na umiyak habang yakap-yakap si Jane. Ilang sandal sila roon at noong bahagya nang kumalma na si Becca ay inakay siya ng mga ito pabalik ng kwarto. Doon ay tahimik pa rin siyang umiiyak habang sinusubukang kontakin si Sam kahit nakapatay na ang cellphone nito.
“Babe, h’wag ka na umiyak. Sigurado naman maiintindihan ka ni Ms. Sam,” ani Jane. Panay pa rin ang paghagod nito sa likod ni Becca.
Umismid si Samuel. “Buti sana kung maintindihan talaga. E marinig lang no’n pangalan namin kumukulo na dugo no’n!”
Tiningnan ni Seth ang nakatatandang kapatid. “Hindi nakakatulong, Kuya.”
“Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Tsaka sino ba siya? Ano’ng relasyon mo sa ate namin?”
Humigpit ang hawak ni Becca sa cellphone. Dapat si Sam ang nagpapakilala sa kaniya sa mga ito. Bigla tuloy siyang nahiya na sabihin na girlfriend siya nito.
“Girlfriend ka ba ni ate Sam?” tanong ni Seth.
Dahan-dahang tumango si Becca.
“Hay naku! Ano ba kasing pumasok sa isipan mo, Sasha? Nandamay ka pa talaga?” inis na tanong ulit ni Samuel.
Nasa tabi na ng kama ng kanilang ina si Sasha. Hindi ito makatingin kay Becca dahil sa labis na hiya dahil sa nangyari. Alam naman niya ang magiging reaksyon ng ate niya. Hindi niya lang inakala na malala pala iyon at iiwanan pa ito sa ospital.
“Sorry na. Hindi ko naman in-expect na ganito ang mangyari,” bulong ni Sasha.
Huminga nang malalim si Becca. “O-Okay lang, Sasha. H’wag mo na isipin iyon,” nahihirapang sabi niya. “P-Pero pwede niyo ba i-explain bakit gano’n na lang ang reaksyon ni Sam?”
Nagkatinginan sina Seth at Samuel. Tinanguan ni Samuel ang kapatid bilang pagsabi na ito na ang magkuwento kay Becca. Tulog na rin naman ang kanilang ina kaya panatag na silang magkwento sa dalaga.
“Galit si Ate Sam kay Mama. Sinisisi niya si Mama sa pagkamatay ng tatay niya. Kung hindi raw ito umalis para sa ibang lalake ay hindi sana no’n gagawing saktan ang sarili. Kaya pati sa amin ay galit si ate dahil anak kami ni Mama sa ibang lalake.”
Nasapo ni Becca ang noo. “Ang tanga ko!” Muli siyang napaiyak. “H-Hindi ko alam…”
“Wala kang kasalanan, Becca. Hindi mo alam kaya h'wag mo na sisihin ang sarili mo,” ani Seth.
“True, Beshy. H'wag ka na umiyak. For sure naman maiintindihan ka ni Ms. Sam.”
“Pero galit na galit siya sa akin! P-Paano kung ayaw na niya ako kausapin dahil dito?”
Tumayo si Sasha at lumapit kay Becca. “H-H'wag kang mag-alala, Ate! Kakausapin ko si Ate!”
“Tama na, Sasha. Lalo lang gugulo kapag sumali ka pa,” saway ni Seth.
“Hindi ka na kasi nadala. Ilang beses ka na ba tinarayan no'n?” dagdag ni Samuel.
Napatungo si Sasha. Pinagsaklob niya ang mga kamay at muling napaluha. “G-Gusto ko lang naman sana maging ayos na sila ni Mama. Kasi… Kasi alam naman nating lahat na si Ate na lang hinihintay ni Mama e.”
Biglang nakaramdam ng awa si Becca sa mga ito nang marinig ang sinabi ni Sasha. Alam niyang mabuti ang intensyon ni Sasha. Ngunit mas importante pa rin para sa kaniya ang nararamdaman ni Sam.
Chapter 28
Hindi na namalayan pa ni Sam kung nakailang baso na siya ng alak. Ni hindi na nga siya umalis sa tapat ng bartender na nag-aalangan na kung bibigyan pa siya ng baso.
“One more,” nakatungong sabi n ani Sam.
“Miss, lasing ka na po.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Sam. Unti-unti siyang nag-angat ng ulo at dinuro ang bartender.
“Trabaho mo bang mangialam?”
Napatungo ang bartender. “Bar policy kasi na h’wag nang—”
“I’m paying you! Wala kang pakealam kung gusto kong magpakalango ngayon! Just give me a damn alcohol!” sigaw na ni Sam. Bahagya niya pang hinampas ang counter kaya napatingin na rin sa kaniya ang ibang mga customer. Magsasalita pa sana si Sam ngunit nakaramdam siya bigla nang pagbaliktad ng kaniyang sikmura. Nagmamadali siyang tumayo at pagewang-gewang na naglakad papuntang banyo. Agad siyang pumasok sa isang cubicle at doon ay sumuka. Halos maubos na ang lahat ng kaniyang ininom at kinain kanina dahil sa pagsusuka.
Noong mahimasmasan si Sam ay nanghihingnang napaupo siya sa sahig ng banyo. Mabuti na lamang ay tuyo iyon at malinis kaya hindi siya nandiri. At kahit na gano’n pa madumi na ang hitsura niyon ay hindi na ito mapapansin pa ni Sam dahil sa labis na kalasingan. Ilang sandaling nakapikit ang kaniyang mga mata hanggang sa bigla na lamang siyang napahagulhol.
Napakasakit para sa kaniya ang ginawa ni Becca. Pakiramdam niya ay trinaydor siya nito. Sa tanang buhay niya ay hindi na niya ginusto pang makita ang ina. Kahit na mamatay pa ito ay wala na nga siyang pakealam. Sa katunayan kaya nga siya nagbibigay pa rin dito ng pera para ipamukha sa ina na kahit inabanduna siya nito ay nagawa pa rin niyang tumayo sa sariling paa. Walang katumbas ang hinanakit na nararamdaman niya para dito. Ang hindi lang niya maunawaan ay bakit iyon nagawa ni Becca kahit na naikuwento na niya rito ang nangyari sa kanila noon. Hindi ba nito naisip na ayaw niyang makita ang ina? Na galit na galit siya rito? Bakit pa rin nito hinayaang magkita sila? Ni sa hinagap ay hindi niya inakala na masasaktan siya nang ganito ni Becca.
Noong bumuti na ang pakiramdam ni Sam ay tumayo na siya at lumabas ng banyo. Hindi na siya bumalik pa sa counter at dere-deretso nang lumabas ng bar. Sa kaunting malay na mayroon siya ay pinilit niyang magmaneho hanggang makauwi ng unit niya. Napailing pa siya noong makitang naroon pala si Trisha at naghihintay sa kaniya.
“What are you doing here?” walang ganang tanong ni Sam. Hinubad niya ang suot na t-shirt at walang pakealam na itinapon iyon sa sahig. Naglakad siya papunta sa silid.
Ngumiti si Trisha at sumunod kay Sam. “I heard what happened.”
Napatigil si Sam sa paghubad ng pantalon at nilingon si Trisha. “What happened?”
Iniikot ni Trisha ang mga mata. “It’s your mom’s birthday. Dinalaw ko siya today at nalaman ko na pumunta ka pala.”
Nag-iwas ng tingin si Sam. Tuluyan na niyang hinubad ang suot na pantalon. Naiwan na lamang ang underwear niya. “Hindi ko ginustong pumunta roon.”
“Yeah, right. Ikaw pa ba?” Napailing si Trisha. “Bakit kasi ayaw mo na lang pumirmi sa akin? Sino na naman ba ang babae mo, ha?”
Tumigil si Sam bago pa siya makapasok ng banyo. “Pwede ba, Trish? I don’t have time for that. Masakit ang ulo ko.”
Imbes na makinig ay napailing lang si Trisha. Nag-umpisa na rin itong maghubad ng damit at lumapit kay Sam. Niyakap niya ito mula sa likuran at binigyan nang mumunting halik ang batok nito.
Napasinghap naman si Sam at napapikit dahil sa kilabot na naramdaman. Hinawakan niya ang mga braso ni Trisha noong mag-umpisa itong maglikot.
“Go, Tisha. I want to be alone.”
“Hmm? You really want me out now?”
Napaungol na si Sam noong dinilaan ni Trisha ang likod ng kaniyang tainga. Magmula noong maging nobya niya si Becca ay wala na siyang ibang babaeng naging karelasyon. Ilang beses siyang sinubukang akitin muli ni Trisha ngunit hindi siya rito bumibigay. Kahit na tinatakot siya nito na magsusumbong sa kaniyang ninong ay mas nananaig pa rin ang pagmamahal niya kay Becca. Ngunit ngayon… pakiramdam niya ay unti-unting natitibag ang pader na binuo niya. Para siyang unti-unting nahihila ng tuksong matagal na niyang nilayuan.
“Trisha…”
“Aalis ako, Sam. Sabihin mo lang… kung talagang ayaw mo ako rito.”
Napalunok na si Sam. Napakagulo ng kaniyang isipan ngayon. Masyado siyang nilalamon ng galit at pagkadismaya dahil sa nangyari kanina. At dahil doon ay hindi na niya naisip pa ang nobyang patuloy na umiiyak ngayon. Hinila niya ang kamay ni Trisha papasok ng banyo at tinulak ito sa pader. Saka walang ano-anong siniil ito ng halik.
Chapter 29
Maagang nagising si Becca kinabukasan. Balak niyang puntahan si Sam upang kausapin ito bago pumasok sa first subject nila. Namumugto pa ang mga mata niya kaya nagsuot siya ng sunglasses para lang hindi mapansin ng ina. Ngunit hindi pa rin siya rito nakaligtas noong papalabas na siya ng bahay.
“Becca? Hindi ka ba mag-aalmusal?”
Tumikhim si Becca. “H-Hindi na po, Mommy.”
Umarko ang kilay ni Maria. “Bakit paos ka? Ano’ng nangyari sa ‘yo? Tsaka bakit nakasuot ka ng salamin e madilim pa sa labas? Madaling araw pa lang, o?”
Napangiwi na si Becca. “E-E kasi kailangan po namin ito ngayong araw. Sige, Mommy! Babye po!”
Hindi na hinintay pa ni Becca na magsalita pa ang ina. Dali-dali siyang naglakad papalabas ng bahay at hindi na lumingon pa sa loob. Sakto naman na may taxi na papadaan sa harapan niya kaya agad niya iyong pinara. Ni hindi na niya pinuntahan pa si Jane upang Samahan siya. Kailangan niyang makausap mag-isa si Sam ngayon. Kung kailangang lumuhod siya sa harapan nito para humingi ng tawad ay gagawin niya.
Rinig na rinig na ni Becca ang pagtambol ng kaniyang dibdib habang naglalakad sa pasilyo ng condo kung nasaan ang bahay ni Sam. Maliwanag na noong dumating siya roon pero panatag pa rin siya na makikita niya pa rin doon si Sam. Alas otso naman kasi ang pasok nito sa unibersidad. Hindi na nag-doorbell pa si Becca at kusa nang pumasok sa loob. Alam niya ang pin code ng bahay nito kaya naging madali iyon sa kaniya. Nangunot pa ang noo niya nang makita ang t-shirt ni Sam sa sahig. Agad niya iyong kinuha at ipinatong sa lamesa. Hinubad niya ang suot na sunglasses saka naglakad papunta sa kwarto. Nagulat pa siya noong kusa iyong bumukas at may babaeng papalabas sana. Halatang nagulat din ito dahil nanlaki ang mga mata.
“Fuck! Who are you?!” tanong ni Trisha.
Napaawang ang bibig ni Becca. Pakiramdam niya ay may tumarak sa kaniyang dibdib noong makita ang hitsura ng dalagang nasa harapan niya. Naalala niya kung sino ito. Ito ang babaeng kumanta sa School festival nila noon. Ngayon ay nakapulupot lamang ang kumot sa katawan nito na sa hinala ni Becca ay wala ring saplot.
“S-Sino ka?” balik-tanong ni Becca.
Napanganga rin si Trisha. Magsasalita na sana siya noong mapagtanto niya kung sino si Becca. “So, it’s you, huh? Ikaw ang bagong kinalolokohan ni Sam ngayon? Ikaw din ang rason kung bakit siya nasasaktan ngayon!” Dinuro niya si Becca.
Napaatras naman ang dalaga. “Ahm, sorry pero hindi ikaw ang pinunta ko rito. Nasaan si Sam? Kailangan ko siyang makausap,” may riing sabi ni Becca. Ayaw niya munang isipin kung anong mayroon sa dalawa sa ngayon. Ang kailangan niya ay makausap si Sam.
“She’s not here, okay? At saka pwede ba? Layuan mo na si Sam! Hindi ka nakabubuti sa kaniya! Look what you did to her? Sa tingin mo ba nakatulong ang pagdala mo kay Sam sa nanay niya? You know nothing, Bitch!”
Nangilid na ang mga luha ni Becca. Sandali niyang iniiwas ang tingin kay Trisha dahil pakiramdam niya ay nanginginig na rin ang kaniyang mga tuhod. Oo, mali ang ginawa niya. Nagkamali siya at tinatanggap niya iyon. Kaya nga siya nandito upang humingi ng tawad kay Sam at hindi sa kung sinong babaeng nasa harapan niya. Muli niyang tiningnan si Trisha.
“H-Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa inyo ni Sam. Pero girlfriend ako ni Sam. Kaya excuse me!” Marahan niyang itinulak si Trisha at tuluyang pumasok ng silid. Inilibot niya ang mga mata sa silid at tuluyang napaiyak. Wala si Sam sa loob. Pero hindi maikakaila kung ano ang nangyari sa loob ng silid na iyon. Walang saplot si Trisha. Nagkalat ang mga damit sa sahig. Huminga siya nang malalim at mabilis na pinunasan ang mga luha. “N-Nasaan si Sam?”
Ngumisi si Trisha. Hinawakan niya ang balikat ni Becca at pinihit ito paharap sa kaniya. Pagkatapos ay walang ano-anong sinampal ito sa pisngi. Halos mitumba na si Becca dahil sa ginawa niya.
“Gumising ka nga! Hindi ka girlfriend ni Sam. You are just a play thing and you played well! Kaya ngayon ay tumigil ka na dahil ako ang tunay na girlfriend ni Sam!”
Nasapo ni Becca ang pisngi. Magsasalita sana siya ngunit mas lumapit pa si Trisha sa kaniya hanggang sa gadangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha.
“And you probably know me, right?”
Nangunot ang noo ni Becca. Wala siyang ideya kung sino si Trisha ngunit base sa kaniyang nasaksihan noong concert ay halatang hindi ito ordinaryong tao. Mababakas din sa mukha nito ang kompyansang hindi niya mawari kung saan nagmumula. Siya ang girlfriend ni Sam pero kung umasta ito ay para bang ito ang nobya ni Sam!
“I don’t like sharing what’s mine. So, if you want to live a peaceful life. Layuan mo si Sam!”
“What is happen—Becca?”
Nabuhayan si Becca noong marinig ang boses ni Sam. Nasa may pinto ito ng kwarto at gulat na tinitingnan siya. Marahan niyang itinulak si Trisha palayo at lumapit kay Sam.
“Sam!” Napaiyak na si Becca. Hinawakan niya ang kamay nito. “S-Sorry. Hindi ko alam na ayaw mo palang makita ang mama mo. Sorry talaga, Sam! Hindi ko sinasadya!”
Natigilan si Sam noong biglang lumuhod si Becca ngunit nanatiling walang emosyon ang kaniyang mukha. Muli siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib noong makita ang lumuluhang mga mat ani Becca. Ayaw na ayaw niyang umiiyak ito. Pero mas nananaig ang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon.
Hinawakan ni Sam ang magkabilang braso ni Becca at tinayo ito. “Go home.”
“P-Pero, Sam—”
“Umalis ka na, Becca!” singhal ni Sam dito.
Napaatras naman si Becca dahil sa gulat. Noong makabawi ay luluhod sana siya ulit ngunit pinigilan na siya ni Sam.
“I told you to stop, Becca!”
Napahikbi si Becca. “P-Please, Sam. Sorry! I’m really sorry!” Sunod-sunod siyang umiling. “H-Hindi ko na ulit gagawin iyon! I’m sorry, please!”
Umiling din si Sam. “Wala na, Becca. Nangyari na. Pero alam mo? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo ‘yon nagawa? How dare you?”
“A-Akala ko kasi iyon ang makabubuting gawin. Pagkatapos kong marinig ang kwento mo. Akala ko iyon lang ang hinihintay mo. I’m sorry! Hindi ko alam na malalim pala ang—”
“Of course, Becca! She’s the reason why my dad killed himself! Siya ang rason kung bakit ako ngayon nag-iisa! Sa tingin mo ba talaga gugustuhin ko pa siyang makita, ha?”
Muling napahagulhol si Becca. Pinagsaklob niya ang mga kamay at akma sanang hahawakan si Sam. Ngunit hinawakan ni Trisha ang kamay niya at tinulak palayo kay Sam.
“This is a waste of time, Sam! Paalisin mo na siya!” maarteng sabi ni Trisha.
Hinawakan ni Sam ang braso ni Becca at hinila ito palabas ng kwarto. Dinala niya ito hanggang sa makalabas na sila ng bahay niya.
“Go home, Becca. I can’t talk to you right now.”
“P-Pero—”
“Please?! I don’t want to see you anymore!”
Pakiramdam ni Becca ay binuhusan siya ng malamig na tubig. “S-Sam… h’wag naman ganiyan. A-Akala ko ba—”
“I can’t be with someone na hindi ako maintindihan.”
Iyon lamang at isinara na ni Sam ang pinto ng bahay niya. Naiwan si Becca sa labas na nalilito at halos madurog na sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman.
Gano’n na lang iyon? Hindi manlang siya pakikinggan ni Sam? Akala niya ba mahal siya nito? Bakit parang ang dali lang nitong bitawan siya? Iyan ang mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Becca. Mahal na mahal niya si Sam. Ito ang una niyang inibig at ito rin ang huli niyang mamahalin. Ngunit dahil sa nangyari ay paano na?
Chapter 30
“Jane! Ano na ang gagawin ko?” humahagulhol na tanong ni Becca. Yumakap siya sa kaibigan. Magmula noong huling nakausap ni Becca si Sam ay wala na siya halos tigil sa pag-iyak. Pinakiusapan pa nga niya si Jane na ipagpaalam siya sa kanila na sa bahay muna siya nito tutuloy. Ayaw niyang makita siya ng ina na nagluluksa dahil mas lalaki ang kaniyang problema.
Sa bilis nang pangyayari ay hanggang ngayon hindi matanggap ni Becca ang naging desisyon ni Sam. Hindi niya matanggap na para bang ang bilis lang nitong kalimutan ang kanilang pinagsamahan. Alam niyang nagkamali siya. Tanggap niya na galit ito sa kaniya. Ngunit bakit parang labis naman ang ginawa nito sa kaniya?
Naiikot ni Jane ang mga mata. “Forget about her! Ang kapal ng mukha niya, ha? Isang araw pa lang kayo nagkagalit ay may bago na siya? You don’t deserve her, Becca!” galit na sabi nito. Naikwento kasi ni Becca rito ang tungkol kay Trisha kaya galit na galit ito. Hindi ito makapaniwala na nagkaroon agad ng babae si Sam.
“Mahal ko siya, Jane. Hindi naman gano’n kadaling kalimutan siya e!”
“Seryoso ka ba? May bago na nga, ‘di ba? Sino nga ba ang babaeng ‘yon? Hanapin ko siya sa social media.”
Napasinghot-singhot si Becca. Pinunasan niya ang mga luha. “I-Iyong kumanta sa concert. ‘Yong seksing babae. Iyong Navarro?”
Napaisip si Jane. “Navarro?” Nasapo nito ang bibig. “Seryoso?! Si Trisha Navarro?”
“Bakit? Sino ba siya?”
Pumindot-pindot si Jane sa kaniyang cellphone. Ilang sandal pa ay ipinakita nito ang screen kay Becca. Nakakunot ang noo na tiningnan ni Becca iyon. Nakita niya agad ang larawan ni Trisha sa screen. Bahagya niyang in-scroll ang feed at nakita niya ang ilang mga information tungkol sa dalaga.
“A-Anak siya ng may-ari ng university natin?”
Tumango si Jane. “Yes. Bukod do’n ay sikat na influencer slash singer din siya. Marami siyang followers! Hindi mo ba talaga siya kilala?”
Umiling si Becca. “Hindi—” Biglang bumalik sa alaala niya noong unang araw na may nangyari sa kanila ni Sam. Doon niya napagtanto na ito ang babaeng na abutan niya sa clinic. Muling nangilid ang mga luha niya. “N-Niloko niya ata ako, Jane.”
“Right! Tingnan mo? Matagal na silang magkakilala ni Trisha. Kita mo ‘to? Galing ‘to sa account ni Trisha.”
Muling tiningnan ni Becca ang cellphone ni Jane. Nakita niya roon ang isa namang larawan ni Trisha na kasama si Sam. Nakayakap si Trisha kay Sam at malapad ang mga ngiti. Habang si Sam naman ay nakatingin lang sa camera. Noong tingnan niya ang date kung kailan na i-post ang larawan ay mas matagal na iyon kaysa sa una niyang nakilala si Sam. Pakiramdam niya ay mas lalong gumuho ang kaniyang mundo. Inilayo ni Becca ang cellphone at umiling.
“H-Hindi naman siguro. Baka magkaibigan lang sila.”
“Duh? Magkaibigan? May kaibigan bang natutulog nang walang saplot sa kama ng kaibigan niya?”
“B-Baka naman—”
“Pwede ba, Becca?! Tama na, okay? Hindi ka ba nagtataka kung bakit gano’n gano’n na lang para sa kaniya ang relasyon niyo? Kung bakit parang ang bilis niyang bumitaw? Oo, nandoon na tayo na nagkamali ka. Tayong dalawa. Pero grabe naman ang naging desisyon niya agad. Tapos may babae na siya agad na bago? Malikot din naman, aaminin ko. Pero hindi ako pumapatol sa iba kung alam kong may commitment pa ako sa iba! Kaya ikaw, gumising ka na! Marami ka pang makikitang babae or lalake diyan!”
Wala nang na isagot pa si Becca dahil sa mahabang litanya ng kaibigan. Dahil kung iisipin ay napakadali lang naman talaga para kay Sam na iwanan siya. Gusto pa rin niyang umasa. Ngunit habang unti-unti siyang kumakalma ay unti-unti niya ring napagtatanto ang lahat.
Kinabukasan ay pumasok na namumugto pa rin ang mga mata ni Becca. Tulala lang siya habang nakikinig sa kanilang professor. Pilit niyang inunawa ang mga sinasabi ng mga ito ngunit wala talagang pumapasok sa kaniyang isipan. Kaya noong mag-break sila ay pumunta siya sa clinic para sana muling kausapin si Sam. Nabuhayan siya noong makita roon ang dalaga. Wala itong pasyente kaya dali-dali siyang pumasok at isinara ang pinto. Agad na binalot ng kaba si Becca noong magsalubong ang kanilang mga mata. Bahagya pa siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil napakalamig ng mga titig nito sa kaniya.
“What—Becca.”
Lumapit si Becca kay Sam. “S-Sam, please? Mag-usap naman tayo nang maayos, oh?” pakiusap niya.
Napabuga ng hangin si Sam. Tumayo siya at dinala ang isang folder sa cabinet. “I’m bussy.”
“Okay lang. Pwede naman tayong mag-usap ng ganito.”
Tiningnan ni Sam si Becca. “What do you want, huh? Hindi pa ba sapat ‘yong ginawa mo sa akin?”
Tuluyan nang napaluha si Becca. “Sorry. Nasaktan kita, Sam. H-Hindi ko ginusto iyon. Hindi ko sinasadya. Pangako hindi ko na ulit gagawin iyon. I’m really sorry.”
“Hindi mo alam? Hindi mo ba naintindihan iyong sinabi ko sa ‘yo noon? Becca, my mom ruined my life. Sana manlang kasi tinanong mo muna ako bago ka nagdesisyon!”
Muling lumapit si Becca kay Sam. Hinawakan niya ang isang kamay nito. “Okay. Promise! Hindi ko na siya babanggitin. Hindi ko na kakausapin ang kapatid mo kapag makita ko siya. Promise! Please? H’wag mo lang gawin ‘to. H-Hindi ko kaya na wala ka, Sam. Mahal na mahal kita!”
Nakagat ni Sam ang labi. Nag-iwas siya ng tingin dahil nangingilid na rin ang kaniyang mga luha. Sa katunayan ay naging mahirap din naman para sa kaniya na hindi niya nakikita si Becca. Na hindi niya ito nakakausap kahit manlang sa telepono. Ngunit mas nangingibabaw ang galit niya dahil sa ginawa nito.
“I… I-I feel betrayed, Becca. Ikaw iyong pinaka pinagkakatiwalaan kong tao sa ngayon. Pero pakiramdam ko bigla ay nagkamali ako. I know, you may think that I’m being unreasonable to my mom. But she did this to me. At hindi ko pa siya ulit kayang makita. Sana naman ay irespeto mo iyon.”
Sunod-sunod na tumango si Becca. Yumakap na rin siya kay Sam nang mahigpit habang humahagulhol pa rin.
“Okay! I promise! Patawarin mo lang ako, Sam! Please! Kakalimutan ko sila. Lahat! Ayusin lang natin ito, please!”
Napaluha na rin si Sam. Mahal naman niya si Becca. Masakit lang ang ginawa nito sa kaniya. Pero bakit nga ba niya ito kinagagalitan? Hindi naman si Becca ang kaniyang ina. Huminga nang malalim si Sam at niyakap na rin si Becca.
“S-Sorry,” mahinang sabi ni Sam. “N-Nasasaktan lang talaga ako.”
Umiling si Becca. Kumapit siya sa leeg nito at hinalikan ito sa pisngi. “I know. Kaya sorry. Magmula ngayon ay magiging mas maingat na ako.” Sinapo niya ang pisngi ni Sam at nginitian. “Thank you. I love you.”
Ngumiti na rin si Sam. Hinawakan niya ang kamay nitong nakasapo sa kaniyang pisngi. “I love you.” Nagpatong ang kanilang mga noo habang patuloy pa ring umiiyak. Sa lahat ng mga naging karelasyon ni Sam ay si Becca lang ang nagbigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Na tanggap siya nang buo kahit na ang nakaraan niya. Mali siya, maling-mali na sinaktan niya rin ito. Kaya napagdesisyonan ni Sam na itatama niya ang lahat. Ngayon ay wala na siyang ibang pipiliin kundi si Becca lamang.

