Chapter 21
Mahigpit ang hawak ni Rebecca sa kaniyang mga kamay habang nakatungo at pilit na iniiwasan ang mga tingin ng nakatatanda niyang kapatid. Si Sam naman ay nasa tabi niya rin na hindi malaman kung ngingitian ba ang binabaeng masama ang mga titig sa kaniya. Si Jane ay nasa kabilang upuan kung saan katabi ang lalakeng tinawag nito na samahan din siya noong gabi.
Huminga nang malalim si Albert at lalong nagdilim ang mukha. Ni hindi kakakitaan ng kahit anong kalambutan ang kaniyang mga kilos ngayon dahil nagpupuyos sa galit ang kaniyang dibdib. Hindi siya makapaniwala na ang bunso niyang kapatid na pinakamamahal niya ay hubo’t hubad sa ibabaw ng kama. At higit sa lahat ay kapwa nitong babae ang kasama nito.
“Rebecca Mendoza! Ano ‘to? Diyos ko! Gusto mo bang magka-wrinkles ako dahil sa ‘yo?! Kaka-facial ko pa lang kahapon tapos stress naman ang ibibigay mo sa akin today?! Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, ha?!” mahabang litanya ni Albert. Pumipilantik pa ang mga kamay nito at mataas ang boses dahil sa sobrang emosyon. Tiningnan nito si Sam. “Ikaw! Sino ka ba? Paano kung mabuntis mo ang kapatid ko?! Kaya mo ba siyang panagutan, hmm?!” Umarko ang kilay nito.
Napaupo nang kaunti si Sam. Si Rebecca naman ay napangiwi sa sinabi ng kapatid.
“Kuya… ano ba ‘yang sinasabi mo? Hindi naman ako—”
“Ay wala akong pakealam! Dapat panagutan mo ang kapatid ko!” ani Albert at umaktong umiiyak.
Pinigilang tumawa ni Rebecca. “K-Kuya naman…”
Tumikhm si Sam. “Ahm, h’wag po kayong mag-alala. Pananagutan ko si Rebecca.”
“Ay dapat lang! Uubusin ko ang lahi niyo kapag pinaiyak mo ‘to! Dapat pakasalan mo ‘to!”
Hindi na napigilan pa ni Rebecca ang sarili. Natawa siya dahil sa ekspresyon ng kapatid at sa uri ng pagkakasalita nito. “Kuya, ano ba? Hindi naman ako mabubuntis e!”
“So gusto mo ‘yong mabubuntis ka para panagutan ka?”
“Hindi naman sa gano’n. Ano kasi, ang lakas ng boses mo. Baka marinig ka na nila Mommy.”
“Oo nga, Mamu. Alam mo naman sila Tita!” sabat ni Jane. Pero agad itong nag-iwas ng tingin dahil sinamaan ito ng tingin ni Albert.
“Hay naku! Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa inyong dalawa! Tatanda ako agad dahil sa inyo e!” ani Albert. Muling inayos nito ang buhok sa tainga at huminga nang malalim.
Tumikhim si Sam. “Ahm, h’wag po kayong mag-alala. Seryoso ako kay Rebecca kung iyan ang pinag-aalala niyo. I… love her and want to spend the rest of my life with her.” Tiningnan niya si Rebecca at kinuha ang kamay.
Nagulat si Rebecca dahil sa sinabi ni Sam. Hindi siya agad nakakilos dahil sa biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Ramdam niya rin ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi dahil sa kilig na nararamdaman. Unti-unti siyang napangiti habang nakatitig sa mga mata ni Sam.
“Hindi naman ‘yan ang problema ko e. Alam mo naman kung paano ako pagsalitaan nila Mami, Becca. Bakit ka pa naging bakla kagaya ko?”
Biglang bumalik sa reyalidad si Rebecca. Nawala ang mga ngiti niya at napalitan ng lungkot. Umayos siya ng upo. Alam naman niya ang sitwasyon nila. Ngunit pagdating kay Sam ay hindi talaga niya mapigilan ang sarili.
“Ipaglalaban ko si Rebecca.”
Kumislot ang puso ni Rebecca dahil sa sinabi ni Sam. Ngunit alam niya na isa pa rin iyong kahibangan. Alam niya na dadating ang araw na kakailanganin niyang mamili. Kaya kung ano man ang mayroon sila ngayon ay pipilitin niyang maging masaya muna sila. Tumayo si Rebecca at hinila ang kapatid papunta sa kwarto sa itaas upang magkausap sila ng pribado. Doon ay pinakatitigan maigi ni Rebecca ang nakatatandang kapatid.
“Kuya… please?”
Huminga nang malalim si Albert. Hinila niya ang kapatid paupo sa kama at inakbayan ito. “Baby girl, alam mo naman na hindi kita pipigilan, ‘di ba? Masaya ako na kilala mo na ang sarili mo at tinanggap mo na ngayon kung sino ka. Kaso ayaw kong maranasan mo ang nararanasan ko sa parents natin. Ikaw na lang ang rason bakit hindi ako naalis sa bahay. You know that, right?”
Nangilid ang mga luha ni Rebecca. Yumakap siya sa kapatid. “O-Opo. Pero gusto ko po si Sam, Kuya. Pinigilan ko ang sarili ko, promise! Kaso hindi ko kaya. I like her so much, kuya!”
Hinagod ni Albert ang likod ng kapatid at bahagya pang humuni na pinapatahan ito. “I know. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo ngayon, Baby girl. H’wag kang mag-alala. Si Kuya ang kakampi mo, okay? Hinding-hindi ko hahayaan na maranasan mo ang naranasan ko. Ipagtatanggol kita. Be happy.”
Tuluyang napaiyak si Rebecca dahil sa tuwa. Hindi madali aminin sa lahat ang tungkol sa kaniyang kasarian. Ngunit sigurado siya na makakayanan niya dahil kasama niya ang kaniyang kuya. Darating din ang panahon na matatanggap din sila ng magulang nila.
Chapter 22
Hindi mawala-wala ang mga ngiti ni Sam habang nagmamaneho pabalik sa kanityang bahay. Labis ang kaniyang galak dahil sa nalaman na tanggap siya ng kapatid ni Rebecca. Kahit na ito ay kapatid lamang ng kaniyang nobya ay masaya pa rin siya. Mas lalo tuloy lumakas ang kaniyang loob.
Ipinara ni Sam ang sasakyan sa loob ng parking lot ng building na kaniyang tinitirahan. Ngunit hindi pa man siya nakabababa ay may biglang kumatok sa bintana ng kaniyang sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya noong makita si Tricia roon na malapad ang mga ngiti at kumakaway-kaway pa sa kaniya. Dali-daling binuksan ni Sam ang pinto ng kotse at lumabas doon.
“Babe! I miss you!” bati ni Tricia kay Sam at agad na yumakap sa baywang nito. Hahalik pa sana ito ngunit mabilis na hinawakan ni Sam ang braso nito at bahagyang tinulak.
“What are you doing here, Tricia?” kunot-noong na tanong ni Sam.
“Huh? Why not?”
Hinawakang muli ni Sam ang braso ni Tricia at marahan itong hinila papalapit sa kotse nito. “Leave!” may riing sabi niya.
Pilit namang inagaw ni Tricia ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Sam. “Why?”
Napahinga nang malalim si Sam. Tiningnan niya nang mariin si Tricia. “Hindi ka pwede rito, Trish. Leave.”
Umarko ang kilay ni Tricia. Pinagkrus niya ang mga braso at tiningnan mula ulo hanggang paa si Sam. Ilang sandali pa ay ngumisi siya nang hindi makapaniwala. “You have a girl in your house, right?”
“Huh? Ano’ng pinagsasabi mo?”
“You are acting weird right now! Sabihin mo nga. Saan mo na naman napulot ang babae mo? Sino ang babae mo?”
“I don’t have time for this. Umalis ka na.”
Tinalikuran ni Sam si Tricia at inis na naglakad na papunta sa elevator. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay hinawakan nito ang kaniyang braso.
“No! Hindi ako papayag, Sam! We had an agreement!”
Huminga nang malalim si Sam. Binawi niya ang kamay mula kay Tricia at tumango. “You know what, you’re right. Mag-usap tayong dalawa!”
Ngumiti nang malapad si Tricia. Mabilis siyang kumapit sa braso ni Sam at hindi inintindi kahit na masama ang mga tingin sa kaniya ng dalaga. “Let’s go,” magiliw pang sabi nito.
Hindi na lamang sumagot si Sam at hinayaan ang dalaga na nakakapit sa kaniyang braso. Naglakad na sila papasok ng elevator. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa kaniyang bahay. Agad siyang kinabig ni Tricia upang halikan ngunit marahang tinulak ang dalaga paupo sa sofa. Magsasalita sana ito ngunit inunahan ito ni Sam.
“We are here to talk, Tricia.”
Humalukipkip si Tricia at pinagkrus ang mga braso. “Fine! Ano ba ‘yon?”
“Kung ano man ang iniisip mo na pinag-usapan natin ay tapusin na natin, Tricia. We can’t continue doing this kind of relationship.”
Nangunot ang noo ni Tricia. Ilang sandali siyang nakipagtitigan kay Sam. Huminga siya nang malalim at nag-iwas ng tingin. “Are you breaking up with me?”
“We are not even in relationship anymore, Tricia. Ang gusto ko lang ay itigil na ito, okay?”
Umawang ang bibig ni Tricia at humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad. “Why? May bago ka nang kinakalantari?”
“Stop saying that.”
“No! I know you, Sam. Sino ba siya, ha? Are you finally in love with her kaya gusto mo nang magseryoso?” Tumawa si Tricia. “Ikaw? Magseseryoso? Fuck that!”
“Tricia—”
“Sabi ko naman sa ‘yo. I’m fine with whatever set up you want us to have. Kahit magkaroon ka pa ng lalake ay wala akong pakealam. As long as you’ll be there whenever I needed you.” Tumayo si Tricia at hinawakan ang mga kamay ni Sam. Inilagay niya iyon sa kaniyang baywang at saka kumapit sa leeg nito. “You don’t want my father to be mad at you, right?”
Napamura sa kaniyang isipan si Sam. Umiwas siya ng tingin kay Tricia. Alam na alam nito ang kaniyang kahinaan. Alam nito na hindi niya kayang saktan ang damdaman ng kaniyang ninong.
“Shut up,” bulong ni Sam.
Ngumiti si Tricia at hinalikan sa pisngi si Sam. “You can do whatever you want, Sam. But don’t forget that you are mine.”
‘Fuck,’ bulong ni Sam. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit ni Tricia. Hindi na siya nakaangal pa noong hinalikan siya ni Tricia sa labi.
Chapter 23
“Ayos na ba ang lahat?” tanong ni Rebecca sa mga kasama. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaklase niya kung nakasuot ba ang mga ito ng tamang t-shirt. Ngayon na ang concert. Parami na nang parami ang mga tao kaya kailangan na nilang maging handa.
“Okay na, Besh,” tugon ni Jane.
Tumango si Rebecca. “Okay. Alam niyo na kung saan kayo nakatoka, ha?”
“Yes, Vice!”
Tipid na napangiti si Rebecca. Nagpulasan na silang magkakaklase at pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto. Lumapit naman si Rebecca sa leaders ng ibang section upang makipag-usap. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang concert. Halos mapuno na ng mga estyudante ang cover court ng university. Bukod sa kanila na magbabantay sa paligid ay may mga guards din na naroon. Kaya hindi sila mahihirapan kung sakaling magkaroon nang kaguluhan.
Napaigtad si Rebecca noong maramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Dali-dali niyang kinuha iyon at nakitang tumatawag si Sam. Noong makita niyang walang nakatingin sa kaniya at payapang nag-uumpisa ang concert ay sinagot iyon.
“Love!” tawag ni Rebecca kay Sam. Nakatakip ang bibig niya papunta sa speaker ng cellphone upang marinig talaga nito ang kaniyang boses.
“Okay lang ba kayo riyan?”
“Oo. Ikaw? Akala ko pupunta ka rito?”
“Yes. Papunta na ako. Pero medyo ma-late ako dahil traffic na.”
Napanguso si Rebecca. “Okay. Hihintayin kita.”
“I’ll be there. Don’t worry. Pagkatapos ng event ay may pupuntahan tayo.”
Nangunot ang noo ni Rebecca. Bigla siyang nakaramdam nang excitement dahil sa sinabi nito. Ilang araw na rin silang hindi nakakalabas dalawa dahil sa university festival.
“Sure! I love you!”
“I love you too!”
Nakangiti nang pinatay ni Rebecca ang tawag. Sumama na siya sa bugso ng mga tao at nagbantay sa mga ito. Naging maingay na ang paligid dahil sa malakas na tugtugin ng mga bandang tumutugtog. May mga nag-uumpisang mga singer din na kumakanta. Bukod sa concert ay marami pang ginawang pakulo ang mga host at mga singers.
Kalagitnaan nang concert ay may tinawag ang host. Agad na nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Sa hindi malamang dahilan ay biglang naging interesado si Rebecca sa pangalang tinawag nito.
“Ms. Tricia!”
Natuon ang paningin ni Rebecca sa babae umakyat sa stage. Matangkad ito at mayroong balingkinitang katawan. Nakasuot ito ng itim na fitted dress at may mataas na slit sa may hita. Na binagayan nito ng itim na boots na pang babae. Litaw na litaw ang matambok nitong dibdib at makinis nitong hita. Bigla tuloy nakaramdam nang insecurity si Rebecca dahil naka-jeans lang siya at t-shirt na may tatak ng kanilang university. Pinatungan niya pa iyon ng jacket kaya hindi talaga makita ang hubog ng kaniyang katawan.
Napayakap sa sarili si Rebecca at pilit na ngumiti. Binati ng magandang dalaga ang mga manonood. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na itong kumanta.
“I dedicate this song to my girlfriend. I don’t know if she’s here already. But I want her to know how much I love her and I won’t let anyone took her away from me,” nakangiting sabi ni Tricia.
Napalunok si Rebecca. Bigla siyang nakaramdam nang pagkailang dahil para bang may pinapatamaan ito. Muli niyang tinitigan si Tricia habang kumakanta. Napakaganda na nga nito at sexy ay maganda rin ang boses nito. Ngunit kagaya niya ay sa babae rin ito nagkagusto. Siguro ay maraming mga lalakeng nanghihinayang dahil hindi lalake ang gusto nito. Napangiti na lamang si Rebecca. Dahil sa ganda ng boses nito ay nakalimutan niya ang pag-aalalang nararamdaman.
“Love.”
Nagtayuan ang balahibo ni Rebecca sa kaniyang batok noong may bumulong sa kaniyang tainga. At huminga sa may kaniyang leeg. Napalingon siya bigla at nakita niya si Sam na nakangiti.
“Lo—M-Ms. Sam! Kanina ka pa po riyan?” tanong ni Rebecca. Nagpalingon-lingon siya sa paligid dahil sa pag-aalalang may nakarinig kay Sam sa tinawag nito sa kaniya.
“Nope. Kararating ko lang. Kumusta ang event? Wala pa bang nagiging problema?”
Umiling si Rebecca. “Wala pa po. Maayos pa naman po ang concert.” Tumingin siya sa stage. “Si Ms. Tricia na ang kumakanta. ‘Di ba hindi naman siya singer?”
Ngumiti si Sam. “I don’t know. Let’s go?”
Bahagyang nangunot ang noo ni Rebecca. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam nang kakaiba kay Sam. Ni hindi manlang ito lumilingon sa stage upang tingnan ang kumakanta. Pilit na lamang iwinaksi iyon Rebecca at ngumiti.
“Pwede ba tayong umalis?” pabulong na tanong niya.
“Syempre naman.”
Hindi na nakaangal pa si Rebecca noong bigla siyang hinila ni Sam palayo sa mga tao. Nakaramdam siya ng takot dahil sigurado siyang may mga magtataka kapag makita silang magkahawak-kamay na naglalakad. Napangiti na lamang si Rebecca at hinayaan ang nobya na dalhin siya sa kung saan.
Nagmamadaling binuksan ni Sam ang pinto ng isang room. Noong makapasok silang dalawa ay ini-lock niya ito kaagad at hinila si Rebecca pasandig ng pinto saka siniil ito ng halik. Para siyang uhaw na uhaw habang ginagawa iyon at agad ding naging malikot ang kaniyang mga kamay. Sinapo niya ang dibdib ni Rebecca at hinimas-himas iyon.
Napaungol si Rebecca dahil sa galaw ni Sam. Pakiramdam niya ay mapupugto ang kaniyang hininga dahil sa marahas na paghalik nito sa kaniya. Gusto sana niyang magustuhan ang ginagawa nito ngunit nag-aalala siya at nagtataka dahil nasa eskwelahan sila. Idagdag pang kakaiba ang mga kinikilos nito ngayon.
“Wait—Love.”
Sinubukang pigilan ni Rebecca si Sam. Ngunit nagpatuloy lang ito sa paghalik sa kaniya. Bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg na para bang sinisipsip pa ang kaniyang balat. Napadaing siya noong bahagyang kagatin pa ni Sam ang kaniyang leeg ngunit napalitan agad iyon nang kakaibang sensasyon dahil dinilaan din nito iyon.
“S-Sam…” Kumapit nang mahigpit si Rebecca sa braso ni Sam. “Sam!” Pilit na niya itong itinulak.
“What?!” kunot-noong tanong ni Sam.
Natigilan si Rebecca dahil nagtaas ng boses ang kaniyang nobya. Huminga siya nang malalim at pilit na inayos ang sarili. Bigla siyang kinabahan sa mga tingin nito.
“A-Ano bang nangyayari sa ‘yo? May problema ka ba?”
Para namang natauhan si Sam dahil nakita niyang mangiyak-ngiyak na si Rebecca. Napatitig din siya sa mapulang leeg nito at halos mamaga na ang labi nito. Napapikit siya nang mariin at nagmura sa kaniyang isipan.
“Sorry,” pabulong na sabi ni Sam. Isinandig niya ang noo sa balikat ni Rebecca at dahan-dahang yumakap sa baywang nito. Ilang sandali pa ay nangilid na ang kaniyang mga luha. “S-Sorry.”
Lalong nagtaka si Rebecca. Napansin niyang halos yumugyog na ang balikat ni Sam. “Love? Ano’ng nangyari? May problema ba?” nag-aalalang tanong niya. Niyakap niya rin ito at hinagod ang likod. “Love.”
Humikbi-hikbi si Sam. Hindi niya alam kung paano ba sasabihin sa nobya ang nangyayari sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay pinili na niyang magseryoso sa isang relasyon. Nalilito man siya noon sa nararamdaman para kay Rebecca. Ngunit ngayon ay sigurado na siyang mahal na niya ito. Mahal niya si Rebecca. Pero hindi niya alam kung paano ba ito ipararamdam sa dalaga na wala siyang matatapakang ibang tao. Niyakap na lamang niya nang mahigpit ang nobya. Sa ganoong paraan ay hinihiling niyang maramdaman nito kung gaano niya ito kamahal.
Chapter 24
“I should really buy food for us now,” malambing na sabi ni Sam. Hinalikan niya sa noo si Rebecca na nakayakap sa kaniyang baywang.
Umungol si Rebecca at mas nagsumiksik pa kay Sam. Napangiti na lang si Sam habang napapailing. Halos magdamag na kasi silang magkayakap at tila ba ay hindi pa rin nagsasawa sa kaniya ito. Na gusto niya rin naman. Dahil din sa ginagawa nito sa kaniya ay mas gumaan na ang kaniyang pakiramdam.
Matapos ang event ay mas naging maalaga si Rebecca kay Sam. Halos hindi na nga umuuwi si Rebecca sa kanila upang masamahan lang si Sam. Pakiramdam niya kasi ay may malaking problema ito at hindi nito magawang magsabi sa kaniya.
“Hindi ka ba nagugutom?”
Umiling si Rebecca. “Pero sige na nga.” Nag-angat siya ng ulo. “Ano ba ang gusto mong kainin?”
Pilyang ngumiti si Sam. “Ikaw.”
Namilog ang mga mata ni Rebecca. Hinampas niya nang marahan ang balikat nito. “Ikaw talaga!” Natatawang kumalas siya mula sa pagkakayakap dito. “Bili ka na.”
“Are you sure ayaw mong magpakain?”
“Baliw!”
Tumawa si Sam noong bumaba na si Rebecca sa kama. Tumayo na rin siya at nagbihis upang bumili nang makakain nila. Ayaw niyang magpa-deliver dahil gusto niyang magluto para kay Rebecca. Naiwan muna itong mag-isa sa bahay.
“Sam! Ang—”
Natigilan si Rebecca noong pagtingin niya sa doorway ay hindi si Sam ang pumasok sa pinto. Isang babaeng sa tingin niya ay mas bata sa kaniya ng ilang taon ang pumasok. Bigla siyang nakaramdam nang pagkalito noong makita ang babae.
“Sino ka?”
Nangunot ang noo ni Sasha. “Ha? Ikaw? Sino ka? Nasaan si Ate?” balik-tanong nito kay Rebecca. Dere-deretsong pumasok sa loob si Sasha at prenteng naupo sa sofa. Nagmamadali namang sumunod si Rebecca.
“Ate?”
Tumango si Sasha. “Oo. Si ate Sam? Sino ka ba? Bakit nasa bahay ka niya?”
“Ahm.” Biglang nakaramdam nang pagkailang si Rebecca. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito dahil napagkasunduan na nilang dalawa na wala silang pagsasabihan na kahit sino tungkol sa relasyon nila bukod kay Jane. At isa pa, walang ideya si Rebecca na may kapatid si Sam. Ni hindi nga nito nababanggit ang tungkol sa pamilya nito sa kaniya. Kung kapatid niya nga ito.
“Isa ka na naman sa mga babae niya, ‘no?”
Namilog ang mga mata ni Rebecca. “Ha? H-Hindi!”
Ngumuso si Sasha at sinuri si Rebecca. “E bakit suot mo ang t-shirt ni Ate?”
“Ahm. Kapatid ka ba niya?”
“Oo! Hindi ba halata?”
Doon lang natitigan ni Rebecca si Sasha. Magkahawig nga si Sam at ang dalagitang nasa harapan niya. Magkaiba lang sila ng mga mata at tangos ng ilong. Nag-iwas ng tingin si Rebecca at biglang nalito sa sasabihin. Kumpirmado, magkapatid silang dalawa. Napahinga nang malalim si Rebecca. Wala naman kasing ibinilin si Sam na pupunta ang kapatid nito ngayong araw.
“So, nasaan si Ate?”
“Ah, may binili lang siya. Akala ko nga siya na iyong dumating.”
“Gano’n ba?” Napaisip si Sasha. Ngumiti siya at may kinuhang envelope sa handbag na dala. Pagkatapos ay tumayo siya at naupo sa tabi ni Rebecca. “Ano’ng relasyon mo kay ate?”
“Ahm, g-girlfriend niya ako.”
“Hmm… parang ang bata mo masyado para kay ate, ah?” Tumingin si Sasha sa lamesa. “Student ka pa?”
“Graduating na ako at hindi na ako minor.”
Tumawa si Sasha. “I don’t care. Girlfriend ka niya. Never nagdala si Ate ng babae sa unit niya. Maliban doon sa baliw niyang kinakapatid pero hindi siya counted.” Ngumiti nang malapad si Sasha at hinawakan ang kamay ni Rebecca. “Ibig sabihin ay espesyal ka!”
Napangiwi si Rebecca. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa sinabi nito. Bigla siyang nagkaroon nang interes sa kinakapatid na sinasabi nito ngunit mas natuon ang pansin niya sa huling sinabi nito.
“G-Ganoon ba?”
Tumango si Sasha. “Oo! Naku! Si Ate kasi, sobrang babaera niyan! Pero ha? Never siyang nagdala ng babae dito sa unit niya. Kasi sabi niya, walang ibang babaeng pwedeng makapasok dito, unless espesyal na sa ‘yon para sa kaniya,” paliwanag ni Sasha. “Well, except for me, syempre. Kapatid niya ako kaya alam ko pati ang pin ng bahay niya.”
Nag-aalangan pa ring tumango si Rebecca. “O-Okay. Salamat sa compliment.” Dahan-dahan niyang binawi ang kamay mula rito at naupo nang maayos. Sa kanilang dalawa ay mas mukhang minor ito ngunit kung magsalita ito ay parang mas matanda pa sa kaniya.
Tumawa si Sasha. “Ano ka ba? Wala ‘yon! At dahil espesyal ka, sigurado akong matutulungan mo ako.”
“Ako? Anong tulong?”
“Here.” Kinuha ni Sasha ang kamay ni Rebecca at ipinatong doon ang puting envelope. “Make sure my sister will come to this place, okay?”
Nangunot muli ang noo ni Rebecca. “A-Ako? Saan ba ito? At ano’ng okasyon?”
“Basta! Siguraduhin mong makakarating si Ate diyan, ha? Exact time and date, okay?”
Kinuha ni Rebecca ang envelope. Walang nakasulat sa labas kaya hinawakan na lamang niya iyon. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Sasha dahil hindi naman siya sigurado sa pagkatao nito.
“Ate, sige na!”
Nagulat si Rebecca noong biglang kumapit sa braso niya si Sasha. “Ha?”
Ngumuso si Sasha. “Please? Promise! Lalo kang magugustuhan ni Ate kapag sinamahan mo siya diyan. Naku! Baka pakasalan ka na no’n agad!”
Biglang napangiti si Rebecca pero pinigilan niya lang ulit iyon. Sa totoo lang ay halos lahat si Sam lang ang kumikilos sa kanila. Ni wala pa siyang nagagawang kahit na ano para naman sumaya rito bukod sa makipagtalik dito. Naisip niya rin na baka makatulong ito sa kaniyang nobya. Tumango siya.
“Fine. Ano muna ang pangngalan mo?”
“Ay, hindi ko pa ba nasabi?” Umayos nang upo si Sasha. “Ako si Sasha. Bunsong kapatid ni ate Sam! Mas maganda. Mas sexy. Mas yummy!” magiliw na sabi nito.
Napangiwi si Rebecca. Ni hindi niya ma-imagine si Sam na umakto nang ganito. Napakalayo ng personalidad nilang dalawa.
“Ano? Payag ka na, Ate?”
“Oo na! Paano ba ako makakatanggi?”
“Yes!” masayang sabi ni Sasha at niyakap si Rebecca. “Akin na ang number mo para matawagan kita. I-text mo rin ako ha bago kayo pumunta? Tapos h’wag mo na rin banggitin kay ate na pumunta ako rito. Siguraduhin mong hindi niya makikita iyang envelope.”
Muli ay nakaramdam nang pag-aalinlangan si Rebecca dahil sa dami ng mga habilin nito. Ngunit kapatid naman ito ni Sam kaya gusto niya itong pagkatiwalaan. Ibinigay niya ang numero dito at kinuha niya rin ang numero nito. Hindi na rin nagtagal si Sasha at nagmamadali nang umalis ng unit nila. Napapaisip pa rin si Rebecca dahil sa bilis ng pangyayari. Kung kausapin siya ni Sasha kanina ay parang normal na lang dito na may karelasyon ang ate nito. Ni hindi manlang ito nag-isip nang masama sa kaniya noong sabihin niyang girlfriend siya ni Sam.
Umiling si Rebecca at kinuha ang envelope. Binuksan niya iyon at doon niya na basa na silang birthday party pala ang pupuntahan nila. Sa edad ng nakalagay doon ay naisip niyang nanay ito ni Sam. Napangiti si Rebecca.
Siguro nga ay tama lang na tulungan ko siya.
Chapter 25
“Ahm, Love. Pwede magtanong?” tanong ni Becca. Magkatabi sila ni Sam na kumakain ng biniling almusal nito habang nanonood ng movie.
Napatigil sa pagnguya si Sam at tiningnan ang nobya. “Ano ‘yon?”
“’Yong… parents mo. Tanggap ka ba nila? I mean, sorry. Kasi… parents ko hindi ko pa alam,” malungkot na sabi ni Becca. Bigla siyang napadasal na sana’y h’wag magtanong pa si Sam tungkol doon. Gusto niya lang mas makilala pa ito nang lubusan dahil wala pa itong na babanggit tungkol sa pamilya nito. Kung hindi pa pumunta si Sasha sa bahay nito ay hindi niya malalaman na may kapatid pala si Sam. Hindi kagaya niya na nasabi na ata niya lahat dito maliban sa opinyon ng mga magulang niya tungkol sa mga kagaya nila.
Dahan-dahang nag-iwas ng tingin si Sam kay Becca. “Bakit mo naman natanong ‘yan?”
“Wala naman. Na realize ko kasi na wala ka pa palang nakukwento sa akin tungkol sa kanila. Ilan kayong magkakapatid? If ever papayag ba ang parents mo na ma-meet ko sila? Makipagkita kaya—”
“H’wag na natin silang pag-usapan, okay?”
Nangunot ang noo ni Becca. Kitang-kita niya ang pagkairita sa mukha ni Sam. Napalunok siya at huminga nang malalim. “G-Gusto ko lang naman sana silang—”
“Well, I don’t have a family, okay? Patay na sila! Wala ka na dapat malaman pa sa kanila!” putol ni Sam sa sinasabi ni Becca. Padabog niyang inilapag ang hawak na plato sa lamesa at tumayo.
Natigilan si Becca at gulat na sinundan ng tingin si Sam. Napaawang ang kaniyang bibig at binitawan din ang plato na hawak. Hindi niya inakala na aakto nang ganoon si Sam dahil lamang sa tanong niya. At isa pa, bakit nito sinabi na patay na ang pamilya nito kung kakakausap lamang niya ng kapatid nito?
“W-What is wrong? May nasabi ba akong mali?” nagtataka pa ring tanong ni Becca. Nasa kusina na si Sam pero rinig pa rin naman siya nito dahil konektado lang ang kusina at sala. “Nagtatanong lang naman ako.”
Inis na binuksan ni Sam ang gripo sa lababo at naghugas ng kamay kahit hindi naman iyon madumi. Kinuskos niya iyon hanggang sa makaramdam siya nang hapdi kaya napatigil siya bigla.
“Shit!” mahinang sabi niya.
“Pwede mo namang sabihin kung ayaw mong pag-usapan natin.”
“Just shut up, okay?!”
Hindi makapaniwalang napatingin sa dereksyon ng kusina si Becca. Unti-unti siyang nakaramdam nang pagkainis dahil sa inaakto ni Sam. Higit sa lahat dahil sa pagtaas nito ng boses sa kaniya. Umayos siya ng upo at pinagkrus ang mga braso. Salubong ang mga kilay niya noong muli siyang tumingin sa tv.
“Parang nagtatanong lang naman e,” ani Becca habang pinipigilan ang sarili na mapaluha. Hinintay niya pa ng ilang sandali si Sam ngunit noong hindi ito lumabas ng kusina ay minabuti niyang tumayo na lamang at nagpunta sa kwarto. Doon siya napaiyak habang pinupulot ang mga damit sa sahig.
Napabuga naman ng hangin si Sam at dahan-dahang naupo sa upuan. Muli siyang napamura dahil ayaw na ayaw niyang tinatanong siya tungkol sa pamilya niya. Wala na siyang pamilya magmula noong ipinagpalit ng kaniyang ina ang pamilya nila sa ibang lalake. Napatingin siya sa may sala noong marinig niya ang mga yabag ng paa ni Becca. Kita mula sa pwesto niya na pumasok ito ng silid nila. Hindi siya kumilos mula sa pagkakaupo at pilit na pinakalma ang sarili. Tama naman si Becca. Wala siyang na ikukwento pa rito. At wala rin siyang balak magkwento dito dahil hindi naman importanteng mga tao ang nanay at mga kapatid niya rito.
Natigilan si Sam noong muling bumukas ang pinto ng kwarto niya at lumabas doon si Becca na nagmamadali. Napatayo siya agad mula sa kinauupuan at lumabas ng kusina.
“Becca! Saan ka pupunta?”
Napatigil sa paghakbang si Becca. Huminga siya nang malalim at hinarap ang nobya. “Edi uuwi! Saan pa ba ako pupunta?”
“Becca…”
Inirapan ni Becca si Sam. Humalukipkip siya at hindi nagsalita. Alam niyang biglaan ang kaniyang mga naging tanong sa nobya. Ngunit mali pa rin para sa kaniya na pinagtaasan siya nito ng boses. Gayong gusto lang naman sana niya makilala ito nang lubusan.
Muling bumuntonghininga si Sam. Doon niya na unawaan kung bakit umaakto nang ganoon si Becca. Wala itong ideya tungkol sa pamilya niya. Wala itong kasalanan.
“Fine. I’m sorry. H’wag ka nang umalis muna.”
Umarko ang kilay ni Becca. “For what?”
“Sorry. H-Hindi lang ako komportable na pinag-uusapan ang tungkol sa kanila. Sorry kung nagtaas ako ng boses.”
“And?”
Tinitigan ni Sam si Becca. Sa dami ng babaeng nakasama ay rito lamang talaga siya hindi makatanggi. Masakit din para sa kaniya sa tuwing nakikita niya na nasasaktan ito. Nilapitan niya ito at inakbayan.
“Come on. I’ll explain to you everything.”

