Surviving The Apocalypse
Ameiry Savar
Genre: Science Fiction
Blurb:
When the dead began to walk, the world didn’t just fall apart—it turned merciless.
Ellie, El, and Emman are left to fend for themselves in a place where survival is no longer about living… but not dying. With every step, danger lurks—hungry creatures roaming the streets, ready to tear apart anything that breathes.
But the undead aren’t the only monsters they must face.
In a broken world where trust is fragile and humanity is fading, the living can be far more terrifying than the dead.
How can children survive in a nightmare where innocence is a weakness… and fear is only the beginning?
Disclaimer!
Surviving The Apocalypse contains scenes that may not be suitable for very young or sensitive readers.
This is a work of fiction. All names, characters, places, and events are products of the author’s imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, or to actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the author’s prior written permission, except for brief quotations used in reviews or commentary.
Surviving The Apocalypse © 2026 by Ameiry Savar
Chapter 1
“Ellie, wake up!”
Unti-unting nagising ang diwa ni Ellie dahil sa natatarantang pagyugyog ng kaniyang ina sa katawan nito. Tuluyang siyang nagising at nalilitong tiningnan ang ina.
“Mom?”
“Come on! Gumising ka na. Wait for me here.”
Bago pa man makapagtanong pa si Ellie ay lumabas na ng silid niya si Amelia. Nangunat naman ng kamay ang dalagita at pilit na ginising ang sarili. Pagtingin niya sa digital clock na nakapatong sa lamesita niya ay alas-nwebe pa lang ng gabi. Ibig sabihin ay halos wala pang isang oras ang tulog niya.
Nangunot ang noo ni Ellie.
“What is wrong with mom?” tanong niya sa sarili.
Madalas naman itong umuuwi ng gabi dahil sa trabaho nito bilang nurse. Pero pagdadating nito ay tulog na sila. Humahalik na lang ito sa kaniyang noo saka hinahayaan siyang matulog na. Ngunit iba ngayon.
Noong makabalik si Amelia sa silid ni Ellie ay kasama na nito ang dalawa pang kapatid niyang mga lalaki.
Si El, siyam na taong gulang, at si Emman, anim na taong gulang.
Lalong naguluhan si Ellie.
“Mom? What is this?” tanong ni Ellie.
Imbes na sumagot ay pinaakyat ni Amelia ang mga anak sa kamay ni Ellie. Mabuti na lang at medyo maluwag ang higaan kaya kasya pa ang dalawa roon. Pagkatapos ay lumapit si Amelia sa bintana ni Ellie at sinara iyon. Maging ang mga kurtina ay ibinaba iyon.
“Ellie. Follow me. Kayong dalawa ay bumalik kayo sa pagtulog niyo.”
Agad naman na sumunod ang dalawang bata kay Amelia. Habang si Ellie ay nalilito pa rin na sumunod sa ina papunta sa ibaba.
“Mom. Ano po ba ang nangyayari? You are scaring me!” ani Ellie.
Nasa may hagdan lang siya habang pinapanood ang ina na isa-isang sinisigurado na nakasara at lock ang mga bintana at pinto sa kanilang bahay.
Sandali namang tumigil si Amelia. Para itong natauhan dahil sa sinabi ng anak. Huminga siya nang malalim at humarap dito.
“Come here.”
Lumapit si Ellie sa ina. Agad namang hinawakan ni Amelia ang mga braso ng anak at nag-aalalang tiningnan ito.
“Listen to me, Ellie. Ikaw ang pinakamatanda sa inyo. And I’m trusting you that you will take care of your siblings, okay?”
Nangunot ang noo ni Ellie.
“B-Bakit po, Mom? A-Are you leaving? Where’s dad?”
“Yes. But not for too long. Babalik din ako agad. Kailangan ko lang na puntahan ang daddy mo at sunduin siya.”
“Pero bakit po? Hindi ba niya kayang umuwi? May nangyari ba kay—”
“No!” mabilis na putol ni Amelia sa sinasabi ng anak. Napaatras pa si Ellie dahil sa gulat sa ina. “I’m sorry.” Huminga nang malalim si Amelia. “Your dad is okay. He is fine. Kailangan ko lang… kailangan lang niya ng tulong.”
“Ano po ba kasi ang nangyayari, Mom? Why are you panicking?”
Tinitigan ni Amelia ang anak. Sa edad nitong katorse ay para na itong matanda kung mag-isip. Alam niya na nauunawaan na nito ang mga nangyayari. Hindi man niya gustong iwanan sila dahil mga bata pa rin ang mga ito. Kaso, alam niya na mas makakabuti sa mga ito kung mananatili muna sila rito sa kanilang bahay.
“Something… Something happened. Kaya kailangan ko ng tulong mo, Anak. Ikaw lang ang pagkakatiwalaan ko sa mga kapatid mo.”
“Mom, I’m still young.”
“But I don’t have a choice. We don’t have a choice. Hindi ko naman puwedeng pabayaan ang daddy mo. Hindi pa niya alam ang mga nangyayari.”
“Ano po ba kasi ang nangayayari?”
Binitawan ni Amelia ang anak. Napailing siya. Hindi niya alam kung paano i-explain dito ang mga nasaksihan niya kanina sa ospital. Ngunit wala na siyang oras.
“Basta. You need to listen to me. Hindi kayo lalabas kahit na ano man ang marinig niyo sa labas. Kahit sino pa ang kumatok sa pinto ay h’wag na h’wag niyong pagbubuksan. At kung sakali man na may makapasok… just stay hidden. Don’t make a sound, and as much as possible. Don’t let them bite you.”
Bahagyang napaawang ang bibig ni Ellie. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya dahil sa sinabi ng ina. Ngunit mas lalo lang iyon nagpalito sa kaniya.
“W-Who, Mom? M-May war ba? Bakit mo naman po kami iiwan kung gano’n?”
“No. This is more than that, Ellie. Babalik kami rito ni Daddy mo. That’s a promise. Huwag lang kayong lalabas ng bahay. Kaka-grocery lang natin no’ng isang araw. The pantry is still full. Hindi kami magtatagal ng dad mo. And…”
Pumunta ng kusina si Amelia at may kinuha roon. Pagbalik nito sa sala ay may dala na itong maliit na box.
Napalunok si Ellie dahil nakilala niya iyon agad. Iyon ang handgun ng daddy niya. Iyon din ang unang baril na natutunan niyang gamitin.
“Use this. Only if you don’t have a choice anymore.”
Napakurap-kurap si Ellie. “But, Mom…”
Ngumiti si Amelia sa anak. “I know, Ellie. Alam ko na tinuturuan ka ng daddy mo. At alam ko kung gaano ka na kagaling. I watched all your tournaments. And I’m proud of you.”
Nangilid ang mga luha ni Ellie. Mariing kasing pinagbabawal ng kaniyang ina na mag-aral siya ng baril. Delikado raw iyon dahil nga sa edad niya. Pero para kay Ellie ay iyon ang kinalakhan niyang hobby. Magmula rin noong matuto siyang gumamit ng gamit ay sumali na siya sa sports tournament sa kanilang school. Sa katunayan ay may parating nga sana siyang laban sa Larong Pambansa.
“I don’t have time, Ellie. Kailangan ko nang mapuntahan ang daddy mo. Don’t forget what I said, Ellie. Never leave the house and wait for us.”
Marahang tumango si Ellie. Hindi pa rin niya maproseso ang mga sinabi ng ina. Pinanood niya itong lumabas ng kanilang pintuan.
For the last time, parang gusto niya itong pigilan. Pakiramdam niya, kapag hinayaan niyang umalis ang ina, iyon na rin ang huling beses na makikita niya ito.
She was scared for her safety kahit hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa labas.
Lumapit siya sa pinto. Papasakay na si Amelia sa sasakyan nito. Hindi nakawala sa kaniyang paningin ang mantsa sa puting sasakyan ng ina. Kulay pula iyon na para bang tilamsik.
“Lock the gate and the door immediately,” ani pa Amelia. Bago ito tuluyang pumasok sa kotse.
Pinaandar na nito ang sasakyan palabas ng bakuran nila. Agad namang sinunod ni Ellia ang bilin ng ina. Ini-lock niya ang gate. At saka muling pumasok sa kanilang bahay. Sinigurado niya ring naka-lock ang screen door nila bago ang main door. Pagkatapos ay umakyat na siya ulit sa itaas.
Nakita niyang nakaupo na si El sa kama at halatang hinihintay siyang bumalik.
“Ate? Where’s mommy?”
“She left, El. Bumalik ka na sa pagtulog mo.”
“Ano po bang nangyayari? Bakit ginising kami ni Mommy at pinalipat dito?” tanong pa rin nito.
Napabuga ng hangin si Ellie. Inilapag niya sa lamesita ang box at lumapit sa kapatid.
“Just sleep, El. Bukas ay narito na rin sila—”
Parehas na natigilan ang magkapatid noong makarinig sila nang malakas na tunog mula sa labas ng kanilang bahay.
“What was that?” tanong ni El. Bakas sa mukha nito ang takot.
“Stay there.”
Lumapit si Ellie sa bintana. Bilin ng kaniyang ina ay huwag na huwag iyong bubuksan. Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang kaniyang narinig.
Sumilip siya sa labas. Doon sa tapat nilang bahay ay may sasakyang bumunggo sa bakod ng katapat nilang bahay. Umusok na ang unahan niyon, pero wala siyang makitang tao roon. Pero ilang sandali pa ay may gumapang na tao mula sa loob.
“Help! Please! Help!” nanghihinang sigaw ng lalaki.
Ngunit kasunod nito ay may isang babae na kakaiba ang hitsura na lumabas mula roon. Tumalon ito palabas. At napaawang na lang si Ellie noong makita niya ang sumunod nitong ginawa.
Tinalon ng babae ang lalaking gumagapang palayo sa kotse. Pagkatapos ay bigla na lang nitong sinunggaban sa leeg ang kaawa-awang lalaki.
Chapter 2
“What are they doing, Ate?” tanong ni El.
Para namang muling bumalik sa reyalidad si Ellie noong marinig ang boses ng kapatid. Mabilis niyang ibinaba ang bintana at hinila palayo roon si El.
“Hindi ba sabi ko sa ‘yo ay matulog ka na?!” inis na tanong ni Ellie. Pigil na pigil ang boses niya na hindi magtaas. Panay din ang tingin niya sa bintana na para bang ano mang oras ay may makakapasok doon.
“I’m sorry, Ate. Pero ano po iyon? Why does that woman look weird?” tanong pa rin ni El.
Hindi naman alam ni Ellie kung ano ang kaniyang isasagot. Maging siya ay nalilito sa kaniyang nasaksihan. Hinila na lamang niya ang kapatid pabalik sa higaan.
“H’wag nang makulit, El. Just go to bed and sleep. Let’s wait for mom and dad. Sigurado na dadating din sila agad mamaya,” ani Ellie. Ngunit para sa kaniya ay hindi rin siya sigurado sa kaniyang tinuran.
Nalilito man ay umakyat na ng kama si El. Pero sa kaniyang murang isip ay hindi niya makalimutan ang nakita niya.
Habang si Ellie naman ay hindi bumalik sa kama. Nakiramdam lamang siya sa paligid. Naririnig pa rin niya ang sigaw ng lalake na sigurado siya ay kasalukuyang nilalantakan ng babae. Ngunit maari ba iyon? At bakit naman ito lalantakan ng isang tao?
Tiningnan ni Ellie ang kapatid. Nakatalikod na ito sa kaniya. Alam niyang hindi pa ito tulog, pero hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nasaksihan.
Hindi kaya ito ang tinutukoy ng kaniyang ina?
Muling lumapit si Ellie sa may bintana. Marahan niyang hinawi ang kurtina niya.
May ilan na siyang kapitbahay na nagbukas ng ilaw at nakikiusyoso sa nangyari. Mayroong mga lumabas pa ng bahay. Mayroon naman nanatili sa kani-kanilang bakuran o kagaya niya ay sumisilip sa may bintana.
Patuloy pa rin sa pagsunggab ng babae sa lalakeng hindi na gumagalaw. Nagsisigawan na rin ang ilan sa mga kapitbahay niya na lumapit sa mga ito. May isa siyang nakita na lumapit at may dalang shotgun.
Nakilala niya ito. Si Danilo Cruz, isang retired na pulis, kaya ito may baril. Itinutok nito ang shotgun sa babae. May ilan pa na pumigil dito. Pero noong mapansin ng babae si Danilo ay ito naman ang akmang susugurin nito. Mabuti na lang at naging mabilis ang kilos nito at agad na pinaputukan ang babae sa ulo.
Napakislot pa si Ellie sa kaniyang nasaksihan. Hindi niya namalayan na mahigpit na pala ang hawak niya sa kurtina niya. Halos mawasak ang kalahati ng ulo ng babaeng iyon. Nakahandusay na ito sa kalsada at nagkalat ang dugo’t laman sa paligid.
Nagtalo ang mga kapitbahay nila. Mayroong inaway si Danilo dahil sa marahas nitong ginawa. Pero para sa Ginoo ay tama lang iyon. Hindi na normal ang ginagawa ng babae. Higit sa lahat ay hindi ito hitusra ng normal.
Nang bigla na lamang kumilos ang lalakeng kinakagat kanila ng babae.
‘Was he dead already?’ tanong ni Ellie sa sarili.
Nakita niya na hindi na ito gumalaw noong sinunggaban ito ng babae kanina. Higit sa lahat, kahit bata pa siya ay nurse ang kaniyang ina. Alam niya na ang gano’ng kalaking sugat ay maaaring makapatay dahil sa pagkaubos ng dugo. Sa dami ng dugo sa ilalim ng katawan nito ay imposible pa itong mabuhay.
Hindi na ito dapat gumagalaw. Ngunit iba ang kaniyang nakikita ngayon.
Lahat ng mga kapitbahay niya na nasa kalsada ay natigilan at napaatras noong biglang kumilos ang katawan ng lalaki.
Unti-unti itong tumayo. Madilim, pero kita ni Ellie ang pagbabago sa katawan nito dahil sa street light at solar light sa katapat nilang bahay.
Maputla na ang balat nito. Sobrang putla na para itong naubusan ng dugo. Kaya naman ay naging halata ang mga ugat nito sa katawan. Ang mga mata nito ay nawalan ng buhay at naging purong puti na lamang. Ang mga daliri nito ay parang naninigas dahil lahat ng mga iyon ay nakabaluktot. At kahit na may malaking sugat ito sa leeg na may tumutulo pa ngang dugo, ay nagawa pa rin nitong tumayo at muling kumilos.
Zombie.
Iyon lamang ang tumakbo sa isipan ni Ellie.
Pero paanong nagkaroon ng zombie? Hindi ba ay sa mga palabas lamang iyon? Nananaginip ba siya? Kaso hindi, dahil sa isang iglap lang ay sinugod ng lalaking iyon ang mga kapitbahay niya.
Si Danilo Cruz, na may hawak pa ring baril, ay hindi iyon nagamit dahil sa gulat. Ito ang una nitong sinunggaban. Ang iba na katabi nito ay nagpulasan na sa takot. Wala man lang tumulong sa kaawa-awang matanda.
Hindi alam ni Ellie ang gagawin. Hindi siya makakilos sa kaniyang kinatatayuan. Para siyang biglang na estatwa kaya nasaksihan niya ang lahat.
Ang isa-isa nitong pagsunggab sa mga kapitbahay niya. Ang muling pagtayo ni Danilo Cruz ay nanugod na rin sa iba nilang mga kapitbahay.
She saw it all.
The killings. The blood.
Doon pa lang nag-sink in ang lahat kay Ellie.
Dali-dali siyang lumayo sa may bintana. Rinig pa rin niya ang kaguluhan sa labas. Kahit si El ay muling napatingin sa kaniya pero nanatili pa rin itong nakahiga.
“W-What was that, Ate? Ano ang tunog na ‘yon?” tanong ni El noong biglang may umangil na malakas mula sa labas.
Napalunok si Ellie. Nanginginig ang kamay na tinapik niya nang marahan ang braso ng kapatid.
“I-It’s nothing. Go back to sleep.”
“But—”
Muling tumayo si Ellie. “Stay here. Don’t leave Emman.”
Bago pa makasagot si El, ay lumakad na palabas si Ellie ng kaniyang silid.
Parang tinatambol ang kaniyang dibdib habang binabaybay ang daan papunta sa kanilang first floor. Hindi niya mapigilang mapakislot sa tuwing may malakas na tunog siyang naririnig mula sa labas.
Alam niyang sinirahan na lahat ng kaniyang ina ang bawat bintana at pinto papasok ng kanilang bahay. Pero kailangan niya pa ring makasiguro. Lahat ng mga iyon ay naka-lock na. Pwera sa main door nila. Nasa likod lang siya noon at nagdadalawang-isip na buksan ang main door para i-check kung naka-lock din ang screen door nila.
“But I locked it, right? I’m sure I did,” nagdadalawang-isip na sabi ni Ellie sa sarili.
Huminga siya nang malalim.
“I did. I should leave it for now. Kailangan kong kumuha ng pagkain namin. It’s the best na doon na lang kami mag-stay sa kwarto ko,” ani pa niya.
Tumalikod na siya at papunta na sana ng kusina nila. Noong bigla siyang may narinig na mga katok mula sa kanilang pinto.
“Help! Please! Open the door!”
Chapter 3
Parang biglang nanigas ang katawan ni Ellie habang nakatitig sa kanilang pinto.
‘Never open the door. H’wag kang magpapasok hanggat hindi mo nasisiguro na kami iyon!’
Napalunok si Ellie noong muli niyang maalala ang bilin sa kaniya ng kaniyang ina.
“Please! Ate Amelia! It’s me!” sigaw pa ulit ng tinig.
Napakurap-kurap si Ellie. “Ate Angel?”
“Ellie? Ellie! Is that you? Gising ka ba?” tanong ni Angel. Lalong lumakas ang pagkatok nito. “Please! Si Ate Angel mo ito! Buksan mo ang pinto! Please! I’m scared!” pakiusap pa nito.
Nasapo ni Ellie ang kaniyang bibig. Bigla siyang nagsisi dahil napalakas pala ang tawag niya rito.
Lalong bumilis ang mga katok ni Angel mula sa labas ng pinto, pero nanatili pa ring nakatayo si Ellie sa likuran niyon.
Gustohin man niyang pagbuksan ito ay nangangamba naman siya sa maaring mangyari sa kanila ng mga kapatid niya.
Nakita niya ang mga nangyari kanina. At alam niya ang pwedeng mangyari kung sakaling nakagat si Angel ng mga nilalang na iyon.
Pero hindi naman kaya ng konsensya na pabayaan lang ito. Si Angel ay malapit sa kanilang pamilya. Nakatira ito sa kabilang bahay lang nila. Noong maliit pa siya at kahit ngayon ay si Angel ang naiiwan sa kanila sa tuwing hindi makakauwi ang kanilang mga magulang. Para na rin niya itong naging ate kahit hindi naman niya ito tunay na kapatid.
“What should I do?” natatarantang tanong ni Ellie sa sarili. “I can’t leave ate Angel outside. Baka mapahamak din siya. Pero baka kasi…”
“Please, Ellie! They’re coming! I’m begging you!” iyak ni Angel.
Napabuga ng hangin si Ellie. Nakita niya bigla ang shotgun ng kaniyang ama na naka-display sa kanilang sala. Totoo iyon pero walang bala. Pero dahil mahilig din siya sa baril ay alam niya kung saan nakatago ang mga bala at iba pang baril ng kaniyang ama.
Dali-daling umakyat si Ellie sa kwarto ng kaniyang mga magulang. Doon ay pumasok siya sa walk-in closet ng mga ito at kumuha ng ilang pirasong bala ng shotgun. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa sala at kinuha ang baril. Nilagyan niya iyon ng bala at saka lumapit sa pinto.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang lock ng main door. Sinunod niya ang screen door nila saka siya umatras. Mula sa labas ay nagmamadali namang pumasok sa loob si Angel. Hingal na hingal ito at hindi maipinta ang hitsura. Agad nitong ini-lock ang mga pinto pagkapasok sa loob.
“T-Thanks god you opened the door, Ellie—Whoa!”
Napataas ng kamay si Angel noong makita nitong nakatutok ang hawak na baril ni Ellie sa kaniya.
“W-Wow! That’s a long gun,” pabirong sabi ni Angel, kahit na malakas na ang kabog ng kaniyang dibdib. Hindi lingid sa kaalaman niya na marunong itong humawak ng baril. “E-Ellie. That’s dangerous.”
Lalong humigpit ang hawak ni Ellie sa shotgun. Mariin niyang tiningnan si Angel.
“Have you been bitten?” tanong ni Ellie.
Nangunot ang noo ni Angel. “Ha? No! Of course not! I’m fine!” tanggi nito.
Pinasadahan ulit ni Ellie ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya makita nang maayos ang ibang parte ng katawan nito dahil nakasuot ito ng pajama. Pero kita niya ang ilang tilamsik ng dugo sa damit nito.
“You’re bleeding.”
Lumipat ang mga mata ni Ellie sa may noo ni Angel.
“Huh?”
Kinapa ni Angel ang ulo.
“Oh, this? Sinugod kasi ako bigla ng monster na ‘yon. Sa taranta ko, hindi ko namalayan na tumama ako sa cabinet ko. Mabuti nga hindi ako nawalan ng malay. Baka nagising na lang akong zombie kung gano’n,” pabiro pang sabi nito.
Pero mas lalo lang naging seryoso ang mukha ni Ellie.
“I can’t let you stay here then.”
Namilog ang mga mata ni Angel.
“Wait, Ellie! Please. It’s me. Promise! Wala akong kagat. Look!”
Bigla na lang tinanggal ni Angel ang butones ng suot niyang blouse. Nalito pa si Ellie dahil hindi siya ready sa ganoong senaryo. Pero noong tuluyan nitong hinubad ang kasuotan at natira na lang ang underwear ay naunawaan niya ang ginagawa nito.
Itinaas pa nito ang kamay sa magkabilang gilid saka mabagal na umikot para makita ni Ellie ang buo niyang katawan.
“See? I’m good. I’m not bitten.”
Napakurap-kurap si Ellie. Hindi pa rin siya kombinsido, pero nakita na naman niya ang katawan ni Angel. At wala nga itong kagat sa katawan. Ang tanging nakita lamang niya ay mga gasgas mula siguro sa pagmamadaling makatakas kanina.
“Am I good now?” tanong ni Angel.
Bumuntonghininga si Ellie. Ibinaba na niya ang baril.
“Okay.”
Nakahinga na nang maluwag si Angel.
“Thanks, God!”
Maluha-luhang lumapit ang dalaga kay Ellie at biglang niyakap ito.
“Oh, God! Akala ko pati kayo ay wala na. Nasaan ang mga kapatid mo? Ang parents mo?” umiiyak na tanong nito.
Napalabi si Ellie. Unti-unti na ring nangilid ang mga luha niya. Parang biglang gumaan ang pakiramdam niya noong mayakap siya ni Angel. Ngayon lamang niya nailabas ang takot na kanina pa niya nararamdaman.
Yumakap din siya rito at sinubsob ang mukha sa dibdib ng dalaga. Saka umiyak nang pigil.
“I’m so scared, Ate!”
Napasinghot-singhot si Angel. Tinapik-tapik niya ang likod ng bata.
“It’s okay. Ate is here now. We’ll be okay now.”
Chapter 4
Binitbit nila Ellie ang mga pagkain nila sa itaas. Lumipat din sila sa silid ng mga magulang niya dahil doon ang mas maluwag. Isa pa ay malaki ang walk-in closet doon kaya pwede pa sila makapagtago doon kapag mangyari ang kanilang kinatatakutan.
Halos buong gabi ata ay walang naitulog si Ellie kahit ilang beses na siyang sinabihan ni Angel na magpahinga na. Hindi pa rin kasi natigil ang mga sigawan sa labas. At sa bawat kalabog sa labas ng gate nila ay hindi niya maiwasang manginig sa takot.
Ito ba? Ito ba ang tinutukoy ng kaniyang ina na may kakaibang nangyari sa ospital kanina?
Hindi niya tuloy maiwasang magtampo sa ina. Alam na naman pala nito ang nangyayari pero nagawa pa nitong iwanan sila sa bahay nila. Pero naisip din niya na iniisip din nito na safe sa kanila.
Sabagay, sila ay nakatira sa isang exclusive subdivision. Ang buong subdivision ay may mataas na pader na nakapalibot. Kaya kung safety lang, siguro ay safe nga talaga sa kanila. Kung hindi lang nakapasok iyong nakakotse na iyon na may dala palang zombie sa loob.
Hinihiling na lang ni Ellie na nawa’y maging ligtas ang kaniyang mga magulang.
Hindi alam ni Ellie kung anong oras na siya nakatulog. Basta nagising na lang siya kinabukasan dahil sa nilulutong pagkain ni Angel.
Napabalikwas siya bigla ng upo noong maalala ang mga nangyari.
“It wasn’t a dream?” bulong ni Ellie sa sarili. Napabuga siya ng hangin.
Pagtingin niya sa gilid tabi niya ay tulog pa rin ang mga kapatid niya. Tumingin siya kay Angel na nagpi-prito mula sa portable gas stove nila. Mabuti na lang talaga at mayroon silang ganoon. Mahilig kasi ang kaniyang ina mag-camping.
Naamoy niya ang prinitong hotdog at itlog na agad na nagpakalam ng kaniyang tiyan. Minabuti na lang ni Ellie na tumayo.
“Oh, Ellie. You’re awake. Good morning,” bati ni Angel.
Napangiwi si Ellie. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagagawa pa ring ngumiti ni Angel matapos ang mga nangyari kagabi.
“Did you sleep, Ate?” tanong ni Ellie.
“Yeah. Pero kaunti lang,” tugon ni Angel.
“Did Mom and Dad came home?”
Napatigil saglit si Angel sa ginagawa. “No, Ellie. Baka… na traffic. Wait mo lang sila.”
Napailing si Ellie. Alam naman niya na sinusubukan lang nito na palakasin ang loob niya. Pero hindi naman siya tanga para hindi maunawaan kung ano ang sitwasyon nila ngayon.
Lumapit siya sa bintana at sumilip doon. Maliwanag na ang paligid. Kaya mas nakita na niya ang nangyari kagabi.
Sa isang iglap lang ay naging magulo na ang kanilang subdivision. Sa street lang nila ay ang dami nang nagkalat na gamit sa paligid. Higit sa lahat ay ang dugo at mga parte ng katawan sa kalsada. Nakita niya rin ang katawan ng babae kagabi. Naroon pa rin iyon sa kalsada.
Halos bumaliktad ang sikmura niya noong mapatitig siya ulit sa ulo nito. Minabuti na lamang niya na tumingin sa ibang parte.
At doon niya napansin na tila ba ay ang tahimik ng paligid.
“Ate… Parang nawala sila,” ani Ellie.
“‘Yong zombie ba? Oo. Kanina ko pa nga rin napansin,” tugon ni Angel.
Isinalin na nito sa isang plato ang mga niluto nitong ulam. Naamoy na rin nila ang papalutong kanin sa rice cooker. Mabuti na lang talaga at may kuryente pa rin sila kahit papaano.
“Noong lumiwanag na, biglang tumahimik ang paligid.”
Nangunot ang noo ni Ellie. “Weird.”
“Oo. H’wag ka na tumingin diyan, Ellie. Hindi makabubuti sa ‘yo ‘yon.”
Napabuga ng hangin si Ellie. Lumapit siya kay Angel at tinulungan itong maghanda sa lamesa.
“Ano na po kaya ang mangyayari sa atin ngayon, Ate? I can’t believe that zombies are real.”
“Zombie or what. Hindi pa rin tayo nakasisiguro kung iyon nga sila. They’re still human beings.”
Natahimik si Ellie. Tama ang kaniyang ate. Mga kakilala pa rin nila ang mga nilalang na iyon. Oo nga’t iba na ang kanilang isip at pagkilos. Dati pa rin nilang mga kakilala o kapamilya ang mga ito.
“Ahm… your family, ate. Did they survive?”
Si Angel naman ang natahimik. Bigla siyang nakaramdam nang matinding kirot sa kaniyang dibdib.
Hindi kagaya nila Ellie na kompleto pa, ang kay Angel ay walang natira. Lahat ng mga ito ay naging zombie na rin. Sa katunayan, ang nagpagising sa kaniya kagabi na sumugod sa kaniya ay ang kaniyang ina. Habang papatakas siya sa kanilang bahay ay nakita niya naman ang kaniyang kapatid na nilalantakan ang kanilang ama. Kung hindi pa nga siya nakaakyat sa kanilang bakod ay siguradong pati siya ay hindi na rin nakaligtas.
Huminga nang malalim si Angel at pinigilan ang luha na tumulo. Ayaw naman niya na magpakita ng kahinaan kay Ellie. Siya ang pinakamatanda sa kanila. Kailangan siyang maging malakas para sa mga ito. Kahit ang magkakapatid na lang ang magawa niyang iligtas sa delubyong kanilang kinahaharap ay masaya na siya.
“L-Let’s not talk about it. Come on. Mukhang mamaya pa magiging ang mga kapatid mo. Kumain na lang muna tayo—”
“Mommy!”
Napatingin silang parehas sa kama noong biglang sumigaw si Emman. Agad na lumapit si Ellie sa kapatid at inalo ito. Umiiyak kasi ito at tila ba nagising sa masamang panaginip.
“Shh… Ate’s here, Emman. What’s wrong?”
Humikbi-hikbi si Emman. “Ate! I saw mommy and daddy! They are running from a lot of monsters! We should save them, ate!” natatarantang sabi nito.
Napalunok si Ellie at napatingin kay Angel. Maging ito ay hindi alam kung ano ang ire-react.
“Ahm, Emman. Don’t worry. Mommy and Daddy are safe. Monsters are not real,” ani Angel.
Napakurap-kurap si Emman. Para naman itong biglang natauhan. Nalilitong nagpalit-palit ang tingin nito kay Angel at Ellie.
“Ate Angel? What are you doing here?” tanong nito.
Kagabi kasi ay wala itong ideya sa mga nangyari. Kahit noong lumipat sila ay binuhat na lamang ito ni Angel sa kabilang kwarto.
“Ah.. yes. Iniwan ako ulit ni Mommy mo dito para bantayan kayo,” pagsisinungaling ni Angel.
“Really?”
“Yes, Emman,” si Ellie ang sumagot. “It’s just a nightmare. Come on. Wash your face and hands. Kakain tayo.”
Nalilito pa rin si Emman. Sa murang isip nito ay parang totoo ang lahat ng nakita niya sa kaniyang panaginip. Pero dahil kahit papaano ay nakakaunawa na siya ay sumunod na lamang siya sa kaniyang nakatatandang kapatid.
Si El naman ay nagising na rin. Tahimik lang ito na nakahiga pa rin habang parang malalim din ang iniisip.
“But they are real now, Ate, right?” biglang tanong ni El. “That woman last night. Those sounds. They are real.”
Nag-iwas ng tingin si Ellie kay El. Muli siyang ginapangan ng takot noong maalala ang mga nangyari kagabi.
Totoo naman ang sinasabi nito. Monsters were real. Kahit ilang beses man niyang pagsinungalingan ang sarili ay totoo na ang lahat.
Zombies were real.
At dahil sa pangyayaring iyon, hindi niya maiwasang lalong matakot para sa kanilang sitwasyon.
How can three children survive this apocalypse?
Chapter 5
Lumipas ang isang linggo ay hindi pa rin dumating ang mga magulang nila Ellie. Labis na siyang nag-aalala, pero wala naman siyang magawa. Sinusubukan niyang i-text ito o tawagan ay hindi naman ito sumasagot. May pagkakataon panga na nag-ring ang numero nito ngunit bigla namang nawala.
Mabuti na nga lang at sa kabila ng lahat ay mayroon pa rin silang kuryente at signal.
At dahil ilang araw na rin ang nakalipas ay unti-unti na ring nauubos ang stocks nila. Nag-aalala na si Angel dahil isa lang ang ibig sabihin niyon. Kailangan nilang maghanap ng makakain.
Habang si Ellie ay kanina pa nakatayo sa may bintana. Pinagmamasdan niya ang paligid. Wala na naman ang mga zombie. Magulo pa rin ang paligid. Nagkalat ang mga gamit at mga parte ng katawan na halatang naaagnas na. Maging ang mga natuyong dugo mula sa nangyaring kaguluhan. Kahit ang babaeng unang naging dahilan ng kaguluhan sa subdivision nila ay naroon pa rin.
Si Emman naman ay naglalaro sa isang sulok. Habang si El ay kanina pa nakatitig sa iPad nito.
Pero wala ang mga zombie. Iyon ang isa sa mga napansin niya. Tuwing umaga ay hindi niya nakikita ang mga nilalang na ito. Ngunit tuwing gabi ay doon niya naririnig ang mga pag-angil ng mga ito.
“Ate Angel, look. Something is weird,” ani Ellie.
Natigil sa pagchi-check ng kanilang pagkain si Angel. Wala na silang bigas at tanging biscuits na lang ang naroon. Wala na ngang frozen foods.
“What is it?” tanong ni Angel.
“Wait.”
Umalis sa bintana si Ellie. Nagpunta siya sa walk-in closet ng kaniyang mga magulang at may hinanap doon. Paglabas nito roon ay may dala na siyang binocular. Muling lumapit si Ellie sa bintana at ginamit ang binocular.
She smiled.
Nakita na niya ang mga zombie na ilang araw na niyang hinahanap. Ang mga ito ay nasa loob ng mga bahay ng kapitbahay niya. Naroon ang mga ito at nakatitig lang sa kisame at tila ba ay naging estatwa na.
“They are inside the houses, Ate.”
Natigilan si Angel. Lumapit siya kay Ellie. “Really?”
Inabot ni Ellie ang binocular sa dalaga. “Check it.”
Agad naman na kinuha ni Angel ang binocular. Napaawang ang bibig niya noong makita niyang naroon nga ang mga ito.
“Ano’ng ginagawa nila diyan?”
“I’m not sure. Kanina ko pa sila pinagmamasdan. Actually, noong isang araw pa. Tuwing umaga ay wala talagang zombies sa kalsada. Pero kapag gabi, nagsisilabasan sila,” paliwanag ni Ellie.
“Maybe they are nocturnal.”
Sabay na napatingin sila Ellie kay El. Nakaupo pa rin ito sa kama at nakatitig sa iPad nito.
“What?” tanong ni Ellie.
“There are some animals that are awake at night only. You know? Just like owls, bats,” paliwanag pa ni El.
Umalis si Angel sa may bintana at lumapit kay El. Naupo siya sa kama.
“Can you explain to me more about it?”
Tuluyan nang ibinaba ni El ang iPad at tumingin kay Angel.
“Well, may animals na parang sa gabi nabubuhay. They are mostly asleep at night. Their senses are more active at night. And if those things outside are only out at night, maybe they are nocturnal. Pero may mga hayop naman na hindi lang talaga kaya ang init na binibigay ng araw kaya hindi sila nalabas tuwing umaga. Maybe that is also a reason. Just like the polar bears, penguins. There’s a reason why they cannot live in our country.”
Napaawang sa pagkamangha si Angel. Kahit kasi walong taong gulang pa lang ito ay para na itong matanda kung magsalita. Halos wala nga siya naunawaan sa mga sinabi nito.
“So, as long as it’s morning, and there’s a light. They are asleep, right?” tanong ni Angel.
Tumango si El. “Yes.”
Napangiti si Angel. Kinurot niya ang pisngi ni El. “Ang galing mo talaga, El! Ang talino!”
Napangiwi naman si El. “It’s just basic, Ate. Pinag-aralan po ito sa science.”
Natawa naman si Angel. “Yeah, right.”
Napangiti si Ellie. Sa kanilang tatlo ay si El talaga ang pinakamatalino. Mahilig ito sa Science at Math. Madalas ito manood ng documentaries. Kaya hindi na siya nagtataka pa kung alam nito ang mga bagay na iyon.
“Why? Ano pong mayroon sa labas, Ate?” tanong bigla ni Emman.
“Ha? It’s nothing, Emman. Don’t mind us,” tugon ni Ellie. Hangga’t maari ay ayaw niya malaman nito ang nangyayari sa labas. Madalas kasing managinip nang hindi maganda si Emman.
Tumayo na si Angel at lumapit kay Ellie. Dahil sa kaniyang bagong nalaman ay naisip niya iyong bagong oportunidad.
“I need to do something, Ellie. Lalo na kung kagaya ng mga nilalang na iyon sa sinasabi ni El, it’s a best opportunity now.”
Nangunot ang noo ni Ellie. “What is it, Ate?”
“I need to go out and get us food.”
Napaawang ang bibig ni Ellie. “What? No! You can’t leave!”
Napatingin sa kanila ang dalawang bata.
“Wala akong choice, Ellie. Magugutom tayo kapag hindi ako lumabas. Think about your siblings. Paano mo sila papakainin?”
Nag-alinlangan si Ellie. May punto naman si Angel, pero alam niya rin kung gaano kadelikado ang binabalak nito.
“But those monsters are inside the houses. Paano ka kukuha ng pagkain? It’s dangerous!”
“Then I just have to choose one na walang zombies.”
“But…”
Hinawakan ni Angel ang mga kamay ni Ellie. “I know you’re scared. But I’ll come back. Promise.”
Hindi pa rin panatag si Ellie. “No. I’ll come with you then.”
Natigilan si Angel. “Ha? No, Ellie. Mas lalong hindi ka pwedeng lumabas. Stay here at ako na ang bahala lumabas. Mas kailangan ka ng mga kapatid mo.”
“But–”
“No more buts. It’s decided. You will stay here, and I will go outside.”

