Chapter 6
Walang nagawa si Ellie kundi ang manatili sa loob ng bahay kasama ang kaniyang mga kapatid. Gustuhin man niyang tulungan si Angel ay ito pa rin ang matanda sa kanila. Kahit papaano ay natatakot pa rin siya sa mga nilalang na iyon.
Tahimik na lamang niyang pinanood mula sa bintana ang dalaga gamit ang kaniyang binocular.
Nasa kalsada na ni Angel at tahimik na naglalakad sa gitna ng street nila. Napapangiwi pa siya sa tuwing nakikita ang mga putol na katawan sa paligid. Ang iba roon ay inuuod na kaya hindi niya mapaigilang mapaduwal.
Nakasuot siya ng itim na pantalon na hapit sa kaniyang hita at T-shirt. Nakasukbit din sa kaniya ang military bag na pag-aari nila Ellie upang lagyan niya ng mga makukuha niyang pagkain. Tanging isang baseball bat lang kaniyang gamit na panlaban. Ayaw niya kasing gamitin ang baril dahil hindi niya iyon alam gamitin.
“Hello, Ate? Did you find any vacant house?” tanong ni Ellie. Kausap niya si Angel mula sa cellphone. Mabuti na lang talaga at mayroon pang signal.
Naka-AirPods naman si Angel para siya lang ang makaririnig ng boses ni Ellie.
“Wala e. Parang lahat may laman,” diskumpyadong tugon ni Angel, habang tinitingnan isa-isa ang mga bahay na kaniyang nadadaanan. Maingat siyang tumitingin-tingin sa mga bahay.
“Right! Doon kila Mrs. Gonzales. Hindi ba nasa bakasyon sila ngayon? For sure walang tao o walang nakapasok sa kanila!” ani Ellie. “Hopefully ay wala nga.”
Tumigil si Angel sa paglalakad. Tuumingin siya sa kahabaan ng kanilang street. Nasa ikatlong bahay mula sa kanila ang kila Mrs. Gonzales. Isa itong nurse na kasalukuyang nagbabakasyon sa probinsya nila. Kung sakali mang walang nagtagumpay na pumasok doon ay maari ngang walang tao roon.
“Ate Angel?” tawag ulit ni Ellie.
“Wait!” biglang sabi ni El.
Nagulat pa si Ellie dahil nasa tabi na pala niya ang kapatid sa may bintana.
“What are you doing? Go back to bed!” saway ni Ellie dito.
“Ate, nakalimutan mo na ba na may drone ako? We can use it to check the houses,” paliwanag ni El.
Napaisip si Ellie. Maya-maya pa ay ngumiti siya. “You’re really a genius, El! Nasaan iyon?”
“Nasa kwarto ko!”
Agad na kumilos si El at lumabas ng masters bedroom para pumunta sa sarili nitong silid. Pagbalik nito ay hawak na nito ang drone at ang remote control niyon.
“Ate Angel, stay there. Gagamitin namin ang drone para makita kung wala ngang laman ang bahay nila Mrs. Gonzales,” ani Ellie sa cellphone.
“Okay,” matipid na tugon ni Angel.
Inilapag na ni El ang drone sa labas ng bintana. Pagkatapos ay binuhay na niya iyon at ang control niyon. Ilang sandali pa ay umugong na ang maliit na makina at lumipad sa himpapawid.
Minuwestra ni El ang control ng drone papunta sa bahay nila Mrs. Gonzales. Si Ellie naman ay nakatutok ang mga mata sa screen. Kita niya mula roon ang kalsada. Hindi niya mapigilang mapangiwi noong mas makita niya ang damage na nangyari dahil sa mga nakaraang delubyo.
Nadaanan din ng drone si Angel. Kumaway pa ito sa kanila. Tahimik itong sumunod sa drone.
“Ate Angel!” nakangiting sabi ni El.
“Focus, El.”
Lumabi naman si El, pero pinagpatuloy nito ang ginagawa.
Sa bawat bahay na nadadaanan ng drone ay kita ni Ellie kung gaano kadami ang laman na mga zombie. Lahat ng mga ito ay parang istatwang nakatayo sa loob ng bahay habang nakatingala sa kisame.
Pagdating nila sa bahay ni Mrs. Gonzales ay saradong-sarado nga iyon. Kahit ang gate ay naka-lock.
“There’s no way to enter the house,” ani El.
Nangunot ang noo ni Ellie. “Can you peek inside? Just to be sure kung walang tao o zombie diyan?”
Sumunod naman si El. Pinalipad niya malapit sa bintana ang drone. Pero hindi sila makakita sa loob dahil kung hindi nakasara ang bintana ay nakababa naman ang makapal na kurtina nito mula sa loob.
“We can’t see the inside, Ate Angel,” ani Ellie.
Napabuga naman ng hangin si Angel. Nakatayo na siya sa tapat ng bahay nila Mrs. Gonzales. Hindi kagaya ng mga kapitbahay nila, dito ay malinis ang bakuran. Ibig sabihin ay wala ngang nanakapasok sa loob.
“I’ll go inside,” ani Angel.
“Pero, Ate! Hindi natin alam kung may nakapasok na sa loob!” protesta ni Ellie.
“Malinis ang bakuran nila, Ellie. Naka-lock pa rin ang gate at pinto. Sigurado ako na walang nakapasok dito. Just be on guard. Sabihin niyo agad sa akin kung may makita kayong kakaiba.”
Wala nang nagawa pa si Ellie. Mula sa monitor ay nakita niyang umakyat na si Angel sa gate nila Mrs. Gonzales.
“Medyo itaas mo ang dronse, El. We need see the whole view,” ani Ellie.
Sumunod naman agad si El. Pinataas nito ang drone para makita ang harapan ng bahay. Habang si Angel ay nakalapit na sa maindoor ng mga Gonzales. Sinubukan nitong buksan iyon pero naka-lock. Kaya lumipat si Angel sa salamin na bintana. Maging iyon ay hindi niya mabuksan.
Umatras si Angel at naghanap sa bakuran. Noong makita ang isang malaking bato ay kinuha nito iyon. Saka ibinato doon sa salamin.
Napangiti si Angel noong tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay.
“Okay… now let’s check the kitchen,” ani Angel.
Dumeretso ito sa kitchen at tiningnan ang pantry. Napangiti siya noong makita na maraming stock ng pagkain at malinis na tubig doon. Sunod naman niyang chineck ang ref nila. Kahit iyon ay punong-puno rin ng mga karne.
“Did they really go to vacation?” hindi makapaniwalang tanong ni Angel.
“Why, Ate?”
“Well, meron na tayong stocks. Siguro ay kakasya sa ito ng isa pang buwan,” masayang balita ni Angel.
Napangiti si Ellie. “Nice! Should I go there?”
“Hindi na. Kaya ko na ito.”
Ibinaba na ni Angel ang suot na bag at muling bumalik sa pantry. Doon ay nilagay niya ang mga pagkain na kasya roon. Noong kinulang ang kaniyang bag ay naghanap siya ng pwedeng malagyan. Mabuti na lang at mayroon siyang nakitang cart sa garage ng mga ito. Doon na niya nilagay ang mga kailangan niyang bitbitin.
Habang si Ellie naman ay hindi inalis ang mga tingin sa monitor. Nangunot ang noo niya noong may marinig siyang mga angil mula mula roon.
“What?” bulong niya. “Itaas mo pa nga, El.”
“Huh?”
Agad naman sumunod si El. Pinataas pa niya ang drone. Natigilan si Ellie noong makita niyang may ilang mga zombie mula sa kabilang bahay ang pilit na lumalabas sa mga loob. Kahit iyong nasa kabilang block ay ganoon din.
“Ilapit mo nga sa kabilang bahay, El.”
Ginawa naman iyon ni El.
“They’re awake, Ate!” ani El.
Napalunok si Ellie. Nagpupumilit ang mga nilalang na lumabas ng bahay. Nakataas ang mga kamay nito na para bang may inaabot.
“It’s the drone,” ani Ellie. “Dahil sa ugong ng drone. They are attracted to the sound.”
Mataas pa naman ang araw. Kaya kahit papaano ay hindi siya natakot. Pero noong muli niyang ipinabalik kay Angel ang drone ay may napansin siya.
“What was that?”
Doon sa may likod ng bahay ay napansin niyang bahagyang bukas ang pinto papasok ng bahay. At sa lapag niyon ay may mga tulo ng dugo.
Napaawang ang bibig ni E
llie.
“Shit! Ate Angel! You need to leave that place now!”
Chapter 7
Sa isip niya ay magiging masaya ang hapunan nila ngayong gabi. Nakita niya pa ang sasakyan ng mga ito sa garahe kaya doon niya nilagay ang mga pagkain at stocks na nakuha niya. Ibabalik na lamang niya pagkatapos.
Masaya siyang naglalagay ng mga ito sa sasakyan, noong bigla siyang may marinig na nahulog mula sa ikalawang palapag ng bahay.
Natigilan si Angel at napatingin sa kisame. Masyadong malakas ang pagkakahulog niyon kaya rinig na rinig niya. Bahagya pa siyang kinabahan dahil siya nga lang dapat ang naroon.
“Ano kaya ‘yon?” bulong niya.
Nagkibit na lamang ng balikat si Angel at pinagpatuloy ang ginagawa.
Patapos na siya noong may marinig na naman siyang tunog. Ngayon ay para namang may narinig na siyang mga yabag.
Kumabog na ang kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong takot ang ibinibigay ng tunog niyon.
“May tao ba diyan?” tanong niya.
Dahan-dahang naglakad papasok ng bahay si Angel. Kinuha niya ang baseball bat na dala niya na nasa may pinto ng garahe papunta sa living room.
Katahimikan, iyon ang sumalubong sa kaniya noong makapasok siya ulit ng bahay.
Pumunta siya sa kusina para i-check kung may tao roon, pero wala rin. Naririnig pa rin naman niya ang drone ni El sa labas kaya medyo napanatag siya.
“Ellie? Are you there?” tanong niya.
Kinapa niya ang airpods sa tainga niya, pero wala na iyon doon.
“Shit! Nasaan na ‘yon?”
Dali-dali siyang pumunta pabalik sa pantry upang i-check kung doon iyon nahulog, pero wala. Halos wala na ngang laman ang pantry dahil nailagay na niya lahat sa kotse.
Papalabas na sana siya noong bigla na lamang may lumundag sa kaniyang kung ano. Napatili si Angel at agad na iniharang ang baseball bat sa kaniyang unahan.
Pagmulat niyang muli ng mga mata ay may babaeng zombie na pala ang nakapatong sa kaniya. Kagat-kagat nito ang baseball bat na hawak niya.
Halos maihi sa takot si Angel at mandiri sa hitsura ng zombie. Naagnas na kasi ang katawan nito. Napakaputla ng balat nito at halata ang mga ugat. Ang mga mata nito ay walang kabuhay-buhay at puros itim lamang. Idagdag pa ang nakasusuka nitong amoy.
Hindi naman ito ang unang beses na may makaharap siyang nilalang na ganito. Pero iba pa rin kapag nasa ganitong sitwasyon na siya.
“Help! Fuck! Go away!” sigaw ni Angel.
Umangil lamang ang nilalang at may lalong bumaon ang mga ngipin sa baseball bat.
Nangilid na ang mga luha niya. Gusto niya pang mabuhay. Marami pa siyang pangarap. Isa pa, paano na lang sila Ellie? Sino ang mag-aalaga sa mga ito?
Kailangang mabuhay siya!
Pilit na itinulak ni Angel ang nilalang. Ngunit dahil mas mabigat ito sa kaniya ay wala siyang magawa.
“No…”
Unti-unti nang bumigat ang kaniyang mga braso. Alam niyang kaunting galaw na lamang ng nilalang na ito ay babagsak na ito nang tuluyan sa kaniya.
Nawawalan na ng pag-asa si Angel. Wala naman siyang pagsisisi na lumabas siya, pero nakapanghihinayang lang. Hindi na ata niya makikitang matapos ang delubyong nangyayari sa kanila ngayon.
“I’m sorry, Ellie. Please take care of your siblings,” bulong ni Angel.
Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. At ilang sandali pa ay nagulat na lamang siya noong makarinig siya nang malakas na putok ng baril. Noong muli niyang iminulat ang mga mata ay nakatumba na sa gilid niya ang zombie.
“Ate Angel!” ani Ellie.
Sinipa niya sa gilid ang katawan ng zombie at tinulungan na tumayo si Angel. Nalilito pa rin ito sa nangyari.
“Are you okay? Nakagat ka ba niya?” tanong ni Ellie.
“H-Huh?” Marahang umiling si Angel. “I’m… I’m okay. I’m not bitten. Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya.
Muling tiningnan ni Angel ang zombie. May tama ng baril sa ulo nito. Kitang-kita niya ang utak na unti-unting lumalabas sa ulo nito.
Huminga nang malalim si Ellie. “May nakita kaming patak ng dugo doon sa may likod ng bahay nila Mrs. Gonzales. When I tried to warn you, you were not answering. Kaya pumunta na ako rito para tulungan ka.”
“You shouldn’t, Ellie. It’s dangerous! Dapat nag-stay ka lang sa bahay.”
“But I’m here now. Kung hindi ako pumunta ay baka ikaw naman ang nawala sa amin, Ate.”
Napatungo si Ellie.
“P-Paano na lang po kami?”
Napabuga ng hangin si Angel. Tinapik niya ang balikat nito.
“Okay. I’m sorry. I was just shock and worried at the same time. Mas maigi pa kung umuwi na tayo. Baka may iba pang nilalang dito.”
Tumango si Ellie. “Yes. The drone's sound is waking up the zombies. They are attracted to loud sounds.”
Natigilan si Angel. “So, that’s the reason. You used your gun. For sure na marami nang nagising na zombie. Kailangan na nating umalis dito.”
“Okay.”
Chapter 8
“Let’s eat!” masayang sabi ni Angel.
“Yey!”
Agad na sumubo sina El at Emman ng pagkain. Habang si Ellie naman ay nakangiting pinanood ang mga kapatid habang sumusubo rin ng nilutong pagkain ni Angel.
Dahil may karne na nakuha si Angel ay nagluto ito ng adobo at fried chicken. Kailangan nilang magtipid, pero ngayon lamang iyon. At isa pa, kailangan talaga nilang unahin na maubos ang mga karne dahil anumang oras ay maaring mawalan na sila ng kuryente dahil sa nangyayari sa kanila.
Matapos ang mga nangyari kanina ay hindi mapigilang maging masaya ni Angel. Nakakapagod, pero malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na nakaligtas sila kanina.
Hindi maiwasang maging proud ni Angel kay Ellie. Kung hindi dahil dito ay sigurado siya na isa na rin siyang zombie. Proud siya na kahit katorse anyos pa lamang ito ay may matalas na isipan at malakas na ang loob nito. Hindi manlang ito nagdalawang-isip na tulungan siya.
Kahit papaano ay panatag siya na kung sakali mang may mangyari sa kaniyang hindi maganda, magagawa nitong iligtas ang sarili at ang mga kapatid nito.
Pagkatapos nilang kumain ay nagligpit na rin agad si Angel ng kanilang pinagkainan. Habang si Ellie naman ay nag-check ng kaniyang cellphone. Sinubukan nitong kontakin ang mga magulang pero wala pa rin.
Nagtingin din siya sa social media. Hindi lang pala sa kanila kumalat ang zombies. Maging sa mga karatig bansa din ay nagkalat na iyon. Wala pang malinaw na dahilan kung saan nagmula ang mga nilalang na iyon. Kahit ang gobyerno ay tahimik na. Ni wala manlang tulong na ibinigay sa taong-bayan.
Napabuga ng hangin si Ellie. Umaasa na lang siya na sa sunod na mga araw ay darating na rin ang kaniyang mga magulang.
Natigilan si Ellie noong may marinig siyang mga boses mula sa labas ng bahay nila.
“Ssh! H’wag muna kayong maingay,” saway ni Ellie kila El. Nasa gilid kasi ang mga ito at naglalaro. Agad naman na sumunod ang dalawa sa kanilang ate.
“Sa tingin ko ay galing talaga iyon dito!” ani ng boses.
Napatayo na si Ellie mula sa kama. Lumapit siya sa may bintana at sumilip doon.
Napalunok siya noong makita ang tatlong kalalakihan at isang babae na tila ba ay may hinahanap.
“A-Ate Angel!” mahinang tawag ni Ellie kay Angel. Ngunit napalakas ata iyon dahil napatingin sa direksyon niya ang babae.
“Ayon! May bata!” ani nito.
Agad na ibinaba ni Ellie ang kurtina at lumayo roon.
“What is it, Ate? Sila Mommy na ba iyon?” tanong ni El.
Umiling si Ellie. “Hindi. Be quiet!”
Nagmamadaling pumunta sa banyo si Ellie. Doon na rin kasi ang nagsilbing kusina nila.
“Ate Angel! May mga tao po sa labas!” sabi ni Ellie.
Napatigil si Angel sa paghuhugas ng pinggan. “Really?”
Tumango si Ellie. Dali-dali namang lumabas ng banyo si Angel at lumapit sa may bintana. Doon ay nakita nito ang tinutukoy ni Ellie. Nakatingin na sa direksyon nila ang mga ito at agad na kumaway sa kaniya noong makita siya.
“Mang Rey?” gulat na sabi ni Angel. Napangiti siya bigla. “It’s Mang Rey, Ellie! Iyong guard dito!” ani nito.
“Po?”
Tumingin ulit si Ellie sa bintana. Nakilala niya nga ang pinakamatanda sa mga lalaking naroon sa labas. Ito ang isa sa mga guard sa subdivision nila. Palagi niya itong nakikita tuwing umaga sa tuwing papasok siya sa eskwelahan. Ngunit ang ibang mga kasama nito ay hindi na siya pamilyar doon.
“You’re right, Ate!”
“Dito muna kayo. Haharapin ko lang sila,” ani Angel.
Tumango si Ellie. Nanatili siya sa may bintana habang pinapanood ang mga ito. Sa ilang linggo na nilang nasa loob ay ngayon lang ulit siya nakakita ng buhay na tao.
Nakaka-miss din pala makakita ng totoong tao.
Dali-daling bumaba si Angel at lumabas ng bahay. Binuksan niya ang gate at binati agad si Mang Rey.
“Mang Rey!”
“Angel! Nakakatuwa naman at nakita kita!” masayang sabi ni Mang Rey.
Si Angel kasi ay medyo malapit kay Mang Rey. Minsan na kasi siya nitong iniligtas noon no’ng muntik na siyang ma-holdup. Kaya magmula noon, sa tuwing dumadaan siya ng gate ay binabati niya ang matanda. Minsan ay pinapasalubungan niya rin ito ng mga pagkain.
“Pinag-alala mo ako, Anak! Ang pamilya mo? Nakaligtas din ba sila?” tanong ni Mang Rey.
Unti-unting nawala ang mga ngiti ni Angel. “H-Hindi po e. Kung hindi nga ako nakatawid sa bakod, baka naging kagaya na nila ako,” malungkot na sabi ni Angel. “Halika po. Pasok kayo sa loob.”
Umiling si Mang Rey. “Hindi na, Angel. Pumunta kami rito dahil narinig namin ang putok ng baril kanina. Sa inyo ba iyon nagmula?”
Napakamot si Angel sa ulo. “Opo. Kasi kanina habang naglo-loot kami, muntik na… alam mo na. Pero niligtas ako ni Ellie. Siya iyong nagpaputok ng baril.”
“Ellie? Iyong bata kanina?” tanong ng babae. Ito ay si Claire, hindi nalalayo ang edad nito kay Angel.
Tumingin dito si Angel. “Oo.”
“Tsk! Isang bata? Gumagamit ng baril? Nasaan na ba ang magulang niyan?” tanong naman ng isang lalaking may kapayatan pero matipuno ang katawan. Ito ay si Jack.
Bahagyang nangunot ang noo ni Angel. “Hindi mo kilala si Ellie. Magaling siya sa baril.”
Sasagot pa sana si Jack, pero nagtaas na ng kamay si Mang Rey. “Kayo, kilala ko ang mga batang ito.”
Natahimik na ang mga kasama ni Mang Rey.
“Angel, Hija. Pumunta kami rito para masiguro na may survivors. At malaki ang pasasalamat ko na mayroon ngang survivors, at kayo iyon. Pero mayroon kaming ginawang camp. Iyong elementary school dito sa loob ng subdivision. Gusto niyo bang sumama roon?”
Natahimik si Angel. “Marami pong survivors?”
“Oo naman! At welcome kayo roon. Mas maigi pa na naroon kayo dahil siguradong magiging safe kayo roon.”
“Kausapin ko po muna si—”
“I’m not coming.”
Lahat ay napatingin sa may pinto. Naroon na pala si Ellie at nakatayo roon. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa mga nag-uusap.
“We are not leaving this house,” mariin niya pang sabi.
Hindi maari. Hindi sila pwedeng umalis na magkakapatid sa kanilang bahay. Hihintayin pa nila ang mga magulang nila.
Uuwi pa sila.
Chapter 9
Muling pumasok si Ellie sa kanilang bahay. Hindi niya maunawaan kung bakit tila ba ay gustong umalis ni Angel sa kanila.Ligtas naman sila rito, bakit pa sila lalayo? Ilang linggo na bago kumalat ang virus pero buhay pa rin sila. Hindi nila kailangan ng mga kasama.
Ang kailangan nila ay manatili sa kanilang bahay at hintayin ang kanilang mga magulang.
“Ellie, wait lang. Let’s talk!” tawag ni Angel dito.
Hinawakan ni Angel si Ellie sa braso upang mapigilan itong umakyat ng hagdan. Inis naman na hinarap ni Ellie ang dalaga.
“What? Hindi nga ako aalis dito, Ate! We will stay here!”
Hindi maiwasang makaramdam ng pagkasiphayo si Angel. Pero huminga lamang siya nang malalim. Alam naman niya kung bakit ganito ang inaakto ng bata.
“I understand why you don’t want to leave her, Ellie. Pero isipin mo na lang ang mga kapatid mo. Sa sitwasyon natin ngayon. Mas maigi na marami tayong kasama. Mas magiging ligtas tayo,” paliwanag niya.
Napailing si Ellie. “How can we be so sure na magiging ligtas tayo, Ate? Isa pa, hindi ba sa mga movie, kapag maraming kasama sa isang building ay mas madaling mapasok ng mga zombie? Paano kung ganoon ang mangyari sa atin? Sino na lang ang babalikan nila Mommy dito?”
“Ellie, this is real life. Kung ano man ang mga napapanood natin sa palabas ay hindi iyon mangyayari. As long as magtulungan tayo, and we trust each other.”
Nangilid na ang mga luha ni Ellie. Pinilit niya ang sarili na mag-isip pa ng pwedeng maidahilan kay Angel, pero wala na rin siyang mapiga sa sarili. Dahil kung tutuosin ay may punto pa rin ito.
Mas mabuti pa rin na may iba pa silang kasama. Kaysa sa silang apat lamang. Mas magiging ligtas silang magkakapatid.
“But… paano sila Mommy? Paano kapag dumating sila tapos wala kami rito? They will look for us, Ate.”
Bumuga ng hangin si Angel. Sinapo niya ang ulo ni Ellie.
“We will leave a note. We will make sure that they know where we are. So, don’t worry, okay? Magiging maayos na rin ang lahat. Lalo na ngayon at may makakasama na tayong iba.”
Huminga nang malalim si Ellie. Pinahid niya ang mga mata saka marahang tumango.
“Okay. Fine. Let’s go with them.”
Napangiti nang malapad si Angel. Hinigit niya si Ellie at niyakap.
“Don’t worry, Ellie. Ate is always here. Kahit saan tayo mapunta. Kahit na ano man ang mangyari sa atin ay ipagtatanggol ko kayo.”
Muling nangilid ang mga luha ni Ellie, but this time ay pinigilan na niya iyon.
Matapos iyon ay naghanda na ng mga gamit sila Ellie. Nagmamadali na sila dahil malapit na ang hapon. Maging ang mga pagkain na ni-loot nila ay dinala rin nila papunta sa camp na sinasabi ni Mang Rey.
Siniguro naman ni Ellie na dala-dala niya ang mga armas at bala ng kaniyang ama. Magiging malaki ang tulong ng mga iyon sa kanila.
“Where are we going, Ate?” tanong ni El.
“Are we going to Mom?” excited naman na tanong ni Emman.
Napangiwi nang kaunti si Ellie. Nasa loob na sila ng sasakyan ni Mrs. Gonzales. Pinili kasi nilang gamitin na lang ulit iyon dahil nga sa dala nilang pagkain.
Nasa backseat ang tatlong magkakapit. Maging si Angel ay naroon din at kandong-kandong si Emman.
“Ahm, nope,” tugon ni Angel. “Pupunta lang tayo sa mas ligtas na lugar. Mas maraming mga kasama.”
Awtomatikong nangunot ang noo ni El. “Really? Is it safe?” tanong nito.
Nagkatinginan sina Ellie at Angel. Sa unahan ay si Bruno ang nagmamaneho, isang binatilyo na nakatira din sa Subdivision. Katabi nito si Lucy na tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Habang sina Mang Rey at Jack naman ay mas pinili na maglakad na lamang papunta sa kampo dahil hindi na sila kasya sa loob.
“Of course, El. Don’t worry. Safe tayo roon. Naroon si Mang Rey. You know him, right?” tugon ni Angel.
Marahang tumango si El. “But… Based on my observations, mas delikado kapag nasa isang camp. Mas lapitin iyon ng mga zombie.”
Natigilan si Angel. Si Lucy na kanina ay nakatingin sa labas ay napalingon sa kanila. Habang si Bruno ay napangisi lang.
“Mukhang malikot ang isipan mo, Bata,” ani Bruno. “H’wag kang mag-alala. Safe naman tayo sa camp.”
Unti-unting tumango si Lucy. “O-Oo nga. Marami ding mga bata roon. May mga makakalaro kayo.”
“Maraming toys?” tanong ni Emman.
Ngumiti nang malapad si Lucy. “Oo naman! Marami!”
“Yehey!”
Hindi umimik si El. Sa kaniyang isipan ay nagdadalawang-isip pa rin siya sa binabalak nila. Pakiramdam niya kasi ay mas delikado sila sa lugar na iyon.
Sana nga ay mali siya. Iyon na lamang ang kaniyang inisip.
Chapter 10
Ang elementary school sa loob ng subdivision ang ginawang kampo ng mga survivor na pinamumunuan ni Mang Rey.Maliit lamang iyon pero mayroong building na may limang palapag ang taas. May dalawa pang nakahiwalay na building para sa cafeteria at faculty room. Ganoon lang iyon dahil nga eksklusibo ang paaralang iyon para sa mga nakatira sa subdivision.
Dito rin nag-aaral si El. Si Ellie kasi ay sa ibang eskwelahan na dahil nasa middle school na ito.
Pagkarating nila Ellie doon ay pinapunta sila agad main building sa first floor. Doon ang nagsisilbing receiving area ng mga bagong dating na survivor. Chine-check kung kailangan ba ng medikal na atensyon.
“Bata. Kailangan naming kuhain ang mga baril mo,” ani ng isang lalaki kay Ellie.
Tinitingnan nito ang dalang bag ni Ellie na nakapatong na sa isang mahabang lamesa.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Ellie at hinawakan ang bag niya.
“No. Akin ito. I won’t surrender this!” giit niya.
“E hindi mo naman kailangan ‘yan. Makatutulong pa ito sa amin kapag kailangan naming mag-loot ng pagkain.”
Sinubukang tanggalin ni Ellie ang bag niya at ang shotgun sa lamesa. Pero hinawakan din ito ng lalaki.
“This is mine! Bakit kayo nangunguha ng mga gamit?!” galit na tanong niya. Medyo nagtaas na rin ang boses niya.
Napatingin na sa kanila ang ilang mga tao na naroon din. Si Angel na nasa unahan na sana kung saan iche-check na sana ang katawan niya ay napatingin sa kanila.
“Wait.”
Lumapit agad si Angel kay Ellie.
“Ano’ng nangyayari dito? Bakit, Ellie?” tanong niya.
“Ate, gusto niyang kuhain ang mga baril ko. This is mine!” giit ni Ellie.
Tumingin si Angel sa lalaking nakapwesto sa lamesa.
“Isa iyon sa rules. Kailangan i-surrender ang mga armas na dala. Para magamit na rin kapag kailangan. And for safety purposes na rin. Lalo na at isang bata ang may-ari nito,” paliwanag ng lalaki.
Napaawang ang bibig ni Ellie. “That’s it? Because I’m still a kid? FYI, Mister! I’m already fourteen! I’ll turn fifteen next month!”
Napangiwi si Angel. “Ahm, sorry, Sir. Kausapin ko muna siya.”
Napailing ang lalaki. Pero tumango rin ito at kinausap ang iba survivor na dumating.
Hinila ni Angel si Ellie sa gilid.
“Kung kakausapin mo ako tungkol sa mga baril, Ate. Hindi ko sa kanila ibibigay yan,” mariin na sabi ni Ellie. Salubong ang mga kilay nito at nakasimangot. Mas lalo tuloy lumitaw ang ganda nito.
“Ellie, sige na. Kailangan nating sumunod sa rules nila. Hindi naman nula kukuhain talaga ‘yan. We can get it back kapag umalis na tayo.”
“But it's my Daddy's gun, Ate! Hindi ko pwedeng ibigay lang sa kanila iyon. Kung ganito sila, edi babalik na lang ako sa bahay!”
“Think about your siblings, Ellie. Nakita mo naman kung gaano kadami ang mga tao rito. Kung gaano ka-secure. They can help us.”
Nakagat ni Ellie ang mga labi. Naluluha na siya sa inis dahil sa mga rules nila.
Isa pa, ang mga baril na iyon na nga lang ang alaala niya tatay niya ay kukuhain pa nila. Pero may punto si Angel.
Nakita niya kung gaano ka-secure ang lugar na iyon. Gaano sila ka-organize. Marami ding tao na pwedeng magtanggol sa kanila ano man ang mangyari.
Safe.
“But I want my guns, Ate.”
Napabuga ng hangin si Angel. “Okay. I can talk them out with your handgun, pero iyong shotgun. I’m not sure.”
Hindi pa rin gustong bitawan ni Ellie ang ibang baril, pero kung gusto nilang mag-stay rito ay kailangan niyang gawin iyon.
“Okay. The handgun stays with me.”
Ngumiti si Angel. Tinapik nito ang balikat ni Ellie at iniwan muna saglit ang bata.
Tahimik naman na naghintay si Ellie kay Angel. Ilang sandali pa ay bumalik ito dala ang bag ni Ellie.
“Here. Pumayag sila. Pero hindi mo pwedeng ilabas iyon at kailangan ay sekreto lang.”
Inabot nito ang bag kay Ellie. Gumaan na iyon.
“Mabuti na lang dumating si Mang Rey.”
“Thank you, Ate.”
Inakbayan ni Angel si Ellie.
“Come on. Your brothers are waiting.”
Tumango si Ellie. “Let’s go.”

