Views

Surviving The Apocalypse (Chapters 16 to 20)

Ameiry Savar
0

 


Chapter 16



Pumunit sa matinding katahimikan sa paligid ang malakas na sigaw ni Ellie. Hindi niya maalis-alis ang paningin mula sa nakahandusay na katawan ni Angel.

Nasa ibabaw pa rin nito ang nilalang na patuloy sa pagkagat sa leeg nito. Habang si Ellie ay nasa tabi lamang ni Angel.




"No! Ate Angel!" sigaw ni Ellie.




Mabilis namang hinawakan ni Gabriel ang braso ni Ellie at hinila ito palayo sa katawan ni Angel. Nagkakawag si Ellie at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Gabriel.




"No! Please! Save her!" iyak ni Ellie.




Sinubukan ni Ellie na muling kumawala sa pagkakahawak ni Gabriel. Ngunit niyakap na ito nang mahigpit ng binata upang hindi ito makawala.




Nanghihinang tiningnan ni Ellie si Angel. May luha nang tumutulo sa mga mata ng dalaga. Pero bahagyang nakangiti ang labi nito. Na para bang sinasabi nito na paalam sa kaniya.




Lalong nadurog ang puso ni Ellie. Gustuhin man niyang iligtas si Angel, ngunit ano ang kaniyang magagawa? Nakagat na ito ng zombie. Isa pa ay mahigpit ang pagkakakapit sa kaniya ni Gabriel.




Hindi alam ni Ellie kung ano ang nangyari. Kung paanong biglang nagkaroon ng zombie. At kung bakit imbes na siya ang makagat ay ang ate Angel na niya ang naroon.




Mali iyon. Dapat siya ang nasa posisyon nito. Hindi dapat siya ang kinakarga papasok ni Gabriel sa minivan.




"Bilisan niyo! Umalis na tayo rito! Nagigising na rin sila!" ani Mang Rey.




Narinig na kasi nila ang angil ng ibang mga zombie mula sa loob ng mga establisyimento. Malapit na rin mawala ang araw kaya mahihirapan silang makatakas kung sakali na gabihin sila.




Agad na sumakay si Mikaela sa isang truck. Habang si Jack naman ang sa kabila. Si Clarence na ang nagmaneho sa minivan dahil hindi magawang bitawan ni Gabriel si Ellie.




"No, please! Mang Rey! Hindi natin pwedeng iwanan si Ate Angel! Please! Help her!" pakiusap ni Ellie.




Parang dinurog ang puso ni Mang Rey noong marinig ang pakiusap ni Ellie. Gustuhin man niyang gawin ang pakiusap nito, pero alam nilang lahat na huli na ang lahat sa kung sino man ang makagat din ng mga nilalang na iyon. Masakit para sa kaniya na makita ang nangyari kay Angel. Para na rin niya itong anak. Ngunit wala na siyang magagawa pa dahil nangyari na ang lahat.




"Kailangan na nating umuwi, Anak. Patawad. Pero wala na tayong magagawa," malungkot na sabi ni Mang Rey.




Mabilis na umiling si Ellie. Muli ay sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Gabriel.




"No! I don't believe you! Wala lang kayong ginagawa!" galit na sigaw ni Ellie.




Napabuga ng hangin si Mang Rey. Sinenyasan niya si Clarence na paandarin na ang sasakyan. Agad namang sumunod ang huli.




"N-No! Please! Please, Kuya! Tulungan natin si Ate!"




Tiningnan ni Ellie si Gabriel. Blangko lang ang ekspresyon nito na nakatingin sa kaniya.




"Wala na tayong magagawa pa para sa kaniya, Ellie. Accept it already. Ito na ang kapalaran natin," malamig na sabi ni Gabriel.




Napaawang ang bibig ni Ellie. Hindi siya makapaniwala na lahat ng mga matatandang kasama niya ay pare-parehas ang mga sinasabi.




Paanong wala nang magagawa? Kung siguro ay tinulungan nila si Angel, maari siguro na nailigtas pa nila ito. Baka naman may kailangan lang na inumin na gamot? Baka kaya pa.




Unti-unting umiling si Ellie.




"Let me go!" galit na sabi ni Ellie.




"I can't. You're out of control," ani Gabriel.




Pinanlisikan ni Ellie ng mga mata si Gabriel.




"I said, let me go!"




Hindi naman nagpatinag si Gabriel.




"I'll do it kung mangangako na hindi ka na magwawala."




Pigil na pigil ang mga luha na tinitigan lang ni Ellie si Gabriel.




Paano nga ba niya iyon gagawin? Gayong parang sasabog na ang dibdib niya dahil sa matinding emosyon na kaniyang nararamdaman.




Unti-unting kumalma si Ellie. Ano pa nga rin ba ang magagawa niya? Malayo na sila kay Angel. Hindi na niya ito maililigtas.




Napahagulhol muli si Ellie.




"A-Ate Angel... She's gone. She's dead."




Sunod-sunod siyang umiling.




"It's all because of me!"




Natahimik ang buong van. Walang nagsalita sa tatlong nakatatandang kasama ni Ellie. Pero siya ay nagluksa sa loob niyon. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mailabas niya ang bigat na nararamdaman niya.




Wala na si Angel.




Wala na ang kaniyang ate.




Paano na lang silang magkakapatid ngayon?

Paano niya magagawang iligtas ang mga ito gayong nag-iisa na lamang siya?





Chapter 17


Tulala si Ellie noong dumating sila sa kampo. Wala ring nagtangkang magsalita sa mga ito tungkol sa nangyari. Iyong dapat na masayang pangyayari dahil sa wakas ay nakakuha sila ng maraming loots ay nauwi sa kalungkutan.

Si Mikaela na ang sumama kay Ellie papunta sa kanilang silid. Pagdating doon ay agad na dumeretso sa banyo si Ellie upang maglinis ng katawan.


Wala siyang ekspresyon sa kaniyang pagkilos. Para na rin siyang zombie dahil hindi na siya nag-iisip sa kaniyang mga ginagawa.


"What happened to my Ate, Ate Mikaela?" tanong ni El.


Kanina pa itong nakaupo sa higaan nito. Babatiin niya sana ang kapatid, pero napansin niya agad ang kakaiba nitong ekspresyon.


Napabuga ng hangin si Mikaela. Kaya ayaw niya sanang maghatid kay Ellie. Hindi kasi siya magaling makipag-usap sa mga bata.




"Ahm, may pinagdadaanan lang ang ate mo. Can you get her clothes? Ihahatid ko sa kaniya," nakangiting sabi ni Mikaela.




Nalilito man ay tumango si El. Sinunod niya agad si Mikaela at ikinuha ng damit si Ellie. Pagkatapos ay inabot niya ito kay Mikaela.




"Here. Where's Ate Angel? Bakit ikaw ang kasama ni Ate?" tanong ulit ni El.




Napalunok si Mikaela. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa bata ang nangyari. Alam naman kasi niya na malapit sa isa't isa ang mga ito.




"Ahm, si... Mang Rey na lang ang magsasabi sa 'yo mamaya, okay? Asikasuhin ko lang ang ate mo."




Iyon na lamang ang sinabi ni Mikaela. Hindi na rin niya hinintay pa na sumagot si El. Nagmamadali na siyang lumabas ng silid ng mga ito at pumunta sa banyo kung saan naliligo ang mga resident.




Pagkatapos ni Ellie makapaglinis ng katawan ay muli siyang bumalik sa kanilang silid at nahiga sa kama. Doon ay muli niyang ibinuhos ang kaniyang nararamdaman. Habang si Mikaela ay sinigurado muna na maayos na si Ellie bago iniwan ito sa silid.




"Don't bother your sister, El, okay? Hayaan mo muna siya," habilin ni Mikaela kay El.




Tumango naman si El. Sandali niyang tiningnan ang kapatid. Pagkatapos ay pinagpatuloy ang ginagawa sa kama. Mayroon itong inaayos na kagamitan.




Muling tiningnan ni Mikaela si Ellie. Nalulungkot siya para dito, ngunit wala na silang magagawa pa.




Ilang oras din sa ganoong posisyon si Ellie. Hindi naman ito inistorbo ni El na patuloy lamang sa pagkumpuni. Dumating din si Lucy sa silid at sinubukang kausapin si Ellie, pero hindi ito sumagot at nanatili lamang na nakatalikod.




Masakit para kay Ellie ang nangyari. Ang nag-iisang tao na akala niya ay makakasama niya sa pag-aalaga sa mga kapatid ay wala niya.




Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Kung sana ay nakinig na lamang siya kay Angel ay hindi na sana ito nangyari pa. Hindi na sana ito nawala pa. O kaya naman kung sana naging attentive lamang siya ay nagawa sana niyang labanan ang zombie.




Ngunit natakot siya. Iyon ang reyalidad na hindi niya matanggap.




Ang tapang niya noong mag-volunteer siya. Pero noong nasa harap na niya ang zombie ay natalo siya ng takot.




Gabi na noong magising si Ellie.




Tahimik siyang tumayo at tiningnan ang mga kapatid. Tulog na ang mga ito. Naroon din si Lucy sa kanilang silid at katabi ni Emman sa pagtulog.




Lumabas siya ng silid nila. Wala ng tao sa pasilyo noong binaybay niya iyon. Naririnig pa naman niya ang ilang mga survivor sa kani-kanilang mga silid, pero wala ng gumagawa ng malakas na ingay.




Bumaba siya sa hagdan hanggang sa makarating siya sa entrance ng building. Mayroong mga nakabantay doon. Minabuti ni Ellie na lumabas mula sa likuran sa may kusina. Alam niya kasi na wala roong nakabantay.




Hindi niya inalintana ang panggabing hangin na humahampas sa kaniyang balat. Maingat ang kaniyang mga kilos upang hindi makita ng mga bantay. Natunton niya ang headquarters.




Mayroon ding bantay doon. Pero noong makita niya na tulog ang mga ito ay maingat siyang pumasok sa loob at kinuha ang sniper gun na dala niya kaninang umaga. Binitbit niya iyon hanggang sa makarating siya sa likod na parte ng kampo. Mayroon din naman na nakabantay doon kaya hindi siya agad dumeretso.




Iniwan niya muna ang dalang baril sa tagong parte saka lumapit sa mga ito.




"Oh, Bata? Bakit narito ka pa sa labas? Bawal ka na rito," sita agad ng isang bantay.




Pinilit na ngumiti ni Ellie.




"Sorry, Kuya. Pinapatawag po kayo ni Mang Rey. May sasabihin po ata."




Nagkatinginan ang dalawa. Sumenyas ang isa.




"Sige. Ako na ang bahala muna rito."




"Hindi po," biglang sabi ni Ellie. "Dalawa po kayo na pinapatawag ni Mang Rey."




"Ha? Sigurado ka ba?"




"Opo."




Tumango ang isa.




"O sige. Pupunta na kami roon. Ikaw. Bumalik ka na sa silid niyo. Gabi na. Nagkalat na sila sa labas."




"Opo, Kuya," magalang na sabi ni Ellie.




Hinintay ni Ellie na makaalis ang dalawa. Noong hindi na niya makita ang mga ito ay dali-dali niyang kinuha ulit ang sniper gun at lumapit sa maliit na gate. Mahigpit niya iyong hinawakan at lumabas ng kampo.




Hindi siya papayag na hindi niya mailigtas ang kaniyang Ate Angel.




Chapter 18


Determinado na si Ellie, pupuntahan niya si Angel sa labas ng subdivision at ililigtas ito. Hindi siya naniniwala na isa na itong zombie. Babalikan niya ito. Hindi niya ito iiwan.

Ngunit bago pa man makalabas si Ellie sa maliit na gate ay may biglang humila sa kaniya pabalik sa loob. Napatili si Ellie kaya agad na may tumakip sa kaniyang bibig. Dali-daling isinara ng iba pa nitong kasama ang maliit na gate at ini-lock iyon.


Nagulat pa si Ellie noong makita na si Gabriel pala ang humila sa kaniya pabalik sa loob. Kasama na nito ang dalawang bantay na nasa may gate naman.


"Are you insane?! Ipapahamak mo ba talaga tayong lahat?!" galit na tanong ni Gabriel. Pigil na pigil ang boses niya na lumakas dahil naririnig na nila ang mga zombie malapit sa pader. Mayroon na ngang bumubunggo sa gate kaya lalong naglilikha iyon ng tunog.




Tuluyang pinakawalan ni Gabriel si Ellie. Nilingon naman ito ng dalagita na nanlilisik ang mga mata.




"I'm not! Babalikan ko lang si Ate Angel! Alam ko na naroon pa siya!" giit ni Ellie. Gigil ang boses niya pero pinigilan din niya iyong laksan.




Nagsalubong ang mga kilay ni Gabriel.




"What? Sa tingin mo ba maililigtas mo pa talaga ang ate mo? She's dead, Kid! Iyon ang dapat mong isipin!"




"No!" tili ni Ellie. Lalong nag-angilan ang mga zombie sa labas. Dumadami na rin ang nasa may gate na humahampas doon.




"B-Boss..." ani ng lalaking bantay. Mahigpit na ang hawak nila sa baril na nakatututok sa gate.




"Shit!" mura ni Gabriel. "Stay quiet," bilin niya sa mga ito.




Hinila ni Gabriel si Ellie palayo sa may pader. Nagpipilit pa kumawala si Ellie pero hindi nagpatinag si Gabriel. Nasalubong nila sa may quadrangle si Mang Rey at ilang mga guard pa na halatang nagising.




"Ano'ng nangyari?" tanong ni Mang Rey. Tiningnan niya si Ellie. "Ellie? Ano'ng ginagawa mo rito?"




Binitawan ni Gabriel si Ellie. "Sinubukan niyang lumabas ng gate. Dagdagan niyo ng bantay doon sa likod. Baka biglang may makapasok."




Napamura ang mga bantay. Agad na kumilos ang mga kasama ni Mang Rey at pumunta sa likod. Naiwan silang tatlo sa quadrangle.




Bumuga ng hangin si Mang Rey.




"Ellie, anak. Bakit mo naman gustong lumabas?" mahinahong tanong ni Mang Rey.




Nag-iwas ng tingin si Ellie. Nangingilid na ang mga luha niya habang hawak-hawak ang braso na hinawakan ni Gabriel kanina.




"I... I want to save Ate Angel."




Malungkot na tiningnan ni Mang Rey si Ellie. Tinapik niya ang balikat nito, saka ito hinila at niyakap. Tinapik-tapik nito ang likod na para bang inaalo.




Tuluyan namang napaiyak si Ellie. Hindi niya pa rin matanggap ang sinapit ni Angel. Sinisisi niya pa rin ang sarili dahil sa nangyari.




"I-It's my fault, Mang Rey. I should've---"




"Shh. Hindi, Anak. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Isipin mo na lang na mahal ka ng Ate Angel mo kaya mas pinili ka niyang iligtas. Alam ko na mahirap dahil wala na siya. Nasasaktan din ako. Ngunit nasa ganito na rin tayong sitwasyon. Sa buhay natin ngayon ay hindi natin alam kung hanggang kailan natin makakasama ng ligtas ang minamahal natin. Kaya hangga't maari... lakasan mo ang loob mo. Bata ka pa, Anak. Alam ko na mahirap pa para sa 'yo ang iproseso ang lahat. Pero narito kami. H'wag mong kalimutan na may mga tao na nagmamahal sa inyo at handa kayong iligtas," paliwanag ni Mang Rey. Hindi rin nito maiwasang mapaluha.




Hindi sumagot si Ellie. Pilit niyang iniintindi ang sinabi ni Mang Rey. Pero mahirap pa rin sa kaniya. Masakit.




"She doesn't deserve it, Mang Rey. Ate Angel."




"Nangyari na, Anak. Sa ngayon ay kailangan mo na lang magpalakas ng loob mo. Kailangan ka ng mga kapatid mo, Anak. Alam ko na matapang ka. Masakit. Pero kailangan nating tanggapin ang nangyari."




Hindi na sumagot si Ellie.




Tama naman ang matanda. Wala na silang magagawa.




Masakit pa rin para sa kaniya ang nangyari. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya?




Ang hindi lang niya matanggap ay tila ba ito na ang magiging new normal para sa kanila. Na wala na silang magagawa.




Ang sabi ng daddy niya noon ay lahat may dahilan. At kung may nangyayaring problema, mayroong sulosyon. Hindi man nila iyon alam sa ngayon. Pero pagdating ng araw, sisiguraduhin niya na mahahanap niya ang solusyon.




Tama. Kailangan niyang maging malakas. Hindi lang para sa sarili, kundi para na rin sa kaniyang mga kapatid. Walang ibang makakatulong sa kanila kundi siya na lamang.




Siya na lang.



Chapter 19

Matapos ang pangyayaring iyon ay sinubukan ni Ellie ang mag-move on. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin iyon. Kailangan niyang maging malakas para sa kaniyang mga kapatid.

Nagtatanong ang mga kapatid niya kung nasaan si Angel. Noong una ay hindi nila sinabi ang totoo. Lalo na kay Emman dahil nga naging malapit na rin ito sa dalaga. Pero kalaunan ay sinabi na rin nila ang totoo.


Nagluksa ang dalawa. Natakot dahil maaring iyon na rin ang nangyari sa kanilang mga magulang. Pero mariing pinaintindi ni Ellie sa mga ito na hindi maaring mangyari iyon.


Babalik ang kanilang mga magulang.




Kasalukuyang abala si Ellie sa pagbibigay ng pagkain sa mga survivors sa cafeteria. Siya ang tagasandok ng mga pagkain sa mga ito.




Marami silang nakuhang pagkain noon. Pero dahil sa dumami na rin bigla ang mga survivors ay nagkulang na rin iyon.




"Ito lang? Ang dami pa niyan ah!" reklamo ng isang lalaki. Malaki ang bilbil nito sa tiyan at kalbo. Hindi nito nagustuhan ang isinandok na pagkain ni Sarah sa plato nito.




Napaigtad naman si Sarah sa takot dahil sa laki ng boses nito.




"S-Sorry, Kuya. Pinagkakasya lang po natin ang pagkain. Iyon po kasi ang sabi ni Mang Rey," paliwanag ni Sarah.




"Lintik na! E ano naman ang gagawin niyo sa pagkain na 'yan? Ang damot niyo naman! Dagdagan mo pa! Sa tingin mo ba kakasya sa akin ito?!" reklamo pa rin nito.




Napatingin si Ellie sa kanila. Si Sarah kasi ang tagasandok ng kanin, kay Ellie naman ang pagkain. Lumapit siya sa mga ito.




"Kuya, hindi mo ba naintindihan ang sinabi niya? Pinagkakasya lang po namin ang pagkain. Hindi pwedeng damihan ang sa 'yo dahil marami pa ang kakain," paliwanag ni Ellie.




Tiningnan ng masama ng lalaki si Ellie.




"Pakealam ko sa kanila? Nagugutom pa ako kaya pakainin niyo ako! Iyan ang sabi niyo noong tinanggap niyo ako dito!"




Pakiramdam ni Ellie ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa sinabi nito. Ang ilang mga tao rin na nakapila ay napapailing na lang dahil sa inaasal ng lalaki.




"Pwede ba, Kuya? Wala akong pakealam kung gutom ka pa! Edi maghanap ka ng pagkain sa labas!" sagot ni Ellie.




"Aba't! Ang yabang mong bata ka, ah?! Wala kang respeto sa nakatatannda sa 'yo!"




"Why would I respect you? Hindi ka naman karespe-respeto!"




"Putangina! Humanda ka sa akin!"




Akmang itataas ng lalaki ang kamao. Hindi naman natinag si Ellie at sinalubong lang ang galit na mga mata ng lalaki. Mahigpit na hinawakan niya ang sandok at hinanda ang sarili. Ngunit bago pa man makasuntok ang lalaki ay may humawak sa braso nito.




"Boss, kalma lang," ani Gabriel. "Alam kong gutom ka pa. Pero kailangan mo ring isipin ang mga kasama natin," paliwanag nito.




Bahagyang napanatag si Ellie. Lately ay napapansin niya si Gabriel na palaging nakabantay sa kaniya. Hindi man siya nito nilalapitan o kinakausap. Nahuhuli niya itong palaging nakabantay. Hindi naman siya na wiwirduhan doon, kaya hinahayaan niya lang.




"At isa pa, hindi tama na pumatol ka sa mga bata."




Napaangil ang lalaki. Inis na hinila nito ang kamay mula kay Gabriel.




"Ang dadamot niyo!" iyon na lamang ang nasabi nito. Dumura pa ito sa sahig bago umalis sa unahan.




Napabuga ng hangin si Ellie at umiling-iling.




"How ungrateful. Wala pa ngang naitulong sa kampo kung makapag-demand," ani Ellie.




"Grabe. Nakakatakot naman siya," ani Sarah. "Paano kung may mas malala pa sa kaniya na mapunta dito sa kampo?"




Tinapik ni Gabriel ang lamesa.




"H'wag kayong mag-alala. Hindi naman namin hahayaan na magpatuloy ang mga kagaya nila."




Ngumiti si Ellie dito. "Thank you, Sir."




Tumango si Gabriel. "Just call me Tito Gab, Ellie."




Nalito nang kaunti si Ellie. Pero tumango na lang siya.




"Sige po."




Umalis na rin si Gabriel sa may lamesa kaya nagpatuloy sila Ellie sa pagbibigay ng mga pagkain sa survivors. Matapos nilang gawin iyon at kumain na rin silang dalawa sa kusina.




"Wala pa rin bang balita kung kailan matatapos ito?" tanong ni Sarah. "Hindi pa rin ba sila nakakahanap ng cure?"




Napaismid si Ellie.




"Cure? Asa ka pa. In this goverment?"




Napabuga ng hangin si Sarah.




"Hay... nakakalungkot naman ang nangyari sa mundo natin, Ellie."




Natahimik si Ellie. Nakakalungkot, ngunit wala rin naman silang magagawa.




"Oo nga. But we have to hold on. Baka naman pagdating ng araw ay matapos na rin ito."




Ngumiti bigla si Sarah.




"Nga pala, hindi ba birthday mo na next week? Ano ang balak mong gawin?"




Natigilan si Ellie. Sa dami ng nangyari ay nawala na nga sa isip niya ang tungkol sa kaniyang kaarawan. Magkikinse anyos na siya.




"Saan mo naman narinig 'yan?"




"Kay El! Sabi niya sa akin kahapon. Ano? Maghahanda tayo?"




Naiikot ni Ellie ang mga mata.




"Ano ka ba? Paano? Sa ganitong sitwasyon natin?"




Napalabi si Sarah.




"Oo nga pala. Pero... hayaan mo na. Try natin. Baka naman magkaroon tayo ng blessing next week. Happy birthday na agad, Friend!"




Ngumiti lang si Ellie. Sana nga maging happy ang birthday niya.




Pagkatapos nilang kumain ay lumabas na sila ng cafeteria. Iba na rin kasi ang nakatoka sa paglilinis kaya pwede na silang magpahinga. Dumeretso silang dalawa ni Sarah sa kanilang silid.




Magmula noong mawala si Angel ay si Sarah na ang nakasama nila sa kwarto. Wala na rin namang kasama si Sarah kaya ayos lang.




Nagulat pa si Ellie noong makita ang nagkalat na gamit sa kanilang sahig. Si El ay nakasalampak din sa sahig habang may kinakalikot.




"El? Ano ito? Bakit ang gulo ng kwarto?"

Chapter 20


"El? Ano ito? Bakit ang gulo ng kwarto?"


Nag-angat bigla ng ulo si El.


"Ate! Buti dumating ka na! Come here!" excited na sabi nito.

Nagkatinginan sina Ellie at Sarah. Pumasok sila sa silid at naupo sa kama.


Agad na inabot ni El ang isang belt kay Ellie. Sinipat niya iyon. Marami pa iyong maliliit na bulsa na butas.




"It's a tactical belt. I've improvised it."




Napakurap-kurap si Ellie. "Really?"




Isinuot ni Elle ang belt sa kaniyang baywang. Napangiti siya agad noong makita iyon. Kulang na lang ang magazine ng mga baril.




"Wow, El! Ang galing mo naman!" ani Sarah.




Ngumiti lang si El.




"You can put your magazines there. Naglakad na rin ako ng para sa mga handknife."




"Cool," ani Ellie.




"And this one, I've upgraded it."




Natigilan si Ellie noong makita ang handgun na ibinigay sa kaniya ng kanilang mommy noon. Agad iyong kinuha ni Ellie ang chineck.




"What did you do?"




May pinindot sa dulo si El. Doon ay may biglang lumabas na patalim.




"Whoa! Really?"




Tumango si El.




"Yes. Ito pa po."




Sunod na inabot ni El ang isang katana kay Ellie.




"How did you get this?" gulat na tanong ni Ellie.




"I asked Ate Mikaela."




Napaawang ang bibig ni Ellie. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng kapatid niya sa armas. May pinindot ulit si El sa hawakan ng katana. Bigla na lamang umilaw ang blade niyon at may umugong na parang kinukuryente.




"Gawa sa kahoy at goma ang handle. So, you won't get eletrocuted."




Napatango-tango si El.




"Wow, El! Ang galing mo! Saan mo natutunan ang mga ito?" tanong ni Sarah.




"Sa internet. Here, Ate. I made one for you too."




Inabot ni El ang dalawang pares ng tactical knife.




"It's the same with Ate Ellie's katana. Just be careful."




Agad na kinuha ni Sarah ang sandata. Sinubukan niya ring pindutin ang button sa may handle at naglabas nga iyon ng kuryente.




"Ang talino mo, El!"




Humagikhik lang si El.




"Gumawa na rin po ako ng weapons namin ni Emman, Ate. I chose an arnis. Emman also."




Tumango si Ellie. Tiningnan niya ang kapatid ng puno ng pagkamangha.




"I'm proud of you, El. Thank you for this."




"Oh, by the way. Before I forgot."




May kinuha si El mula sa kama. Pagbaba nito ay may dala na itong kwintas at isang maliit na cellpone. Inabot niya ito kay Ellie. Binuksan niya ang cellphone at pinakita iyon sa kaniya.




Sa screen ay may nag-blink na tatlong pulang dots. Ang dalawa ay magkalapit. Ang isa ay bahagyang nakalayo.




"I made a tracker, Ate. Kagabi ko lang ito natapos. Akala ko nga ay hindi ko magagawa. I made three devices. Lahat ng iyon ay mata-tracka ng bawat isa sa atin. But you should wear this necklace at all time. Na kay Emman na ang kaniya, bracelet po ang sa kaniya. Ang akin naman ay itong singsing."




Kinuha ni Ellie ang mga gadget. Napansin niya ang singsing na suot ni El. Simple lang iyon. Kahit ang kwintas na ibinigay sa kaniya nito. May papusong pendant iyon at kulay ginto.




"Okay. I'm really amaze with this, El. Malaking bagay na ito sa atin. With this, malalaman natin kung nasaan ang bawat isa sa atin."




"Thanks to the internet na hindi pa rin nawawala," ani El.




Bahagyang ginulo ni Ellie ang ulo ng kapatid.




"I'm proud of you."




May iba pang ipinakita si El sa kanila na gawa ito. Mga hoddie at pants na bite proof. Mga sandata na malaki ang maitutulong sa kanila kung sakaling makaenkwentro sila ng mga zombie.




Kahit papaano ngayon ay magagawa na nilang lumaban ng patas sa mga zombie.




Gabi noong maisipan ni Ellie na lumabas saglit ng kanilang silid at pumunta sa rooftop. Akala niya walang tao roon, pero nagulat siya noong makita na nakaupo sa isang upuan si Gabriel. Napansin siya nito agad at napatingin sa kaniya.




"Ellie, bakit gising ka pa?" tanong ni Gabriel.




Lumapit si Ellie dito at tumingin sa paligid. Napadilim ng mga bahay ng subdivision. Dahil may kuryente pa rin ay may ilaw pa rin ang street lights. Kaya kita niya ang mga zombie na naglalakad sa kalsada. Naghahanap ng sunod na mabibiktima.




"Tito Gab... may gusto ka bang sabihin sa akin?" tanong bigla ni Ellie.




Nagsalubong ang mga kilay ni Gabriel.




"Huh? What?"




Nagkibit ng balikat si Ellie.




"I don't know. Feeling ko kasi ay may gusto kang sabihin sa akin."




Napangisi si Gabriel.




"Matalas ang pakiramdam mo. Hindi na ako nagtataka pa na magaling ka sa baril."




"Of course. So, what is it?"




Natahimik si Gabriel.




"Well... wala naman akong gustong sabihin. I'm just... remembering someone because of you. You look a lot like her."




Nangunot ang noo ni Ellie.




"Who? Your wife?"




Mabilis na umiling si Gabriel.




"Almost."




"Oh... okay. I'm sorry. So, sino siya?"




Bumuga ng hangin si Gabriel.




"Amelia Carson. She's my ex. We got engage. But..."




Napaawang ang bibig ni Ellie.




"What did you say again? Amelia Carson?"




Marahang tumango si Gabriel.




"Yes. Why? Do you know her?"




"She... She's my mom."




Si Gabriel naman ang natigilan. Hindi nito alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa narinig. Buong buhay niya ay ginugol na niya sa serbisyo. Matapos nilang maghiwalay ni Amelia ay nawalan na siya ng balita rito.




"You're really my mother's ex?"




"Ahm... Well. Yes. I'm sorry. Kaya pala naaalala ko siya sa 'yo."




Napailing-iling si Gabriel.




"Looks like our world became smaller because of this apocalypse."




Napangiwi si Ellie.




"Y-Yeah... siguro nga."




Doon lamang napagtanto ni Ellie kung bakit ganoon si Gabriel sa kaniya. Pero hindi naman siya nakaramdam ng wierdness, more on parang fatherly ang naramdaman niya rito.




"I hope hindi ka mailang sa akin," ani Gabriel. "Yes, naalala ko siya sa 'yo. Pero... there was just part of me na gusto kang tulungan. Kayo ng mga kapatid mo."




Tumango si Ellie.




"Don't worry, Tito. Hindi naman po. Naalala ko nga sa 'yo si Daddy."




"Well, your dad. He was my best friend too."




"Really? Pero... bakit..."




"H'wag mo na alamin. It's something na kaming matatanda lang ang makakaunawa."




Iniikom ni Ellie ang bibig. Hindi na rin siya nagtanong pa. Isa pa, napaigtad siya bigla sa gulat dahil sa biglang may nag-vibrate sa bulsa niya. Pagkuha niya no'n ay ang cellphone niya pala at mayroong tumatawag.




Nangunot ang noo ni Ellie at tumingin kay Gabriel.




"Answer it."




Huminga nang malalim si Ellie. Bigla siyang binundol ng kaba. Sino naman kasi ang tatawag sa kaniya sa ganitong panahon?




Sinagot ni Ellie ang tawag pero hindi siya agad nagsalita.




"Ellie, Anak? Is this you?"




Napamaang si Ellie. Ilang buwan man ang lumipas. Nawalan man sila ng balita rito. Pero hinding-hindi niya malilimutan ang boses na iyon.




"M-Mom?"



Chapters 21 to 25


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !