Chapter 21
"Mom!" maluha-luhang sabi ni Ellie.
Bigla namang napaupo nang maayos si Gabriel habang nakatingin kay Ellie.
"Oh my, God! Ellie! It's you!" ani Amelia sa kabilang linya. "I'm sorry, Ellie!"
Tuluyang napaluha si Ellie.
"W-What happened, Mom? Nasaan na kayo ni Daddy? Bakit hindi pa kayo nakakauwi?" tanong ko.
Huminga nang malalim si Amelia.
"I'm really sorry, Ellie. Don't worry. Kasama ko na ang daddy mo. He's here."
"Really? Dad!" tawag niya.
May tumikhim mula sa kabilang linya.
"Princess?"
"Dad!"
"Ellie, Anak. Daddy's sorry. Sorry kung wala kami diyan."
Lalong napaiyak si Ellie. Hindi niya maipaliwanag kung gaano niya na-miss ang mga magulang. Ngayon pa lamang na narinig niya ang boses ng mga ito ay hindi na niya maipaliwanag ang saya.
"What happened? Please. Umuwi na po kayo. I'm so scared."
"I'm sorry, Anak," nahihirapang sabi ulit ni Noriel, ang tatay ni Ellie. "We tried to go there. Pero nahirapan na kaming makaalis dito, Anak."
"Po? Bakit? Nasaan kayo?"
"Makinig ka sa aking mabuti, Anak. Where are you now? Nasa bahay pa rin ba kayo?"
Umiling si Ellie kahit na hindi naman siya nakikita ng mga ito.
"No. Wala na kami sa bahay, Dad. Nasa isang camp na kami dito pa rin sa subdivision. Iyong dating elementary school ay ginawang base camp."
"Ano? Sino ang mga kasama niyo? Mapagkakatiwalaan ba sila? Ligtas ba kayo? Ang mga kapatid mo?" sunod-sunod na tanong ni Noriel.
Tumingin si Ellie kay Gabriel.
"Y-Yes, Dad. This base is lead by Mang Rey. Naalala niyo po iyong security guard sa subdivision?"
Para namang napanatag si Noriel sa kabilang linya.
"Yes. Ang mga kapatid mo? How are they?"
"They're fine, Dad. Tulog na po sila. Should I wake them up?"
"No," mabilis na tugon ni Noriel. "Go to Mang Rey instead. Kailangan ko siyang makausap."
"But... where are you, Dad? Bakit hindi na kayo nakabalik?"
Bumuga ng hangin si Noriel.
"I'm sorry. We tried, Ellie. Ilang beses na kaming nakiusap sa kanila na pabalikin kami sa Cavite. Pero mariin kaming pinipigilan ng mga sundalo."
Nangunot ang noo ni Ellie.
"Sundalo? There are still soldiers?"
"Yes. We are at Manila Port. Kaya kailangan kong makausap si Mang Rey. You need to leave that place immediately."
Napalunok si Ellie. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa sinabi ng ama. Halata rin ang pagmamadali sa boses nito.
"O-Okay po. Wait lang."
Tumingin si Ellie kay Gabriel.
"Let's go," ani Gabriel.
"Who's there? May kasama ka?" tanong bigla ni Noriel.
Hindi agad nakaalis sila Ellie dahil sa tanong nito. Tumingin si Ellie kay Gabriel na para bang naghihintay ng permiso. Tumango lamang ito.
"I-It's Tito Gabriel. Magkakilala raw po kayo?"
Natahimik si Noriel mula sa kabilang linya.
"Yes. Magkasama pala kayo?"
"Isa rin po siya sa mga survivor na nakatira ngayon dito sa base."
"Okay. I'm glad that he is with you."
Napailing lang si Gabriel. Kilala pa rin siya ng dating kaibigan. Pero hindi siya makapaniwala na nagtitiwala pa rin ito sa kaniya.
"Okay po. Pupunta na kami sa ibaba, Dad."
Nagmamadali nang bumaba ng building sila Ellie. Dumeretso sila sa headquarters kung saan naroon si Mang Rey. Ito na rin kasi ang ginawa nitong silid para mas mabilis niyang ma-monitor ang lahat.
"Mang Rey!" tawag ni Ellie sa matanda.
Nakita nila ito sa tapat ng CCTV at nakatutok sa mga monitor. Gulat naman na napalingon sa kanila ang matanda.
"Oh, Ellie, Gabriel. Bakit narito pa kayo?"
"It's her parents. Gusto ka nilang makausap," tugon ni Gabriel.
Inilapag ni Ellie ang cellphone sa lamesa at ni-loudspeaker.
"Dad. Mang Rey is here."
"Good," ani Noriel. "Mang Rey?"
Napangiti agad si Mang Rey.
"Sir Carson! Mabuti po at ligtas kayo! Nasaan kayo ngayon?" tanong ni Mang Rey.
"We're at the Manila Port now, Mang Rey."
"Ligtas naman po ba kayo diyan?"
"Yes. At kailangan ko ng tulong mo."
Nangunot ang noo ni Mang Rey.
"Ano ho iyon? Kahit ano, Sir Carson. Maasahan mo ako."
Matagal bago sumagot si Noriel. Para bang pinag-iisipan pa nito ng sasabihin.
"We've been trying to go back there. Pero hindi kami pinapayagan ng mga sundalo. They kept on promising us. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nadadala rito ang mga anak ko."
Natigilan si Ellie. Ibig sabihin ay matagal na palang sinusubukan ng mga magulang niya na umuwi sa kanila pero hindi lang nila magawa?
Hindi maiwasang makaramdam ng galit ni Ellie dahil sa nalaman. Kung sino pa ang may kakayahan ay sila pa ang mahirap hingan ng tulong.
"Now we're running out of time, Mang Rey. I need your help. Bring my children to the Manila Port. You can bring as many as you too. Pero importanteng madala mo sa akin ang mga anak ko," pakiusap ni Mang Rey.
Napalunok naman ang matanda.
"G-Ganoon po ba? Kaso... baka mahirapan kami, Sir. Alam mo naman po ang sitwasyon natin ngayon."
"I know. Kaya nakikusap ako sa 'yo, Mang Rey. I promise. Gagawan ko ng paraan na magkaroon ka ng lugar dito. Ikaw at ang mga survivor na dadalhin mo dito."
Nangunot ang noo ni Gabriel. Hindi nito mapigilan ang hindi sumabat.
"Bakit pakiramdam ko ay may hindi ka sinasabi? Ano ba ang nangyayari, Carson?" tanong ni Gabriel.
Narinig nila ang malalim na paghinga ni Noriel mula sa kabilang linya.
"In... In ten days. Bobombahin nila ang buong Luzon. They will annihilate everything. Whether it's the zombies or the survivors."
Chapter 22
Hindi makapaniwala si Ellie sa kaniyang nalaman mula sa ama.
Bobombahin nila ang buong Luzon sa loob ng sampung araw. Wala silang pakealam kung mayroon pa mang mga inosenteng tao na pinipilit mabuhay sa kabila ng nangyayari sa kanilang mundo.
"Totoo nga," ani Lucy. "Bobombahin nila ang Luzon."
Inilapag nito ang hawak na tablet sa lamesa upang makita nila Mang Rey. Sa screen ay naka-play ang isang video ng presidente kung saan nagsasabi ito ng anunsyo.
'Mga minamahal kong mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa nangyayaring delubyo sa ating bansa ngayon, at sa buong mundo. Aming napagdesisyonan na puksain ang mga nilalang sa paraan na hindi namin gusto. Kaya kung kayo ay nasa Luzon. Umalis na kayo roon. Nawa'y maging ligtas kayong lahat.'
Iyon lamang ang sinabi nito. Walang binanggit tungkol sa pagbobomba ng Luzon. Pinapaalis lang nila kung sino ang naroon.
"Pero wala namang binanggit," ani Bruno. "Baka naman false alarm lang?"
"I don't think so. Nasa base ng mga sundalo sila Noriel," tugon ni Gabriel.
Napalunok si Ellie.
"Paano na po tayo ngayon? Malapit lang naman ang Manila Port, 'di ba?" tanong niya.
"If nothing goes wrong, kaya nating makarating doon ng walang isang oras," si Mikaela ang sumagot. "Hopefully, wala na naman sigurong traffic ngayon, right?"
"Hindi natin alam 'yan. Nakita naman siguro ng iba ang sitwasyon ng mga kalsada. Maraming nagkalat na mga sasakyan. Baka abutin tayo ng isang araw," sabi naman ni Clarence.
"Pero sapat na iyon para makarating tayo sa tamang oras," ani Mang Rey.
Pumalatak si Jack. "H'wag mong sabihin na pupunta ka talaga roon, Mang Rey? Ihahatid mo talaga ang mga batang 'yan?" tanong nito.
Huminga nang malalim si Mang Rey. "Oo."
"Tsk! Hindi mo naman sila obligasyon, Mang Rey!" giit pa rin ni Jack.
"Hindi mo naiintindihan, Jack. Kapag inihatid natin sila roon ay magkakaroon tayo ng lugar sa base."
"Paano? Dadalhin mo silang lahat doon? Nasa mahigit isang daan na ata tayo rito!"
Naikuyom ni Ellie ang mga palad.
"Then h'wag niyo kaming ihatid!" inis na sabi ni Ellie. "Kaya naming pumunta roon ng kami lang!"
Lumabas na siya ng headquarters. Hindi siya makapaniwala na tila ba ay pinaparating sa kaniya na pabigat silang magkakapatid ni Jack. Gayong malaki na rin naman ang naitulong nila sa kampo.
"Ellie!" tawag ni Mang Rey. "Tsk! Ano bang problema mo, Jack? Hindi mo ba naisip na narito ang bata!"
Nag-iwas ng tingin si Jack kay Mang Rey. Pero sa loob niya ay hindi pa rin niya tanggap na aalis sila sa kampo. Para sa kaniya ay ligtas sila roon.
Sumunod agad si Gabriel kay Ellie. Habang ang ibang naiwan ay nagpatuloy sa pag-uusap.
"Sumang-ayon man kayo o hindi, aalis tayo papuntang Manila Port. Iyon ang makakabuti sa atin," mariin na sabi ni Mang Rey.
Kinabukasan ay tinipon na ni Mang Rey ang mga survivors sa quadrangle. Ibinalita nito ang tungkol sa sinabi ni Noriel sa kanila.
"Teka lang, Mang Rey. Gaano tayo kasigurado sa sinasabi nitong Sir Carson na ito? Baka naman ay mapahamak tayo riyan," ani ng isang ginang.
"Oo nga! Mabuti na ang lagay natin dito. Isa pa, bakit naman bobombahin ang buong Luzon? Edi nasira ang bansa natin!" sabi ng isang babae.
"Kung gusto niyong umalis! Bahala kayo! Pero ako, dito lang ako!" sabi ng lalaking kalbo.
Naningkit ang mga mata ni Ellie. Naalala niya na ito ang bagong salta kahapon na nagreklamo tungkol sa maliit na rasyon ng pagkain.
Itinaas ni Mang Rey ang kamay noong napuno na ng kuro-kuro ang paligid. Tumahimik din naman ang iba.
"Alam ko na mahirap at delikado ang gagawin natin. Pero ito ang makabubuti sa ating lahat. Lalo na at bobombahin nga ang Luzon," paliwanag ni Mang Rey.
"Ayaw kong umalis dito! Wala rin namang sinabi ang presidente na bobombahin ang Luzon e!" ani pa ng kalbo.
"Pero sabi niya ay umalis tayo ng bansa. Hindi ba parehas na iyon?" tanong ng isa.
"Kahit na! Binanggit ba na bobombahin?" sagot pa rin ng kalbo.
Napabuga na lang si Mang Rey. Gusto man niyang isama ang lahat, pero ano naman ang magagawa niya kung ang iba ay ganito katigas.
"Sige. Kung ayaw niyong sumama, ayos lang. Pero aalis pa rin kami. Para na rin makasigurado," ani Mang Rey.
"Ano? Iiwan mo kami, Mang Rey? Paano na lang kami? Itong kampo!" tanong ng isang ginang.
Natahimik si Mang Rey. "Mag-iiwan ako ng pansamantalang magli-lead sa inyo habang wala ako. At kung hindi naman totoo ang mangyayari, babalik ako agad."
"Tsk! Paano kami makasisiguro na babalik ka? Paano kung maayos na ang maging lagay mo roon at makalimutan mo na kami rito?" tanong ulit ng kalbo.
Hindi na nakatiis si Ellie. Tumayo siya at humarap sa mga ito.
"Bakit ba kayo ganiyan? Iiwan kayo, may reklamo kayo. Babalikan kayo, may reklamo din. Hindi naman kayo pababayaan e! Kaya nga gusto namin kayong sumama dahil iyon ang makabubuti!" ani niya.
"Hoy, bata! Usapang matatanda ito! H'wag ka na namang sumali!" sigaw ng kalbo.
Umarko ang kilay ni Ellie. Pinagkrus niya ang mga braso. "Hindi ako sasali na isang bata lang, kung hindi ka isip bata!"
Napatayo ang kalbo. "Aba't! Wala ka talagang respe--"
Hindi natuloy ng kalbo ang sasabihin dahil biglang tumayo rin si Gabriel at tumabi kay Ellie. Nag-iwas ito agad ng tingin at muling naupo.
"Everyone, hindi namin kayo pipilitin kung ayaw niyong sumama. Pero kami na ang nakikiusap sa inyo. Kung maari ay sumama kayong lahat dahil para din naman sa inyo ang gagawin natin," ani Gabriel.
Natapos ang meeting nilang iyon na hati ang mga opinyon. Mayroong pabor sa kanilang pag-alis. Mayroon namang ayaw dahil komportable na sa kampo at sa tingin nila ay mas ligtas doon.
Hindi maiwasang malungkot ni Ellie dahil sa nangyayari. Binibigyan na sila ng pagkakataong maging ligtas, pero sila pa ang umaayaw.
Chapter 23
Halos walang sumang-ayon sa ibang mga kasama nila Ellie sa kampo na umalis doon. Lahat sila ay panatag na ang kalagayan at natatakot na umalis ng subdivision. Para sa kanila ay pananakot lamang ang bantang pagbobomba ng buong Luzon.
"Paano na ngayon, Tito? Talaga bang iiwan natin sila?" tanong ni Ellie. Nasa rooftop ulit silang dalawa at nagpapahangin. Sinubukan din kasi niyang tawagan ang mga magulang ngunit hindi na niya ito ma-contact. Idagdag pang nawala na rin bigla ang signal ng sim card niya.
Bumuga ng hangin si Gabriel. "Wala na tayong magagawa sa kanila, Ellie. That's what they want. Ang importante ay maihatid namin kayo sa mga magulang niyo."
Nakaramdam nang kaunting hiya si Ellie.
"Is it okay to you, Tito?"
"Why not? Naging malapit pa rin sa akin ang mga magulang niyo, Ellie. Isa pa, I could've been your father kung kami ang nagkatuluyan ng mommy mo."
Napangiwi si Ellie. Mabait naman si Gabriel. Pero para sa kaniya ay walang papalit sa kaniyang ama.
"Yeah... right. But I'm good, Tito."
Napangiti si Gabriel. "I'm just joking. Magpahinga na tayo. Maaga pa tayo--"
Natigilan silang dalawa noong biglang nagdilim ang buong kampo. Kahit ang street lights ay nawala. Natira na lamang ang mga solar lights na may ilaw pa rin.
"What happened?" tanong ni Ellie. Bigla siyang nakaramdam nang kakaibang kaba dahil sa nangyari.
Agad na tumayo si Gabriel. "Come on. Bumalik ka muna sa kwarto niyo."
Tumango si Ellie. Pumasok na silang muli sa building. Dumeretso si Ellie sa kanilang silid. Habang si Gabriel ay sa ibaba nagpunta. Tanging ilaw lamang mula sa kaniyang cellphone ang naging flashlight niya.
Pagkarating niya sa kanilang silid ay nakita ni Ellie na nagising na sina El at Sarah. May hawak na tig-isang flashlights ang mga ito. Habang si Emman ay tulog na tulog pa rin.
"What's happening, Ate? Bakit biglang nag-brownout?" tanong ni El.
"Wala na ba tayong kuryente?" tanong naman ni Sarah.
"Hindi ko pa alam. Pero nandoon si Tito Gabriel. Sabi niya ay maghintay lang tayo rito," ani Ellie.
Lumapit siya sa bintana ng kanilang silid at sumilip doon. Nakaharap ang bulding sa may gate kaya nakita niya agad ang mga zombie sa labas na palakad-lakad. Mukha namang walang pinagkaiba sa nagaganap. Ngunit napansin niya sa ibaba ang ilang mga tao na panay ang takbo. Hindi niya makita ang hitsura ng mga ito dahil sa dilim sa ibaba. Pero base sa mga kilos nila ay parang nagmamadali sila.
Napalunok si Ellie.
"Y-You know what? Why don't we wear the clothes that you made, El? Hindi ba marami kang ginawang 'yon?" tanong ni Ellie.
Nangunot ang noo ni El. "Huh? Opo. Marami. Pero bakit, Ate?"
Hindi rin alam ni Ellie ang isasagot sa kapatid. Pero may nagtutulak sa kaniya na dapat ay isuot na nila iyon.
"Basta, El! Kuhain mo na. Dali!"
Agad naman na kumilos si El at kinuha ang mga damit sa isang kahon. Lumapit si Ellie kay Emman. Akma na sana niya itong bibihisan noong bigla itong umiyak. Nagkawag-kawag ito habang sumisigaw.
"Shh! Emman! It's okay. Si Ate Ellie ito!" ani Ellie.
Umiiyak na nagmulat ng mga mata si Emman.
"Ate! May zombie! I saw them! They entered the camp!" natatarantang sabi ni Emman.
Napalunok si Ellie. Bigla siyang nakaramdam nang kakaibang kilabot. Pero umiling lamang siya.
"N-No, Emman. That's impossible. We are safe here."
"No, Ate! Nakita ko po sila!" giit pa rin nito.
Pinahid ni Ellie ang mga luha ni Emman.
"Okay. Sit down. Kailangan mong isuot ito."
Tinulungan ni Ellie na magsuot si Emman ng jogging pants at hoodie. Sinigurado din niya na suot nito ang bracelet na gawa ni El. Inabot niya ang maliit na bag na nakapatong sa tabi ng kama at isinuot iyon sa kapatid.
"Aalis ba tayo, Ate? Bakit tayo nagbibihis?" tanong ni Emman. Kalmado na ito pero humihikbi pa rin. "Tsaka bakit po madilim? Brownout ba?"
"No. We're just... getting ready."
Tinapik ni Ellie ang balikat ng kapatid at pinaupo muna ito sa kama. Paglingon niya kila El ay nakasuot na ang mga ito ng damit. Kumuha na rin si Ellie ng jogging pants at hoodie para iyon isuot.
"Diyos ko! Ano ba ang nangyayari?" nahihintakutang sabi ni Sarah.
"Sarah, please. H'wag ka na manakot," saway ni Ellie.
"Paanong hindi? E madilim. Tapos..."
"Sarah!" saway ulit ni Ellie. Bahagya nang tumaas ang boses niya.
Naiikom naman ni Sarah ang bibig. Kinuha na lamang nito ang armas na ibinigay ni El sa kaniya at isinuksok sa tactical belt na ginawa rin nito para sa kaniya.
Ganoon din ang ginawa ni Ellie. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari ngayong gabi, pero maigi na ang maging handa siya. Sinigurado niya na nakahanda ang kanilang mga gamit ang mga dadalhin. Naglagay siya ng ilang damit sa bag para sa bawat isa sa kanilang magkakapit. Hindi rin niya kinalimutan ang kaniyang mga sandata. Hanggang sa may narinig silang putok ng baril. Napakatahimik ng paligid kaya umalingawngaw ang malakas na putok niyon.
Napalunok si Ellie. Napalapit bigla sa kaniya ang tatlo. At noong biglang bumukas ang pinto nila ay halos sabay-sabay silang sumigaw.
"Get ready! Kailangan na nating umalis!" nagmamadaling sabi ni Gabriel.
Chapter 24
Napakabilis ng pangyayari. Sa isang iglap lang ay napuno ng sigawan ang buong kampo. Iyong kanina na tahimik na gabi ay biglang naging magulo.
Nakakatakot.
"Let's go!" nagmamadaling sabi ni Gabriel.
Kinuha nito si Emman at kinarga. Habang si Ellie naman ay hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ni El. Si Sarah naman ay nahihintakutang hawak-hawak ang box kung nasaan ang zombie proof na mga damit na tinahi ni Ellie. Hindi nito alam kung bakit nito nadala iyon, basta sa taranta nito ay nahablot nito iyon bigla.
"Where are we going, Tito?" tanong ni Ellie. "Ano po bang nangyayari?"
"I'm not sure yet. Nalaman na lang nila Mang Rey na nakapasok na pala ang mga zombie sa likod ng kampo. Mayroong nagbukas niyon at mukhang sinadya."
"What?!" gulat na tanong ni Ellie. "How could they do that?!"
Hindi na sumagot si Gabriel. Binaybay nila ang pasilyo. Pero hindi pa sila nakakababa sa hagdan ay nakasalubong na nila sila Mang Rey.
"Mang Rey! Bakit kayo pumasok?" tanong ni Gabriel.
"Hindi na tayo pwede sa ibaba! Marami na ang nakapasok! Papaakyat na rin sila!"
"Shit! Doon sa taas!" ani Gabriel.
Nagmamadali silang umakyat sa hagdan. Nakita ni Jack na hila-hila ni Ellie si El, kaya bigla na lang niya itong kinarga at binuhat paakyat ng hagdan. Lahat sila ay nagmamadali hanggang sa makarating sila sa rooftop. Agad na isinara ng mga lalaki ang pinto.
"A-Ano na ang gagawin natin ngayon? Paano na tayo?" natatarantang tanong ni Lucy.
"Paanong nakapasok sila?" tanong pa rin ni Ellie.
"Diyos ko! Kaawaan niyo po kami!" umiiyak naman na sabi ni Sarah.
"Stop it. Ang kailangan natin ngayon ay mag-isip kung paano tayo makakaalis dito!" ani Mikaela. Lumapit ito sa railings at tumingin sa ibaba.
Inilapag naman ni Gabriel si Emman sa tabi nila Ellie. Nasa may dulo sila sa may railings. Malayo mula sa pinto.
"Dito lang muna kayo."
Tumango si Ellie. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Sina Mang Rey, Jack, Bruno, Clarence, Lucy, Mikaela, at Gabriel ang mga kasama nila bukod sa kanilang apat. Mayroon pang ibang kasama ang naroon. Sina Peter, Mark, Kim, at Kyla. Sumunod ang mga ito sa kanila noong makita silang papaakyat sa rooftop.
Lahat sila ay nakatatanda na sa kanila. Tanging silang apat lamang ang mga bata. Ayaw na lang isipin ni Ellie ang kung anong maaring nangyari sa iba nilang mga kasama sa building.
"I-Is this our end, Ate? Are we going to die?" tanong ni El.
Nagulat si Ellie sa tanong ng kapatid. Tiningnan niya ito. Nataranta siya noong makitang mabibigat ang paghinga nito at tila ba hapong-hapo. Namumutla na rin ito. Kapag ganito ang hitsura nito ay aatakihin ito ng hika nito.
"El. Calm down," ani Ellie. Hinawakan niya sa magkabilang braso ang kapatid. Ini-level niya anag mukha rito. "Breathe, El. We're not going to die tonight. Pupuntahan pa natin sila Mommy."
Nangunot ang noo ni El. "W-What?" nahihirapan nitong sabi.
Pinilit na ngumiti si El. Hindi pa kasi niya nasabi sa mga ito na nakausap niya ang mga magulang nila.
"Pupuntahan natin sila Mommy, El. So, calm down, okay? Breathe."
Napalunok si El. Bahagyang gumaan ang pakiramdam niya dahil doon at medyo naibsan ang takot. Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili.
"N-Nandito na sila!" nahihintakutang sabi ni Peter.
Napalayo ang binata mula sa nakasarang pinto. Ganoon din si Mark na kasama niya roon.
Unti-unti nang lumalakas ang mga angil. Papalakas din nang palakas ang mabibigat na mga yabag ng paa na papakyat sa kung nasaan sila.
Agad na pumwesto ang ilan sa kanila na may hawak na baril at itinutok iyon sa may pinto.
"Everyone! Get ready!" ani Gabriel. Dahil siya ang sundalo ay tila siya ang naging leader ng kanilang grupo.
"Pero, Boss. Kakayanin ba natin sila? Marami ang mga nakapasok na mga zombie sa loob. Idagdag pa natin ang mga kasama natin sa base na nakain na nila," ani Clarence.
"We need to try," giit ni Gabriel. Hindi siya makapapayag na mamatay ngayong gabi.
Lumapit si Mang Rey sa railings. Bigla siyang may naalala at hinanap iyon. Hanggang sa makarating siya sa may likod na parte ng building. Nakita niya mula sa kaliwang parte ang nakabukas na gate. Ang mga zombie na patuloy sa pagpasok. Napailing siya. Nagkalakad pa siya papalayo roon, sa may gilid na ng building. Doon ay nakita niya ang hagdan pababa roon.
"Dito!" biglang sabi ni Mang Rey. "May hagdan dito!" nabuhayang sabi niya.
Naalala niya kasi bigla na may fire exit ang building sa rooftop. Paderetso lang ang hagdan na nakakabit sa pader, pero malaking tulong na para makatakas sila ngayon.
Agad na naglapitan ang ibang mga kasama ni Mang Rey. Naiwan sa may pinto sina Peter at Mark na may hawak ng baril.
Tiningnan ni Gabriel at bahagyang inalog niyon.
"We can use this. Come on."
Binuhat ni Gabriel si Emman.
"Isa-isa tayong bababa."
"P-Pero ang taas naman niyan, Kuya!" ani Sarah.
"Bakit? Gusto mong manatili rito, Bata?" inis na tanong ni Jack.
Napahikbi naman si Sarah. "Hindi po."
"Tama na 'yan! Bilisan niyo na at wala ng oras!" nagmamadaling sabi ni Mang Rey.
Isa-isa silang nagbabaan sa hagdan. Nauna si Gabriel na bitbit si Emman. Sumunod si Jack na si El naman ang inaalalayan na bumaba. Pero noong mainis ito dahil sa nanginginig si El habang pababa ng hagdan ay binuhat na lang din ito ng lalaki. Sumunod naman sina Ellie at Sarah.
Habang bumababa ay lalong binundol ng kaba si Ellie. Para na ngang may drummer na panay ang tambol sa kaniyang dibdib sa lakas ng tibok niyon.
Natatakot siya. Hindi lang basta takot, kundi takot na takot. Ngunit pilit niyang pinatapang ang sarili at pinatalas ang isipan. Isa iyon sa mga naging training niya noon.
Noong makababa sila ay naghintay pa sila saglit para sa iba nilang mga kasama. Mahigpit na ang hawak ni Ellie sa kamay ni Sarah. Hindi sila naghihiwalay. Habang si Sarah naman ay ganoon din sa braso ni Ellie. Hanggang sa bigla na lamang na kinalabit ni Sarah si Ellie.
"What?"
"E-Ellie!"
Paglingon ni Ellie kay Sarah ay nakita niya agad ang ilang mga zombie na papalapit sa kanila. Pero pababa pa lang sila Peter dahil sila ang nahuli sa itaas.
"Tito Gabriel!" ani Ellie.
Napalingon sa kanila ang iba nilang mga kasama.
"Shit! Peter! Bilisan niyo na!" sigaw ni Jack. Dahil sa ginawa nito ay mas lalong napatingin sa kanila ang mga zombie. Nagmamadali nang kumilos sila Peter. Habang sila Ellie sa ibaba ay naging handa na.
"Ellie! Umakyat na kayo sa pader!" ani Gabriel.
Nag-aalinlangan man ay kumilos na sila Ellie. Tumulong sila Clarence na inayos ang lamesang nakita nila sa gilid. Umakyat sila roon at nagmamadaling sumampa sa pader. Thankfully, walang zombie sa kabilang pader kung nasaan sila.
Isa-isa nang nag-akyatan ang mga ito. Tinalon na rin nila Peter ang ibaba para mas mabilis silang makababa. Noong lahat sila ay nakalabas na ay nagtakbuhan na sila palayo.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Lucy.
"Basta, deretso lang!" ani Mang Rey.
Ngunit noong dederetso na sana sila ay may nakasalubong naman silang grupo ng mga zombie.
"May zombie!" tili ni Kim.
Humigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ni Sarah. Sumunod sila kay Jack noong bigla itong lumiko sa kanan papunta sa isang kalsada. Nagpatuloy lamang sila sa pagtakbo hanggang sa may makita silang isang bahay na bukas ang gate.
"There! Pasok sa loob!" ani Mikaela.
Agad silang nagpasukan sa loob para makalayo sa mga humahabol sa kanilang mga zombie. Noong lahat sila ay nasa loob na ay isinara agad nila Clarence ang gate.
Nanghihinang napaupo sila sa sahig. Lahat sila ay habol ang paghinga dahil sa pagtakbong kanilang ginawa. Agad na hinanap ni Ellie ang mga kapatid. Napanatag siya noong makitang nasa tabi ni Jack si El. Pero bigla siyang napatayo noong mapansin kakaunti lamang sila.
"W-Where's Tito Gabriel?"
Chapter 25
Napailing-iling si Ellie. Ilang beses niya pang pinasadahan ng tingin ang mga kasama. Tanging sina Jack, El, Sarah, Mikaela, Kim, at Peter lamang ang kasama nila. Wala sina Gabriel, Emman, Mang Rey, Lucy, Clarence, Mark, at Kyla.
"Where's my brother?!" natatarantang tanong ni Ellie.
Napalunok si Mikaela. Tumingin siya sa paligid.
"T-They're not here," ani nito.
Sunod-sunod na napailing si Ellie.
"N-No! Kailangan nating bumalik!"
Akmang lalapit si Ellie sa gate.
"Pigilan niyo!" biglang sabi ni Jack.
Bago pa man mabuksan ni Ellie ang bakal na gate ay may humila na ng kamay niya. Si Peter iyon. Hinila siya nito palayo sa gate.
"No! Bitawan mo ako! Kailangan kong balikan sila Tito Gabriel! My brotehr is with him!" giit ni Ellie.
Inis na tumayo si Jack at lumapit kay Ellie. Hinawakan niya nang mahigpit ang braso nito at pilit na pinatingin sa kaniya.
"Baliw ka na ba?! Hindi mo ba nakikita iyang nasa labas ng gate na 'yan?!" tanong ni Jack.
"I don't care! I need to find my brother! Hindi siya pwedeng malayo sa akin!"
"E-Ellie, baka naman nakaligtas din sila. Please, kumalma ka na," sabi ni Kim. "Dumadami na kasi sila sa may gate."
Tiningnan ni Ellie si Kim. "So, ano? Hahayaan na lang natin sila? Paano kung kailangan nila ng tulong?"
"Bata, ano ba? Kailangan din natin ng tulong!" sabi naman ni Peter. "Hindi mo ba naiisip na maaring maging kagaya tayo nila kapaag lumabas tayo diyan?"
Napailing-iling si Ellie. Humahagulhol na siya dahil sa labis na pag-aalala.
"N-No! I need to go there. I need my brother!"
Imbes na magalit ay nakaramdam ng awa si Jack kay Ellie. Kitang-kita niya kasi ang matinding takot sa mukha nito.
"Alam ko na nag-aalala ka sa kanila. Lalo na sa kapatid mo. Pero hindi ba may tiwala kay Gabriel? Tito nga ang tawag mo sa kaniya, 'di ba? Sa tingin mo ba ay hahayaan niyang mapahamak ang kapatid mo?"
Natigilan nang kaunti si Ellie. Para siyang biglang natauhan dahil sa sinabi nito. Oo nga, nangako sa kaniya si Gabriel na hindi sila pababayaan nito.
"A-Ate, check this."
Naglalakad na si El palapit kay Ellie. Hawak nito ang maliit na cellphone na ginawa nitong monitor ng tracker nila. Sa screen niyon ay isang mapa. May tatlong pulang dot na magkatabi. At noong pinalawak ni El ang mapa ay lumantad ang eksaktong mapa ng subdivision nila. Sa dulo papalayo sa kanila ay may isang pulang dot na gumagalaw palayo sa kanila.
"That's Emman, Ate. I think they're still running," ani El.
Agad na kinuha ni Ellie ang cellphone. Napasinghap siya at lalong napaiyak.
"My God... please. Save them," nag-aalalang sabi ni Ellie.
"Kita mo na? Sa ngayon ay wala tayong ibang pagpipilian kundi ang manatili muna rito sa loob at palipasin ang gabi," ani Jack.
Tumingin si Jack kay Peter.
"I-check natin ang bahay. Mikaela. Bantayan niyo ni Kim ang mga bata."
Tumango si Mikaela at Kim. Lumapit ang mga ito kila Ellie. Habang sila Jack naman ay pumunta na sa loob at paligid ng bahay upang i-check kung magiging ligtas ba sila roon. Hindi nagtagal ay bumalik din sila kila Ellie.
"Malinis ang loob. Pumasok na tayo para magpahinga," ani Jack.
Napabuga ng hangin si Ellie. Ayaw niyang umalis doon, pero dahil sa nangyari kanina ay nakaramdam na rin siya ng pagkahapo. Kaya wala siyang ibang napagpilian kundi ang sumunod kay Jack.
Pumasok sila sa loob para pansamantalang magpahinga.
Kinabukasan ay tanghali na noong magising si Ellie. Hindi niya kasi inalis ang tingin sa screen at hinintay kung ano ang mangyayari. Sa tuwing tumitigil ang pulang dot ay kinakabahan na siya. Pero kapag gumagalaw ulit iyon ay napapanatag din siya agad.
Iyon ang nangyari sa buong gabi ni Ellie.
Agad niyang chineck ang cellphone. Nakita niyang nasa labas na ng subdivision ang pulang dot na mino-monitor niya. Dali-daling tumayo si Ellie upang pumunta kay Jack. Nasa ibaba na ang mga ito at nag-aalmusal na pala.
"Ellie---"
"Kuya Jack, look. Nasa labas na sila ng subdivision."
Ipinakita ni Ellie ang cellphone kay Jack. Nakakunot naman ang noo ni Jack habang chini-check iyon.
"Oo nga. Mukhang napalayo sila dahil sa pagtakas nila."
"Saang lugar na kaya iyan?" tanong ni Ellie.
"Ahm..."
"It's Baranggay Malabag," ani El. "May name ng baranggay at city sa mapa."
Tiningnan muli ni Jack ang screen. May pinindot si El sa screen at biglang may lumabas na linya roon pa-connect sa nakalayong pulat dot.
"It's like grab, but a tracker," ani El.
Napangiti si Ellie.
"You're really a genuis, El! I'm proud of you!"
Napakamot si Jack sa ulo. Wala siyang naunawaan sa sinabi ng mga ito. Ang naintindihan lamang niya ay kung nasaan ngayon ang iba nilang mga kasama.
"Kung ganoon ay doon tayo pupunta. Sa Baranggay Malabag."

