Views

Mafia's Addiction (Savage Men Series)

Ameiry Savar
0

 


Mafia's Addiction

(Savage Men Series)

Ameiry Savar


Blurb: 


She was lonely,
He was drowning.

Her life was miserable,
His life was at stake.

She lived in silence, unseen and forgotten,
While he ruled a world where every breath could be his last.

She was fragile in a world that broke her,
He was ruthless in a world that demanded blood.

Two broken souls, crossing paths at the wrong time—
Or maybe, the only time that ever mattered.

He was never meant to need anyone.
She was never meant to survive someone like him.

But obsession doesn’t ask for permission.
And love… love doesn’t always come gentle.

Now she’s caught in his darkness,
And he’s addicted to her light.

In a world of power, danger, and betrayal,
He would burn everything just to keep her—

Even if it meant destroying her in the process.

Disclaimer!

Mafia's Addiction contains scenes that may not be suitable for very young or sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, rape, murder, and foul words.

This is a work of fiction. All names, characters, places, and events are products of the author’s imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, or to actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the author’s prior written permission, except for brief quotations used in reviews or commentary.

Mafia's Addiction © 2026 by Ameiry Savar



Chapter 1


Isang taon.

Gano’n na katagal akong kasal sa asawa kong si Greg Lawson. At sa isang taon na mag-asawa kami ay ni minsan wala pang nangyari sa amin.

Sa totoo lang, sinubukan ko naman. Kahit nga wala pa akong experience dahil siya naman ang una kong naging nobyo. Pero doon pa lang sa unang gabi naming mag-asawa ay hindi na ako ginalaw ni Greg. Nailang kasi ako noong hinalikan niya ako sa labi.

Sinubukan ko naman ulit. Nanood pa nga ako ng porno para lang matutunan pa iyon kahit naiilang ako. Pero wala na. Ni hindi na ako tiningnan ng asawa ko.

Nakakalungkot lang dahil pakiramdam ko ay malaki ang pagkukulang ko bilang isang asawa ni Greg. Kaya kahit na masakit ay nauunawaan ko siya kung bakit halos wala siyang amor sa akin pagdating sa pakikipagniig.

Pero ngayon ay magbabago na iyon. Sisiguraduhin ko na paglabas ko sa lugar na ito ay marunong na akong magpaligaya ng lalaki.

Tumingala ako sa malaking paskil ng pangalan ng sex club na pinuntahan ko. Kung gusto kong matutong tungkol sa sex, ay ito ang tamang lugar.

Humigpit ang hawak ko sa handbag ko. Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa entrance.

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Para ngang nangingibabaw na iyon kaysa sa malakas na patugtog ng club. Malamyos ang musika at tila ba mapang-akit. Iyong tipo ng tugtog na marinig mo pa lang ay parang gusto mo nang makipag—

Napailing ako sa iniisip ko. Kailangan kong mag-focus.

Halos mangapa na ako sa pader dahil napakadilim ng paligid. Mayroon namang ilaw, pero dim iyon at kulay pula pa. Siguro ay para nga maiayon sa atmospira ng paligid.

Sa hallway pa lang ay may nakikita na ako na mga magkapareha na naghahalikan. Sa loob sa mga table ay mayroon na ngang ginagawa ang makamundong bagay na iyon.l

Diyos ko! Ano nga ba ulit ang ipinunta ko rito? Pakiramdam ko ay ako ang nahihiya sa kanilang lahat dahil wala silang pakealam kung may katabi silang ibang tao kung makipag-sex sila.

Alam ko na may tawag doon. Pero hindi ko maalala kung ano.

“Excuse me, Miss? Nagkamali ka ata ng pasok. Hindi ito ang kapilya.”

Napatigil ako sa paglalakad noong biglang may humarang sa aking babae. Naka-bra at panty lang ito at mahabang boots na may mataas na takong. Iyong bra pa nito ay parang ang nipple lang ang natatakpan. At iyong panty niya? Iyong hiwa lang niya ang may tela.

Ni sa hinagap ay hindi ko maiisip na magsusuot ako ng ganoon!

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong na-conscious sa hitsura ko. Paano ay nakapalda ako ng mahaba at jacket.

“A-Ahh… hindi. Dito talaga ang punto ko,” ani ko. “Pwede ko bang makausap ang manager?”

Natawa ang babae. “Baka bugaw ang hinahanap mo. Pero sorry, Miss. Hindi kita matatanggap dito. Hindi kagaya mo ang hanap ng mga customer namin. Lumabas ka na kasi baka mapahamak ka pa rito. Kasalanan ko pa,” pagtataboy niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. “Ikaw ang manager dito?”

“Madam. Ako ang may hawak ng mga babae dito. Sige na, Miss. Marami akong bisita ngayon dito.”

Tatalikod na sana ang babae pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

“Wait lang po!” pigil ko sa kaniya.

Nakakunot ang noo niya na tumingin sa akin.

“What?”

Napangiwi ako at binitawan ang kamay niya.

“K-Kailangan ko po ng tulong. Please. May pera ako.”

Napakurap-kurap ito at nalilitong tiningnan ako.

“Kailangan mo ba ng babae? Lesbian ka ba?”

Mabilis akong umiling. “H-Hindi po. Pero kailangan ko ng tulong.” Tumingin muna ako sa gilid ko. “G-Gusto ko po kasing matuto…”

Napatungo ako. Sobrang nakakahiya itong ginagawa ko. Pero ano pa ba ang pagpipilian ko?

Idagdag pa kinukulit na rin kami ng magulang ni Greg na kailangan na naming magkaanak. At hindi ako mabubuntis hanggat walang nangyayari sa amin ng asawa ko.

Oo, ganito ako manuot. Baduy para sa iba. Palaging nakapalda at jacket. Pero dahil lumaki sa isang relihiyosong pamilya ay ito na ang nakasanayan ko. Pero may hitsura naman ako. Maganda rin naman ang hubog ng katawan ko.

Kailangan ko lang talaga matuto.

Napangisi ang babae. Pinagkrus nito ang mga braso. Napaatras pa ako nang kaunti noong bigla nitong inilapit ang mukha sa akin at hinawakan ang baba ko gamit ang hintuturo niya.

“You want to learn about sex?”

Marahan akong tumango.

“Why?”

Napalunok ako. Naiilang na kasi ako sa lapit ng mukha niya. Nararamdaman ko na nga ang paghinga niya sa mukha ko. Hindi ko rin maitatanggi na ang bango niya. Amoy chocolate siya na may pagka-mint.

“G-Gusto kong matuto kung paano… paano paligayahin ang asawa ko,” halos pabulong na tugon ko sa kaniya.

Lalong napangiti ang babae. Binitawan niya ako.

“You come to the right place. Follow me.”


Chapter 2



Parang gusto ko nang lumubog sa hiya sa sahig dahil sa suot ko.

Naka-panty lang ako. Kung panty pa ba iyon na matatawag dahil hiwa ko lang din ang natatakpan. Litaw na litaw ang pang-upo at puson ko. May stockings naman na itim ang nakakabit sa panty ko, pero hanggang kalahati lang ng hita ko at see-through pa. Tapos ang bra ko, Diyos ko! Nipple ko lang talaga ang may takip.

Pinagpalit niya kasi ako kanina ng damit at ito ang ibinigay. Nagdalawang-isip pa ako kung susuotin ko, pero sabi niya ay ito raw ang kailangan ko kung gusto kong matutong romansahin ang asawa ko.

Mabuti na nga lang at narito kami sa isang pribadong silid. Hindi kagaya doon sa labas. Baka himatayin na ako roon.

“There! Maganda ka naman pala at sexy e!” ani Madam Lyn, siya ang manager ng club na ito.

Napangiwi ako at niyakap ang tiyan ko. “N-Nakakahiya naman po itong suot ko, Madam.”

Pumalatak si Madam Lyn. “Ano ka ba? Ito ang best na uniform para maakit mo ang asawa mo. Para mabuhay ang dugo niya at magkaroon na kayo ng aksyon. You need this. Regalo ko na ‘yan sa ‘yo. Bago pa lang naman ‘yan.”

Lalo akong napangiwi. Hindi ko ata kakayanin na suotin ito sa harap ni Greg.

“Ano ka ba? Trust me. He will love it for sure.”

Naupo si Madam Lyn sa malaking upuan sa may gilid. Iniwan niya ako sa tapat ng isang salamin. Hindi pa nga ako makatingin sa repleksyon ko dahil nahihiya talaga ako.

“Now let me see what you know.”

Nangunot ang noo ko. Nilingon ko siya nang kaunti. “Tungkol po saan?”

Si Madam Lyn naman ang nangunot ang noo. “About sex? Hindi ka pa ba nag-masturbate?”

Napaawang ang bibig ko. “Ho? Masturbate? Naku! Hindi pa!”

“What? Nahawakan mo manlang ba ang pagkababae mo?”

“S-Syempre naman po. Tuwing naghuhugas ako. Pero ‘yon lang.”

“Unbelievable! You’re really hopeless,” napapailing na sabi nito.

Napatungo ako. Wala naman talaga akong ideya kung paano iyon gawin. Naririnig ko ang masturbation. Pero hindi ko pa iyon ginawa. Kasi masyado na iyong makamundo sabi sa mga turo sa amin sa simbahan.

“Fine. Let’s do this then. Touch your vagina.”

Muli akong napatingin sa kaniya. “Po?”

“Hawakan mo ang puke mo!” may himig na pagkainis na sabi nito.

“N-Ngayon? Dito?”

Tumango si Madam Lyn. “Ano pa nga ba? Ayaw mo ba? Akala ko ba gusto mong matuto? Itigil na natin ito kung ayaw mo rin naman makinig. Inuubos mo lang ang oras ko.”

Tatayo na sana si Madam Lyn.

“T-Teka po! Sige. Gagawin ko na,” pigil ko sa kaniya.

Napangiti si Madam Lyn. “Good. Do it now. Look at your reflection. Panoorin mo ang sarili mo habang hinahaplos mo ang katawan mo. Mag-umpisa ka sa leeg pababa sa dibdib mo. Massage your breast.”

Napalunok ako. Kung kanina ay para ng drum ang kabog ng dibdib ko, ngayon ay hindi ko na alam. Para na kasi akong mauubusan ng paghinga dahil sa lakas at bilis ng pagkabog ng dibdib ko.

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Pagkatapos ay nilagay ko ang kanang kamay ko sa leeg ko kagaya ng sabi ni Madam Lyn.

“Feel your touch.”

Unti-unti kong hinaplos ang leeg ko pababa sa dibdib ko. Noong una ay wala akong nararamdaman. Hanggang sa unti-unti ay may kung anong kiliti akong naramdaman kaya napatigil ako saglit.

Nakita ko naman na ngumiti si Madam Lyn mula sa repleksyon ng salamin.

“Continue. Touch your breast. Feel it, Lorribel.”

PInadausdos ko sa dibdib ko ang palad ko at marahan iyong hinaplos. Nakagat ko na ang labi ko dahil sa pinaghalok hiya at pagkasabik na nararamdaman ko. Pero hindi ko inalis ang mga titig ko sa repleksyon ko. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay bigla akong na engganyo sa ginagawa ko.

Pakiramdam ko ay may mainit na mga mata na nakatitig din sa akin mula sa salamin.

“Good. Now let your breast free and touch your nipple.”

Nag-alinlangan pa ako sandali. Pero sa huli ay ginawa ko rin iyon. Inilabas ko ang kanang dibdib ko at minasahe iyon. Marahan ko ring kinurot-kurot ang nipple ko.

Napalunok ako at lalong napakagat ng labi.

Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam niyon. Unti-unti na kasi ako nakakaramdam ng pag-iinit ng katawan. Parang may kung anong namumuo sa may puson ko.

Kung kanina ay nahihiya ako, ngayon ay para bang unti-unti iyong nawawalan.

“Now touch your vagina, Lorribel. Slowly, and gently.”

Huminga ako nang malalim at sinunod si Madam Lyn.

Mas bumigat na ang paghinga ko dahil sa antipasyon at hindi dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay biglang naging iba akong tao.

Nabitawan ko na ang dibdib ko at napakapit ako sa salamin. Ngunit noong malapit ko nang maipasok sa suot kong panty ang kamay ko ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng silid.

May pumasok na lalaking mamula-mula ang mga mata at halatang lango sa alak o kung ano man. Napatingin ito sa akin at biglang napangisi nang malapad.

“Whoa! Let me join you!”


Chapter 3



Napatili ako at agad na gumilid. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang sarili ko dahil maliit lamang ang silid at tanging upuan lamang ang naroon. Iyong damit ko pa ay nasa kabilang silid kaya wala talaga akong maitatakip sa katawan ko.

“Hoy! Hindi ka pwede dito—”

Bigla na lang sinampal ng lalaking dumating si Madam Lyn. Natumba ito sa upuan niya at biglang nawalan ng malay.

Lalo akong nataranta dahil sa nakita.

“D-Diyos ko! Tulong!” sigaw ko.

Napasandig na ako sa pader habang yakap-yakap ang sarili. Lalo akong natakot noong tumingin na sa akin ang lalake na kanina pa ako pinapasadahan ng tingin. Halos lumuwa na nga ang mga mata nito at tumulo na ang laway habang nakatitig sa akin.

Diyos ko! Mali atang pumunta ako rito! Dapat talaga ay kinausap ko na lang si Greg at hindi na lang pinilit pa na pumunta rito!

Bakit ba kasi naniwala pa ako kay Camila na kailangan ko pang pumunta sa lugar na ito para matuto?

Lord, please! Help me! Magsisimba na po ako ulit!

Napaupo na ako sa sahig noong palapit na sa akin ang lalake. Naiiyak na ako dahil wala manlang makarinig sa akin kahit ilang beses na ako sumigaw ng tulong. Tapos si Madam Lyn ay hinimatay na.

Wala manlang bang bodyguard dito?

Ano na ang gagawin ko? Parang iba pa tuloy ang makakakuha ng virginity ko dahil sa katangahan ko.

Dapat talaga ay hindi na lang ako pumunta rito. Dapat kinausap ko na lang si Greg. Dapat—

Napatili ako noong biglang may malakas na tunog akong narinig. Tinakpan ko na ang mga tainga ko at tumungo. Kasabay kasi noong malakas na tunog ay ang pagkabasag ng salamin sa tabi ko. May ilan pangang tumalsik na bubog sa akin. Tapos iyong lalake ay bigla na lang napaluhod at napadaing sa sakit.

“What fuck?! Who are you?!” galit na tanong ng lalake.

Mula sa peripheral vision ko ay may nakita akong lalake na bigla na lang na lumabas mula sa nabasag na salamin. Tuluyan akong napatingin doon.

Halos bumagsak na ang panga ko sa pagnganga noong makita ko ang isang lalaki na may hawak na baril. Nakasuot ito ng pulang long-sleeved na hindi nakabutones ang itaas na bahagi niyon. Kaya kitang-kita ko ang mga tattoo nito sa leeg at dibdib. Kahit sa braso nito ay may tattoo ito dahil hinila nito ang laylayan ng sleeve niya sa may siko nito. Ang buhok nito ay clean-cut na parang pang-militar. Hindi ko maaninag ang mukha niya, pero ang lakas ng dating nito.

“Wala na bang babaeng pumapayag na magpabayad sa ‘yo rito kaya namumwersa ka na, ha?” tanong ng lalaking may baril.

Napalunok ako. Boses pa lang nito ay pakiramdam ko kiniliti na ako sa pagkababae ko. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba at takot, kundi dahil sa pagkasabik na makita ito.

Biglang napaluhod ang lalaking nanugod sa akin. “T-That voice… Are you…”

“You recognised me, huh?”

Idinikit na ng lalaki ang ulo niya sa sahig. “S-Sorry! Sorry, boss! Hindi ko alam na narito ka! Hindi na po mauulit.

“Sorry? Do you want me to believe you're sorry?”

Biglang nag-angat ng ulo ang lalaki. Naglabas ito ng kutsilyo. “I am, Boss!”

At sa gulat ko ay bigla na lamang nitong pinutol ang sariling hinliliit.

Napamaang ako sa ginawa nito. Bakit?

“I’m really sorry, Boss.”

Napailing ang lalaking may hawak na baril.

“Leave now before I change my mind,” maawtoridad na utos nito.

Agad namang nagkumahog ang lalaking iyon at lumabas ng silid.

Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Bakit kailangan pa niyang putulin ang daliri? Sino ang lalaking ito?

Natigilan ako noong mag-umpisang humarap sa akin ang lalaking may baril. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya pero ramdam kong nakatitig din siya sa akin. Sandali itong pumikit at parang may inamoy sa paligid.

Ano ang ginagawa niya?

Noong muli itong dumilat ay nakangisi na ito.
 
Napalunok ako at unti-unting lumuhod.

“T-Thank you po,” mahina kong sabi.

Biglang umupo ang lalaki para maging magka-level kami. Hinawakan niya bigla ang baba ko at pilit na pinaharap sa kaniya.

Napakurap-kurap ako noong mapatitig ako sa mga mata niya.

Sa tanang buhay ko ay ngayon pa lang ako nakakita ng kulay abong mga mata sa malapitan. Idagdag pa na para bang pati ang kaluluwa ko ay nakita na niya sa uri ng pagtitig niya sa akin. Matapos ang kaniyang ilong at may mamula-mulang labi.

He looked so angelic kung hindi lang dahil sa mga tattoo niya.

“Thank you? Do you really think I will accept your thank you for saving you?” tanong nito.

Nangunot ang noo ko. “Huh?”

Nagulat na lang ako noong bigla niya akong buhatin at walang hirap na inilagay sa balikat niya. Malaki ang katawan niya at matangkad kaya hindi na ako nagtaka na hindi siya nahirapin na buhatin ako.

Ang sakit nga ng tiyan ko dahil sa tumutusok doon ang matigas niyang balikat.

Pero saan niya ako dadalhin at bakit niya ako kinakarga?

“T-Teka lang po! Ibaba mo ako!”


Chapter 4



Gusto ko lang naman sana matuto kung paano romansahin ang asawa ko. Pero bakit napunta na ako sa ganitong sitwasyon?

Lalo tuloy akong nagsisi dahil sa kung ano-ano pa ang naisip kong gawin sa buhay ko. Edi sana ay nasa bahay lang ako ngayon at naghihintay sa pag-uwi ni Greg.

Wala akong nagawa noong binitbit ako ng lalaking nagligtas sa akin palabas ng club. Wala rin naman kasing nagtangkang tumulong sa akin sa tuwing nakikita nila kung sino ang may dala sa akin.

Sino ba kasi ang taong ito?

Dinala niya ako sa parking lot at ipinasok sa backseat ng isang mamahaling sasakyan.

“Ano ba?! Pakawalan mo ako! Kidnapping ito!” protesta ko.

Hindi niya ako pinansin. Naupo lang siya sa tabi ko at isinara ang pinto. Noong sinubukan kong buksan ang katabi kong pinto ay naka-lock naman iyon.

Muli kong tiningnan ang lalaki.

“Sir! Please! Ano po bang kailangan mo sa akin? Please! Salamat sa pagtulong mo sa akin. Pero kaya ko na pong umuwi. Kailangan ko lang bumalik sa loob at magbihis. Please!” pakiusap ko pa.

Pero parang bingi ata talaga siya at hindi ako pinansin.

“Let’s go,” ani pa nito.

Napaawang ang bibig ko noong umandar na ang sasakyan.

“T-Teka, Sir! Wait lang! Ibaba mo ako!”

Hinawakan ko siya sa braso at marahang hinila. Pero napigil ko bigla ang paghinga ko noong hinila niya ako at inangat. Namalayan ko na lang na nakakandong na pala ako sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko noong halos magkadikit na ang mukha namin. Mas nakita ko nang maayos ngayon ang mukha niya. Ang mga mata niya na kulay abo na kung tumingin ay parang inuuri ang buong pagkatao ko. Medyo singkit iyon. Mas mukha iyong almond shape. Mamula-mula ang mga labi niya. At doon ko lang din napansin na mayroon siyang hikaw na nakatusok sa ilong nito.

Isa pang napansin ko ay ang kulay ng balat niya. Hindi ko alam kung dahil lang iyon sa ilaw ng sasakyan. Maputi siya, oo. Pero mas mukhang maputla ang kulay niya.

Idagdag pa na nakakandong nga ako sa kaniya at naka-panty lang ako, kaya ramdam ko ang matigas niyang alaga na nauupuan ko.

“T-Teka! Bastos—”

Natigilan ako noong bigla niya akong hinawakan sa baywang at hinigit palapit pa sa kaniya. Halos masubsob na ako sa upuan noong isinubsob niya rin ang mukha niya sa leeg ko at bigla akong sininghot.

As in. Sininghot niya ang leeg ko at hindi lang basta pag-amoy ang ginagawa niya. Na para bang inuubos niya ang amoy ng balat ko.

Napakapit ako sa upuan at nalito bigla. Ano ang ginagawa niya?

“S-Sir, please—”

“Sshh… Don’t move. Let me smell you.”

Kagaya ng sabi niya ay hindi ako kumilos. Hindi ko alam kung bakit, pero sinunod ko siya. Hindi nga ako kumilos. Kahit nga ang paghinga ay parang bilang na bilang lang.

“You smell good. I was right.”

“T-Thank you,” iyon lang ang naitugon ko. Pero parang mali ata.

Bakit ako magti-thank you sa lalaking hindi ko naman kilala at may baril pa? Tapos parang kini-kidnap niya pa ako.

“What is your name?” bulong niya, habang patuloy pa rin sa pagsinghot sa akin.

Napalunok ako. Nahihirapan na ako sa pwesto namin dahil nakabukaka nga ako sa kaniya. Parang naninigas na ang mga hita ko. Tapos ramdam ko pa na may tumutusok na sa pagkababae ko.

Diyos ko! Kahit sa asawa ko ay hindi pa ako nakaupo ng ganito!

“Your name. Tell me,” utos na niya. Hindi na lang basta tanong. He was commanding me already.

“L-Lorribel.”

“Lorribel… Hmm..”

Parang may kumiliti sa pagkababae ko noong binanggit niya ang pangalan ko. Parang boses pa lang niya ay gusto ko nang humiga at maghubad para sa kaniya.

Ang sarap niyon sa pandinig.

Mabilis akong umiling. Mali ito! Ano ba ‘tong iniisip ko? May asawa ako. Dapat kay Greg ko lang ito nararamdaman. Pero kailan ko nga ba naramdaman ang pakiramdam na iyon sa asawa ko?

Hindi pa ni minsan.

“I choose you, Lorribel. You’re mine now.”


Chapter 5



Parang biglang lumaki ang ulo dahil sa sinabi niya.

He chose me? Sa kaniya na ako?

Nahihibang na ba siya?!

Hindi ko na napiglan ang kamay ko at bigla na lamang siyang sinampal. Hinawakan niya ako bigla sa palapulsuhan ko at bahagyang inilayo sa kaniya.

Napalunok pa ako noong makitang nagsalubong ang mga kulay niya. Iyong abohan niyang mga mata ay biglang umitim.

He was furious.

“You don’t know me, and yet you dare to slap me?” tanong niya.

Napaawang ang bibig ko.

“Ginawa ko iyon dahil hindi nga kita kilala at ang lakas ng loob mong sabihin sa akin ‘yon! Baliw ka ba? Binabastos mo ako!”

Unti-unting nawala ang pagkunot ng noo nito, at napalitan ng namamanghang pagngiti.

“Really? You came to this place. Get dressed like this. What do you expect?”

Lalo akong napamaang sa sinabi niya. “Bastos! May dahilan ako bakit ako nasa lugar na iyon. At kung alam ko lang na makakatagpo ko ang isang kagaya mo roon ay hindi ko na sana itinuloy!”

“What? To learn how to pleasure your husband?”

Natigilan ako sa sinabi niya.

“Paano mo nalaman ‘yon?”

“I heard it.”

“Huh?”

Iyon na naman ang nakalolokong ngisi niya. “It’s a two-way mirror. Kaya narinig ko ang usapan niyong dalawa. And… I saw everything.”

Muli ay parang kumawala ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa sinabi niya.

“I-Ibig sabihin…”

“Yes. I saw it, Lorribel. I heard how you moan. I saw how you were aroused.”

Bigla niyang hinawakan ang dibdib ko. Napakislot ako noong bigla niya iyong pinisil at marahang minasahe.

“You like this, right? You crave this?”

Unti-unting umakyat ang dugo ko sa ulo. Literal na parang naramdaman kong gumapang ang kakaibang hiya at galit sa balat ko.

Oo. Ito ang gusto ko. Pero gusto ko ang asawa ko ang gagawa sa akin niyon.

Muling umangat ang kamay ko at akmang sasampalin siya. Pero mabilis niya iyong sinalo. Hinawakan niya rin ako sa leeg at hinila ang ulo palapit sa kaniya.

Nahirapan ako agad sa paghinga dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko. Hinampas-hampas ko na ang braso niya habang pilit iyong tinatanggal.

I felt his breath on my face. “Do it again, and you will regret it,” he warned.

Mas lalo pa iyong nagbigay ng kilabot sa akin dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.

How can a person look so dangerous and sexy at the same time?

Binitawan niya ang leeg ko at marahang inalis sa ibabaw niya. Napasiksik ako bigla sa gilid kahit alam ko naman na wala akong ibang mapupuntahan. Habang naghahabol ako ng paghinga.

Hindi ako makapagsalita kahit ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Naiinis ako na nagagalit na hindi ko maintindihan. This man was giving me different kind of emotions.

Pero dahil

May kinuha ito sa likurang upuan at ibinato sa akin. Noong tingnan ko iyon ay isa pala iyong puting polo shirt na may mahabang manggas.

“Wear it, and behave.”

Nagdalawang-isip akong sundin siya. Pero sa huli ay ginawa ko ang sinabi niya. Nilalamig na rin ako dahil sa aircon ng sasakyan kaya kailangan ko na ng suot.

“You will come with me, and we will talk when we arrive. I’m tired. So be quiet.”

Hindi na ako umimik. May kung anong bumubulong sa akin na tumahimik na lang at makinig sa sinasabi niya.

Sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko kanina, doon pa lang ay nagpapakita na iyon na isa itong mapanganib na tao.

Diyos ko! Gusto ko lang naman uminit ang pagsasama namin ng asawa ko. Bakit napunta pa ako sa ganitong sitwasyon?




Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !