Chapter 6
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagbyahe. Pero magmula noong sinakal niya ako ay hindi na ako nagsalita pa ulit.
Nanatili na lang akong nakatungo sa tabi niya habang yakap-yakap ang sarili.
Naiiyak na ako kasi lumalalim na ang gabi. Sigurado ako na hinahanap na ako ni Greg ngayon. Baka nag-aalala na ito kasi ito ang unang beses na nagtagal ako sa labas.
Sana lang talaga ay mali lang ang pagkakarinig ko sa kaniya kanina.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagbabyahe. Nagising na lang ako na tinatapik na nito. Pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na kami ng isang malaking bahay. Na sa tingin ko ay isang mansyon dahil sa lawak niyon.
Sa labas ng kotse ay may ilang mga lalaki na nakasuot ng pormal na damit. Na sa tingin ko ay mga bodyguard nito. May tatlong babae rin akong nakita na hindi mapakali habang nakatayo at panay ang silip sa loob ng kotse. May isa pang may katandaang babae na nakatayo rin sa gilid at tahimik na naghihintay.
Una siyang bumaba. Sunod naman ako.
“Welcome back, Master!” bati ng mga ito.
Master? Boss ata siya rito. Sigurado akong hindi siya pulitiko o artista dito sa bansa. Kasi kung isa siya roon ay nakilala ko na dapat siya.
Hindi naman ako mapakali sa may likuran niya. Kahit kasi nakasuot na ako ng damit ay maiksi pa rin iyon sa akin. Litaw na litaw ang mga hita ko dahil hanggang kalahati lang niyon ang suot kong damit.
“Where is it, Cris?” tanong nito.
May lalaking lumapit sa kaniya at may inabot dito. Nangunot ang noo ko noong makilala ko ang handbag na iyon.
“Ang bag ko!” sabi ko.
Inabot niya sa akin ang bag ko nang hindi manlang lumilingon sa akin. Napangiti ako at biglang na excite. Hindi ko alam kung paano niya ito nakuha, pero nagpapasalamat ako dahil nandito ang lahat ng laman pati ang cellphone ko.
“Thank you!” nakangiting sabi ko. Pero nawala iyon noong mapatingin ako sa tatlong babae. Lahat kasi sila ay masama ang mga titig sa akin na para bang gusto na akong lamunin.
“Nana Lucing, bring her to her room. Pakainin mo siya at pagbihisin,” ani nito. Pagkatapos ay naglakad na.
Susunod sana ako pero biglang humarang sa daraanan ko iyong tatlong babae. Iyong nasa gitna nila ay makapal ang makeup at mapula ang labi. Maganda ang postura nito at hindi mukhang tagasunod. Habang ang dalawa ay nakasuot talaga ng pangkatulong.
“Who are you? Ang kapal naman ng mukha mo na sumakay sa kotse ni Master!” mataray na sabi ng babae.
Napaatras ako nang kaunti.
“Ha? Ako? Pinasakay niya ako e. Syempre—”
“Shut up! Sinabi ko bang sumagot ka?”
Napaawang ang bibig ko. Tanga ba itong babaeng kaharap ko? Maganda naman siya at sexy. Pero mukhang baliw.
“Tinanong mo ako, Miss. At kung nagtataka bakit ako nandito, hindi ko rin ‘to gusto. Sisihin mo ‘yang master mo,” matapang na sagot ko.
Oo, inosente ako sa sex. Pero hindi naman ako inosente sa buhay. At hindi naman ako papayag na basta-basta magpaapi sa mga taong hindi ko naman kilala.
“You—”
“Stop it, Lucille. Kasama siya ni Master Marco. So, you should respect her,” sabat ng matandang kanina pa nasa tabi. Siya ata si Nana Lucing.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Halika, Miss. Sumunod ka sa akin.”
“Sige po.”
Lumapit ako sa kaniya at lumayo sa tatlong babae. Ako pa ang nasisi, hindi ko naman gusto na mapunta rito.
Inirapan pa ako ng tatlo habang naglalakad kami palayo sa kanila.
“H’wag mo na lang sila pansinin. Lalo na si Miss Lucille. Nagulat lang iyon na nag-uwi ng babae si Marco.”
Marco. Iyon pala ang pangalan niya.
“I-Iyon nga po ang problema ko. Bakit niya ba ako dinala rito? Gusto ko na sana umuwi, ‘Nay.”
Hindi agad sumagot si Nana Lucing. Tumigil siya saglit at malungkot na tiningnan ako.
“Alam ko na nalilito at natatakot ka ngayon. Pero intindihin mo lang si Marco. Mabait siyang bata. Ako na ang nagpalaki sa kaniya magmula noong mamatay ang mga magulang niya noong walong taong gulang siya. Kaya alam ko. Kahit na hindi nauunawaan ng iba ang gawi ni Marco, mabuti pa rin siyang tao.”
Napaingos ako. Ewan ko lang. Ramdam ko pa rin ang malapad niyang kamay sa leeg ko. At hindi ko pa rin nakakalimutan na pwersahan niya akong dinala rito.
Chapter 7
Dinala ako ni Nana Lucing sa isang malaking kwarto. Feeling ko nga ay mas malaki pa iyon sa kwarto namin ni Greg. Para ngang pinagsama na iyong living room at kwarto namin.
Nagmula naman sa mayamang pamilya ang asawa ko. Pero ito, ibang yaman ang mayroon si Marco.
Ano kaya ang trabaho niya?
Iniwan din ako ni Nana Lucing sa kwarto pagkahatid niya sa akin. Dadalhan niya raw ako ng makakain, kaya naman ay minabuti ko munang kuhain ang cellphone ko para tawagan si Greg. Alam ko na nag-aalala na ito sa akin.
“Hello, Greg?” tanong ko agad pagkasagot niya ng tawag.
“Lorri? Where are you? Gabi na! Bakit wala ka pa?!” galit na tanong niya.
Naiiwas ko pa nang kaunti ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.
“H-Ha? Ahm… Sorry. Binisita ko kasi sila Mama,” pagsisinungaling ko. Hindi niya naman pwede na may kung sinong mayamang lalaki ang biglang kumuha sa akin.
“Ano? Bakit hindi mo sinabi?”
Napapikit ako nang mariin. Ni minsan ay hindi pa ako nagsinungaling sa asawa ko. Kaya medyo nahihirapan ako na mag-isip ng dahilan ngayon.
“Ahm… biglaan kasi, Greg. Pinauwi kasi ako ni Mama dahil naospital daw si Papa. Nalimutan ko na rin mag-text sa ‘yo dahil sa pagkataranta. Sorry. Baka hindi muna ako makauwi.”
Matagal bago sumagot si Greg. Nag-alala na ako dahil baka hindi siya pumayag. Ano na lang ang sasabihin ko sa kaniyang dahilan? E mukhang hindi ako basta-basta makakaalis sa lugar na ito.
“Fine. Whatever. I don’t care.”
Bago pa ako makasagot ulit ay pinatay na ni Greg ang tawag. Napatitig ako sa cellphone ko.
Greg had been hard to me magmula noong honeymoon sana namin.
Kasalanan ko rin naman. I couldn’t fulfill my duty as his wife. Tapos ngayon ay narito pa ako sa lugar na ito.
Kailangan kong makahanap ng paraan paano makaalis sa lugar na ito.
Ilang sandali pa ay bumalik si Nana Lucing. May tulak-tulak na itong tray ng pagkain. Maayos niyang nilatag iyon sa lamesa sa may bintana.
“Kumain ka muna rito. Ihahanda ko lang ang pangligo mo,” ani Nana Lucing.
Hindi ako kumilos sa pagkakaupo ko sa kama. Pinanood ko lang siya habang patuloy siya sa pag-aayos ng pagkain ko.
“‘Nay, sino po ba si Marco? Ano ang trabaho niya?” tanong ko.
Napatigil si Nana Lucing saglit, pero nagpatuloy din ito.
“May maraming negosyo si Marco, Hija. At lahat ng iyon ay mag-isa niyang inaasikaso.”
Nangunot ang noo ko. “Pero bakit po siya may baril?”
Biglang tumayo ng deretso si Nana Lucing. Tumingin siya sa akin ng seryoso.
“Hindi mo na dapat ito malaman pa, Lorribel. Kung ano man ang ipakita sa ‘yo ng alaga ko ay pinoprotektahan niya lang ang sarili niya, at ikaw din mismo. Hindi ko alam kung bakit ka niya dinala rito. But I’m assuring you that he wasn’t what he thought he was.”
Nag-bow ito sa akin.
“Eat now, Miss.”
Natigilan ako sa sinabi ni Nana Lucing. Bakit parang may ayaw siyang sabihin sa akin? Sino ba talaga si Marco?
Minabuti ko na lang na tumayo at kumain kagaya ng utos niya. Si Nana Lucing ay nagpunta sa banyo. Nagtagal siya ng ilang minuto doon. Pagkalabas niya ay may kinuha itong tela sa tray na dala nito at inilapag sa higaan.
“These are your clothes. Change after you clean yourself. Marco will come pagkatapos ng meeting niya.”
“Ho? Dito?”
Tumango si Nana Lucing. “This is his room, Miss.”
Nataranta na ako. Kwarto niya ito? Pero bakit dito ako dinala? Akala ko ba may sarili akong kwarto?
Bago pa ako makapagreklamo ay lumabas na si Nana Lucing ng silid.
Hindi ako pwedeng manatili sa iisang kwarto kasama ang isang estranghero! May asawa akong tao!
Diyos ko! Bakit ba nila sa akin ito ginagawa?
Chapter 8
Hindi ako mapakali habang nakahiga ako sa kama. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko iyong sinabi ni Nana Lucing na kwarto din ito ni Marco.
Ano na lang ang mangyayari sa akin nito?
Natapos na akong kumain at maligo. Isang manipis na night dress ang binigay sa akin ni Nana Lucing na damit. Nakakahiya. Ito pa talaga ang pinasuot sa akin.
Wala rin naman akong choice. Bag ko lang kasi talaga ang ibinigay sa akin ni Marco pabalik. Wala iyong damit ko. Wala rin naman akong makitang ibang damit na kasya sa akin sa closet dito sa kwarto. Puros pang lalaki, kaya mas lalo kong nalaman na kay Marco nga itong silid.
Nakakainis lang kasi bakit pa ba kasi ako dito dinala? Sa laki ng mansyon na ito, siguro naman ay marami itong silid.
Ilang sandali pa ay narinig ko na lang na biglang may nagbukas ng pinto. Nakatalikod ako roon kaya hindi ko kita kung sino ang pumasok.
Napapikit ako agad at pinigilan ang sarili na kumilos. Tahimik akong nakiramdam.
Napalunok ako noong biglang lumundo ang kama sa likurang parte ko. Tanda na mayroon doong umupo. Naramdaman ko na lang na may humaplos sa braso ko. And the next thing I felt was his hot breathing on my neck again.
“You’re awake. Open your eyes.”
Awtomatiko akong napamulat noong marinig ko ang boses niya. Marahan kong inalis ang kamay niya at akmang lalayo sa kaniya. Pero bigla niya akong hinila at pinatihaya kaya tuluyan kong nakita ang gwapo niyang mukha. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay sa may ulunan ko.
He smirked at me. Pagkatapos ay muli niyang ibinaba ang mukha sa may leeg ko at sininghot ako.
Bakit niya ba ito ginagawa?
Bahagya akong gumalaw dahil kinikilabutan ako sa ginagawa niya.
“A-Ano bang ginagawa mo?” tanong ko. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Pero dahil malaki siyang tao ay wala akong magawa.
“Stop moving. I need this.”
Napakurap-kurap ako. “H-Ha?”
“Your smell… it calms me.”
Lalo akong nalito sa sinabi niya. Ang amoy ko? Wala naman akong ginamit na pabango. Iyong sabon lang na inihanda ni Nana Lucing ang ginamit ko kanina. Bukod doon ay wala na.
“T-Teka lang. Please. H-Hindi ito—”
“I said stop!” mariin niyang sabi. Mas humigpit din ang hawak niya sa kamay ko.
Napalunok ako at hindi na nga kumilos. Ewan ko ba. Pero sa tuwing nagtataas na siya ng boses ay para na akong batang halos manginig na sa takot.
His aura was commanding. Mga titig pa lang nito ay halos mangatog na ang mga tuhod ko.
Muling isinubsob ni Marco ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Habang ako ay halos hindi na huminga dahil nararamdaman ko ang pagsinghot niya sa balat ko. Para akong kinukuryente sa tuwing tumatama ang mainit niyang hininga sa balat ko. Bahagya rin akong nakikiliti dahil tumatama sa balat ko ang tuktok ng ilong niya at panaka-nakang dumadampi ang labi sa akin.
Hindi ko alam kung sinasadya niya iyon. But it was giving me so much tension—a sexual one.
Kusa rin akong binitawan ni Marco pagkalipas ng ilang minuto. Agad akong umupo at bahagyang lumayo sa kaniya. Hindi pa rin kasi siya tumayo at nakatitig pa rin sa akin.
“A-Ano ba ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako dinala rito?”
Bahagyang nangunot ang noo nito. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? I’m choosing you. You’re mine now.”
Gusto kong matawa sa sinabi niya. “Pwede ba? Ilang beses ko rin bang sasabihin sa ‘yo na may asawa na ako. At hindi mo ako pag-aari. Walang nagmamay-ari sa akin kundi ako lang!” giit ko.
Muling naningkit ang mga mata niya. Kaya napatungo ako at kapit sa kumot na nakatakip sa ibabang parte ng katawan ko.
“You don’t have a choice now, Lorribel. Either you accept your fate, or you get out of here dead.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina.
Kung kaya nitong ipaputol ang daliri ng lalaking iyon ng wala manlang inuutos. Paano pa kaya ang pagpatay?
Ano ba talaga siyang klaseng tao?
“But okay… since you calm me down. I’ll give you a chance. You want to learn about sex, right? Let’s have an S&D contract.”
Nangunot ang noo ko. “S&D contract? Ano ‘yon?”
Ngumiti nang malisyoso si Marco. “You’ll be my slave, and I’ll be your master.”
Chapter 9
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya.
S&D?
Master?
Slave?
Ako? Gagawin niyang slave?
Ano bang klaseng utak mayroon siya?
Nasa modernong mundo na tayo. Kaya bakit niya ako gagawing alipin?
“No. Hindi ako papayag sa gusto mo! I have my rights! My free will! Hindi mo ako pwedeng pilitin sa bagay na hindi ko naman pinapaburan!” giit ko.
He stared at me calmly. He nodded.
“Fine. If that's what you want.”
Nangunot ang noo ko.
“Y-You’re okay with it?” gulat na tanong ko.
Tumango siya. “You said you have your rights.”
Lalo akong nalito. Kanina lang ay ginigiit niya. At para bang sinasabi na wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumang-ayon sa gusto niya. Tapos ngayon ay papayag siya na ayaw ko?
“I’ll call your husband and let him fetch you here. With your clothes earlier.”
Napaisip ako sa sinabi niya. Damit ko kanina?
Halos wala na akong suot kanina.
Napasinghap ako. Kapag makita ako ni Greg sa ganoong hitsura at kasama si Marco ay sigurado na iba ang iisipin nito.
Tumayo na siya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Nakita ko na nag-dial siya roon.
Tatawagan niya na ba si Greg?
Nanlaki ang mga mata konat agad na napatayo. Inabot ko ang braso niya dahil hindi ko naman maabot ang cellphone. Sobrang tangkad niya kasi
“Wait! Please! H'wag mo siyang tawagan!” nagpa-panic kong sabi.
Tiningnan niya lang ako habang nakangisi.
Napatili ako noong hinawakan niya ako sa baywang at biglang inangat patayo sa kama.
“Why? Change of mind?” tanong niya. Hindi pa rin nawawala ang nakalolokong mga ngiti niya.
Pinilit kong lumayo sa kaniya, pero mahigpit ang pagkakahawak niya.
“D-Don’t call my husband.”
Bahagyang naningkit ang mga mata niya. Kinabahan pa ako dahil akala ko ay nagalit siya. Pero muli siyang ngumisi.
“Okay.”
Ibinaba niya ang kamay at ipinulupot lahat ng iyon sa baywang ko.
“You agree to my deal?” he asked. Pero mas mukhang utos ang tunog niyon sa akin.
Sinubukan ko siyang itulak dahil nga nakakahiya ang posisyon namin. Halos masubsob na siya sa dibdib ko.
“P-Para namang binibigyan mo ako ng choice, ‘di ba?”
“You do have a choice.”
Naiikot ko ang mga mata ko. “Oo na! Pero ako ang gagawa ng sarili kong terms.”
Bahagyang nangunot ang noo niya. Tapos ay nagkibit siya ng balikat.
“Okay. Whatever you want.”
Binitawan na niya ako.
Mabilis akong bumaba ng kama at inayos ang sarili ko.
Lumapit ito sa isang cabinet at may kinuha roon. Pagharap niya ulit sa akin ay may dala na siyang bond paper at ballpen. Inilapag niya ang mga iyon sa kama.
“Write your terms. I’ll ask my lawyer to add it to the contract.”
Napabuga ako ng hangin. Gusto ko lang naman sana matuto kung paano romansahin ang asawa ko. Pero heto pa ang nangyayari sa akin.
Mukhang wala akong ibang pagpipilian.
Kinuha ko ang papel at ballpen, saka dinala iyon lamesa sa may bintana. Naupo ako sa upuan saka sinulat ang mga tuntunin ko.
‘No sexual intercourse.’
May asawa pa rin ako. Hindi ko pa rin gusto na magpagalaw sa ibang lalaki.
‘No forcing.’
‘Twenty minutes max.’
‘Calling my husband every night.’
Iyon lamang ang mga nilagay ko. Wala na akong ibang maisip dahil hindi ko naman talaga alam ang tungkol sa kontrata na ito. O kung bakit kailangan pa ba gawin iyon.
Pagkatapos no’n ay inabot ko iyon kay Marco. Sandali niya iyong tiningnan at agad na tumaas ang kilay nito.
“No sexual intercourse?” patanong na sabi niya.
“Yes. Bakit? Hindi ba pwede?”
He smirked. “I thought you wanted to learn about sex?”
“Oo. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay ibibigay ko ang sarili ko sa ibang lalaki!”
He chuckled. Para siyang tuwang-tuwa sa paghihirap ko. Hindi ko tuloy maiwasang mainis lalo sa kaniya.
“Fine. But I want one hour.”
Namilog ang mga mata ko. “One hour? Seryoso ka ba?!”
“The whole idea was about sex, but you don’t want ‘us’ to do it. So I need more time para mas ma-enjoy ito. And we will do it for a year.”
Lalo akong nawindang sa sinabi niya.
“O-One year?” gulat na sabi ko. Napatayo pa ako. “Hindi ko kaya ng ganiyan katagal!”
“Then we’ll do it with sex.”
Napalunok ako. Isang taon akong matatali sa kaniya. Mahihirapan akong ipaliwanag iyon kay Greg ng ganoong katagal. At isa pa, paano kung gustuhin ni Marco na dito lang ako sa loob ng isang taon?
Ano ang sasabihin ko sa asawa ko?
“T-Two months! Fine! Papayag ako ng dalawang buwan!”
Hindi naman siya natinag. “With sex.”
“Urgh! Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?!”
“It’s easy. Papayag ako, but we’ll do it with sex.”
“Ayaw ko nga!”
“Then one year.”
I grunted. “Fine! Pero hahayaan mo rin akong umuwi sa amin. Gagawin natin ito with a schedule.”
“I want every day.”
“Marco!”
“That or sex.”
“I hate you!”
“I want you!” tila ay nang-aasar pang sabi nito.
“Fine!” inis na sabi ko.
Wala akong ibang pinagpilian kundi ang tanggapin ang gusto nito.
Kaysa naman siya ang makakuha ng virginity ko.
“Manyak!” ani ko pa.
Lalo siyang napangisi. “Well… you will see how maniac I am tomorrow.”
“Bukas agad?”
“Of course.”
“Bahala ka na nga! Wala rin naman akong magagawa!” tugon ko.
“Buti naman alam mo. And I assure you, you’ll want me too after a month,” makahulugan niyang sabi.
Inirapan ko siya. As if naman na mangyayari iyon.
Siguro.
Chapter 10
Kinabukasan ay maaga akong nagising. O hindi rin naman alam kung nakatulog ba ako sa kakaisip sa maaaring mangyari mamaya. Mabuti na lang din at hindi dito natulog si Marco sa kwarto niya. Dahil kung dito ay lalo akong nahirapan makatulog.
Kinakabahan kasi talaga ako sa maaaring mangyari. Sana ay sumunod si Marco sa mga kagustuhan ko.
Umaga noong dumating si Nana Lucing upang ihatid ang almusal ko. Kasama rin doon ang isang papel na naglalaman ng kontrata namin ni Marco.
Kinikilabutan ako habang binabasa ang mga iyon. Grabe. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip ang sarili ko na papasok sa ganitong kasunduan.
Pwede niyang gawin sa akin ang lahat, maliban ang pwersahin, at makipag-sex sa akin. Kailangan namin gawin ang act tuwing gabi. Isang oras tuwing gabi. At dahil araw-araw naming gagawin iyon ay sa lahat ng pupuntahan niya ay dapat kasama rin ako.
Paano na ako makakauwi nito? Paano ko i-explain kay Greg ang lahat?
Pero wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin at pirmahan ang kontrata na iyon. Kaysa naman malaman ni Greg ang ginawa ko.
Nakakainis! Kung bakit kasi naisipan ko pa itong gawin. Edi sana ay hindi ako napunta sa sitwasyon na ito!
Pagkatapos kong pirmahan iyon ay inilapag ko lang iyon sa lamesa. Bahala na si Marco, o kung sino man siya.
Minabuti kong lumabas ng silid pagkatapos kong maglinis ng katawan. Isang dress na bulaklakin ang iniwan ni Nana Lucing. Saktong-sakto nga iyon sa katawan ko at parang sinukat pa talaga para sa akin.
Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa laki ng mansyon na iyon. Para na iyong palasyo sa lawak niyon. Ilan kaya ang silid dito? Siguro ay lagpas isang daan iyon.
Kahit sa sala pa lang ay parang mas malaki pa sa bahay namin ni Greg.
“Wow? What do you think you're doing? Talagang nag-ikot-ikot ka pa rito, ha?”
Napatigil ako sa paglalakad noong marinig ko ang boses ng isang babae. Paglingon ko ay iyon ang babae kahapon. Ano nga ulit ang pangalan niya? Lucille?
Naiikot ko ang mga mata ko.
“Ano’ng kailangan mo?” balik-tanong ko.
Napaawang ang bibig ni Lucille. Para itong nagulat sa kung anong dahilan.
“You… Ang kapal ng mukha mo!”
Pak!
Napaatras ako noong bigla niya akong sinampal. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya kaya nagulat talaga ako at medyo nalito.
“Bakit mo ako sinampal?!”
Naningkit ang mga mata nito. Sumenyas ito at agad na kumilos ang dalawang babae na nasa likuran niya.
Hinawakan nila ako sa mga braso ko at pilit na pinaluhod.
“Ano bang ginagawa niyo?! Pakawalan niyo ako!” giit ko.
Pero parang dating security guard ata ang mga babae kaysa sa maid. Sobrang lakas nila at hindi ako makatayo.
“Just because dinala ka rito ni Master ay may karapatan ka nang i-disrespect ako! Ako pa rin ang mistress ni Master! Ang nag-iisang babae sa buhay niya!” ani Lucille.
Tumigil ako sa paggalaw at nalilitong tiningnan siya.
“Babae niya? E bakit pinipilit niya akong pumirma ng—”
“Of course. You’re just a plaything to him,” putol niya sa sinasabi ko. Mukhang alam na niya iyon kahit hindi ko na ito banggitin pa.
Natahimik ako. Pinakatitigan ko si Lucille. Maganda, pero mukhang desperada. Kung nakamamatay siguro ang tingin ay kanina pa ako nakabulagta. Hindi rin siya mukhang normal na mamamayan lang. Sa bawat galaw niya kasi ay may class, nagmumukha lang siyang baliw dahil kay Marco.
“Nagseselos ka sa akin?” tanong ko bigla.
Natahimik si Lucille. Ang mga maid na may hawak sa akin ay napasinghap. Ang lakas niyon kaya talagang narinig ko.
“How dare you?! Si Miss Lucille? Hindi mo ba siya nakikilala?!” tanong ng isang babae.
“Oo nga! Siya lang naman ang pinaka sikat na artista ngayon sa Asia! Lumalabas na rin siya sa hollywood!” sabi naman ng isa. “Siya si Lucille Montemayor!”
Nagsalubong ang mga kilay ko. Montemayor?
Pinakatitigan ko siya. Napamaang ako noong bigla kong maalala ang isa niyang palabas.
Tama! Kaya pala mukha siyang pamilyar sa akin kahapon pa.
Pero bakit nandito at mukhang naghahabol kay Marco ang isang superstar? Sino ba talaga ang lalaking ‘yon?
“G-Gano’n ba? Hindi ko nakilala,” ani ko.
“At ngayon iisipin mo pa rin na nagsiselos ako sa ‘yo? Pwede ba? Wala ka sa kalingkingan ko!” ani Lucille.
Bigla niyang hinawakan ang buhok ko sa likod ng ulo ko at hinila iyon kaya napatingala ako.
“Aray! Bitawan mo ako!” sigaw ko.
“Kung ako sa ‘yo ay aalis na ako rito ngayon. Because trust me, I will make your life a living hell! Master is mine only!”
Marahas na binitawan niya ako. Ganoon din ang ginawa ng dalawang maid kaya halos matumba ako sa sahig.
Hindi ko maiwasang magalit dahil sa ginawa nila.
Hindi ba nila nakikita na hindi ko naman ginusto na mapunta sa sitwasyong ito?

.png)