Views

Navarro's Possession (Chapters 66 - Epilogue)

Ameiry Savar
0



Trigger Warning


Navarro's Possession contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words. 


Chapter 66

Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. 
Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. 
Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. 
Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pang itaas. Pinulot niya ang pantalon niya at iyon na lamang ang sinuot dahil maging ang kaniyang pangloob ay sira din. Inayos na lamang niya ang kumot at ginawa iyong pang-itaas niya. Lumapit si Jane sa pinto at sinubukan iyong buksan ngunit naka-lock iyon. 
“Shit!” inis na sabi ni Jane at hinampas ang pinto. Lumapit siya sa nag-iisang binata at nadismaya na lamang noong makita ang mga rehas na nakatakip doon. “Nasaan ba ako?” tanong niya sa sarili. 
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan habang nakatanaw siya sa labas. Nasa tabing dagat siya at kitang-kita niya ang malawak na karagatan. Maganda sa mga mata ang paligid ngunit nagbigay lang iyon kay Jane nang mas doble pang mabigat na pakiramdam. Hindi niya alam kung bakit. 
Oo nga't hindi na maganda ang kaniyang lagay ngayon. Pero para para bang mayroong mangyayari na hindi niya magugustuhan. 
Lord, please help me. Wala na akong ibang mahihingan nang tulong kundi ikaw. Please! Ayaw ko nang bumalik pa ang buhay ko sa nangyari noon. 
Muling tumulo ang mga luha ni Jane. Pero pinahid niya rin iyon kaagad noong maalala si Rodrigo. Hindi niya alam kung bakit parang biglang nag-iba ang katauhan nito noong ito ay magising. Umiling na lamang siya. Si Rodrigo Navarro ang nakaharap niya. Isang baliw na mamamatay-tao. 
Napatingin si Jane sa pinto noong makita niyang may bumubukas ng seradura. Bigla siyang nataranta at tumingin sa paligid. 
Hindi siya papayag na abusuhin ulit siya ng binata! Pupunta na sana si Jane sa ilalim ng kama noong tuluyan nang bumukas ang pinto at iniluwa si Brian. 
“Brian!” Nanlaki ang mga mata ni Jane. Tumingin sa kaniya ang binata at agad itong lumapit sa kaniya at niyakap siya. 
“Jane!” Nakahinga nang maluwag si Brian. “Thanks, God, I'm not late!” 
Muling namuo ang mga luha ni Jane at mahigpit din na niyakap si Brian. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa dahil kasama na niya ito. Lumayo sa kaniya si Brian at hinawakan siya sa braso. 
“What happened?”
Doon ay tuluyan nang napaiyak si Jane. “S-Si… Si Rodrigo… Si R-Rodri–” Humagulhol ang dalaga. 
Napamura naman si Brian sa kaniyang isipan. Nahuli pa rin pala siya. Huminga siya nang malalim at hinubad ang suot na t-shirt. Mayroon naman siyang suot na sando. 
“Wear this. Don't worry. Iaalis na kita rito.”
Tumango si Jane. “T-Thank you.”
Ngumiti si Brian. “Ligtas ka na. Don't worry.” 
Muling nagpasalamat si Jane. Tumalikod na si Brian at lumapit sa pinto upang bantayan iyon. Nagmamadali naman isinuot ni Jane ang t-shirt at tinanggal ang kumot sa kaniyang katawan. Noong handa na siya ay nagmamadali na silang umalis sa lugar na iyon. Mabuti na lang din at walang mga tauhan na nakapalibot sa bahay kaya malaya silang nakatakas. 
Nakahinga nang maluwag si Jane noong makaupo na siya ng sasakyan at pinaandar na iyon ni Brian. Paulit-ulit siyang nagpasalamat sa binata dahil sa pagtulong nito sa kaniya. 
“I told you. I will help you. Magpahinga ka na. Mamaya ay makakasama mo na si Renz.”
“Si Renz? H'wag mong sabihin ipina-kidnap din siya ni Rodrigo?!”
“Ahm… No. Yes, kinuha rin si Renz pero hindi si Rodrigo ang gumawa.”
Nangunot ang noo ni Jane. “What do you mean? Hindi ba si Rodrigo ang nagpa-kidnap sa akin?”
Umiling si Brian. “No, Jane. It was my dad. Sadly. Walang kinalaman si Rodrigo sa pagkuha sa ‘yo.”
“B-But he was…”
“It's all my dad, Jane. I'm sorry.”
Napalunok si Jane. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang mararamdaman dahil sa kaniyang nalaman. Ibig sabihin ay hindi talaga siya binalak na saktan ni Rodrigo? Pero bakit iyon nagawa ng binata sa kaniya?
“Gov, nasa mansyon si Sir Rodrigo,” balita ng driver ni Clarixto sa kaniya. 
Nakahinga nang maluwag si Clarixto. “Good. Let's go to my office.”
Napangiti si Clarixto. Kaunti na lang ay mawawala na sa landas nila si Jane. Noong pa lamang ay hindi niya talaga gusto ang dalaga. Sa totoo lang ay wala talaga siyang nagustuhan sa mga babaeng umaligid sa kaniyang pamangkin. Hindi niya gusto na mahumaling ito sa walang bagay. Na nangyari na nga ng ilang taon. Ngayon ay magiging maayos na ang lahat. Maibabalik na niya ang dati niyang pamangkin. 
Pagkarating niya sa munisipyo ay hindi pa man siya nakabababa ng kotse ay biglang may tumawag sa kaniya. Kinuha muna ni Clarixto ang telepono at sinagot iyon. 
“Oh, kumusta ang babaeng iyon? Mamaya ay may iuutos na ako sa inyo para matapos na ang problema natin.”
“Gov. May problema po.”
Nangunot ang noo ni Clarixto. “What?”
“Nawala po si Ma'am Jane sa kwarto. Wala na siya roon.”
“Ano?!” sigaw ni Clarixto. “Hanapin niyo!” Agad na ibinaba ni Clarixto ang tawag. “Balik tayo! Balik!” dali-dali niyang utos sa kaniyang driver. 
Nakawala ka na noon, Jane. Hindi ako papayag na mabuhay ka pa ulit!
Muling kinuha ni Clarixto ang cellphone niya at nag-dial ng numero ng kaniyang mga tauhan. Inutusan niya ang mga ito na isara ang mga kalsada mula sa bahay-bakasyunan. 
“Check every car!” Napaisip si Clarixto. “If you see my son. Bring him too!”
Pinatay na ni Clarixto ang tawag. Napamura siya noong maalala niya ang pag-uusap nila ni Brian. Walang ibang nakakaalam ng bahay na iyon kundi sila lamang tatlo nina Rodrigo, at Brian. Kahit ang kaniyang asawa ay walang alam sa lugar na iyon dahil madalas ay doon nangyayari ang iba pa nilabg transaksyon. 
I swear, son! H'wag mo akong sinusubukan!


Chapter 67

Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. 
“B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. 
Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. 
“H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. 
Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. 
“Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. 
“Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov. Tatay mo.” 
“I don’t care! Paalisin niyo kami!” 
“Brian!” 
Napaiyak si Jane. Hinila na siya ng lalake papunta sa isa pang sasakyan. Pilit siyang nagkumawala ngunit hinampas siya ng isang lalake sa batok ng baril. 
Nanlaki ang mga mata ni Brian at agad na iwinaksi ang baril na nakatutok sa kaniya at sinuntok ang lalake. Tumakbo siya papalapit kay Jane ngunit mayroong humarang sa kaniya at sinuntok siya sa mukha. Nakipangbuno siya rito hanggang sa maramdaman niyang may matigas ding bagay na tumama sa kaniyang ulo. Nawalan siya ng malay.
Nagising si Jane na umuuga ang kaniyang paligid. Mayroon nang nakatabing sa kaniyang bibig at nakatali ang kaniyang mga kamay. Agad siyang umungol at pilit na gumalaw. Lalo siyang napaungol noong makita niya si Brian sa kaniyang tabi na wala ring malay. Sinubukan niyang gumalaw at abutin ito ngunit biglang may dumikit sa kaniyang malamig at matigas na bagay. 
“Tigil!” 
Agad na binalot ng takot si Jane. Natigilan siya at pinanlisikan ng mga mata ang lalakeng nakaupo sa unahan nila. 
Diyos ko! Tulungan niyo po kami! 
Hindi alam ni Jane kung ilang sandali silang nagbyahe. Nagising na lamang din si Brian pero hindi pa rin sila tumigil. Hanggang sa mapansin niya na parang pabalik sila sa tahanang tinakasan niya. At noong pumara ang sasakyan ay tama nga ang kaniyang hinala. 
Parehas silang pinababa ni Brian sa kotse at pinalakad papunta sa loob habang may nakatutok na baril sa kanilang likuran. Inakbayan ni Brian si Jane. 
“Don’t worry. I’m here.” 
Tumango na lamang si Jane at hindi sumagot. Sa mga oras na iyon ay hindi na niya alam kung ano pa ang mangyayari sa kanila. Lalo na sa kaniya. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay naroon na si Clarixto at nakaupo sa sofa na para bang hinihintay talaga sila. 
“Dad! What is this?!” galit na tanong ni Brian. 
Napangisi si Clarixto. “Sinasabi ko na nga ba, Brian! What is this?! Bakit mo siya niligtas?!” 
“S-Sir Navarro! Please!” Humagulhol si Jane. 
“Don't do this, dad! Ano ba ang ginawang masama sa ‘yo ni Jane?!” 
“Shut up!” Tumayo si Clarixto at dinuro si Brian. “Ikaw. Mula noon hanggang ngayon ay tinik ka sa mga buhay namin! At ano? Pati itong anak ko nakuha mo?!”
“Stop it, Dad. Let Jane go!”
“O-Opo! Lalayo ako.” Sunod-sunod na tumango si Jane. Pinagsaklob niya pa ang mga kamay na para bang nagmamakaawa rito. “Kami ng anak ko! I-Ipinapangako ko na hindi na kami ulit makikita ni–”
“Eh hindi ba nga at malayo ka na sana at akala namin ay patay na pero nakita ka pa rin ng pamangkin ko? Kahit saan ka pa pumunta! Kahit sa mars pa! Hanggat nabubuhay ka ay makikita ka pa rin ni Rodrigo! So it's much better for you to be dead!” gigil na sabi ni Clarixto at may tinutok na baril sa dalaga. 
“Dad, no!” protesta ni Brian at pumwesto sa harap ng dalaga. Napakapit naman si Jane sa likod ni Brian at lalong napaluha. 
“Clarixto Navarro!”
Pare-parehas silang napatingin sa pinto noong marinig ang isang boses na galit na galit. 
“Rodrigo?” gulat na sabi ni Jane nang makita niya ang nanlilisik na mga mata ni Rodrigo. May hawak pa itong baril na ikinasa habang naglalakad papalapit sa kanila.
“Oh, son! Mabuti naman at buma– why are you pointing a gun at me?!” gulat na sabi ni Clarixto at naitutok din ang baril kay Rodrigo. Tinutok ng ilang mga tauhan niya ang mga baril na hawak nito kay Rodrigo ngunit sinenyasan nito ang mga ito na lumabas. 
“Y-You… You killed my mom! Y-You killed my parents!” maluha-luhang sabi ni Rodrigo. 
Napalunok si Jane. Kitang-kita niya ang matinding galit sa mga mata ng binata. 
“A-Ano ang nangyayari?” bulong niya kay Brian. 
“I don’t know.” 
“What? Alam mo na namatay dahil sa aksidente ang mga magulang mo!” 
Hindi makapaniwalang ngumisi si Rodrigo. “Oo dahil ikaw ang may kagagawan no'n!”
“Ano ba ang pinagsasabi mo, Rodrigo? Hindi ako ang kalaban mo rito! Kung meron ka dapat kinokompronta rito ay 'yang babaeng nagpapaikot ng ulo mo!” Tinuro ni Clarixto si Jane. Agad naman napasiksik ang dalaga sa likuran ni Brian. Ngunit parang walang naririnig ang binata at nakatuon pa rin ang atensyon sa kaniya.
“Shut up! Alam ko na ang lahat! Nakita ko!” Inihagis ni Rodrigo ang mga papel kay Clarixto. Pinulot naman nito ang ilan doon. “And this–” ibinigay ni Rodrigo ang DNA test result kay Clarixto. “–what is the meaning of this?”
Natigilan si Clarixto noong makita ang papel. Naninilaw na iyon sa kalumaan pero malinaw pa rin ang mga nakasulat. Napalunok siya at umiling-iling. “I… I don't know? Saan mo nakuha 'to?”
“Nanggaling ako sa inyo. Nakita ko ang lahat ng iyan sa lamesa mo so you better start explaining things to me while I'm still in my right mind!”
“Hindi mo na kailangan pa–”
“Answer me!” sigaw lamang ni Rodrigo. Halos maglabasan na ang mga ugat niya sa leeg at ulo dahil sa matining gigil na kaniyang nararamdaman. 
“Fine!” Inihampas ni Clarixto ang papel sa sahig. “Gusto mo ng katotohanan? This result is us, Rodrigo! Oo! Anak kita!”
Biglang binalot ng katahimikan ang paligid. Nalilitong pinagpalit-palit ni Brian ang mga tingin sa pinsan at sa kaniyang ama. Habang si Jane ay hindi naman malaman ang mararamdaman. 
Kaya ba gano’n na lang ang galit sa akin ni sir Navarro?
“What? M-Magkapatid kami?” gulat na tanong ni Brian pero hindi siya pinansin ni Clarixto. 
“Yes! Anak kita, Rodrigo! Kaya pinagtatyagaan kita dahil anak kita! You are my son!”
Napanganga si Rodrigo. Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. Muli niyang na aalala ng kaso na isinampa ng kaniyang ama kay Clarixto. Doon ay biglang umusbong ang matinding galit sa kaniyang dibdib. Nanginginig ang kamay na itinutok niya ang baril kay Clarixto. 
“Y-You… fuck it!” sigaw ni Rodrigo. “Then it's true! You rape her! You rape my mother!”
“Rape? Son… Veronica has always been mine! Nauna ko siyang nakilala! Nauna siyang nagkagusto sa akin! But my brother who always wants to take everything from me decided to get her too! Of course, gagawa ako ng paraan para manatili siyang akin. Kaya noong araw ng kasal nila, yes. I raped her kung ‘yan ang gusto mong marinig!”
Napanganga si Brian. “Dad! How can you do that?!”
Pinandilatan ni Clarixto si Brian. “Shut up, Brian! Wala kang alam!”
“You are disgusting!” galit na sabi ni Brian. 
“Call me whatever you want! Pero tatay mo ako kaya wala ka nang magagawa pa!” Itinuro nito ang sarili. 
“Y-You… You are the reason for all of this! Ikaw ang may kasalanan!” 
Napaiyak si Rodrigo. Muling bumalik sa kaniyang alaala ang mga nangyari sa kaniya. Iyong mga panahon na labis siyang naging masama. Mga panahon na hinahayaan lamang siya ni Clarixto. Kung bakit siya naging labis na masamang tao.
“What, Rodrigo?”
“You cause this!” Tinuro ni Rodrigo si Jane. 
Napangisi si Clarixto at hindi makapaniwalang umiling. “No, son. My blood is just simply running to your veins.”
“Shut up! Just fucking shut up!”
Napalunok si Jane. Mabilis na ang pagtibok ng kaniyang puso at hindi na maganda ang kaniyang pakiramdam sa kaniyang nakikita. Sa kaunting pagkakataon na nakasama niya ang binata ay alam na niyang hindi na ito makapagpipigil. Alam niya dahil nakaranasan niya. “R-Rodrigo, calm down!” sigaw ni Jane. Lalapitan sana niya ito ngunit piniglan siya ni Brian. Noong tiningnan niya ito ay umiling ito na para bang alam ang kaniyang gagawin. “B-But…” 
“Bitawan mo ang baril!” ani Clarixto. Maging ito ay alam na ang mangyayari. 
“No!” Sunod-sunod na umiling si Rodrigo. “Kasalanan mo ang lahat! Ikaw ang may kasalanan!”
“I said put the gun down!” galit na sabi ni Clarixto at binunot ang baril na nakasuksok sa kaniyang likuran. Itinuton din iyon kay Rodrigo. “Bitawan mo!”
Sobrang sakit na ng kaniyang ulo na para bang binibiyak iyon. Sobrang gulo na rin ng kaniyang isipan at bigat ng kaniyang nararamdaman. Hindi na niya alam kung ano pa ba ang kaniyang dapat gawin. Huminga siya nang malalim at naging blangko ang ekspresyon.
“This must end here.” Humigpit ang hawak ni Rodrigo sa baril at walang ano-anong pinindot ang gatilyo niyon. 
Napasigaw na lamang si Jane at hindi malaman ang gagawin. Napatakip siya ng tainga at tumungo. Agad na tumakbo sa kaniya si Brian upang yakapin siya at salagin ang baril na maaring tumama sa kaniya. Ilang putok pa ng baril ang kaniyang narinig bago nabalot nang katahimikan ang buong palagid. 
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Brian. Tiningnan nito ang katawan ni Jane kung ayos lang ba ito. Nakahinga siya nang maluwag noong makitang wala itong tama. 
Umiling si Jane at tumingin sa paligid. Tatanungin niya sana si Brian kung ayos lang ito pero nahagip ng kaniyang mga mata si Rodrigo na nakahiga sa lupa. Nanlaki ang mga mata niya at agad na tinulak si Brian. 
“Rodrigo!” Tinakbo ni Jane si Rodrigo na nakahandusay sa lupa at panay ang ubo. Duguan ang tiyan nito at dibdib. Umuubo na rin ang binata ng dugo at mabibigat na ang paghinga. Agad na naupo si Jane at hinawakan ang sugat ni Rodrigo. “O-Oh my God! Rodrigo!”
Natigilan din si Brian. Tiningnan niya si Clarixto na nakahandusay na rin ngunit hindi na gumagalaw. Napaupo siya sa sahig at nahihintakutang pinagmasdan lamang ang ama. 
Umubo si Rodrigo at nahihirapang iminulat ang mga mata. Agad na napangiti ang binata noong mabungaran ang mukha ng dalaga. 
“J-Jane… Y-You–” Hindi natuloy ng binata ang kaniyang sasabihin dahil bigla itong umubo ng dugo. 
“Ssshh! S-Stop. Y-You will be fine. Stop talking.” Marahang inangat ni Jane ang ulo ni Rodrigo at naluluhang tinakpan ang sugat nito na para bang makapipigil iyon sa pagdaloy ng dugo ng binata. Napaluha na siya noong makita niyang namumutla na ito. Umiling-iling si Jane. “Y-You'll be fine.” Tumingin siya kay Brian. “Brian! Dalhin na natin siya sa ospital! Brian!”
Tiningnan lang ni Brian si Jane. Maging siya ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin. 
“N-No… Jane… T-Thank you. Thank you f-for coming back to me.” Pilit na sinapo ni Rodrigo ang pisngi ni Jane at nahihirapang ngumiti. “I-I love you… My love.”
“Sshh… stop it, Rodrigo! H-H'wag ka na magsalita. Pupunta tayo sa ospital, okay?”
Umiling si Rodrigo at hinaplos ang pisngi ng dalaga gamit ang hinalalaki. “Y-You are free n-now, Jane.” Ubo. “I-I love you… and R-Renz,” nahihirapang sabi ni Rodrigo. Pinahid niya ang luha ni Jane. “D-Don't cry n–” Biglang nanikip ang dibdib ng binata at napatigil siya sa pagsasalita. Pinilit pa rin niyang titigan ang mukha ni Jane kahit nararamdaman na niyang unti-unti na siyang nalalagutan ng paghinga. Napangiti siya sa kaniyang isipan. 
At least… I will die seeing you… Please, be happy now…
Unti-unting ipinikit ni Rodrigo ang kaniyang mga mata. Sa huling sandali ng kaniyang alaala ay narinig niya ang mga halakhak ni Renz. Ang masayang pagtawa ni Jane. Ang buhay niya kung saan masaya niyang kasama sina Jane at Renz. Kung saan ay nagmamahalan silang magpamilya. 
Parang biglang tumigil ang mundo ni Jane noong makita niyang pumikit ang mga mata ni Rodrigo. Tuluyan na ring bumagsak ang kamay nito. Biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at binalot siya nang matinding takot.
“R-Rodrigo?” Hinawakan ni Jane ang pisngi ni Rodrigo at marahan iyong tinapik. 
Napahagulhol si Jane. Sinubukan niyang gisingin ang binata ngunit wala na. Hindi na ito sumagot pa sa kaniya o dumilat manlang kahit na anong tapik ang gawin niya. Oo, hindi naging maganda ang alaala ni Jane sa binata noon. Ngunit hindi niya maitatanggi ang pagbabagong nakita niya sa binata. Sa maiksing panahon ay nakita niya kaya nitong magbago. Pero siguro ay sadyang hindi sila nararapat sa isa't isa. At ang tadhana na ang nagbigay ng desisyon para sa kanilang dalawa. 
Niyakap nang mahigpit ni Jane si Rodrigo at hinalikan sa noo. Hindi man naging maayos ang kanilang pagsasama. Nasasaktan pa rin siya sa sinapit nito. 
Goodbye, Rodrigo Navarro. 






Epilogue

 
8 months later
Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. 
Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. 
Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. 
Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Renz ay mabilis niya iyong inalis sa kaniyang isipan. 
Hindi niya pa rin kaya. 
Kahit na ano’ng sama ang ginawa sa kaniya ni Rodrigo. Hindi niya kayang patayin ang anak nila. At isa pa, labis ding nalungkot si Renz sa nangyari kay Rodrigo. Hindi ito tumigil sa pag-iyak kaya medyo nahirapan din si Jane para mag-move on. Ipinaliwanag na lamang nila na na aksidente si Rodrigo dahil hindi pa naman nito na uunawaan ang mga nangyari. 
Si Clarixto? Namatay rin ito noong araw na iyon. Natamaan pala ito ni Rodrigo sa dibdib na agarang ikinamatay nito. 
At sa gulat ni Jane, iniwan pala ni Rodrigo lahat ng kayamanan nito sa kaniya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin doon. Pero noong makapag-isip na siya nang maayos ay nag-pasya siyang ilipat ang pangalan ng kalahati kay Renz at ang kalahati naman ay sa anak niyang nasa loob pa ng kaniyang tiyan. Mas maigi na ang mga anak nila ang makinabang ng pera ni Rodrigo para sa kaniya. 
Ipinikit ni Jane ang kaniyang mga mata dahil biglang bumigat ang kaniyang mga talukap sa mga mata. Hinahaplos-haplos niya ang kaniyang tiyan hanggang sa ilang sandali ay may naramdaman niyang mainit na palad na humaplos din doon. Napadilat si Jane at nagulat siya noong makita niya si Rodrigo na nakangiti sa kaniya. 
“Rodrigo?” gulat na sabi niya. 
Ngumiti sa kaniya ang binata. Nakasuot ito ng puting polo at short. Napakaaliwalas ng mukha nito na para bang ang saya-saya. Pagtingin ni Jane sa paligi ay nasa beach pa rin siya ngunit hindi na niya makita sila Brian. 
“Ang laki na niya,” ani Rodrigo. 
Muling tiningnan ni Jane si Rodrigo na nakatitig sa kaniyang tiyan. Hindi siya nagsalita at pinanood lang ang binata. Hindi niya rin alam kung bakit parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngayon na nakita niya ito. Tumingin sa kaniya ang binata. 
“Jane.” 
Hindi gumalaw si Jane noong sinapo ng binata ang kaniyang pisngi. Napapikit pa siya noong maramdaman niya ang mainit na palad nito. 
Bakit ganito ang nararamdaman ko? 
“I’m happy for you,” malamyos ang boses na sabi ni Rodrigo. “And I’m sorry for what I did.” 
Muling dumilat si Jane. Naroon pa rin ang binata at malungkot na nakatingin sa kaniya. Pinilit niyang ngumiti rito at tumango. Mayroon siyang gustong sabihin ngunit hindi naman niya maibuka ang bibig. 
“Thank you for coming to my life. Alam ko na hindi naging maganda ang naging simula natin. Pero hinihiling ko na maging masaya ka. You are free now.” Inilapat ni Rodrigo ang palad sa dibdib ni Jane. “Please free yourself. Hindi ko hinihiling kapatawaran mo pero paulit-ulit akong magso-sorry sa ‘yo.” Biglang gumaralgal ang boses ni Rodrigo. “I-I hope you’ll give me a chance in our next life.” 
Napangiti na nang totoo si Jane. Hindi niya alam kung bakit nangilid ang kaniyang mga luha. 
“I love you so much, Jane. You are the best thing that happened to me. Thank you for coming back to my life sa maiksing panahon. Be happy with our child. Thank you for letting them live despites what I did to you.” 
Gustong sabihin ni Jane na hindi naman niya kayang idamay ang mga ito. Na kahit mahirap ay hindi niya magagawang pagdamutan ng buhay ang mga anak nila. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Jane. Agad naman iyon pinahid ni Rodrigo gamit ang hinlalaki. 
“I love you, Jane Acosta. In my heart… You will always be mine. But I will let you go now. Because I want you to be happy. Please be happy. Smile more. Laugh more. Forget about me.” 
Napasinghap si Jane at biglang sinapo ang kaniyang dibdib. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang naroon pa rin siya sa beach ngunit wala na si Rodrigo. Napasinghot-singhot siya kaya roon niya lang napansin na siya pala ay umiiyak. 
What was that? Did I just dream about him? 
Sinapo ni Jane ang kaniyang bibig at biglang humagulhol. Napaka bigat ng kaniyang pakiramdam na para bang siya ay nagluluksa na. Para siyang namatayan at labis siyang nasaktan doon. 
“Jane? What’s wrong?” Agad na naupo si Rico sa tabi ni Jane at pinahid ang pisngi nito. “Ano ang nangyari? May masakit ba sa ‘yo?” 
Umiling-iling si Jane at kumapit sa kamay ni Rico. Hindi siya makapagsalita dahil sa bigat na kaniyang nararamdaman. Yumakap lang siya rito at muling umiyak nang umiyak. 
Napansin ni Brian ang nangyayari sa pwesto nila Jane. Inakay niya si Renz pabalik sa pwesto nila at doon ay agad siyang napalapit kay Jane nang makita itong humahagulhol. 
“Jane? Ano’ng nangyari?” 
“I don’t know. Nakita ko na lang siyang umiiyak,” tugon ni Rico. 
Ilang sandaling ganoon si Jane bago siya kusang tumigil. Matapos niyang makaiyak ay nakaramdam siya nang matinding kaginhawaan. Para bang lahat ng mga pag-aalala niya ay umagos din palabas sa kaniya kasabay ng kaniyang mga luha. Kalmado na siyang nakahiga sa kama dahil inilipat siya roon ni Brian. Hindi naman na siya iniwan ng binata hanggang sa kumalma na siya. 
“Jane,” tawag ni Brian kay Jane. 
Huminga nang malalim si Jane at tiningnan ang binata. Ngumiti siya. “I… I dreamed about him.” 
Nangunot ang noo ni Brian. “Who?” 
“Rodrigo.” 
Natigilan si Brian. Napatango-tango siya at ngumiti sa dalaga. Matagal na rin niyang tinanggap ang totoong relasyon niya kay Rodrigo. Na kapatid niya ito kaya inaalalayan niya si Jane sa pag-aalala sa mga anak nito. 
“How was it?” 
“I don’t know. But it feels relaxing. Hindi ko alam kung bakit gumaan na ang loob ko ngayon. He told me to be happy.” 
Ngumiti lalo si Brian at tumango. “And you should be.” 
Tumango si Jane. “Rodrigo… He is the worst person I have ever met in my life. Pero parang siya rin ang nakatulong sa akin ngayon.” Natawa siya. “Is it possible?” 
“Jane… it’s true. You should be happy. Siguro nakikita niya at nagsisisi pa rin dahil nga hanggang ngayon ay hindi ka pa rin okay. He wants you to move on.” 
“Thank you for not leaving my side, Brian.” 
“Of course, Jane. I will never leave you. I will always be here waiting for you.”
Napangiti si Jane. Tumayo siya mula sa kama at naglakad papunta sa may bintana. Doon ay pinagmasdan niya ang malawak na karagatan. Ang maputing buhangin kung saan ay nakita niyang naglalaro ang kaniyang mga kapatid at si Renz. Muling hinaplos ni Jane ang kaniyang tiyan. 
Yeah. I should be happy. I will be happy with my children. 

The End. 
10.22.2022
© Ameiry Savar

 

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !