Chapter 21
Nakatungo na si Victor sa lamesa noong makita ko sila. Si Tatay ay namumula na rin. Halatang lasing na rin ito.
Napailing na lang ako at lumapit na sa kanilang lamesa. Marahan kong tinapik ang balikat ni Victor.
“Victor. Halika na. Matulog ka na,” yaya ko sa kaniya.
Umungol lamang si Victor. Marahan ko na siyang hinila.
“Victor,” tawag ko sa kaniya.
Bigla na lamang kumilos ang kamay niya at hinila ako sa may baywang paupo sa tabi niya. Isinubsob niya ang mukha sa may leeg ko. Nag-panic ako nang kaunti dahil nasa harapan pa rin namin si Tatay. Isa pa, nasa bakuran kami.
“Victor!”
Suminghot-singhot si Victor. “Wife…”
Pinamulahan ako ng mga pisngi. “Yes, Husband… Matulog ka na.”
Umungol si Victor. Mas isinubsob pa ang mukha sa may leeg ko. Naramdaman ko na rin ang pagdampi ng mga labi niya sa leeg ko na nagpatayo ng balahibo ko.
Marahan ko siyang tinapik sa braso. “Ano ka ba, Victor? Nasa labas pa tayo,” saway ko sa kaniya.
“Hoy! Ano ang ginagawa mo sa anak ko?” galit na tanong ni Tatay.
Nanlaki ang mga mata ko. Nakatingin na pala kasi si Tatay sa amin. Tumayo pa ito at lumakad na palapit sa amin. Pero bago pa man ito makalapit ay napigilan na ito ni Nanay.
“Arnaldo! Ano ba ‘yan? Lasing ka na!” ani Nanay.
Tumingin siya sa akin at sinenyasan ako na umalis na.
“Hindi! Bitawan mo ako! Binabastos niya ang anak ko! Ang nag-iisa kong babae! Hindi ako papayag!” sabi ni Tatay.
Napaawang ang bibig ni Nanay. “Ano ka ba? Asawa na ‘yan ng anak mo!”
Natigilan si Tatay. Nangunot ang noo niya at pinagmasdan kami.
“M-May asawa ka na, Belinda? Ang anak ko? Ang prinsesa ko?”
At lahat kami natigilan noong biglang humagulhol si Tatay.
“Dalaga na ang anak ko. Iiwan na niya tayo.”
Nagkatinginan kami ni Nanay. Magsasalita sana ito noong si Victor naman ang gumalaw. Kumalas siya sa akin at susuray-suray na humarap kay Tatay.
“F-Father! Don’t worry. I… I won’t take your princess away from you. She’ll just be my queen now. But she will always be your princess.”
Inakbayan ako ni Victor at muling hinila palapit sa kaniya. Pero muling lumalaylay ang ulo nito sa lamesa. Kung hindi ko pa agad nasalo ang ulo nito ay tatama iyon sa kahoy.
Tumigil bigla si Tatay. Hinawi nito ang kamay ni Nanay at naglakad palapit sa amin. Tapos bigla niya akong hinila patayo at siya ang naupo sa tabi ni Victor.
Hindi pa ako magkandaugaga dahil halos matumba na si Victor.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong ni Tatay.
Umungol si Victor. Iyon lamang ang naging sagot nito.
Biglang umiyak ulit si Tatay. Niyakap nito si Victor.
“Ayusin mo, anak! H’wag na h’wag mong sasaktan ang anak ko! Mahal na mahal ko ang prinsesa ko! Kapag sinaktan mo siya ay papatayin kita!”
Hindi pa kami natitigil sa pinaghalong pagkamangha at pagkalito sa nangyayari ay may kasunod naman.
Biglang yumakap si Victor kay Tatay.
“I-I’m sorry, Sir! I won’t hurt your daughter again! I’m really sorry!”
Napaawang ang bibig ko noong makita kong humahagulhol na rin ito. Pinupukpok pa nito ang likod ni Tatay habang nakasubsob ang mukha nito sa balikat ni Tatay.
Umiiyak si Victor. Hindi lang basta iyak, kundi hagulhol din.
Ito ang unang beses kong nakita ang asawa ko na humagulhol nang ganito.
Lumapit si Nanay sa akin.
“Seryoso ba itong nakikita ko, Anak? Si Victor Benitez? Ang tagapagmana ng mga Benitez, ay humahagulhol kasama ang tatay mo?”
Napangiwi ako. “Parang, ‘Nay.”
Nagkatinginan kaming muli ni Nanay. “I-video mo dali!” biglang sabi nito.
Natawa na lang ako sa naisip ni Nanay. Siguradong may mahihiya bukas kapag nahimasmasan na sila.
Chapter 22
Victor’s POV
Fuck… my head was spinning.
Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo dahil sa sobrang sakit niyon. What happened?
Ang huli kong naalala ay nag-uusap kami ni Tatay tungkol kay Belinda.
Bahagyang nawala ang kirot ng ulo ko noong maalala ko si Belinda.
Yes, my wife. She was finally my wife.
Tumagilid ako para sana yakapin siya. Asawa ko na siya kaya alam ko na siya ang katabi ko. Kaya napangiti ako agad noong maramdaman ko siya.
Ngunit napakunot ang noo ko noong maramdaman ko na parang may kakaiba sa katawan ni Belinda. Belinda was petite. She has curves and a flat stomach. Pero ito? Parang yumakap ako sa malambot na at matambok na unan. Masyado ring matapang ang amoy nito.
Iminulat ko na ang mga mata ko.
Napanganga ako noong makitang hindi si Belinda ang kayakap ko, kundi si Tatay Arnaldo, ang tatay ni Belinda.
Napatayo ako agad noong makaramdam ako ng kilabot. Hindi naman ako nandidiri kay Tatay. Sadyang hindi ko lang in-expect na ito ang katabi ko.
“What happened last night? Bakit kaming dalawa na ang magkatabi?”
Sakto naman na bumukas ang pinto. Pumasok doon si Belinda, maaliwalas ang mukha at malapad ang mga ngiti.
“Victor. Gising ka na pala.”
“Bakit kami ang magkatabi ni Tatay?” tanong ko sa kaniya.
Bahagyang nangunot ang noo ni Belinda. “Hindi mo ba maalala?”
“What?”
Nakita ko na nagpigil nang pagtawa si Belinda. “Ayaw mong lumayo kay Tatay. Sabi mo ay siya ang gusto mong katabi.”
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. “D-Did I say that? Ginawa ko ba talaga ‘yan?”
Marahang tumango si Belinda. “Oo, Victor. Ginawa mo. Sabi mo nga ay gusto mong bumawi sa kaniya.”
Parang nanlambot ang mga tuhod ko at parang kandilang unti-unting naupos paupo sa sahig.
My first night. Our first night as husband and wife. Imbes na kami ang magkasama ng asawa ko ay ang tatay nito ang nakasama ko sa unang gabi namin.
Our honeymoon.
Now it was ruined.
—
Belinda’s POV
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa kay Victor. Kanina pa kasi ito tulala na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.
Kitang-kita ko ang matinding panlulumo sa mukha nito.
“Heto. Magkape ka na para mawala ang hangover mo.”
Inilapag ko ang tasa sa harapan ni Victor. Hindi ito umimik at tiningnan lang ang tasa.
“Are you okay?”
Humugot nang malalim na paghinga si Victor. “Let’s have a vacation, Wife. Let’s travel.”
Nangunot ang noo ko. “Ha? Bakit naman? Hindi ka busy ka?”
Umiling si Victor. “No. I want us to have our own day and night. It’s our honeymoon.”
Bigla akong kinabahan noong nabanggit niya ang tungkol sa honeymoon. Hindi namin nagawa ang dapat naming gawin kagabi dahil nga lasing na siya. Sanay na rin naman ako sa katawan ni Victor. Pero ni minsan ay wala pang nangyari sa amin kaya hindi maiwasang kabahan.
“O-Oo nga. Pero… Sure ka ba? Hindi ka busy?”
Biglang naging seryoso ang mukha ni Victor.
“I’m not, Wife! Bakit kasi hinayaan mo ako na si Tatay ang katabi ko kagabi?” nakasimangot niyang sabi.
Natawa ako bigla sa sinabi. “So, kaya ka nagkakaganiyan dahil doon? E ikaw nga ang may gusto no’n. Tanungin mo pa si Nanay.”
Sakto naman na papasok ng kusina si Nanay.
“Bakit? Ano iyon?” tanong ni Nanay.
“Hindi siya makapaniwala na katabi niya si Tatay.”
Tumawa bigla si Nanay. Lalo namang sumimangot si Victor.
“‘Nay, please. H’wag mo na ring ulit-ulitin,” ani Victor.
“H’wag kang mag-alala. Hindi namin ilalabas ang video niyo ng tatay mo.”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Victor. “What video?”
Nagkatinginan kami ni Nanay. Imbes na sagutin ito ay parehas kaming natawa.
Lalo namang sumimangot si Victor na parang bata.
“Hindi na talaga ako iinom ng alak na iyon sa sunod!” ani Victor.
Chapter 23
Matapos ang kasal namin ni Victor ay isinama na niya ako sa bahay niya.
Wala pa ring pagsidlan ang saya na nararamdaman ko ngayon na asawa ko na si Victor. Para pa rin akong lumulutang sa alapaap dahil sa saya.
“From now on, you will stay here with me.”
Napatingala ako sa dalawang palapag na bahay. Malayong-malayo sa luma at kahoy naming bahay. It was modern and luxorious.
“Matagal ko na itong nabili, Wife. Dito sana tayo titira noon.”
Natigil ako sa pagkamangha ko dahil sa sinabi niya.
“Talaga ba?”
Marahang tumango si Victor. “Yes. At sa ‘yo ko ito ipinangalan.”
Napakurap-kurap ako. Wala akong ideya na noon pa lang ay plinano na pala ni Victor ang magiging buhay namin.
Siguro kung hindi kami nagkahiwalay noon ay noon pa lang nabuo na ang pamilya namin.
Pumasok na kami sa loob. Maging doon ay hindi maalis ang pagkamangha ko. Hindi masyadong magarbo ang disenyo pero halata na mamahalin ang lahat. Hindi nakataka-taka para sa isang Benitez.
“I wanted to get us mansion. But I know that you won’t like it.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Kilalang-kilala niya talaga ako.
“Syempre naman. Tayong dalawa pa lang naman. At kahit na magkaroon tayo ng mga anak ay masyadong malaki ang mansyon para sa atin. Gusto ko iyong agad tayong nagkikita-kita,” tugon ko.
Napangiti bigla nang malapad si Victor. Lumapit siya sa akin at ipinulupot ang mga braso sa baywang ko.
“Our… children?”
Nangunot ang noo ko.
“Oo. Bakit? Ayaw mo ba na magkaanak tayo? Akala ko ba gusto mo?”
Lalong napangiti si Victor.
“Hindi naman sa ganon. But… why don’t we start making our little gremlins?”
Napaawang ang bibig ko. Huli na noong maunawaan ko ang ibig niyang sabihin.
Bigla na lamang akong binuhat ni Victor na pang-kasal. Napatili pa ako dahil hindi ko iyon inaasahan.
“VIctor! Ano ba? Ibaba mo ako!” saway ko sa kaniya.
“Why? You’re asking me if I want our children. I decided… we should start making it now.”
Namilog ang mga mata ko.
“Hoy!”
Hindi na ako pinansin ni VIctor at binuhat na papasok sa ikalawang palapag. Hindi rin naman ako nagpumiglas pa. Kung tutuosin ay kasal na kami ni Victor. Hindi naman siguro masama na gawin na namin ito.
Kaso bigla naman akong binundol ng kaba. Sa ilang taon na magkarelasyon kami ni Victor ay puros yakap at halik lang. Ni minsan ay hindi niya ako niyaya na gawin iyon. He promised to wait hanggang sa makasal na kami.
So, I’m a virgin. Wala pang kahit sino, kahit si Victor ang nakakita pa sa kahubaran ko.
Pumasok kami sa master’s bedroom at marahan akong inilapag ni Victor sa malapad na kama. Napalunok ako agad noong hindi siya umalis sa harapan ko at tinitigan lang ako nang makahulugan.
“I’ve never asked you this, Wife. But… I want to ask you respectfully now. Can we do it?”
Napakurap-kurap ako. Hindi man sabihin ni Victor nang buo pero nauunawaan ko ang ibig niyang sabihin. Hindi na ako bata para hindi iyon maintindihan.
Gusto niyang may mangyari sa amin.
Kitang-kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya. Puno iyon ng pagmamahal at pag-unawa. Gusto na niyang may mangyari sa amin, pero handa siyang pigilan ang kaniyang nararamdaman depende sa aking sasabihin.
At hindi naman ako madamot para hindi siya pagbigyan. Inirespeto niya ang kagustuhan ko noon pa man. Hinintay niya na madala niya ako sa altar at mapakasalan bago ito hilingin sa amin.
Asawa na niya ako, at asawa ko na siya. Karapatan na niya ito kahit hindi naman niya ipilit sa akin.
Napalunok ako.
“Kasal na tayo, Victor. Hindi mo na ako dapat pang tanungin.”
Umiling siya. “No. I won’t force you, Wife. I will stop if you don’t—”
“Gusto ko,” pigil ko sa sinasabi niya. Ngumiti ako sa kaniya. “Gusto ko, Victor.”
Napangiti si Victor. Tinitigan niya pa ako saglit bago unti-unting bumaba ang kaniyang mukha at inilapat ang labi sa aking labi.
Napapikit ako agad at ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya.
Hindi ito ang unang beses na nahadkan ako ni Victor. Pero kakaiba ang nararamdaman ko. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko at tila ba nagtatayuan ang lahat ng buhok ko sa batok habang unti-unting lumalalim ang halik naming dalawa.
Halo-halo na ang nararamdaman ko dahil sa gagawin namin ni Victor. Para akong biglang bumalik sa pagkadalaga dahil doon.
Ito ang unang beses ko. At malaki ang pasasalamat ko na nirespeto niya ako at minahal ng totoo.
At hindi ako magsisisi na sa kaniya ko ibibigay ang aking katawan. Hindi lang iyon, maging ang aking tunay at wagas na pag-ibig.
Handa akong ibigay ang lahat kay Victor.
—
Hindi ko alam kung anong oras na noong magising ako. Nakatulog pala ako dahil sa matinding pagod matapos may mangyari sa amin ni Victor.
Napakabigat ng katawan ko at para akong sinasagaan ng tren dahil sa sakit niyon. Pero mas matindi ang sakit sa ibabang parte ng katawan ko. Doon sa pagitan ng mga hita ko.
We did it.
May nangyari na sa amin ni Victor.
Unti-unting sumilay ang mga ngiti ko sa labi.
Matapos ang ilang taon na paghihintay namin. Lalo na ni Victor ay naging isa na kami. Kasal na kami.
Kinapa ko siya sa aking tabi. Nangunot ang noo ko at tuluyang iminulat ang mga mata noong hindi ko siya maramdaman.
Wala si Victor.
Agad kong itinakip ang kumot sa katawan ko at inilibot ang paningin sa paligid.
Maliwanag naman dahil sa ilaw ng silid. Pero kita ko sa labas ng bintana na madilim na ang piligid.
Gabi na? Ni hindi manlang ako ginising ni Victor.
“Hindi pwedeng mangyari ‘yon!”
Natigilan ako sa narinig ko.
Si Victor iyon. Kaya naman dali-dali akong tumayo kahit na kumikirot pa rin ang pagkababae ko.
Tiningnan ko sa banyo pero wala siya roon. At noong palabas na sana ako ng silid ay napansin ko mula sa siwang si Victor.
Hawak–hawak nito ang cellphone at pabalik-pablik sa pasilyo. Kita ko sa ekspresyon niya ang matinding galit at pag-aalala.
“No! Do everything you can to stop her. Hindi siya pwedeng makabalik dito sa Pinas!” pabulong pero may diing sabi pa niya.
Nangunot na ang noo ko.
Sino ang tinutukoy niya?
Chapter 24
Hindi na nawala sa isipan ko iyong narinig kong pakikipag-usap ni Victor sa telepono. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong bumalik sa kama at nagpanggap na tulog pa rin noong pumasok na ulit siya sa kwarto.
Pero magmula noon ay hindi na ako napakali.
Sino ang tinutukoy ni Victor na hindi dapat bumalik sa Pinas? May tinatago ba siya sa akin?
Ewan ko. Pero hanggat maari sana ay ayaw kong masira ang unang linggo ng pagiging mag-asawa namin.
Lalo na ngayon at narito kami sa isang private island para ituloy ang honeymoon namin.
Ayaw ko nga sana dahil alam ko naman na maraming gawain si Victor, pero siya ang mapilit. Hindi na kasi niya ako tinigilan magmula noong may mangyari sa amin.
“Victor… pwede bang lumabas naman tayo at mamasyal?” tanong ko. Napakagat pa ako ng labi dahil nararamdaman ko na namang hinahaplos niya ang dibdib ko.
Mas sumubsob pa sa may batok ko si Victor. Marahan niya iyong sininghot at hinalik-halikan. Naramdaman ko na rin ang matigas niyang pagkalalake na dumidikit sa likod ko. Na para bang wala iyong kapaguran dahil katatapos lang namin ten minutes ago. Hindi pa nga ako nakakapasuot ng damit.
“Victor,” tawag ko ulit sa akin.
Umungol si Victor. “I want us to stay here, Wife.”
Napanganga ako noong biglang pumatong ulit si Victor sa akin.
“Victor! Ano ka ba?”
Tumigil siya at itinukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Nakakunot ang noo niya na tumingin sa akin.
“Why? Ayaw mo na ba? Hindi mo ba nagugustuhan ang ginagawa natin?”
Napangiwi ako. “H-Hindi naman sa gano’n. Gusto ko—”
“‘Yon naman pala e.”
Akma niya akong hahalikan sa labi pero tinakip ko ang palad ko sa labi niya.
“Pero tama na! Hindi ka pa ba napapagod? Dalawang araw na tayo rito sa isla pero nandito lang tayo sa kwarto. Ni hindi ko pa nga nakikita ang beach e,” reklamo ko.
Napalabi si Victor. “But I want us to stay here. I want us to do it.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Pinakasalan mo lang ata ako para may mangyari na sa atin e.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Bigla namang nag-panic si Victor at mabilis na umiling. Umalis ito sa ibabaw ko.
“Of course not! I married you because I love you, Belinda. Ito ang matagal ko nang panagarap. Ang makasama ka.”
Ako naman ang napalabi. “Talaga lang, ha? E bakit parang ayaw mo na akong tigilan?”
Napakamot sa ulo si Victo. “Wife, hindi naman siguro ako masisisi, right? Ang tagal ko kayang nagtiis. Don’t get me wrong. I respect you. Pero hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin ang pigilan na h’wag natin gawin iyon noon pa. I love you so much. I adore you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.”
Pinigilan kong mapangiti dahil sa sinabi niya.
“Talaga lang, ha? Para kasing iba naman ang nararamdaman ko.”
“What? Fine.”
Biglang bumaba sa kama si Victor. “I’ll try to control myself.”
Tiningnan ko siya. Para siyang batang na-corner. Nakataas pa ang mga kamay nito na parang nahuli ng pulis.
Natawa ako nang kaunti. Binato ko siya ng unan.
“Joke lang! Ikaw naman kasi e. Ayaw mo na akong tigilan e!”
Napanatag si Victor. Ibinaba niya ang mga kamay at muling sumampa sa kama.
“Can you blame? You don’t know how yummy you are.”
Muli niya akong tiningnan nang puno ng pagnanasa. Pagnanasa na hindi nakakabastos.
Pinamulahan ako ng mga pisngi. Hinampas ko siya sa dibdib.
“Ikaw talaga! Igala mo naman ako rito! Ngayon lang ako nakapunta rito, o?”
Lumabi siya. Nagulat talaga ako dahil sa first time ko siyang makitang ganoon. Namumungay pa ang mga mata nito na parang bata.
“Can we do it? Last na?” pakiusap niya.
Napakurap-kurap ako. He looked so cute. Sino ba ang hindi mapapa-oo sa kaniya.
Napangiti na lang ako. “Sige na nga! Pero last na, ha?”
Ngumiti nang malapad si Victor. “Promise!”
—
Inubos namin ang oras namin sa mga water activities na mayroon ang private island. Walang ibang guest doon dahil nirentahan pala niya ang buong isla.
Kung alam ko lang ay sana inimbitahan ko na rin sila Nanay dito. Pero honeymoon namin ito. Nakakahiya naman kay Victor kung isasama ko pa ang pamilya ko rito.
Hindi naman boring ang isla kahit kaming dalawa lang ang guest doon. Marami naman kasing mapaglilibangan doon bukod sa water activities na mayroon sila.
At isa pa, hindi ako tinatantanan ni Victor sa tuwing wala kaming ginagawa.
“Did you enjoy our honeymoon, Wife?” tanong ni Victor.
Nasa beach lang kami ngayon at nakaupo sa lupa na pinatungan namin ng manipis na tela. May malaking bonefire sa tabi namin habang nakatanaw kami sa madilim na karagatan.
Sumandal ako sa balikat niya.
“Sobra, Asawa ko. Maraming salamat at dinala mo ako rito.”
Tuluyang umakbay sa akin si Victor.
“What mine is yours, Wife. Kaya hindi mo kailangang magpasalamat sa akin. You deserve this.”
Marahan niya akong hinalikan sa ulo.
“Hindi pa rin ako makapaniwala, Victor. Kasal na tayo. Parang kailan lang ay pinapangarap pa lang natin ito.”
“And I promise you that this will not end anymore. We will be together. Not even death can take us apart. I will go where you go, Wife. Mahal na mahal kita.”
Napangiti ako nang malapad. Tumingin ako sa kaniya habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa balikat niya.
“Mahal na mahal din kita, Victor.”
Nagbaba siya ng tingin sa amin. He kissed me on my lips.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa huli niyang sinabi. Iwinaksi ko na lamang iyon at tinugon ang halik ni Victor.
Hindi na ako dapat matakot pa. Sapat na ang mga ipinakita at pinaramdam sa akin ni Victor para malaman ko na mahal na mahal niya talaga ako. At hindi na niya ako muling sasaktan pa.
Chapter 25
Matapos ang naging bakasyon namin ni Victor ay muli kaming bumalik sa reyalidad.
Ayaw sana akong pagtrabahuin ni Victor, pero nagpumilit ako na bumalik sa dati kong trabaho. Ngunit bilang isang personal secretary niya.
“Bess! Mabuti naman at nakabalik ka na!” bati agad sa akin ni Andrea.
Kararating lang namin sa company. Nauna ako kay Victor dahil gusto kong bisitahin ang dati kong mga katrabaho.
Lumapit sa akin si Andrea at agad akong niyakap.
Ngumiti ako sa kaniya. “Oo nga e. Na miss ko dito.”
“Sus! Buti pumayag si Sir na magtrabaho ka?”
“Ito ang gusto ko, Andrea. Wala rin naman ako gagawin sa bahay.”
Napangiti nang malapad si Andrea. “So? Kumusta ang honeymoon? Mesherep ba?”
Natigilan ako sa tanong niya. Namilog ang mga mata ko.
“Ikaw talaga! Pati ba naman ‘yan itatanong mo?”
Tumawa si Andrea. “Syempre naman! At last! Nabinyagan ka rin!”
Naiikot ko na lang ang mga mata ko.
Sinamahan na ako ni Andrea papasok. Agad akong binati ng mga katrabaho ko.
Halos lahat sa kanila ay walang ideya na kasal na ako kay Victor. Tanging si Andrea lang. Ayaw ko kasing iba ang isipin nila sa akin. Para na rin hindi magbago ang tingin nila.
Ang alam nila ay bumalik ako sa trabaho.
“Uy welcome back, Belinda! Na miss ka namin dito!”
“Magiging masaya na ulit ang team natin!”
“Alam mo kung sino ang mas naka-miss sa ‘yo dito?”
Natigilan ako sa tanong ng isa kong katrabaho. Bahagyang nangunot ang noo ko.
“Ha? Si Andrea?”
Tumawa nang nakaloloko si Andrea. “Ako? E palagi naman tayong nagkikita.”
“E sino?”
Biglang may tumikhim sa may likuran ko. Pagtingin ko ay si Mike iyon. Napakurap-kurap pa ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko in-expect na narito pa rin siya matapos ang nangyari sa kanila ni Victor noon.
“S-Sir Mike,” bati ko sa kaniya.
“Kumusta, Belinda? I’m glad that you are back.”
Ngumiti sa akin si Mike. Hindi ko maiwasang mailang sa hindi malamang dahilan. Wala naman kaming nakaraan nito. Siguro ay guilt? Kita ko pa rin kasi sa mga mata niya ang pag-asa.
Hindi pa nakatulong na pasimple akong siniko ni Andrea.
“I’m… fine. Masaya ako at nakabalik na rin ako rito sa BTI.”
Marahang tumango si MIke.
“Pero ang alam ko ay hindi ka rito sa amin babalik. You’ll be Mr. Benitez’s secretary, right?”
“Yes. I am.”
“Okay. Well, good luck. I’ll go to my office now.”
Iyon lang ay nagpatuloy na sa paglalakad si Mike.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko bigla ay para akong iniiwasan ni Mike. Dahil ba sa nangyari noon?
“Alam mo ba, palagi kang tinatanong ni Sir Mike sa akin. Kinakamusta ka niya,” bulong ni Andrea noong makalagpas na si Mike.
Tiningnan ko siya nang makahulugan. “Syempre, nakikibalita.”
“Para saan pa? Hindi naman kayo mag-jowa. Sabihin mo umaasa pa rin siya.”
Napailing ako.
“Alam mo, Andrea. Nakaraan na iyon. Kung ano man ang naging koneksyon namin noon ni Sir Mike, sa nakaraan na iyon. May asawa na ako kaya dapat hindi ko na isipin pa ang mga bagay na iyon.”
Lumabi si Andrea. “Oo na! Ikaw na! Haba ng hair mo, Mrs. Benitez!”
Namilog ang mga mata ko. Napalingon ako agad sa paligid namin. Mabuti na lang at malayo na sa amin ang mga katrabaho namin.
“Ikaw talaga! Paano kung may makarinig sa ‘yo?”
Napangiwi si Andrea. “Ay, sorry!”
Napailing na lang ako.
Pagkatapos ko silang bisitahin ay pumunta na ako sa opisina ni Victor. Dahil ako na ang magiging personal secretary ni Victor ay iba na ang magiging table ko. Doon na sa loob ng opisina ni Victor.
Hindi ko pa mapigilang makaramdam ng excitement dahil makakasama ko na sa wakas si Victor sa trabaho.
Papasok na sana ako ng opisina ng asawa ko noong may mapansin akong pigura sa loob. Napatigil ako saglit.
Isa iyong babae. Nakatayo ito sa may lamesa at may tinitingnan sa lamesa. Nakasuot ito ng pulang dress na hapit na hapit sa katawan nito kaya kitang-kita ang kurba niyon. Lalo itong tumangkad tingnan dahil sa suot nitong high heels. Blonde din ang mahaba at wavy nitong buhok. Sa kanang braso nito ay nakasukbit ang isang branded na handbag.
Inayos ko ang sarili ko. Ito ang trabaho ko. Ang maunang harapin ang mga kliyente ni Victor.
Tuluyan akong pumasok sa loob ng opisina ni Victor.
“Good morning, Miss. Mr. Benitez is still not present. May I know who are you and what do you need from him?” tanong ko agad.
Tumigil ang babae at unti-unting lumingon sa akin. Natigilan pa ako saglit dahil tila ba ay pamilyar sa akin ang dalaga. Sa TV? Mukha kasi itong artista.
May hitsura rin naman ako, oo. Pero walang sinabi iyon sa presensya ng dalagang nasa harapan ko. Mas kita ko na rin kasi ang kagandahan nito at kakinisan ng balat. Bagay na bagay ang medyo singkit nitong mga mata sa hugis pusong mukha nito. Matangos din ang ilong at mapula ang mga labi.
“Where is he? And who are you, too?” tanong niya.
“Ahm… I’m Belinda. Mr. Benitez’s secretary. You can talk to me while he’s gone.”
Bilang sekretarya nito ay hindi ko maaring sabihin na asawa ko ito.
Naiikot ng dalaga ang mga mata. “No. I want him. Tell him that I am here. His wife is here.”
Napamaang ako sa sinabi niya.
“W-Wife?”

