Chapter 26
Umarko ang kilay ng dalagang nasa harapan ko.
“Yes. I am his wife. Asawa niya ako. So, call him now and tell him that Cassandra is here.”
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Asawa ito ni Victor? Hindi ba ako ang asawa ni Victor? Bakit nito sinasabi na siya ang asawa ng asawa ko?
“R-Really? I… H-Hindi ko po alam na may asawa pala si Sir.”
She smirked. “Well, now you know. Kaya ano pa ba ang tinatanga-tanga mo riyan? Tawagan mo na ang amo mo kung ayaw mong matanggal sa trabaho!” mataray na sabi niya.
Lumakad ito at naupo sa swivel chair.
“And while you’re at it. Get me a coffee.”
Napalunok ako. Ni hindi ko maigawang ikilos ang katawan ko para sundin ang utos niya dahil sa labis na pagkalito.
Ako ang asawa ni Victor. Pero sino ito?
Huminga ako nang malalim. Minabuti kong tumalikod na at lumabas ng silid upang makahinga nang maayos. Pakiramdam ko kasi ay biglang bumigat ang dibdib ko sa loob.
Pero kinasal kami ni Victor. Mayroon kaming marriage certificate. Kaya paanong may asawa siya? Malalaman ko naman siguro kung kinasal na siya.
Pero ano ito?
Nanginginig ang mga kamay ko na inabot ang cellphone mula sa bag na dala ko. Pero hindi ko pa man iyon napipindot ay napansin ko na si Victor na papalabas ng elevator. Humahangos ito. Kasunod niya si Matthew na halata rin ang pag-aalala.
“Belinda. You’re here,” ani niya.
Bahagyang nangunot ang noo ko. Kitang-kita ko ang pagkabalisa sa mukha niya. Umayos ako ng tayo at hinarap siya.
“Syempre naman. Magkasabay tayong pumasok sa trabaho, ‘di ba?”
Lalong naging balisa ang ekspresyon ni Victor. HInawakan niya ako sa magkabilang braso.
“Akala ko kasi nasa ibaba ka pa. Come on. Doon ka muna—”
“Victor!”
Biglang may humila sa braso ni Victor. Si Cassandra. Niyakap nito bigla ang asawa ko.
Oo. Ang asawa ko. Niyakap niya sa harapan ko.
Para akong tinusok ng milyon-milyong kutsilyo dahil sa nasakhisan ko. Kung idiin nito ang katawan kay Victor ay parang sanay na sanay ito.
Ibig sabihin ay tama nga ito? Siguro nga mag-asawa talaga sila.
Pero bakit inilihim ito ni Victor? Parte pa rin ba ito nang paghihiganti niya sa akin dahil akala niya iniwan ko siya noon?
Pinaikot niya lang ba ako?
Huminga ako nang malalim. Naramdaman ko kasi na nangilid na ang mga luha ko.
“I-I’ll just bring you some refreshment, Sir.”
“Belinda–”
Hindi ko na nilingon pa si Victor. Nagmamadali akong pumunta sa office lounge. Doon ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.
Mali ba ako? Mali ba na nagtiwala ulit ako sa kaniya?
May asawa na pala siya. Ano naman ang tawag sa akin?
—
Victor’s POV
‘Damn!’
Inis na itinulak ko si Cassandra.
“What the hell are you doing here, Cass? Hindi ba sinabi ko na tigilan mo na ako?!” galit na tanong ko sa kaniya.
Gusto ko nang sundan si Belinda pero hindi ko pwedeng gawin iyon habang narito pa si Cassandra. I know this witch. She’ll do everything para lang masaktan ang asawa ko.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
“Why? I’m your wife. Dapat lang narito rin ako. Sa piling mo, right?”
Naikuyom ko ang mga palad ko.
“We are already divorced, Cassandra. Kaya pwede ba? Bumalik ka na abroad at tantanan mo na ako!”
Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa nito rito sa Pinas. O kung paanong nagawa nitong makalusot sa mga tauhan ko.
Alam ko na may balak siyang manggulo sa amin ni Belinda. Nagbanta siya noong pinapirma ko siya sa divorce papers namin. Kaya ginawa ko ang lahat para mapigilan itong makarating dito.
Pero nagulat na lang ako kanina noong ibalita ni Matthew na nagawang makatakas ni Cassandra sa mga tauhan ko noong makalapag ang eroplanong sinasakyan nito.
At least hindi niya pa nakilala na si Belinda ang asawa ko. But I saw that Belinda was confuse.
Kailangan kong mailayo muna si Cassandra dito bago ko kausapin si Belinda.
“Take her to the airport now, Matthew. Make sure that she leaves the country today,” utos ko kay Matthew.
“Yes, Sir.”
Akmang hahawakan na ni Matthew si Cassandra pero umiwas ito.
“What? No! Kararating ko lang, Victor! At hindi ako aalis ng Pinas! I am your wife!” sigaw niya.
Nasapo ko ang ulo ko.
“You are not my wife anymore! Tapos na tayo, Cassandra. Kaya h’wag mo na akong guluhin pa!”
Cassandra smirked. “Why? Are you afraid that your ex will see me? Kaya ba pinapaalis mo na ako?” She laughed. “Why? Are you not confident na babalikan ka niya kapag malaman niyang kasal ka na—”
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Cassandra. Inabot ko ang leeg niya at sinakal ito.
“Shut up, Cassandra! You know nothing!”
Imbes na matakot ay natawa pa lalo ito.
“I know everything, Victor. And I know that she will leave you again kapag malaman niya ang totoo!”
Unti-unting humigpit ang hawak ko sa leeg niya. Pero kahit na nahihirapan na ito sa paghinga ay nakangisi pa rin ito.
This bitch. I regret marrying her. I regret na pumasok pa siya sa buhay ko!
“Sir! You're going to kill her!” pigil sa akin ni Matthew.
Inis na binitawan ko siya. Sumalampak sa sahig si Cassandra na agad naman na dinaluhan ni Matthew.
“Get her out of my sight already!”
Chapter 27
Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin dahil sa aking mga narinig.
Hindi kasi ako mapalagay kaya bumalik ako kila Victor at nagtago upang marinig ang kanilang pinag-uusapan.
Kasal na si Victor.
May asawa na siya.
Ibig sabihin lang niyon ay niloko niya ako.
Hindi na ako nag-abala pang ipaghanda sila ng kape. Para ano pa? Para mas magmukha akong tanga?
Ang tanga ko na nga dahil naniwala ako ulit kay Victor. Nagpakasal pa nga ako e. Pero kabit pa rin naman pala ako.
Paano niya ito nagawa sa akin?
Dere-deretso akong naglakad palabas ng building. Pumara ako agad ng taxi kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Panay ang pagtunog ng cellphone ko mula sa bag pero hindi ko iyon pinansin dahil wala ring tigil ang pag-iyak ko.
“Saan po kayo pahahatid, Ma’am?” tanong ng driver.
Napasinghot ako at sandaling tiningnan ito. “S-Sa amin na lang po, Kuya.”
Sinabi ko ang address ng bahay namin ni Victor. Hindi ko alam kung bakit doon ko pa naisipang magpahatid. Pero wala naman kasi akong ibang mapupuntahan. Hindi ako pwedeng umuwi ng bahay. Kapag malaman ito nila Tatay ay labis silang masasaktan.
Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto namin. Doon ay mas ibinuhos ko ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na nagawa akong lokohin ni Victor matapos kong magtiwala sa kaniya ulit.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong nakasubsob sa kama. Nakatulog na pala ako dahil namalayan ko na lang may tumatapik na sa akin.
Pagmulat ko ay nag-aalalang mukha agad ni Victor ang nakita ko.
Napaupo ako nang maayos. Pinunasan ko ang mukha kong mamasa-masa pa. Halos hindi ko na nga maimulat ang mga mata ko dahil sa pamamaga niyon.
“Wife…” tawag sa akin ni Victorr.
Nakaramdam ako agad ng kirot sa dibdib. “Wife? Dapat ba talaga ‘yan ang itawag mo sa akin?”
Napabuga ng hangin si Victor. Mas lumapit pa siya sa akin at akmang hahawakan ang kamay ko. Pero umiwas ako.
“Ano ‘to, Victor? Ano ba ‘tong relasyon natin? Pinagloloko mo lang ba ako? Pinaglalaruan? Gano’n na lang ba kalaki ang galit mo sa akin?”
“Belinda, please. Ikaw lang ang asawa ko. You are my wife.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o mas maiinis sa sinabi niya. Rinig na rinig ko ang lahat. Malinaw naman ang sinabi ni Cassandra.
Asawa siya ni Victor.
“E sino ‘yon? Bakit sinasabi niyang asawa mo siya?”
Natahimik si Victor. Na mas lalo lang nagpabigat ng nararamdaman ko dahil para bang inaamin na nga niya na totoo iyon. Bumuntonghininga siya.
“I’m sorry.”
Nangilid na ang mga luha ko noong marinig ko iyon. “Sorry? So, totoo nga? Asawa mo siya? E ano ako, Victor? Kabit?”
Gumaralgal ang boses ko sa huli kong salita.
Ang sakit isipin na naging kabit na pala ako nang hindi ko nalalaman. Paano niya ito nagawa sa akin?
“No. Of course not, Belinda! You are not my mistress. Cassandra is… I’m sorry. She is my ex-wife.”
Nangunot ang noo ko. Tumingin ako sa kaniya.
“Ex-wife? Kinasal kayo?”
Marahang tumango si Victor.
“Yes. Nasa abroad ako no’n. I really thought you left me. I was so devastated. Lost. Kaya in-suggest ni Mommy na pakasalan ko si Cassandra. I just did it para makalimot sa ‘yo, Bel,” paliwanag niya. “Noong malaman ko na nasa Pinas ka lang pala. I decided to come back here. To… To take revenge dahil sa ginawa mong pagpapaikot sa akin. But I was wrong. I learned that you were telling the truth. Kaya inayos ko agad ang lahat. Itinama ko. I went back abroad. I divorced her. Hindi matanggap iyon ni Cassandra kaya nagbanta siya na sisirain niya ang relasyon natin.”
Bigla kong naalala iyong kausap niya sa telepono. Ito ba ang sinasabi niya na hindi dapat makarating sa Pinas? Si Cassandra?
Hinawakan niya ang kamay ko.
“I swear, Belinda. Wife. Ikaw ang asawa ko. Nagkamali ako noon dahil akala ko ay niloko mo rin ako. But I swear I’m trying to fix everything. Si Cassandra? Hindi ko siya minahal, Belinda. Ikaw lang ang minahal ko. Ikaw lang ang asawa ko.”
Muling nangilid ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung paano ko ipo-proseso ang mga sinabi niya. O kung paniniwalaan ko pa ba siya.
Ang sakit isipin na ganoon kadali niya lang ako kayang iwaglit kung sakali mang hindi na naman kami magkaunawaan.
Habang ako ay naghihintay sa kaniya noon at unti-unting nawasasak. Siya pala ay nagpakasal na sa iba.
Alam ko na hindi ko na dapat isipin ang nakaraan. Ang sakit lang na ang lalakeng mahal na mahal ko ay ang dali akong bitawan.
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.
“H-Hindi ko alam, Victor. Gusto kong makasiguro. Gusto ko siyang makausap.”
Chapter 28
“What?” gulat at nalilitong sabi ni Victor.
Deretso ko siyang tiningnan sa mga mata.
“Gusto ko siyang makaharap, Victor. Kung talagang wala akong dapat ipag-alala sa kaniya. Ako ang magdedesisyon niyon. Pero hindi ko magagawa iyon kapag hindi ko siya makaharap,” determinadong sabi ko.
Napaawang ang bibig ni Victor. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Dahil doon ay parang nawawalan na ako ng pag-asa.
Napatayo ako at hinarap siya. “Bakit? Nag-aalala ka ba na may iba pa akong malaman? Bakit nag-aalinlangan ka na makausap ko siya, Victor? Asawa ba talaga ang turing mo sa akin?” damdamin kong tanong.
Parang may malaking tinik na nakabara sa lalamunan ko. Parang ano mang sandali ay bibigay ako dahil sa takot at kaba sa maaring sabihin ni Victor.
Natatakot ako na baka tama ang mga narinig ko kanina.
Mabilis na lumapit sa akin si Victor. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko.
“Hindi, Belinda. Wala akong kinakatakutan. I’m just…”
“Kung talagang wala, hahayaan mo akong kausapin siya. Hahayaan mo na magkaharap kaming dalawa.”
Malungkot na tiningnan ako ni Victor. Binitawan niya ako at tumalikod sa akin. Kita ko ang pagtaas baba ng kaniyang balikat at ang malakas na pagbuntonghininga niya. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa akin.
“Fine.”
Tumango siya.
“Kung ‘yan ang gusto mo. Hahayaan kitang makaharap siya. Para mapanatag ka. At mapatunayan ko na nagsasabi ako ng totoo.”
Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya. Sa puntong iyon kasi ay hindi ko alam kung ano na ang paniniwalaan ko.
Hinayaan ko na lamang siya na hilain ako palabas ng bahay. Iginiya niya ako pasakay sa kotse niya.
Hindi agad sumakay si Victor. May tinawagan pa muna ito bago ito muling bumalik sa kotse. Siya na mismo ang nag-drive niyon.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“You want to see her. I’ll bring you to her,” tugon niya.
Muli akong binundol ng matinding kaba.
Magkakaharap kami ulit. Pero ngayon ay alam ko na ang totoo. Alam ko na na dati siyang asawa ni Victor. Nakaka-insecure man dahil kita ko naman na ‘mas’ ito sa akin. Hindi na kataka-taka na pinakasalan ito ni Victor.
Ilang sandali pa ay dumating kami sa isang hotel. Ipinara lang ni Victor ang sasakyan sa tapat niyon at binato na sa valet ang susi pagkababa namin.
Hindi ko maiwasang kabahan habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa silid kung nasaan si Cassandra.
Hindi ko alam kung ano ang magiging kalalabasan ng pag-uusap naming dalawa. Pero handa ako. Kailangan kong malaman ang totoo.
Hindi ko na napansin kung saang floor kami bumaba ni Victor. Pero nakita ko agad si Matthew na nakaabang na sa amin sa may pinto.
“This way, Sir.”
Naunang maglakad si Matthew. Sumunod naman kami ni Victor. Tumigil kami sa tapat ng isang silid.
Room 1503.
We stopped. Hinawakan ni Victor ang braso ko at marahan iyong hinagod.
“Sigurado ka na ba talaga sa gusto mo, Wife? Hindi ako natatakot. Ayaw ko lang na saktan ka pa niya. Cassandra will do everything para lang masunod ang gusto niya,” nag-aalalang sabi ni Victor.
Tumango ako.
“I’ll be fine. Malalaman ko kung nagsasabi siya ng totoo o sinusubukan niya lang akong paikutin.”
Humugot nang malalim na paghinga si Victor. “Fine. I will go with–”
“No,” pigil ko sa kaniya. “Ako lang mag-isa ang papasok sa loob.”
Victor wanted to protest. Pero muli na lang siyang huminga nang malalim at tumango.
“Okay. Dito lang ako sa labas. Call me immediately.”
Huminga ako nang malalim. Binuksan na ni Victor ang pinto. Sandali kong tiningnan ang loob. Hindi ko makita si Cassandra. Napakatahimik din ng loob at nakapatay pa ang ilaw. Tanging ang liwanag mula sa may bintana ang liwanag doon.
Kailangan ko ‘tong gawin.
Pumasok na ako sa loob at sisinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa may higaan. At doon ko nakita si Cassandra.
She was lying on the bed. Gising ito at nakatingin na sa pwesto ko.
“You…”
Cassandra smirked. Bumaba siya sa kama at lumapit sa akin.
“Ano’ng kailangan ng personal secretary ng asawa ko sa akin?”
Para akong sinakal sa huli niyang sinabi. Parang nanghina bigla ang mga tuhod ko pero pilit ko pa ring pinatapang ang sarili ko.
“Hindi ako pumunta rito bilang sekretarya ni Victor. I’m here as his wife. His real wife,” mayriin na sabi ko.
Natigilan ito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Then she chuckled.
“You bitch… ikaw si Belinda?”
Napailing ito at pinagkrus ang mga braso.
“Wow… Kaya pala parang may kakaibang energy sa ‘yo kanina. Let me correct what you just said. I am his wife. Hindi ikaw. Hindi ba niya sinabi sa ‘yo?”
Huminga ako nang malalim.
“He did. Pero divorce na kayo. Kaya ano pa ba ang hinahabol mo sa asawa ko?”
Lalong lumakas ang tawa ni Cassandra. Pero saglit lang iyon at naging matalas agad ang mga tingin nito sa akin. Nagsalubong ang plakado niyang mga kilay at lalong naningkit ang singkit na niyang mga mata.
“Do you really think it’s true? Sinasabi lang ‘yon ni Victor dahil gusto niyang maghiganti sa ‘yo. Dahil niloko mo siya noon! He was using our marriage para paikutin ka niya at muling iwan. Hindi kami divorce, Belinda. We are still married. Kaya kung iniisip mong ikaw ang asawa ni Victor. You are wrong!” dere-deretsong sabi niya.
“A-Ano’ng sabi mo? Para maghiganti sa akin?”
“Yes. Iyon ang paalam niya sa akin noong bumalik siya rito sa Pinas. I let him go. Dahil kahit naman ano ang mangyari ay asawa ko pa rin siya. Sinasabi niyang nag-divorce kami? It’s part of his game, Belinda. He is just playing you until you fall for him again. Then he will throw you like trash kapag tapos ka niyang paglaruan!”
Para akong sinaksak sa sinabi niya.
Iyon din ang sabi ni Victor. Parehas na parehas sa sinasabi ngayon ni Cassandra.
“Here. Para hindi ka na malito.”
May kinuha ito sa bag nito na nakapatong sa kama. Tapos inabot iyon sa akin.
“Andyan lahat ng evidence ko. Pati ang copy ng marriage certificate namin. You want the original copy? Meron din ako.”
Muli siyang may kinuhang papel sa bag niya at inabot sa akin. Kinuha ko iyon at binasa.
It was a marriage certificate. Authenticated. Latest niya na nakuha base sa date sa resibo.
Parang biglang lumaki ang ulo ko sa mga nalalaman ko.
“Victor is just playing you, Belinda. Kaya kung ako sa ‘yo, wake up in your illusions. Hindi ka niya asawa. Kabit ka niya!”
Chapter 29
Tinitigan ko ang mga bagay na inabot sa akin ni Cassandra.
Kung walang alam ang titingin doon ay maniniwala agad. Doon pa lang sa resibo ng marriage certificate ay mapapaisip na. Paano pa kaya ang laman ng USB drive?
Pero hindi ako tanga para hindi maunawaan ang ibig niyang sabihin.
Napangisi ako at marahang umiling.
Akala ko ay dapat ako matakot. Akala ko naman ay mapapaniwala na niya ako.
Kabit? Ako pa talaga ang tinawag niyang kabit?
“What are you smiling at? Na-realize mo na ba kung gaano ka kadaling paikutin? Ha? Kabit?” tanong niya.
Huminga ako nang malalim.
“Ito ba? Ito ba ang sinasabi mong ebidensya?”
Itinaas ko ang papel na hawak ko. Pagkatapos ay pinunit ko iyon hanggang sa mapino iyon. Napanganga lang si Cassandra habang pinapanood ko. Kitang-kita ko ang pinaghalong gulat at pagkalito sa ekspresyon niya.
“Are you insane?! What are you doing?!” sigaw niya.
“Kung akala mo mapapaikot mo ako. Nagkakamali ka. I know if someone is lying by just looking at them. And you are clearly deceitful!” giit ko.
Napasinghap si Cassandra. “How dare you?! Ikaw na nga itong tinutulungan kahit na kabit ka ng asawa ko! Tapos ako pa ang sasabihan mo ng ganiyan? Victor will never—”
Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay dumapo na ang palad ko sa makinis niyang pisngi. Napaatras siya at halos matumba dahil mataas din ang suot niyang sandals.
Pagtingin niya sa akin ay mamula-mula na ang kaliwang pisngi niya at nanlilisik ang mga mata sa akin.
“You! Ang kapal ng mukha mo!”
Akma niya akong sasampalin din, pero mabilis kong sinalo ang braso niya at muli siyang itinulak.
“Let me get this straight, Cassandra. Ako ang asawa ni Victor. Oo, kinasal kayo noon. Pero tapos na kayo. Pinakasalan ka lang ng asawa ko dahil nagkahiwalay kami. Pero ngayon na kami na ulit? You can go back wherever hell you came from!” ani ko.
Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa, bago ako tumalikod at iniwan siyang hindi maipinta ang ekspresyon.
Narinig ko pa nga siyang tumili dahil sa frustration. Pinapabalik niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin pa.
Sinubukan na nilang sirain ang relasyon namin noon. Hindi ako papayag na gagawin din nila iyon ngayon.
Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Victor pagkalabas ko ng silid.
“What happened? Narinig kong nagwawala si Cassandra. Did she hurt you?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
I sighed. Tinitigan kong muli si Victor.
Hindi ko alam kung ano ba ang pinakain niya sa akin at ganito na lang kalaki ang pagmamahal ko sa kaniya.
“I’m okay. Siguro ay dapat siya ang i-check niyo.”
Tumingin si Victor kay Matthew. Sinenyasan niya ito. Agad naman itong kumilos at pumasok sa loob.
Iginiya na ako palayo sa unit ni Victor. Naglakad kami papunta sa elevator.
“Ano ang pinag-usapan niyo, Wife? Do you now believe me?”
Hindi ako umimik. Deretso lang ang tingin ko sa nakasarang pinto ng elevator. Kita ko mula sa repleksyon namin ang nag-aalalang mukha ni Victor. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Napatungo ito. Sa unang pagkakataon ay nakita kong sobrang lungkot ng isang Victor Benitez.
Kilala itong maawtoridad. Lalakeng ang isang salita ay parang batas. Lalakeng nasanay na tinitingala.
Kung iisipin ay napakaswerte ko na. Dahil nga ang lalakeng ito ay ako ang minamahal.
Madalas iniisip ng mga tao na piniperahan ko lang siya. Dahil sino nga ba ako? Hindi ako parte ng kanilang mundo.
Pero kung alam lang ng mga tao kung gaano ko kamahal ang tao na ito. Kung alam lang nila ang mga kaya kong isakripisyo para lang sa kaniya.
Bakit nga kung sino pa ang mga tunay na nagmamahalan ay sila pa ang pilit na pinaghihiwalay?
Pero wala na akong pakealam. Dahil hanggat alam ko at nararamdaman ko na mahal niya rin ako. Handa kong suongin ang lahat para lang makasama siya.
Kung kaya niyang magsakripisyo nang malaki para sa amin dalawa ay kaya ko rin.
I sighed. Humarap ako sa kaniya at niyakap siya sa baywang. Isinandig ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib at tahimik na pinakinggan ang tibok ng kaniyang puso.
Naramdaman ko na bahagyang kumislot si Victor. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Pero sa huli ay naramdaman ko rin ang pagyakap niya.
“Mahal kita, Victor. Ikaw ang asawa ko. Ikaw lang ang paniniwalaan ko,” ani ko.
Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Victor. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa may leeg ko.
“Thank you, Wife. I’m sorry I’ve hurt you so much. Sorry. Pangako ay babawi ako sa ‘yo, Mahal.”
Napangiti ako.
“Hindi na kailangan, Mahal. Iparamdam mo lang na ako ang mahal mo. Na ako ang pinipili mo. Masaya na ako. Maraming salamat at hindi ka nagsasawa na piliin ako.”
“I will always choose you over and over again, Wife.”
Nangilid ang mga luha ko. Ito… ito ang bagay na kahit kailan ay hindi nila maiaalis sa amin ni Victor.
Mahal namin ang isa’t isa. At ito ang importante.
Chapter 30
Naging tahimik ang buhay namin matapos iyon.
Pinatawad ko na si Victor. At pilit na kinakalimutan ang mga nangyari sa amin noon.
Ang importante ay magkasama na kami ngayon. Na masaya na kami.
Wala pa ring ideya ang iba sa company na mag-asawa na kaming dalawa ni Victor. Madalas ay ang alam nila secretary lang niya ako.
Kaya sa tuwing naglalambing ito ay kakaba-kaba ako.
Tahimik akong nag-aayos ng report mula sa huling meeting ni Victor. Pagkatapos nito ay gagawin ko pa ang schedule niya sa sunod na mga kailangan niyang gawin.
Nang biglang may sumulpot na bulaklak sa harapan ko. Napaatras pa ako sa gulat dahil nga tutok ako sa screen ng laptop.
Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Victor na malapad ang mga ngiti habang nakatingin sa akin. Napatingin ako agad sa paligid namin. Noong wala akong nakitang ibang tao ay mabilis kong kinuha ang bulaklak at inilapag sa kandungan ko.
“Victor! Kanina ka pa diyan? Bumaba ka ba? Hindi ko napansin,” kabadong sabi ko.
Tumango si Victor.
“Yep. Masyado kang busy kaya hindi mo na ako napansin. I brought you coffee and flowers.”
Inilapag niya ang isang cup ng mainit na kape sa lamesa ko.
Sandali akong nakaramdam ng kilig dahil sa sinabi niya. Pero bigla ring naging seryoso ang mukha ko.
“Ano ka ba? Paano kung may makapansin at makakita sa ‘yo?” nag-aalalang sabi ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Victor.
“I bought you flowers and coffee. Pero sila pa rin ang iniisip mo?”
Biglang hinawakan ni Victor ang umupan ko at ipinihit paharap sa kaniya. Pinatong nito ang mga kamay sa hand rest.
Namilog ang mga mata ko at napasiksik sa sandalan.
“A-Ano’ng ginagawa mo, Victor? Baka biglang may dumating!” kabadong sabi ko.
Victor smirked. Imbes na lumayo ay mas lumapit pa ito sa akin.
“Why would I care about them? You are my wife.”
Mas bumaba pa ang mukha niya hanggang sa nararamdaman ko na ang mainit niyang paghinga na humahampas sa pisngi ko.
“I can do everything I want. At wala silang magagawa roon.”
Napaawang ang bibig ko. Bago pa man ako makapagsalita ay lumapat na ang kaniyang labi sa akin.
Napakurap-kurap ako at sandaling nag-panic.
Hindi naman sa ayaw ko na hahalikan niya ako. Sadyang nag-aalala lang talaga ako na baka may makakita sa aming dalawa.
“Victor!”
Pilit ko siyang itinulak. Ito talagang lalakeng ito! Kahit saan na lang!
Natigilan ako noong marinig ko biglang tumunog ang elevator. Tanda na bumukas na iyon. Malapit lang ang lamesa ko sa elevator. Sinadya iyon para kita ko agad kung sino ang dadating na bisita ni Victor.
Nanlaki lalo ang mga mata ko at nag-panic na. Kaya binuhos ko lahat ng lakas ko para itulak si Victor. Nahampas ko pa ang dibdib nito. Kaya naman ay dere-deretso itong natumba paupo sa sahig.
Napanganga ako sa hitsura niya. Natumba kasi talaga ito at halata rin ang pagkalito sa mukha nito.
Pagtingin ko sa may elevator ay may palabas doon. Si Mike.
Napatayo ako agad.
“M-Mr. Castillo.”
“Bel—”
Natigilan si Mike noong mapansin sa sahig si Victor. Hindi pa rin ito tumatayo at puno pa rin ng pagtataka na nakatingin sa akin.
Napangiwi ako. Agad akong lumapit sa kaniya at inalalayan siyang tumayo.
“Mr. Benitez! OMG! Ano pong nangyari sa ‘yo?” pagkukunyari ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan lang ako ni Victor. Pero halata sa mukha nito ang pagkamangha… at inis.
“Sorry, Mr. Castillo. Medyo masama kasi ang pakiramdam ni Mr. Benitez ngayon. May kailangan ka ba?” tanong ko kay Mike. Hindi ko na pinansin si Victor dahil baka kung ano pa ang sabihin nito.
Nangunot lang ang noo ni Mike.
“Really… I… I just want to give this report. It’s a project proposal for our next project.”
“Really?”
Kinuha ko agad ang papel mula sa kamay ni Mike.
“Thank you. Iche-check namin ito ni Mr. Benitez.”
Tumango si Mike. Pinagpalit-palit niya pa ulit ang mga tingin sa amin.
“Okay. I’ll leave now.”
Tumalikod na ito at naglakad papasok ng elevator. Saka lang ako napanatag noong makita kong sarado na ang pintong ‘yon.
“Gosh! Next time—”
Bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko ay biglang na lamang akong napasandig sa pinto ng elevator. Ipininin ako roon ni Victor at hinatakang baywang palapit sa katawan niya.
“Victor! Ano ba?”
Naningkit ang mga mata niya.
“How dare you, Wife?” seryosong sabi niya.
Napalunok ako. Nagtatangis ang mga bagang nito ngunit hindi ko makita ang galit sa mga mata niya.
“Now you need to be punished.”
Bago pa man ako makapagprotesta ay bigla na lamang niya akong siniil ng halik.
Wala na akong nagawa pa noong hinila ako ni Victor papasok ng kaniyang opisina. Doon ay mas lumalim pa ang aming halik sa isa’t isa.
Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong tumigil. Pero parang may sariling isip ang katawan ko na umaayon lang sa kagustuhan ni Victor.
Hinayaan kong bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Ang mga kamay niya na parang minimemorya ang bawat kurba ng katawan ko.
Ilang buwan ko na siyang asawa pero hindi ko pa rin nasasanay ang katawan ko sa bawat haplos niya.
Napaungol ako noong maramdaman ko na ang kamay niya sa loob ng blusa ko. Doon pa lang ako parang natauhan.
Nagmulat ang mga mata ko at itinulak ko siya nang kaunti.
“V-Victor… bakta may pumasok,” ani ko.
Pero hindi ako pinansin ni Victor. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg ko at paghaplos sa kaniyang katawan.
“Victor!”
Umungot si Victor. Sandali niyang itinitigil ang ginagawa at tumingin sa akin.
“What? Itutulak mo na naman ba ako?” he asked.
Napangiwi ako sa tanong niya. Marahang akong umiling.
“Hindi. Kasi…”
“Ano?”
“Meron ako now.”

