Views

Second Chance With Mr. Billionaire (Chapters 16 - 20)

Ameiry Savar
0

 



Chapter 16

I stared at Victor, who was soundly sleeping beside me. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya. 

He looked so innocent while sleeping. 

Siguro nga katangahan na ito, o karupukan. Hindi ko na rin alam kung bakit kami biglang umabot sa puntong ito. 

Matapos naming magkausap ni Victor kagabi ay dinala niya ako sa hotel room kung saan siya pansamantalang nanunuluyan dito sa Singapore. 

Wala namang nangyari sa amin. Kahit na ramdam kong nagpipigil na lang si Victor. Ramdam ko ang labis na pagkasabik niya habang hinahalikan ako. Habang nakakulong ako sa mga bisig niya. 

Pakiramdam ko pa rin ay nananaginip ako. 

Kahapon lang ay walang ibang nasa isip ko kundi ang mag-move on. Pero ngayon ay heto ako sa kama niya  at hinihintay siyang magising. 

Napatili ako nang kaunti noong bigla ko na lang maramdamang pumulupot ang mga kamay niya sa baywang ko. Hinila rin ako ni Victor pahiga sa braso niya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. 

“Did you miss me that much kaya halos idikit mo na ang mga mata mo sa mukha ko?” pabirong tanong niya. 

Napalabi ako. Marahan kong hinampas ang dibdib niya. 

“Ang taas naman ng kompyansa mo sa sarili, Mr. Benitez.” 

Tumagilid siya kaya tuluyan akong nakulong sa mga bisig niya. Napangiti lang ako nang malapad at ipinikit ang mga mata. 

Ito ang na miss ko. Victor loves to cuddle me. Pagkatapos ay hahalikan niya ako sa noo. Na ginawa niya rin ngayon. I felt so protected. 

“You smell so good, Bel. I missed you so much.” 

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. 

“Ako rin. Pero sana hindi na iyon maulit, Victor. Hindi ko na ata kakayanin.” 

“I promise. It won’t happen again.” 

Muli niya akong pinuno ng mga halik sa mukha. Paunti-unti hanggang sa mapunta na sa labi ko. 

Agad ko naman siyang tinugon. Marahan niya akong hinalikan. Noong una ay mabagal lang. Hanggang sa halos hindi ko na siya masabayan dahil nagiging mapusok na rin iyon. Napapaungol na nga ako dahil maging ang dila niya ay sinusubukan nang pumasok sa loob ng bibig ko. 

Napadilat ako saglit. His eyes were still closed. 

Naramdaman ko na rin ang mga kamay niya na panay ang pagpisil sa likod ko. At dahil doon ay nakaramdam ako nang kaunting pag-iinit. Pero at the same time ay nag-panic na ako. 

Marahan kong pinalo ang dibdib niya at sinubukang umalis sa pagkakahalik niya sa akin. Pero tuluyan lang siyang pumatong sa akin kaya mas naramdaman ko na ang matigas na bagay sa may puson ko. 

Nanlaki ang mga mata ko. 

“Victor!” saway ko sa kaniya. 

Victor grunted. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko habang naghahabol ng paghinga. Kahit ako ay parang biglang nakipag-marathon sa bilis ng tibok ng puso ko. 

“A-Akala ko ba…” 

“Yes,” biglang sagot niya. “I’m sorry. I just miss you so much.” 

Napangiti ako nang kaunti. Noon kasi ay nangako siya sa akin na walang mangyayari sa amin hanggat hindi pa kami kinakasal. He wanted to show me how much he loves me. At hindi niyon nasusukat kung may nangyayari man sa amin o wala. 

“Let’s get married, Bel.” 

Nag-angat siya ng ulo. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya. 

“Marry me now.” 

Napaawang ang bibig ko. 

“N-Now? As is now?” 

Tumango siya. Naupo na rin siya at inalalayan akong maupo rin. 

“Let’s go back to the Philippines and marry there.” 

Nagmamadali itong bumaba at kinuha ang mga damit sa sahig. 

“Ha? Victor. Kumalma ka nga!” saway ko sa kaniya. 

“No, Bel. Hindi ako papayag na hindi pa tayo ulit makasal ngayon. I want to marry you now,” giit nito. 

Natawa ako sa hitsura niya. Para siyang batang hindi mapakali sa pagmamadali nitong magbihis. Noong makita niya akong nakaupo lang at tumatawa ay tumigil siya. 

“What are you doing? Put on your clothes now.” 

“Hindi pa ako pwedeng umalis, Victor. May trabaho pa ako.” 

“You don’t have to work there anymore, Bel. O h’wag mong sabihin na nagdadalawang-isip ka pa rin sa akin?” 

Biglang lumungkot ang mukha nito. 

Napailing ako. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Sinapo ko ang kaniyang pisngi. 

“Calm down, Victor. Yes. Gusto kong makasal sa ‘yo. Pero hindi naman natin kailangang madaliin ang lahat. Hayaan mo muna akong ayusin ang mga dapat kong ayusin dito sa Singapore. Then I’ll go back to the Philippines.” 

Napakurap-kurap si Victor. Umiling siya. “No. I want you to go home now.” 

“Hindi naman pwede ang gusto mo. May sarili naman akong buhay.” 

“Then I’ll stay. I’ll wait for you.” 

Binitawan ko siya. 

“Ano ka ba? Hindi na ako mawawala sa ‘yo.” 

“But–” 

“No more buts. Alam ko na busy ka. Mauna ka nang bumalik sa PInas. Susunod ako agad. I promise.” 

Napabuntonghininga si Victor. “Fine. You resign there and then come back to the Philippines. Then we get married. Okay?” 

Napangiti ako nang malapad. “Okay.” 


Chapter 17

“Sigurado ka na ba talaga, Belinda? Babalik ka na ng Pinas?” tanong ulit ni Cassy. 

Siguro ay hindi na lang makasampung beses niya tinanong sa akin ‘yan. 

Matapos kong maihatid ni Victor sa apartment namin ay agad akong naghanda papasok ng trabaho. 

Doon ay nagpasa ako agad ng resignation letter. 

Panay ang pangungulit sa akin ng mga katrabaho ko kung ano raw talaga ang relasyon ko kay Victor. Na search kasi nila na isa itong bilyonaryo sa Pinas. 

Iyong iba ay kinikilig sa amin. Iyong iba naman ay may halong inggit. Pero si Cassy? Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. 

Sumama siya sa akin pauwi para mag-ayos ng mga gamit ko. At magmula no’n ay hindi na niya ako tinigilan sa katatanong. 

“Oo, Cassy. Uuwi na ako.” 

“Pero gano’n talaga kadali? Ayos na kayong dalawa agad? Nakalimutan mo na agad ang mga panloloko niya sa ‘yo?” 

Napabuga ako ng hangin. Itinigil ko ang ginagawa ko at humarap sa kaniya. 

Nakatayo lamang siya sa gilid ng kama habang ako ay nakaupo. 

“Alam kong nag-aalala ka, Cassy. Pero… in-explain na niya sa akin ang lahat. Kasalanan ng mga magulang niya kung bakit kami nagkahiwalay. Pinalabas nila na nagloko ako kay Victor. At ako naman ay sinadya nilang lokohin para isipin ko rin na iniwan ako ni Victor. Plinano nila ang lahat para magkahiwalay kami,” paliwanag ko. 

Naupo sa tabi ko si Cassy. “At hindi ka pa ba natatakot doon? Kayang gawin ng mga Benitez ang lahat, Bel. Paano kung mas malala pa ang gawin nila sa sunod?” 

Matipid akong ngumiti. Hinawakan ko ang mga kamay niya. 

“I appreciate it, Cassy. Salamat. Pero mas pinipili kong magtiwala ngayon kay Victor. Alam ko na ngayon ay hindi na niya hahayaang magkalayo kaming dalawa.” 

Napabuntonghinina si Cassy. Hindi pa rin mawala-wala ang pag-aalala sa mukha niya. 

“Okay. Kung ‘yan talaga ang gusto mo at hindi na talaga kita mapipigilan. Ayaw ko lang naman na bumalik ka ulit sa dati, Bel. Nakita ko kung gaano ka nawasak dahil sa nangyari sa ‘yo three years ago kahit na malayo ako. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman mo noong magkasama na tayo. You deserve to be happy, Belinda. You’re too innocent and pure para  lang paulit-ulit na saktan ng isang Benitez.” 

Lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya. Niyakap ko si Cassy. 

“Salamat talaga, Cassy. Sa lahat  ng kaibigan ko ay ikaw ang pinakanag-aalala sa akin. At sobra akong nagpapasalamat sa Diyos na naging kaibigan kita.” 

“Syempre naman. Tandaan mo na pwede kang bumalik dito anytime, ha?” 

Kumalas na ako sa kaniya. 

“Oo.” 

Hinayaan na ako ni Cassy. Tinulungan pa niya akong mag-ayos ng mga gamit ko. Pagkatapos ko ay kumain muna kami sa labas bago pumunta sa airport. Flight ko na rin kasi mamayang gabi. Hindi kasi pumayag si Victor na ipagpapasabukas ko pa ang pag-alis. 

Hinatid ako ni Cassy sa  airport. Naging parte na rin ng buhay ko ang Singapore. Lalo na ang Brimwell City. Pero ang buhay ko ay nasa Pinas. 

Alam ko na maraming magugulat kapag malaman nilang kami na ulit ni Victor. Lalong-lalo na ang pamilya ko. Pero sigurado na ako. 

Si Victor talaga ang mahal ko. At alam ko ngayon ay matutupad na lahat ng mga pangarap namin. 


Chapter 18

Gabi na noong makarating ako ng Pinas. Hindi na ako nagpasundo pa kay Victor kahit na namimilit ito na sunduin ako. Kailangan ko pa kasi na pumunta sa amin dahil walang ideya sila Nanay  na uuwi ako.

Hindi ko pa nga alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga ito sa pagdating ko.

Pagbaba ko ng  tricycle ay nakita ko agad si Nanay na nagdidilig sa mga halaman nito. Nasa bakuran din ang dalawa kong kapatid at nagmumuni-muni.

Si Tatay lang ang hindi ko nakikita. Siguro ay kasama  na naman nito ang paborito nitong mga manok.

Agad na napatigil si Inay noong mapansin niya akong papasok ng gate.

“Belinda?” 

Tumingin ako kay Nanay at ngumiti. “‘Nay.”

Agad na naglapitan ang mga kapatid ko sa aking noong makita na rin nila ako.

“Ate Belinda!” 

Tuluyan akong pumasok sa loob ng bahay. Kinuha na nina Brian at Bernard ang dala kong maleta. Ikalawa si  Bernard  sa akin. Eighteen pa lang ito. Habang si Brian naman ay fifteen pa lang. Parehas silang nag-aaral pa at umaasa  pa sa akin.

“Belinda, anak. Bakit hindi mo naman sinabi na uuwi ka? Sana nakapaghanda ako ng pagkain. O kaya nasundo ka namin sa airport,” sabi ni Nanay. 

“Oo nga, ate. May mahiraman naman kaming sasakyan kung sakali,” segunda ni Bernard.

Matipid lang akong ngumiti sa kanila. 

“Biglaan lang kasi ang uwi ko, ‘Nay. Pinauwi lang ako ni Victor.” 

Bigang namayani ang katahimikan sa paligid.

Sila Bernard na abala sa pagbubukas ng maleta ko ay napatigil. Habang si Nanay ay napatitig sa akin.

“Victor? H’wag mong sabihing si…” 

Marahan akong tumango.

“Opo, ‘Nay. Nagkabalikan kami ni Victor.” 

Napasinghap si Nanay. “Ano, Belinda? Nahihibang ka na ba?” gulat na tanong ni Nanay. 

Agad na sinenyasan ni Bernard si Brian na lumabas. Binitawan ng mga ito ang hawak nilang chocolate at lumabas. 

Naiwan kami ni Nanay sa sala. Ako na nakatungo at handa na sa mga sermon ni Nanay. Habang si Nanay ay hindi maipinta ang mukha. 

“Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa ‘yo, anak? Sinira niya ang buhay mo! Hindi lang sa ‘yo kundi pati ng pamilya natin. Naging katawa-tawa tayo sa buong Salcedo dahil sa kanya!” 

Nakagat ko ang aking labi. Alam ko naman kung saan nanggagaling si Nanay. Pero mahal ko talaga si Victor. 

“Pero, ‘Nay. Mali tayo ng akala. Walang kasalanan si Victor. O kahit na sino sa amin. Totoong mahal ako ni Victor, ‘Nay,” giit ko.

“Mahal? Anak naman. Nakita mo naman kung ano ang idinulot sa ‘yo ng pagmamahal na ‘yan, ‘di ba?”

Tumayo si Nanay at lumipat sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

“Hindi sa pinipigilan kita sa gusto mong makasama. Pero, anak. Masyado nang maraming sakit na idinulot ang mga Benitez na ‘yan sa ‘yo.”

Pinilit kong ngumiti kay Nanay. Kahit naman ako ay nag-aalala rin. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Victor. Isa pa, malaki ang tiwala ko rito. 

“Alam ko na nag-aalala lang kayo, ‘Nay. Pero nakilala niyo naman po si Victor, ‘di ba? Nakita niyo naman kung gaano siya kaseryoso sa akin noon. Natatakot din ako, ‘Nay. Pero gusto ko pong bigyan ng ikalawang pagkakataon si Victor. At sana kayo rin.” 

Napabuga ng hangin si Nanay. Nakita ko pa rin sa mukha niya ang pag-aalinlangan. 

“Hindi ko alam,  Anak. Ayaw ko lang na makita kita sa dati mong sitwasyon. Ayaw kong makita kitang nahihirapan at nasasaktan ulit nang dahil sa kaniya. Hindi dahil sa mayaman sila ay may karapatan na silang saktan tayo. Mahal mo siya, Anak. Alam ko. Pero mahal ka rin namin ng tatay mo. At ayaw namin na mapunta ka ulit sa sitwasyon na halos kitilin mo na ang buhay mo.” 

Nangilid ang mga luha ko. Nakita kasi nila Nanay kung paano ako nahirapan noon. 

“Salamat, ‘Nay. Last na ito. Promise. Kapag sirain ulit ni Victor ang tiwala ko sa kaniya ay ako na mismo ang puputol sa koneksyon namin.” 

Muling bumuga ng hangin si Nanay. Tinapik niya ang balikat. 

“Sige. Ikaw ang bahala. Pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Tatay mo rito, Anak. Alam mo naman iyon.” 

Bahagya akong napangiwi. Oo nga pala. 

Halos sumpain na ni Tatay si Victor noon. 

Paano kaya ang gagawin ko ngayon? 


Chapter 19

Nakatungo lang ako habang naghihintay sa sasabihin ni tatay. 

Kanin pa ito dumating galing sa sabungan. Nagulat ito noong makita akong nasa  bahay na. Pero mas nagulat ito noong magsabi na si Nanay sa rason kung bakit ako umuwi. 

Nasa sala pa rin kami.  Ako ay mag-isang nakaupo sa kanan. Habang sila Tatay ay nasa kaliwa naman. Ang mga kapatid ko ay kasalukuyang nasa kani-kanilang kwarto at ini-enjoy ang pasalubong ko sa kanila. 

“Ewan ko ba rito sa anak mo, Arnaldo. Hindi naman ako nagkulang sa pagsabi sa kaniya. Kaso…” ani Nanay makalipas ang ilang sandali. 

Lalo akong napatungo. Kung pwede lang  ay umalis na lang ako sa harapan nila.  Ngunit alam ko  na mas ikagagalit lang iyon nila. 

Tumikhim si Tatay. Naramdaman ko agad ang seryoso niyang mga tingin. 

“Totoo ba itong sinasabi ng nanay  mo, Belinda? Umuwi ka dahil nagkabalikan na kayo ni Victor?” tanong ni Tatay. Bawat salita niya ay ramdam ko ang bigat. 

Napalunok ako at marahang tumango. 

“O-Opo, ‘Tay.” 

Huminga nang malalim si Tatay. 

“Alam mo naman ang pinasok mo, ‘di ba?” 

Napaangat ako ng ulo. Nakatitig pa rin si Tatay sa akin. Hindi ko ma-explain ang kaniyang ekspresyon. Pero nangibabaw roon ang pag-aalala. 

“Opo, ‘Tay. N-Nasaktan ako ni Victor noon, oo. Pero hindi niya po sinasadya, ‘Tay. Mahal namin ni Victor ang isa’t isa.” 

Nag-iwas ng tingin si Tatay. Hindi man ito magsalita nang marami, ramdam ko ang pag-aalala niya. Kita ko ang pag-aalinlangan niya. Bilang ama, alam ko na mahirap para sa kaniya iyon. 

Hindi lang ako ang nabigo noong iwan ako ni Victor sa altar. At alam ko na hindi lang ako ngayon ang sinusubukang ibalik ang tiwala sa kaniya. 

“Nasaan ba siya?” tanong ni Tatay. “Akala ko ba ay umalis na siya rito sa Salcedo?” 

“Bumalik po siya rito, ‘Tay. Siya na ang may hawak sa dati kong pinagtatrabahuan.” 

“Sige. Kung iyan talaga ang gusto mo. Hindi ka namin pipigilan.” 

Natigilan ako sa sinabi ni Tatay. Maging si Nanay ay hindi makapaniwala sa sinabi nito. 

“Arnaldo. Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” tanong ni Nanay. 

Malungkot na bumuga ng hangin si Tatay. 

“Kung iyon talaga ang kagustuhan ng anak mo, Adelina. Wala na tayong magagawa pa roon. Hindi natin siya pwedeng pigilan. Nakalimutan mo na ba na labis din ang pagtanggi  ng mga magulang ko sa atin? Pero pinaglaban kita.” 

Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Nanay. 

“A-Alam ko. Pero… iba naman kasi ang mga magulang mo sa mga Benitez. Alam mo naman kung anong klaseng mga tao sila. Kung ito nga ay nagawa nila sa anak natin. Paano kung talagang ipilit  nilang magkahiwalay silang dalawa?” 

Naging seryoso ang mukha ni Tatay. 

“Kaya kailangan kong makausap si Victor. Kailangan kong malaman kung hanggang saan ba ang pagmamahal niya sa anak natin. Kung dapat bang ipagkatiwala ko sa kaniya ang unica hija ko,” determinadong sabi ni Tatay. 

Bigla akong napalunok. Alam ko naman na may galang si Victor sa mga magulang ko kahit na mas mayaman ang pamilya nila. Pero hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Tatay. 

Kaso ito lang ang paraan para matanggap niya kaming muli. 

At malaki ang tiwala ko sa kaniya. 

Noong araw din na iyon ay dumating sa bahay si Victor. 

Napakarami nitong dalang pagkain at mga regalo para sa pamilya ko. Nahiya na nga iyong dala kong isang maleta na regalo para sa mga kapatid ko. 

May dala pa itong mamahaling bag at relo para kina Nanay at Tatay. 

Pero lahat nang iyon ay tiningnan lang ni Tatay. Ni hindi manlang ito kumilos kagaya ng mga kapatid ko at excited sa mga dala ni Victor. Habang si Nanay naman ay tahimik na sinusuri ang bag na bigay ni Victor. 

“Para namang sobra-sobra ang dinala mo, Victor. Nakakahiya naman,” bulong ko sa kaniya. 

“It’s okay, Bel. I’ll give everything for you and your family.” 

Pinilit ko na lang na ngumiti sa kaniya. Kahit kasi mayaman si Victor ay hindi ko talaga gusto na ginagastusan niya kami masyado. 

Nakakahiya. 

Iniisip na nga nila na gold digger ako.

Tumikhim si Tatay. 

“Sinusubukan mo bang bilhin ang anak ko sa amin? Sa tingin mo ba ay mai-engganyo kami sa mga regalo mong ito?” tanong ni Tatay. 

Agad na binitawan ni Nanay ang hawak niya. Bigla ay naging matigas ang ekspresyon nito. 

“Oo nga! Akala mo ba nakalimutan na namin ang ginawa mo kay Belinda?” segunda niya. 

Natigilan namana ng mga kapatid ko. Isa-isa nilang binitawan ang hawak nilang gadgets. 

Tumikhim si Victor. “No, Sir. Regalo ko lang po ito sa inyo. Tanda ng pagmamahal ko kay Belinda.” 

Natawa si Tatay. “Hindi. Suhol ito, Victor. At kung sa tingin mo ay makukuha mo kami sa yaman mo ay nagkakamali ka. Labis-labis ang ginawa mo sa anak ko. Sinira mo ang puri niya.” 

Bigla akong nag-alala. Kanila lang kasi ay maayos naman ang pag-uusap namin ni Tatay. Pero ngayon ay tila ba itinatanggi niya si Victor. 

“‘Tay,” nagtatakang tawag ko sa kaniya. 

Hindi ako pinansin ni Tatay. Seryoso lang siyang tumitig kay Victor. 

Si Victor naman ay hindi natinag. Bagkus ay mas naging determinado pa ang mukha nito. 

“I know what I did, Sir. At sobra ko iyong pinagsisisihan. Hindi ko nagawang ipagtanggol si Belinda noon. Pero… kung papayag lang kayo. Kung bibigyan niyo ulit ako ng chance. Ipinapangako ko na hinding-hindi ko na ulit sasaktan pa si Belinda. Mamahalin ko siya ng buo at totoo. I’ll give my life to her. I’ll devote for her. I’ll workship her.” 

Tumingin sa akin Victor. Kitang-kita ko ang sensiridad sa mga mata niya. Nangungusap iyon na at puno ng pagmamahal. Something that I missed. 

Nangilid ang mga luha ko. 

“I’ll love her with all my life.” Muli siyang tumingin kay Tatay. “If you will only allow it, Sir. Please.” 

Tumingin ako ng puno nang pag-asa kay Tatay. Medyo lumambot ang kaniyang ekspresyon. 

“Sige. Papayag ako. Sa isang kondisyon.” 

Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Tatay. 

“‘Tay. Ano po iyon?” 

Hindi manlang ako tiningnan ni Tatay. Deretso siyang tumitig kay Victor. 

“Pakakasalan mo ngayon din ang anak ko.” 

Namilog ang mga mata ko at bahagyang napaawang ang bibig. 

“‘Tay, naman. M-Masyado naman po atang mabilis iyon.” 

“Oo nga, Arnaldo. Hindi ba nabibigla ka lang? Hindi pa tayo sigurado sa kaniya,” ani naman ni Nanay. 

“Hindi. Kung talagang mahal niya ang anak ko ay pakakasalanan niya ito ngayon mismo.” 

Napatingin ako kay Victor. Lalo akong kinabahan noong makita kong naging seryoso ang ekspresyon niya. Ngunit ilang sandali lang ay sumilay ang malapad na ngiti nito. 

“That’s my plan, Sir. Thank you for giving us your blessing.” 


Chapter 20

Napakabilis nang pangyayari. 

Kanina lamang ay nasa bahay kami. Na parang nasa hot seat kaming dalawa ni Victor habang kaharap si Tatay. Pero ngayon ay narito na kami sa munisipyo at naghihintay sa pagtawag sa amin ng mayor para ikasal kami ni Victor. 

Nagpalit lang ako ng simpleng white dress. Habang sila Nanay ay nagsuot din ng maayos na damit. Si Victor ay nasa loob ng opisina ng mayor at kinakausap iyon. 

Oo, ito ang gusto ko. Ang sa wakas ay makaisang dibdib ko ang lalakeng pinakamamahal ko. Pero pakiramdam ko ngayon ay para akong naduwag. Para kasing napakabilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko manlang magawang huminga kahit saglit. 

“‘Tay, sigurado ka na ba talaga sa gusto mo? Talaga bang pumapayag na kayo na makasal kami ni Victor?” tanong ko ulit kay Tatay. Katabi ko siya sa bench. Si Nanay naman ay nasa kaliwa ko. 

Tumikhim si Tatay. “Bakit? Ayaw mo na bang magpakasal sa kaniya? Hindi ba ito ang gusto mo?” balik-tanong ni Tatay. 

Natahimik ako. “H-Hindi naman po sa gano’n, ‘Tay. Kaso…” 

“Kung nagdadalawang-isip ka, Belinda Jimenez. Pwede na tayong umuwi ngayon din.” 

“‘Tay naman.” 

Napalabi na ako. Hindi naman iyon ang gusto ko. Ang gusto ko ay makasiguro lang din. Nanahimik na lang ako dahil alam ko na hihilain talaga ako ni Tatay pauwi kapag magtanong pa ako. 

“Hayaan mo na ang tatay mo, Belinda. At hindi ba, dito rin naman kayo papunta ni Victor?” sabi naman ni Nanay. 

Napabuga ako ng hangin. Tumango na lamang ako at hindi na nagreklamo pa. 

Ilang sandali pa ay lumabas na si Matthew. Tinawag niya kami para papasukin na sa loob. 

Naroon si Victor at prenteng nakaupo sa tapat ng lamesa ng mayor. Nasa harapan niya si Mayor Navarro, ang magkakasal sa amin. Tumayo ito agad noong makita kami. 

“Pasok kayo,” nakangiting sabi nito. Tumingin siya sa akin. “Ikaw ba ang papasakalan ni Mr. Benitez?” 

Marahan akong tumango. “Opo.” 

“Naku! Hindi na ako nagtataka pa kung bakit gustong madaliin ni Victor ang kasal! Napakagandang dalaga mo naman pala,” papuri niya sa akin. 

Nakaramdam ako agad nang pag-iinit ng mga pisngi ko. Pero naputol ang kilig ko noong tumikhim si Victor. 

“Should we start the ceremony, Mayor? Mukhang nakakalimot ka na ako ang groom niya.” 

Tumayo pa si Victor at lumapit sa amin. 

Natawa si Mayor Navarro. “Of course. Let’s get you two married.” 

Muli itong pumwesto sa lamesa nito. Iginiya naman ako ni Victor palapit doon. 

“Are you ready to be my wife?” bulong niya sa akin. 

Lalong naghurmintiryo ang puso ko. Marahan akong tumango. 

“Yes. I’m ready.” 

Sandali niya akong binitawan at humarap sa mga magulang ko. Nagulat na lang ako noong bigla siyang nag-bow sa mga ito. 

“Mr. and Mrs. Jimenez. Thank you so much for trusting your daughter with me. I promise that I will cherish, protect, and love her with all my heart.” 

Doon na  ako napanatag. Matindi man ang nangyari sa amin noon ay hindi ko maitatanggi na genuine si Victor. Malaki ang respeto niya sa magulang ko kahit na mas mayaman ito sa amin. Ni minsan ay hindi nito sila pinakitaan ng hindi magandang pagtrato. 

Hindi umimik si Tatay. Tumingin lang siya  kay Victor. Pero si Nanay ay nangilid na ang mga luha. Nag-iwas ito ng tingin. 

“Basta, ang gusto lang namin ay maging masaya at  maayos ang anak namin. Kaya sana ay maging totoo ka,” ani Nanay. 

Tinapik naman ni Tatay ang balikat ni Victor. 

“Sige na.” 

Umayos ng tayo si Victor. Niyakap niya si Nanay. Nakipagkamay naman kay Tatay. Pagkatapos ay muli siyang lumapit sa akin at inilahad ang kamay. 

“Let’s get married?” 

Matamis akong ngumiti sa akin. Inabot ko ang kaniyang kamay.

“Let’s go.” 

Matapos ang amin kasal ay dumeretso kami sa bahay. 

Doon ay nagpadala ng mga pagkain si Victor. Wala kaming ideya na may catering na pala sa bakuran namin. 

Walang anunsyo. Pero nagsalo-salo kami 

Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko habang katabi ko si Victor sa upuan. Kaharap niya si Tatay at nagtatagay sila. 

“Dahan-dahan lang, Victor. Hindi ka sanay diyan,” paalala ko sa kaniya. 

Mumurahin na beer kasi ang iniinom nilang dalawa. Iyong may tatak ng pulang kabayo. 

Gaing sa alta si Victor, at halos lahat ng mga iniinom nito ay puros hard at branded. Kaya naman ay namumula na agad ang mukha nito. Halatang-halata iyon dahil nga mestizo si Victor.

“I’m fine, Wife. Ano na lang ang sasabihin ni Tatay kung hindi ko siya kayang sabayang dito?” 

“Oo nga, Anak. Doon ka muna. Hayaan mo muna akong makausap itong asawa mo.” 

Napangiwi ako. Hindi ko na lamang kinontra si Tatay. Nagpaalam ako kay Victor at pinaalalahanan siya na h’wag sumobra. 

Tumayo ako at lumipat ng lamesa kung nasaan sila Nanay at ang mga kapatid ko. Pero hindi pa ako nakakapwesto ay narinig ko na ang boses ni Andrea sa may gate. 

“Bel!” sigaw ni Andrea. 

Agad itong tumakbo palapit sa akin. Tumayo ako ulit. 

“Andrea—” 

Yumakap sa akin si Andrea. 

“Nagtatampo na ako e! Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka? Tapos hindi mo rin sinabi na ikakasal ka! Agad-agad? Hindi mo manlang ako in-inform na–” 

Napatigil ito noong mapatingin kay Victor. Ngumiwi siya at agad na tumalikod dito.

“Totoo ba talaga ‘to? Hindi ako nananaginip?” tanong niya pa. 

Natawa na lang ako sa reaksyon niya. 

“Oo nga. Halika na para kumain ka.” 

Napalabi si Andrea. Tumingin siya kay Nanay. 

“Pinayagan niyo siya, ‘Nay?” 

“Ano pa nga ba ang magagawa namin? Mahal niya raw,” tugon ni Nanay.

“Ikaw talaga, Belinda. Ayusin mo lang, ha? Sana worth it ito,” pabulong na sabi niya. 

Napangiti ako. Kita ko ang pag-aalala ng kaibigan ko. Inakbayan ko siya. 

“Yes, Andeng. Kaya halika na. At alam kong gutom ka na.” 

Iniikot nito ang mga mata. 

“Sige na nga. Buti na lang gwapo si Sir. At least pogi at mayaman. H’wag ka na ang papayag na mag–prenup kayo para naman may parte ka sa yaman nila.” 

Marahan kong nahampas ang balikat niya. “Ikaw talaga! Marinig ka pa e!” 

Humagikhik si Andrea. Naupo na kami sa lamesa. 

Masyadong mabiis ang mga pangyayari. Pero alam ko sa puso ko na ito ang gusto ko. At dito ako masaya. 

Ang maging asawa ni Victor Benitez.


Chapters 21 to 25


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !