Views

Second Chance With Mr. Billionaire (Chapters 31 - 35)

Ameiry Savar
0

 



Chapter 31

Hindi ata nagustuhan ni Victor ang huli kong sinabi. Hindi na kasi niya ako pinansin matapos iyon. Kahit noong makauwi na kami ay halos hindi pa rin niya ako imikin. 

Hindi ko na lang din siya kinulit. Natatakot kasi ako sa hitsura niya. 

Pagkatapos kong magluto ng hapunan namin ay tinawag ko na si Victor. Nasa loob siya ng kwarto, nakaupo sa kama at may binabasang papel. 

“Victor… kain na muna tayo,”  tawag ko sa kaniya. 

Hindi siya sumagot. Ni hindi nga siya lumingon sa akin. 

Napabuga ako ng hangin. Lumapit ako sa kama at kinuha bigla ang binabasa niya. 

Agad siyang napatingin sa akin na nakakunot ang noo. Ngumiti lang ako sa kaniya. 

“Galit ka ba sa akin?” 

Napakurap siya. Nag-iwas siya ng tingin at parang batang napalabi. 

“I’m not.” 

Lalo akong napangiti. 

“Sus! Talaga?” 

“Tsk! Hindi nga!” 

Umakyat ako sa kama at biglang pumatong sa kandungan niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko at bigla akong nahawakan sa may baywang. 

“What are you doing?” 

Mapanudyo na ngitian ko siya. “Galit ka nga?” 

“No.” 

Sinapo ko ang mukha niya at hinalikan sa labi. Nakita ko na para bang may kung anong nabuhay sa mga mata niya. 

“H’wag ka na magalit.” 

Hinalikan ko siya ulit. 

Gumalaw ang adams apple niya sa lalamunan. Bigla ring bumigat ang paghinga. 

“Stop it, Wife. You’re making it hard for me.” 

Natawa ako sa sinabi niya. “Talaga? Bakit naman?” 

Napatili na lang ako noong bigla niya akong pinahiga at pinatungan bigla. 

“You know that I can’t control myself pagdating sa ‘yo, Wife. You are being naughty now. Don’t you know it?” ani niya. 

Lalo akong napatawa. 

“E kasi parang binibiro ka lang, galit ka na agad!”

Nagsalubong ang mga kilay niya. 

“What do you mean?” 

Sinapo kong muli ang mukha niya. 

“I’m not in my period now.” 

Sandali siyang natigilan. Pagkatapos ay biglang nag-alab ang kaniyang mga mata.  

“You… You’ll regret playing with me.” 

“Huh?” 

Bago pa ulit ako makapagsalita ay bigla niyang hinalikan sa labi. 

This time, hindi ko na siya pinigilan pa. Hinayaan ko na siyang halikan ako at gawin sa akin ang kanina pa niya gustong gawin. 

Halos hindi na ako makatayo pagkatapos namin. Kung hindi nga lang ako nagreklamo na masakit na ay hindi pa ata ako titigilan ni Victor. 

Talagang pinarusahan niya ako! 

Grabe ito! 

Kaya habang kumakain kami ay ako naman ang masama ang mga tingin sa kaniya. 

Ibang-iba na ang hitsura nito. Maaliwalas na ang mukha na para bang naka-jackpot ito. Naririnig ko pang humihimig siya habang ngumunguya ng pagkain. 

Napailing ako. 

“Ang saya mo naman, ah?” tanong ko. 

Tumingin siya sa akin. “Well…” 

Inirapan ko siya. “Grabe ka.” 

Tumawa siya. “That’s what you get for playing me. May round two pa tayo mamaya.” 

Napanganga ako sa sinabi niya. 

“At talagang iisa ka pa ulit? No! Masakit na kaya!” protesta ko. 

“It’s your fault for being sexy. For making me go crazy to you.” 

Natigilan ako sa sinabi niya. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. 

“E-Edi wow,” bulong ko. 

“So, eat well, wife. You’ll be very tired tonight.”

Hindi na lang ako umimik. Nahihiya man, pero kasalanan ko rin. At isa pa… gusto ko rin. 

Kagaya ng sabi ni Victor ay pagod na pagod ako kinabukasan. Halos hindi na nga ako bumangon at mas gusto ko na lang na matulog. 

Napansin ata iyon ni Victor dahil hinayaan niya akong lumiban muna sa trabaho. 

Siya na raw ang bahala para makapagpahinga ako. 

Tingnan mo ang loko. Matapos akong parusahan buong gabi ay bigla na namang magiging ganito. 

He was a moster in bed. But gentle to me after. 

Kaya naman ay hinayaan ko ang sarili ko na makatulog pa ng ilang oras matapos makaalis ni Victor. 

Hindi ako lumabas ng kwarto hanggang sa makaramdam na ako ng gutom. Tanghali na tapos hindi pa nga pala ako nag-aalmusal. 

Pinilit ko nang tumayo mula sa pagkakahiga ko. 

Masakit pa rin ang katawan ko. Lalo na ang balakang ko. Pero hindi ko na iniinda ang kirot sa pagkababae ko. 

Hindi ko na ulit bibiruin si Victor. Baka sa sunod ay hindi na ako makalakad. 

Kakaiba talaga ang asawa ko. 

Pagkababa ko ay napangiti ako. Mayroon kasing pagkain sa lamesa. Nakatakip iyon. May kape pa nga na nakalagay sa insulated cup. Alam siguro nito na hindi ko agad iyon maiinom. 

Alam ko na si Victor ang naghanda niyon. 

Naupo na ako at nilantakan ang niluto niyang hotdog at tocino. May tinapay din doon. Napapangiti ako habang humihigop sa mainit na kape. 

Paubos na ang pagkain ko noong marinig kong may nag-doorbell sa pinto. Wala akong hinihintay na bisita. Pero naisip ko na baka may pinadala si Victor. 

Kaya masaya pa ako noong tumayo at naglakad papunta sa pinto. 

Ngunit pagbukas ko ay awtomatikong nawala ang mga ngiti ko noong makita ko kung sino iyon. 

Nakataas ang kilay nito habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

“Seems like you’re enjoying yourself playing my son’s wife, huh?” 

Napalunok ako. 

“M-Mrs. Benitez.” 

Chapter 32

Halos hindi ako makagalaw sa sofa habang hinihintay siya na magsalita. 

Si Donya Juana Benitez. Ang ina ni Victor. Ito ang number one na tumututol sa aming dalawa ni Victor. 

Isa itong istrikto, metikuloso, at gusto laging perpekto ang lahat. 

Walang sino man ang nagtatangka na magkamali sa harap niya. Dahil hindi  ito nagdadalawang-isip na saktan o sabihan nang masasama ang kung sino mang magkamali sa harap nito. Ayaw na ayaw nito sa mga maling bagay. 

Kagaya ko. Para sa kaniya ay isa akong malaking pagkakamali sa buhay ni Victor. Hindi nito ako gusto dahil galing ako sa mahirap na pamilya. Iniisip niya na minanipula ko ang anak niya at piniperahan lamang ito. 

“So, it’s true? Nagpakasal na nga talaga kayo ni Victor,” ani Donya Juana. 

Napalunok ako. Marahan akong tumango. 

“O-Opo.” 

Natawa si Donya Juana. 

“At iniisip mo talaga na hahayaan ko lang na mangyari iyon? HIndi ka pa ba nadala, Belinda? Talaga bang ipinipilit mong pumasok sa pamilya namin?” 

Nag-angat ako ng ulo. 

“M-Mahal ko po ang anak mo, Donya Juana. Totoo–” 

“Shut up! I didn’t ask if you love my son. Your love is not important to us. Isa ka lang langaw na nagpupumilit na dumapo sa bagay hindi mo naman dapat dapuan!” 

Natahimik ako at muling napatungo. Nangilid na muli ang mga luha ko. 

“This will be the last time na sasabihin ko ito sa ‘yo, Belinda. Annul your marriage with my son. Or you and your family will suffer.” 

Napaawang ang bibig ko. Muli akong tumingin sa kaniya. 

“M-Mrs. Benitez, please. Mahal ko po ang anak mo. Nagmamahalan kaming dalawa. Please—” 

Bigla siyang tumayo at sinampal ako sa kaliwang pisngi. 

Halos umikot pa ang paningin ko dahil sa lakas ng pagkakasampal nito. Pakiramdam ko nga ay nasugat pa ang gilid ng labi ko. 

“I told you to stop dreaming! Hindi ka nararapat sa anak ko. At hinding-hindi ka namin tatanggapin. Victor is the next heir to our wealth. At hindi ang kagaya mo lang ang magiging asawa niya. Kaya kung ayaw mo na may mas matindi pa ang mangyari. Leave him now!” banta niya. 

Napaiyak na ako. Ano ba ang ginawa kong pagkakamali? Bakit ganito na lang ang niya ako ayawan? Mahal naman namin ni Victor ang isa’t isa. Totoo ang pag-ibig ko sa kaniya. 

Hindi pa ba sapat iyon? 

“Here.” 

Bigla niyang ibinato sa akin ang isang maliit na papel. 

“Ten million pesos. You can withdraw it anytime. Annul your marriage with my son and leave the Philippines. Stay away from his life or I will make sure that you will suffer until the very end!” 

Iyon lamang at naglakad na siya palabas ng bahay. 

Naiwan ako sa sala na sapo-sapo  ang aking pisngi. Napahagulhol ako. 

Mahal ko si Victor. At may tiwala ako na ganoon din siya sa akin. Ilang beses na niya iyong pinatunayan sa akin. 

Pero bakit ganito? Bakit kahit na ano ang gawin naming patunay ay hindi pa rin nila ako matanggap? 

Dahil sa mahirap lang ako? Pinipilit ko naman na umahon sa buhay e. Ngayon ay masasabi ko na komportable na ang buhay ng pamilya ko. Pinagtulungan namin iyon ni Tatay. 

Kaya ang sakit isipin na para bang wala akong karapatang magmahal dahil lang sa estado ko sa buhay. 

Kinuha ko ang checke na ibinato sa akin ni Donya Juana kanina. Tinitigan ko iyon. Hanggang sa unti-unting kinusot iyon. 

Walang presyo ang pagmamahal ko kay Victor. At hinding-hindi iyon mababayaran ng kahit na ano pang kayamanan. 

Gabi noong dumating si Victor. 

Pilit kong pinasigla ang sarili ko sa harap niya. Pilit ko rin na kinalumutan ang nangyari kanina. 

Pansin ko rin na tila ba inoobserbahan maigi ni Victor ang bawat kilos ko. 

“Are you okay? May nangyari ba kanina noong wala ako?” tanong niya. 

Tumigil ako sa pagnguya at tumingin sa kaniya. 

“Kanina? Wala naman.” 

Bahagyang kumunot ang noo niya na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. 

“Really? Ano ang nangyari sa pisngi mo? Bakit parang namumula?” 

Sinapo ko iyon agad. 

“A-Ahh… ito? Kanina kasi pagtayo ko ay natumba ako. Ito iyong humampas sa sahig. Akala ko kasi kaya ko na tumayo kanina.” 

Lalong kumunot ang noo niya. 

“Seriously?” 

Kabado na tumawa ako. “Oo nga! Ikaw naman kasi! Kulang na lang paduguin mo na iyong ano ko,” biro ko. 

Tila naman ay hindi pa rin iyon mapaniwalaan ni Victor. Pero bumuntonghininga na lamang ito. 

“Okay. Wala bang pumunta rito kanina?” 

Kunyari ay nagtatakang tiningnan ko siya. Nangunot pa ang noo ko. 

“Bakit? May hinihintay ka bang bisita?” 

Matagal bago sumagot si Victor. He sighed again saka umiling. 

“Wala naman. Bukas ay may pupuntahan tayo. You don’t have to go to office tomorrow.” 

“Saan naman?” 

“My parents came home. Ipapakilala na kita sa kanila bilang asawa ko.” 

Napalunok ako sa huli niyang sinabi. 

Ayaw nga nila sa akin. Tapos ipapakilala niya pa ako. Ano na lang ang mangyayari bukas?


Chapter 33

Pigil na pigil ang paghinga ko habang nagbabyahe kami papunta sa mansyon ng mga Benitez. 

Ito ang unang beses na makakatungtong ulit ako roon makalipas ang apat na taon. Unang beses, pero alam ko na maaari ko iyong pagsisihan. 

Kahit kasi anong pagpapalakas ng loob ko ay hindi ko pa rin maiwasang matakot. Alam ko naman na ipagtatanggol ako ni Victor. Pero sigurado ako na mahihirapan siya. Lalo na at sa harap pa ng pamilya nito. 

‘You will suffer more. You and your family!’

Muling umalingawngaw sa isipan ko ang tinig ni Donya Juana. 

Ayaw ko iyong pansinin. Pero dahil sa salita niyang iyon ay medyo nag-alala ako. 

Hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang masunod ang gusto niya? Para lang mapaghiwalay kaming dalawa? 

“Are you okay, Wife?” 

Muli akong bumalik sa reyalidad noong marinig ko ang boses ni Victor. 

Nasa tabi ko siya sa likod ng  limousine. Looking so majestic with his tuxedo and clean cut hair. Habang ako ay nakasuot naman ng simpleng gold dress na binili niya  para sa akin. Nakalugay lang din ang buhok ko at nag-apply ako ng kaunting make-up. 

Sa sitwasyon na ito ay hindi ko kayang mag-ayos nang sobra. 

Hindi ito ang una kong beses na makakaharap ang mga Benitez. Pero wala pa ring pinagbago sa pakiramdam. 

Marahan akong tumango. 

“Yes,” tugon ko. Saka muling bumalik sa labas ng bintana. 

Napakislot pa ako noong maramdaman ko na sinakop ni Victor ang palad ko gamit ang palad niya. 

“You’re trembling.” 

Agad kong binawi ang kamay ko at pinagsaklob ang mga palad ko. Pinilit kong ngumiti sa kaniya. 

“M-Medyo malamig kasi ‘yong aircon. Pwede kayang pahinaan?” 

Tinitigan lang ako ni Victor. Kita ko ang labis na pag-aalala sa mga mata niya. 

“We can go back kung hindi ka handa, Wife.” 

Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ko kung gaano ito pinaghandaan ni Victor. He was always proud sa tuwing pinapakilala niya ako sa mga kamag-anak niya. Hindi ko nga siya maunawaan. HIndi naman nila ako kapantay. 

“I’m fine. We go there.” 

Muling bumuga ng hangin si Victor. Kinuha niya ang kamay ko and intertwined his fingers to mine. 

“I know. I understand, Bel. Matapos ang mga nangyari sa amin. Maiintindihan ko kung hindi ka magiging handa para harapin sila. Kaya pwede tayong h’wag tumuloy. You don’t have to think about me.” 

“Ano ka ba, Mahal? I’m okay. Pamilya mo iyon. Kaya kung kailangan ko silang harapin, I will do it. Dahil ginawa mo rin naman sa akin.” Huminga ako nang malalim. “As long as you will stay by my side and protect me. I’ll be fine.” 

Doon pa lang parang nabuhayan si Victor. 

“Of course, Love. I will protect you. Handa ko silang iwanan kung hindi ka pa rin nila tatanggapin. You are my wife. My love. At kung hindi nila matanggap iyon, I won’t hesitate  to back down to them.” 

Nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi ko naman gusto na pumili si Victor sa amin ng pamilya niya. Pero heto na ang nangyayari. 

“Then… We’ll be okay. I’m okay.” 

I smiled at him. I still saw the hesitation on his eyes. Pero tumango siya at hinalikan ang likod ng palad ko. 

“Okay.” 

Muli kaming natahimik.

Ako, pilit kong pinakalma ang sarili ko. Kahit papaano ay nakatulong ang pagkapit sa mga kamay ko ni Victor para matigil ang panginginig niyon. 

Wala akong ideya na nanginginig na nga ako kakaisip sa maaaring mangyari ngayong gabi. 

Ilang  sandali pa ay natanaw ko na ang malaking gate ng mga Benitez. The same gate that I went and begged every day noong magkahiwalay kami ni Victor. 

The same place  kung saan ay umasa ako na makita kong muli ang minamahal ko. 

At ngayon ay narito ako ulit upang umasa na ang pamilya naman niya ang tatanggap sa akin. 

Pumasok na ang sasakyan namin sa gate. Nasa driveway pa lang kami pero rinig ko na ang kasiyahan sa loob ng mansyon. Hindi lang pala basta pagbisita ang pagpunta namin dito. A-attend na rin kami ng party. 

Lalo akong kinabahan. Ano ba itong pinasok ko? Sigurado ba talaga ako rito? I should relax. 

Tumigil ang kotse sa tapat ng entrance ng mansyon. Doon ay may mga nakaabang na valet. May ilan ding mga katulong na nakahilera. 

Naramdaman kong pinisil ni Victor ang palad ko. 

“Are you ready?” 

Huminga ako nang malalim. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. 

“I am ready.” 

“Okay. Let’s go.” 

Tumango ako. 

“Let’s go.” 


Chapter 34

Pagpasok pa lang namin ng mansyon ay kitang-kita na ang karangyaan ng mga Benitez. Everything screams old money. Hindi talaga maitatanggi na nagmula sila sa mayamang pamilya. 

Ngunit ibang-iba na iyon mula noong huli kong na aalala. Ngayon ay moderno na ang desenyo. At kung dati ay bulaklakin ang tema, ngayon ay ginto na. Na para bang isinasampal sa akin na hindi ako kabilang sa mundo nila. 

Kumapit ako nang mahigpit sa braso ni Victor. Tinapik naman iyon nang marahan ni Victor. 

Kahit papaano ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. 

Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa may sala. Maluwag na iyon at may iilang mga bisita na masayang nag-uusap-usap. Rinig mula sa unahan ang patugtog ng live band. Pero mas malakas pa rin ang kabog ng kaniyang dibdib. 

“Victor! OMG! Ikaw na ba ‘yan?” 

Biglang may lumapit sa aming babae na medyo may edad na. Pero makinis pa rin ang mukha nito at balingkinitan ang katawan. Kapansin-pansin na kahawig ito ni Donya Juana. 

Tumigil kami ni Victor. Pinilit kong ngumiti kahit na hindi manlang ako nito tinapunan ng tingin. 

“Tita Vicky. Mabuti naman at nakapunta kayo.” 

Lumapit ito at nakipagbeso kay Victor. 

“Of course. Pinapunta talaga ako ng mommy mo. Alam mo naman ‘yong kapatid ko na ‘yon. Ayaw nito ng hindi nasusunod,” ani nito. Tumawa pa nang kaunti. 

“Yeah… Enjoy the night, Tita,” tugon ni Victor. 

Dumapo ang tingin sa akin ni Tita Vicky. Agad naman akong ngumiti sa kaniya pero nangunot lamang ang noo nito. 

“Wait. And who is this?” tanong niya. 

Sandali akong tiningnan ni Victor. 

“This is Belinda. My Wife.” 

Bigla akong kinabahan noong sinabi iyon ni Victor. Para kasing nakakatakot bigla kapag binabanggit niya iyon. 

Lalong umarko ang kilay nito. Pinagkrus pa  ang mga braso habang hinahagod ako ng tingin. 

“You’re married? Bakit hindi ko alam ‘to. And I don’t know her. From what family is she? What is your surname, Iha?” tanong ni Tita Vicky. 

Tumingin ako kay Victor. Nagpapatulong. Pero ngumiti lang siya sa akin at tumango. 

“Ahm… J-Jimenez po, Ma’am.” 

“Jimenez? I didn’t know them. Who is your father?” 

Napalunok ako. Ramdam ko na ini-interview niya ako. 

“Tita, you came here to greet my parents. Not to interview my wife,” ani Victor. Tila ba ay naramdaman nito na nahihirapan na ako. 

“Ano ka ba, Pamangkin? I just want to know who your wife is. Hindi kasi namin alam na kinasal ka pala. We all thought that you were abroad.” 

Heto na. Alam ko na marami na ang kukwestyon sa akin. Sa relasyon namin ni Victor. Nakikita ko na nga ang ibang mga bisita na tumitingin sa direksyon namin. 

“Now you know. So, let’s stop this now. I want to meet my parents.” 

Bago pa man makasagot si Tita Vicky ay hinila na ako ni Victor palayo rito. Mabuti naman dahil para na akong sinasakal sa mga tingin nila. 

Pero hindi pa man kami nakakalayo ay may humarang bigla sa daraanan namin. Nagulat pa ako noong makita kong si Cassandra iyon. Kasunod si Donya Juana. 

“This bitch… You really have the guts to come here, huh?” tanong ni Cassandra. 

“Victor… You’re here. But why did you bring her here?” tanong ni Donya Juana. 

Napatungo ako agad. Kung si Cassandra lang ay kaya ko siyang harapin. Pero si Donya Juana? Nanay pa rin ito ni Victor. Hindi ko pa rin siya kayang pakitaan ng masama. 

“She is my wife, Mama. I will bring her here if I want to.” 

“Wife? Cassandra is your wife, Victor. Have you forgotten it? Sa tingin mo ba ay matutuwa ang Papa mo kapag makita na dinala mo rito ang kabit mo?” 

Kabit. Narinig ko na naman ang salitang iyon. Pero ayaw kong magpaapekto. Si Victor lang ang paniniwalaan ko. 

“Belinda is not my mistress. I’ve already divorced her. And you know it,” giit ni Victor. “Kung ito lang din naman ang ipapakita mo sa akin, Mama. Mas maigi na lang siguro na umalis kami rito ng asawa ko.” 

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang si Victor na magsalita. Tinapik niya ang kamay ko na nakapit pa rin nang mahigpit sa braso niya. Para akong bata na natatakot na mawala sa tabi ng magulang. Pero gano’n naman talaga ang pakiramdam ko. 

Parang kapag bumitaw ako kay Victor ay mawala ako at kung ano ang gawin sa akin ng pamilya niya. 

Tumalikod na kami. Pero may mga humarang na tatlong lalake sa daraanan namin. Nangunot ang noo ni Victor. Habang ako naman ay napasiksik sa tabi niya. 

“Do you really think na hahayaan kitang umalis ngayon, Victor? Malaking pagkakamali na dinala mo rito ang kabit mo,” ani Donya Juana. 

Ilang sandali pa ay bigla na lang hinila si Victor ng mga lalake palayo sa akin. Habang ako naman ay hinawakan bigla ni Cassandra sa braso. 

“Victor!” 

“Belinda! What are you doing, Mama?!” galit na tanong ni Victor. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa ina. “Bitawan mo siya, Cassandra! I swear!” 

Ngumisi lang si Cassandra at mahigpit akong hinawakan. 

“No. May unfinished business pa kami nitong kabit mo.” 

Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lang akong sinampal ni Cassandra. Natuma ako sa sahig. Mahilo-hilo pa ako dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Hindi pa ito nakontento. Pumatong ito sa ibabaw ko at muli akong pinagsasampal sa mukha. 

“Belinda! Stop it, Cassandra! I will kill you!” sigaw ni Victor. 

Nakaluhod ito habang mahigpit din na hinahawakan ng mga bodyguard ni Donya Juana. 

Hindi ko na alam ang nangyayari dahil walang tigil akong pinagsasampal ni Cassandra. Tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na sigaw ni Victor. 

“Cassandra! Stop it!” 

“No! This bitch needs to wake up! I am your wife! At hindi iyon mababago kahit na ano pa ang sabihin niya!” sigaw ni Cassandra. 

Napaluha na ako. Sinubukan kong pigilan si Cassandra pero may humawak pataas sa mga kamay ko. Kaya mas naabot ako nito ang mukha ko. 

“T-Tama na…” bulong ko. Mahilo-hilo na kasi akoo. 

Pero nagpatuloy pa rin ito. At sa huling sampal niya ay iyon na ang nagpawala ng malay sa akin. 

“Belinda!” 


Chapter 35

Victor’s POV

Awang-awa ako kay Belinda habang pinagmamasdan ko siyang walang malay sa kama. Namamaga na nga ang mga pisngi niya dahil sa ginawa ni Cassandra sa kaniya kanina. 

Naikuyom ko ang mga palad ko. Akala ko ay nakaalis na ito ng bansa. Pero mukhang nagawa itong pigilan ni Mama. 

How can they be so cruel? Bakit si Belinda pa? Bakit hindi na lang ako ang saktan nila? 

Kung hindi lang ako nakawala kanina sa pagkakahawak ng mga bodyguard ni Mama ay sigurado ako na hindi rin tinigilan ni Cassandra ang muka ng asawa ko. 

Muntik ko na nga itong masuntok kung hindi lang din ako ulit na pigilan. 

Walang kapatawaran ang ginawa niya sa asawa ko. I swear she will suffer more. 

“This is your fault, Victor. Hanggat patuloy mo siyang pinipili. Patuloy din siyang magsasakripisyo. Hanggang kailan mo kakayanin na masaktan ang babaeng ‘yan?” 

Muling umalingaw-ngaw  sa isipan ko ang sinabi ni Mama kanina. 

I felt a sharp ache in my chest. 

Kahit kailan ay hindi niya talaga ako hinayaang maging masaya. Palagi siyang nakaharang sa mga desisyon ko sa buhay kahit na nasa tamang edad na ako. 

Higit sa lahat ay hinding-hindi niya matatanggap ang pagmamahal ko kay Belinda. Why not? Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niya. 

Magmula pa noong bata pa ako, hanggang sa magbinata. Ito lang ang tangi kong hiling. Si Belinda lang. Pero ganito pa ang nangyayari. 

Umungol si Belinda. Tanda na nagigising na ito. 

I immediately grabbed her hands. 

“Wife?” tawag ko sa kaniya. 

Belinda slowly opened her eyes. And my heart immediately broke to pieces. 

“I’m sorry, Love. I’m sorry. Dapat hindi ko na lang ipinilit na dalhin ka roon. It’s my fault,” I begged. 

Tumingin lang sa akin si Belinda. At mas lalo akong nadurog noong makita ko ang lungkot doon. Pero pinilit nitong ngumiti. 

“It’s okay…” mahina nitong sabi. “You still save me, right?” 

Nangilid na ang mga luha ko. “I’m sorry. I’m really sorry, Wife.” 

“Sshh…” Marahang tinapik ni Belinda ang kamay ko. “I’m okay. Hanggat nasa tabi kita, Victor. Kaya kong tiisin ang lahat.” 

Umiling ako. 

“No. We should leave. Hindi ka tatantanan ni Mama hanggat narito tayo sa Salcedo. Let’s go out of the country. Magpakalayo-layo tayo rito,” I said. 

Tama. Kahit  na ano ang gawin namin ay hindi kami titigilan ng pamilya ko. Lalo na si Mama. Kaya kung kailangan kong maging ligtas ang asawa ko ay kailangan ko siyang ilayo sa mga ito. 

Nag-iwas ng tingin si Belinda. 

“Hindi pwede, Victor. Paano ang pamilya ko? Hindi pa tapos sa pag-aaral ang mga kapatid ko. Ako lang ang inaasahan nila Nanay. Hindi ko sila pwedeng iwan.” 

“But…” 

Huminga nang malalim si Belinda. 

“Hanggat nasa tabi kita, Victor. Hanggat ako ang pinipili at minamahal mo. Kaya kong tiisin ang lahat. Kaya kong tanggapin ang lahat. Ipangako mo lang na mamahalin mo lang ako.” 

Lalo akong nadurog sa sinabi ni Belinda. Kung hindi dahil sa akin ay hindi ito mangyayari sa kaniya. 

She loves me so much, but it was almost killing her. 

Bigla akong nakaramdam nang pagsisisi. Pero mahal ko rin si Belinda. And I will do the same to her. 

I can give my life to her if I need to. 

I love her so much. 

Marahan akong tumango. 

“Yes. I will always choose you, Wife. I will always  love you.” 



Belinda’s POV

Masakit pa rin ang mga pisngi ko. Pero nagagawa ko nang ngumuya. 

Grabe ang lakas ng pagkakasampal ni Cassandra sa akin. Akala ko ay matatanggal na ang balat ko. 

 Alam ko naman na nagawa niya lang iyon dahil nga sa pinayagan ni Donya Juana. Pero kung wala ito ay lumaban ako sa kaniya. 

Ayos lang. Okay lang kung sa akin lang. Pero dahil doon ay medyo nag-alala ako. 

Gusto na ni Victor umalis kami. Pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang pamilya ko. Lalo na at may banta si Donya  Juana sa kanila. 

Hindi ko pa nga ito nasasabi kay Victor. Ayaw ko nang sabihin dahil baka mas lalo lang itong mag-alala. 

Matapos ang pangyayaring iyon ay medyo natahimik ang buhay namin ni Victor. Nagpatuloy kami kahit na ramdam ko na may nagmamasid sa bawat galaw namin. 

Kahit nga sa opisina ay may nangyaring kakaiba. 

“What? Ano’ng nangyari sa stocks natin?” tanong ni Victor. 

Kaka-report ko lang sa kaniya na biglang bumaba ang kita ng Benitez Tech Innovation. Nagkaproblema rin sa mga supplier kaya hindi matuloy ang production ng mga product. 

“There’s a new company, Sir. Siguro ay ito ang dahilan,” tugon ko sa kaniya. 

Inilapag ko ang isang folder sa lamesa niya. Nakita ko ito kanina sa internet. It was slowly gaining people’s attention. Parehas sa mga produkto na ibinibenta ng company namin. 

Nagsalubong bigla ang mga kilay ni Victor nang mabasa iyon. 

“She will never stop,” napapailing na sabi ni Victor. 

Ako naman ang nagtaka. 

“Why?”

Tumingin siya sa akin. 

“This company is one of our companies. Alam ko. Dahil ako ang nag-propose nito noon kay Papa. Now they have approved it to use against me.” 

Napalunok ako. Bigla akong nag-alala.

“T-Then… what should we do, Victor?” tanong ko, sa pormal na boses ko. 

Huminga nang malalim si Victor. 

“It’s okay. Just continue our production. Kumuha ka ng sikat na artista para i-endorse ang mga produkto natin. Ask idea to our marketing team. I need it ASAP.” 

Nag-aalala man ay tumango ako. 

“Okay, Sir.”

Tumalikod na ako at naglakad palabas ng opisina niya. 

Alam kong masakit para kay Victor ang nangyayari sa company. Siya rin ang nagtayo nito at nagpalago. I remember he used his own money para itayo ito dahil ayaw siyang bigyan ng pamilya niya, dahil nga sa akin. 

And now they were also trying to destroy it. 

Hindi pa man ako nakakaupo sa upuan ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. 

Kinuha ko agad iyon at sinagot ang tawag mula sa kapatid ko.

“Hello, Brian—” 

“Ate! Nandito kami sa ospital ngayon. Pumunta ka na rito! Dali!” 

Natigilan ako sa sinabi niya. Rinig ko rin ang pagpa-panic sa boses nito. 

“Bakit? Ano ang nangyari, Brian?” 

“S-Si Papa! Narito sa ospital si Papa, Ate! Nasunog ang bahay natin. Wala na po. Wala pong natira!” 


Chapters 36 to Epilogue


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !