Chapter 36
Parang biglang bumagal ang paligid. Pigil na pigil ang paghinga ko habang nagbabyahe kami ni Victor papunta sa ospital.
Hindi pa nga namin na uumpisahang ayusin ang problema sa kompanya ay heto naman.
Ang tatay ko ay nasa ospital.
Ang bahay namin na ipinundar namin ni Tatay mula sa dugot’s pwis namin ay na abo na.
Bakit? Bakit ito nangyayari sa amin ngayon?
Nangilid ang mga luha ko at kumawala ang impit na hikbi sa bibig ko.
Agad ko naman na naramdaman ang pagtapik ni Victor sa balikat ko.
“I’m here, Wife. Don’t worry. We will make sure that ‘Tay Arnaldo will be okay,” ani Victor.
Pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya.
Ang hirap paniwalaan.
Tumango na lamang ako at impit na umiyak. Muli akong nagdasal na nawa’y maayos lang ang kalagayan ni Tatay.
Pagdating ko sa ospital ay sinalubong ako agad nila Nanay. Umiiyak siya at si Bernard. Niyakap ako agad ni Nanay.
“Anak! Ang tatay mo, Belinda! Diyos ko! Hindi ko pa kayang mawala siya, Anak!” iyak ni Nanay.
Nangilid muli ang mga luha ko. Niyakap ko siya at hinagod ang likod.
“M-Malakas ang Tatay, ‘Nay. Hindi niya tayo iiwan. Alam ko ay hindi niya iyon gagawin sa atin,” pagpapalakas ko ng loob sa kaniya. “Ano ba kasi ang nangyari?”
Kumalas sa akin si Nanay. Iginiya ko siya paupo ulit sa waiting chair sa tapat ng surgery room. Naroon daw kasi si Tatay at inooperahan dahil napuruhan ito ng sunog.
Umiling si Nanay.
“H-Hindi ko alam, Anak. Napakabilis ng pangyayari. Nagising na lang kami na mausok na ang buong paligid. Lumabas naman kami agad, Anak. Kaso ang tatay mo. Alam mo naman na mahal na mahal niya ang mga manok niya. Binalikan niya ang nasa kulungan. Pero dahil doon ay…”
Gumaralgal ang boses ni Nanay at hindi na nakapagsalita.
Hinagod kong muli ang likod.
“Tama na po. Naiintindihan ko na, ‘Nay. Ipagdasal na lang natin na maging maayos si Tatay.”
“Hindi, Ate. Bago ang sunog ay naririnig ko ang ingay ng mga manok ni Tatay,” biglang sabi ni Brian. Seryoso ang mukha nito at para bang may malalim na iniisip. “Dapat talaga ay tiningnan ko iyon! Edi sana hindi na ito nangyari. Kasalanan ko ito, Ate!”
Natigilan ako sa sinabi ni Brian. “Ano’ng sabi mo, Brian? Totoo ba ‘yan?”
“Opo. Narinig ko rin na parang may nagbubuhos. Kaso sobrang inaantok talaga ako dahil katatapos lang ng finals namin. Dapat pala chineck ko iyon,” nagsisisi pa rin na sabi ni Brian.
Napalunok ako at biglang kinabahan. Tumingin ako kay Victor. Seryoso ang mukha nito at salubong ang mga kilay.
“Don’t worry, ‘Nay Adelina. I will look into this. At kung meron mang may sadya sa pagsunod sa bahay niyo ay sisiguraduhin ko na magbabayad siya,” ani Victor.
Natahimik ako. Hindi ko pa man nasisiguro ay mukhang alam ko na kung sino ang may gawa nito.
Pero sana ay hindi. Sana mali ako.
Umalis muna si Victor para pumunta sa bahay namin at makipag-usap sa mga pulis na naroon. Habang kami ay naiwan sa ospital at hinintay na matapos ang operasyon ni Tatay.
Ilang sandali nga ay bumukas na ang pinto ng operating room. Lumabas doon ang isang doctor na nakabonet pa at scrub. Tinanggal nito ang suot na face mask.
“Sino ang guardian ni Mr. Arnaldo Jimenez?” tanong nito.
Napatayo kami agad ni Nanay.
“Ako! Asawa ko siya!” ani Nanay. “K-Kumusta po ang asawa ko, Doc? Ligtas na ba siya?”
Bumuga ng hangin ang doctor.
“Hindi ko po masasabi, Mrs. Jimenez. Sa ngayon ay stable na ang lagay niya. Pero nasunog ang halos kalahati ng katawan niya. Nalaman din namin sa operasyon na may sakit pala sa puso ang asawa mo. Kakailnganin niya ng heart transplant sa lalong madaling panahon. Hindi niya kakayanin ang trauma sa nangyari sa kaniya.”
Napasinghap si Nanay. Nasapo nito ang bibig at muling napahagulhol.
“Diyos ko! Ang asawa ko! Diyos ko!”
Para naman akong nadurog dahil sa narinig ko. Heart transplant? Lubhang napakadelikado ng operasyon na iyon. Higit sa lahat ay saan naman kami kukuha ng heart donor?
“P-Paano po iyon, Doc?”
“Kailangan niyong makahanap ng heart donor. At uunahan ko na kayo. Hindi magiging madali iyon. Bukod sa mahirap maghanap ng donor, kakailanganin niyo rin ng maraming pera para maisagawa iyon.”
Bigla akong nanghina sa sinabi ni Doc. Saan naman kami kukuha ng maraming pera?
Chapter 37
Limang milyon. Iyon ang estimate na kakailanganin namin para lang makahanap kami agad ng donor para kay Tatay. Limang milyon ulit para sa ibayo pang pagpapagaling niya. Bukod doon ay kailangan din siyang gamutin dahil sa sunod sa katawan nito.
Sampung milyon.
Parang lumaki bigla ang ulo ko dahil doon. Saan naman ako kukuha ng sampung milyon? E wala pa ngang kalahating milyon ang savings ko sa bank account ko. Sakto lang para makapag-umpisa sana sila Nanay.
Tutulong naman si Victor. May pera siya. Kahit na ayaw ko, pero dahil sa buhay ni Tatay ang nakasalalay ay kinapalan ko na ang mukha ko.
Pumayag ako.
Kaso noong pumunta na kami sa bangko ay hindi pinayagan si Victor na makapag-withdraw.
“What are you saying? That is my money! Bakit hindi ko pwedeng galawin ito?” galit na tanong ni Victor sa teller na umaasikaso sa amin.
Hinawakan ko siya sa braso at marahan iyong pinisil.
“Victor. Kalma ka lang,” bulong ko sa kaniya.
“How can I calm down? It’s my money, Bel!”
Malungkot na umiling ang teller. “I’m really sorry, Mr. Benitez. But your assets are frozen. You can’t withdraw anything hanggat frozen ito.”
Victor exhaled frustratedly.
“But why? You can’t even explain to me why you’ve frozen my accounts!”
“Sumusunod lang po kami sa utos sa amin, Sir.”
Lalong nangunot ang noo ni Victor. “Utos?” Inis natawa siya. “Is it my mom again?”
Nag-iwas ng tingin ang teller. Hindi ito sumagot.
“I knew it!”
Tumayo na si Victor at naglakad palabas ng opisina.
Tumayo na rin ako agad. Nagpaalam ako sa teller saka nagmamadaling sumunod kay Victor.
“Victor, wait!”
Hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng bangko.
“Teka lang! Sandali! Aww!”
Muntik pa akong madapa dahil sa kamamadali ko. Pero mabuti na lang at pumuhit na pala paharap si Victor at nasalo ako.
“Are you okay?”
Umayos ako ng tayo. “Y-Yes. Saan ka pupunta?”
“I’m going home. I need to talk to my mother.”
Bigla akong nag-alala sa maari niyang gawin. Kitang-kita ko kasi ang matinding galit sa mga mata.
“Sandali, Victor. Ano naman ang sasabihin mo sa kaniya?”
Huminga nang malalim si Victor. “They can’t do this to me, Bel. It’s my money. My assets. Wala silang karapatan na pakealaman ang pag-aari ko.”
“Pero… nagawa na nila, Victor. Ayaw ko naman na lalo pa kayong magkagulo nang dahil lang sa akin. Please. H’wag na. Gagawa na lang ako ng ibang paraan.”
Umiling si Victor.
Sinapo niya ang mukha ko.
“No. I’m your husband. Magulang ko na rin ang magulang mo. Isa pa, hindi nila ako pinakitaan ng masama kahit na nasaktan kita noon. They accepted me. I will do everything I can para lang mailigtas si Tatay Arnaldo,” determinadong sabi niya.
Nangilid ang mga luha ko.
Ito ba? Ito ba ang lalakeng iiwan ko?
Hindi ko kaya.
Masyado nang pinatunayan ni Victor ang pagmamahal niya sa akin. Ang sakit isipin na kahit na tunay at wagas ang pagmamahalan namin ay ganito pa rin ang nangyayari.
Natatakot ako. Pero alam ko na kakayanin namin ito.
Patutunayan namin sa kanila na tunay ang pagmamahal namin.
Tumango ako. “Sige. Susubukan ko rin na gumawa ng paraan.”
Hinatid muna ako ni Victor sa ospital bago siya muling umalis upang kausapin ang mga magulang.
Kabadong-kabado ako habang naghihintay sa kaniya.
Ako lang ngayon ay bantay kay Tatay. Umuwi kasi muna sila Nanay at ang mga kapatid ko para magpahinga. Pansamantala silang tumira muna sa bahay namin nila Victor habang wala pa silang titirahan.
Naubos kasi ang lahat ng mga ari-arian namin. Tanging ang suot lang nila Nanay ang kanilang gamit.
Tinitigan ko si Tatay na nakabenda ang buong katawan. Kalunos-lunos ang hitsura niya.
Hindi ko pa kumpirmado. Pero iniisip kong baka nga ang magulang ni Victor ang may gawa nito sa amin.
Bakit ganoon na lamang ang galit niya sa akin? Bakit sa pamilya ko pa?
Ako dapat ang naratay dito. Walang ideya si Tatay. Wala siyang kasalanan.
Nagmamahalan lang naman kami ni Victor.
Muli akong napaiyak.
“S-Sorry, ‘Tay. Promise. Gagawa ako ng paraan. Pinagtutulungan namin ni Victor, ‘Tay. Magpalakas ka lang. Please.”
Nagulat ako noong biglang bumukas ang pinto ng silid ni Tatay. Pagtingin ko ay halos tumalon ang puso ko sa kaba.
Si Donya Juana.
Ano ang ginagawa nito rito? Hindi ba pinuntahan ito ni Victor para kausapin?
Kasunod nito ang dalawa nitong bodyguard na may dalang attaché case.
Napatayo ako agad.
“D-Donya Juana.”
Lumapit si Donya Juana sa kama. Sinilip nito si Tatay. Umarko ang kilay niya. Pero muling bumalik sa seryoso nitong mukha.
“He’s still alive, huh?”
Nagsalubong agad ang mga kilay ko. Kaya kong tiisin ang pang-aalispusta nila sa akin. Pero ang sa pamilya ko? Hindi.
“Ano pong ibig mong sabihin? T-Talaga ba na ikaw ang may pakana nito sa pamilya ko?”
Donya Juana turned to me. “Ako? Do you have evidence?”
Naikuyom ko ang aking mga palad. Wala ako no’n. Pero malaki ang hinala ko na ito ang may gawa nito.
“P-Paano niyo po ito nagagawa, Donya Juana? Nang dahil lang sa asawa ko ang anak mo—”
“He is not your husband,” mariing putol niya sa sinasabi ko. “Hindi ka kasal sa anak ko.”
Naiikom ko ang aking bibig. Gusto ko siyang sagutin. Napakarami kong gustong sabihin. Pero hindi ko magawang magsalita. Nauunahan ako ng takot sa presensya ni Donya Juana.
“But I’ve already warned you, Belinda. Hindi ka pa rin nadala. Gusto mo ba talagang mawala ang tatay mo bago mo layuan ang anak ko?”
Nangilid na ang mga luha ko. Awtomatikong napaluhod ako sa harapan niya.
“P-Please, Donya Juana! H’wag sasaktan ang tatay ko. Ang pamilya ko! Ako na lang po. Wala silang kasalanan dito!”
Natawa si Donya Juana.
“Oh, Belinda. I’m not that cruel. Actually, I’m here to give you something.”
Lumapit ang dalawang lalaki na may dalang attaché case. Binuksan nito ang mga iyon kaya tumambad sa akin ang nakahilerang pera na tig-iisang libo.
“Here. Another ten million. Bukod doon ay hindi mo na po-problemahin pa ang pagpapagamot ng tatay mo. I will pay for everything hanggang sa maka-recover siya. Then you can keep this money and the check I previously gave to you,” ani niya. Sandali siyang tumigil at bahagyang tumungo sa akin. Hinawakan niya ang baba ko. “And you know what I want to return, Belinda. Leave my son alone. Stay out of his life.”
Marahas na binitawan niya ako at tumayo nang maayos.
“Choose now, Belinda. Your father’s life is hanging. At kung sa tingin mo ay matutulungan ka ng anak ko. Nagkakamali ka. He will never help you. I made sure of that.”
Para akong unti-unting dinudurog dahil sa sinabi niya. Tuluyan akong napasalampak sa sahig habang patuloy na tumutulo ang mga luha.
“B-Bakit? Bakit niyo ito ginagawa? Nagmamahalan lang naman kami ni Victor. Bakit hindi niyo magawang tanggapin kung ano ang mayroon kami?”
“Dahil hindi ka nabibilang sa mundo namin, Belinda. Sisirain mo lang ang buhay ng anak ko.”
“At sa tingin niyo po ba ay hindi masisira ang buhay ng anak niyo sa ginagawa niyo ngayon?” mapait na sinabi ko. Nag-angat ako ng ulo at pilit na sinalubong ang matatalim na mga tingin ni Donya Juana. “Mawawasak si Victor kapag iniwan ko siya. Masasaktan siya. Hindi niya kakayanin.”
Naningkit ang mga mata ni Donya Juana.
“And who do you think you are? My son already did it before. Nagawa niyang kalimutan ka kung hindi ka lang ulit nagparamdam sa kaniya! He will forget you. You are nothing, Belinda! You are easy to forget!”
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nakatabing sa mga mata ko. Muli akong tumungo. Nalilito ako sa dapat kong gawin.
Pero paano na lang si Tatay? Mas hindi ko kakayanin kung mawawala siya nang dahil sa akin.
Pero hindi ko kayang iwan si Victor. Iniisip ko pa lang ay para na akong pinapatay. Mahal na mahal ko siya.
Napahagulhol na ako.
“P-Pagsisisihan niyo ito, Donya Juana. Pagsisisihan niyo na pilit niyo sinisira ang buhay ng anak niyo. Ang ginawa niyo sa pamilya ko. Magsisisi kayo!”
Natawa lang si Donya Juana. “I don’t care. As long as masiguro ko na mawawala ka sa buhay ng anak ko. Gagawin ko ang lahat kahit mapunta pa ako sa impyerno!”
Chapter 38
Limang taon.
Limang taon na rin ang nakalipas magmula noong namili ako. Noong nagdesisyon akong iwanan si Victor at magpakalayo-layo para lang mailigtas ang tatay ko.
Hanggang ngayon ay masakit pa rin. Narito pa rin siya sa puso ko. Lalo pa’t umalis na lang ako bigla at hindi nagpaalam sa kaniya.
Galit siya sa akin ngayon, sigurado ako. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Kahit na anong pilit naming dalawa na magkasama ay ang panahon na ang talagang gumagawa ng paraan para magkahiwalay kami.
Matapos makausap ni Victor ang pamilya niya ay malungkot itong bumalik sa akin noon. Hindi na ako nagulat noong sabihin niya na wala siyang nagawa. Gusto pa nga nitong ibenta ang ibang mga asset niya. Pero alam ko na wala na ring mangyayari.
Pinigilan ko siya kahit gusto niyang tumulong sa akin. At noong malaman ko na may schedule na ng operasyon ni Tatay at may donor na rin ay umalis na rin ako.
Ni hindi ko na nga nakita si Tatay na nagising. Nakibalita na lang ako kila Nanay.
Si Victor? Pinipilit nito si Nanay na sabihin kung nasaan ako. Pero dahil walang ideya ang pamilya ko kung nasaan ako ay wala rin itong masagot.
Pinutol ko lahat ng koneksyon ko sa kaniya. Kahit na sa pamilya ko. Ilang buwan akong hindi nagparamdam matapos kong masiguro na ayos na si Tatay. Nagluksa ako para sa puso kong muling nabigo.
Masakit. Lalo na noong malaman ko na buntis pala ako.
Wala akong ideya na isang buwang buntis na pala ako noong umalis ako sa Pinas. Nalaman ko na lang noong tatlong buwan na ang tiyan ko. Nawalan kasi ako bigla ng malay sa trabaho.
Ngayon ay narito ako sa Switzerland. Dito ko sinubukang muling mabuhay sa piling ng anak namin ni Victor.
Si Vincent.
Tatlong taong gulang na siya. Masasabi ko na kamukhang-kamukha siya ni Victor. Kaya hindi ko rin makalimutan ang dati kong asawa. Para silang pinagbiyak na bunga kung tingnan. Siguro kung kasama ko si Victor ay tuwang-tuwa siya sa anak namin.
Sa ngayon ay may maliit akong coffee shop dito. Ginamit ko rin kasi ang pera na binigay sa akin ni Donya Juana para makapag-umpisa. Ibinili ko ng bahay at lupa rito sa Swizerland. Pagkatapos ang natira ay ginamit ko panggastos naming mag-ina. Nag-ipon din ako mula sa trabaho ko. Hanggang sa naging sapat iyon para magkagawa ako ng maliit na negosyo.
“Mommy! I want candy!” ani VIncent.
Kasama ko siya sa coffee shop. Madalas ay patakbo-takbo lang sa loob ang anak ko. MInsan nagi-entertain din ito sa mga customer namin.
Sandali akong tumigil sa sinisulat ko at tiningnan siya sa tabi ko.
“Hindi ba katatapos mo lang, Anak? No more candies na okay?”
Napalabi si Vincent. “But I’m hungry, Mommy! Can I have some cookies?”
Napabuga ako ng hangin. “Ikaw talaga! Kung hindi ka lang talaga cute!!”
Marahan kong pinisil ang pisngi niya. Humagikhik naman ito agad.
“I want a chocolate cookie, Mommy!”
“Okay. Okay. Kukuha lang ako roon sa loob.”
Tumayo na ako at iniwan siya saglit sa lamesa.
Nandoon lang din kami sa tabi ng counter. Sa may pinakadulong parte ng coffee shop. Hindi naman ganoon karami ang tao ngayon kaya doon na lang muna kami tumambay ni Vincent.
Dalawa lang ang staff ko rito sa shop. Parehas silang mga Pinoy kagaya ko. Kababayan ko lang ang kinuha ko para hindi ako mahirapan sa pakikitungo. Mababait naman ang mga local. Pero iba pa rin kapag kababayan.
“Naghahanap po ba ulit ng pagkain si Vincent, Miss Bel?” tanong ni Cathy, ang isa sa mga trabahante ko. Siya ang nakatoka sa pagbi-bake ng mga pastry. Pagluluto na lang naman ang gagawin niya dahil ako na ang mismong naghahalo ng mga iyon.
“Yes. May natira pa ba tayong chocolate cookie?” tanong ko.
Agad na kumilos si Cathy. May kinuha ito sa isang shelf.
“Ito po, Miss Bel.”
Inabot ko iyon. “Thank you.”n
Inilipat ko sa platito ang cookie. Lumabas na rin ako sa kusina at lumapit naman kay Amanda, ang barista namin.
“Amanda, pwede bang magpagawa ng hot chocolate? Pakilagay na lang sa lamesa namin.”
“Sige po, Miss Bel.”
Bumalik na ako sa aming lamesa. Pero hindi pa man ako nakakalapit ay nagulat ako noong makita kong may kausap si Vincent. Hahayaan ko na lang sana dahil madalas naman na may nakakausap si Vincent na customer namin, kaso narinig ko ang boses niya.
“How old are you?” tanong nito.
“I’m three!” magiliw na tugon ni Vincent. “I’m turning four on December!”
“Oh, really? You’re so cheerful. Where is your mom?”
Napalunok ako. Lumapit na ako sa kanila at doon ko nakilala kung sino ang kausap ni Vincent.
Matanda na ang mukha nito pero plakado pa rin ang mga kilay nito. Ngunit may kakaiba sa hitsura nito ngayon.
Iyong dating maawtoridad at mataray na hitsura niya napalitan na ng malumanay nitong mukha. Mababakas din sa mga mata nito ang lungkot sa kaniyang mga mata.
“D-Donya Juana.”
Matipid na ngumiti sa akin si Donya Juana. “How are you, Belinda?”
Chapter 39
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon na kaharap ko ulit si Donya Juana. Nalilito? Galit? Gulat? Hindi ko na alam.
Tinawag ko muna sila Cathy para bantayan si Vincent. Naiwan kami sa lamesa ni Donya Juana. Tahimik nitong hinihipan ang tsaa na ini-serve ni Amanda.
“Ano ang kailangan mo, Donya Juana?” tanong ko.
Kung noon ay natatakot ako sa presensya niya pa lang. Pero ngayon? Wala silang pangalan sa Switzerland. Isa pa, hindi ako makapapayag na guluhin niya pa ulit ako.
Lumayo na ako sa kanila. Sobrang layo. Tapos ngayon ay narito siyang muli para guluhin ako?
“Relax, Belinda. I’m just here to talk to you.”
Napaismid ako. “Talk to me? Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Sinunod ko na ang gusto mo. Umalis ako sa Pinas at nagpakalayo-layo. Matagal ko nang pinutol ang koneksyon ko sa anak niyo. Bakit hinanap niyo pa rin ako?”
Tumingin sa akin si Donya Juana. “Do you really think I found you by chance? I already know where you are since your first day here in Switzerland.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay pinasundan niya pala ako. Hindi ako makapaniwala na talagang sinigurado niya na umalis ako sa Pinas.
Naikuyom ko ang mga palad. “Then tell me what do you want. Maayos na ang buhay ko ngayon.”
Huminga nang malalim si Donya Juana. “That child… apo ko siya, ‘di ba?”
Naningkit ang mga mata ko. “No. He is my son.”
“It’s Victor’s son too.”
Napaawang ang bibig ko. “Bumalik ka ba rito para subukang kuhain sa akin ang anak ko? I swear, Donya Juana! Hindi ako papayag! Pilit mo na akong lumayo kay Victor, hindi ako papayag na pati anak ko ay ilayo mo sa akin! Anak ko siya. Ako ang nanay niya. Ako ang may karapatan sa kaniya!”
Natawa si Donya Juana.
“You’ve change, Belinda.”
“I did. Hindi na ako ang dating Belinda na inalipusta niyo noon. I will fight you until my last breath if you try to take my son away from me!” mariing sabi ko.
Umiling siya. “No. Don’t worry. I’m not here to take him away from you.”
Muli ay natigilan ako sa sinabi niya. Bahagyang nangunot ang noo ko.
“Then why are you here?” tanong ko. Defensive pa rin dahil hindi ko alam kung ano ang balak niya.
Matagal bago siya sumagot. Hindi pa siya makatingin sa akin na para bang nahihirapan na sabihin ang gusto niyang sabihin.
Lalo akong nagtaka. Ang Donya Juana na kilala ko ay hindi nagpapakita ng kahinaan kahit na sino man. Kung ano ang salita nito ay ito ang masusunod.
Pero ngayon? She looked so vulnerable. Fragile. Not because of her age. But because of something else.
“I… I want you to come back home, Belinda.”
Para akong nabingi sa sinabi niya. Malinaw ang mga salita niya, pero hindi ko maproseso sa isipan ko iyon.
“W-What?”
“Come back to the Philippines, Belinda. I need you there. Victor needs you.”
Ako naman ang natahimik. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya.
Matapos niya akong pilit na palayasin sa bansang siinilangan ko, ngayon ay gusto niya akong bumalik doon.
“I know. I understand kung hindi ka papayag agad, Belinda. But I know, kahit kaunti ay mahal mo pa rin ang anak ko. He needs you.”
Natawa na ako sa sinabi niya.
“Seryoso ka ba, Donya Juana? Pinapabalik mo ako ng Pilipinas?”
Tumango siya at deretso akong tiningnan sa mga mata.
“Yes. This is me begging you to come back, Belinda. Victor… magmula noong umalis ka ay halos mawala na siya sa sarili. I tried to help him. I even brought women to him just to forget you. Pero wala… he wants you, Belinda. Nilunod niya ang sarili sa alak. Halos hindi na siya lumabas sa kwarto niya. His body is deteriorating. I tried helping him. I did everything I could. Pero wala… masakit man aminin. But you are right, Belinda. Nagsisisi ako ngayon sa ginawa ko. Nawasak siya. Nasira siya nang dahil sa gagawan ko. Akala ko nakakabuti ang ginawa ko sa kaniya. Pero mali ako.”
Gumaralgal ang boses ni Donya Juana.
“Please… I’m begging you. Balikan mo si Victor, Belinda. Kailangan ka ng anak ko.”
Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa mga sinabi niya. Ni sa hinagap ay hindi ko inakala na masasabi ni Donya Juana ang mga salitang ito.
“I’m sorry. I’m really sorry kung nagawa ko ito sa ‘yo. But my son needs you. He’ll die if you don’t come back.”
Tumayo siya bigla. At lalo akong napanganga noong bigla siyang lumuhod sa tabi ko.
“Please, Belinda. Hurt me. Sampalin mo rin ako. Bahala ka. But Victor needs you. Hindi ko na kayang mahirapan ang anak ko. I’m begging you.”
“D-Donya Juana. Stand up, please.”
Umiling siya. “No. Hindi ako tatayo hanggat hindi ka pumapayag. I’m begging you, Belinda. Kailangan kita. Kailangan ka ng anak ko!”
Huminga ako nang malalim. Inalalayan ko siyang muling maupo sa upuan niya.
“Hindi mo na kailangan pang lumuhod, Donya Juana. Naiintindihan kita. Nanay na rin ako. Pero… masaya na ako ngayon. Kung ano man ang nangyari sa anak mo hindi ko na kasalanan iyon. You did this yourself,” deretso kong sabi.
Napaawang ang bibig ni Donya Juana. Nakita ko na sandaling namuo ang galit sa mga mata niya. Pero sa huli ay muling naging malungkot iyon. Napatungo siya.
“N-Naiintindihan ko, Belinda. I understand. I’ve caused you so much pain. Muntik pang mawala ang tatay mo at hanggang ngayon ay nagsa-suffer nang dahil sa akin. I just… I tried. At least I tried. I’m really sorry for what I did to you, Belinda.”
Hindi na ako umiik. Nagpaalam na si Donya Juana matapos iyon.
Naiwan akong tulala sa lamesa at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Pero habang unti-unti kong na re-realize ang mga nangyari ay unti-unting nangilid ang mga luha ko.
Si Victor…
Nasapo ko ang bibig ko. Kumusta na kaya si Victor?
Chapter 40
Victor’s POV
Hindi ko na alam kung ano ang masakit sa akin.
Ang ulo ko? Ang tiyan? Ang puso?
Halo-halo na.
Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin tinitigilan ang pag-inom ng alak.
Muli akong uminom mula sa bote ng whiskey na naging buhay ko sa limang taon na nakalipas. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nabuhay ng ganito katagal dahil halos alak na lang ang laman ng tiyan ko sa araw-araw.
Hindi ko matanggap. I can’t continue my life without her.
Belinda.
My wife.
Limang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya magawang makalimutan. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya
I tried looking for her. I got leads. Pero misteryosong bigla siyang nawawala.
Alam ko naman kung bakit siya biglang lumayo. I’m not angry to her. I know that she doesn’t have a choice. The moment I learned na may donor na si Tatay Arnaldo, I already knew that my mother caused this.
Siya ang may gawa kung bakit umalis si Belinda.
Well, she tried to fix everything her own way. Pero wala na. I’m already at a loss. She wanted her son. But I wanted Belinda. Now I’m broken. And I don’t know how to move on without her.
Napangiti ako noong makita ko na lumabas mula sa screen ng tv ang mukha ni Belinda. Hindi ko na alam kung ilang beses kong napanood ang mga video ni Belinda.
Mabuti na lang talaga at marami akong naka-save na video niya sa akin. Kahit manlang dito ay nasisilayan ko ang mga ngiti niya.
Habang tinititigan ko si Belinda mula sa screen ay unti-unting nangilid ang mga luha ko.
“Bel… Wife… My wife… where are you? Please… come back to me,” I begged.
Muli akong napahagulhol. Hindi ko na kaya. Siguro ay mas mabuti na lang na mawala ako.
Limang taon. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang sunod na limang taon na wala siya.
Ibinato ko ang hawak kong bote sa screen ng TV.
Susuray-suray na lumapit ako sa basag na bote at hinawakan ang isang piraso ng salamin.
Siguro nga ay tama na ito. Dapat nga ata mawala na lang ako para matapos na ang paghihirap ko ngayon.
Belinda was my life. She suffered so much because of me. Kapag mawala na ako ay makakabalik na siya rito sa Pilipinas. Makakasama na niya ulit ang pamilya niya. Muli na siyang magiging masaya.
I should leave now.
Huminga ako nang malalim at inilapit ang salamin sa pulsuhan ko.
“I-I love you so much, Belindan. Kung nasaan ka man ngayon… please. Be happy.”
Pumikit ako nang mariin at tuluyang hiniwa ang balat ko.
Wala akong naramdamang kirot. Siguro dahil na rin sa puno na ako ng alak sa sistema ko.
Iminulat ko ang mga mata ko at unti-unting napaupo. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng pagkahilo.
Yes. This was the right thing to do.
I should just leave this place.
For her. For my beloved.
For Belinda.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinintay na malagutan ako ng paghinga. Pero noong nakaramdam na ako nang pagkahilo ay narinig kong may pwersahang nagbukas ng pinto ng kwarto ko.
“Victor!” sigaw ng isang pamilyar na boses.
Pilit kong iminulat ang mga mata ko. Pero nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nawawalang dugo sa akin.
“Diyos ko, Victor! Help us! Please!” sigaw uit ng boses.
Pilit kong inaninag ang babaeng may hawak sa akin ngayon. Malabo na ang paningin ko pero alam ko na babae ito dahil sa mahaba nitong buhok.
Pamilyar siya sa akin. Nararamdaman siya ng puso ko.
Kilala siya ng katawan ko.
Pilit kong inabot ang mukha ng babaeng umiiyak na ngayon.
“A-Am I dreaming?” nahihirapan kong tanong.
Suminghot-singhot ang babae.
“N-No, Victor! I’m here! I’m real! Why did you do this? Why did you hurt yourself, Victor? How could you do this to me?!” umiiyak na tanong nito.
Lalong nanlabo ang mga mata ko dahil sa pangingilid ng mga luha ko.
“I-Is this real?”
“I am, Victor! Kaya please! Hold on! We will bring you to the hospital, Victor! Please!”
Tuluyang napatulo ang mga luha ko.
If I am really dying, I’m happily dying now. With her by my side.
Sino ba ang mag-aakala na kung kailan ako mawawala ay saka ko naman siya makikita?
But it’s okay. At least she was here now.
My love. My wife. My life.
“Belinda… I love you,” ani ko. At tuluyan akong binalot ng kadiliman.
Epilogue
Belinda’s POV
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Matapos ang mga nangyari sa amin. Matapos ang lahat.
Heto na kami.
Maluha-luhang naglalakad ako papalapit sa altar. Papunta sa lalakeng minamahal ko.
Mula noon, hanggang ngayon.
Tiningnan ko si Victor na nakatayo malapit sa altar.
He was smiling widely while waiting for me. He was staring at me with full of love and adoration.
Malayong-malayo sa huling hitsura niya noong makita ko siya.
I thought I was going to lose him. Mabuti na lang ay nakarating ako sa tamang oras.
I saved him from killing himself.
Tumigil kami sa gitna. Humarap ako kay Nanay at niyakap siya. Humarap din ako kay Tatay na naka-wheelchair.
“Maging masaya ka, Anak. Deserve mong maging masaya,” ani Tatay.
Marahan akong tumango. “Opo, ‘Tay. Salamat po.”
Muli akong tumingin kay Nanay.
Muli na akong naglakad papunta sa altar.
Muli ay halos wala akong marinig sa paligid ko. Nasa harapan lang ang atensyon ko at nakatingin kay Victor.
He looked so handsome. Natanggal na ang mahaba niyang buhok at balbas. Medyo nagkalaman na rin siya ngayon. Pero wala pa ring nagbago. Siya pa rin ang lalakeng minahal ko.
Hindi nagtagal ay nakalapit na ako sa kaniya. Inilahad ni Victor ang kaniyang kamay sa akin. At malugod ko iyong tinanggap.
“Are you ready, Wife?” he asked.
Ngumiti ako nang malapad. “I’m always ready to marry you, Husband,” tugon ko.
Kumapit na ako sa braso niya at lumapit sa lamesa ng pare.
The moment was magical. Ibang-iba sa una naming kasal ni Victor.
Ngayon ay mas magaan. Mas masaya.
Kompleto kasi ang pamilya namin. Narito na rin ang magulang ni Victor at nakangiting nanonood sa amin.
Sa wakas ay tinanggap na nila ang pagmamahalan namin. Naniwala na sila na tunay ang kung ano man ang mayroon kami.
Nakakalungkot lang na muntik pang mawala si Victor para lang maunawaan nila iyon.
Pero ngayon? Masaya na kami. Masaya na ako na tanggap na nila kami.
At ipinapangako na mas mamahalin ko siya ngayon.
“You may now kiss the bride!” ani ng pari.
Napangiti ako nang malapad.
Kasal na kami ni Victor. Sa ikalawang pagkakataon ay kinasal ako sa lalakeng mahal ko.
Humarap ako sa kaniya. Nakangiti na si Victor at halata ang excitement sa kaniyang mga mata.
“Wife.”
“Yes, Husband?” tanong ko.
“You I’ve missed you so much, right?” ani nito.
Nangunot ang noo ko.
“Well… yes. Why?”
Hindi sumagot si Victor. Ngumiti lang ito nang nakaloloko.
Itinaas na niya ang belo ko at hinigit ako palapit sa kaniya.
Medyo nagulat pa ako dahil sa biglaan ang kaniyang ginawa.
Tapos bigla niya akong inihiga pero sapo-sapo niya ang likod ko. Kaya naman ay kumapit ako sa kaniyang leeg.
Napangiti na ako at ipinikit ang mga mata. Hinintay kong dumampi ang kaniyang mga labi sa akin.
“I love you so much, My Wife,” ani Victor.
Dumampi ang kaniyang mga labi sa akin bago pa man ako makatugon. Malugod ko iyong tinanggap at tinugon.
Ilang sandali pa ay narinig namin ang anunsyo ng pari na kami ang kasal na at ganap ng Mr. and Mrs. Benitez.
Nagpalakpakan ang mga bisita namin.
Tumagal kami sa ilang sandali sa ganoong posisyon. Hindi pa nga sana bibitaw si Victor kung hindi lang may nagsabi na mamaya na namin ituloy iyon.
Napahagilhik ako at marahang hinampas na sa dibdib si Victor.
Tumigil naman ito. Itinayo na niya ako at humarap kami sa aming mga bisita.
Sa wakas. Matapos ang mga nangyari. Heto na kami. Sa ikalawang pagkakataon ay kasal na kaming dalawa. Mas masaya ngayon dahil may basbas na galing sa Diyos. At wala akong iba pang hihilingin kundi ang maging masaya pa kami.
Matapos ang ceremony ay nagpunta na kami sa reception.
Doon ay mas naging masaya ang lahat. Nagbigay ng speech ang mga malapit naming mga kaibigan at mga magulang. Ang pinakanagpaiyak sa akin ay noong si Donya Juana ang nagsalita.
“I know. A lot of you know that since day one, I never liked Belinda for my son,” pag-uumpisa nito. “I thought people that wasn’t part of our class don’t deserve us.”
Natahimik ang buong reception dahil sa sinabi nito. Marami akong bisita na mga katrabaho ko noon. Nandito sila Andrea. Kaya medyo kinabahan ako.
“But I was wrong. Love can be everywhere. Siguro ay natakot lang din ako. Victor is my only son. My legacy. Siya ang nag-iisang magpapatuloy ng Benitez. I want the best for him. Pero hindi ko inakala na ang pinaka-best pala na nangyari sa buhay niya ay noong makilala niya si Belinda.”
Tumingin si Donya Juana sa akin.
“Belinda. Daughter. I am wrong. Habang-buhay kong pagsisisihan ang nagawa ko sa ‘yo. But I want you to know, that I am happy. Thank you for making my son happy. Thank you for loving him unconditionally. At wala akong ibang hinihiling kundi ang maging masaya kayo sa habang-buhay na magkasama kayo.”
Tumingin naman siya kay Victor.
“To my son. I’m sorry too. I’m sorry for not supporting you. For not believing in you. I hope you understand na wala akong ibang hiniling kundi ang kung anong akala ko na magiging best sa ‘yo. I hope you’ll be happy now.”
Nangilid ang mga luha ko. Habang si Victor naman ay nakangiti lang na tumango.
Tumingin akong muli kay Donya Juana. I saw the sincerity on her eyes. The love, and hopefulness.
Tumayo ako at naglakad palapit kay Donya Juana. Nagulat ang lahat noong makita nilang niyakap ko ito.
“Thank you, Donya Juana. Salamat.”
“No.” Gumaralgal ang boses nito. “Ako dapat ang magpasalamat sa ‘yo. Salamat at napatawad mo ako.”
“We’re okay now.”
“Yes. That’s why you should probably call me Mom now.”
Natawa ako sa sinabi niya. Nagpalakpakan ang mga bisita namin.
Kumalas ako at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang mga kamay.
“Okay. Mom. Thank you.”
Pinahid niya ang mga luha ko.
“I’m happy that you came to my son’s life.”
“At bago ko makalimutan ang lahat.”
Muli siyang humarap sa mga bisita.
“I want to announce that I’m giving the full ownership of Benitez Corporation to my son and his wife, Belinda. Mula ngayon ay sila na ang mamumuno sa negosyo at kayamanan namin.”
Napanganga ako sa sinabi niya. Maging si Victor ay napalapit din sa amin.
“Mama. Are you sure about this?”
Tumango si Donya Juana. “Yes. Napag-usapan na namin ng Papa mo.”
Tumingin kami kay Don Juanito. Tumango ito.
“We realized na siguro ay panahon na para mag-retire kami. Isa pa, mas gusto na lang namin na makasama ang apo at magiging apo pa namin sa inyo. Damihan niyo, ha?”
Natawa na lang kami parehas ni Victor. Lumapit ako sa asawa ko at yumakap sa kaniya.
“Thank you, Mama,” ani Victor.
“No problem, Son. Iiwanan ko na kayo rito.”
Bumaba na ng stage si Donya Juana— I mean, Mama.
Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Mama. Pero masaya na ako dahil ngayon ay tanggap na nila kami.
Tumingin sa akin si Victor at niyakap ako. Hinalikan niya ako sa labi.
“Sabi ni Mama ay damihan natin ang anak natin. Should we start now?”
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Ha? Hindi pa tapos ang reception, Victor!” bulong ko.
“So what?”
Nagulat ako noong bigla niya akong kinarga. Napuno ng panunudyo ang paligid.
“Ano ba, Victor? Ibaba mo ako!” saway ko sa kaniya habang humahagikhik.
“They will probably understand kung aalisan natin ang sarili nating party,” excited niyang sabi. Lumapit pa ito sa mic. “Everyone, you can enjoy this evening. We have a lot of work to do,” pabirong sabi niya.
Naghiyawan ang mga bisita namin.
Natawa na lang ako sa kalokohan ng asawa ko. Hindi ako umangal noong binuhat na niya ako palabas ng party.
My heart was now full. And I’m happy na finally ay makakasama ko na ang asawa ko. Kasama ang anak namin at magiging anak pa namin.
The End.
04/16/2026
© Ameiry Savar

