Views

Second Chance With Mr. Billionaire

Ameiry Savar
0

 


Second Chance with Mr. Billionaire

Ameiry Savar


Blurb: 

Labis na nasaktan si Belinda noong iniwan siya ng kaniyang nobyo sa harap ng altar. Hinintay niya ito pero hindi na ito muling nagpakita. Tatlong taon ang nakalipas ay muli itong nagpakita bilang boss sa kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan. 

Magawa pa kaya niya itong mapatawad kung malaman niyang ang totoo?



This is a work of fiction. All names, characters, persons, places, and incidents are only a product of my imagination. All resemblance to an actual person, may they be living or dead, events, or anything, is purely coincidental.

All rights reserved! No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the author's prior written permission, except for brief quotes and lines from the story.

Second Chance With Mr. Billionaire © 2026 by Ameiry Savar


Chapter 1

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagpanood ang video sa cellphone ko. 

Gusto kong ialis ang mga mata ko pero hindi ko magawa dahil sa lalakeng bida ng video na iyon. 

It was Victor. 

My boyfriend. 

Ang lalakeng pakakasalan ko sana ngayong araw. 

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. 

Naka-make-up na kasi ako at wedding dress. Ito sana ang pinakamasayang araw ko, pero bigla iyong nagbago. 

“Ma’am? Are you okay? Nasa simbahan na po tayo." 

Para akong biglang natauhan noong marinig ko ang driver. Pagtingin ko sa labas ay nasa tapat na pala kami ng simbahan. Kinakatok na rin pala ako ng wedding manager naming si Clarisse. 

Nasa simbahan na ako. Pero paano ko pa matutuloy ang kasal kung kakapanood ko lang sa fiancee ko na may kasiping na iba? 

Tuluyan nang nabuksan ni Clarisse ang pinto ng kotse. 

"Belinda–oh my god! Why are you crying?! Your make up is now ruined!” gulat na tanong ni Clarisse. 

Pero hindi ko siya masagot. Mas lalo lang akong napaiyak. 

How could Victor do this to me?

Akala ko ba ay mahal niya ako? Ni hindi niya nga ako ginagalaw daw nga malaki raw ang respeto niya sa akin. O talagang pinagloloko niya lang ako?

Tuluyan na ba niyang naisip na mas pinipili niya ang mga magulang kaysa sa akin?

Ayaw kasi ako ng pamilya niya dahil sa estado ng buhay namin. Mayaman kasi ang angkan ni Victor. Sila ang may-ari ng halos kalahati ng Sanceldo. 

Habang ako? Isang factory worker lang sa isang kompanya nila. 

Mahirap at hindi nagmula sa mayamang angkan. 

Magkaklase kasi kami noong college kaya magkakilala rin talaga kami. 

Nagbago na ba talaga ang kaniyang isip?

“Halika na! Naghihintay na ang mga bisita sa loob, Belinda!” sabi ulit ni Clarisse. “Diyos ko! Ano bang nangyayari? Pati ang groom ay wala pa!”

Lalo akong nanghina noong marinig ko iyon. 

“Ano’ng sabi mo? Wala pa si Victor?” tanong ko. 

“Yes! Sinusubukan naming tawagan siya pero hindi sumasagot.”

Nag-panic na ako. Pinahid ko ang mga luha ko at tiningnan ang driver. 

“Kuya, sa mansyon po ng mga Benitez.”

“Huh? Sandali, Bel! Saan ka pupunta? Paano ang kasal mo?” pigil ni Clarisse. 

Tiningnan ko siya. “Hindi rin naman ako makakasal kung wala ang groom ko.”

Napamaang si Clarisae. Bago pa siya ulit magsalita ay sinabihan ko si kuya na umandar na ulit. 

Habang nagbabyahe kami ay panay dasal ko na sana mali lang ang mga nangyayari. Na baka may magandang rason lang si Victor. Baka hindi pa na plantsa ang tuxedo niya kaya late siya. O kaya baka edited ang video na napanood ko ngayon. 

Sana panaginip lang ito. 

Pagdating ko sa mansyon nila ay agad akong bumaba ng kotse. Habang hila-hila ang traje de boda ko ay tinakbo ang gate nila. Pero doon pa lang ay hinarang na ako ng mga guard nila. 

“Hindi ka pwedeng pumasok, Ms. Jimenez. Pasensya na.”

Pilit kong pinatapang ang mukha ko. 

“K-Kailangan kong makausap si Victor, Kuya. Please! Pakisabi na kasal namin ngayon! Nasaan na siya?”

“Wala si Sir ngayon dito. Kahapon pa umalis. Kasama nga niya ang mga magulang niya.”

Natigilan ako. “Ha? Saan naman sila pumunta? Kasal namin ngayon ni Victor, Kuya. Magkausap pa lang kami kaninang umaga!”

Umiling si Kuyang Guard. “Pasensya na, Belinda. Wala talaga sila ngayon. Pumunta silang abroad para daw magbakasyon. Ayaw ko naman mawalan ng trabaho kaya hindi kita mapapasok.”

Tuluyan na akong nanghina.

Wala na si Victor. 

Umalis na siya.

Sa mismong araw ng kasal namin. 

Paano niya nagawa ito sa akin? 

Akala ko ba ay mahal niya talaga ako? Akala ko ay tanggap niya ako. 

Pero bakit bigla siyang nawala?

Bakit bigla niya akong iniwan?


Chapter 2

Naging usap-usapan sa buong Salcedo ang nangyari sa kasal namin ni Victor. Halo-halo ang kanilang mga opinyon. 


Mayroong mga naawa sa akin. Mayroon namang mga ako pa ang sinisi. 


Masyado raw kasing mataas ang pangarap ko sa buhay. Alam ko naman daw na napakalayo ng agwat namin ni Victor, pero talagang umasa pa ako na mamahalin niya ako nang totoo. 


Oo na. Siguro ay umasa talaga ako. Pero ramdam ko. Alam ko na minahal talaga ako ni Victor. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero hindi ako nawawalan nang pag-asa na babalik siya at kakausapin ako. 


Hindi ako lumabas ng bahay ng ilang araw. Puro ako iyak. Ilang beses ko ring sinubukang tawagan si Victor pero hindi ko na talaga ito na contact. 


Paminsan-minsan ay nalabas ako para dumalaw sa mansyon nila. Umaasa na baka bumalik na ito. 


Pero wala talaga. 


Lumipas ang mga araw. Ang mga araw na naging linggo. Ang linggo ay naging buwan. Hanggang sa lumipas ang tatlong taon. 


Tuluyan na akong nawalan nang pag-asa ata pilit na inayos muli ang buhay ko. 


Nagtrabaho akong muli upang may maipangtustos sa pamilya ko. Matatanda na sila Inay at Itay. Nag-aaral pa si Junjun. Ako na lang ang inaasahan nila. Kaya kahit masakit pa rin ang aking puso at gustong-gusto ko nang bumitaw ay kinailangan ko na ulit magtrabaho. 


“Bel! Naku! Nandiyan na naman si Sir Mike!” 


Napatingin ako kay Andrea, ang best friend ko. Parehas kaming nagtratabaho ngayon sa kompanya ng mga Benitez. 


Oo, dito pa rin ako nagtrabaho dahil halos lahat naman ng kompanya dito sa Salcedo ay ang mga Benitez ang may-ari. 


Naiikot ko ang aking mga mata. “Ano ka ba, Andeng? Trabaho ang asikasuhin mo!” saway ko sa kaniya. 


Napalabi si Andrea. “Ano ka ba? Three years ka nang single. Tsaka si Sir Mike na ‘yan, oh? Ayaw mo pa ba?” 


Napailing na lang ako habang nakangisi nang kaunti. 


Si Sir Mike, ang manager namin. Matagal na kasi itong nagbabalak na manligaw sa akin. 


Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang umoo sa kaniya. Gwapo naman si Sir Mike. Matipuno rin ang katawan at may matangos na ilong. Higit sa lahat ay mabait ito. 


Pero hindi pa talaga handa ang puso ko. 


“Sabi ko naman sa ‘yo na ang focus ko ngayon ay ang magpayaman! Saka na ‘yang mga lalakeng ‘yan!” sabi ko na lang. 


“May lalake ka na?" 


Natigilan ako noong marinig ko ang boses ng isang lalake. Pag-angat kong muli ay nakita ko ang gwapong mukha ni Sir Mike. 


Napakurap-kurap ako. Nakita ko pa si Andrea na nakangisi nang malapad sa likuran ni Sir Mike. 


‘Itong babaeng ‘to talaga!’


Nag-aalinlangang ngumiti ako. 


"Huh? Wala, Sir! Itong si Andrea kasi. Pinagti-trip-an ako.” 


Natawa si Sir Mike. “Here." 


May inilapag itong cup ng kape na nabili niya sa labas. Naamoy ko agad ang aroma ng paborito kong flavor. Mocha coffee. 


Pero hindi ko agad iyon hinawakan kasi nahiya ako kay Sir. Palagi niya kasi ako dinadalhan nito tuwing umaga kahit sinasabihan ko nang hindi na kailangan. 


“Naku, Sir! Bakit nag-abala ka pa? Okay na naman po ako.” 


Umiling si Sir Mike. “It’s okay. Tsaka binigyan ko rin ang lahat. Today is a special day.” 


Napatingin ako sa ibang mga kasama ko. May isa kaming katrabaho na naglalapag ng kape sa lamesa ng teammates namin. 


Napangiwi ako nang kaunti. Masyado ata akong nagi-expect palagi. 


“Special day? Bakit po, Sir? Tambak na naman ba ang trabaho namin?" pabirong tanong ko. 


"Hindi naman. Pero dadating kasi ang bagong CEO ng company ngayon. So, we need to impress him. And I am expecting that you all will do good, okay?” 


Inilibot ni Sir ang paningin niya sa amin. 


“Yes, Sir!" sabi ng isa naming team. 


Nagpalakpakan pa ang iba. 


"Team Mike all the way!” sigaw ng isa. 


Napuno saglit nang tawanan ang silid namin. Itinaas ni Sir Mike ang kamay niya at unti-unting humupa ang ingay. 


Ako naman ay napapangiting kinuha ang kape na ibinigay ni Sir. Deserve naman niya ang recognition. 


Mabait  na boss at may care sa kaniyang mga tao. Kahit pressured sa trabaho ay never pa kaming nakarinig ng mga masasakit na salita. 


“And you, my best employee.” 


Tumingin sa akin si Sir Mike. Napaupo agad ako nang maayos. 


“Ikaw ang magto-tour kay Mr. Benitez sa buong company. Okay lang ba?” 


Bigla akong natigilan noong marinig ko ang binanggit niyang pangalan. 


“B-Benitez? Isa sa mga Benitez ang bagong CEO?” tanong ko. 


Bahagyang nangunot ang noo ni Sir. “Well… I’m not sure. Hindi ko pa siya nakikita, actually. So, it’s okay?” 


Pinilit ko na lang ngumiti at marahang tumango. 


“O-Of course, Sir.” 


Bakit bigla akong kinabahan?


Chapter 3


Hindi na ako mapakali magmula noong mag-announce si Sir Mike. 


Pakiramdam ko kasi ay may paparating na na namang delubyo sa buhay ko. At sigurado ako na hindi ko naman iyon magugustuhan. 


Tanghali noong biglang lumabas si Sir Mike sa office niya. 


“Come on, Guys! Mr. Benitez is coming up already!” masayang anunsyo nito. 


Lahat kami ay napatigil sa kaniya-kaniyang ginagawa. Pinatayo kami ni Sir Mike at pinalinya sa may elevator. 


“Inaasahan kita ngayong araw, Bel. Okay lang ba?” bulong ni Sir Mike sa akin. 


Napangiwi ako. “S-Sure, Sir! I’ll do my best!" sagot ko. 


Kahit na deep inside ay parang gusto nang sumabog ng dibdib ko. 


Kilala ko ang halos lahat ng mga Benitez dahil ilang taon din akong naging nobya ni Victor. At siya lang ang alam kong Benitez na wala ngayon sa Salcedo.  


Pero sana hindi nga siya ito. Sana iba ito. 


Tinapik ni Sir Mike ang balikat ko. Ilang sandali pa ay tumunog na ang elevator. Hudyat na bubukas na ang elevator. 


At doon ay parang tumigil ang mundo ko. 


Dahan-dahang bumukas ang pinto. Hindi pa man nakakababa ang sakay noon ay naamoy ko na ang gamit nitong pabango. 


Pabango na hanggang ngayon ay hindi ko pa nalilimutan. That minty smell na nanunuot talaga sa utak ko. 


Lumabas muna sa elevator ang isang lalake na nakasuot ng formal suit. Matangkad. Malinis ang gupit ng buhok. At matipunong katawan. Something na talagang hahabulin ng kahit na sinong babae. 


Oh how I miss that face. 


Pero sa kabila noon ay muli akong nakaramdam ng kirot noong unti-unti kong na alala ang mga nangyari noon. 


It was Victor Benitez. Si Victor ang bago naming CEO. 


Nangilid agad ang mga luha ko at napatitig lang sa kaniya. 


Sinubukan ko talagang pigilan ang sarili ko na lapitan siya at biglang yakapin. Sa kabila kasi ng mga nangyari ay hindi ko maitatanggi na na-miss ko rin siya nang sobra. 


Naramdaman kong marahang siniko ni Andrea ang tagiliran ko. 


“Bel… Hindi ba si Ex mo ‘yan?” ani Andrea. 


Napakurap-kurap ako. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko. 


“H’wag ka maingay, Andeng. Nasa trabaho tayo,” saway ko sa kaniya. 


“Mr. Benitez! Salamat at nakarating na kayo!” 


Lumapit agad si Sir Mike kay Victor at nakipagkamay dito. 


“How’s your flight, Sir?” 


“Well… it was good. But I still have jet lag, I guess. I couldn’t sleep last night,” tugon ni Victor. 


Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya. 


Kagabi pa pala siya narito. Pero ni hindi manlang niya ako naisip na hanapin. Talaga bang kinalimutan na niya ako? 


“Anyway, this is my team, Sir. And we will be working with you,” pakilala ni Sir sa amin. 


Agad na bumati ang ibang mga katrabaho ko sa kaniya. Pero ako ay nanatiling nakatingin sa gilid. Hindi ko magawang matingnan siya dahil para na akong mauubusan ng hininga sa bilis nang pagtibok ng puso ko. 


Kaya nagulat ako noong bigla akong hinawakan ni Sir Mike sa braso at hinila palapit kay Victor. 


“And this is Belinda. She will tour you around.” 


Bigla akong nanigas noong mapalapit ako ulit kay Victor. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis nang pagtibok niyon. 


Tumingin ako kay Victor. Nakatitig na rin siya sa akin. Pero mayroong kakaiba roon. 


The grey eyes that looked at me full of love and kindness before. Now it was icy and cold. Na para bang hindi niya ako kilala. 


“Belinda?" ani niya pa. 


"Yes, Sir. Belinda is my best employee here.” 


Tumango si Victor. Then he smirked. 


“Okay. Then she will be my secretary." 


Napamaang ako. 


Seryoso ba siya?! 



Chapter 4


Victor’s POV


There she was. 


Akala ko ay never ko na siyang makikita. 


Mabuti na lang at nagawa ko nang makaalis sa pagpipigil sa akin ni Mommy. 


I came back to Salcedo just for her. I know that she was waiting for me. Pero bumalik ako hindi para makipag-ayos sa kaniya. 


Bumalik ako para pagbayarin siya sa pananakit niya sa akin. 


Who does she think she was?


I am Victor Benitez. The only heir of the Benitez Corporation. And she dared to make a fool of me?


The moment I saw her again, kitang-kita ko agad ang labis na gulat sa mga mata niya. 


Lalo na noong magkaharap kaming muli. 


“S-Seryoso ka, Sir? You want me as your secretary?” naninigurado pang tanong ni Belinda. 


I smirked. 


What? Was she tense now because I’m here? Dahil akala niya malalaman ko na ang mga panggagago niya sa akin?


Well, sorry for her. Dahil matagal ko na iyong alam. 


“Yes. Okay lang naman, right?” 


She blinked. Those eyes. 


I won't fall for it this time. 


Mabilis na tumango si Belinda. “O-Of course, Sir! It's my honor to be your secretary!”


“Good. No need to tour me around. Just send me the sales report from 2023 to present,” utos ko. 


Pagkatapos ay naglakad ako paderetso sa magiging opisina ko. 


Hindi ko na kayang harapin pa si Belinda. Baka hindi ko na ma-control pa ang sarili ko. 


And she shouldn't blame me. Dahil ang nga susunod na mangyayari sa amin ay kasalanan niya. 


It was her payment for hurting me. 


No one hurts Victor Benitez without paying with their life. 


Belinda's POV


Para pa rin akong nananaginip ngayon na nagkita na kami ulit ni Victor. 


Ang akala ko talaga ay hindi na ito ulit mangyayari pa. Pero parang may mali. 


Para bang umaasta si Victor na hindi niya ako kilala kahit na ginawa niya akong secretary. 


Akala ko noong una ay para lang magkalapit kami ulit. Magkaayos o magkapaliwanagan manlang. 


Pero mali ako. 


Halos hindi na nga niya ako papagpahingain sa trabaho ko. Kahit saan ay kasama niya ako. 


Sa mga meetings. Sa mga company visits. Kahit sa simpleng handaan ay sinasama niya ako. 


Nahihiya nga ako dahil parang sinasadya niya iyon. Tapos ipapahiya niya ako sa harap ng maraming tao. 


Tiniis ko kahit na nalilito ako sa kung ano man inaasta niya. 


Ang Victor kasi na kilala ko ay sobrang mahal na mahal ako. Ni ayaw nga nito na madapuan ako ng langaw. Tapos ngayon ay halos alilain niya na ako sa hindi malamang dahilan. 


Hanggang sa hindi ko na kinaya ang ginawa niya isang beses. 


May company celebration kami noon. Taon-taon naming ginagawa iyon pagkatapos naming matagumpay na makapag-deal ng isang major deal. 


Naghanda talaga ako noong araw na iyon. I always do that. Nagsuot ako ng pink fitted gown na may mahabang slit sa may hita ko. 


Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up. 


Pagdating ko sa venue ay nakita  ko agad sila Andrea at Sir Mike. Nasa may entrance sila. 


Nasuot ng silver dress si Andrea. Habang si Sir Mike ay gwapong-gwapo sa suot nitong amerikano. 


“Bell! Wow! Ang ganda mo naman!” ani Andrea. 


Lumapit siya sa akin at nakipagbeso. Matipid akong ngumiti. 


“Ikaw din."


"Bagay na bagay sa ‘yo, Belinda,” ani Sir Mike. 


Lumabi si Andrea. “Sus! Kanina hindi manlang ako nabati. Kapag talaga si Belinda ang nasa harapan mo talbog na lahat, Sir!” 


Pinandilatan ko si Andrea. 


“Ikaw talaga, Andeng!” 


Natawa si Sir Mike. “It’s okay. Totoo naman. Pero ewan ko ba sa kaibigan mo. Hindi ko alam kung kailan niya ako sasagutin.” 


Napangiwi ako. “Eh sir—” 


“What are you three still doing here? Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?” 


Biglang sumingit ang isang pamilyar na baritonong boses. 


Paglingon ko sa likuran ko ay si Victor na iyon. Madilim ang mukha at salubong ang mga kilay na nakatingin sa amin. 


Agad kaming luminya ni Andrea at marahang nag-bow kay Victor. 


“Sorry, Sir. Hinintay kasi muna namin si Belinda,” si Sir Mike ang sumagot. 


Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Victor. 


“Can’t you go inside without her? You are the manager, Mr. Castillo. Don’t disappoint me.” 


Nagkatinginan kaming tatlo. Nakita ko rin na tila ba ay nag-iba ang timpla ni Sir Mike dahil sa pagtataray ni Victor. 


“Ahm, Okay, Sir. Siguro. Pumasok na nga lang tayo sa loob.” 


Hinawakan ko na sa braso ni Andrea at sinenyasan si Sir Mike. 


“S-Sige. Para makapag-celebrate na rin tayo,” ani naman ni Andrea. 


Tumalikod na kami kay Victor. Lalakad na sana ako ulit pero muli akong napatigil. 


“Who says you can go now, Ms. Jimenez?” 


Unti-unti akong lumingon kay Victor. “What, Sir?" 


"Follow me.” 


Hindi na ako nakapagtanong pa noong naglakad na si Victor. Sinenyasan ko na lang sila Sir Mike na pumasok na sa loob. 


Ako naman ay nagmamadaling sumunod kay Victor. Halos magdapa pa ako dahil sa bilis nang paglalakad nito. Kaya noong bigla siyang tumigil ay naumpog pa ako sa likod niya. 


Nasapo ko ang noo ko. Napalabi pa ako dahil para namang wala talagang pakealam si Victor. 


“This is a celebration, right? So, we should be really entertained,” ani Victor. 


Nangunot ang noo ko. Pagtingin ko sa harapan niya ay may isang nakasarang pinto. 


Binuksan iyon ni Victor at agad kong narinig ang malakas na tugtog sa loob ng silid. Pumasok siya roon kaya sumunod ako agad. 


Bahagyang madilim ang paligid dahil sa dim lights. Medyo nakakahilo pa dahil sa disco lights. Sa isang mahabang lamesa ay nakapalibot ang ilang mga kalalakihan na may kaniya–kaniyang kapareha. 


“Mr. Benitez! You’re here at last!” ani ng isang lalake. 


Matipid lang na ngumiti si Victor. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin. 


“Hindi ba ganito? You should now entertain us.” 


Napaawang ang bibig ko. Hindi ko pa maproseso ang sinabi niya noong hinawakan niya ako sa braso at biglang pinunit ang laylayan ng dress ko. 


Chapter 5

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Victor. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa kaniyang ginawa. 

“Ano?” 

Hindi pa naman ako lasing dahil hindi pa ako nakakainom. Kararating ko nga lang sa hotel. Kaya malinaw kong narinig ang sinabi niya. 

Pinaghuhubad niya ako.  

Nagsalubong ang mga kilay ni Victor. Tiningnan lang niya ako na para bang normal lang sa kaniya ang lahat. Hindi ko nga makitaan nang pag-aalinlangan ang mga mata niya. 

“Are you deaf? I told you to undress now.” 

Napakurap-kurap ako. Sinubukan ko pang hanapin sa mga mata niya na nagbibiro lang siya. Baka lang naman ay pina-prang niya ako. 

Kaso wala. Seryoso siya sa gusto niya. 

“D-Dito? Victor—” 

“You don’t call me by my name!” biglang nagtaas ng boses si Victor. 

Napaatras pa ako dahil nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Nangilid na ang mga luha ko. 

Bakit pakiramdam ko ay galit na galit siya sa akin? Hindi ba siya ang nagloko at nang-iwan sa ere? Bakit ngayon ay parang ako pa ang may kasalanan?

Hinawakan ko ang sleeve na pinunit niya at tiningnan siya ng deretso. 

“I’m sorry, Mr. Benitez. Pero hindi ko gagawin ang gusto mo,” deretsong sabi ko. Pilit ko pang pinatapang ang boses ko kahit na ramdam ko na ang panginginig niyon. 

“Whoa! Mukhang matapang itong kasama mo, Victor. I love my woman fierce. Iyon bang… pa hard-to-get pa, pero bibigay din naman pala,” sabi ng isa sa mga kasama nito. 

Nangilabot ako sa sinabi nito. Bigla akong nanliit dahil pakiramdam ko ay hindi tao ang tingin nila sa akin ngayon. Kundi isang laruan. 

Biglang hinawakan ni Victor nang mahigpit ang braso ko. 

“Kapag may iniutos ako sa ‘yo. Gagawin mo, okay? I own you, Ms. Jimenez. At isa pa, h’wag ka nang magmalinis pa. Hindi ba’t ganito ka naman talaga?” 

Napaawang ang bibig ko. Biglang nagpantig ang tainga ko. Pilit ko siyang tinulak at sinampal nang malakas. 

Natahimik bigla ang buong silid. May ilan pang napasinghap dahil sa ginawa ko.

Ano ba ang akala niya sa akin? Babaeng walang puri? Ni wala pa ngang nangyayari sa aming dalawa! Tapos sasabihin niyang gusto kong maghubad sa harap ng maraming tao? 

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ‘yo, Victor. Pero hindi mo ako pag-aari!” sigaw ko. 

Nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa sobrang galit at pagkadismaya. Ang lalakeng minahal ko noon ay ganoon pala kababa ang tingin sa akin. 

Nasapo ni Victor ang kaniyang pisngi. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako. 

“How dare you?! Do you want to die already?!” tanong niya. 

Hindi makapaniwalang napangisi ako. “Do it. You already did three years ago,” I whispered. 

Nakita ko na biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nagulat siya sa sinabi ko at tila ba ay nalito. Pero saglit lang iyon. Muling bumalik ang matinding galit sa mga mata niya. 

Naigik pa ako noong bigla niyang hawakan ang leeg ko. Napugto ang aking paghinga kaya sinubukan ko ulit alisin iyon. 

“You asked for this,” gigil na sabi niya. 

Sandali akong nag-panic. Gusto na niya ba talaga ako mamatay? 

Bakit ba parang galit na galit siya sa akin? What did I even do to him para gawin niya ito sa akin? 

Tuluyang tumulo ang mga luha ko. 

Nakalimutan na ba talaga niya ang nakaraan namin? 


Chapter 6

Victor’s POV

I stared at Belinda while she was lying on my bed. 

Bakit pakiramdam ko parang may mali? Bakit parang imbes na matakot kanina ay parang nasasaktan pa siya? 

Parang may kakaiba sa kaniya. 

Hindi ba dapat ay humingi na siya ng tawad sa akin? Bakit parang wala siyang ideya sa nagawa niyang kasalanan sa akin? 

Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin. 

Mali. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko. 

Belinda fooled me once. Hindi ako papayag na magawa niya pa ito ulit sa akin. 

Tumayo na ako at iniwan siya sa silid. Paglabas ko ay sinalubong ako agad ni Matthew, my right-hand man. 

“Boss, what should we do now? Mukhang masyado siyang natakot sa ‘yo kanina. Hinimatay siya.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. 

“Why do you care? Dapat lang na matakot siya. This is just the beginning.” 

Nag-iwas ng tingin si Matthew. I could see the hesitation in his eyes. 

“May gusto ka bang sabihin?” 

Napangiwi si Matthew at bahagyang napakamot sa likod ng kaniyang ulo. 

“Ahm, Boss. What if… we are all wrong?” 

I smirked. “Then I will end you, Matthew. Hindi ba’t ikaw ang nag-double check ng lahat ng ebidensya?” 

Napakurap-kurap si Matthew. He was already wavering kaya napatungo ito. 

“S-Sorry, Boss.” 

Napailing na lang ako. Back then, sinigurado ako na tama ang lahat ng ebidensya na mayroon ako. I have known Belinda all my life, at hindi ako makapaniwala na napaikot niya ako nang gano’n-gano’n lang. 

Tapos ngayon ay manghihina siya sa harapan ko? 

Weak. 

“Ikaw na ang bahala dito. I’ll go back to the party.” 

Nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng hotel room. Naiwan doon si Matthew na naka-bow pa rin. 

Kanina habang sinusubukan kong pahiyain si Belinda ay bigla na lamang itong nawalan ng malay. 

She always has a weak heart.  Pero ano ba ang pakealam ko? It was all for the show. Kaya alam ko ngayon na nagpapanggap lang siya. 

Tsk! 

Same trick! Akala niya ba mauuto niya ako ulit? 



Belinda’s POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. 

Wala na ako sa madilim at magulong silid na iyon. 

Nawala na ang maingay at malakas na tugtugin. 

Napalitan ng nakabibinging katahimikan. 

Muli ay binalot ako nang matinding kalungkutan at kirot sa aking dibdib. 

Nasapo ko ang aking leeg. Nararamdaman ko pa rin doon ang matigas na kamay ni Victor.

Ibang-iba na ang Victor na nakaharap ko kanina. Handa talaga siya na paghubarin ako sa harap ng mga kaibigan niya. 

Paano niya ito nagawa sa akin? Bumalik lang ba siya para pahirapan ako ng ganito? 

Muling tumulo ang mga luha ko. 

Naghintay ako sa kaniya sa pag-asa na muling maibabalik ang kung ano mang mayroon kami. 

Tatanggapin ko pa rin naman siya e. Mahal na mahal ko si Victor. Kaya kong magpikit-mata sa nagawa niya sa akin kahit na masakit. Basta bigyan niya lang akong nang magandang paliwanag. 

Kaso wala. Bagkus ay heto pa ang ginagawa niya sa akin. 

Pinahid ko na ang mga luha ko at tumayo. 

Hindi ko alam kung paano ako napunta rito matapos kong mawalan ng malay sa silid na iyon. Matapos niya akong sakalin. 

Ayaw ko nang umasa na siya ang nagdala sa akin dito. Nagawa niya nga akong sakalin. Bakit pa siya mag-aabala na dalhin ako rito?

Dapat siguro ay tanggapin ko nang hanggang dito na lang kami. Hindi ko na kakayanin pang makita si Victor kung ganito siya. 

Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin. Pero mas pipiliin ko na lang na ako ang lalayo kaysa ganito. 

Pagkalabas ko ng kwartong iyon ay doon ko lang na realize na naroon pa rin ako sa hotel kung saan sana gaganapin ang banquet. 

Maaga pa kaya sigurado ako na nagkakasiyahan pa rin sila roon. Pero wala na akong lakas na magpakita pa sa mga katrabaho ko. Higit sa lahat ay sira na ang damit ko. 

Kaya naman ay nagdere-deretso na lang ako palabas ng hotel. 

Hindi pa man ako nakakalayo ay may biglang tumawag sa akin kaya napatigil ako. 

“Belinda?” 

Paglingon ko ay nagulat pa ako noong makita kong si Sir Mike iyon. Napaawang ang bibig ko at bahagyang napaatras. 

“What happened to you? Sino’ng gumawa nito sa ‘yo?” gulat at nag-aalalang tanong niya. 

Lumapit siya sa akin habang hinububad ang kaniyang jacket. Pagkatapos ay ipinatong nito iyon sa balikat ko upang matakpan ang punit kong damit. 

Nakagat ko ang aking labi. 

Pakiramdam ko bigla ay bumigat ang dibdib ko noong makita ko si Sir. Kaya hindi ko na napigilan pa at napahagulhol ako. 

“Sshh… I’m here now.” 

Marahang hinagod ni Sir Mike ang braso ko. Habang ang noo ko naman ay nakasubsob sa kaniyang dibdib. Para akong batang nagsusumbong sa kaniya at iyak nang iyak. 

Wala naman akong balak na sabihin kay Sir Mike ang koneksyon ko sa boss namin. 

Siguro ay naghahanap lang ako nang mapaglalabasan ng bigat ng nararamdaman ko. 

Ang sakit. Para akong unti-unting pinapatay. Mas masakit ito kaysa noong unang beses kong mapanood ang video. Noong iniwanan ako sa harap ng simbahan ni Victor. 

Mas durog na durog ako ngayon dahil nakikit ako mismo si Victor. Dahil mas alam ko na sinasaktan na niya ako. 

Sana ay pinatay na lang talaga niya ako kanina. Edi sana ay hindi ko na ulit nararamdaman ito. 

“What the hell is going on here?!” 


Chapter 7

 “What the hell is going on here?!” 

Napaigtad ako nang marinig ko ang galit at malalim na boses ni Victor. Awtomatiko akong napalayo kay Sir Mike at napalingon sa aking likuran. 

Doon ay nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Victor habang palipat-lipat ang mga tingin sa amin ni Sir Mike. 

“V-Victor…” 

Nangunot ang noo ko. 

Bakit siya nagagalit? 

Hindi sumagot si Victor. Bigla na lamang itong lumapit sa amin. Bago pa man kami makapag-react ay bigla nitong sinuntok si Sir Mike sa mukha. 

“Victor!” sigaw ko. “Stop it!” 

Mabilis kong hinawakan sa braso si Victor at sinubukan itong hilain. Pero itinulak lamang niya ako kaya natumba ako sa lapag. 

Nakita ko na lang na pinatungan ni VIctor si Sir Mike at pinagsusuntok pa ito. Pinilit kong tumayo at pinaghahampas ang likod ni Victor. 

“Stop it! Victor! Ano bang problema mo?!” 

“You! How dare you touch her, huh?! She’s—” 

Natigilan bigla si Victor. Naiwan sa ere ang isa nitong kamay na nakaamba pa rin kay Sir Mike. 

Para itong biglang natauhan sa kaniyang ginagawa. Bigla nitong binitawan si Sir Mike at umalis sa ibabaw nito. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. 

Napaatras ako nang kaunti dahil bigla akong kinilabutan sa tingin niya. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang anumang oras ay kakainin ako nito ng buhay. 

Ito ang unang beses na nakita kong ganito si Victor. 

Hindi siya nagsalita. Huminga lang siya nang malalim habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng mga mata ko. Pero sa sandaling iyon ay nakita ko ang paninibugho sa mga mata niya. Pagkatapos ay dumura ito saka tumalikod na sa akin. 

Hinintay ko muna siya na makalayo bago ko nilapitan si Sir Mike. 

“Diyos ko, Sir Mike! S-Sorry po!” 

Napaubo si Sir Mike. Dumura ito ng dugo. Sabog na ang gilid ng labi nito at pikit na ang isang mata dahil sa mga suntok ni Victor. 

“S-Sorry, Sir. Kasalanan ko ‘to.” 

Marahang umiling si Sir Mike. 

“What’s with Mr. Benitez? May nakaraan ba kayo?” tanong niya. “Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng halos pumatay  na sa selos.” 

Natigilan ako sa tanong niya. Bumuntonghininga ako at napatungo. Wala akong ibang masabi kundi sorry. 

“It’s okay kung hindi mo pa magawang magsabi sa akin ngayon, Bel.” 

“P-Pasensya na talaga, Sir. Dadalhin na muna kita sa ospital.” 

Umiling si Sir Mike. Inalalayan ko siyang tumayo. Napakapit pa siya sa balikat ko at ang mga kamay ko naman ay nasa baywang niya. 

“Okay lang. Doon na lang sa kotse ko.” 

“Kaya mo ba mag-drive?” 

“Mag-book na lang ako ng driver.” 

“Ayaw mo ba talaga magpa-ospital?” 

Natawa si Sir Mike. “Okay lang ako, Belinda. Isa pa. Baka matuluyan na tayong dalawa kapag ihatid mo pa ako sa ospital.” 

Akala ko nagbibiro lang si Sir Mike. Pero noong sundan ko ng tingin ang tinitingnan niya ay napalunok ako. 

Nakita ko si Victor na nakatayo sa ‘di kalayuan at nakatanaw sa amin. Mariing nakakuyom ang mga palad niya at ang kaniyang mga kilay ay magkasalubong. 

Hindi ko man maaninag nang maayos ang mukha niya. Pero ramdam ko ang matinding galit niya. 

“Just help me until I get to my car.” 

Hindi na ako nagprotesta pa. Matapos kong maihatid si Sir Mike sa kotse niya ay tinulungan ko siyang makapag-book ng driver. Hinintay ko pa itong dumating bago ako umalis sa parking lot at naglakad na papunta sa waiting shed. 

Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang inakto ni Victor. 

Kung umasta siya sa akin ay para bang sobra ang selos niya. 

Hindi ba wala na siyang pakealam sa akin? Balak niya pa nga ako atang ibenta sa mga kaibigan niya kanina. 

Natigil ako sa pag-iisip noong biglang may pumarang sasakyan sa harapan ko. 

Hindi ko na sana iyon papansinin. Pero nagulat ako noong bumukas ang pinto at lumabas mula roon si Victor. 

Napaatras ako dahil hindi pa rin nagbabago ang mga tingin nito sa akin. 

“Bakit—” 

Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lamang niya akong binuhat sa may balikat niya. Pagkatapos ay ipinasok niya ako sa loob ng kotse niya. 

“What are you doing?!” 

Chapter 8

“Palabasin mo ako!”  

Pilit kong binuksan ang pinto  sa tabi ko. Pero kahit na anong galaw ko door handle ay hindi ko iyon mabuksan dahil naka-lock iyon. 

Tumingin ako sa unahan sa driver ni Victor. 

“Kuya, please! Buksan mo po ang pinto!” pakiusap ko. 

Pero umiwas lang ng tingin ang driver. Napahikbi na ako. Pakiramdam ko bigla ay nawalan ako nang kakampi. 

Tumingin ako kay Victor na nasa tabi ko at para bang wala lang nangyari. Na para bang hindi niya ako pwersahang kinuha at ipinasok sa loob ng sasakyan niya. 

“Let’s go,” sabi pa nito. 

Napaawang ang bibig ko. 

“Ano ba ang problema mo, Victor?!” 

Hindi siya sumagot. Nanatili lamang itong nakatingin sa unahan habang salubong ang mga kilay. 

Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko. 

“B-Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?” tanong ko. “A-Akala ko ba ayaw mo na sa akin? Kung wala na talaga tayo, pwede bang hayaan mo na ako? Bakit ba pilit mo pa rin akong giinugulo?” galit na tanong ko. Habang pilit na pinipigilan ang sarili na humikbi. 

Hindi pa rin sumagot si Victor. Pero nakita ko na medyo nag-iba ang ekspresyon niya. 

Napailing na lamang ako at sumandig. Tumingin ako sa labas ng bintana habang pilit pa ring kinakalma ang sarili. Hindi ko na kasi mapigilang hindi mapaiyak. 

Parang may kumukurot sa dibdib ko habang unti-unti rin iyong bumibigat. 

Nagpatuloy ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa condominium building na pag-aari rin ng mga Benitez. 

Tumigil ang sasakyan sa parking lot. Pero hindi ako kumilos kahit na binuksan na ni Victor ang pinto sa may tabi ko. 

“Get out.” 

Hindi ako sumagot. Ni hindi ako lumingon sa kaniya at nanatili lamang na nakaupo. 

Pero nagulat na lang ako noong bigla niya akong binuhat nang pangkasal. 

“Victor! Ibaba mo ako!” 

Pero siya naman ang hindi nagpatinag ngayon. Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa leeg niya habang naglalakad siya papunta sa may elevator. Pagkasakay namin doon ay ibinaba na niya ako. 

Sinubukan kong lumabas ng elevator, pero hinawakan niya na naman ako sa braso. 

“Stay.” 

“Ano ba kasing kailangan mo?” 

Ngunit kagaya kanina ay wala na naman itong sinagot. Hindi ko na maiwasang maipakita ang frustration ko. 

Kung ayaw na niya sa akin. Bakit niya pa ito ginagawa? 

Hindi ko na napansin kung saang floor kami tumigil. Pero pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator ay hinila na ako agad ni Victor palabas niyon. Saka kami dumeretso sa isang penthouse na hindi pamilyar sa akin. 

Itinulak niya agad ako sa may sofa pagkapasok namin. 

“Ahh! Ano ba?!” 

Tatayo sana ako ulit pero biglang kumandong sa akin si Victor. Kaya napasandig ako bigla at napigil ang paghinga. 

Napakalapit na ng mukha niya sa akin. Nararamdaman ko na nga ang kaniyang paghinga dahil tumatama sa pisngi ang hangin. 

Napakurap-kurap ako. 

“A-Ano’ng ginagawa mo?” 

Bigla ay hinawakan ni Victor ang leeg ko. Nakuryente ako agad noong magdampi ang mga balat namin. Ramdam na ramdam ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko. 

“V-Victor.” 

Unti-unting bumaba ang kamay niya sa may dibdib ko. Na para bang pinapakiramdaman ang pagpintig ng puso ko. 

Nahiya na nga ako dahil malalaman niya na kinakabahan ako. 

Bigla ay ngumisi siya. 

“What? Are you excited?” 

Para akong sinampal nang reyalidad sa tanong niya. Kung kanina ay nahihiya ako dahil sa sitwasyon namin. Pero ngayon ay parang bigla akong nahiya dahil sa reaksyon ko ngayon. 

Natutuwa ba siya dahil na aapektuhan ako sa kaniya? 

Chapter 9

Galit na itinulak ko siya. Halos matumba pa siya dahil nga sa posisyon naming dalawa. Mabuti na lang at nakatayo siya agad napaatras. 

Tiningnan ko siya nang masama. 

“Ano bang problema mo, Victor? Natutuwa ka ba, huh? Masaya ka na pinaglalaruan mo ako?” inis na tanong ko. 

Natawa si Victor. 

“Why not? Hindi ba ito rin ang gusto mong mangyari? Ang paglaruan ako? To make a fool of me?!” 

Napaawang ang bibig ko. Muli ay nakita ko ang galit sa mga mata niya. Galit na para bang matagal na nito kinikimkim. 

“What did I even do to you at ganito na lang ang galit mo sa akin? Hindi ba ikaw ang nang-iwan noon? Hindi ba ikaw ang nagloko?!” galit na tanong ko. 

Nangunot ang noo niya. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa na para bang sinisigurado kung tama ang mga sinabi ko. 

“What did you say? Ako? Nang-iwan?” 

“Yes! Matapos mo akong lokohin. Matapos mong makipagsiping sa ibang babae! Talagang sinend mo pa sa akin sa araw mismo ng kasal natin?!” 

Natawa si Victor. Iyong tawa na para bang hindi siya sigurado. Umiling-iling ito. 

“No. Y-You… You’re the one who cheated on me. You left with another man. Hinanap kita, Belinda. Pero hindi na kita nakita. You left without even saying goodbye to me after receiving the money from my mother!” giit nito. 

Ako naman ang natigilan. “Ano? Anong pera? Victor, hindi ako umalis ng Salcedo! Hinintay kita rito! Halos araw-araw  akong naghahanap sa ‘yo. Nagpapabalik-balik sa mansyon niyo na baka dumating ka na. For three years, Victor! Hinintay kita!” 

Hindi nakaimik si Victor. 

Tumalikod ito sa akin. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng balikat nito. Nalilito man, pero sa puntong iyon ay gusto ko na siyang lapitan at yakapin nang mahigpit. Pero mariin kong pinigilan ang sarili ko dahil sa mga sinabi niya. 

Iniisip niya na nagloko ako. Na mayroon akong ibang lalake. Na tumanggap ako ng pera sa magulang niya kapalit ng kalayaan niya. 

So, ito pala ang rason? Kaya nagkakaganito siya sa akin? Pero saan naman nagmula ang mga impormasyon na ito? 

“Get out,” biglang sabi ni Victor. 

Napakurap-kurap ako. “Huh?” 

“I said, get out or I will throw you out!” singhal niya sa akin. 

Napaatras ako. Hindi na ako sumagot pa at dali-daling kinuha ang bag ko saka lumabas ng penthouse niya. 

Walang lingon-likod akong tumakbo papuntang elevator. 

Kaya ba ganito ang nangyari sa amin? Mas pinaniwalaan niya ba talaga sila kaysa sa akin? 

Napahagulhol na lang ako sa loob ng elevator. 

Mahal na mahal namin ang isa’t isa. Alam ko na kung ano man ang pinagsamahan namin ni Victor noon ay totoo at wagas. Pero bakit ganito? Bakit ito pa ang nangyari sa amin? 

—-

Victor’s POV


Pagkalabas na pagkalabas ni Belinda sa bahay ko ay agad kong kinontak si Matthew. 

Something was wrong. Hindi maari ang mga sinabi ni Belinda. I have evidence of her cheating. Tapos ide-deny niya iyon ngayon? 

Pinapaikot niya pa rin ba ako? 

“Sir—” 

“Come to my house in ten minutes. Or I will kill you,” iyon lamang ang sinabi ko bago ko pinatay ang tawag. 

Itinapon ko iyon sa couch na inalisan ni Belinda. 

I can’t believe this. Impossible na mangyari iyon! 

I lost everything. I lost the woman I love the most dahil doon. Kaya hindi ako pwedeng magkamali. 

Hindi nga nagtagal ay dumating na si Matthew sa bahay ko. Hinihingal pa ito at halatang nagmadaling makarating agad. 

“I’m sorry, Sir. Medyo na—” 

Hindi ko na siya pinatapos pa. Agad ko siyang kinuwelyuhan at galit na tiningnan. 

“Tell me the truth. Where did you get your evidence?” 

Nangunot ang noo ni Matthew. “A-About what, Sir?” 

“Belinda! Why is she telling na hindi raw totoo na nagloko siya sa akin? That she waited for me?!” 

Natigilan si Matthew. Nakita ko ang pagkalito sa mga mata niya kaya lalo akong nanggigil. Humigpit ang hawak ko sa kwelyo niya hanggang sa tila ba ay nasasakal na ito. 

Walang puwang ang mga tanga sa paligid ko. 

Napaubo na si Matthew. 

“S-Sir! Please!” 

Binitawan ko na si Matthew. “Explain.” 

Huminga muna siya nang malalim. 

“Someone sent it to me. All of it. The pictures. The videos. Even the location. It was sent to your office.” 

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi. 

“And you didn’t even verify it? Tanga ka ba?!” 

“I’m sorry, Sir. I didn’t. Dahil galing iyon sa mommy mo.” 

Natigilan ako sa sinabi ni Matthew. 

So, that was it? 

They all planned this. 

Natawa na lang ako sa sarili ko. Hinagod ko ang buhok ko patalikod. At inis na sinipa ang lamesa na malapit sa akin. 

Ako. Ako pala ang tanga. Ang tanga ko dahil mas naniwala ako sa ibang tao kaysa sa babaeng mahal ko. 

And now she was gone. 

Chapter 10

Victor’s POV

I felt my whole life was a joke.

All this time, mali pala ako. 

Hindi ako iniwan ni Belinda. It was I who left her. 

Galit na sinuntok ko sa mukha si Matthew. 

“Useless!”

Nagmakaawa si Matthew na h’wag ko siyang saktan. But this was all his fault! Kung hindi siya tatanga-tanga na naniwala sa mga sinabi ni Mommy ay hindi sana ito mangyayari. 

Edi sana ay hindi kami nagkahiwalay ni Belinda. Edi sana kasal na kami ngayon. 

Sumalampak si Matthew sa sahig. Habang ako naman ay tumalikod at ang lamesa naman ang napagdiskitahan. Galit na hinawi ko ang mga dokumento at gamit na nakapatong doon. 

Kakatapos ko lang makumpirma sa magulang ko ang lahat. At hindi na nakapagtataka pa na dineny nila iyon. Pero hindi na nila ako mapapaikot pang muli. 

Ang problema ko ngayon ay paano ko muli makakausap si Belinda? I saw how hurt she was. Isa pa, akala niya ay nag-cheat ako sa kaniya. 

Iyong video? Hindi ko alam kung saan iyon nagmula. But I don’t have any recollection of it.

“You’re fired! I don’t need a stupid man like you!” sigaw ko. 

Hindi na sumagot pa si Matthew. Narinig ko na lamang na lumabas siya ng opisina ko. 

Nanghihinang napaupo ako sa sofa. I can’t believe na nangyari ito sa amin. 

I love her so much. Kahit ngayon. Kung alam ko lang sana.

Kung hindii lang ako naging tanga. 

I took a deep breath. Hindi ito tama. I need to do something. 

I get her back. 


Belinda’s POV

Akala ko pa naman ay mahal niya talaga ako. Akala ko ay totoo ang lahat.

Pero hindi pala. Sa huli ay mas naniniwala pa rin siya sa mga pamilya niya.

Sabagay?  Sino ba naman ako para seryosohin niya. Bakit pa nga ba ako umasa na magiging asawa ko ang isang Victor Benitez?

Mabuti na lang at nagising din ako agad sa katotohanan. 

Matapos ang pangyayaring iyon ay mas gusto ko na lang ng tahimik na buhay. Hinanda ko na ang resignation letter ko kinabukasan. Dala-dala ko iyon pagpasok ko. 

Sinalubong ako agad ni Andrea. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. 

“Bel! Mabuti naman at dumating ka na.” 

Matipid akong ngumiti sa kaniya. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa desk ko. 

“Narinig ko ang nangyari. Totoo ba? Si Sir Victor ang bumugbog kay Sir Mike?” 

Inilapag ko ang bag ko sa table ko at tumingin sa kaniya. 

“Kanino mo naman narinig ‘yan?” 

Iniikot ni Andrea ang kaniyang mga mata. “Ano ka ba? Maraming nakakita sa inyo kagabi! Sayang nga e. Na busy kasi ako sa pag-party.” 

Napangiwi ako. Pasimple kong inilibot ang tingin ko sa mga ka-team namin. May iilan na panaka-naka ang tingin sa akin na para bang may gustong iparating. 

Napabuga ako ng hangin. 

“Ewan ko ba. Hindi ko siya maintindihan,” bulong ko. 

Naupo ako sa upuan ko. Tumabi naman sa akin si Andrea. 

“Bakit? Nakikipagbalikan ba siya? Nalaman niya ba na nanliligaw sa ‘yo si Sir?” 

Umiling ako. “Hindi ko alam.” 

“Ano bang problema ng lalakeng ‘yon? Akala niya ba dahil boss natin siya ay magagawa na niya ang gusto niya? Niloko ka niya noon at iniwan sa harap ng altar. Bakit siya aasta ngayon nang ganoon?” 

Natahimik ako. Kahit ako ay malaking palaisipan sa akin ang kinikilos niya. 

“Wala na akong pakealam doon, Andrea. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan niya. Ni hindi nga siya nagso-sorry sa akin. Pero… kahit na ano pa man ang dahilan niya. Bahala na siya. Magre-resign na ako.” 

“Ano?! Bakit naman, Belinda?!” gulat na tanong ni Andrea. 

Marahan ko siyang napalo sa hita dahil nagtaas ang boses nito. Umiling ito na para bang hindi pa rin matanggap ang sinabi ko. 

“Hindi! Bakit ka naman magre-resign?” 

“Ayaw ko na ng gulo. At kung ito lang din naman ang mangyayari. Mas maigi pa na umalis na lang ako rito.” 

Inilabas ko ang papel mula sa bag ko at inilapag iyon sa may lamesa ko.

“Pumasok lang talaga ako para ipasa ito.” 

Napailing si Andrea. “Bel naman. Iiwan mo talaga ako rito? Ano sasabihin ko kay Sir Mike? Kay Sir Victor mismo?” 

Malungkot akong napatungo. Kung ako lang ang tatanungin ay ayaw ko namang umalis sa trabaho ko. Kaso kung ganito lang din ang mangyayari. Kung makakasakit lang si Victor nang dahil sa akin. Mas maigi pa ang umalis na lang ako rito.

“Mas maigi na siguro ito, Andrea. Marami pa namang company ang pwedeng pasukan.” 

“Saan? E halos lahat naman ng kompanya rito sa Salcedo ay pag-aari ng mga Benitez.” 

Natahimik ako saglit. 

“Edi hahanap ako sa ibang lugar. Kung kailangan kong mas lumayo pa kay Victor. Gagawin ko. Kung iyon naman talaga ang mas makabubuti sa amin. Dahil kahit naman ano ang gawin namin. Langit siya, lupa ako. Hindi na kami pwedeng magkasama pa sa iisang lugar.” 

Nangilid ang mga luha ko at gumaralgal ang boses. 

Ayaw ko mang umalis. Pero ito ang makabubuti. Kaysa magkasakitan pa kami ng sobra ni VIctor. 


Chapters 11-15



Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !