Chapter 11
Hindi naging madali sa akin ang paglipat ng City. Halos lahat kasi ng karatig syudad sa amin ay hawak din ng mga Benitez. Kaya wala akong ibang pinagpiliian kundi ang umalis na lang ng bansa.
Mabuti na lang at tiinulungan ako ng pinsan ko na makapag-apply sa pinagtatrabahuan nitong restaurant. Okay na rin kahit na galing ako sa corporate world.
Paumpisa lang habang hindi pa ako nagiging stable ulit dito.
Araw na ng alis ko papuntang Singapore noong makatanggap ako ng message mula kay Sir Mike. Gusto niyang makipagkita muna sa akin. Ayaw ko sana, pero hindi ko pa kasi siya nakakausap magmula noong mabugbog ito ni Victor.
Pagpasok ko pa lang sa coffee shop kung saan kami magkikita ay napansin ko na agad si Sir Mike. Nakaupo siya sa may dulong lamesa. Lumapit ako sa kaniya.
“Belinda!”
Agad na tumayo si Sir Miiike noong makita ako. Inayos niya ang upuan ko at hinintay na makapwesto ako bago muling naupo.
“Nag-abala ka pa, Sir.”
Lumabas ang dalawang biloy sa mga pisngi niya noong mapangiti siya.
“Ano ka ba? Sir pa rin? Just call me Mike now.”
Bahagya akong napangiwi. “Sorry. Nasanay kasi ako.”
“Masasanay ka rin ulit.”
Tumango na lamang ako. Muli akong tumungo at tumingin sa mga kamay ko na nakapatong sa aking kandungan.
“Ano pala ang gusto mo? Order muna tayo.”
Muli akong nag-angat ng ulo. “Ha? H’wag na, Sir–Mike. Busog pa ako.”
“Hmm… talaga ba?”
Tumango ako. “Isa pa, pumunta lang talaga ako rito para makipagkita sa ‘yo, Mike. Gusto ko sanang mag-sorry sa nangyari noon.”
Napatingin sa iba si Mike. Matipid siyang ngumiti.
“Iyon ba? Wala ‘yon, Bel. Pero sa totoo lang, I’m curious. Pasensya ka na kung nagtanong-tanong ako, ha?”
Sandali siyang tumigil na para bang nag-aalinlangan sa kaniyang sasabihin.
“Ex mo pala si Mr. Benitez.”
Napatungo ako. “Yes. Pero matagal na ‘yon.”
“Yeah… pero mukhang hindi pa rin siya maka-move on. He looked jealous, Bel.”
Natawa ako sa sinabi niya. Si Victor? Nagseselos? E balak niya pa nga akong ipatikim sa iba niyang kaibigan.
“I know a jealous man if I see one. Lalo na kung nasuntok ako nito.”
Napapailing na tumingin ako sa kaniya.
“Hindi mo kilala si Victor, Mike. Umaakto lang siya nang ganoon dahil hindi niya matanggap. Dahil mali ang pagkakaakala niya sa akin.”
Malungkot na tumango si Mike. Iyong parang natauhan. He sighed.
“Okay. Hindi na kita uusisain pa. Sapat na siguro iyong nalaman ko. Pero Bel… if you need someone to talk with. Or someone to be by your side. H’wag mong kakalimutan na narito lang ako. I’m one call away. I’m still sad that you left the company. You can come back anytime. Just call me.”
“Salamat, Mike. Pero aalis na kasi ako. Flight ko na mamayang gabi.”
Awtomatikong nangunot ang noo niya.
“You’re leaving? Saan ka naman pupunta?”
Ngumiti ako nang matipid.
“Singapore.”
“Why?”
“Gusto ko lang nang tahimik na buhay, Mike. Anyway, siguro ay dapat umalis na ako. Baka ma-late pa ako sa flight ko.”
Tumayo na ako. Sumunod din naman agad si Mike.
“Ihatid na lang kita sa airport.”
Umiling ako. “Hindi na, Mike. May dadaanan pa rin kasi ako. But salamat sa kape. Pasensya ka na talaga. Hindi pa talaga ako ready… naiintindihan mo naman, ‘di ba?”
Malungkot na tumango si Mike.
“Yeah. Pero… kung sakali lang naman. I’m always here.”
Siguro kung hindi ko lang naunang makilala si Victor. Baka siguro nabigyan ko ng chance si Mike. Kaso kahit na ganoon ang nangyari sa amin ni Victor ay siya pa rin talaga.
Kaya tama lang na lumayo ako. Dahil kahit na anong pilit kong mag-move on kung isang punta lang niya sa akin ay wala. Bibigay na naman siguro ako.
Kailangan kong tanggapin na hindi talaga kami pwede.
At nakakalungkot lang na imbes na may isang tao na willing na mahalin ako ay hindi ko naman maibalik ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin.
Chapter 12
Napangiti ako noong makita ko ang bagong apartment na titirahan ko rito sa Brimwell City. Dito kasi malapit ang bago kong trabaho.
Itong apat na sulok ng maliit na bahay na ito ang magiging saksi sa bago kong simula.
Inilapag ko na ang maleta ko sa sala. May kasama ng mga gamit sa loob kaya hindi na ako mahihirapan pa.
Hindi pa man ako nakakaupo ay tumunog na ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.
“Belinda! Nasa apartment ka na ba?” tanong ni Cassy, ang kaibigan ko na nakabase dito sa Singapore.
Kasama ko rin siya sa apartment na ito.
“Oo. Kararating ko lang.”
“Sige. Puntahan kita mamaya, ha? Andito pa kasi ako sa trabaho. Magpa-deliver ako ng pagkain mo diyan. Wala pa kasi akong stocks.”
Okay. Salamat talaga, Cassy.”
“No problem, Bel. Baba ko na ‘to. Kinamusta lang talaga kita. Bye!”
Nagpaalam na rin ako kay Cassy.
Minabuti ko na ayusin na ang mga gamit ko. Mayroong dalawang kwarto sa apartment kaya kinuha ko na ang isa na bukas lang. Maging doon ay hindi ko na rin problema ang gamit.
Mayroon ng kama at cabinet. Unan na lang ang problema ko pero madali na lang iyon. Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay sakto naman na dumating na ang in-order ni Cassy na pagkain.
Nilantakan ko na rin agad iyon dahil gutom na rin ako.
Hapon noong dumating si Cassy. Tuwang-tuwa ito nang makita ako. Ako rin naman dahil high school pa lang kami noong huli kaming nagkita.
“Naku, Bel! Sobrang mai-enjoy mo rito sa Singapore! Lalo na dito sa Brimwell. Mababait ang mga tao kaya hindi mahirap ang mag-adjust.”
“Salamat, Cassy. Hindi ko alam paano ako mag-uumpisa kung hindi dahil sa ‘yo.”
Napalabi si Cassy. “Ano ka ba? Wala ‘yon. Dapat nga pumunta ka na rito agad three years ago.”
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Alam din kasi ni Cassy ang nangyari sa akin noon. Isa siya sa mga nag-comfort sa akin at nagpalakas ng loob.
“Anywa! H’wag na natin siyang isipin,” biglang sabi ni Cassy. “Narito ka para mag-umpisang muli. And that’s what we will do.”
Matipid akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango.
Tama ito. Ito ang aking bagong simula.
Kagaya ng sabi ni Cassy, hindi naging mahirap sa akin ang paga-adjust dito sa Brimwell. Kahit sa trabaho namin ay hindi ako nahirapan. Noong malaman nga ng manager nila ang dati kong posisyon ay gusto na lang ako ilagay sa managerial position, pero tumanggi ako. Hindi naman mahalaga sa akin ang posisyon.
Ang mahalaga ay makapag-umpisa ulit ako.
Dati ko rin namang ginagawa ang pagiging waiter kaya hindi ako nahirapan.
Ilang linggo na rin akong naroon. Kahit paano ay nakakalimot na ako. Paminsan-minsan ay tumatawag sa akin sila Andrea para mangamusta.
“Uy, Bel. Bumalik na pala si Mr. Benitez,” ani Andrea.
Magka-video call kami no’n. Sakto rin na wala akong trabaho at nasa apartment lang.
Bigla akong nakaramdam ng kaba noong mabanggit ang apelyido ni Victor. Pero hindi ako nagpahalata kay Andrea na apektado ako.
“Oh?”
Umikot ang mga mata ni Andrea.
“Ito naman. Kwento ko lang naman.”
“Andrea, umalis nga ako riyan para maka-move on. Bakit mo naman ikukwento pa kasi sa akin?”
“E kasi nga, nagtanong siya. Muntik nga magkaroon ng round two sila ni Sir Mike dahil na naman sa ‘yo.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
“Ha? Bakit naman dahil sa akin?”
Napangiti si Andrea. “Oh, ‘di ba? Interesado ka rin! Sana all naman kasi may dalawang lalake na nagkakandarapa sa ‘yo. Besh! ‘Yung buhok mo! Abot hanggang dito sa Pinas!”
Ako naman ang napaikot ang mga mata.
“Malamang sinabi mo na tungkol sa akin!”
Tumawa si Andrea. “Kasi nga nagagalit si Mr. Benitez kasi pinayagan ka ni Sir Mike na mag-resign. Ito naman si Sir Mike ay pinipilit ang karapatan mo. Hanggang sa umabot na sa point na biglang uminit lalo ang ulo ni Mr. Benitez dahil ayaw sabihin ni Sir Mike kung nasaan ka. Mabuti na nga lang at may bisita no’n kaya naawat sila. Kasi kung hindi… ewan ko na lang kung ano ang nangyari.”
Natahimik ako ulit.
Hindi ko talaga mawari kung ano ba ang ibig iparating ni Victor.
Matapos ang lahat ay parang ayaw niya pa akong makawala sa kaniya.
Gusto niya ba talaga akong pahirapan?
Chapter 13
Victor’s POV
What the fck did I read?
Belinda resigned?
I just came back, tapos ito ang malalaman ko?
I didn't even approve her resignation!
Galit na pinunit ko ang papel na nabasa ko sa lamesa ko.
Dali-dali akong tumayo upang hanapin si Mike, her manager. Alam ko ito ang nag-approve niyon.
“Mike,” tawag ko rito noong makita ko ito sa hallway.
Bago pa man ito makaharap sa akin ay hinawakan ko na ito sa balikat at pinihit paharap sa akin. Pagkatapos ay walang pakundangan na sinuntok ko ito sa pisngi.
“How dare you?!” galit na sabi ko.
Akma ko pa ito ulit uundayan ng suntok ngunit inawat na kami ng ilang mga nakapaligid sa amin.
Habang si Mike ay gulat pa rin, sapo-sapo ang pisngi nito. Pero noong makabawi ito, naging seryoso ang mukha nito.
“My face is not a punching bag, Mr. Benitez. Or is this about Belinda again?” deretsang tanong ni Mike.
Natawa ako. He has the guts, huh?
“Why did you let her resign? Sinabi ko bang dapat siya mag-resign?!”
“Mr. Benitez, it was Belinda’s choice. At karapatan niya iyon na dapat lang na ibigay ng company. Bakit hindi ko siya hahayaan na gawin ang gusto niya?”
This man! Akma ko siyang aabutin ulit. Pero biglang pumagitna ang isang babae. I remember it was Andrea, Belinda’s friend.
“Mr. Benitez, please! May mga bisita po tayo ngayon. You two need to be okay until we finish the presentation,” paliwanag nito.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. I glared at him.
“Let’s just move on, Mr. Benitez. Like what Belinda is trying to do now. She deserves to be happy.”
“Why? Do you think I can’t make her happy? You don’t know our history.”
Mike smirked. “I know enough. Enough, that’s why I understand why Belinda chose to leave.”
My jaw clenched. Kung hindi lang para sa deal na kailangan naming gawin ay pinatulan ko na talaga ito. Nakalimutan niya bang ako pa rin ang boss niya?
I smirked. Then fixed my shirt. I stared at him one more time before going back to my office.
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinawagan si Matthew. He was still my right-hand man. Nakiusap kasi siya sa akin. At isa pa, marami na rin siyang nalalaman at mas alam niya ang trabaho ko. Mahihirapan ako kung kukuha ako ng bagong butler.
I gave him one more chance. At kapag magkamali siya ulit ay hindi lang trabaho niya ang matatapos. Pati na rin ang buhay niya.
“Yes, Sir.”
“Find where Belinda is now. I need to see her.”
“Okay, Sir.”
Pinatay ko na ang tawag at nanghihinang napaupo sa swivel chair.
Matapos kong ayusin ang lahat abroad, para sa wakas ay makasama ko na si Belinda, ay nawala naman ito bigla.
She was my life. Nawala na siya sa akin noon. Hindi ako papayag na sa ikalawang pagkakataon ay mawawala rin siya ulit.
Ilang sandali lang ay may natanggap akong text mula kay Matthew.
“Singapore? Ano naman ang ginagawa niya diyan?”
Napailing ako. That wasn’t far enough.
Napabuga ako ng hangin. Ganoon na lang ba talaga kalaki ang galit niya sa akin at mas pinili niya talagang umalis ng Pinas para lang mapalayo sa akin?
“No, Belinda. There is no country far enough for me to get you back on my side. I will fix everything. You’ll be mine again.”
Belida’s POV
Life was good. Finally ay unti-unti na akong sumasaya ulit. Unti-unting nakakalimot sa mga nangyari sa Pinas.
Ilang linggo na rin ako rito sa Singapore at masasabi ko na nagi-enjoy ako sa bago kong trabaho.
Pero hindi ko alam na ang akala kong tahimik at masayang buhay ko na sa Singapore ay muling magugulo isang araw.
Sabay kami ni Cassy na pumasok sa restaurant. Pero hindi pa man kami nakakapagsuot ng apron ay tinawag na kami ng manager namin.
Sarado pa ang shop. Kaya akala ko ay isa lang naman iyon sa mga morning session namin.
Nagdasal. Nag-exercise kaunti. Tapos nag-meeting. Hanggang sa biglang nag-announce si Ma’am Claire, ang manager namin.
“Everyone, this day is special. We will have a special guest coming. He paid the whole restaurant for a day!” masayang sabi nito.
Nagulat ang mga katrabaho ko. Pero masaya rin dahil ibig sabihin lang niyon ay hindi gano’n karami ang trabaho namin ngayong araw. Bayad ang buong araw namin. Pwede pa kaming makakuha ng tip mula sa special guest na iyon.
Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
“Ang swerte naman natin ngayon, Bel! Hindi tayo maha-hagard ng sobra. Makakapaggala tayo mamayang gabi,” excited na sabi ni Cassy.
Pinilit kong ngumiti.
“Oo nga.”
“And Belinda Jimenez. You were requested by our special guest. You will personally assist him.”
Bahagyang umawang ang bibig ko sa sinabi ni Ma’am Claire. Tumingin din sa akin ang iba kong katrabaho.
“M-Me? Are you sure, Ma’am?”
Marahang tumango si Ma’am Claire. “Yes. So, please. Ready yourself. Don’t disappoint us. You hold in your hands the fate of this restaurant. Okay?”
Hindi ko alam kung bakit. Pero parang may hindi magandang mangyayari mamaya.
Sino ba itong special guest na tinutukoy ni Ma’am?
Chapter 14
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa sitwasyon ko ngayon. Para kasing kahit na anong gawin kong pagtakbo ay patuloy pa rin akong hinahabol ng multo ng nakaraan ko.
Ang special guest na sinasabi ni Ma’am Claire ay dumating na. At sa kamalas-malasan pa ay walang iba iyon kundi si Victor.
Nakatayo na siya sa may entrance. Looking around like he was scanning the whole place.
Habang ako ay nanatili lang nakatayo sa gilid. My heart was throbbing already. Pakiramdam ko nga ay nanginginig na rin ang mga tuhod ko.
Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maging guest ng restaurant na ito ay si Victor pa?
“W-Welcome to our restaurant, Sir,” bati ko sa kaniya. Pinilit ko pang h’wag manginig ang boses ko kahit ramdam ko na ang pangangatal niyon.
Ngumiti si Victor sa akin. Ibang-iba kaysa noong huli ko siyang nakita. Maaliwalas ang mukha niya na para bang masaya ito na nakita ako. Malayong-malayo sa seryoso at malamig nitong pakikitungo sa akin noon.
“I see you again, Bel.”
Nangunot ang noo ko. Tumingin pa ako sa mga katrabaho ko na nasa may counter lang. Ang iba ay nasa may kitchen at pasimple na nakasilip sa amin.
Muli akong humarap kay Victor at pinilit na ngumiti.
“Ano’ng ibig sabihin nito, Victor? Ano’ng ginagawa mo rito?” mahinang tanong ko.
“I’m here to see you. I rented the whole place para magkaroon tayo ng tahimik na oras.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya.
“Matapos ang mga nangyari, Victor? Please. Nagtatrabaho ako rito. H’wag mo akong guluhin.”
“But–”
“Mr. Benitez!”
Biglang natigil ang bulungan namin noong lumapit sa amin si Ma’am Claire.
Umayos ako ng tayo habang si Victor naman ay lumingon dito.
“I’m so happy to have you at our restaurant. Ahm, where is your partner? Are you alone?”
“No. I’m not. I’m here to dine with Ms. Jimenez.”
Parang biglang nahugot ang kaluluwa ko sa katawan noong binanggit niya ang pangalan ko. Si Ma’am Claire naman ay bahagyang nangunot ang noo.
“Ms. Jimenez? Where is she?” tanong pa niya.
Bigla na lang akong kinabig ni Victor at hinila palapit sa kaniya.
“Here she is. Please bring us to our table.”
Gusto ko nang manliit sa ginawa niya. Nakita ko pa ang mga katrabaho ko na napanganga habang nakatingin sa amin. RInig na rinig ko ang mga kuro-kuro nila.
“O-Oh… really? I didn’t know that you know one of our employees,” ani Ma’am Claire, na nalilito pa rin.
“Today. She’s not.”
Tinanggal ni Victor ang suot kong apron at inihagis sa sahig.
“Victor. Ano bang ginagawa mo?” mahinang tanong ko. “Please. Tumigil ka na!”
Hindi ako pinansin ni Victor. Kahit noong iginiya na kami ni Ma’am Claire sa nireserbang lamesa niya.
Ang hindi ko rin alam ay kung bakit ako nagpahila sa kaniya hanggang sa makaupo kami sa table.
Agad na nag-serve ang mga katrabaho ko. Ang ilan sa kanila ay panaka-naka ang tingin sa akin na para bang nagtatanong. Pinilit ko na lamang na hindi mapatingin sa kanila.
Noong matapos sila mag-serve ay agad kong hinarap si Victor.
“Ano ba ‘to, Victor? What are you doing here?”
Tiningnan niya ako. Hindi kagaya no’ng una ay malumanay na ito. Wala na ang galit na hindi ko alam kung saan nagmula.
“I’m here to apologize, Bel. Alam ko na marami akong pagkukulang sa ‘yo. Please. Hayaan mo akong mag-explain sa ‘yo.”
Napangisi ako sa sinabi niya. “Mag-explain? Para saan pa, Victor? Tapos na tayo. Kung ano man ang rason mo noon. Wala na akong pakealam doon.”
Nakita ko na nagtangis ang kaniyang mga bagang. Bahagya ring nag-iba ang ekspresyon nito. Na para bang nasaktan ito sa mga sinabi ko.
Pero bakit? Hindi ba ito ang gusto niya.
“Belinda… I was wrong. I’m sorry. I’m here to fix everything. I won’t hurt you again. I promise.”
Tuluyan akong natawa sa huli niyang sinabi. Napailing-iling ako habang pilit kong pinipigilan na tumulo ang mga luha ko.
“Really? Won’t hurt me again? Victor. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang mga nangyari noon. Iniwan mo ako sa ere! Pinasa mo ako! Akala ko iba ka sa mga mayayaman diyan. Pero nagkamali ako. And now you are back para ano? Para saktan ako ulit ako?”
Umiling-iling.
“Hindi na, Victor. Tapos na tayo. Kaya, please. Just let me go and move on! Hayaan mo na akong mamuhay sa mundong kinabibilangan ko!”
Tumayo na ako bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Pakiramdam ko ay unti-unting naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit.
Nakakainis! Akala niya ba ay laruan ako?
Chapter 15
Tumakbo ako palabas ng restaurant. Ni hindi ko na nakuha ang gamit ko sa pagmamadaling lumayo roon. Tanging ang cellphone ko lang ang dala ko na nasa bulsa lang ng pantalon na suot ko.
Gusto kong lumayo. Kailangan kong makalayo kay Victor.
“Belinda! Wait!” narinig kong tawag sa akin ni Victor.
Pero hindi ako tumigil. Ni hindi ako lumingon sa kaniya.
Wala na akong balak na magpakatanga sa kaniya ulit.
Ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko upang mapatigil ako. Pinihit niya ako paharap sa kaniya.
“Just wait, Belinda. Let’s talk!” ani Victor.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Ni hindi ko magawang magsalita kahit na sobrang dami ng gusto kong sabihin sa kaniya.
Ang sakit. Ang hirap. Paano ko ba i-explain sa kaniya lahat ng hindi ako mauutal?
Napatitig sa akin si Victor nang puno ng lungkot. Nakita ko rin ang labis na pagsisisi sa mga mata niya. Pero walang ibang idinulot iyon sa akin kundi galit.
“I-I’m sorry, Belinda.”
Huminga ako nang malalim.
“Sorry? Sa tingin mo ba matatapos lang ang lahat sa isang sorry mo lang, Victor? Mawawala na iyong sakit? Iyong takot? Hindi, Victor Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko!”
“Alam ko. Kaya nga narito ako ulit para ayusin ang lahat, Bel. Just give me another chance.”
Natawa ako habang patuloy pa rin na umiiyak.
“Another chance… Right. Ganiyan naman kayong mayayaman e. Akala niyo makukuha lang ulit sa isang salita niyo. Chance? Para ano? Chance para saktan ulit ako? Victor, noong magkita tayo ulit ay natuwa ako. Akala ko magiging okay na tayo ulit. Ready na nga akong tanggapin ka ulit kahit na iniwan mo ako sa harap ng altar noon e. Kaso ano ang ginawa? Muntik mo pa akong ipagkanulo sa mga kaibigan mo! Tapos gusto mo akong bigyan kita ng chance ngayon, ha?”
Nag-iwas saglit ng mga tingin si Victor. Nakita ko na ang pagsisisi sa mga mata niya.
Matapos ang lahat ay ngayon pa siya nagsisi?
“Look. I understand that you are mad, Belinda. Tatanggapin ko lahat ng mga sasabihin mo. But let me explain first. Hindi ko sinasadya ang lahat.”
Muli akong natawa.
“Ah? Hindi mo sinasadya? Nagising ka na lang bigla isang umaga na ayaw mo na magpakasal sa akin. Tapos ngayon nagising ka ulit na gusto mo na ako ulit? Gano’n ba?”
“Belinda, please. Just listen to me first! Okay!” nagtaas na ito ng boses.
Napaatras ako nang kaunti. He was already frustrated.
“I’m sorry,” biglang bawi niya. HInawakan niya ako sa magkabilang braso at marahang hinila palapit sa kaniya. “Nasaktan kita. Nasira ang tiwala mo sa akin. At alam ko na mahihirapan akong ayusin ulit iyon. But please… give me a chance. A second chance. And I promise, Belinda Jimenez. I promise this time I won’t hurt you again. Hinding-hindi na ako maniniwala kahit na kanino pwera lang sa ‘yo. I will devote everything in my life to you, Bel. Just please… please. Come back to me,” mangiyak-ngiyak na sabi niya.
Muli ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pero ngayon ay kakaiba.
Kitang-kita ko ang sensiridad sa mga mata ni Victor. Nakita ko kung paano siya nasasaktan at nahihirapan. At higit sa lahat, nakita ko ulit iyon. His love. His softness na ako lang ang nakakakita.
I felt it again. It felt real.
Muling nangilid ang mga luha ko.
Masakit. Natatakot ako. Pero hindi ko maikakaila na mahal ko pa rin siya. At sa ganitong hitsura ni Victor ngayon ay hindi maiwasang lumambot ng puso ko.
Unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang tumatabing doon. Pero unti-unti ring lumilinaw ang tunay na nararamdaman ko para kay Victor.
Mahal ko pa rin siya.
At hindi naman masama kung bigyan ko siya ng ikalawang pagkakataon.
Siguro.

