Views

Navarro's Possession (Chapters 51 - 55)

Ameiry Savar
0



Trigger Warning


Navarro's Possession contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words. 

Chapter 51


“Rodrigo! Mabuti naman umu– What the hell is that?!” gulat na tanong ni Clarixto noong makita ang batang akay-akay ni Rodrigo. Agad itong kumapit sa binti ni Rodrigo at bahagyang nagtago. Nagtatakang tiningnan niya ang pamangkin. Nakangisi ito na para bang tuwang-tuwa pa.
“What?” 
“Anong what? Sino ‘yan?” 
Lalong napangiti si Rodrigo. Naupo siya at hinarap si Renz. “Uncle, he is my son, Renz. Your grandson.” Tiningnan niya si Clarixto na nakanganga pa ring nakatingin sa kanila. “Greet your, Lolo.” 
Tiningnan ni Renz si Clarixto. “Hello, Lolo,” magalang na sabi nito pero mababakas ang pag-aalinlangan. 
Pinagpalit-palit ni Clarixto ang tingin kay Renz at Rodrigo. Kilala niya ang pamangkin mula pa lamang noong maliit ito. Hindi niya nga maitatanggi ang pagiging magkamukha nito. Halos parang pinagbiak na bunga ang mga ito. Kamukhang-kamukha ng bata si Rodrigo noong bata pa lamang ito. Tumalikod siya at marahas na napabuga ng hangin. 
“Are you–” Tiningnan ni Clarixto ang bata. Muli siyang napabuga ng hangin at nilapitan si Rodrigo. “Let’s talk,” anito at naglakad na papunta sa ikalawang palapag. 
Bahagyang umarko ang kilay ni Rodrigo at sinundan lang ng tingin ang matanda. Muli niyang nginitian si Renz. “What’s wrong?” 
“I-I miss mommy, Daddy. I’m scared to lolo,” nakatungong sabi nito.
“Don’t worry. Mommy will be here soon.” Tumayo si Rodrigo at kinarga si Renz. “Let’s go to my room and wait for me there, okay? I’ll just talk with your lolo.” 
Kumapit si Renz sa leeg ni Rodrigo. “I think he is mad at me. Lolo doesn’t like me.” 
“No. He’s just shocked. He will love you. You’re a good boy, right?” 
“Yes, daddy.” 
Ngumiti si Rodrigo at naglakad na sila papunta sa kaniyang silid. Hindi na nga mawala-wala ang mga ngiti niya noong makasama niya si Renz. Malaki ang paniniwala niya na anak niya ito. Kahit ang pagkawala lang nito ang pagbabasehan ay alam niyang anak niya ito. Kaya noong sumama ito sa kaniya noong sinunda niya ay agad silang pumunta sa DNA center sa Canada. Hinihintay na lamang niya ang resulta na ipapasa sa kaniyang email. Sigurado siya ngunit kailangan niya nang katibayan para maisakatuparan ang muling pagsasama-sama nilang magpapamilya. Gagawin niya ang lahat para lamang muling makasama ang asawa. 
Iniwanan niya si Renz sa kaniyang silid. Pinahiram na lamang muna niya ito ng iPad bago pinuntahan ang tiyuhin. 
“What’s wrong, Uncle?” bungad ni Rodrigo kay Clarixto pagpasok ng office room niya. Nilingon siya ni Clarixto na nakatayo sa tabi ng bintana at may hawak na baso na may lamang alak. Pinandilatan siya nito. 
“What’s wrong? Rodrigo! Sino ba talaga ang batang ‘yon?!” galit na galit na tanong nito. Halos maglabasan na nga ang mga ugat nito sa leeg at sintido. 
Walang pakealam na nilapitan ni Rodrigo ang maliit na lamesa kung saan mayroon alak at nagsalin din sa baso. “I told you. He is my son.” Naupos siya sa sofa at tinungga ang alak na nasa kaniyang baso. 
Nagpupuyos na lumapit si Clarixto kay Rodrigo at naupo sa katapat nito. Kanina pa siya nagpipigil dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Ilang taon na siyang naghihintay na bumalik ito. Hindi siya makapapayag na bigla na lamang ito magdadala ng kung sino para lang maging kahinaan na naman nito. 
“Don’t play with me, Rodrigo! Is this about Jane again?” 
“Yes. I saw her, Uncle. I talked with her. Siya ‘yon!” 
“He is dead already!” 
“Then how can you explain Renz? Nakita mo ang hitsura niya, ‘di ba?!” Nagtaas na rin ng boses si Rodrigo. “Jane will come here and you will see that I am not playing around. She is alive and we had a son!” 
Muling napainom ng alak si Clarixto. Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib dahil sa matinding emosyon. Pakiramdam niya ay tumataas na ang dugo niya dahil sa nalalaman. 
“Rodrigo, hindi ko na alam ang gagawin ko sa ‘yo. I have been waiting for you for years! Fine. Sabihin na nating buhay talaga siya. Do you think she will like to be back here? Nagawa niyang magtago nang gano’ng katagal. She will not come back to you that easy.” 
“I don’t care. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sa akin. Five years is enough.” Naikuyom ni Rodrigo noong maalala niya ang galit na galit na mga mata ni Jane. Imbes na makaramdam ng inis ay lalo siyang nasabik sa dalaga. “I will do everything just to bring her back here.” 
Sandaling natigilan si Clarixto. Tinitigan niya nang maige ang pamangkin. Bigla siyang napangiti noong makita ang mga titig nito. Fine. Let’s bring her back. 
Matapos kausapin ni Rodrigo ang kaniyang tiyuhin ay muli niyang pinuntahan ang anak. Nanonood pa rin ito kaya pinatigil muna niya at inasikaso. 
“Are you hungry?” 
Tumango si Renz. “Yes, daddy.” 
“Okay. Let’s clean you up first. Can you do it yourself or mommy still help you?” tanong ni Rodrigo. Noong nasa Canada kasi sila ay binihisan niya lang ito. Napansin niya ngayon na parang hindi na ito komportable sa suot na jacket at pantalon kaya kailangan na niyang linisan ito. 
“Mommy helps me.” 
“Okay. I will ready your bath first then ask Yaya to cook us some food.” 
Ngumuso si Renz. “Mommy cooks me food.” 
“Really? But mommy is not here yet. I want to cook for you but daddy doesn’t know how to cook.” 
“Mamu can cook for me.” Ngumiti si Renz. 
“Mamu? Who is mamu?” 
“Mamu! Mommy’s brother.” 
Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Rodrigo. Muli niyang na alala ang files ni Jane. Mayroon nga itong kapatid na lalakae bilang si Hannah. 
“Okay. Wait for me here.” 
Pumunta na si Rodrigo sa banyo at hinanda ang bathtub. Pagkatapos ay lumabas siyang muli at pumunta sa kusina para sabihan ang katulong nila. Pagkabalik niya sa kwarto ay nasa may terrace na si Renz at nakatanaw sa paligid. Napangiti siya. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magiging tatay siya. Wala nga iyon sa kaniyang isipan eh. Mahal niya lang si Jane pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niyang magkakaanak sila. Ngunit kahit na gano’n ay susubukan niya pa ring maging mabuting ama sa anak. Gagawin niya ang lahat. 
Muli nang pumasok si Rodrigo sa banyo at pinatay ang tubig. Tatawagin na sana niya si Renz noong biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at naglakad papalabas ng banyo habang tinitingnan ang mensahe. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay labis na kasiyahan na kaniyang nararamdaman. Nangilid ang mga luha niya noong makita niya ang nagpapatunay na anak niya si Renz. 
Probability of Paternity: 99.99%










Chapter 52

Huminga nang malalim si Jane. Habang papalapit nang papalapit ang sasakyang naghahatid sa kaniya papunta sa mansyon ni Rodrigo ay lalong bumibilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Pagbaba niya kanina mula sa eroplano ay may nag-aabang na sa kaniyang kotse. Mukhang alam ni Rodrigo na parating na siya. Tama ang naging desisyon nila ni Brian na mauna siyang umalis papuntang Samar. Naiwan ang binata para ihanda ang ilang mga kailangan nilang gawin para makaalis sa puder ni Rodrigo. 
Hindi nagtagal ay narating na nila ang mansyon. Doon ay parang mayroon nang nagkarerahan sa kaniyang dibdib. Binuksan ng driver niya ang pinto sa kaniyang gilid at bumaba roon. Wala pa ring pinagbago ang hitsura ng mansyon. Kagaya pa rin noong huli niyang na aalala. Ngunit kataka-takang wala na ang mga armadong mga tauhan ni Rodrigo na nagkalat sa paligid. Mayroon pa ring mga bodyguards pero hindi na kagaya rati na nakatatakot talagang humarap sa kanila. 
Naglakad na si Jane papasok sa loob. Unti-unting bumalik ang mga mapapait niyang alaala sa bahay na iyon. Naikuyom niya ang kaniyang mga palad at pilit na pinatapang ang sarili kahit na nanginginig na ang kaniyang mga tuhod. Ang sama-sama ni Rodrigo! Wala pa rin itong pinagbago! Muli siyang bumuga ng hangin at taas noong naglakad sa loob. Agad na may sumalubong sa kaniyang isang katulong na hindi pamilyar sa kaniya pagkapasok niya sa loob. Yumuko ito bilang paggalang. 
“Magandang tanghali, Ma’am! Nasa likod ho sila sir at hinihintay ka na nila.” 
Nangunot ang noo ni Jane. Tinanggal niya ang suot na shades at tiningnan ito. “Kasama niya po ang anak ko?” 
Nag-angat ito ng ulo at alanganing tiningnan si Jane. “Opo? Sumunod po kayo sa akin.” 
Tumango si Jane. Ngunit bago pa sila makaalis ay may mga yabag siyang narinig na palapit sa kanila. Pagtingin niya sa kanan niya kung nasaan ang hagdan ay natigilan siya noong makita kung sino ang lalakeng nanlalaki rin ang mga mata habang nakatitig sa kaniya. 
“So you are alive?” gulat na sabi ni Clarixto.
Napalunok si Jane. Domoble ang takot na nararamdaman niya pero hindi niya hinayaang manaig ang nararamdaman niyang iyon. Pinilit niyang ngumiti at sinalubong ang mga titig ng matanda. 
“Yes. I am. Unexpected, right?” 
Agad na naningkit ang mga mata ni Clarixto. Nagmamadali itong lumapit kay Jane at hinawakan sa braso. “Hindi ito ang na pag-usapan natin!” pabulong na sabi niya. 
Inis na binawi ni Jane ang kaniyang braso. “Wala rin sa na pag-usapan natin na papatayin mo ako, hindi ba?” 
Natigilan si Clarixto at napaatras. Nagtatakang tiningnan niya ang dalaga at hindi niya maiwasang mamangha dahil sa tapang na nakikita niya rito. 
“Ano kaya ang iisipin ni Rodrigo kapag malaman niya ang totoong nangyari?” 
“Don’t you dare, Jane!” 
“Don’t you dare too, Uncle! At h’wag kang mag-alala. Anak ko lang ang pinunta ko rito. Sa ‘yong sa ‘yo na ang pamangkin mo,” inis na sabi ni Jane. Hinarap niya ang katulong na sumalubong sa kaniya. “Paki dala na po ako sa anak ko.” 
Tumango ang katulong at agad na naglakad. Tiningnan muli ni Jane si Clarixto at inirapan ito saka sinundan ang katulong. 
“That cunning bitch!” inis na sabi ni Clarixto. Hindi siya makapapayag na wala siyang gawin. Hindi pwedeng muling magamit nito ang kaniyang pamangking! 
Halos pamadaliin na ni Jane ang katulong sa paglalakad. Narinig niya agad ang mga halakhak ni Renz noong malapit na silang lumabas papunta sa likod ng mansyon. Doon nakita niya itong humahagikhik at tumatakbo palayo kay Rodrigo na tumatawa rin habang hinahabol ang anak. Napatigil sa paglalakad si Jane at gulat na tiningnan ang dalawa. Ni hindi na niya napansin ang pag-alis ng katulong na naghatid sa kaniya roon. Sguro… Siguro kung naging maayos silang dalawa ni Rodrigo. Kung hindi siya pinuwersa at inabuso ng binata. Siguro ay ganito sila kasaya. Agad na nangilid ang mga luha niya habang tinatanaw ang anak. Lahat ay ginagawa niya para rito pero hindi niya maiwasang masaktan dahil nakita niya kung gaano kasaya ang anak na kasama si Rodrigo. Napatingin sa kaniya si Rodrigo kaya agad na nag-iwas ng tingin si Jane at pinigilan ang mga luha. 
“Looks who’s here!” masayang sabi ni Rodrigo. 
“Mommy!” sigaw ni Renz. 
Lumunok si Jane at pinilit na ngumiti. Tiningnan niya ang anak na masayang tumatakbo papalapit sa kaniya. Tumalunko siya at inilahad ang mga kamay. Agad niyang niyakap ang anak nang mahigpit noong makalapit ito sa kaniya. Doon ay tuluyan siyang napaluha. 
“I miss you, baby!” 
“I miss you too, mommy!” 
“I told you, son. Mommy is coming.” 
Nag-angat ng tingin si Jane. Pinahid niya ang mga luha at kumalas sa anak. “We need to talk,” deretsang sabi niya rito. Tinitigan siya ni Rodrigo. Tumango ito. 
Tumalungko si Rodrigo at hinawakan sa balikat ang anak. “Baby. Can you play with yaya first? Mag-uusap lang kami ni Mommy.” 
Tumango si Renz. “Yes, daddy!” Agad na tumakbo si Renz papunta sa loob ng mansyon. 
Tumayo na si Rodrigo at hinarap si Jane. Kahit na masama ang mga tingin sa kaniya ng dalaga ay nginitian pa rin niya ito. 
“Daddy? Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo, Rodrigo?” 
“Jane. Can we just talk first without any hard feelings to–” 
“Pwede ba, Rodrigo? H’wag na tayong maglokohan? In the very first place, hindi ko gusto na narito ako. I want my son back at aalis na rin kami agad.” 
Nagsalubong ang mga kilay ni Rodrigo. “And who told you, you can do that?” 
“Me! Hindi mo na ako pwedeng ikulong dito ulit!” 
Hindi sumagot si Rodrigo. Deretsong tinitigan lang nito si Jane na para bang may gustong sabihin. Napalunok naman si Jane at muling unti-unting binabalot ng takot. Na aalala niya noong na ganito si Rodrigo bago siya saktan nito. Mahigpit na kinuyom niya ang kaniyang palad. Pinilit niyang h’wag ipakitang natatakot siya sa binata. Hindi na niya ito bibigyan ng dahilan para lang abusuhin siya ulit.
Humakbang palapit si Rodrigo kay Jane kaya napaatras ito. Umatras si Jane hanggang sa naramdaman niyang may nasandalan na siyang dingding. Aalis sana siya sa kaniyang pwesto ngunit biglang iniharang ni Rodrigo ang isang kamay sa kaniyang gilid. Gano’n din ang ginawa nito sa kabila kaya napaharap siya ulit dito. 
“Ano ba?!” galit na sabi ni Jane. Natigilan siya noong biglang bumaba ang ulo ni Rodrigo palapit sa kaniya at tumigil noong gahibla na lang ang layo sa kaniyang labi ang labi nito. Pakiramdam niya bigla ay nanuyot ang kaniyang lalamunan. 
“Your eyes. Your lips. Your body. Your life. It’s mine, Jane. You are mine. So, you will stay wherever I want you to stay.” 
Napanganga si Jane at hindi makapaniwalang tiningnan ang binata. “At ano ang gagawin mo kung hindi ako pumayag? Papatay ka ulit? Ipapahamak mo mga mahal ko sa buhay? Sasaktan mo ang sarili mong anak?” Napailing siya. “Wala ka pa ring pinagbago.” Sinubukan niyang itulak ito sa dibdib ngunit hindi manlang natinag ang binata. 
“No. I will not do that. But you will stay here. We are family, Jane. We are supposed to be together.” 
Napigil ni Jane ang kaniyang paghinga noong inilapit ng binata ang bibig sa tainga niya. Lalong nagwala ang kaniyang dibdib. Amoy na amoy na niya ang gamit nitong pabango at nararamdaman niya ang mainit na hininga nito sa kaniyang leeg. Napapalunok pa siya at pilit na kinakalma ang sarili. 
“Kung ako sa ‘yo, you will listen to me. You know what I’m capable of, right? Hindi mo naman ata nakakalimutan iyon,” ani Rodrigo at hinalikan sa pisngi si Jane. 
Agad na binalot ng kakaibang kuryente si Jane. Napapikit siya at pakiramdam niya ay nanigas na buong katawan dahil sa ginawa ni Rodrigo at sa pagbabanta nito. Hindi na siya nakasagot pa hanggang sa kusa nang umalis ang binata sa harapan niya. Nginitian pa siya nito at hinaplos ang pisngi bago naglakad paalis sa kaniyang harapan. 
Agad na nasapo ni Jane ang kaniyang dibdib noong umalis na ang binata. Unti-unti siyang napaiyak. Hayop ka talaga, Rodrigo! Wala ka pa ring pinagbago! Wala akong pakealam kahit na ano ang gawin mo! Hinding-hindi mo na ako maabuso ngayon! 





Chapter 53

Matapos makausap ni Jane si Rodrigo ay pinilit niyang mag-ipon ng lakas saka pumasok sa loob ng mansyon. Nakita niya ang anak na nakaupo na sa may dinning area at masayang nakikipag-usap na naman kay Rodrigo. Hindi niya maiwasang mainis dahil para bang sa sandaling panahon na nagkasama ang dalawa ay parang magkasundong-magkasundo na agad ang mga ito. 
“Mommy! Come here!” 
Agad na ngumiti si Jane noong tawagin siya ni Renz. Naglakad siya papalapit sa mga ito at naupo sa tabi ng anak. Si Rodrigo naman ay nakaupo sa pinaka gitna ng mahabang lamesa. 
“How are you, baby? Did you sleep well here?” tanong ni Jane sa anak. Hinaplos niya ang buhok nito. 
“Yes, mommy! Daddy reads me a story before I sleep.” 
Sandaling tiningnan ni Jane si Rodrigo na nakangiti lang. “Daddy?” 
Tumango si Renz. “He is my daddy, right?” 
Tinitigan ni Jane ang anak. Sa tinagal-tagal na panahon kahit alam niya kung sino ang ama nito ay hindi niya pa rin matanggap. Hindi nararapat na maging tatay ang kagaya ni Rodrigo Navarro. Bumuntonghininga si Jane at nginitian ang anak. Tumango na lamang siya dahil hindi naman siya pwedeng magsinungaling sa anak. 
“Yes, baby.” 
Namilog ang mga mata nito. “But why I didn’t see daddy before?”
“Daddy was busy. I’m sorry.” 
Bago pa man makasagot si Jane ay inunahan siya ni Rodrigo. Muli niya itong tinitigan at tiningnan nang masama. Ang kapal ng mukha! 
“Mommy, are we staying here now? How about Mamu and Daddy J?” 
“L-Let does not talk about it, for now, baby. Mommy’s hungry.” Umayos ng upo si Jane at pasimpleng tiningnan ng masama si Rodrigo. Ito pala ang ibig sabihin nito na mananatili siya rito kahit hindi siya pilitin. Hindi siya papayag! 
Tinawag na ni Rodrigo ang katulong nila para sa kanilang pagkain. Nagmistulang may pista sa kanila noong inilabas ang iba’t ibang putahe gayong tatlo lamang silang kakain. Napailing na lamang si Jane at inasikaso na ang anak na excited sa mga pagkaing nakikita. Hindi kasi kagaya ng ibang mga bata si Renz na mahirap pakainin. Madalas nga ay siya na lamang ang pumipigil dito. 
“So, you want to stay here, baby?” tanong ni Jane makalipas ang ilang sandali. 
“I want to be with Daddy and you, mommy. But I don’t want to leave Mamu and Daddy J.” 
“Mamu. Daddy J. Mukhang may ibang kinikilalang magulang si Renz?” sabat ni Rodrigo. 
Tiningnan ito ni Jane. “Yes. Sila ang mga tumulong sa akin noon. Iniligtas nila ako at hindi nila hahayaan na manatili kami rito.” 
Napangisi si Rodrigo. “Really? So, are you saying I will let them interfere with our family?” 
Umarko ang kilay ni Jane. “Sinasabi mo bang sasaktan mo rin sila kung hindi ako susunod sa ‘yo? Gusto mo ring ipasa sa anak mo ang traumang ibinigay mo sa akin.” 
Natawa na si Rodrigo. “You know. Mas lalo kitang nagustuhan ngayon Jane. I love your fierce.” 
Sinamaan ulit ng tingin ni Jane ang binata. “Fine. If Renz want us to stay, we will try. But we will have conditions. At ako ang masusunod ngayon.” 
Sandaling tinitigan ni Rodrigo si Jane. Hindi niya maiwasang masabik dahil sa ipinapakita nitong katapangan sa kaniya. “Fine. Sure. Let’s do that. Anything you want.” 
Inirapan ni Jane si Rodrigo at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos nila ay hinatid siya mismo ni Rodrigo sa dati niyang kwarto habang si Renz naman ay tinulungang paliguan ng katulong. 
“Wala akong pinabago rito mula noong mawala ka. Everything is the same, Jane.” 
Hindi nakasagot si Jane. Wala ngang pinagbago ang kwarto niya. Itong-ito pa rin iyong iniwan niya noon. Maging ang suklay na nakapatong sa tokador ay ganoon pa rin ang ayos. Ang tanging naiba lang doon ay ang kobre kama at mga punda. Naroon na rin ang maleta niya sa gilid ng kama. 
“I missed you, Jane,” ani Rodrigo. Nilapitan niya ang dalaga at niyakap ito mula sa likuran. Kumislot naman agad ito at itinulak siya. Gulat na tiningnan niya ito. 
“Ano ba?!” 
“What’s wrong? You are my wife!” 
“Technically, hindi ko ginustong maging asawa mo, Rodrigo.” 
Nagsalubong ang mga kilay ni Rodrigo. Agad na nag-init ang kaniyang ulo ngunit nagawa niyang kontrolin ang sarili. “Don’t test me, Jane.” 
“Let’s just be clear. Pumapayag lang ako na narito kami dahil kay Renz. Ayaw ko siyang biglain ngayon. Fine! Panalo ka na. Magi-stay nga kami rito sa ayaw at sa gusto ko. Pero hindi ibig sabihin no’n ay payag na akong abusuhin mo ulit ako!” 
Biglang hinawakan ni Rodrigo ang braso ni Jane. Napadaing pa ang dalaga dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya. 
“Let me go! Nasasaktan ako!” 
“Hindi ako naghintay ng limang taon para lang gawin mo ‘to sa akin, Jane. Halos mabaliw-baliw ako noon kaya h’wag mo akong subukan.” 
Sinalubong ni Jane ang mga titig ni Rodrigo. “Hindi ako nagtiis hindi makasama ang pamilya ko para lang mapagsamantalahan mo ulit ako, Rodrigo. Eh ako? Sa tingin mo ba naging madali sa akin ang lahat? Hindi, Rodrigo! Si Renz ang naging dahilan kaya natuto akong magpatuloy sa buhay. Kaya hindi ako makapapayag na basta-basta ka na lang ulit babalik sa buhay ko na para bang wala kang ginawang masama sa akin! You don’t deserve to be a father–” Napatigil sa pagsasalita si Jane noong malakas na dumapo sa kaniyang pisngi ang kaliwang kamay ni Rodrigo. Muntik na siyang matumba dahil bahagya siyang nahilo pero agad naman siyang na alalayan ni Rodrigo. 
“J-Jane. I’m sorry.” Sinubukang hawakan ni Rodrigo ang pisngi ni Jane ngunit iwinaksi iyon ng dalaga. Itinulak din siya nito at nanlilisik ang mga matang tinitigan siya. “I-I’m sorry. Hindi ko sinasadya. I was just–” 
“Stop! Wala ka pa ring pinagbago, Rodrigo.” 
Umiling-iling si Rodrigo at sinubukang hawakan si Jane. Ngunit umatras ang dalaga at pilit na lumayo sa kaniya. “I-I didn’t mean to. I’m sorry. Fine. Okay. Hindi na mauulit, I promise! Papayag na ako sa gusto mo. What’s your conditions? Just don’t leave, Jane. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag iniwan mo ulit ako.” 
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Jane si Rodrigo. “Kahit ano ang gawin mo, Rodrigo. Kahit ikulong mo pa ako ulit dito. I will never love a monster like you.”  


Chapter 54

Lumipas ang ilang araw na pananatili ni Jane sa puder ni Rodrigo ay hindi niya maitatanggi na may pagbabago nga sa binata. Naging ilag pa rin siya nito dahil nasaktan siya sa unang araw ng kaniyang pagdating. Ngunit mula no’n ay hindi na siya ulit nasaktan ng binata. Ni pagtaasan siya ng boses ay hindi na nito ginagawa sa kaniya. Nakakapanibago pero iniisip na lang ni Jane na mas maigi na gano’n ang binata kaysa sa dati. 
“When are you going home, Jane? It’s been days!” reklamo ni Rico mula sa kabilang linya. 
Nasa parke sila Jane noong tumawag si Rico sa kaniya. Ilang araw na itong nagsasabi na umuwi sila ngunit hindi pa siya makatyempo. 
“I don’t know,” ani Jane. Tinanaw niya ang dalawa na masayang naglalaro sa swing. Siya naman ay nakaupo sa tabi ng puno kung saan sila naglatag ng tela para mapaghingahan. “Renz like here.” 
“Renz like there? Jane! Nababaliw ka na ba? Naririnig mo ba ang sarili mo?” 
Bumuntonghininga si Jane. “I know, Rico. Hindi ko lang alam paano ko sasabihin kay Renz. Siya ang ginagamit ni Rodrigo at ayaw ko namang biglain ang bata.” 
“Where is he? Ako ang kakausap.” 
“H’wag na, Rico. Kapag ginawa natin ‘yon, ano na lang ang iisipin ng bata? Imbes na kay Rodrigo siya magalit, he will resent me because I didn’t let him to be with his dad.” 
“That is bullshit, Jane! Dapat talaga hindi kita hinayaang umalis mag-isa. Nasaan na ba si Brian?!” 
Natigilan si Jane. Hindi niya pa nakikita si Brian mula noong dumating siya kila Rodrigo. Ni tawag ay wala itong paramdam sa kaniya. Nakausap na nga niya si Renz na h’wag ipapaalam kay Rodrigo na kilala nila sa Brian kung sakali na magkita sila.
“Wala pa siya rito. I’m not sure when is he now.” 
“What do you mean wala? Oh my, gosh! This is stressful! I will go there.” 
“You don’t have to–” 
“No! Hindi ako papayag na magtagal kayo riyan. Tatapusin ko lang ang trabaho ko at susunod na ako sa inyo.” 
“Rico– Hello?” 
Napabuntonghininga na lamang si Jane noong makita na wala na ang kausap niya. Pinatay na nito ang tawag kaya ibinaba na niya ang hawak na cellphone. Kilala niya si Rico. Tototohanin nito ang sinasabi kaya kailangan na niyang gumawa ng paraan para makaalis sa puder ni Rodrigo. 
“Mommy!” 
Agad na tumingin si Jane kay Renz. Ngumiti siya at kinawayan ito. Tumatakbo ito papalapit sa kaniya. Gano’n din si Rodrigo na kasunod lamang nito. 
“You’re sweating!” 
Kinuha ni Jane ang towel sa bag na dala nila at pinunasan ang noo nito. Basang-basa sa pawis ang mukha nito at leeg. Maging ang likod nito ay basang-basa kaya naman ay pinaupo na niya ito sa tabi at pinalitan ng damit. Ngayon lamang kasi nakararanas ang bata ng mainit na klima kaya grabe ito magpawis. Kahit siya ay naninibago sa klima ng Pilipinas kahit taga-rito naman siya. 
“How about me? Hindi mo ba ako pupunasan?” tanong ni Rodrigo. 
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Jane ang binata. Inirapan niya ito at nagpatuloy sa pag-asikaso sa anak. Narinig niya pang tumawa si Rodrigo kaya lalo siyang nakaramdam ng inis. 
“Mommy! Make punas daddy too,” nahihirapang sabi ni Renz. Paunti-unti kasi ay tinuturuan itong mag-Tagalog ni Rodrigo. 
“Daddy can do it.” 
“Daddy will be lungkot, mommy.” 
Napigil ni Jane ang paghinga. Tiningnan niya ang anak na nakalabi na at si Rodrigo na nagpipigil na ngumiti. Kung tingnan siya nito ay parang nang aasar pa sa kaniya. Inayos ang nilagay na poldo sa leeg ni Renz tiningnan nang masama si Rodrigo. 
“Fine,” may halong inis na sabi ni Jane. Kinuha niya ang isa pang towel at nilapitan si Rodrigo na nakaupo sa dulo ng tela. Pinunasan niya ang pawisang noo ng binata pababa sa pisngi nito. Noong magkapantay na ang kanilang mga tingin ay sandali siyang natigilan at napatitig dito. 
“I love you,” mahinang sabi ni Rodrigo at nginitian siya. 
Agad na nag-iwas ng tingin si Jane at pinagpatuloy ang ginagawa. Ano’ng nangyayari sa akin? inis na tanong niya sa sarili. Bigla kasing bumilis ang pagtibok ng puso niya. Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya alam kung bakit binibigyan siya ng kakaibang pakiramdam ng binata. Hindi niya sigurado kung dahil ito sa pagiging mabait nito o iba pa. Pero mariin niyang pinipigilan ang sarili dahil mas na nanaig pa rin ang pagkamuhi niya sa binata. 
“Hey!” napahiyaw si Jane noong bigla siyang inihiga ni Rodrigo. 
“Ayiee! Mommy love Daddy!” 
Tatayo sana si Jane ngunit hinawakan ni Rodrigo ang balikat niya. Nakahiga siya ngayon patagilid sa braso ni Rodrigo at ito naman ay nakatihaya habang nakatingin sa kalangitan. Napalunok si Jane at iniharang ang mga braso sa may dibdib. Kahit pawisan ang binata ay napakabango pa rin nito. Napapikit si Jane at pilit na kinalma ang sarili. 
“Come here, son,” tawag ni Rodrigo kay Renz. Agad namang lumapit sa kabilang kamay ni Rodrigo si Renz at nahiga roon. 
Napakislot si Jane noong bahagyang pinisil ni Rodrigo ang kaniyang balikat. Pagkatapos ay hinaplos nito iyon nang marahan. Napahinga nang malalim si Jane. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin siya sa tuwing nagdidikit ang mga balat nilang dalawa. Maigi na lamang ay totoo ito sa sinabi nito. Hindi na nga siya nito pinilit. Nararamdaman niya minsan na pumapasok ito sa kaniyang silid ngunit wala itong ginagawa sa kaniya. Na ipinagpapasalamat niya. 
“This is life, Jane. Ito lang naman ang gusto ko sa buhay. Makasama ko kayong dalawa araw-araw. I don’t care about everything. I want to devote my life to our family.” 
Napalunok si Jane. Ilang beses na ba nito iyon sinabi sa kaniya? Hindi na niya maalala dahil sa dami. Palagi pa rin nitong sinasabi na gusto siya nitong makasama. Siguro ay ramdam nito na gusto pa rin niyang makalaya rito. 
“Alam ko na mahirap sa ‘yo na patawarin ako. Hindi naman kita masisisi. Pero sana ay bigyan mo ako ng chance, Jane. I love you and our son. I love our family. Ayaw ko nang mawala pa kayo ulit sa akin. So, I’m sorry kung ginagawa ko ito sa iyo. I hope you understand.” 
Naupo si Jane at tumalikod sa kanila. Huminga siya nang malalim at pilit na pinigilan ang mga luha. 
“Ayaw mo bang maging kompleto tayo?” 
Tuluyang napaiyak si Jane. Sino ba ang may ayaw? Kitang-kita niya kung gaano kasaya ni Renz na magkakasama silang tatlo. Masaya naman sila noong nasa Canada sila ngunit iba ang pinapakitang sigla ng anak niya ngayon. Gustuhin man niya pero mahirap para sa kaniya na lunukin na lang ang lahat ng mga kasamaang ginawa nito sa kaniya. Hindi niya kaya kahit na pilitin niyang sabihin sa sarili na ayos lang. 


Chapter 55

Ilang araw muna ang pinalipas ni Brian bago umuwi ng Samar. Ginawa na rin niya iyon dahil hindi na siya tinigilan ng daddy niya sa tawag at text mula noong umalis si Jane pabalik sa Samar. Galit na galit ito dahil nga ay nagawa pang magpakita roon ng dalaga. Kaya minabuti ni Brian na h’wag munang sagutin ang mga tawag nito at manatili na lang muna sa Manila. 
Itinigil ni Brian ang sasakyang kaniyang minamaneho sa tapat ng isang malaking bahay. Bumaba siya roon at pinagmasdan ang kanilang tahanan. Sa isang taon ay isang beses lamang siya nauwi. Tuwing pasko lamang at agad din siyang umaalis pabalik ng Canada. Kung hindi nga lang dahil sa kaniyang ina ay hindi na siya babalik pa rito. Hindi niya kasi matagalan ang kaniyang ama. Palagi kasi siyang pinipilit ni Clarixto na manatili na lamang sa Pinas para tulungan sa mga negosyo nila. Negosyo na hindi naman sa kanila dahil pagmamay-ari iyon ng kaniyang pinsan. Idagdag pang hindi siya pabor sa mga masasamang gawain ng mga ito. 
Napailing na lamang si Brian. Muli niyang tinitigan ang bahay saka sumakay na muli ng sasakyan. Bumusina siya sa tapat ng gate at noong may lumabas na guard ay ibinaba niya ang bintana ng kotse. Agad na binuksan ng mga ito ang malaking gate at pinapasok siya sa loob. Dumeretso siya sa garahe nila at naglakad na papunta sa loob ng mansyon. 
“Brian, anak!” 
Narinig agad ni Brian ang boses ni Cathy bago pa man siya makapasok sa loob. Nakita niya ang ina na nagmamadaling naglalakad palabas ng pinto at sinalubong siya nang mahigpit na yakap. Napangiti nang malapad si Brian at ginantihan ng yakap ang ina. 
“Mom!” 
“I missed you! Mabuti umuwi ka. Are you staying for good?” tanong agad ni Cathy. 
Kumalas si Brian kay Cathy at pinagmasdan ito sa mukha. “No, mom. I’m just here kasi mukhang kailangan ako ni Dad.” 
Umarko ang kilay ni Cathy. “Like you ever listen to your dad. Ano’ng meron?” 
Nagkibit lang ng balikat si Brian at nginitian ang ina. “Let’s go inside. Gutom na ako.” 
“Hmm! Mabuti na lang at nagpaluto ako kay Yaya ngayon.” Kumapit sa braso ng anak si Cathy at inakay na ito papasok sa loob. “But you should have called me, son. Edi sana ang mga paborito mo ang naipaluto ko.” 
“That’s okay, mom. Is dad here?” 
Dumaan sila sa sala papunta sa dinning area. “You know your dad. He is a governor now at hindi naman ‘yon nagtatagal palagi sa bahay. You know where he is always.” 
“At my cousins.” Napatango-tango si Brian. 
“I will tell your dad that you are here. Ipapahanda ko lang ang lamesa para makakain na tayo.” 
Naupo si Brian sa upuan at tinanguan ang ina. “Sure.” 
Noong makaalis ang ina ay kinuha ni Brian ang cellphone. Nag-iwan siya ng mensahe kay Jane. Sinabi niya rito na bibisita siya sa mga ito mamaya. Hindi rin nagtagal ay may mga katulong na silang nag-ayos ng lamesa at naglagay ng mga pagkain. Sumunod na rin ang kaniyang ina. 
“Your dad is coming. Siguro, hintayin na lang natin siya. What do you think?” tanong ni Cathy. 
“Sure, mom.” 
“Now. Ano ba ang pinagkakaabalahan niyong mag-ama at talagang umuwi ka pa rito sa Pinas? I thought you don’t want to be here.” 
Kumuha ng pritong manok si Brian at kumagat doon habang nakangiti sa ina. “You know dad. Na miss niya lang ako.” 
“Oh, come on, Brian. Connected ba ‘to sa pinsan mo? His wife turns out to be alive! Actually, may party nga sila later. You should come with me.” 
“Really?” 
“Yes. Thanksgiving party. Nobody expects that she’s still alive. May sa pusa ang babaeng iyon.” Napailing-iling si Cathy. 
“Well, baka hindi niya pa oras.” 
“I know. But for five years? Ang galing niya magtago. I need to know. Nakilala ko na ‘yon si Jane. She’s a decent girl. Actually hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako paanong nagustuhan niya si Rodrigo. They are very different.” 
“You are right.” 
Tinitigan ni Cathy ang anak. “Kanina ka pa ha? Inilalayo mo ang usapin. Is it connected to her?” 
Natawa si Brian. “Mom. Hindi ka ba natutuwa na narito ako?” 
“Of course, I am! Gusto ko ngang narito ka lang eh. Alam mo naman na hindi kita masamahan sa ibang bansa because of your dad.” 
“My dad na hindi naman nakabubuti sa ‘yo.” 
Sandaling natigilan si Cathy dahil sa sinabi ng anak. Alam niya ang ibig sabihin nito. Hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman ang tungkol sa pambababae ng asawa. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Kailangan niyang manatili sa kanilang relasyon dahil hindi naman niya gustong magkaroon ng hiwalay na magulang ang nag-iisa nilang aak. 
“Brian. He is still your father.” 
“He is my dad. But he is not a father.” 
“Stop. Okay?” 
“Fine.” 
Itinaas ni Brian ang dalawang kamay na para bang sumusuko. Palaging na uuwi sa ganito ang kanilang pag-uusap ng kaniyang ina. Bibigyan niya ito ng dahilan para iwanan ang ama ngunit ipagtatanggol pa rin ng kaniyang ina. Kaya mas maigi na lamang na lumayo siya sa mga ito dahil hindi niya makakayanang makita ang ginagawa ng kaniyang ama. 
Hindi nga nagtagal ay dumating na sa mansyon si Clarixto. Ngunit imbes na magsalo-salo sila agad sa hapag-kainan ay agad na inaya ni Clarixto ang anak sa opisina niya. 
“But your son just came home, Clarixto. He is hungry,” protesta ni Cathy. 
“His stomach can wait!” mariing sabi naman ni Clarixto at tiningang ang anak. 
Tumayo na lamang si Brian at nilapitan ang ina. “It’s okay, mom. I’ll talk with dad first.” 
Bumuntonghininga si Cathy. “Fine. Pero bilisan niyo. The food will get cold.” 
Ngumiti si Brian sa ina at hinalikan ito sa noo. Sinundan na niya ang ama na hindi manlang siya hinintay at naglakad na papunta sa opisina nito sa kanilang mansyon. Pagkarating doon ni Brian ay sinalubong agad siya ni Clarixto ng isang hampas ng tungkod nito na palaging ipinapalo sa kaniya. Impit na napadaing si Brian at hinawakan ang braso na tinamaan nito. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang ama na nagpupuyos ng galit na nakatingin sa kaniya. 
“Why is she alive?!” galit na tanong ni Clarixto. 
Nangunot ang noo ni Brian. “I told you I’m not a killer!” 
Inambaan ulit ni Clarixto ng palo si Brian pero tumigil ito. “Hindi ko sinabing ikaw ang pumatay!” 
“It’s the same thing, Dad! Sa tingin mo ba talaga magagawa ko iyon?!” 
“Wala ka talagang kwenta, Brian! Napakasimple ng pinagagawa ko sa ‘yo, pero hindi mo magawa! When can you learn, huh? This is for you!” 
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Brian ang ama. “This is not for me, Dad. This is for you. You are scared and worried now because my cousin is not listening to you too.” 
“Parehas kayong mga walang kwenta!” galit na sabi ni Clarixto. “Iisang babae lang ‘yan pero napapaikot kayo!” 
Umarko ang isang dulo ng labi ni Brian. “Really? Say what you want dad. Pero hindi ko gagawin ang gusto mo.” 
“Then why are you here?” 
“To stop you,” deretsang sabi ni Brian at tinitigan sa mga mata si Clarixto. 
Sandaling tinitigan ni Clarixto ang anak. Maya-maya pa ay bigla siyang napatawa at umiling-iling. “Stop me? No one can stop me, Brian. If I want that woman to be dead. It will happen no matter what!” 
Naikuyom ni Brian ang kaniyang mga kamao. Nagtangis ang kaniyang mga bagang at tiningnan nang masama ang ama. Then I will stop you no matter what, father. Hindi ko hahayaan na saktan mo si Jane! 


Chapters 56 to 60




 

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !