Views

Navarro's Possession (Chapters 46 - 50)

Ameiry Savar
0



Trigger Warning


Navarro's Possession contains scenes that are not suitable for very young readers and sensitive readers. If you have trauma or can't read stories with dark themes, kindly stop reading this story. This story contains abuse, raped, murder, and foul words. 

Chapter 46


Pagkatapos magluto nila Jane ay agad din silang naghanda. Nagdagdag pa ng kanin at ng ilang ulam dahil mayroon pa silang kasama. Hindi rin nagtagal ay dumating na sila Renz. Agad na nakipaglaro si Renz kay Brian at si Jonax naman ay agad na nagbukas ng lata ng beer saka sumali sa dalawa. 
Napapangiti si Jane habang pinagmamasdan ang anak na nakikipaglaro sa dalawang tinuturing nitong mga tatay. Doon niya napagtanto na dapat ay hindi nga siya mangamba dahil mayroong mga tao na handa silang tulungan. 
Tumikhim si Rico. “Mukhang nakikita mo na ang future mo, ah?” makahulugang sabi niya. 
Agad namang napatingin si Jane kay Rico at pinandilatan ito. “Shut up, okay?” natatawa niyang sabi. “Natutuwa lang ako kasi sobrang malapit si Renz sa kanilang dalawa. Alam mo. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung hindi niyo ako nakita.” 
“Magdadramahan pa ba tayo? Alam ko na ‘yon and you don’t have to worry anymore. Don’t think about it. Ang kailangan mo lang ngayon ay maging masaya. Okay?” 
Tumango si Jane. Tama. Panahon na siguro para maging masaya naman siya. Pagkatapos nilang ayusin ang hapag-kainan ay tinawag na nila ang mga ito at naupo na. Pabilog ang kanilang lamesa at pinagigitnaan ni Jane at Brian si Renz. Katabi naman ni Jane si Rico at sa tabi nito ay si Jaxon. Saktong-sakto sa kanilang lima ang lamesang punong-puno ng pagkain. 
“Let’s eat!” sabi ni Rico. 
“Let’s pray!” biglang sabi ni Renz. 
Nagkatinginan ang matatanda. “Hindi ba tayo masunog kapag nagdasal tayo?” pabirong sabi ni Rico. Nagtawanan naman sila maliban kay Renz. 
“Okay, baby. Lead the prayer,” ani Jane. 
Agad na pumikit si Renz at pinagsaklob ang mga palad. “Thank you, Lord, for our food tonight. Please don’t make my mommy cry again. I don’t want her to be sad. I want her to be happy always. Amen!” masayang sabi nito. 
Natigilan naman si Jane noong marinig ang dasal ng anak. Agad na nangilid ang mga luha niya noong makaramdam siya ng pagkirot sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay masyado na siyang naging unfair sa anak dahil nagiging mahina na naman siya ngayon. 
Tumikhim si Rico. “L-Let’s eat?” yaya niya sa mga kasama. Ramdam niya kasi na biglang naging mabigat ang paligid. 
Mabilis na nagpahid ng mga luha si Jane at tumango. “Yes. Let’s eat.” 
Kumain na sila habang masayang nagkukwentuhan. Labis na napupuno ang puso ngayon ni Jane nangkasiyahan. Hindi niya maiwasang ma-miss ang mga magulang niya. Siguro ay panahon na para makita niya ulit ang mga ito. Kahit palihim lang. 
Pagkatapos nila ay pinaiwanan na lang ni Jane ang mga pinagkainan nila sa kusina. Habang sila Rico ay nagpaalam na at naiwan naman si Brian sa kanila. Inasikaso muna ni Jane si Renz. Nilinisan ng katawan at binihisan ng pang tulog. Saka magkasabay silang bumaba dahil gusto pang manood ng tv ni Renz at may bisita pa sila. 
“Brian! What are you doing?” gulat na tanong ni Jane noong makita si Brian an nakaharap sa lababo. 
“Washing the dishes?” 
Agad na lumapit si Jane dito. “I mean, you don’t have to that. Sabi ko hintayin mo lang kami sa sala.” 
Ngumiti si Brian at kinindatan ang dalaga. “I can manage. Ikaw ang maupo muna at magpahinga na, okay?” 
“Pero nakakahiya. Ang dami niyan oh!” 
“I said, it’s okay. Kaya doon ka na muna. Sige ka. Hindi ako aalis ngayong gabi.” 
Inirapan ni Jane si Brian. “Okay, fine. I’ll stay with Renz instead.” 
“Much better.” 
Napapailing na lamang habang nakangiti si Jane na naglakad papunta sa sala. Madalas na sa kanilang tahanan si Brian kaya hindi na bago sa kaniya ang ginagawa nito. Ngunit madalas pa rin siyang mahiya sa binata dahil nag-aabala pa ito. Habang tumatagal tuloy ay pakiramdam niya tama ang palaging sinasabi ni Rico na bigyan ko naman ng pagkakataon ang sarili kong sumaya. 
“Mommy, look!” 
Agad na lumapit si Renz kay Jane at pinakita ang ginuguhit. Napangiti siya noong makita ang anim na pigura ng stick na magkakahawak ang kamay. 
“Wow! This looks nice, baby.” Naupo si Jane sa sofa at tinitigan iyon. “Who are they?” 
“It’s us!” Tinuro ni Renz ang mga pigura. “This is Daddy J and Mamu. Then you Tito Brian and you, and me, and my father!” excited na sabi ni Renz. Namimilog pa ang mga mata nito na para bang tuwang-tuwa na ipinapaliwanag ang mga larawan. 
Natigilan si Jane noong marinig niya ang huling sinabi ng anak. Napatitig siya sa huling piguro na hawak ng maliit na pigura. “Who is this again?” 
“My father, mommy.” 
“Your father?” 
Tumango si Renz. “Yes! I saw in movie that I should have a fath–” Biglang tumigil sa pagsasalita si Renz at gulat na tiningnan si Jane. “I-I’m sorry, mommy.” Kinuha niya ang papel na hawak ni Jane. 
“No! Wait.” Hinawakan ni Jane sa braso ang anak. “Baby, it’s okay. W-Why did you talk about your father?” 
Tumungo lang si Renz na para bang napagalitan. “Because I have a mommy. I should have a daddy. Daddy J is not my daddy, and Tito Brian is not my daddy too. So, I have a daddy, mommy.” 
Biglang nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Jane. Bumilis ang pagtibok ng puso niya at nakaramdam ng pagkabalisa. Matalinong bata ang kaniyang anak. Sa murang edad nito ay marami na itong katanungan sa mga nakikita nito. Madalas ay nagugulat na lamang siya sa mga tanong nito dahil hindi niya rin alam. At ngayon lamang binanggit ng kaniyang anak ang tungkol sa tatay nito at walang dahilan para maisipan nito ang tungkol sa ama nito dahil ni minsan ay hindi nila iyon na pag-usapan. Bumuga ng hangin si Jane at pilit na ngumiti. Niyakap na lamang niya ang kaniyang anak at lihim na napaluha. Hindi naman niya gusto na hindi kumpleto ang pagkatao ng kaniyang anak. Ngunit hindi sila maaring magkasama ng ama nito. Hinding-hindi niya papayagan iyon. 
“I-I’m sorry, baby. Someday you will understand, mommy. I am sorry for now,” garalgal ang boses na sabi ni Jane. 
Hindi sumagot si Renz. Sa murang isipan nito ay marami nang katanungan ang nabubuo sa kaniya. 
Hindi nagtagal ay natapos na si Brian sa paghuhugas. Dinala na muna ni Jane si Renz sa kwarto nito upang magpahinga na. Nilinis niya ang pinaglaruan nito at sinamahan na si Brian na nakaupo na sa sala at nanonood ng tv. 
“Wala ka bang gagawin ngayon?” tanong ni Jane at naupo sa tabi nito. 
Tumingin si Brian kay Jane. “Wala naman. You know me. I always make time for you.” 
Napangiti si Jane. “Ikaw talaga. Kinokonsensya mo lang ako eh,” pabirong sabi niya. “Nasaan na ba yung dala mong wine?” 
“Wait. I will get it.” 
“Ako na! Ano ka ba?” 
Pero bago pa makatayo si Jane ay inunahan na siya ng binata. Napailing na lamang si Jane at hinintay itong bumalik. Dala na nito ang bote ng wine at dalawang wine glass. Agad na binuksan ni Brian ang bote noong makaupo na ito sa kaniyang tabi. 
“Thank you,” nakangiting sabi ni Jane noong inabot na sa kaniya ni Brian ang wine glass na may lamang wine. Sinalinan din ng binata ang kaniya bago inilapag ang bote sa lamesa. 
“Cheers?” 
Tumango si Jane at marahang pinag-umpog ang mga bago nila. “Cheers!” Uminom siya roon. “Sigurado ka na wala kang gagawin ngayong gabi ha?” 
“Why? Pinapaalis mo na ba ako, Hannah?” 
“Ha? No! Kasi, ano’ng oras na. Babyahe ka pa.” 
“Pinapaalis mo na ako eh.” 
Natawa si Jane at bahagyang pinalo ang braso nito. “Tinatanong ka lang eh.” 
“I want to stay. I have this feeling na kailangan mo ako ngayong gabi.” 
Nangunot ang noo ni Jane. “Paano mo nasabi?” 
Uminom si Brian sa hawak niyang baso saka nilapag iyon sa lamesa. Pagkatapos ay hinawakan niya ang braso ni Jane at marahang hinaplos ang palapulsuhan nitong may nakabalot na bandage. “Because of this.” 
Natigilan si Jane. “Huh?” Babawiin sana niya ang kamay ngunit hinawakan naman iyon ni Brian. “A-Ahh… You my work. I’m a flower shop owner. Nasugatan ako kanina.” 
“Really? I was in your shop but you are not there. Your staff told me that you haven’t been in the shop today..” 
Napalunok na si Jane. “A-Ano ka ba? You don’t have to worry about me. I’m fine.” Tuluyang binawi ni Jane ang braso. Biglang bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib. Walang ideya si Brian tungkol sa nakaraan niya ngunit palagi itong nagtatanong. Minsan kasi ay bigla siyang inatake sa harapan nito. 
“Hannah… You know you can always talk to me, right?” 
“Brian, can we just… have fun tonight? Drink our wine and enjoy the night?” Pinilit na ngumiti ni Jane. Pero tiningnan pa rin siya ni Brian na para bang hindi ito naniniwala sa kaniya. Nag-isip na lamang si Jane nang pag-uusapan nilang dalawa para maiba ang topic nila. 
Unti-unting lumalalim ang gabi. Naubos na nila ang bote ng wine,. Nadagdagan pa iyon ng beer na naka-stock na sa ref ni Jane. Dumami na ang kanilang napag-usapan hanggang sa maramdaman na ni Jane na nalalasing na siya. 
“You know. I guess you can sleep here. You can stay in Renz's room.” 
“I can still drive. Hindi pa naman ako lasing.” 
Umiling si Jane. “No! Ayaw ko. Stay here and you can leave tomorrow morning. Ihahanda ko lang yung hihigaan mo.” Tumayo na siya ngunit biglang nakaramdam ng hilo si Jane kaya muntik na siyang matumba. Maigi na lang at naging maliksi si Brian at nasalo siya. Imbes na mag-alala ay humagikhik si Jane. “I’m… I’m drunk,” natatawang sabi niya.
“Yes, you are.” 
“I’m sorry. Ngayon lang ako ulit uminom. Ikaw kasi–” Biglang napatigil sa pagsasalita si Jane noong mapansin niyang halos magkabikit na ang kanilang mga mukha. Napalunok siya at napatitig sa labi ng binata. Hindi niya alam kung dala lang ito ng kalasingan niya pero para siyang inaakit ng binata. Napalunok si Jane dahil pakiramdam niya ay bigla siyang natuyuan ang lalamunan. 
Ngumiti si Brian at hinaplos ang buhok ni Jane. “It’s okay. You know that I will always wait for–” Biglang napatigil sa pagsasalita si Brian noong tuluyang hinalikan ni Jane ang kaniyang labi. Saglit lang iyon pero ikinagulat niya. “H-Hannah?” 
Nginitian ni Jane si Brian. Umayos siya ng upo sa kandungan nito at kumapit sa sinasandalan nitong upuan. 
“Hannah? What are you doing?” nagtatakang tanong ni Brian. 
Ngunit hindi sumagot si Jane. Bagkus ay sinapo niya ang magkabilang pisngi ng binata at hinalikan ito sa labi. 
Hindi naman alam ni Brian ang kaniyang gagawin. Napakapit lang siya sa baywang nito at nalilito pa rin. Pero katagalan ay tinugon na niya ang mga halik ng dalaga. Hinaplos niya ang likod nito at niyakap nang mahigpit. Unti-unti ring naging malikot ang kaniyang mga kamay sa katawan nito. Alam niyang lasing lang ang dalaga pero hindi niya maiwasang mag-init din dahil sa ginagawa nito sa kaniya. 
You are mine, Jane! Remember that! Akin ka lang! 
Biglang natigilan si Jane noong marinig niya ang boses ni Rodrigo sa kaniyang isipan. Napasinghap siya at biglang napatayo mula sa kandungan ni Brian. Nasapo niya ang kaniyang bibig at gulat na tiningann ito. 
“W-Why?” nagtatakang tanong ni Brian. 
Hindi naman makasagot si Jane. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ni Rodrigo sa kaniyang isipan. Pakiramdam niya ay ang lapit-lapit ng binata sa kaniya. 
“Hannah!”
Hinawakan ni Brian ang braso ni Jane at bahagyan itong niyugyog noong makita na para itong nababalisa. Nag-aalalang tiningnan niya ito at paulit-ulit na tinawag hanggang sa napasinghap ang dalaga at tinitigan siya. 
“What’s wrong? Are you okay?” 
Umawang ang bibig ni Jane. “A-Ahh… Ahm. I-I’ll fix your bed,” deretsong sabi ni Jane at tinulak ang binata. Nagmamadali siyang umakyat sa kwarto ng anak at inayos ang hihigaan ni Brian. 
Nalilito namang naiwan ang binata sa ibaba. Napailing na lamang siya at bumuntonghininga. Ramdam niyang gusto na rin siya ng dalaga ngunit para bang may pumipigil dito. Kaya hanggang ngayon ay hindi siya mawawalan ng pag-asa. 
I will wait for you, Hannah. I will… And I will make sure that you are safe…  Jane Acosta. 

Chapter 47


Maagang nagising si Jane para maghanda papunta sa shop niya. Noong bumubuti na ang lagay niya ay ito ang naisipan niyang gawing negosyo. Nag-training pa siya kasama si Renz hanggang sa magdadalawang taon na ang kaniyang negosyo. Minsan ay sinasama niya sa shop si Renz. Pero noong tumuntong ito ng tatlong taon ay iniiwan na niya ito sa daycare center. Bukod kasi sa maagang natututo ang anak niya roon ay marami rin itong nakakalaro. 
Matapos niyang maihatid si Renz sa center ay nagpunta na siya sa kaniyang shop. Sarado pa iyon dahil mag-aalas-syete pa lang ng umaga. Alas-nwebe ang bukas ng kanilang shop at alas-otso naman ang dating ng dalawa niyang staff. Binuksan na ni Jane ang roll-up at ang shop pero hindi niya pa binuhay ang mga ilaw at inayos ang karatula. Kailangan pa niyang i-check ang nangyari kahapon dahil hindi siya nakapunta at ang sales nila. 
Hindi gano’n kalaki ang shop nila. Pero binabalak na ni Jane na maghanap ng lote dahil inaangkat lang nila ang binebenta nilang mga bulaklak. Balak niyang siya na mismo ang magpatubo ng mga bulaklak na ititinda niya dahil marunong naman siyang magtamin. 
Naupo si Jane sa table niya katapat lang ng salamin na pinto ng shop. Binuhay niya ang computer at agad na tiningnan ang CCTV. Noong wala naman siyang nakitang mali ay ang benta naman ang binilang niya. Napangiti pa siya noong makita ang sale tracker nila. Mukhang nakarami ang mga tauhan niya kahapon. Nasa ganoong gawain siya noong biglang tumunog ang pinto ng shop na para bang may nagbukas at pumasok sa loob. Agad na tumingin doon si Jane at ngumiti. 
“I’m sorry, sir. We’re still–” Parang biglang binuhusan ng malamig na tubig si Jane noong makita kung sino ang pumasok. Si Rodrigo. Agad na nanginig ang mga kamay niya kaya pinagsaklop niya ang kaniyang mga palad at pilit iyong pinigilang gumalaw. Kumabog din nang malakas ang kaniyang dibdib at unti-unting nanikip. Dahan-dahang lumapit sa kaniya si Rodrigo habang nakangiti. 
“Hi!” bati ni Rodrigo kay Jane. 
Ano’ng ginagawa niya rito?! Paano niya ako nahanap?! 
Biglang nataranta si Jane pero pinilit niya pa ring ikalma ang sarili. Agad siyang tumayo at tumalikod sa binata. Huminga siya nang malalim at sinapo ang dibdib. 
Calm down, Jane… Calm down! 
“Jane?” 
Napapikit na si Jane noong muli niyang narinig ang boses ni Rodrigo. Pasimple siyang huminga nang malalim at unti-unting lumingon kay Rodrigo. Pinilit ni Jane na ngumiti at deretsong tiningnan ang binata sa mga mata. 
“I-I’m sorry, sir. But I c-can’t entertain you for now. Can you come back later when we open the shop?” tanong ni Jane kahit na nanginginig na ang boses niya. 
“Jane… Hindi mo ba ako maalala?” 
Nangunot ang noo ni Jane. “I-I’m sorry. But there is no Jane here. Wait… It was you. The guy in the mall?” kunyari ay gulat na tanong ni Jane. 
Ipinatong ni Rodrigo ang kaniyang mga kamay sa lamesa. “Jane. Alam ko na kilala mo kung sino ako. I can see it in your eyes.” Tinitigan niya sa mga mata ang dalaga. Hindi pa rin nagbabago ang mga tingin sa kaniya nito kahit ilang taon na ang nakalipas. “I’m sorry kung natakot kita sa mall. I was just surprised. Alam mo ba na limang taon na kitang hinahanap? I’ve been looking for you! Halos baliktarin ko na ang Pilipinas para lang makita kita. Pero dito lang pala kita mahahanap sa Canada.” 
Napalunok si Jane. Hindi niya alam kung bakit parang ang lumanay ni Rodrigo habang nakatitig sa kaniya. Wala siyang ibang makita sa mga mata nito kundi pait at kasiyahan. Pasimple niyang kinuha ang cellphone. 
“Sir. I don’t know what you’re talking about. Can you please leave?” Naglakad si Jane papunta sa staff room nila pero hindi pa siya nakakalayo ay biglang may pumigil sa kaniya. “Bitawan mo ako!” sigaw ni Jane at agad na tinulak si Rodrigo. Napayakap siya sa sarili at biglang napahagulhol. “G-Go… Go!” 
“Jane? Why?” gulat na tanong ni Rodrigo. Akma niyang hahawakan ulit ang dalaga ngunit umatras ito na para bang takot na takot sa kaniya. Doon ay parang kinurot sa dibdib ni Rodrigo. Nangilid na ang mga luha niya at nakaramdam nang matinding awa sa dalaga. “D-Did I do this?” 
“Go… Leave!” 
“I-I’m sorry, Jane. I’m really sorry.” Nilapitan ni Rodrigo si Jane at niyakap. Agad na nagkumawala ang dalaga ngunit hindi niya ito binitawan. Para siyang dinudurog habang nararamdaman niyang nanginginig sa takot ang dalaga. 
“No! Please! Let me go! Ayaw ko na! Parang-awa mo na!” Pilit na tinulak ni Jane si Rodrigo. Lalong bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso hanggang sa unti-unti nang nanikip ang kaniyang dibdib na para bang nawawalan na siya ng hangin. “H-H’wag…” 
“Sshh… I’m sorry! I’m sorry, Jane! Kasalanan ko ‘to! I’m sorry!” Napaiyak na rin si Rodrigo. Hindi niya alam na ganito pala ang naging epekto sa kaniya ng dalaga. Gusto niyang sumigaw at magalit sa sarili dahil sa mga ginawa niya. Wala siyang ibang masabi kundi ang sama-sama niya! Natigilan si Rodrigo noong bigla na lamang lumaylay ang ulo ni Jane. Pagtingin niya rito ay nakapikit na ang mga mata nito. “Jane? Jane!” Tinapik-takip niya ang pisngi ng dalaga ngunit hindi ito sumagot. Hindi na nagdalawang-isip pa si Rodrigo sa gagawin at agad na binuhat ang dalaga saka dinala sa ospital. 
Lalong kinain ng kaniyang konsensya si Rodrigo noong malaman niya ang nangyari kay Jane. Dahil sa labis na takot nito ay nawalan ito ng malay. Normal daw iyon sa mga may trauma at muling bumabalik sa biktima. 
Umiiyak na tinitigan ni Rodrigo si Jane na nakahiga sa hospital bed at wala pa ring malay. Hinawakan niya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad. 
“I-I’m sorry, Jane. Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Masyado akong naging… Naging masama sa ‘yo noon. Pero nagbago na ako, Jane. L-Lahat… Lahat ay gagawin ko para lang mapatawad mo ako. Para lang makasama kita ulit. Patawarin mo ako, Jane.” 
Noong malaman ni Rodrigo na narito sa Canada ang dalaga ay agad niya itong pinahanap. Nahirapan pa ang private investigator walang mga records si Jane sa bansa. Doon ay nalaman nila na nagpalit pala ito ng pangalan. Para lamang hindi niya ito mahanap ay nagpalit pa ito ng pangalan. 
“Babawi ako, Jane. Ipinapangako ko na hindi na kita sasaktan. Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo ako.” 
Unti-unting bumalik ang malay ni Jane. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at doon ay narinig niya ang mga paghikbi ni Rodrigo. Napatingin siya agad sa kaliwa niya at nakita ang nakatungong binata habang mahigpit na nakahawak sa palad niya. Aga na napaupo si Jane at binawi ang kamay. 
“N-Nasaan ako?! What are you doing?!” galit na tanong ni Jane at akmang bababa ng higaan pero hinawakan siya ni Rodrigo. “Bitawan mo nga ako!” 
“I’m sorry. Pero hindi ka pa pwedeng tumayo. Kailangan mo pa raw magpahinga.” 
Nangunot ang noo ni Jane. Bakit siya umiiyak? Umiling siya at sinamaan ito ng tingin. “I’m fine.” Dali-dali nang tumayo si Jane at naglakad palabas ng kwarto. 
“Jane, please! Kailangan mong–” 
“Will you stop calling me, Jane?!” putol ni Jane sa sinasabi ni Rodrigo. “I am not Jane, okay? And please? Leave me alone kung ayaw mo talaga idemanda kita!” 
“I know it’s you, Jane- or Hannah. Whatever. But you are Jane. You are my wife!” 
Natigilan si Jane. Paano niya nalaman ang isa kong pangalan?! Hindi niya talaga ako titigilan! Bumuntonghininga si Jane at pilit na kinalma ang sarili. Doon niya lang napansin na nasa hospital pala sila. Siguro ay nawalan siya ng malay kanina. 
“Are you a stalker?” tanong ni Jane. “Who are you? I swear I will call the police!” 
“You don’t have to do it, okay? H’wag ka na magpanggap. Alam ko na galit na galit ka lang sa akin kaya ka ganito. I know very well that you know me and why I am calling you Jane. Because you are Jane Acosta, my wife.” 
Napaawang ang bibig ni Jane. Bigla siyang nawalan ng sasabihin kaya na iikom niyang muli ang kaniyang bibig. Nag-iwas siya ng tingin sa binata at pilit na kinalma ang sarili. Labis siyang nalilito dahil sa mga nangyayari. Ayaw niyang pangunahan na naman siya ng kaniyang emosyon kaya kahit unti-unti na naman siyang binabalot ng takot ay pilit niyang pinatapang ang sarili. Hindi na siya magpapakita ng kahinaan sa lalakeng ito. 
“I’m sorry, Jane. Alam ko na marami akong kasalanan sa ‘yo. For years, Jane. Pinagsisihan ko iyon. I did my best to change. I took my meds. I can manage my emotions now. I swear, hindi na ako ang Rodrigo na nakilala mo noon. Please, come back to me.” 
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Jane. Tiningnan niya nang masama ang binata. “And you think gano’n lang kadali ang lahat? You will show up and tell me you are sorry and changed. Then I will forget about everything?” Hindi makapaniwalang ngumiti siya. Sinalubong ni Jane ang mga mata ni Rodrigo at tinitigan siya nang deretso. “Rodrigo Navarro. Kinakamuhian kita! I will never forgive you! Not now! Not tomorrow! Never!” galit na sabi ni Jane at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Nagmamadali siyang naglakad papalayo rito habang pinapahid ang mga luha. 
Naiwan namang nakanganga si Rodrigo. Nakuyom niya ang kaniyang mga palad at ipinikit ang mga mata. Unti-unti na namang bumilis ang tibok ng kaniyang puso at para siyang unti-unting lumulutang. Malamig ang paligid pero may ilang butil ng pawis ang lumalabas sa kaniyang noo. Ilang sandaling nagtaas baba ang kaniyang dibdib hanggang sa muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata at masamang tiningnan ang pintong nilabasan ni Jane. 
“You are mine, Jane, and you will forgive me no matter what.” 
Unti-unting sumilay ay mapanganib na mga ngiti sa labi ni Rodrigo. 




Chapter 48


Nagmamadaling naglakad papalabas ng ospital si Jane. Iyong takot na nararamdaman niya ay unti-unting napapalitan ng galit. Galit na galit siya dahil parang ang dali lang para sa binata ang lahat. Sa dami ng mga nangyari sa nakaraan ay akala ba nito na gano’n gano’n na lang ang pagpapatawad na gagawin niya rito? Hanggang ngayon ay may trauma si Lana dahil sa ginawa nito sa kaniya. Siya! Kinailangan niyang lumayo sa pamilya niya para lang maging ligtas sila! Hinding-hindi niya ito mapapatawad kahit na ano pa ang gawin nito sa kaniya. 
“Ouch!”
Muntik nang matumba si Jane noong biglang may nabunggo siyang matigas na bagay. Maigi na lang at may kumapit sa kaniyang baywang kaya hindi siya tuluyang natumba. 
“Hannah!” 
“Brian?” Agad na umayos nang tayo si Jane at nagtatakang tiningnan ang binata. “What are you doing here?” 
“Checking on you? Ano’ng nangyari sa ‘yo?” 
“Ha?” 
Bumuntonghininga si Brian. “Your staff called me. Kanina pa sila nag-aalala sa ‘yo. Pagdating daw nila sa shop ay bukas na iyon pero wala ka sa loob. Then when they reviewed the CCTV, there was a man with you. Sino ‘yon?” nag-aalalang paliwanag niya. “I’m here because Rico told me the hospital called him na narito ka raw. Tinawagan ko rin kasi siya tungkol sa nangyari. I thought you were kidnapped!” 
Napanganga si Jane. Tumingin siya sa kaniyang likuran at muling tiningnan si Brian. “A-Ahm… I will explain to you later. Can we go now?” 
Tumingin si Brian sa likuran ni Jane pero wala siyang nakita kundi pasilyo lamang. Muli niyang tiningnan ang dalaga. Namumula pa ang mga mata nito at tungko ng ilong. Halatang kagagaling lang sa pag-iyak. 
“May problema ba? Is the man here?” 
“No!” Agad na hinawakan ni Jane ang braso ni Brian. “I-I mean, no one is here. Let’s go!” 
Bago pa magsalita si Brian ay hinila na ni Jane ang binata palabas ng ospital. Ayaw niyang magpang-abot pa ang dalawa dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin nito. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Rodrigo na nagbago na ito. 
“I will get the car.” 
“Sasama ako.” 
Hindi binitawan ni Jane si Brian. Sumama siya rito hanggang sa makarating sila sa parking lot. Saka niya lang binitawan ang binata noong makasakay na siya sa loob. Nakahinga nang maluwag si Jane at bahagyang napanatag. Sumakay na rin si Brian sa kotse kaya inayos na niya ang seat belt niya. Ngunit dahil nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay ay hindi niya magawang pagkabitin iyon. 
“Ako na.” 
Hinawakan ni Brian ang kamay ni Jane at ito na ang nag-ayos ng seatbelt ng dalaga. Binitawan naman iyon ni Jane at deretso lang na tumingin sa labas. Noong maayos na iyon ay napasandal siya sa upuan. Tulala siyang napatitig sa labas ng kotse at hinintay na umandar iyon ngunit hindi pa rin iyon umalis. Napatingin na siya kay Brian na nakatitig pala sa kaniya. 
“What?” 
Umiling si Brian at tumingin na sa manibela. “Hannah. I know hindi ako dapat manghimasok, but I really want to help you. And you have a lot to explain to me.” 
Napatingin sa gilid niya si Jane. Pinagsaklob niya ang kaniyang mga palad at bumuga ng hangin. Mabuting tao si Brian. Marami na rin itong mga naitulong sa kanila. Kahit ngayon na hindi naman nito obligasyon na hanapin siya ay pinuntahan pa rin siya nito. Bumuntonghininga siya at tumango. 
“Okay. I will tell you. Pero umalis na tayo rito, please?” 
Muling tiningnan ni Brian si Jane. Tumango na lamang siya at walang nagawang binuhay ang kotse. Pinaandar na niya iyon palabas ng parking lot. Ngunit bigla siyang napapreno noong makita niya ang lalakeng naglalakad sa gilid ng kalsada sa loob ng parking. Blangko ang ekspresyon nito at para bang wala sa sarili. 
“B-Brian… Go.” 
Pagtingin ni Brian kay Jane ay nakatitig din ito sa lalake. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Gusto na niyang bumaba ngunit pilit niyang kinontrol ang sarili. Oo, kilala niya ang binatang iyon. Si Rodrigo Navarro. Ang pinsan niyang kinahuhumalingan ng tatay niya ngayon. 
“Find her and kill her.” 
Natigilan si Brian noong marinig niya ang huling sinabi ng tatay niya. “You… You want me to kill Jane Acosta? I’m not a killer, Dad.” 
“I don’t care kung paano mo gagawin iyon. Just kill her, Brian. Para sa ‘yo rin ‘to. Hindi natin pwedeng hayaan na mabaliw na naman ang pinsan mo sa babaeng ‘yon!” 
Agad na nakaramdam ng ngitngit si Brian. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang kasamaang ginagawa ng mga ito. Alam din niya ang dahilan kung bakit parang asong sunod-sunuran ang tatay niya sa pinsan niya. Kaya siya nangibangbansa para hindi niya masaksihan ang mga kahayupang ginagawa ng mga ito. 
“I’m sorry. Pero hindi ko gagawin ‘yan, Dad. You called me while I’m at work just to ask me to kill someone! Are you crazy?” 
“Shut up, Brian! Hinayaan na kitang lumayo dahil ‘yan ang gusto mo. Now don’t dissapoint me and do what I want! I want her dead bago pa siya makita ulit ng pinsan mo!” 
Iyon lang at pinatay na ng tatay niya ang tawag. Napanganga si Brian at inis na binagsak ang cellphone sa lamesa. Pinagsaklob niya ang kaniyang mga palad at pinatong ang noo sa kamao. He couldn’t believe what he had just heard. 
Tiningnan muli ni Brian si Jane. Nangingilid na ang mga luha nito kaya minabuti na niyang buhayin muli ang kotse at pinaandar iyon. Noong nakita niya si Jane nang aksidente ay nakilala niya ito kaagad. Nagulat pa siya noong ibang pangalan ang binanggit nito sa kaniya. Saka niya lang nalaman ang nangyaring aksidente noong tumawag siya sa kaniyang ina at ibinalita sa kaniya ang nangyari. Sa tahimik niyang pagkakalap ng ebidensya ay nalaman niya ang mga nangyari kay Jane. Nalaman niya ang mga pang-aabuso nito sa dalaga at sa ginawa ng pinsan niya sa mga kaibigan nito. Kaya hindi na niya binanggit pa rito ang tungkol sa nalalaman niya dahil sa awa. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng pinsan niya. 
Pero isa lang ang sigurado si Brian. Hindi niya kayang pumatay ng tao. Hinding-hindi lalo na si Jane Acosta. 


Chapter 49


“Oh, my God, Hannah! You scared me!” salubong ni Rico pagbaba ni Jane sa kotse. Agad niyang nilapitan ang dalaga at niyakap nang mahigpit. “Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” 
“Can we go inside first?” Balisang tumingin sa paligid si Jane. Pakiramdam niya ay mayroong mga matang nakamasid sa kanila. 
“Okay.” Inakay ni Rico si Jane papasok ng kwarto. Sinensyasan niya si Brian na pumasok na lamang sa bahay. Tumango naman ang binata. 
Pumasok silang tatlo sa loob. Pinaupo ni Rico si Jane sa sofa saka nagmamadaling kumuha ng tubig. Pagkabalik niya ay agad niya itong inabot sa dalaga at pinainom. Naupo si Rico sa tabi ni Jane. 
“Now tell me. Paano ka napunta sa ospital? Ano ‘yong kinukwento ni Brian? I almost call Jaxon to gather up his men!” 
Pinagsaklob ni Jane ang kaniyang mga palad at mahigpit na hinawakan iyon. Sandali niyang tiningnan si Brian na nakatitig lang din sa kaniya bago muling tumungo. Naiiyak na tiningnan niya si Rico. 
“H-He’s back, Rico. I told you. Hindi niya ako titigilan.” 
Sandaling napaisip si Rico. “You mean?” 
“Who?” tanong naman ni Brian. 
Napatingin si Jane kay Brian. Doon ay napaiyak na siya dahil sa matinding takot. “I-I can trust you, right?” 
“Of course, Hannah.” 
“Wait,” pigil ni Rico kay Jane. Hinawakan niya ito sa braso at binulungan. “Are you sure about this?” 
“He already knows about him, Rico.” 
Nagtatakang tiningnan ni Rico si Brian. “How?” 
Bumuntonghininga si Brian. “I… Before I called you. Tumawag sa akin ang mga staff ni Jane sa shop niya. They informed me that Jane was missing, and they saw a man inside the shop.” 
“Fucking shit!” Napatayo si Rico. “Dapat pala the moment you saw him ay sinabihan ko na sila Jaxon na patayin ang taong ‘yan!” 
“Rico! No!” 
“What?” Muling na upo si Rico sa tabi ni Jane at hinawakan ang mga kamay nito. “I’m sorry I didn’t listen to you. Pero now, we will do something about him.” 
“But…” 
“No, Rico. You’re not going to kill anyone,” protesta ni Brian. “Can you please explain to me first? Hindi ko alam kung paano kayo susundan. Who is this man? Bakit ganito? Bakit kaniya kinuha? I need to know para alam ko kung paano ko kayo matutulungan.” 
Tiningnan ni Rico si Brian. “Brian. I am thankful about you caring with my sister. Pero hindi mo na kailangan pang maging involve rito.” 
Nangunot ang noo ni Brian. Mababakas ang pagtanggi sa kaniyang mukha. Magsasalita na sana siya pero biglang tumunog ang telepono sa kusina. 
“I will get that,” ani Rico. 
Noong umalis sa sala si Rico ay tumayo si Brian at naupo sa tabi ni Jane. “Hannah, it’s okay. Kung hindi mo kayang sabihin sa akin, I understand you. You don’t have to force yourself. But please, let me help you, okay?” 
Marahang tumango si Jane. Inakbayan siya ng binata at pinasandig sa balikat nito. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Hindi na siya dapat matakot ngayon kay Rodrigo. May mga kaibigan na siyang handang tumulong sa kaniya hindi kagaya noon na nag-iisa lang siya. Dapat ipakita niya rito na kaya na niyang lumaban. 
“Jane! Jane! We need to go!” natatarantang sigaw ni Rico mula sa kusina. 
“Jane who?”
“What’s wrong?” 
Halos magkasabay na tanong nina Brian at Jane. Napaupo nang maayos ang dalaga at nagtatakang tiningnan si Rico na humahangos mula sa kusina. 
“I-It was the nursery teacher. Someone took Renz!” 
Biglang binundol nang matinding kaba si Jane. Dali-dali siyang tumayo at patakbong lumabas ng bahay. Nagmamadaling sumunod naman sa kaniya ang dalawang kasama. Sasakay na sana siya sa driver seat pero pinigilan siya ni Brian at pinaupo sa likuran. 
“No! I need to get my son!” 
“Hannah, stop! Ako na ang magmamaneho! You can’t drive like this!” 
Napasigaw si Jane at sinunod ang binata. Wala siyang panahon para makipagtalo pa sa binata. Sumakay siya sa likod ng kotse habang ang dalawa naman ay magkatabi sa unahan. 
Panay ang tingin ni Rico kay Jane habang bumabyahe sila. Inabot niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. Tiningnan lang siya ng blangko ni Jane. Kung kanina ay umiiyak ito, ngayon ay para blangko ang ekspresyon nito. Para bang hindi nito malaman kung ano ang ipapakitang emosyon sa kaniya kaya lalo siyang na awa sa kaibigan. Hindi naman niya maiwasang lalong magngitngit kay Rodrigo. Sigurado siya na ito ang kumuha sa anak nila! 
Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa nursery center kung nasaan si Renz. Agad na bumaba si Jane sa sasakyan at tinakbo ang building. 
“Renz!” 
Nasa pasilyo pa lang si Jane ay sinisigaw na niya ang pangalan ng anak. Agad na may sumalubong sa kaniyang mga staff at teacher. 
“Miss Hannah.” 
“Where’s my son? I need to see him!” natatarantang sabi ni Jane. 
“Miss. Someone came. He said he is the father–”
“Father? My son doesn’t have a father! Who is he?!” 
“I-I’ve ready the CCTV footage.” 
Hinawakan ni Brian si Jane sa braso at hinarap sa kaniya. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito at sinalubong ang mga mata. 
“Calm down.” 
“I can’t, Brian!” Tinulak ni Jane ang binata. “Hindi ko kayang mag-relax kung may kumuha sa anak ko!” 
“Jane. I’ve already texted Jaxon. Ngayon ay chini-check na nila ang city. Hindi makakalayo kung sino man ang kumuha kay Renz,” balita naman ni Rico. 
Huminga nang malalim si Jane. Kanina pa mabigat ang pakiramdam niya pero pilit niyang kinakalma ang sarili. Napakapit siya bigla kay Brian dahil pakiramdam niya ay matutumba na siya sa sobrang panghihina. Inalalayan siya nitong pumunta sa security room ng building kung nasaan ang mga monitor ng CCTV. Bilang na ang paghinga ni Jane dahil sa matinding pagkabog ng kaniyang dibdib dahil sa labis na pag-aalala. Kahit na paulit-ulit na sinisigaw ng isipan niya na kilala na niya kung sino ang kumuha sa kaniyang anak at nagpakilalang tatay ay pilit pa rin niyang pinaniniwala ang sarili na hindi iyon si Rodrigo. Ngunit noong dumating na kami sa kwarto ay napahagulhol na lamang si Jane. 
Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit matagal niyang hindi nakasama ang binata ay kilalang-kilala niya ang tindig nito. Hawak-hawak ni Rodrigo sa kamay ang anak niya habang papalabas ng establisyimento. 
“Hayop!” sigaw bigla ni Jane at napahagulhol. Maging sila Rico ay hindi makapaniwala sa nakita.
“I will call Jaxon.” Nagmamadaling lumabas si Rico ng silid. 
“I’m sorry, Ma’am.” 
“You shouldn’t let any strangers take kids here! We will sue your school because of this!” galit na sabi ni Brian. 
Hindi na makapagsalita si Jane dahil sa pag-iyak. Nanginginig ang buong katawan niya at mabilis ang pagtibok ng puso. Akala niya nakalaya na siya kay Rodrigo. Akala niya ay nagawa na niyang makawala rito. Ngunit nagkamali siya. Sa muling pagkikita nila ay mas matinding sakit pa ang ibibigay nito sa kaniya. Inakay na siya ni Brian pabalik ng kotse at doon ay pinaupo. 
“Who is this?”
Napatigil sa pag-iyak si Jane noong marinig niya si Rico na nagsasalita. Napatingin ito sa kaniya. 
“Fuck you! Where are you?! Where’s Renz?!” 
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jane. Dali-dali siyang bumaba ng kotse at lumapit kay Rico. Bago pa man ito makapagsalita ulit ay inagaw niya ang cellphone mula rito. 
“Rodrigo! Nasaan ang anak ko? Ibalik mo siya rito!” 
“Jane. Ikaw na ba ito?” 
“Hayop ka! Kailan mo ba ako titigilan?!”
“Jane… You are mine. You are my wife. We should be together with our son. You know that.” 
Naikuyom ni Jane ang kaniyang mga palad. “Ibalik mo ang anak ko!” 
“Sure. Alam mo naman kung saan mo siya susunduin.” 
Nangunot ang noo ni Jane. “W-What do you mean?” 
“Mommy! We are meeting my lolo and lola!” 
Natigilan si Jane noong marinig ang boses ni Renz. Nasapo niya ang kaniyang dibdib at huminga nang malalim. “R-Renz? Where are you? I will get you.” 
“Ahm. I don’t know, mommy.” 
“Tell mommy that we will ride a plane soon and we will wait for her,” narinig ni Jane na bulong ni Rodrigo mula sa kabilang linya. 
Napanganga si Jane. “R-Renz. Give the phone to that man. And he is not your father!” 
“Don’t shout at him, Jane,” saway sa kaniya ni Rodrigo. 
“Shut up, Rodrigo! Ibalik mo na ang anak ko!” 
“Sure. We will meet you at our home. You know where.” 
“What? Rod– Rodrigo!” 




Chapter 50


“What do you mean you will go to the Philippines?” nagtatakang tanong ni Rico kay Jane habang pinapanood itong mag-ayos ng mga gamit. 
“Narinig mo siya, Rico. I need to go there. Kinuha niya ang anak ko!” 
“Hindi sila makakaalis dito nang hindi nakikita ng mga tao ni Jaxon, Jane. Can we just wait for their update?” 
Inis na binitawan ni Jane ang mga damit sa kama. “You don’t know him, Rico. For now, sigurado ako na nasa eroplano na sila at bumabyahe na pauwing Pilipinas! And I need to go there!” 
“You’re not safe there, Jane! Kailan ka ba makikinig sa akin?!” Nagtaas na ng boses si Rico. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya pinakikinggan ni Jane. Kanina niya pa ito tinatawag at sinasabing maghintay at huminga muna dahil ginagawan na nila ng paraan ngunit hindi naman ito natigil. 
“I can’t wait, Rico! My son is out there with that monster! I can’t just wait here!” 
“Okay!” Biglang namagitan si Brian sa kanilang dalawa na nakatayo lang kanina sa may pinto ng silid. Hinarap niya si Rico. “I will talk to her, Rico.” 
Iniikot ni Rico ang kaniyang mga mata. “Mas maigi pa nga!” inis na sabi nito at nagmartsa palabas ng kwarto. 
Napabuntonghininga si Brian at sinundan ito ng tingin. Noong mawala na ito ay hinarap naman niya si Jane. Nag-aayos na ulit ito ng mga damit na inilalagay sa maleta. 
“Jane,” tawag ni Brian sa dalaga. “Jane. Let’s talk first.” 
Inis na tumigil si Jane at tiningnan ang binata. “What? Pipigilan mo rin ako?” 
Umiling si Brian. “Are you really going to do this?” 
“Yes. At buo na ang desisyon ko. Wala akong pakealam kung ano ang mangyari sa akin, Brian. I need to get my son away from him!” 
“Alam mo naman ang mangyayari sa ‘yo, ‘di ba?” 
Nangunot ang noo ni Jane. “I know, Brian. Thank you for your concern but wala ka nang pakealam doon. Ayaw kitang madamay.” Muling hinarap ni Jane ang maleta niya. Sinara na niya iyon at ibinaba sa kama. Sigurado na siya na susundan niya si Renz. Hindi niya pwedeng hayaan ito kay Rodrigo dahil sigurado siya ikapapahamak iyon ng kaniyang anak. 
“Fine. But I will come with you.” 
Napatigil si Jane sa paglalakad noong marinig niya ang sinabi ni Brian. Kukuhain niya sana ang passport niya para umalis na. Nilingon niya ang binata at hindi makapaniwalang tiningnan ito. 
“Brian, hindi ko kayang mag-alala pa pati sa ‘yo. Kaya please? Stop it!” 
“Jane Acosta. You can’t go alone to your husband.” Tinitigan ni Brian sa mga mata ang dalaga. 
Lalo namang nangunot ang noo ni Jane. Masyado nang magulo ang isipan niya pero natatandaan niyang wala silang nasabi kay Brian tungkol sa apelyido niya at kung sino si Rodrigo. Hindi siya sumagot at nakipagtitigan lang din dito. Para itong may gustong sabihin pero hindi nito masabi. 
“How?” 
“Marami ka pang hindi alam, Jane.” 
Napalunok si Jane. Hindi siya sumagot at hinintay ang binata hanggang sa kusa na itong magpaliwanag sa kaniya. 
Sa huli ay hinayaan ni Rico na makaalis si Jane pauwing Pilipinas. Hindi na rin kasi nila na abutan sila Renz sa airport. Tama nga ang sinabi ni Jane. Hindi sa malapit na airport sumakay pauwing Pilipinas ang dalawa kundi sa ibang state pa kaya hindi na nila nahabol pa ang mga ito. Gusto sana niyang sumama ngunit napagkasunduan nila na si Brian na lamang ang sasama sa dalaga. Ngunit hindi nito maiwasang magtaka dahil kahit payag ang dalaga na si Brian ang sumama ay hindi sila nag-uusap. 
Buong byahe ay tahimik lamang si Jane. Kanina pa siya sinubukang kausapin ni Brian ngunit hindi niya ito iniimik. Gusto niyang magalit ngunit napangungunahan siya ng nararamdaman niya. Sa tinagal-tagal na magkakilala pala silang dalawa ay alam nito ang tunay na pagkatao niya. Wala siyang kaideideya na napaglalaruan na pala siya nito. Ayaw niyang maniwala na wala itong kinalaman kaya nalaman ni Rodrigo kung na saan siya. Paano? Magpinsan pala ang mga ito! 
Ngunit kahit na gano’n naman daw ay mabuti ang hangarin sa kaniya ni Brian. Bigla tuloy nalito si Jane sa kaniyang nararamdaman. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong pagkatiwalaan lalo na’t nalaman niya na inuutusan pala itong gawan siya nang masama.
Hayop! inis na sabi ni Jane sa kaniyang isipan noong maalala niya si Clarixto. Alam kaya ni Rodrigo na gusto siyang ipapatay ng tiyuhin nito? Sabagay. Ano pa nga ba ang pinagkaiba noon? Kung si Rodrigo nga ay halos patayin na siya noon. 
Inabot ng isa’t kalahating araw ang byahe nila pauwing Pilipinas. Gabi noong dumating sila kaya na isipan ni Brian na manatili muna sila sa isang hotel bago magbyahe pauwing Samar. Ngunit ayaw magpapigil ni Jane. 
“Hindi ko pwedeng sayanging ang oras ko, Brian. Kung gusto mong mag-stay muna rito. Then go.” 
“Jane. We need to plan how we can get you and Renz out of Rodrigo’s sight. Akala ko ba alam mo kung ano ang mangyayari sa inyo kapag makabalik ka na roon?” 
“I know and I don’t care. Ang importante ay makuha ko si Renz.” 
“Can you please stop being impulsive?” may halong inis nang sabi ni Brian.
“I can’t trust you, Brian! Alam mo ‘yan!” 
“You don’t have to trust me! Just listen to me!” Bahagyang tumaas na ang boses ni Brian. Hindi niya pinansin ang ilang mga balikbayan na dumadaan sa gilid nila. 
Doon ay parang natauhan si Jane. Nag-iwas siya ng tingin at hindi na sumagot pa. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tumingin na lamang sa kalsada. 
“I will call a taxi for us.” 
Hindi ulit sumagot si Jane. Hindi na siya mapakali dahil dalawang araw na niyang hindi nakikita ang anak. Pakiramdam niya ay mahihirapan na siya kapag umabot pa ng ilang araw bago niya ito makita. At isa pa, baka kung ano na ang ginagawa ni Rodrigo rito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito tumatawag sa kaniya. Ini-expect niyang alam na rin nito ang numero niya dahil si Rico nga ay natawagan nito. Siya pa kaya? 
Hindi nagtagal ay nakahanap ng taxi si Brian. Sumakay sila roon at nagpahatid sa pinaka malapit na hotel. Nag-check in sila sa magkaibang kwarto at doon ay naghiwalay muna. 
Noong makapasok si Jane sa loob at makaupo sa kama ay doon lang siya nakaramdam ng pagkahapo. Kusang nahiga ang kaniyang katawan at ipinikit ang mga mata. Sunod-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. 
Hinding-hindi ko hahayaan na maabuso mo pa ako ulit, Rodrigo. At lalong hindi ko hahayaan na saktan mo ang anak ko! 

 Chapters 51 to 55


Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)

#buttons=(Accept !) #days=(20)

Our website uses cookies to enhance your experience. Check Now
Accept !